"mag papapicture tau."Kumunot ang noo kong binalik ang paningin sa dalawa. Tumingin din ako sa paligid, medjo kunti nalang tao. Hinila na ako ni sky at hinalikan sa pisngi."ayy may girlfriend!"hoyyNapalingon ulit ako sa banda nila ng marinig ko ang sinabe ng dalawa na parang nanghihinayang. Hindi ko boyfriend to pero bago pa ako maka react hinila na ako ni sky papasok sa loob."ang tagal mo? what took you so long?." inis na sabe nito nong nakapasok na kami sa kotse niya. Pina andar niya kaagad ang kotse paailis dito."meron lang kaming ginawa." simpleng sabe ko. Nauna ng umuwi si Era at kate, nasa intrance sila dumaan kase andon nag hihintay ang sundo nila."I texted you many times at kahit isang reply lang wala akong natanggap galing sau." inis na sabe nito. Sa boses palang. Nakalimutan kong gamitin ang phone ko. Hindi na ako nag abalang tingnan ito kanina. Kinuha ko ito sa bag ko at binuksan at tumambad nga sa akin ang madaming tawag at text nito."sorry na." hinging paumanhin k
KYLEE POV.Nagising ako dahil sa katok na mula galing sa labas ng kwarto ko. Dahan dahan akong humarap sa kisame ko mula sa pagkadapa. Kinusot ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako dahil sa pagod. Bago pa ako makatayo bumukas na ang pintuan at pumasok si ate lena na may dalang pagkain."kumain kana. Kanina pa tapos sila kumain doon sa baba. Pinuntahan kita dito pero hindi ka magising." sabe ni ate lena pagkatapos nilapag ang pagkain sa side cabinet. Ngumuso ako at kinusot ulit ang mga mata. Pagud na pagud pag uwi ko dito."pagkatapos mong kumain, mag half bath kana at bumalik kana sa pag tulog." hindi ako nag salita sa mga sinasabe ni ate. Blangko parin ang utak ko. Inaantuk pa ako. Tiningnan ko ang sarili ko at napagtanto kong hindi pa ako nakapag bihis. Dahan dahan akong bumaba sa kingsize kong bed at ginawa nga ang sinabe ni ate. Kumain ako saka nag halfbath at nag soot din ng pantulog.Nagising din ako kinabuksan dahil sa katok na naman ng kong sino. Agad akong bumangon ng namata
"Easy? Hindi ako pumapatol sa bata." mas lalo akong nainis sa sinabe nito. Bata? Really? Inis akong tumayo pero ang lalaking to tinaas lang ang kamay bilang pag suko. Inis kong kinuha ko ang bag ko at umalis.Kakasabe ko lang na iwasan e pero alam kong imposible dahil iisa lang kami ng paaralan. Nilagpasan ko ito pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya ako at pinigilan."just kidding." nakangising sabs nito. Kahit hindi ako nakatingin dito, ramdama kong nakangisi ito. Natatawa siya sa sitwasyon ko ngaun at yong kanina.Nagulat nalang ako ng hinila niya ako kong saan pero dito parin naman sa library. Nag pumiglas ako pero hindi niya ako hinayaan na makawala. Umakyat kami sa second floor ng library at hinila pa pinakdulo hanggang sa napunta kami sa isa pang pinto at pumasok kami doon at tumambad sa akin ang opisina."gusto ko lang gamutin mo ang mukha kong tumama sa simento dahil sa pagpatid mo." pinaupo niya ako sa soffa habang siya naman ay kumuha ng first aid kit. Tumingin ako sa
Lumunok ako at hindi makapaniwalang tingnan ang dalawa na hindi matanggal ang mata sa kaharap namin."so ahh i expect you two na kilala niyo na ako?." sabay na tumango ang dalawa. Ngumiti si ethan bago ito tumingin sa akin at nag lahad din ng kamay. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Tiningnan ko ang kamay nito. Isang buwan ko silang nakita tapos masisilayan ko ulit si ethan."i'm kylee." nagpakilala ako dahil takot ko sa lalaking to. Baka e kick pa ako dito, pag sabihan niya pa yong king. Tumango ito at kinagat ang pang ibabang labi."i wanna join you, pupunta kayong canteen? So can i?." hindi ako makapag salita sa sinabe nito. Nagulat ako ng biglang kumapit si Era sa braso ni ethan habang hinahaplos ito. Ngumuwi ako sa galaw ni era.ang landi!"oo naman kaso baka saktan kami ng mga admirers mo dito." si era habang nakangiting nakakapit sa braso ni ethan. Ikaw lang kase ikaw lang yong naka kapit. Hindi ko alam kong matatawa ba ako dito o hi
Napatalon ako ng marinig ko ang boses ni yuan sa likod ko. Nanatili parin akong naka upo, lumingon ako dito pero napatingin lang ako sa sapatos nitong pang basketball. Dahan dahan akong tumayo at hindi pinahata ang sakit ng pwet ko."naisturbo kaba? S-sorry, napadaan kase ako dito.." hilaw na ngiti na sabe ko. Masakit ang katawan sa lakas ng bagsak ko."A-ah sige aalis na ako." nakangiting sabe ko na kunwari walang dinamdam na sakit. Nilapagsan ko ito ngunit sa isang mabilis na galaw ay inangat ako nito na pang bride. Tumili ako sa gulat at nakakapit sa damit nitong pang basketball. Kahit pawis pawis ito, mabango parin."stop trying hard,alam kong hindi maganda ang pagbagsak mo." malamig nitong sabe bago ako pinasok sa music room at nilapag kaagad ako sa stage. Tumingin ako sa paligid at tumambad sa akin ang guitara, bass at kong ano ano pa."mahilig ka pala sa music? Ang galing mo ah" Sempre kailangan kong magsalita dahil sa awkward na naramdaman ko.Hindi ito sumagot"pwede ka bang
KYLEE POV.Lumabas kaagad ako sa classroom ng natapos ang klase kasunod ang kaibigan ko. Dito ako dumiretso kanina pagkatapos kong umalis sa music room. Panay ang tanong sa akin ng kaibigan ko kong anong sinabe ni king kanina pero iisa lang ang sagot ko.."wala nga.."At buti nalang tumigil din pero alam kong hindi parin sila naniniwala. Wala na akong pakealam don. Kumunot agad ang noo ko ng makita ko ang classmate ko ang saka mga student na tumatakbo habang kinikilig."anong meron?" nagtatakang tanong ko. Nasa tabe ko na ang kaibigan ko."sempre nasa cover court ung apat nag lalaro kaya panigurado yan ang dahilan kong bakit sila nag mamadali." tumango ako bilang sagot sa sinabe ni Eros. Hindi rin ako pupunta doon baka makita nila akong apat. Heck! No way. Ayaw ko pang mamatay."let's go, gutom na ako." si kate at nauna ng lumakad. Sumunod kami ni eros dito habang nag sasalita parin. Balak ata niyang pumunta doon kong hindi lng gutom si katePumasok kami sa canteen. Kunti lang ang tao
Pwede naman hindi na tapusin ang party ni lola diba? Tama! Ngumisi ako saka ako pumasok sa kwarto ko. Mag papatulong ako sa kapatid kong tumakas doon. He can't say no when it comes to me. Dumiretso ako sa banyo pagkatapos kong nilapag ang back pack ko.Natulog ako ng maaga pagkatapos kong kumain. Nagising din ako ng maaga dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kahit natulog ako ng maaga, inaantuk parin ako. Wala sa sarili akong bumangon at dumiretso sa banyo para makapag ligo na. Nawala kaagad ang antuk ko ng tumama ang malamig na tubig sa ulo ko pababa sa katawan ko.Nagbihis din ako. Hindi na ako nag abalang mag breakfast na. Dumiretso ako palabas at tumambad sa akin si butler jhon. Pumasok kaagad ako pagkatapos akong batiin nito.Ganun parin ang takbo ng araw ko sa school. Panay ang klase namin dahil sa darating na intrams. Hindi ko masyadong nakikita yong apat dahil araw araw silang merong try out. Lagi kong kasama ang kaibigan ko at minsan nalang din namin kasama kumain
Tapos na kaming kumain. Medjo natagalan kami dahil nasarapan kami sa kwentuhan at pagkain. Nag kukulimlim narin ang kalangitan hudyat na malapit na gumabe.Kinabahan kaagad ako kapag hindi pa ako nakauwi ng bahay dahil panigurado mag papa search and rescue na ang magulang lalong lalo na si Dad."are u sure?.."tumango ako at naunang pumasok sa kotse. Pinahurot kaagad ni manong ang kotse paalis ng mall. Hanggang sa loob ng kotse ay binuksan na kaibigan ko ang nabili nilang dress.Nasa likod kaming pareho ni Eros at nasa front seat naman si kate. Pinag usapan nila ang tungkol sa damit na susuotin nila. Nakakalito talaga ang mga ito. Magpapatahi o magpapagawa lang pala ng damit.Ilang sandali pa narating kaagad namin ang paaralan. Nauna akong lumabas pagkatapos makapag paalam sa kanila. Sarap magkaroon ng kaibigan na tulad nila. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng kaibigan.Kumway ako sa kanila. Sinungaw pa ni eros ang ulo niya sa bintana at sinigawan akong pupunta ako sa acquantan
"Why?.." Malamig pa rin ang kaniyang boses at hindi man lang nagbago. Huminga ako ng malalim!"Bumalik ka na roon, hindi pa tapos ang laro tapos kailangan ka nila..." Mahina pa rin ang boses ko. Sumalubong ang kaniyang kilay!"Kaya na nila iyon.." Malamig niyang sabe sa akin bago muli siyang tumalikod. Nataranta kaagad ako at kaagad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso. Natigilan si king. Hinrap ko naman siya."Pero kailangan ka nila. Kailangan mong bumalik doon.." Sabe ko pa na mas lalong ikinasalubong ng kaniyang kilay."Bakit hindi nalang ikaw ang bumalik doon at suportahan si Red sa laro tapos bilhan mo pa ng energy drink para mas maganda ang laro niya..." what?Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabePaano napunta kay Red ang usapan kung ang gusto ko lang naman ay bumalik siya roon para maglaro ulit. Kailangan siya ng kaniyang kasamahan. Saka anong meron doon kay Red? Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon at kanina pa kami nag usap."Fúck it..." Rinig
"Lets go, sa likod tayo dadaan.." Nakangiting balita sa amin ni Eros. Kumunot ang noo ni Kate."Ha?, Pwede ba tayo dumaan doon?.." Nagtatakang tanong ni Kate. Bawal kase ang studyante na pumasok sa likod ng court na ito dahil para lamang iyon sa mga players saka sa mga stuff o kabilang sa mga maglalaro."Oo naman no pwede, naka usap ko si josh pwede tayong papasok doon.." Si josh ang tinutukoy niyang SSG president. Napangiti kami ng tuluyan saka hindi nag dalawang isip na tumakbo doon. Rinig na rinig pa rin namin ang sigawan sa loob dahil sa laro. Gusto ko ng manood at sempre gusto ko rin makita si King.Kaagad naman kaming nakapasok dahil na rin sa tulong ni Josh ang SSG president na kaibigan ni Eros. Tumambad kaagad sa amin ang mga stuff, instructors, yung mga student na assign sa mga drink at marami pang iba. Nakayuko kaming nilagpasan sila saka kami pumasok sa court talaga at halos mapasinghap ako sa sobrang dami ng tao."Eros dito..." Namataan kaagad namin si Josh na nauna na pal
Kaagad napunta ang mata ko sa lupa at nakita ko roon ang burger na meron ng kagat. Kaagad akong yumuko at kinuha ito at hindi na pinansin ang uniform kong basa."Miss hindi ka ba tumingin sa dinadaanan mo?.." He's pissedNapalunok ako!Natulala ako sa kaniyang burger na mukhang hindi na makakain kase naman madumi na saka may lupa na. Dahan dahan akong tumingala sa kaniya dahilan para tumambad sa akin ang isang gwapong lalake na naka uniform na pang basketball."Hindi ko sinasadya, i am sorry..." Mahina kong sabe. Ilang saglit kaming nagtitigan dahilan para makita ang unti unting paglaki ng kaniyang singkit na mata at paglaglag ng kaniyang panga. Kumunot ang aking noo at yung galit kanina sa kaniyang mukha ay unti unting nawala at napalitan ng paghanga saka malambot na expressionDahan dahan akong tumayo!"Im sorry talaga, papalitan ko nalang okay lang ba?.." Natarantang tanong ko pero wala akong nakuhang sagot dahil natulala lamang ito sa akin.Kumurap kurap ako!"Is that Red?..""Shí
Ngumuso ako!Hindi na ako sumagot sa kaniyang tanong instead ay dahan dahan akong yumuko. Humawak ako sa mesa saka dahan dahan na yumuko hanggang sa magpantay ang mukha namin ni Ethan. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Ethan dahil sa ginawa ko. Bahala na si batman, talagang desperada lang akong malaman kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman."What are you doing?.." Bulong ni Ethan sa aking mukha. Hindi siya makagalaw at parang nag ugat ang kaniyang paa kung saan man siya naka upo ngayon.Lumunok ako!"W—wag kang magagalit sa gagawin ko ha? May gusto lang naman akong patunayan e..." Sabe ko sa kaniya"What?.." Sabe ni Ethan na mukhang gulat na gulat pa rin.Huminga ako ng malalim saka ko naman nilapit ang aking labi sa kaniyang pisngi. Ramdam ko ang paninigas ni Ethan dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakealam roon. Pumikit ako saka pinakiramdaman ang aking sarili pero pang huling beses muli akong nabigo dahil talagang walang epekto sa akin si Ethan, Yuan, Enzo o yun
Tinawag ko na ito nang medyo malapit na ako sa kaniyang pwesto. Nakita ko naman kung paano huminto si Enzo sa paglalakad dahil narinig niyang tawag ko. Nakahinga ako ng maluwag doon nung tuluyan siyang huminto. Hays salamat naman. Kitang kita ko rin na nilibot pa ni Enzo ang kaniyang mata sa buong corridor bago niya ako nahanap.Kumaway naman ako sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa huminto ako sa kaniyang harapan. Hinihingal ako at halos hindi na ako makahinga ng maayos. Napahawak pa ako sa aking dibdib"Hey are you okay?.." Nag aalalang tanong ni Enzo bago hinaplos ang likod ko. Tumango ako kahit hinihingal pa rin ako. Ilang minuto muna akong nagpahinga hanggang sa unti unti nang bumabalik sa normal ang paghinga ko.Hinarap ko si Enzo!"Pwede ba akong humingi ng favor?.." Tanong ko kaagad at hindi na nagpaligoy ligoy pa. Kumunot ang noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. Wala na pala yung babae kanina at mukhang naunang umalis."What is it?.."
Kaagad akong pumuwesto sa tree points at sinigurado ko talagang sapul ang bola sa ring."Go Tristan!!!!..."Ishoot ko na sana ang bola nung marinig ko ang boses na iyon na talagang umalingawngaw sa buong court. Mas malakas pa ang kaniyang boses sa mga taong nagtitilian. Kumunot ang aking noo at hinanap ang boses na iyon at napunta kaagad ang aking mata sa isang babaeng malaki ang ngiti habang nakatingin sa akin.Ella?Anong ginagawa niya rito?"King...." Bumalik lang ako sa ulirat nung naramdaman kong wala na sa akin ang bola dahil kaagad itong naagaw ng kalaban. Napailing ako. Narinig ko kaagad ang marahas na sigaw ni couch sa bleachers namin. Napatingin ako kay ella, anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Akala ko ba mamaya pa ang uwi niyan?Muli akong napailing!"Ferrer focus!.." Sigaw ni couch na nasa tabi ni ella. Bumuntong hininga ako saka muling naglaro. Nag focus nga ako muli sa laro at hindi na pinansin si ella na sumisigaw sigaw. Natapos kaagad ang first quarter na kami ang la
KING POV."Kain muna tayo, gutom na ako.." Sabi ni Yuan nung nasa loob na kami ng locker. Pinag break muna kami ni couch dahil meron pa silang meeting about sa intrams. Tahimik lang ako habang nagpupunas ako ng pawis ko."Gutom na rin ako.." Segunda naman ni Ethan. Tumingin silang lahat sa akin na parang hinihintay nila ang desisyon ko. Tinaasan ko sila ng kilay saka ako dahan dahan napailing"Lets go.." Sabe ko bago ako naunang lumabas.Gutom na rin naman ako dahil kaninang pa kami rito sa court nag eensayo dahil nextweek na ang laban namin. Kinuha ko kaagad ang selpon ko at tiningnan ang huling message namin ni kylee. Kumunot ang aking noo na hindi man lang nag message sa akin. Binalik ko ang phone ko sa aking bag saka nagpatuloy sa paglalakad. Siguro naman nandito na siya sa paaralan or nasa canteen na.Palabas na kami ng court nang namataan namin si Enzo na merong kausap na babae. Natigil kami sa paglalakad dahil sa nakita namin. Narinig ko kaagad ang yapak ng kaibigan kong lumapi
"Sinurprise ni ella sa king sa gitna ng laro..""Bagay na bagay talaga ang mag couple na ito.."Natigilan kaming tatlo nang marinig naman ang bulungan na iyon. Sabay sabay kaming napalingon sa tatlong babaeng kakapasok lang ng canteen. Namataan ko rin ang mga ibang babae na dali daling lumabas na ikinakunot ng noo namin. Pero teka tama ba ang narinig ko? Si ella at si king?"Anong nangyare?.." Naguguluhan na tanong ni Eros pero wala ni isa amin ni kate ang sumagot, sempre hindi namin alam. Tumayo kaagad si Eros at nilapitan ang tatlong babaeng kakapasok lang. Sumunod kaagad kami ni Kate na lumapit doon."Anong nangyare?." Tanong ulit ni Eros na ngayoy kaharap na ang tatlong babae. Nanatili akong nakatingin sa kanila habang naghihintay rin sa kanilang sasabihin."Si miss ella sinurprise si king sa gitna ng laro.." Sabe nung babae na animong sobrang nakakakilig.Napamaang ako at rinig na rinig ko naman ang marahas na singhap ng mga kaibigan kong nasa gilid ko lang. Hindi ko alam kung an
Gusto kong tumawa ng marinig ko ang boses lalaki ni Eros nung nagsalita ito. Nagkatitigan kami ni Kate at palihim tumawa. Pinigilan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkagat sa aking labe. Umiwas ako ng tingin saka kumain nalang ng cake na inorder para sa akin ni king.Nagpatuloy kami sa pagkain at habang tumatagal naman ay nagiging komportable na rin ang mga kaibigan ko. Pinag uusapan na nila ngayon ay tungkol sa laro at paparating na intrams. Hindi ako makasabay sa kanila dahil kumakain ako at ganun din si king pero natigil lamang kami sa pagkain nang biglang tumunog ang phone ni king sa kaniyang bag pero hindi sapat iyon upang tumigil sa pag uusap ang kaibigan ko at kaibigan ni king.Napatingin ako kay king nung kinuha niya ang kaniyang phone at nilabas ito saka tiningnan kong sinong tumawag. Natigilan ako ng mabasa ko ang pangalan ni Ella na tumatawag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Biglang bumagsak ang puso ko sa dahilan na hindi ko alam. Kaagad akong umiwas ng