Si enzo?Nanlaki ang mata ko sa narinit. Who's that girl? Kaagad ko silang hinanap at hindi naman ako nahirapan. Nagpunta kaagad ako sa isang bulaklak at doon nagtago. Tiningnan ko sila at si Enzo nga ang lalaki tapos ung babae naman ay kaibigan ni Ella, or sa isang alipores niya."And?." Walang emosyong sagot ni Enzo. Tiningnan ko itong maigi. Ngayon ko pa nakita si enzo na ganito ka seryoso. Tumatawa pa ito kanina sa canteen eh tapos ngaun ay seryoso na at walang emosyong makikita sa mukha nito."I said I like you." Ulit ng babae. Huminga ng malalim si Enzo."Anong gusto mong gawin ko? Look kong anong meron tayo hanggang don lang, yes we kissed pero hanggang don lang. Mabuti pa itigil na natin kong anong meron tayo dahil hindi ko akalain na magugustuhan mo ako." Seryosong sabe ni Enzo. Hindi makapaniwala ang babae sa sinabe ni Enzo. Ngumuso ako ng makita ko kong paano tumulo ang luha nong babae bago ito tumakbo.She's hurt!Bumalik ang mata kay Enzo na ngayoy sinundan ng tingin ang
"I have to go king, see u tomorrow!" Malambing na paalam sa akin ni Ella bago ako hinalikan sa pisngi. Tumango lang ako at hindi na pinansin. Natulala ako ng ilang saglit kahit na nakita ko ang tatlong kong kaibigan na kumuha ng towel upang pang punas ng pawis."LISTEN EVERYONE, BUKAS ULIT." anunsiyo ni couch. Tumango silang lahat maliban sa akin."Mauna na kami? Gutom na kami." pagpaaalam sa amin ng kasama namin. Tumango kami bago sila nakipag high five. Kaming apat nalang ang natira dahil unti unti naring nag si alisan ang mga student.Tumayo na ako at kinuha ang bag ko bago ako dumiretso sa shower room. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin pero hindi ko na pinansin. Tahimik kaming apat."Labas tayo?." Si enzo ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming apat. Napatingin kami dito maliban kay Yuan na nasa locker ang paningin."Kakalabas lang natin kahapon" sagot ni Ethan bago ito naghubad ng jersey. Nagkibit balikat ako bago ko kinuha ang tshirt ko."Iba naman kahapon at sa ngayo
Natahimik kaming tatlo. Namagitan ang tahimik sa pagitan naming apat. Laglag ang panga ni Ethan habang nakatingin kay Enzo. Natigil din ako sa pag simsim ng alak ko dahil sa sagot ni EnzoBumilis ang tibok ng puso ko sa isang dahilan na hindi ko alam kong bakit. Mas lalo kaming natahimik. Buong buhay naming magkasama ay ngaun palang namin nakita si Enzo na maging ganito sa isang babae."Naalala niyo ba yong kwento ko sa inyong sumampal sa akin?" Biglang tanong nito. Nanatili itong nakapikit habang lasing na nagsalitaWalang nagsalita sa aming tatlo at hinayaan namin si Enzo na magpatuloy."Hindi lang ata pisngi ko ang tinamaan niya HAHAHAHA d*mn girl, pati puso ko tinamaan. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya ung babaeng kakaiba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko." Ngising sabe nito na parang nagsasalitang natutulog. Sinubukan nitong umupo ng maayos pero hindi niya nagawa." Sabe ko sa sarili ko, tinamaan lang ang ego ko kaya ganito ang naramdam
Yumuko ako, nanginginig ang buo kong katawan dahil sa matinding pagpigil upang hindi tuluyang lumabas ang tawa ko. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko. Napahawak pa ako sa batok ko habang nakayuko."Lol, baliw to." Rinig kong komento ng isa sa mga kaibigan ko.Tiningnan ko ito ng seryoso pero sa oras na un parang gustong kumawala ng ngiti ko. Umiling iling akong umiwas ng tingin bago ko binalik kay Kylee na ngayoy naka upo na sa isang upuan habang pinagitnaan ito ng dalawa niyang kaibigan.Nagtama ang mata namin!Kitang kita ko ang gulat sa mata nito. Kaagad itong umiwas ng tingin at kitang kita ko ang pasimple niyang hawak sa kwelyo ng uniform niya at tinaas ito ng bahagya upang matakpan ang pink na band aid.Hindi ko na napigilan!Humalakhak na ako!"Naka drugs kaba? Anong klasing tinira mo?." Hindi makapaniwalang sabe ni Gio. Hindi ko ito pinansin dahil nanatili akong nakangiti habang pinagmamasdan si Kylee na ngayoy sinusubukang iwasan ang titig ko.KYLEE POV.Nakakainis!Nasa har
"Pwede pa picture?." Alinlangan nitong tanong sa akin. Pumula ang kaniyang pisngi bago siya bahagyang naphilot sa kaniyang batok, tila nahihiya. Natigilan ako at nakaramdam kaagad ng pagkailang.You know, homeschooled ako at bago ito sa akin, napamaang ako bago ko nilingon si Eros na namamanghang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Panigurado type niya. Kahit ilang sandali lang kaming magkasama ni Eros, kilala ko na ito lalo na pagdating sa paglalandi."Oo naman.." Nagulat ako ng si Eros ang sumagot na nakangisi habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya na nagtatanong pero tinulak niya lamang ako palapit sa lalaking hindi ko kilala, basta captain sa kabilang team na kalaban nina King.Speaking of them. Napalingon ako sa banda ng ka team nina King na nakikipag batian din sa mga fans. Wala na sina King doon kasama ang tatlo nitong kaibigan dahil batid kong nasa shower room ito ngayon.Binalik ko ang mata kay Eros na nakapwesto na ang camera at nakatutuk na sa amin. Pilit akong ngumiti
Nong una, hindi ko pa maintindihan ang kaniyang sinabe pero nong pumasok sa isipan ko ang pagakbay sa akin kanina nong lalake ay ngayon ko lang alam kong nasaan galing ang galit nito. Nakagat ko ang pang ibabang labe ko.Ilang sandali akong hindi nakapagsalita. Hindi ko rin naman nagustuhan ang pag akbay sa akin ng lalake eh kaya lang biglaan kaya hindi ko natanggal kaagad. Tiningnan ko si King na masama parin ang tingin sa balikat ko."Masama ba yo-..""Yes.." Mabilis nitong sagot at hindi pa ako pinatapos. Ngumuso ako.Napatalon ako sa gulat. Bukod sa sobrang lapit namin ay ang bilis ng tibok ng puso ko dahilan para magsimula ng hindi na ako mapakali. Ganon parin ang posisyon naming dalawa. Nakasandal ako sa dingding habang siya naman sa harapan ko na kinukulong ako gamit ang isang kamay na nakatukod sa ulunan ko."D*mn it, I'm really mad.."Nagulat pa ako ng bigla ulit itong nagmura ng malutong. Pumikit ng mariin si King bago yumuko na parang frustrated ito. Napasinghap ako. Hakbay
Parang merong isang prayer meeting na naganap dito. Malakas ang tibok ng aking puso lalo na nong nagsimula kaming maglakad papunta sa table nila. Napatingin ako doon at hindi ko mapigilang hindi mapahinto pero dahil hawak ako ni king at nagpatuloy ako sa paglalakad.Napatayo si Ella ng makita kame. Napamaang ito habang dahan dahan bumaba ang kaniyang mata sa magkahawak naming kamay. Hindi ko mapigilang hindi mapasinghap. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi na ako makahinga ng maayos habang palapit kame ng palapit. Umiling kaagad ako para ipahiwatig na walang malesiya sa hawak ni King sa akin."King?.." tawag ko dito at sinubukan kong kunin ang kamay ko pero hinigpitan ito at hinila ako palapit sa kanilang mesa.Ngayon ko lang din napansin na kompleto silang apat. Naka upo na si Ethan, Yuan at Kenzo na hindi makatingin sa akin. Napalingon pa ako sa mga kaibigan kong naka ayos ng upo na mukhang hindi pa gumagalaw. Nakatingin sila sa amin. Nasa isang table lang kase kame.Napa
Hindi kaagad ako nakapagsalita."Go home.." Maawtoridad nitong sabe na ikinagulat ko. Napamaang ako at biglang napatingin sa kaibigan pero saglit lang iyon dahil kaagad binalik ni King ang paningin ko sa kaniya."Gusto nilang manood trist.." rinig kong mahinahong sabe ni Ethan. Napa tssked si King bago muling tumingin sa akin.Hindi ko alam kong bakit niya ito ginagawa. Wala akong idea. Hindi ko rin maintindihan ang ginagawa niya.Umiling si King!"No, she's going home.." Final na sabe ni King na parang hindi na magbabago ang isip niya. Teka? Bakit siya nag didisisyon para sa akin?"P-pero...." aalma na sana ako kaagad tumayo si King at hinawakan ang kamay ko bago niya ako hinila. Muli akong napasighap at wala akong nagawa kundi ang sumunod kahit na sinubukan kong bawiin ang kamay ko.Muling kong narinig ang bulungan at singhapan ng mga nadaaanan namin pero wala na akong panahon dahil hindi ko maintindihan si King. Naka tingin lang ako sa kaniya habang naglalakad ito at hila hila ako.
"Why?.." Malamig pa rin ang kaniyang boses at hindi man lang nagbago. Huminga ako ng malalim!"Bumalik ka na roon, hindi pa tapos ang laro tapos kailangan ka nila..." Mahina pa rin ang boses ko. Sumalubong ang kaniyang kilay!"Kaya na nila iyon.." Malamig niyang sabe sa akin bago muli siyang tumalikod. Nataranta kaagad ako at kaagad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso. Natigilan si king. Hinrap ko naman siya."Pero kailangan ka nila. Kailangan mong bumalik doon.." Sabe ko pa na mas lalong ikinasalubong ng kaniyang kilay."Bakit hindi nalang ikaw ang bumalik doon at suportahan si Red sa laro tapos bilhan mo pa ng energy drink para mas maganda ang laro niya..." what?Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabePaano napunta kay Red ang usapan kung ang gusto ko lang naman ay bumalik siya roon para maglaro ulit. Kailangan siya ng kaniyang kasamahan. Saka anong meron doon kay Red? Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon at kanina pa kami nag usap."Fúck it..." Rinig
"Lets go, sa likod tayo dadaan.." Nakangiting balita sa amin ni Eros. Kumunot ang noo ni Kate."Ha?, Pwede ba tayo dumaan doon?.." Nagtatakang tanong ni Kate. Bawal kase ang studyante na pumasok sa likod ng court na ito dahil para lamang iyon sa mga players saka sa mga stuff o kabilang sa mga maglalaro."Oo naman no pwede, naka usap ko si josh pwede tayong papasok doon.." Si josh ang tinutukoy niyang SSG president. Napangiti kami ng tuluyan saka hindi nag dalawang isip na tumakbo doon. Rinig na rinig pa rin namin ang sigawan sa loob dahil sa laro. Gusto ko ng manood at sempre gusto ko rin makita si King.Kaagad naman kaming nakapasok dahil na rin sa tulong ni Josh ang SSG president na kaibigan ni Eros. Tumambad kaagad sa amin ang mga stuff, instructors, yung mga student na assign sa mga drink at marami pang iba. Nakayuko kaming nilagpasan sila saka kami pumasok sa court talaga at halos mapasinghap ako sa sobrang dami ng tao."Eros dito..." Namataan kaagad namin si Josh na nauna na pal
Kaagad napunta ang mata ko sa lupa at nakita ko roon ang burger na meron ng kagat. Kaagad akong yumuko at kinuha ito at hindi na pinansin ang uniform kong basa."Miss hindi ka ba tumingin sa dinadaanan mo?.." He's pissedNapalunok ako!Natulala ako sa kaniyang burger na mukhang hindi na makakain kase naman madumi na saka may lupa na. Dahan dahan akong tumingala sa kaniya dahilan para tumambad sa akin ang isang gwapong lalake na naka uniform na pang basketball."Hindi ko sinasadya, i am sorry..." Mahina kong sabe. Ilang saglit kaming nagtitigan dahilan para makita ang unti unting paglaki ng kaniyang singkit na mata at paglaglag ng kaniyang panga. Kumunot ang aking noo at yung galit kanina sa kaniyang mukha ay unti unting nawala at napalitan ng paghanga saka malambot na expressionDahan dahan akong tumayo!"Im sorry talaga, papalitan ko nalang okay lang ba?.." Natarantang tanong ko pero wala akong nakuhang sagot dahil natulala lamang ito sa akin.Kumurap kurap ako!"Is that Red?..""Shí
Ngumuso ako!Hindi na ako sumagot sa kaniyang tanong instead ay dahan dahan akong yumuko. Humawak ako sa mesa saka dahan dahan na yumuko hanggang sa magpantay ang mukha namin ni Ethan. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Ethan dahil sa ginawa ko. Bahala na si batman, talagang desperada lang akong malaman kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman."What are you doing?.." Bulong ni Ethan sa aking mukha. Hindi siya makagalaw at parang nag ugat ang kaniyang paa kung saan man siya naka upo ngayon.Lumunok ako!"W—wag kang magagalit sa gagawin ko ha? May gusto lang naman akong patunayan e..." Sabe ko sa kaniya"What?.." Sabe ni Ethan na mukhang gulat na gulat pa rin.Huminga ako ng malalim saka ko naman nilapit ang aking labi sa kaniyang pisngi. Ramdam ko ang paninigas ni Ethan dahil sa ginawa ko pero wala na akong pakealam roon. Pumikit ako saka pinakiramdaman ang aking sarili pero pang huling beses muli akong nabigo dahil talagang walang epekto sa akin si Ethan, Yuan, Enzo o yun
Tinawag ko na ito nang medyo malapit na ako sa kaniyang pwesto. Nakita ko naman kung paano huminto si Enzo sa paglalakad dahil narinig niyang tawag ko. Nakahinga ako ng maluwag doon nung tuluyan siyang huminto. Hays salamat naman. Kitang kita ko rin na nilibot pa ni Enzo ang kaniyang mata sa buong corridor bago niya ako nahanap.Kumaway naman ako sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa huminto ako sa kaniyang harapan. Hinihingal ako at halos hindi na ako makahinga ng maayos. Napahawak pa ako sa aking dibdib"Hey are you okay?.." Nag aalalang tanong ni Enzo bago hinaplos ang likod ko. Tumango ako kahit hinihingal pa rin ako. Ilang minuto muna akong nagpahinga hanggang sa unti unti nang bumabalik sa normal ang paghinga ko.Hinarap ko si Enzo!"Pwede ba akong humingi ng favor?.." Tanong ko kaagad at hindi na nagpaligoy ligoy pa. Kumunot ang noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. Wala na pala yung babae kanina at mukhang naunang umalis."What is it?.."
Kaagad akong pumuwesto sa tree points at sinigurado ko talagang sapul ang bola sa ring."Go Tristan!!!!..."Ishoot ko na sana ang bola nung marinig ko ang boses na iyon na talagang umalingawngaw sa buong court. Mas malakas pa ang kaniyang boses sa mga taong nagtitilian. Kumunot ang aking noo at hinanap ang boses na iyon at napunta kaagad ang aking mata sa isang babaeng malaki ang ngiti habang nakatingin sa akin.Ella?Anong ginagawa niya rito?"King...." Bumalik lang ako sa ulirat nung naramdaman kong wala na sa akin ang bola dahil kaagad itong naagaw ng kalaban. Napailing ako. Narinig ko kaagad ang marahas na sigaw ni couch sa bleachers namin. Napatingin ako kay ella, anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Akala ko ba mamaya pa ang uwi niyan?Muli akong napailing!"Ferrer focus!.." Sigaw ni couch na nasa tabi ni ella. Bumuntong hininga ako saka muling naglaro. Nag focus nga ako muli sa laro at hindi na pinansin si ella na sumisigaw sigaw. Natapos kaagad ang first quarter na kami ang la
KING POV."Kain muna tayo, gutom na ako.." Sabi ni Yuan nung nasa loob na kami ng locker. Pinag break muna kami ni couch dahil meron pa silang meeting about sa intrams. Tahimik lang ako habang nagpupunas ako ng pawis ko."Gutom na rin ako.." Segunda naman ni Ethan. Tumingin silang lahat sa akin na parang hinihintay nila ang desisyon ko. Tinaasan ko sila ng kilay saka ako dahan dahan napailing"Lets go.." Sabe ko bago ako naunang lumabas.Gutom na rin naman ako dahil kaninang pa kami rito sa court nag eensayo dahil nextweek na ang laban namin. Kinuha ko kaagad ang selpon ko at tiningnan ang huling message namin ni kylee. Kumunot ang aking noo na hindi man lang nag message sa akin. Binalik ko ang phone ko sa aking bag saka nagpatuloy sa paglalakad. Siguro naman nandito na siya sa paaralan or nasa canteen na.Palabas na kami ng court nang namataan namin si Enzo na merong kausap na babae. Natigil kami sa paglalakad dahil sa nakita namin. Narinig ko kaagad ang yapak ng kaibigan kong lumapi
"Sinurprise ni ella sa king sa gitna ng laro..""Bagay na bagay talaga ang mag couple na ito.."Natigilan kaming tatlo nang marinig naman ang bulungan na iyon. Sabay sabay kaming napalingon sa tatlong babaeng kakapasok lang ng canteen. Namataan ko rin ang mga ibang babae na dali daling lumabas na ikinakunot ng noo namin. Pero teka tama ba ang narinig ko? Si ella at si king?"Anong nangyare?.." Naguguluhan na tanong ni Eros pero wala ni isa amin ni kate ang sumagot, sempre hindi namin alam. Tumayo kaagad si Eros at nilapitan ang tatlong babaeng kakapasok lang. Sumunod kaagad kami ni Kate na lumapit doon."Anong nangyare?." Tanong ulit ni Eros na ngayoy kaharap na ang tatlong babae. Nanatili akong nakatingin sa kanila habang naghihintay rin sa kanilang sasabihin."Si miss ella sinurprise si king sa gitna ng laro.." Sabe nung babae na animong sobrang nakakakilig.Napamaang ako at rinig na rinig ko naman ang marahas na singhap ng mga kaibigan kong nasa gilid ko lang. Hindi ko alam kung an
Gusto kong tumawa ng marinig ko ang boses lalaki ni Eros nung nagsalita ito. Nagkatitigan kami ni Kate at palihim tumawa. Pinigilan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkagat sa aking labe. Umiwas ako ng tingin saka kumain nalang ng cake na inorder para sa akin ni king.Nagpatuloy kami sa pagkain at habang tumatagal naman ay nagiging komportable na rin ang mga kaibigan ko. Pinag uusapan na nila ngayon ay tungkol sa laro at paparating na intrams. Hindi ako makasabay sa kanila dahil kumakain ako at ganun din si king pero natigil lamang kami sa pagkain nang biglang tumunog ang phone ni king sa kaniyang bag pero hindi sapat iyon upang tumigil sa pag uusap ang kaibigan ko at kaibigan ni king.Napatingin ako kay king nung kinuha niya ang kaniyang phone at nilabas ito saka tiningnan kong sinong tumawag. Natigilan ako ng mabasa ko ang pangalan ni Ella na tumatawag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Biglang bumagsak ang puso ko sa dahilan na hindi ko alam. Kaagad akong umiwas ng