“LANA’S WEAKNESS”
NAGISING si Lana na tumatama sa kanya ang sikat ng araw na nagmumula sa nakaawang na bintana.
Napabalikwas siya ng bangon nang mapansin na nasa kwarto siya ni Prince Wayne. Pagkatapos niyon ay pinakiramdaman niya ang sarili at nagbalik sa kanya ang mga nangyari kahapon bago siya mawalan ng ulirat.
Natatandaan na niya. Sa sobrang sakit na nararamdaman niya dahil tatlong bampira ang sabay-sabay na kumakagat sa kanya ay nahimatay siya. Damang-dama niya ang pagkaubos ng dugo niya kahapon pero bakit ngayon ay parang wala man lang siyang nararamdaman na sakit ni katiting? Kinapa niya ang parte ng katawan kung saan siya kinagat ng mga bampira pero wala na rin siyang makapang sugat ni katiting. Paanong nangyari iyon? Nananaginip lang ba siya? At bakit nandito siya sa kwarto ni Prince Wayne?
Lumabas siya sa kwarto ni Prince Wayne pagkalipas ng isang oras na hindi pa rin ito dumarating. Agad siyang pumunta sa secret garden na kinaroroonan ni Stefan at kinuwento rito ang lahat ng mga nangyari.
"Sumosobra na talaga si Wayne sa mga pinaggagawa niya sa 'yo. Pinagsasamantalahan at sinasaktan ka na nga niya ay hinayaan pa niya na abusuhin ka rin ng mga kaibigan niya."
Natigilan siya nang mapagmasdan kung ano ang naging reaksyon ni Stefan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkwento siya rito tungkol sa pang-aabuso na nararanasan niya dahil ayaw niya na makunsensya lang ito na wala itong magawa para sa kanya. Hindi niya akalain na hindi pagkakunsensya kundi parang matinding galit pa ang nararamdaman nito ngayon. Sa nakikita niya ay parang gusto pa nitong manakit. Bagay na hindi niya akalain na capable ito dahil mukha itong anghel kung titingnan.
"Huwag mo nang isipin iyon, Stefan. Ayos na naman ako. Sanay na ako na nakakaranas ng ganito bilang alipin. Nagpapasalamat na lang ako na hanggang ngayon ay buhay pa rin ako," sabi na lang niya.
Siya naman ngayon ang pinakatitigan nito.
"Sabihin mo nga sa akin, Lana. Ilang taon ka ng nabubuhay bilang isang alipin?" tanong nito.
"Halos mag-aapat na taon na rin. At sa tagal ng panahon na iyon ay ilang bampira na rin ang mga pinagdaanan ko. Ang masasabi ko lang, wala ni isa man sa kanila ang tumrato sa akin ng mabuti. Ang iba ay pinagtrabaho ako na halos wala ng pahinga. Ang iba ay ginutom ako, sinasaktan para lamang sa ikasisiya nila at ang iba naman ay pinagsamantalahan din ako katulad ng ginawa sa akin ni Wayne. Kung susumahin, apat na ngayon ang naging amo kong bampira. Ang una ay namatay dahil pinatay ng isa ring bampira. Ang pangalawa naman ay binalik ako sa Slavery District dahil nagustuhan ako ng nobyo niya. Ang pangatlo ay binalik din ako sa hindi ko malaman na dahilan at naging pang-apat na nga si Master Wayne," pagke-kwento niya rito.
"Sa dami ng mga napagdaanan mong hirap at pinagdaraanan pa rin hanggang ngayon, isang malaking palaisipan para sa akin kung bakit pinipilit mo pa rin na manatiling buhay. Bakit patuloy ka pa rin na lumalaban para mabuhay kung ganyan naman palang hirap ang pinagdaraanan mo?" seryosong tanong nito.
Bumuntong-hininga siya. "Palagi kong sinasabi sa sarili ko na wala ng pag-asa na makaalis ako sa pagdurusang kinalalagyan ko ngayon. Pero siguro, kahit iyon ang sinasabi ng utak ko ay palihim pa rin na umaasa ang puso ko na balang araw ay makakabalik din ako sa pamilya ko. Na darating pa iyong panahon na magkakasama kami ulit. Nang makita kita, Stefan ay kahit papaano, nabuhayan ako ng pag-asa. Nakilala ko rin si Princess Tiana at nakita ko na mabait din siya. Doon ko narealize na hindi naman pala talaga lahat ng bampira ay masasama," sabi niya.
"Umaasa ka rin ba na magbabago pa ang kapatid ko? Iniisip mo ba na darating pa ang araw na pakikitaan ka niya ng maganda?"
Umiling siya. "Alam kong wala nang pag-asa si Master Wayne. Sa ilang buwan na kasama ko siya ay hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may masidhi siyang galit para sa mga tao. Para bang may pinaghuhugutan ang galit niya at hindi lang basta katulad ng ibang bampira na nasisiyahan lang na makapanakit ng tao. Pero kung anuman ang pinaghuhugutan niya ay hindi ko alam. Sa tingin ko, isang himala na lang ang magpapabago ng tingin niya sa aming mga tao. Umaasa na lang ako na balang araw ay magsawa na lang siya sa akin katulad ng nangyari sa huli kong naging master at ibalik din niya ako sa Slavery District. Kapag nangyari iyon, makakakita ulit ako ng bagong pag-asa na sana ay mabuti na ang bagong bampira na bibili sa akin," sabi pa niya.
"Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na tumakas sa mga bampira na naging amo mo at maging kay Wayne? Alam ko na mahirap pero hindi ba at mas maganda iyon kaysa ang wala kang gawing kahit ano?" tanong nito.
"Sinubukan ko na iyon noon pero alam ko na naging isang malaking katangahan ang ginawa kong iyon dahil nagmista iyon sa buhay ng isang walang kamalay-malay na tao." Biglang lumungkot ang mukha niya. Nagbalik sa kanya ang pait ng nakaraan.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.
Muli siyang pinaligiran ng luha. "Noong napunta ako sa unang bampira na pinagsilbihan ko ay tinangka ko na tumakas. Pero isa pa lang katangahan ang ginawa ko dahil kahit nagawa naming tumakas ng pamilya ko sa ahensya ng buong Slavery District ay nabalitaan na lang namin na isang batang katribo ko ang walang awa nilang pinatay. Isang bata na ni walang kinalaman sa pamilya namin ang dinamay nila. Gusto ng Slavery District na bigyan ako ng babala na maaaring mas masahol pa sa sinapit ng batang iyon ang gawin nila sa sarili kong pamilya. Binalaan pa nila ako na papatayin maging ang buong baryo namin kung hindi ako babalik kaya wala na akong nagawa noon. Kahit nakatakas ako ay kusa ko ring sinuko ang sarili ko dahil alam ko na hindi ko maaaring dalhin ang buong baryo sa akin. Ayokong may madamay pa ulit na ibang tao sa gulong ginawa ko." Doon na siya napahagulgol ng iyak nang magbalik sa isipan niya ang isang bata na nakita na na lamang niya na wala ng ulo.
Nang makita ang luha niya ay agad siyang niyakap ni Stefan.
"Galit na galit ang buong kabaryo namin nang dahil sa nangyari, Stefan. Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko noon. Matalino ang batang iyon at malayo pa sana ang mararating niya sa buhay kung hindi ako nagtangkang tumakas. Kasalanan ko kung bakit siya namatay!" Habang umiiyak ay patuloy pa rin ang pagkekwento niya. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpeplay sa utak niya ang lahat ng mga nangyari."Sss... Wala kang kasalanan, Lana. Lahat ng nilalang sa mundong ito ay nagnanais ng kalayaan. Kaya naman hindi kita masisisi kung gano'n ang ginawa mo noon. Hindi ikaw ang may kasalanan
CHAPTER seven“ANG PAG-AMIN”"ANO? Pinainom mo siya ng dugo mo kaya siya tuluyang gumaling?" Gulat na gulat si Tiana nang sinabi niya rito kung ano ang ginawa niya para lamang maisalba ang buhay ni Lana.
"Maaari ba tayong mag-usap?" seryosong tanong nito.Nagtaka naman siya. Matagal na rin simula nang huli silang mag-usap ng kapatid kaya talagang napapaisip siya kung ano ang maaaring pag-usapan nila ng lalaki. Nagbago na ba ang isip nito na ipaubaya sa kanya ang trono ng pagiging hari? Ito ang panganay na lalaki at ayon sa batas, ito dapat ang maging tagapagmana ng korona unless na lang kung ito mismo ang tumanggi sa posisyon. Pinalabas ng hari noon na si Prince Stefan ang ayaw maging tagapagmana kaya siya ang naging crown prince. Pero alam niya na anumang oras, kapag ginusto ni Prince St
GAYA NG INAASAHAN ay nakita ni Wayne si Lana sa kwarto niya. Nakaupo lang ito sa kama at para bang naghihintay talaga sa pagdating niya. Agad itong napatayo nang makita siya. Pabalya niyang isinara ang pinto na ikinapitlag nito.
Maya-maya ay tumingin na ulit ito sa daan at bumuntong-hininga. "Patawad kung nasigawan kita. Huwag kang mag-alala, sinisiguro ko sa 'yo na walang makakakita sa atin dahil saulo ko na ang pasikot-sikot dito sa palasyo. Alam ko na sa daraanan natin ngayon ay walang nilalang na maaaring makakita. Magtiwala ka lang, hinding-hindi kita ipapahamak," pangangako nito.Hindi na siya nagsalita at sumunod na nga lang siya kay Stefan. Habang naglalakad sila ay napatingin siya sa mga kamay nila na magkahawak. Tama si Stefan, hinding-hindi nga siya nito ipapahamak. Wala ng ibang ginawa ang lalaki kung
Chapter 9.1“PAGBABAGO”
HALOS hindi makatulog si Lana dahil sa pag-iisip kagabi kung bakit kaya hindi itinuloy ni Wayne ang masamang balak nito sa kanya. Dahil doon ay hindi naging tuloy-tuloy ang tulog niya at napuyat siya.Nagising na lang siya kinabukasan nang makarinig siya ng boses ng mga lalaki na nag-uusap. Nagpanggap siyang tulog nang makita na may mga lalaki ngang naroon sa kwarto ni Wayne at
“ANG PAGLABAS NG KATOTOHANAN”MATAPOS NIYANG kumain at maligo ay hindi niya inaasahan na nasa loob pa rin ng kwarto si
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m
Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il
Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil
Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng
Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah
Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang PagkabigoWritten By: Cristina de LeonPUMUNTA SILA sa batis at naupo roon kung saan may isang malaking bato sa gilid. Pinakalma muna niya ang sarili niya bago tuluyang magsalita. "MASTER WAYNE—" Mag-uumpisa pa lang ng sasabihin si Lana ay hindi na agad iyon natuloy dahil sinugod na ng yakap ni Wayne ang babae."Ang akala ko ay hindi na kita ulit makikita, Lana. Takot na takot ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Lana. Alam ko na mahirap gawin pero sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo pa ako..." Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya at pakiramdam niya, napakatagal na simula ng huli silang magkita.Ngumiti lang si Lana habang hinahaplos ang likuran niya. "Matagal na kitang napatawad, Master Wayne. Matagal ka na rin namang nagsorry 'di ba? Huwag mo nang isipin iyon."Napahiwalay siya ng yakap
Chapter 19.1: Muling PagkikitaWritten By: Cristina de LeonNarating din ni Wayne sa wakas ang bagong lugar na kinaroroonan ng tribo. Totoong napakalayo nga niyon at hindi na sakop ng Wayne Kingdom.Gaya ng inaasahan, pagpasok niya sa kampo ay ang nangangambang tingin na kaagad ang ibinigay sa kanya ng lahat."Ang prinsepe ng mga bampira!" Sa gulat niya ay bigla na lamang may sumigaw na babae nang makita siya."Siya ang master ni Lana, hindi ba? Nasundan na nila tayo! Katapusan na natin!" Naghisterikal na rin ang isa pang babae roon.Naging matalim naman ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan.Sa gulat niya ay bigla na lamang may naghagis ng sibat sa kanya at dahil maliksi siya bilang bampira ay naiwasan niya iyon. Pero hindi pa siya nakakabawi sa pagkakagulat ay sunod-sunod na namang sandata ang pinaulan ng mga tao sa kanya. Mga bala ng baril, bato, kutsilyo at kung ano-ano pa!"
Chapter 18.3: I Will Do AnythingWritten By: Cristina de LeonNatigilan siya."Alam kong mahal mo talaga si Lana, Wayne. Nakikita ko sa mga mata mo dahil ganyan din ang nararamdaman ko para kay Princess Tiana. Alam ko ang pakiramdam na para ka ng mababaliw dahil kahit gustuhin mo pa, hindi mo maaaring makita ang babaeng pinakamamahal mo. Alam kong mahal na mahal mo siya kaya ka nagkakaganyan pero kahit minsan lang ba e, natanong mo sa sarili mo kung mahal ka rin ba niya?"Hindi siya nakapagsalita. Tinamaan siya ng sinabi ni Stefan."Kayong dalawa ni Chaos, halos magpatayan kayo para lang mapunta sa inyo si Lana. No'ng dumating kayo sa punto na sa tingin ninyo ay talagang walang magpapatalo sa inyong dalawa ay nagdesisyon kayo na paghatian na lang siya. Pero pumasok man lang ba sa isip ninyo na tanungin si Lana kung gusto ba niya? Kung mahal ba niya ang kahit isa man lang sa inyo? Hindi! Walang nag-isi