Maya-maya ay tumingin na ulit ito sa daan at bumuntong-hininga. "Patawad kung nasigawan kita. Huwag kang mag-alala, sinisiguro ko sa 'yo na walang makakakita sa atin dahil saulo ko na ang pasikot-sikot dito sa palasyo. Alam ko na sa daraanan natin ngayon ay walang nilalang na maaaring makakita. Magtiwala ka lang, hinding-hindi kita ipapahamak," pangangako nito.
Hindi na siya nagsalita at sumunod na nga lang siya kay Stefan. Habang naglalakad sila ay napatingin siya sa mga kamay nila na magkahawak. Tama si Stefan, hinding-hindi nga siya nito ipapahamak. Wala ng ibang ginawa ang lalaki kung
Chapter 9.1“PAGBABAGO”
HALOS hindi makatulog si Lana dahil sa pag-iisip kagabi kung bakit kaya hindi itinuloy ni Wayne ang masamang balak nito sa kanya. Dahil doon ay hindi naging tuloy-tuloy ang tulog niya at napuyat siya.Nagising na lang siya kinabukasan nang makarinig siya ng boses ng mga lalaki na nag-uusap. Nagpanggap siyang tulog nang makita na may mga lalaki ngang naroon sa kwarto ni Wayne at
“ANG PAGLABAS NG KATOTOHANAN”MATAPOS NIYANG kumain at maligo ay hindi niya inaasahan na nasa loob pa rin ng kwarto si
LUMABAS si Wayne sa kwarto niya na naglabas ng malalim na buntong-hininga.Nasabi niya rin sa wakas kay Lana na gusto niya itong maging 'babae' niya. Well, ang totoo ay balak sana niyang sabihin kay Lana kanina na gusto niya itong maging nobya pero inatake siya ng pride niya bilang prinsepe. Hindi maalis sa isip niya na si Lana ay isang mababang uri lamang ng nilalang. Isa itong hamak na tao at bukod doon ay isa pang alipin na nanggaling sa mahirap na pamilya habang siya naman ay isang pure blood vampire na naggaling pa sa angkan ng mga maharlika. Kung tutuusin, ang ipinapakita niyang kab
DINALA si Lana ni Master Wayne sa birthday party ni Princess Tiana sa sariling palasyo ng mga ito at sa gulat niya, magandang gown ang pinasuot sa kanya ng lalaki. Isang luxurious dark red lace ball gown na kailanganin pa niyang hawakan ang laylayan para lamang hindi iyon sumadsad sa sahig. Isa iyong gown na tila nararapat lamang na suotin ng mga mahaharlika o may mataas na posisyon sa lipunan na mga bampira."Master Wayne, pinagtitinginan po nila ako. Nagtataka po siguro sila kung sino ako at bakit kasama ninyo ako," pabulong na sabi niya kay Wayne na ilang na ilang dahil pinagtitinginan
"SABIHIN mo nga sa akin kung ano'ng kalokohan ang pumasok diyan sa kukote mo at dinala mo sa birthday party ni Princess Tiana ang aliping iyon? Binihisan mo pa siya ng maganda at para pa siyang prinsesa kung hawakan mo sa mga kamay! Kailan ka pa naging mabuti sa mga alipin, ha, Wayne?" Iyon agad ang ibinungad sa kanya ng ama niyang hari ng mapagsarili sila. Lumabas pa sila sa kinaroroonan ng party para lamang hindi makarinig ng ingay.Kahit na sa iisang palasyo lamang sila nakatira ay hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap dahil sa sobrang abala nito sa tungkulin nito bilang ha
NAKARAMDAM naman si Lana ng gutom nang umalis na si Wayne kaya naisipan niya na magpunta na sa kung nasaan ang mga pagkain. Ramdam na ramdam niya ang tinginan ng mga bampira sa kanya habang kumukuha siya ng pagkain at kung ano-anong masasakit na pabulong na salita ang naririnig niya."Siya ba ang alipin na binili ni Prince Wayne? Toto
“STANDING UP FOR OTHERS”"ANO NA, Lana? Hindi mo ba ako namiss? Bakit hindi ka man lang magsalita riyan?" nakangising tanong ni Chaos.
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m
Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il
Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil
Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng
Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah
Chapter 19.2: Ang Sakit ng Unang PagkabigoWritten By: Cristina de LeonPUMUNTA SILA sa batis at naupo roon kung saan may isang malaking bato sa gilid. Pinakalma muna niya ang sarili niya bago tuluyang magsalita. "MASTER WAYNE—" Mag-uumpisa pa lang ng sasabihin si Lana ay hindi na agad iyon natuloy dahil sinugod na ng yakap ni Wayne ang babae."Ang akala ko ay hindi na kita ulit makikita, Lana. Takot na takot ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko, Lana. Alam ko na mahirap gawin pero sana ay dumating ang panahon na mapatawad mo pa ako..." Hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak. Punong-puno ng pagkasabik ang puso niya at pakiramdam niya, napakatagal na simula ng huli silang magkita.Ngumiti lang si Lana habang hinahaplos ang likuran niya. "Matagal na kitang napatawad, Master Wayne. Matagal ka na rin namang nagsorry 'di ba? Huwag mo nang isipin iyon."Napahiwalay siya ng yakap
Chapter 19.1: Muling PagkikitaWritten By: Cristina de LeonNarating din ni Wayne sa wakas ang bagong lugar na kinaroroonan ng tribo. Totoong napakalayo nga niyon at hindi na sakop ng Wayne Kingdom.Gaya ng inaasahan, pagpasok niya sa kampo ay ang nangangambang tingin na kaagad ang ibinigay sa kanya ng lahat."Ang prinsepe ng mga bampira!" Sa gulat niya ay bigla na lamang may sumigaw na babae nang makita siya."Siya ang master ni Lana, hindi ba? Nasundan na nila tayo! Katapusan na natin!" Naghisterikal na rin ang isa pang babae roon.Naging matalim naman ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan.Sa gulat niya ay bigla na lamang may naghagis ng sibat sa kanya at dahil maliksi siya bilang bampira ay naiwasan niya iyon. Pero hindi pa siya nakakabawi sa pagkakagulat ay sunod-sunod na namang sandata ang pinaulan ng mga tao sa kanya. Mga bala ng baril, bato, kutsilyo at kung ano-ano pa!"
Chapter 18.3: I Will Do AnythingWritten By: Cristina de LeonNatigilan siya."Alam kong mahal mo talaga si Lana, Wayne. Nakikita ko sa mga mata mo dahil ganyan din ang nararamdaman ko para kay Princess Tiana. Alam ko ang pakiramdam na para ka ng mababaliw dahil kahit gustuhin mo pa, hindi mo maaaring makita ang babaeng pinakamamahal mo. Alam kong mahal na mahal mo siya kaya ka nagkakaganyan pero kahit minsan lang ba e, natanong mo sa sarili mo kung mahal ka rin ba niya?"Hindi siya nakapagsalita. Tinamaan siya ng sinabi ni Stefan."Kayong dalawa ni Chaos, halos magpatayan kayo para lang mapunta sa inyo si Lana. No'ng dumating kayo sa punto na sa tingin ninyo ay talagang walang magpapatalo sa inyong dalawa ay nagdesisyon kayo na paghatian na lang siya. Pero pumasok man lang ba sa isip ninyo na tanungin si Lana kung gusto ba niya? Kung mahal ba niya ang kahit isa man lang sa inyo? Hindi! Walang nag-isi