SHAINALumuhod kaming parehas na dalawa at taimtim na nagdasal. Nauna akong natapos sa kanya kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko. Hinintay ko siyang matapos na manalangin. Mukhang marami-rami ang pinagdasal niya. Nang matapos siyang magdasal ay bumalik siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko. "Marami ka yatang pinagdasal ngayong araw na 'to, baby. Mukhang pinagdasal mo na ngayon ang hindi mo pa naidadasal. Tama ba ako sa sinasabi ko sa 'yo, baby?" mahinang sabi ko sa kanya.Humugot muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa akin. Hinihintay ko lang naman siya na magsalita sa akin."Napansin mo talaga 'yon, baby..." sabi niya sa akin. I rolled my eyes and sighed deeply. "Of course, yes. Napansin ko naman talaga 'yon, baby. Kasama mo ako kaya mapapansin ko talaga 'yon, eh. Nauna akong natapos na magdasal sa 'yo kaya mapapansin ko talaga 'yon, baby," paliwanag ko sa kanya.Napangiwi siya sa sinabi kong 'yon sa kanya. Napalunok siya ng kanyang laway at pagkatapos ay muling nagp
SHAINA Gabi na kaming dalawa nakauwi ng boyfriend ko na si Jacob sa bahay niya. Ayaw pa nga niyang umuwi kami pero niyaya ko na talaga siyang umuwi dahil sa gabi na. Masayang-masaya kaming dalawa sa naging date namin na 'yon. Iyon ang aming first date na dalawa. Umaasa ako na masusundan pa 'yon. Marami akong naranasan na ngayong araw na 'to lang nangyari. Ganito pala kapag in love ka at may nagmamahal sa 'yo. Minu-minuto ay pakiramdam mo ay napaka-espesyal mo. Ang sarap pala ang magmahal at mahalin ka rin pabalik. Isa na naman na memorable na mga araw ang nangyari ngayong araw na 'to sa akin. Hindi ko makakalimutan 'to.Pagkapasok sa bahay niya ay dinala kaagad niya ako sa kuwarto niya. Pagkasara ng pinto ng kuwarto niya ay inulan kaagad niya ako ng mga halik hanggang sa unti-unti na nga niyang tanggalin ang suot kong damit. Nakahiga na ako sa kanyang malambot na kama nang matanggal niya 'yon. Hinubad na rin niya ang kanyang suot sa katawan. Parehas na kaming dalawa hubo't hubad. Nam
SHAINA"Masayang-masaya ako para sa inyong dalawa ng pinsan ko, Shaina. Ramdam ko kung gaano n'yo kamahal ang isa't isa. Sa wakas ay nahanap na ni Jacob ang babaeng magpapatino sa kanya. Alam mo naman siguro ang mga ginagawa niya dati, 'di ba? Napaka-playboy n'yan, kahit sinong babae ang inuuwi dito sa bahay niya. Sa nakikita ko sa kanya ngayon ay talagang nagbago na nga siya at dahil 'yon sa pagdating mo, Shaina. Sana talaga ay tuloy-tuloy na ang pagbabago niya dahil sa 'yo," sabi ni Ma'am Camille sa akin. Dahan-dahan na akong tumango sa kanya at nagsalita, "Alam ko naman po 'yon, Ma'am Camille. Sinabi niya rin 'yon sa akin. Wala naman po akong magagawa kung naging ganoon siya dati. Tapos naman na 'yon, eh, hindi na natin mababago pa para itama kung mali, 'di ba? Nangyari naman na 'yon. Ang kailangan po siguro natin ay magmove on sa mga nakaraan na 'yon sapagkat wala naman na tayong magagawa pa, eh. Ang importante ngayon ay kung nagbago na nga siya ay maganda. Maganda na 'yon ang nan
SHAINA Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita sa akin. Dahan-dahan siyang tumango at saka lang ibinuka ang mga labi at nagsalita, "Oo, Shaina. Kilala ko kung sino 'yon, eh. Pinapasok ko na nga siya dito sa loob ng bahay ni Jacob. Kilala mo na rin siguro siya.""Talaga po ba? Pinapasok mo na siya dito sa bahay ni—" hindi ko natapos ang sasabihin ko sapagkat nagsalita na siya sa akin."Oo, Shaina. Pinapasok ko na siya dito. Sabi niya sa akin ay nagpunta na raw siya dito sa bahay ni Jacob kaso nga lang ay wala siya at ikaw lang ang naabutan niya na nandito. Pumunta pala siya dito," sabi ni Ma'am Camille sa akin. Sa sinasabi niyang 'yon ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Walang iba kundi si Isabel Dizon 'yon. Siya lang naman ang pumunta dito noong isang araw. Wala namang iba, eh."Nand'yan po ba si Isabel? Siya po ang nand'yan na tinutukoy mo, Ma'am Camille?" paniniguradong tanong ko sa kanya. Gusto ko lang na masigurado na siya 'yon kahit alam ko naman na kung sino
SHAINAHumarap kaagad ako kay Ma'am Camille matapos namin mag-usap sa kabilang linya ng boyfriend ko na si Jacob. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Humugot muna ako nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kanya."Ano'ng sinabi ni Jacob sa 'yo?" tanong niya sa akin kung ano ang sinabi ni Jacob na boyfriend ko sa akin. "Uuwi ba siya ngayon dito sa bahay niya para makita at makausap si Isabel?""Hindi po, Ma'am Camille. Hindi po siya uuwi ngayon dahil may ginagawa po siya ngayon sa opisina niya. Busy po siya at mamayang gabi pa po siya uuwi. Iyon po ang sabi niya sa akin, Ma'am Camille," sagot ko sa kanya na nakanguso. Napakunot-noo tuloy siya matapos kong sabihin 'yon sa kanya."Talaga? E, paano si Isabel? Hinihintay siya ngayon. Hindi pala siya uuwi ngayong oras na 'to. Mamaya pa pala siya uuwing gabi. Hanggang gabi pa pala na maghihintay sa kanya si Isabel. Ganoon ba ang gustong mangyari ni Jacob?" tanong nga ni Ma'am Camille sa akin."Hindi po, Ma'am Camille. Ang sabi po n
SHAINA "Buntis ako..." maikling sabi niya sa amin dahilan upang mamilog ang dalawang mga mata namin ni Ma'am Camille sa sinabi niyang 'yon. Umawang pa ang mga labi naming dalawa. "Buntis ako at 'yon ang nais kong sabihin kay Jacob. Iyon ang importanteng sasabihin ko sa kanya."Nagkatitigan kaming dalawa ni Ma'am Camille matapos namin na marinig 'yon kay Isabel. Napamura pa nga ako sa isip ko. Buntis siya? Sino ang ama ng pinagbubuntis niya?"A-ano? Ano'ng sinabi mo, Isabel? Buntis ka, huh?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Ma'am Camille sa kanya. Tumango naman kaagad siya sa aming dalawa ni Ma'am Camille at nagsalita, "Oo. Buntis nga ako. Anim na buwan na akong buntis. Hindi lang halata kasi maliit ang tiyan ko."Wala akong masabi sa kanya sapagkat hindi ko alam ang sasabihin ko sa totoo lang. Kung totoong buntis siya, sino ang ama ng pinagdadala niya? Huwag niyang sabihin na si Jacob na boyfriend ko ang ama ng pinagdadala niya. Siguradong magagalit ako at hindi ko alam ang magaga
JACOB Hindi ako napapakali ngayon dito sa loob ng opisina ko habang iniisip na nandoon muli si Isabel sa bahay ko. Hindi ko alam kung ano na ang mga sinasabi niya doon lalo na sa girlfriend ko na si Shaina. Baka nilalason na niya ang isipan nito at kung anu-ano na sinasabi niya. Ayaw ko na siyang bumalik pa doon sa bahay ko lalo na nandoon si Shaina. Ayaw ko na makarinig pa siya ng kung anu-ano mula kay Isabel. Alam ko naman na kung ano'ng nais niya kaya siya pumupunta sa bahay. Kinuha ko muli ang cell phone ko para tawagan siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nagri-ring naman ang cell phone niya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko sa kanya.Napamura ako at napatayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair na inuupuan ko. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga at tinawagan muli si Shaina na girlfriend ko. Hindi pa rin talaga niya ako sinasagot sa tawag ko.Tinawagan ko naman ang pinsan ko na si Camille ngunit ganoon rin siya, eh. Hindi niya rin sinasagot ang tawag k
SHAINA Hinawakan ni Ma'am Camille ang mga kamay ko bago siya nagsalita sa akin. Ramdam ko rin ang simpatya niya para sa akin. Wala akong magagawa kung nangyari nga 'yon na nabuntis ni Jacob si Isabel. Ang hindi ko lang matatanggap ay ang pagsisinungaling niya sa akin. Hindi siya nagsabi ng katotohanan sa akin."Shaina, kung ano man ang mapag-usapan n'yong dalawa ni Jacob mamayang gabi ay sana ay magkaintindihan kayong dalawa. Tapos na 'yon, eh. Nangyari na. Nabuntis na niya si Isabel at hindi na natin mababago pa 'yon, 'di ba? Ang kailangan lang talaga ay ang makapagpaliwanag si Jacob sa 'yo mamaya tungkol dito. Magkasintahan pa rin kayong dalawa, remember? May relasyon kayo at iba ang nangyari dati sa nangyayari ngayon sa inyong dalawa. Masaya kayong nagmamahalan. Am I right?" sagot ni Ma'am Camille sa akin.Mapait na tumango ako sa kanya at nagsalita, "Sana nga po ay magkaintindihan kaming dalawa sa kung ano man ang mapag-uusapan namin mamaya. Maraming salamat sa sinabi mo, Ma'am Ca