Walang pagsidhan ang tuwa ni Amber. Buong akala niya ay sasaktan na naman siya ng kanyang ina. Ngunit naging maayos naman ang usapan nila kanina. Hindi tuloy mapalis ang kanyang ngiti habang nasa biyahe sila pabalik ng mansiyon. "You look happy." Puna sa kanya ni Ashton Blumentrint dahilan para mapatingin siya sa lalaki na nakaupo sa tabi niya sa backseat. "Kasi napatawad na ako ni Mama." Sumilay naman ang ngiti ni Ashton. "At pasensya ka na rin sa mama ko. Masyado siyang astig kanina." "It's okay, Amber. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Lahat ng tao may kanya-kanyang personality." Napangiti na lamang si Amber. Hindi na rin naman siya umimik. Natuon na ang pansin niya sa pagpasok ng sasakyan sa mansiyon ng mga Villacorda. "C'mon! Come with me." Inilahad ni Ashton ang kanyang palad. Napatitig naman roon si Amber. Hindi siya agad nakaimik dahil sa pagkabigla. "I'll show you something" "Anon
"Joke lang naman." Tumatawang saad ng dalaga kasabay ng pagpirma niya sa marriage contract na kanyang hawak. "Pinakaba mo ako, Amber." Lalo namang natawa ang babae sa tinuran nito. "Oh heto na. Pirmado na." Nakangiting iniabot niya ang papeles kay Ashton Blumentrint. Maluha-luhang namang tinanggap iyon ni Ashton. Hindi pa rin siya makapaniwala. Para siyang nananaginip sa katotohanang asawa na niya ngayon ang babaeng noon pa niya pinapangarap. Ramdam rin niyang komportable na ang babae sa kanya . Nagagawa na nitong tumawa at ngumiti sa harap niya na labis na ikinatutuwa ng kanyang puso. Ilang sandali lamang ay pumasok sa loob ang dalawang katulong at may dalang pagkain. Matapos nilang itong iayos sa mesa ay ibinigay ni Ashton ang folder sa mas matanda sa kanila. Iniwan na rin sila ng mga ito nang magsimula na silang kumain. Naging masaya ang kanilang early dinner. Napuno iyon ng tawanan dahil palaging may baong biro ang
Napapikit na lamang si Amber nang lumapat ang malambot na labi ni Ashton Blumentrint sa kanyang labi.Ang puso niyang kaninang tila nalulunod sa takot ay unti-unting nakaramdam ng kapayapaan.Nang lumalim ang halik ni Ashton Blumentrint ay hinayaan siyang tangayin siya ng sensasyon.Naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere. Hinayaan lamang niya iyon. Ilang sandali siyang pangko-pangko ni Ashton habang magkahinang ang kanilang mga labi.Nang tumigil sila sa paglalakad at marahan siyang ibinaba ni Ashton. Noon na rin siya nagmulat ng mata. Pinutol nito ang kanilang halikan ngunit dinampi-dampian siya nito ng halik sa kanyang pisngi.Nang igala ni Amber ang paningin ay tumambad sa kanya ang bubong ng kubo na gawa nipa. Ang dingding naman nito ay gawa sa pawid at kawayan.Tila isa itong maliit na silid. May queen size na kamang may malambot na kutson. Mayroon ding dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng kama na siyang nagbibigay liwana
Matamis na ngiti mula kay Ashton Blumentrint ang bumungad kay Amber paggising niya kinabukasan."Good morning, my beloved." Matapos sabihin ang salitang iyon ay mabilis niyang kinintalan ng halik ang noo ng kanyang kabiyak.Awtomatiko namang iginala ni Amber ang kanyang paningin. Wala na sila sa kubo. Nasa master's bedroom na siya ngayon. Hindi niya tuloy naiwasan ang mapakunot noo dahil natatandaan niyang pareho silang ginupo ng antok ni Ashton matapos ang kababalaghang ginawa nila kagabi."I transferred you here this morning. Tulog na tulog ka kaya hindi na kita ginising." Hindi nawala ang matamis nitong ngiti sa kanyang labi.Hindi tuloy naiwasan ni Amber ang mapaarko ng kilay."Anong nginingiti-ngiti mo diyan, hah?" Bumangon ang babae mula sa pagkakahiga. Noon niya napansin na nakasuot na siya ng kulay baby pink na silk robe.Umiling naman si Ashton bilang tugon subalit hindi naman napalis ang kanyang ngiti."Ano
Bumalatay ang gulat sa mukha ng mag-asawang Velez nang buksan nila ang pintuan. Pareho nilang hindi inaasahan na bubungad sa kanila sina Ashton at Amber na may dalang maleta. "Oh napasyal kayo. Pasok kayo." Magiliw na linuwagan ni Norberto Velez ang pinto upang makapasok sila. "Salamat po." Bahagyang yumukod si Ashton sa Ginoo. Wala namang imik na nagmano si Amber sa kanyang ama. Nakangiti namang ginaya ni Ashton ang ginawa ng kanyang ginawa. "Kaawaan kayo ng Panginoon." "Uso na talaga ang pa-sorpresa ngayon, ano?" Nasaad naman ni Amaya Velez nang hawakan ni Amber ang kamay nito upang magmano. Gano'n din ang ginawa matapos ang kanyang misis. "Pasensya na po kung biglaan na lang kaming pumunta." Hinging paumanhin ni Ashton sa Ginang. "Kayo lang ba? Wala ba kayong kasama?" Usisa ng ama ni Amber na nagkandahaba pa ang leeg sa pagtanaw sa kalsada. "Nauna na po kaming pumunta, 'pa. Pero susunod po ang mga bata ma
"Ma naman! Ano ba namang biro 'to." Kasabay ng kanyang pag-alma ay ang paghakbang ng kanyang mga paa palapit sa kinaroroonan ni Ashton. "Seryoso ako, Amber." "Mama, hindi po natin katulong si Ash--" Natigil ito sa kanyang sasabihin nang hawakan ni Ashton ang kanyang kamay. Binigyan niya ito ng tinging tila nagsasabing ayos lang siya. "Hindi ko naman siya pinipilit. Kung ayaw niya, pwede namang hindi niya gawin." "Kasi wala siyang choice, 'ma. Mabuti pa siguro, aalis na lang kami." Hinila nito si Ashton paalis ngunit hindi naman nagpahila ang lalaki. "No, Amber. Let's stay here. Kaya ko naman 'to. Ang simple lang naman ng mga ito." Puno ng sinseridad ang mga mata nito ngunit sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "I can and I am willing to do everything for you." Tila hinaplos ang puso niya sa sinabing iyon ni Ashton ngunit mas nangibabaw pa rin ang kanyang inis. "Oh hayan ah! Narinig mo naman, walang pili
"Ma! Wala namang gano'n eh!" Pahabol na sigaw ni Amber. Pulang-pulang ang pisngi nito dahilan upang matawa ng mahina si Ashton Blumentrint. "Walang nakakatawa!" Gigil niyang tinampal sa braso ang lalaki. Nagpigil naman ng tawa si Ashton at baka mapikon ang kanyang misis. "We need to go outside now, the kids are already there." "Kahit 'di mo sabihin lalabas na talaga ako." Lukot ang mukha nitong bumangon at nagpatiuna patungo sa pinto. Hindi naman nawala ang ngiti ni Ashton dahil sa misis niyang pikunin. Kalalabas pa lamang nila nang silid ay nabungaran na niya agad ang kambal na nasa sala. Nang bumaling ang tingin ng dalawa sa kanya ay kitang-kita niya ang ningning sa kanilang mga mata. "Mommy!" "Mama!" Sabay na nanakbo ang dalawa patungo sa kanya niyakap ang kanyang tuhod. "We miss you so much, mommy." Kaagad naman siyang naupo upang pantayan ang dalawa. "Nakilala niyo na
Sa loob ng isang linggong pananatili nila sa bahay ng mga Velez at kung anu-anong inutos ni Amaya Velez sa kanyang manugang. Naranasan ng lalaki ang mag-igib, magsibak ng kahoy, magluto, maglaba ng mano-mano at mag-construction worker sa renovation ng kusina ng mga Velez.Halos hilain na ni Amber ang araw para makauwi na sila. Dahil sa tuwing naaawa siya sa lalaki at sasabihin niyang uuwi na sila ay laging linyahan ni Ashton Bluementrint na ayos lamang siya."Siguro nagsisisi ka na ngayon, noh?" Nasaad ni Amber matapos tumabi ng higa sa kanyang mister.Nakasandal ang lalaki sa headboard ng kama at abala sa pagtitipa sa laptop na nasa kanyang kandungan. Tila modelo ito, prenteng nakasandal sa headboard habang walang pang-itaas na damit. Tumigil sa saglit sa ginagawa si Ashton at saka bumaling sa kanyang misis."Regret to what?" Muli nitong binalik ang atensiyon sa laptop. Sa isang linggong pananatili nila sa mga Velez ay natambakan na siya ng t
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan