Matapos punasan ni Ashton ng basang bimpo ang katawan ng dalaga ay kaagad niya itong binihisan ng pantulog. Matapos iyon ay kaagad siyang tumabi ng higa sa babae.
Nakangisi niyang inilabas ang kanyang cellphone. Kaagad niyang hinanap ang camera ng kanyang cellphone at itinapat iyon sa kanila ni Amber matapos niyang idikit ang ulo nito sa dalagang nakatagilid paharap sa kanya.
Matapos makakuha ng larawan ay kaagad siyang nagtungo sa listahan ng kanyang contacts. Kaagad niyanh ipinasa ang larawan. Kaagad din siyang naglagay ng caption nito.
It's indeed a wonderful night. Thank you for the wine.
Nang mabasa niya ang salitang sent bilang tanda na naipadala na niya ang mensahe ay lalong lumawak ang kanyang ngisi.
Samantala, natigil naman sa paglalakad si Dark Indigo nang marinig niya ang message ringtone ng kanyang cellphone. Kunot-noo niya iyong hinugot sa kanyang bulsa dahil wala siyang inaasahang text messa
Gustong kutusan ni Amber ang kanyang sarili kung bakit lumabas iyon sa kanyang bibig. "Baliw ka na self." Ugong ng kanyang isipan. "Ofcourse, Amber. Pananagutan ko ang nangyari. If you want, I can marry you as soon as possible." May munti itong ngiti sa labi. "Nagbago na isip ko. Joke ko lang talaga 'yon." Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa kanyang labi. "No, I insist. Dapat noon pa kita pinanagutan. May mga anak tayo, dapat lang naman na pakasalan kita, 'di ba?" Puno ng kaseryosohan ang ekspresyon nito. "Joke nga lang." Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng malapot. Aniya sa sarili, mukhang hindi niya yata madaling mababawi ang kanyang sinabi. "C'mon. Let's start a new beginning. Bigyan natin ng kumpletong pamilya ang mga bata. Magpakasal na tayo." Lalo tuloy siyang pinagpawisan sa tinuran ni Ashton. Mahina na lamang siyang tumikhim bago siya magsalita. "Ang kasal ay para lang sa ta
Napataas na lamang ang kilay ni Amber sa limang paper bags na nasa kanyang harapan. Bukod roon ay mayroon pang isang box ng white chocolate at isang kulay pink na human size Teddy bear."Ang dami naman nito, tanders?"Nailing na lamang siyang napabaling sa lalaki. Sa lumipas na isang linggo ay walang palya ang pagbibigay sa kanya ni Ashton ng kung anu-ano regalo gaya ng jewelries, damit, sapatos at bags."At saka bakit araw-araw na lang, hah?""Just let me do this, Amber. I just want to pamper you---" Bago pa siya matapos sa sabihin ay natigil siya ng magsalita si Amber."Hay naku! Bahala ka sa life mo. Basta kapag namulubi ka bigla, huwag mo akong sisihin."Akmang aawang na ang labi ni Ashton nang marinig nila ang pagkatok sa pinto. Bago siya makahuma ay kaagad nang humakbang si Amber palapit sa pinto upang buksan iyon. Bumungad sa kanyang paningin ang isa sa mga katulong."Magandang gabi, Lady Amber." Y
"You'll marry me?" Tila 'di makapaniwalang tanong niya."Ayaw mo? Sige huwag na lang, madali naman akong kausap.""No, ofcourse gusto ko." Mabilis nitong sagot. "I just can't believe. It's feels like I'm dreaming."Mahina siyang natawa sa tinuran nito."Nanaginip ka talaga, tanders. Kaya gising na." Pumitik si Amber sa harap ng mukha nito. "Gising na. Walang kasalang magaganap.""Walang bawian, please."Lalo siyang natawa sa hitsura nito. Para itong batang nagmamakaawa."Ikaw kaya itong maraming hanash diyan." Nakatawang turan niya.Natigilan lamang siya sa pagtawa nang humawak si Ashton sa kanyang kamay."I wanna hear it from you again, Amber." Sinsero ang mga mata nitong nakatingin sa kanya."Hays! Ang kulit! " Pasimple niyang tinanggal ang kamay ni Ashton na nakahawak sa isa niyang kamay. "Oo nga, papakasalan kita.""Thank you." Mabilis siya nitong niyakap. Para namang
Magkasunod na pumarada ang dalawang magarang sasakyan sa harap ng bungalow house ng mga Velez. Mula sa mga bahay na kadikit ng maliit na bahay ay nagsimula na ring lumabas ang mga tao at nakiusyoso. Tila ba may dumating na artista. Hindi naman naiwasan ni Amber ang manliit nang bumaba sa ikalawang sasakyan si Don Flacido. Aniya, ang bahay nila ay kasinglawak lamang ng isang kwarto sa mga Villacorda. Nabaling lamang ang tingin niya kay Ashton nang pisilin nito ang kanyang palad. Binigyan siya nito ng sinserong tingin. "Don't be nervous." Marahan na lamang siyang tumango bilang tugon. "Mareng Amaya! Lumabas ka, may bisita kayo!" Sigaw ng isa sa kapitbahay nila. Lumapit naman ang isa sa kapitbahay nila, nagniningning ang mga mata nitong sinuri ng tingin ang kabuan ni Amber. Simple lamang ang estilo ng suot niyang kulay peach na bestida ngunit 'di maikakailang mamahalin ito. "Ang tagal mong nawala ah. Balita namin nag-asawa ka na." Tipid na ngiti na lamang ang naisukli nito sa a
Walang pagsidhan ang tuwa ni Amber. Buong akala niya ay sasaktan na naman siya ng kanyang ina. Ngunit naging maayos naman ang usapan nila kanina. Hindi tuloy mapalis ang kanyang ngiti habang nasa biyahe sila pabalik ng mansiyon. "You look happy." Puna sa kanya ni Ashton Blumentrint dahilan para mapatingin siya sa lalaki na nakaupo sa tabi niya sa backseat. "Kasi napatawad na ako ni Mama." Sumilay naman ang ngiti ni Ashton. "At pasensya ka na rin sa mama ko. Masyado siyang astig kanina." "It's okay, Amber. Wala kang dapat ihingi ng sorry. Lahat ng tao may kanya-kanyang personality." Napangiti na lamang si Amber. Hindi na rin naman siya umimik. Natuon na ang pansin niya sa pagpasok ng sasakyan sa mansiyon ng mga Villacorda. "C'mon! Come with me." Inilahad ni Ashton ang kanyang palad. Napatitig naman roon si Amber. Hindi siya agad nakaimik dahil sa pagkabigla. "I'll show you something" "Anon
"Joke lang naman." Tumatawang saad ng dalaga kasabay ng pagpirma niya sa marriage contract na kanyang hawak. "Pinakaba mo ako, Amber." Lalo namang natawa ang babae sa tinuran nito. "Oh heto na. Pirmado na." Nakangiting iniabot niya ang papeles kay Ashton Blumentrint. Maluha-luhang namang tinanggap iyon ni Ashton. Hindi pa rin siya makapaniwala. Para siyang nananaginip sa katotohanang asawa na niya ngayon ang babaeng noon pa niya pinapangarap. Ramdam rin niyang komportable na ang babae sa kanya . Nagagawa na nitong tumawa at ngumiti sa harap niya na labis na ikinatutuwa ng kanyang puso. Ilang sandali lamang ay pumasok sa loob ang dalawang katulong at may dalang pagkain. Matapos nilang itong iayos sa mesa ay ibinigay ni Ashton ang folder sa mas matanda sa kanila. Iniwan na rin sila ng mga ito nang magsimula na silang kumain. Naging masaya ang kanilang early dinner. Napuno iyon ng tawanan dahil palaging may baong biro ang
Napapikit na lamang si Amber nang lumapat ang malambot na labi ni Ashton Blumentrint sa kanyang labi.Ang puso niyang kaninang tila nalulunod sa takot ay unti-unting nakaramdam ng kapayapaan.Nang lumalim ang halik ni Ashton Blumentrint ay hinayaan siyang tangayin siya ng sensasyon.Naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere. Hinayaan lamang niya iyon. Ilang sandali siyang pangko-pangko ni Ashton habang magkahinang ang kanilang mga labi.Nang tumigil sila sa paglalakad at marahan siyang ibinaba ni Ashton. Noon na rin siya nagmulat ng mata. Pinutol nito ang kanilang halikan ngunit dinampi-dampian siya nito ng halik sa kanyang pisngi.Nang igala ni Amber ang paningin ay tumambad sa kanya ang bubong ng kubo na gawa nipa. Ang dingding naman nito ay gawa sa pawid at kawayan.Tila isa itong maliit na silid. May queen size na kamang may malambot na kutson. Mayroon ding dalawang lampshade sa magkabilang gilid ng kama na siyang nagbibigay liwana
Matamis na ngiti mula kay Ashton Blumentrint ang bumungad kay Amber paggising niya kinabukasan."Good morning, my beloved." Matapos sabihin ang salitang iyon ay mabilis niyang kinintalan ng halik ang noo ng kanyang kabiyak.Awtomatiko namang iginala ni Amber ang kanyang paningin. Wala na sila sa kubo. Nasa master's bedroom na siya ngayon. Hindi niya tuloy naiwasan ang mapakunot noo dahil natatandaan niyang pareho silang ginupo ng antok ni Ashton matapos ang kababalaghang ginawa nila kagabi."I transferred you here this morning. Tulog na tulog ka kaya hindi na kita ginising." Hindi nawala ang matamis nitong ngiti sa kanyang labi.Hindi tuloy naiwasan ni Amber ang mapaarko ng kilay."Anong nginingiti-ngiti mo diyan, hah?" Bumangon ang babae mula sa pagkakahiga. Noon niya napansin na nakasuot na siya ng kulay baby pink na silk robe.Umiling naman si Ashton bilang tugon subalit hindi naman napalis ang kanyang ngiti."Ano
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan