" Hoy, Bella, tara na rito!" pagtawag sa akin ng pinsan ko.
Naupo ako sa kaniyang tabi at pinagmasdan ang ginagawa niya. Narito kami sa likod ng gym, tumatambay habang may pagkain na nginangatngat. Wala ang dalawang kaibigan namin at tila hindi pumasok sa aming klase. Ang haba ng vacant namin, limang oras. Sana pala umuwi na lang ako pero baka magtaka na naman ang tatay ko.
" Anong ginagawa mo, ha?" tanong ko.
Inirapan ako ng pinsan ko. Yeah, kung nagtataka kayo kung bakit kaklase ko siya syempre nag-advance exam siya para maging kaklase ko raw ang bruha. Ayaw pa nga sanang payagan nila Tita pero nagpumilit lang.
" Bulag ka ba? Malamang nag-e-edit ako!" masungit na sagot niya sa akin.
Tumawa lang ako sa kaniyang isinagot. " Ako? Chill lang, basic lang kasi iyan!" pagmamayabang ko. " Maaari na akong maglakwatsa!" pag-iinggit ko sa kaniya.
" Saan naman? Sa parke?" batid ko ang sarkasmo sa boses nito. Kung hindi ko lang siya pinsan, baka nasabunutan ko na siya ng todo.
" Diyan lang, baka may magkagusto sakin sa tabi-tabi!"
Sinamaan niya ako ng tingin. " Hindi ka pinalaki nila Tita na maging kaladkarin lang, bruha ka!" sermon niya sa akin.
Ngumuso lamang ako. " Hindi naman ako kaladkarin, ano! Joke lang kasi iyon."
" Tse! Huwag mo akong dramahan kung ayaw mong ibitin kita patiwarik." banta niya sa akin.
Tumahimik na lang ako at ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang ginagawa. Patapos na rin naman siya kaya kinukulit ko talaga na gumala kami ngayon. Gusto ko lang talagang i-relax ang ulo ko dahil sa madaming pinapagawa ng professor naming panot.
" Tara na kasi sa mall mamaya. Hmm?" pagpupumilit ko sa kaniya.
Huminga siya nang malalim bago ako harapin at itiklop ang laptop niya. " Fine! Kapag ikaw, Bella gumawa na naman ng ikakapahamak mo, ewan ko na lang kung ipatapon ka bigla ni Tito sa Amerika."
" Matino naman ako. Hindi ako ipapatapon ni Daddy sa Amerika at ayaw ko roon," nakasimangot na sagot ko. Spoiled brat na kung spoiled brat. Pinalaki akong ganoon at wala naman akong magagawa dahil hindi ko mabago ang sarili ko kahit na anong pilit ko.
" Maraming banta sa buhay mo, kaya iniingatan ka lang ng Daddy mo."
Inakbayan ko siya. " Basta sa mall tayo pagkatapos ng klase natin. Kasama naman kita," nakangiting sambit ko. Nagpa-cute pa ako para lang pumayag siyang samahan ako. Her weakness.
" Oo na, Bella. Tigilan mo na ang pagpapa-cute dahil hindi ka naman cute!" iiling-iling na sambit niya.
Bumitaw ako sa aking pagkaakbay sa kaniya at ngumisi lamang rito. " I ain't cute, I'm beyond beautiful." pagmamayabang ko at nagkunwaring rumampa sa harap niya.
" Nagbuhat ka na naman ng sarili mong upuan," she answered full of annoyance.
I just roll my eyes on her. " Inggit ka lang,"
Hindi na ito nagsalita at naglaro na lamang ng plants vs. zombies sa kaniyang Ipad. Kinuha ko naman ang cellphone ko para buksan ang social media account ko. Ilang minuto pa ang lumipas, inayos ko ang aking sarili at nag-apply ng kaunting liptint sa aking labi. Naglagay rin ako ng kaunting face powder at ayon, fresh na ulit ako.
I ponytailed my long wavy hair at nagtira ng iilang maliliit na strand ng aking buhok. I took a lot of pictures in different angle. May stolen shots pa ako na si Achi ang laman niyon. Nang magsawa ako ay ipinost ko iyon sa i*******m account ko.
Nag-scroll lang ako habang nakaub-ob ang aking ulo sa lamesa. Ramdam ko ang antok kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Pero nagising ako bigla dahil nakarinig ako ng mumunting tawa sa aking tabi.
Iminulat ko ang aking mata at nabungaran ko ang pinsan kong si Achi na tumatawa mag-isa. Kumunot ang noo ko at dumukwang sa kaniya para tignan kung ano o sino ang tinatawanan niya kaya napatingin ito sa akin na may pagtataka.
" Oh! Gising ka na pala, Bella!" gulat na saad niya.
Inirapan ko siya, " hindi pa ako gising, Achi! Putangina, ang ingay mong tumawa!" nakabusangot na asik ko sa kaniya. " Wala man lang pakundangan ang tawa mo. Alam mong natutulog ako," dagdag ko pa. Nakakainis.
" Nakakatakot ka naman, Bella! Tsaka nakakatawa itong pinapanood ko, eh."
" Wala akong pakialam," pabalang na sagot ko sa kaniya.
Hininaan na lamang niya ang volume ng kaniyang selpon. Tinignan ko na lamang ang aking relo at halos ilang minuto lang ang aking itinulog. Damuho kasi ang bruha. Napaka-ingay ng bunganga.
" Umalis na lang kaya tayo?" wala sa kawalan niyang tanong.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko pa siyang itinataas-baba ang kaniyang kilay. Mukhang excited rin ang babaeng ito, patanggi-tanggi pa kanina, tapos ngayon mag-aaya siya. Ibang klase!
" Paano naman tayo makakatakas sa gwardiya, aber?"
Nagkibit balikat na lamang siya sa akin bago tumayo. Nang maayos ko ang aking bag ay walang pakundangan na lang niya akong hinila paalis sa aming kinaroroonan.
" Ano ba! Tumigil ka muna!" hingal na hingal na sigaw ko sa kaniya. Ang layo na nang tinakbo namin at pagod na ang aking mga paa. Ang haggard ko na tuloy, wala pa man din akong dalang extra damit.
Ngumisi lamang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagtakbo hanggang makarating kami sa may gilid ng gate, hindi kalayuan sa mga gwardiya na nagbabantay.
" Weak naman ng isang De Marco!" she hissed. Tumawa pa siya nang mahina ng makitang inirapan ko siya. " Weak talaga," gatong pa niya.
" Hoy! Hindi ako weak!" sikmat ko sa kaniya. " Ano? Saan tayo dadaan?" tanong ko.
Ngumisi na naman siya. Mukha siyang asong ulol. " Mukha kang ulol,"
" At least mukha lang pero hindi pa nau-ulol!"
Umakyat siya sa pader kaya nagtaka ako kung bakit siya umakyat roon. " Bakit ka umakyat, riyan?"
" Kasi nga, dito tayo dadaan para hindi tayo makita ng guard. Kaya halika na at i-abot mo sa akin ang iyong kamay para hindi tayo mahuli, Ms. De Marco," sabi niya sabay lahad ng kaniyang kamay.
" Ayoko." matigas na saad ko. " Baka magka-sugat pa ako sa pag-akyat,"
Sinamaan niya ako ng tingin. " Kapag hindi ka pa umakyat, walang pupunta ng mall, Bella." hamon niya sa akin.
Nainis ako sa kaniyang hamon kaya mabilis kong inabot ang kaniyang kamay at nagpahila sa kaniya. Nang makababa kami ay eksaktong naroon na pala ang Vugatti Veyron niya. Handang-handa ang bruha.
Sumakay siya roon at isinuot ang helmet niya kaya sumakay na rin ako at isinuot rin ang helmet na extra. Mabilis niyang pinatakbo ang motor nito kaya napakapit ako sa kaniyang bewang. Tumatawa pa siya habang nagmamaneho at walang pakialam sa mga kotseng sinisingitan niya ng pwesto.
Higit isang kalahating oras ang aming binaybay bago makarating sa MOA. Ipinarada nito ang kaniyang motor sa dulong bahagi ng parking lot. Maraming tao ngayon at hindi ko rin alam kung bakit. Inayos ko muna ang aking sarili bago kami pumasok sa loob.
Mall? Ibig lamang sabihin niyan, damit na naman ang aming bibilhin. Lumibot kami sa iba't-ibang botique at may nabili na rin akong isang floral dress, shoes at bag. For sure, magagalit na naman ang aking mahal na ama dahil sa ginastos ko rito.
" Hoy, Bella?" tawag sa akin ni Achi.
" Ano?" hindi ko pa rin inalis ang aking tingin sa pagtitingin ng mga damit.
Patuloy niya akong kinalabit kaya tinignan ko siya nang masama. " Ano nga iyon?!" naiinis kong tanong.
Ngumuso siya sa ibang direksyon kaya sinundan ko iyon. Napansin ko ang tatlong lalaki na hindi kalayuan sa aming pwesto at nabigla ako nang biglang sumulyap ang lalaking naka itim na T-shirt sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.
" T-tara na sa ibang botique, Achi." bulong ko sa aking kasama.
" Kanina ko pa sila napapansin kaso ayaw mong paawat sa iyong pagtitingin sa mga damit." she explained, " Mukhang type ka yata ng nakaitim kasi kanina pa siya sumusulyap sa iyo." sambit pa niya.
Umiling lamang ako sa kaniya. " Baka saktan pa tayo niyan,"
Hinila ko ang laylayan ng kaniyang damit kaya nagtataka siyang tumingin sa akin. " Mukhang hindi ka naman sasaktan niyon. Ang gwapong nilalang! Baka nga schoolmate natin sila, napansin ko kanina ang hinubad na Varsity jacket ng kasama niya." paliwanag niya.
" Baka kagaya lang, Achi." giit ko.
" I'm sure, type ka ng lalaking naka-itim. Lapitan mo na kaya?"
Hinila ko ang hibla ng kaniyang buhok. " Gaga! Hindi ako marupok na kagaya mo!" sikmat ko sa kaniya.
She laughed. " Nakangiti sa iyo, pinsan!"
Creepy!
Sa sinabi niyang iyon ay umangat ang tingin ko doon sa pwesto ng mga lalaki at tama nga si Achi dahil nakangiti ito sa akin. Napalunok ako nang matitigan ko ng maigi ang kaniyang mukha. Shit, ang gwapo nga!
Hinila ko na lamang si Achi paalis roon dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa lalaki. May something sa kaniyang mata at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa isipin na iyon. Tumungo na lang kami sa ibang botique ngunit ramdam ko na parang may sumusunod sa amin kaya dahan-dahan akong lumingon sa aming likuran. Naroon sila at naglalakad na nagtatawanan.
Nauna akong naglakad kaysa kay Achi. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko pinansin. Umiwas rin akong tumingin sa aking likuran at dumiretso na lang sa food stall. Naupo ako roon umorder ng pagkain. I saw Achi coming in my direction. Napalunok ako nang nakitang nakasunod ang mga lalaki kanina.
" Ang bilis mo naman!" sabi niya sabay irap sa akin.
" Achi, nakasunod pa rin sila sa iyo." maktol ko sa kaniya.
She just laughed and roll her eyes on me. " Tanga! Mukhang gustong magpakilala pero pilit ka namang tumatakbo."
Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim. " Mas pipiliin ko na lang ang tumakbo, Achi kaysa makipagkilala sa mga taong sumusunod sa atin." makahulugan kong sagot sa kaniya.
She shrugged her shoulder before she ordered her own food. Nagpalipas kami ng oras roon kahit na ang awkward ng atmosphere dahil ramdam ko ang bawat tingin niya sa aking gawi. I tried to relax my fucking mind pero hindi umuubra.
Paalis na kami sa food stall ngunit biglang sumakit ang tiyan nitong pinsan kong abnormal. Malamang, sa dami ng kinain niya talagang ma-iimpacho siya.
" Samahan na lang kita sa restroom, Achi." prisinta ko na ikinailing niya.
" Kaya ko na, Bella. Hintayin mo na lang ako roon sa exit ng mall. Basta manatili ka lang sa maraming tao para makahingi ka ng tulong kapag nasa panganib ka." she said at mabilis na umalis sa aking kinatatayuan.
Naglakad ako patungong exit ng mall. Hindi ko na lang pinansin ang mga lalaki na nakasunod sa amin kanina ni Achi. Mukhang umuwi na rin sila at sana nga dahil hindi ko makayanan ang titig ng isang kasama nila.
Nakatayo ako sa exit ng mall. Dumikit ako sa medyo maraming tao kagaya ng sinabi ni Achi. Wala naman kakaiba sa paligid ngunit biglang nanlamig ang buong paligid nang may nagsalita sa likuran ko.
" May hinihintay ka?" malamig ang boses na galing sa aking likuran.
Nakaramdam ako ng kaba. Tumabi ito sa akin na siyang ikinabigla ko kaya napalayo agad ako sa kaniya.
He laughed a bit. Ang sexy naman ng tawa niya. Ani ko sa aking isipan.
" I don't bite, lady." aniya.
Umirap ako. " Wala akong pakialam. Bakit ka ba sumusunod?"
" I just want to meet you, lady. Is it bad?"
Ako? Gusto raw niya akong makilala?
" A-ako?" turo ko sa sarili ko dahil baka joke niya lang iyon.
Tumango siya at ngumiti sa akin. " I'm Kashmiere Geyser." pakilala niya.
" Anong paki ko sa pangalan mo?" masungit kong bara sa kaniya.
" I just want to know your name, lady besides, we're schoolmates!"
Schoolmate? Bakit di ko masyadong nakikita ang mukha niya?
" I'm from the College of Law and you're from the College of Arts and Sciences right?" he asked.
Kumunot ang aking noo. " Paano mo nalaman?"
" Schoolmate tayo. Nakikita kita araw-araw kasama ng mga kaibigan mo," sagot niya.
Hindi ako umimik dahil parang napahiya pa ako roon. Ang tagal naman ni Achi! Grabe, sabi niya hintayin ko pero ang tagal naman niya sa CR.
" What's your name, lady?" he asked again.
Dahil naiinis na ako at ayaw rin akong tigilan nitong tao na nasa tabi ko ay sinabi ko na lang ang aking pangalan. " I'm Bella Amore,"
Napasinghap siya kaya tumingin ako sa kaniya. Pansin kong nakatitig siya sa akin bago nagsalita. " Beautiful name. It suits you well," he said. " You're beautiful, too."
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko siya pinansin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na ito sa akin. Eksakto naman ang dating ng pinsan ko na may ngisi sa kaniyang labi.
" Ano iyon? Nawala lang ako saglit pero mukhang nagkakilala na kayo, ah." tudyo niya.
" Tse! Tara na nga at makauwi na, ang tagal mo sa CR!" naiinis kong asik sa kaniya.
Tumawa lang ito ng mahina. " Kung hindi ako nagtagal, tingin mo magkakakilala kayo nang lalaki mo?" bara niya sa akin.
Nauna na lang akong naglakad at isinantabi ang sinabi niya. Wala naman akong pakialam dahil hindi naman ako interesado sa taong iyon. Lalaki ko? Pumuti muna ang uwak bago mangyari ang bagay na iyon. Asa naman na papatulan ko ang nilalang na iyon kahit pa gwapo siya, wala akong interes.
To be continued...
" Natapos rin sa wakas!"Katatapos lang ng huling klase namin at tuwang-tuwa na nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Patalon-talon pa silang lumabas na para bang isang kangaroo. Napailing na lamang akong nagliligpit ng gamit ko.Bwesit kasi ang professor namin na panot at nag-extend pa ng oras. Kanina pa sana ako nakauwi kung hindi lang siya umepal sa oras. Lumapit sa akin ang pinsan ko at mga kaibigan ko at niyayaya akong magtungo sa bar. Just to relax and have fun daw kasi friday naman at walang klase bukas." Ayoko,"tipid kong sagot." Huwag ka nang killjoy, girl!"sabat ni Bevs.Umiling
" Aba! May lakad ka? Nagmamadali lang, Bella?"Napatigil ako sa pag-aayos ng aking gamit nang magsalita si Kara sa aking likuran. Napairap ako bago tumingin sa kaniya." Wala akong lakad. Masyado lang kayong mabagal mag-ayos ng gamit niyo,"sagot ko sa kaniya.Hindi ko na lang sana kwinento ang nangyari sa club noong nakaraan. Napapahanga tuloy sila kay Kashmiere at ang mga gago, itulak daw ba ako palapit sa lalaking iyon.I can say that he's handsome naman at may tindig ang pangangatawan. Wala naman akong interes dahil ayokong mapahamak pa siya sa akin lalo at may banta sa aking buhay. Yes, sole heir ako ng tatay kong pinakamayaman sa bansa at maraming kumakalaban sa kaniya.I always brough
" Aba! May lakad ka? Nagmamadali lang, Bella?"Napatigil ako sa pag-aayos ng aking gamit nang magsalita si Kara sa aking likuran. Napairap ako bago tumingin sa kaniya." Wala akong lakad. Masyado lang kayong mabagal mag-ayos ng gamit niyo,"sagot ko sa kaniya.Hindi ko na lang sana kwinento ang nangyari sa club noong nakaraan. Napapahanga tuloy sila kay Kashmiere at ang mga gago, itulak daw ba ako palapit sa lalaking iyon.I can say that he's handsome naman at may tindig ang pangangatawan. Wala naman akong interes dahil ayokong mapahamak pa siya sa akin lalo at may banta sa aking buhay. Yes, sole heir ako ng tatay kong pinakamayaman sa bansa at maraming kumakalaban sa kaniya.I always brough
@KGeyser: Still awake?Hindi ako nag-reply sa tanong niyang iyon sa akin. Kakahiga ko lang sa aking kama at binuksan ko agad ang aking instagram account na dapat ay hindi ko na lamang ginawa.Nagtingin-tingin lang ako ng stories ng ibang kaibigan ko pero nagpop-up na naman sa aking notification si Kashmiere. Binuksan ko ang mensaheng pinadala niya.@KGeyser: I'm your crush, right? You said that the other night hindi ko lang pinansin.Muling reply nito.Naitapon ko ang aking selpon nang mabasa ang mensahe niyang iyon. Sabi ko nga, mali na sinabi ko iyon sa kaniya. Anong idadahilan ko ngayon? Pinulot ko ang aking selpon at nag-type doon.
It's been a week since that news happened at ang paglilipat namin ng bahay. Madilim na ang buong mansyon ngunit naisipan ko pa rin magpahangin sa may veranda.Katatapos ko lang mag-aral dahil malapit-lapit na ang aming exam. I need to advance study kasi ayokong mag-review kapag malapit na ang exam. Naisipan kong buksan ang aking instagram at tinignan kung online si Kashmiere. Nakita ko naman siyang online kaya nagpadala ako ng mensahe rito.@BellaAmore: Namiss mo ba ako?Natawa ako sa sarili ko habang papadyak-padyak ang aking paa at naghihintay ng kaniyang reply. Mukhang mali na naman ang aking nai-padalang mensahe at tiyak kong mang-aasar na naman ito.@KGeyser: Hindi. Bakit kita ma-mimiss? Ako ba na-miss mo?
" Uy, may natitipuhan ka ba na iba ngayon?"tanong ko.Kasama ko si Kashmiere ngayon kasi lunch time at inaya naman niya ako. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang gusto niya ako pero hindi naman iyon malinaw sa akin. Hindi naman kasi niya sinabi sa akin kung gusto niya lang akong kaibigan o gusto niya ako bilang babae. Basta ang sabi niya lang na he likes me. Period!Nabulunan yata siya sa aking sinabi kaya nabigla ako. Mabilis kong inabot sa kaniya ang tubig na agad naman niyang ininom. Dahil sa labis na gulat at isama na rin ang pagkataranta ay inilapit ko sa kaniya ang bottled water ko." Anong sabi mo?"tanong niya.Bingi ba siya o nagbibingibingihan lang?" May
" Bakit ka tulala diyan?"Napapitlag ako nang magsalita si Achi na lumabas sa pintuan ng club na pinupuntahan namin. Napansin kong napatagal pala ako rito sa labas habang nagmumuni-muni sa paligid.Hindi ko kasi alam kung ano ang problema ni Kashmiere sa akin at hindi niya ako pinapansin. May nagawa ba akong hindi maganda? Sinabi ko lang naman na gusto ko siya. Tapos siya naman ang naguguluhan sa isinagot ko.I don't understand him. I really don't. Hindi niya hinihiling na gustuhin ko agad siya pero mas nauna ko naman na siyang nagustuhan kaysa sa hiling hiling na sinasabi niya.He said he likes me but now, I can't feel it. Nakakalito na rin minsan ang mga pagbanat niya sa akin. Nantritrip lang ba siya? Kasi tangina,
Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Kashmiere sa ibaba. Sinigurado kong dala ko lahat ng kailangan kong aralin para hindi na rin ako makasagabal sa kaniya." Tara na,"I said to him nang marating ko ang sala.Ngumiti ito sa akin at tumayo na rin agad. Hinigit nito ang aking kamay dahilan para magsiklop ang aming palad. I can feel the heat in my cheeks but I tilted my head para hindi na lang niya mapansin." Namumula ang pisngi mo,"out of nowhere na sambit niya na siyang ikinalaki ng aking mata.Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil nakakahiya naman." M-mainit lang siguro..."sagot ko.
SPECIAL CHAPTER 2 Lumipas ang ilang taon at hindi ko na namalayan ang pagdaan ng mga araw dahil sa pagmamahal ko kay Bella. Hindi ko rin namalayan ang pagsapit ng aking kaarawan kung hindi pa ako tumingin sa kalendaryo nang aking cellphone ay hindi ko na ito maalala. Ang bilis ng panahon ang edad ko ay madadagdagan na naman. Bumangon na ako and check my phone kung may mga bumati man lang sa akin at iyon nga, sunod-sunod ang bati sa akin ng mga kaibigan ko maging ang mga relatives ko. Hindi ko na inisa-isang basahin dahil sobrang dami. Napangiti na lamang ako nang mabungaran ko ang aking asawa na mahimbing pa rin na natutulog. Nag-ayos na ako dahil may kailangan pa akong tapusin sa opisina. Hindi ko muna ginising ang mahal kong asawa dahil wala lang, trip ko lang. Wish ko lang ay ang makasama siya hanggang sa huling hininga ko maging ang mga anak namin na kasalukuyang nasa kanilang lolo.  
8 years ago, I met this stunning woman which probably I fell in love with. She has dark secrets that she needs to sacrifice herself just to protect me from the bad guys who keeps on chasing their family’s wealth. Until one day, we met again, became her lawyer who can protect her as being a trouble maker. She’s the C.E.O of the DeMarco Empire as well as model of her own clothing line.I was in deep pain before, no communication at all in the past 8 years but my love for her didn’t change. Ipinakita ko sa kaniya na kaya ko siyang protektahan na hindi niya nalalaman. Kaya kong magpasaksak at harangin ang isang daang batalyon na may hawak na baril para lang iligtas siya sa mga kaaway ng pamilya niya. It’s a bumpy relationship but I’d rather die if that’s the case on how to protect her. I deal with it myself just to protect the woman I loved. Haharapin ko si kamatayan para sa kaniya kasi worth it iyon kasi alam kong doon siya mag-a
Kashmiere's POVFlashback...Apat na linggo na ang nakalilipas mula nang nagkaayos at nagkabalikan kami ni Bella. Nais kong bigyan siya nang magarbong sorpresa at ang sorpresang iyon ay ang mag-propose sa kaniya.I prepared everything. I prepared everything in our home soon. Iyon ang magiging saksi sa pagmamahal ko sa kaniya na palagi niyang maaalala hanggang sa pagtanda.It was a cold evening and everything is under control now. Guards are also roaming around for our safety. This occasion is actually suggested by my friends because I can't think of possible way on how I am going to propose but my friends are useful, tho."Bell
Kashmiere's POVPumasok ako sa kwarto ni Bella, pasado alas dos na nang madaling araw dahil nanggaling pa akong opisina. Pagkatapos kasi nang trial kanina ay dumiretso ako sa firm dahil may kinuha akong papeles doon. Nauna na siyang umuwi dahil kailangan niyang magpahinga and I know that she's exhausted from the case.Inilapag ko ang aking suit case sa kaniyang tokador. Naglakad ako patungo sa kaniyang kama habang niluluwagan ang aking kurbata ngunit kumunot ang noo ko nang makitang wala siya sa higaan. Namulsa ako nang mamataan ko siya sa kaniyang veranda, nakatayo at yakap ang sarili habang tinatanaw ang buong harap ng mansyon nila.Malamig ang hangin na sumalubong sa aking mukha, marahil ay hindi pa niya ako napapansin kaya niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran.
Nasa unit pa rin ni Kashmiere si Bella. Napagpasyahan kasi nilang magtungo sa mansyon dahil naroon ang kaniyang Uncle. Nais niya itong komprontahin sa pagtataksil nito sa kanilang organisasyon.Naghihintay sa living room si Kashmiere habang nagbibihis si Bella. She's wearing a black fitted tube and covered it with black leather jacket and a pair of a high-waist skinny jeans and rubber shoes. She's like a boss in her outfit, tho. Wala siya sa lamay pero parang mayroon na siyang pinaglalamayan sa suot niya.Lumabas na siya at tumambad sa may pinto si Kashmiere na akmang kakatok sana pero mukhang nabitin iyon."What the hell are you wearing?"taas kilay na tanong nito.Bella scanned her outfit then pretended there's
Bella's POV"I'm... I'm coming back to you, Kashmiere,"usal ko habang yakap siya.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para sabihin ang mga katagang iyon. Ang tanging alam ko lang ngayon ay safe ako sa kaniyang yakap.Naghiwalay kami sa yakap, hindi inalintana ang aming posisyon. Pinakatitigan lang niya ako, ngumiti ako sa kaniya. A genuine smile, rather.Umayos siya sa sofa, naupo nang tuwid bago niya ako hilain para bumangon at dalhin sa kaniyang kandungan. Ipinulupot ko ang aking braso sa kaniyang batok at hinarap siya."Walong taon, Bella... pero mahal pa rin pala kita,"sinserong sambit niya.
Kashmiere's POVTatlong araw na simula noong huli naming pag-uusap ni Bella. Sa makalipas na tatlong araw ay nasa condo lang ako, pinag-aaralan ng mabuti ang kaso na naisampa sa kaniyang Uncle at ex-boyfriend.Pagkatapos kasi nang huli naming pag-uusap ay hindi na ako muling pumasok sa kompanya nila. Kinausap ko muna ang kaniyang tatay para ipaalam iyon. Gusto ko muna siyang matahimik ukol sa kaso.Kaharap ko ngayon ang mga tambak na papeles na siyang naglalaman ng ebidensya at mga witness na maaaring magpatunay na walang kinalaman ang mga De Marco sa kasong pagpuslit ng ilegal na armas at droga."Tangina! Nalintikan na!"inis kong sambit.Ang d
Kashmiere's POV "What the hell, Bella?!"singhal ko agad sa kaniya kakapasok ko pa lang sa kanilang kompanya. Higit dalawang linggo akong nawala dahil naghanap ako ng ebidensya laban sa DeClan Mafia na kalaban nila at pilit silang iniipit. And aside from that, I am busy watching her from afar dahil sa putanginang nobyo niya. Humalukipkip siya."What the hell mo mukha mo, gago!"sigaw niya. Malamig ko siyang tinitigan."Kung naiinis ka dahil hindi ako nagpakita, para sa iyo rin naman ang ginawa kong iyon."Kasi gusto kita palaging ligtas.Gusto ko sanang idagdag pero pinigil ko na lamang ang sarili ko. Mabuti na lang at nasa p
Bella's POV "Pumasok pa ba si Attorney Alcantara?"tanong ko sa sekretarya ko pagkapasok ko sa aking opisina. Isang linggo na buhat nang hindi magpakita sa kompanya si Kashmiere na siyang ikinataka ko. Naiinis ako dahil halos dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa kompanya. Sinubukan ko siyang tawagan sa kaniyang numero ngunit out of reach lamang ito. Teka, bakit ko ba siya hinahanap at bakit ako naiinis kung hindi siya pumapasok? "Hindi po, Madam."sagot nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay,"tawagan mo siya nang paulit-ulit hanggang sa sumagot ito, maliwanag?"sabi ko rito at pinalabas na siya.