..Patuloy ang pananakit ng nanay ni Marie kay Don Arturo. Wala naman itong magawa kung hindi tanggapin na lamang ito. Alam kasi nito ang pakiramdam ng mawalan ng taong minamahal. Ganitong ganito ang pakiramdam niya ng mawala ang nanay ni Brianna sa sakit na cancer. Kahit anong dami ng pera nila ay hindi nila nagawang pahabain pa ang buhay nito. “Ateeeee!!! “ Nilingon nila Don arturo kung sino ang sumigaw. “Bakit mo ako iniwan? Nangako ka ate. Ang sabi mo magkakasama tayo sa huli. Pero bakit mo ako iniwan? Paano na ako? “ sigaw ni Kristine habang nakayakap sa malamig na bangkay ng kanyang ate. Hindi iniwan ni Don Arturo ang nanay ni Marie at ng napakalma niya ito ay inumpisahan na nila ang paguusap kung ano ang kanila plano sa bangkay ni Marie. Samantalang si Kristine naman ay umalis pumunta ng roof top para doon maglabas ng sama ng loob. “Wala na po kayong iisiping bayarin, lahat po ng hospital bill at funeral bill ay babayaran ko na po”. sabi ni Don arturo habang nakayuko. ni
“ Papa, I’m ready to work. When Can I start back again? ““ Anak, wag ka muna mag madaling magtrabaho. Okay lang naman na dito ka muna sa bahay or you go on a vacation with Sasha” “ Buryong buryo nako papa. Gusto ko na mag trabaho. Alam mo naman na ayaw kong walang ginagawa. And besides I’m done taking meds already. Graduate na ako. I’m perfectly fine” “ O sya sya.. You can start by next week. But if you feel exhausted or may maramdaman kang kakaiba, take a rest. Don’t hesitate na lumapit sa akin to share your thoughts and worries. Good or bad news man yan. Okay? That’s our deal.”“ Papa, don't worry too much. I’ll be fine. Just trust me. " ..Makalipas ang isang linggo ay bumalik na sa trabaho si Brianna. Nagkaroon sila ng company lunch para ma-welcome nila ito at makapag pakilala sila ng personal dito lalo na sa mga baguhang empleyado. At dito nakilala ni Brianna si Gregory. Isa siyang intern sa kumpanya nila. Naging interesado siya dito dahil mabait at gentleman ito. Knock! Knoc
**Greg’s POV**Ang bilis naman ata mag desisyon nun? Tatanggapin ko ba? Pero paano kung hindi ko magawa ng tama ang trabaho ko? Pero ang hirap din tanggihan dahil napakalaki ng sweldo para sa first time job. Ang swerte ko naman ata? Hay nako! Naguguluhan ako.**End of POV**Alas dos na ng tanghali at nakita niya si Sasha. Lumapit ito para kausapin siya at para masagot ang iba pa niyang katanungan.“Ma’am Sash, gusto ko lang po sanang itanong kung bakit biglaan ang mga pangyayari? Hindi naman sa ayaw ko. Nagtataka lang ako. At bakit sa dami namin ay ako ang napili? Madami din naman ang mas eksperyensado kesa sa akin.”“ Hay nako Greg. Sa totoo lang nabigla din ako. Pero sasabihin ko sayo ang totoo. Wag lang lalaki ulo mo ha. Well.. Si Brianna ang nag desisyon na ilagay ka as assistant secretary. Marahil gusto ka niyang makilala pa. Gaya nga ng sabi kanina ni Don Arturo ay nakitaan ka ng potensyal. Wag mong sayangin. Tanggapin mo na! “" Ahh ehh. Pati ba ikaw nagmamadali na din? Hahaha”
Di nagtagal ay nag kapalagayan ng loob sina Greg at Brianna. Hindi rin naman nahirapan si Greg na makisama kela Brianna at Sasha. Kung tutuusin ay di naging mabigat ang trabaho nito sa kompanya.“Kung ganito ang makikita ko araw araw ay paniguradong buo nanaman ang araw ko.” Bulong ni Brianna sa sarili habang may hawak ng kape. Asa labas ng kanyang opisina ang lamesa ni Greg at Sasha. Kitang kita nito ang ginagawa ng dalawa, samantalang di naman siya nakikita ng mga ito dahil one way glass ito. Si Greg ang nakakasama niya kapag may meeting sila sa labas ng opisina at si Sasha naman ang taga ayos ng schedule at taga sagot ng mga tawag nito sa kanya.“So where do you want to eat guys?” pag aaya ni Brianna sa kanyang mga sekretarya.“Bessy di ako makakasama, kayo nalang muna ni Greg. Si Nanay kasi anjan sa katabing ospital nagpapacheck up sisilipin ko muna siya don. So pano ba yan? Kayo nalang muna mag lunch ahh.. Happy lunch sa inyong dalawa”. Sabay kuha ni sasha ng kanyang bag at luma
Magkausap si Don Arturo at si Sasha sa opisina. Bumalik siya kaagad ng makita niyang nasa resto na sina Greg at Brianna. “ Ano ang balita sa ating plano? Successful ba ito?” Tanong ni Don Arturo. “ Yes po sir. Nandoon na sila sa resto. Sinilip at nagpatagal din ako ng ilang minuto para makita ko kung ano mangyayari. Hindi na po ako sumama sa check-up ni mama para masubaybayan ko sila.” “ Pasensya kana. Dahil dito ay hindi mo na tuloy nasamahan ang iyong ina sa pag pacheck-up. Ikamusta mo ako sakanya ha? Hayaan mo ay pagkatapos nito, bumawi ka sakanya. Maaari kang mag leave tomorrow. “ “ Ay talaga po ba Don Arturo? Naku!! Salamat po sa offer. Kaya lang marami po akong aasikasuhin. Baka matambakan po ako ng trabaho. Siguro po ay gagamitin ko nalang iyong free leave some other day. Anyways, Nag-usap naman si Brianna at Gregory, mukhang masaya ang kanilang first date” “ Good job! Kung ganun ay mukhang okay naman si Greg kay Brianna. Kaya naman ang susunod natin ay kasalan. Pero ba
..Alam ni Sasha na may kinalaman ito sa nangyari kay Marie. Ngunit dahil mahal niya ang kaibigan niya ay nagsilbi na lamang itong pipi at bingi sa mga nangyari. Hindi na rin ito inopen ni Sasha at baka makasama ito kay Brianna. Ang tanging hiling niya lang ay tuluyang makalimot ito sa bangungot na nangyari sa kanya at makapag simula ng masayang buhay. Hindi nagtagal ay nag umpisa na rin itong maghanap ng mga taong makakatulong kay Greg. Inumpisahan na rin nito ang mga training na magpapalawak sa kaalaman nito. Mula sa mga istilo at bibihisin nito mula ulo hanggang paa ay binago na rin. Naging madali lang ito kay Greg dahil matalino at madali lamang itong maka adapt ng mga bagay bagay. Tinuruan din itong makisalamuha sa mga bigatin at mayayaman na tao. Hindi pa man din sila ni Brianna ay inumppisahan na ni Don Arturo ang pagbabago sa katauhan ni Greg ng sa gayon ay pag naging sila ni Brianna ay hindi na ito mag mukhang kahihiyan sa kanilang pamilya dahil sa posisyon nito.“ Simula nga
Makalipas ang 6 na buwan ay nging maayos naman ang panliligaw ni Greg kay Brianna. Nung umpisa ay naging usap usapan ito sa kanilang opisina pero di rin nagtagal ay sinang ayunan din ito ng mga empleyado at mga nakatataas. Malaki laki na rin ang pinag bago ni Greg, ika nga nila totally make over daw ang ginawa sa binata. Mula sa pananamit, kotse at ultimo pakikisama nito ay ibang iba na. Kung hindi siya kilala ng mga empleyado ay iisipin nilang isang galing sa prominenteng pamilya ito. Kaya laki rin ang pasasalamat nito sa pagbabagong kinakamit niya. Inaya ni Greg magkape si Brianna sa isang bagong bukas sa Cafe na malapit saknilang opisina at agaran din naman itong pumayag.Habang sila’y masayang nagkakape at nagkkwentuhan tungkol sakanilang future ay na cut-off ito ni Greg. “Ehem!! Maari ko bang itanong sayo ulit Ms. Brianna Alkayde.. Can you be my girlfriend? ” lakas loob na tanong ng binata. Para bang hindi na rin ito makapag pigil sa kanyang nararamdaman. “ Hala! Ayan nanaman
Halos dalawang taon na rin ng nagsimula si Greg sa Asia Pacific corp. Mabilisan din ang pag angat ng posisyon niya kaya naman pati ang sahod nito ay bigla din ang pagtaas. Mas nabibigyan niya na ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Naiispoiled niya na rin itong mga to. Sinisigurado nito na yung mga bagay na di nila naranasan noon ay mararanasan na nila ngayon. Gayunpaman hindi nito nakalimutan mag ipon ng para sa sarili niya. Nagbabalak siyang mag tayo ng isang business at ito ay restobar.Dahil sa malaki na rin ang kanyang ipon ay agaran din ang pagpapatayo niya dito. Sinikreto niya ito kay Brianna. May balak kasi itong alukin ang dalaga ng kasal sa araw ng opening ng restobar. “Hun, I noticed na you’re too busy lately. parang di na kita masyado nakikita dito sa office.” pag tatakang tanong ni Brianna habang nakakandong kay Greg.“Ang dami ko kasing outside meetings eh. alam mo na, mataas na ang posisyon ko ngayon kaya mataas na rin ang expectations nila sakin. Mahirap ng magkam