Charlotte's POV:Magkasalubong ang mga kilay kong sinundan siya ng tingin gamit ang side mirror ng kotse ko. Bigla akong natawa nang para siyang ninja na may hidden mission na kulang nalang may pa-tumbling na nagtungo papasok ng Mall. Nang umalis na 'yong mga sumunod sa akin hanggang sa parking lot ay wala akong sinayang na oras at nagtungo ako agad dito sa aking kotse. Pero, hindi ako umalis. Inantay ko talaga na lumabas na rin siya sa pinagtataguan namin. Kanino ba kasi siya nagtatago? Ang weird niya rin talaga. Nang maglaho na siya sa paningin ko ay doon ko na pinaandar ang kotse ko paalis. Following days ay wala akong masyadong schedule. Packed ang schedules ko the past few months, parang pahinga ko na rin 'to while choosing my next project. At gaya ng inaasahan ko ay napabalita agad 'yong nangyari sa Mall, at pinangaralan ako ni Val ng bongga. "Ahhhh it was a bad idea to workout.", I groaned in pain habang nakahawak sa puson ko. I forgot about the fact na palapit na ang kab
Chapter 7.3:Hinubad niya ang suot na cap at mask saka naupo. Naupo na rin ako sa katapat niyang upuan."Before we start, recommend me anything to eat, hindi pa ako kumakain. May isa kasi diyan, impulsive tapos hindi man lang tinanong kung available ako.", may mapang-asar na tono nitong sabi sa akin. May halong irap kong hinagis sa kanya ang menu na nasa ibabaw ng table namin. Alam niyo ang nakakainis? Nasalo niya tapos natawa habang nakatingin sa mukha ko. Anong nakakatawa?"Sabi ko recommend me something, hindi ihagis sa akin ang menu. Tsk. Tsk. Tsk, may sariling bokabularyo ka rin eh, iba ata kahulugan ng sinabi ko sa planeta mo.", nakatingin sa Menu niyang sabi."Nang iinis ka ba?", pikon kong imik.Itinaas niya ang tingin mula sa menu papunta sa mukha ko, "Meron ka ba?", pabalik niyang tanong sa akin. Binigyan ko siya ng matalim na tingin, at walang kareak-reaksyon niyang binalik ang gawi niya sa Menu, sabay sabing, "Ba't ang sungit mo? Karga-karga mo ba sa mga balikat mo muscle
Charlotte's POV:"Sa'n mo galing 'yan?" tanong ko sa kanya nang may iabot siya sa aking jacket. Wala naman siyang dalang jacket kanina pa. Kasi kung meron baka kanina ko pa hiniram 'di ba?He suddenly took my wrist and grabbed me closer to him nang hindi ko kunin ang inabot niyang jacket, "Ninakaw ko." sagot niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin, walang kwentang kausap. He wrapped the jacket's arms around my waist, and said "I bought it from someone."Binili niya? Kanino? Dito sa loob ng restaurant? Ang dami ko pa sana gustong itanong pero nadi-distract ako on the way he's tying the jacket's arms sa baywang ko. Naaamoy ko na naman siya. Never pa ako nakaamoy kagaya ng pabangong gamit niya, nacu-curious lang ako sa name ng pabango, pero alam kong hindi matino na sagot ang matatanggap ko sa kanya."Zethus." I, out of nowhere, for the first time, called his name. Itinaas niya ang tingin papunta sa mukha ko, and I think that was a bad move. The look he's giving me now is like a bla
How can someone tear down my walls that easily in a short period of time? Hindi ko na ba gano'n kamahal si Zach? Hindi. What kind of nonsense are you thinking right now, Charlotte? Gaya ng sabi mo, you're just confused. The guy looks so much like your husband, and reminds you of him no'ng mga panahong hindi pa ito naaksidente. You're also bothered sa affair ni Zach at Kate na you haven't confirmed true. Pagod ka rin sa trabaho. Sa oras na bumalik ang alaala ni Zach, babalik din sa dati ang lahat. You'll be fine. Tama, I'll be fine.Pagbaba ko ng hagdan ay saktong dumating si Zach."Hon, I'm sorry I'm late. Ang daming kailangan tapusin sa opisina, hindi ako makaalis. Kumusta pakiramdam mo?" lapit nito sa akin nang makita ako.Inalalayan niya ako pababa ng hagdan hanggang sa makaupo ako sa aming sofa sa sala. "I brought your favorite snacks. Kumain ka na ba? Let's eat, so that you can take some medicine." aya niya sa akin ngunit nginitian ko lang siya at hinila paupo. "I'm done eatin
Charlotte's POV:"Charlotte." Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang boses ni Val. Kinuha ko ang folder na inilapag niya sa aking harapan. Nasa filming site ako ngayon ng isang music video. Music video ng kantang ilalabas ng parang ka-love line ko sa pinaka-recent na movie ko na hanggang ngayon showing pa rin sa maraming cinemas sa iba't-ibang bansa. He's in a group, and half from his group ay nakapag-solo debut na and it's his turn this time. He asked me for a favor na lumabas sa MV niya as a support. Pumayag ako since wala naman akong pinagkakaabalahan masyado other than guesting's or shooting some advertisements, kasi maigi ko pang pinagpipilian ang susunod kong gagawin after my recent movie habang naghahanda sa ilalabas kong album. Marami akong scripts na natanggap, kaya I'm reading each one thoroughly."Ano 'to?" tanong ko kay Val. "Beh buksan at basahin mo." sagot ni Val sa akin. Abang manager 'to. "Tinatamad ako." biro kong sabi. "Okay lang, pwede kang tamadin ngayon tapo
Tahimik lang na nagmamaneho si Zane at gano'n din si Bleu sa passenger's seat. Iniwan nito si Althea sa shop at sinama ang asawa pauwi. Napasilip si Zane sa mukha ng asawa at seryoso itong deretso lang na nakatingin sa labas. Napabuntong hininga si Zane."Ba't ka nagbuntong hininga?" biglaang imik ni Bleu na tumapos sa mahabang katahimikan. Muntik na atakihin si Zane sa gulat nang magsalita. Bubuka palang ang bibig ni Zane upang sumagot nang magsalita na naman si Bleu."You must be stressed kaya ka napabuntong hininga. Sa sobrang stressed mo hindi ka na nakapagsalita kanina." tingin ni Bleu sa kanya na may ngiti sa mga labi."Oh well, must be hard to be in a place kung saan andoon ang ex-wife, ex-girlfriend at asawa mo, right?" mas lumapad na ngiti na sambit ni Bleu."Lo-""Yeah, I wanna hear your answer sa tanong ni Althea. Umapaw ba katalinuhan mo at simpleng tanong hindi mo nasagot?" putol ni Bleu kay Zane, hindi binibigyan ng pagkakataon na magsalita ang asawa."Ano? Sumagot ka."
Pati ba 'yon pro-problemahin ko? Problema ko nga ngayon ay hindi ko alam saan dadalhin ang babaeng 'to. I gave my hotel address sa driver but I really can't take her there. Patay ako kay Alfonso nito. Inakbayan ko siya nang tumahan siya ng kaunti. Napatuwid naman ako ng upo nang yumakap siya sa baywang ko. Why the h*ll am I even doing this? Sa babaeng kasal na, tapos sa kapatid ko pa. Tinignan ko ang mukha niya. Inalis ko ang mga hibla ng buhok sa kanyang mukha, saka pinunasan ang mga luha sa kanyang mga pisngi bago pa ito matuyo doon. I can't help but hissed habang nakatitig ako sa mukha niya. "This is bad. She still looks pretty to me even while crying." tugon ko sa sarili. Why can't he just treat her better? Wala naman talaga akong dapat na pake. Pero the h*ll! I can't stop myself from worrying! If only he'll treat her better, hindi siguro ako magkakaganito. After receiving that call. I could've just disregarded it at nagpatuloy matulog. But look at where I am now? I rushed o
She stared at my eyes the same way I did at hers. The only difference is that I can see a glint of fear there."I did. You know nothing. Ginawa ko lahat, hindi niya lang nakikita ang paghihirap ko." sagot niya sa akin. I smiled. "Ahhhh... So ano? Naisipan mong e-take advantage ang kalagayan ng asawa ko? Nagbabakasakaling makukuha mo siya this time? Gano'n ba 'yon?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Matagal ka ng secretary ng asawa ko, kilala mo na siya. Do you think he's stup*d na walang alam? He might have appreciated your gestures and the help you gave him even before he met me and returned you the favor na hindi mo lang napansin because it's not what you're expecting to get in exchange." pagpapamukha ko sa kanya ng katotohanan. Nakita kong napakuyom siya ng mga kamao. Ibinaba niya ang mga kamay upang itago iyon. "Wala kang alam." nakayuko niyang sabi. "I really don't, kasi hindi ako katulad mo. I will never break a marriage just for my own convenience.""Resign." I said. Agad ni
Binuksan niya sa kanyang laptop habang pinapatuyo ang basa niyang buhok. "I've watched some of your latest works. Let's watch your previous ones." aniya.Previous ones? Movies ko ba noon?"I literally have a compilation of all of your movies right here because I'd like to watch them all." dagdag niya.Teka. Hindi pwede! Hindi ako masyadong confident sa mga movies ko noon, isa pa they're all romance genre kasi wala akong magawang ibang genre noon dahil sa company na under ako that time. It's just work pero madami akong intimate at kissing scenes sa mga movies ko noon. Nahihiya akong ipanood sa kanya ang mga 'yon jusko."Why don't we watch a different one?" awkward kong tawa. Napatingin siya sa akin sabay suot ng glasses niya. "Why?" he simply asked at ibinalik ang tingin sa screen ng laptop niya."Medyo awkward lang para sa akin na panoorin ang sarili kong movie." my excuse at nakita kong napatango siya."Let's watch one movie of yours then. Tapos a different film that you're not in af
Zach's POV:"Didn't I tell you to keep an eye on him?" tayo ko sa aking upuan nang marinig ang balitang ibinahagi sa akin ni Alfonso. "He just disappeared without a clue—""What do you mean, 'without a clue'? You're not messing this up on purpose, aren't you?" I cut Alfonso off. Anong pinagsasabi niyang without a clue? That's only possible kung hindi niya isinagawa ng maayos ang binigay ko sa kanyang trabaho."Alfonso, you might have forgotten something. And I think I've reminded you countless times already that you'll rot somewhere worse than jail if you fail to do what I'm asking." paalala ko sa kanya. "My boys are looking for him right now. Rest assured that we will find him in no time—""You better should. Don't let him out of the country, or you'll face the consequences. I am not communicating with you right now; this is a warning." I cut him off again. "Update me within the day," I added, then hung up the phone.Me and my brother Zane captured Zethus right away nang malaman n
Natawa siya bigla. He stopped acting na may iniisip siya at ibinaling ang tingin sa akin mula sa bubong nitong kitchen."Selos ba 'yan?" may panunukso niyang tanong."I was just wondering. Na kung kinikilig ka rin ba sa kanila." iwas kong tingin na sambit. Dami ko namang pinagseselosan 'pag nagkataon."Sa kanila? Sa'yo lang, you mean. Isa lang naman asawa ko, at ikaw 'yon. Ba't ako kikiligin sa iba?"Tinignan ko siya ulit nakapamewang pa rin siya."You feel butterflies with me? Though you lost your memories of me? Us?"Huminga siya ng malalim at binigyan ako ng tingin na parang walang sense ang tinanong ko sa kanya."I only lost my memories, not my feelings for you."Muntik ko ng makagat ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Ngingiti na mga labi ko ngunit pinipigilan ko lang."Sa tuwing kailan ka kinikilig sa akin? Like... Give me an example." medyo nahihiya kong tanong. Naninigurado ako, bakit ba? Hahahah."There's no specific time, place, or situation, Kaps. You give me butterfli
Zach's POV:(2 MONTHS AGO)Kanina pa ring ng ring ang cellphone ko. Alfonso's bombing me with calls right now, and it's irritating, so I put it on silent. Male-late na ako sa flight ko, but that's not what's important right now. I must follow my twin and Charlotte home and clear the misunderstanding. Isa pa, inis na inis ako kung pa'no iya hilahin si Charlotte. He grabbed her arm too tight; I saw it getting red."Zach?" Pasakay na ako sa kotse ko when someone tapped my shoulder. Magkasalubong na kilay ko siyang nilingon. Napatitig ako sa mukha niya ng maiigi. He seems familiar, but I don't know him."You got the wrong person." maikli kong sagot at tinalikuran siya nang hawakan niya ang pulsuan ko upang pigilan akong umalis. Mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at naiiritang nilingon siya ulit. I don't have time for this."What's your problem?" irita kong tanong. He checked me from head to toe."I can't be wrong. You're Zach." sigurado niyang sabi."Look. You got the wro
Third Person's POV: Pinapanood ni Valerie si Charlotte na may masusing mga mata habang nagpapasalamat at nagpapaalam ito sa lahat ng crew matapos e-shoot ang eksena nito sa isang movie na gaganap siya bilang guest appearance.Parang noong mga nakaraang araw lang ay nangingitim ang ilalim ng mga mata nito dahil sa puyat. Kung kaya't nagtataka si Valerie kung bakit lumiliwanag ang kaibigan na tila ba ay wala na itong prinoproblema."She's scaring me." awkward na ngiti ni Valerie sabay kaway pabalik nang makita siya ni Charlotte at kinawayan nito."I heard na nasa third-floor si Direk Jed at ang crew niya? Shooting his upcoming work?" tanong ni Charlotte kay Valerie nang makalapit ito."Yes, at nasa third floor din si Jamie 'yong umagaw ng bridal photoshoot mo dapat with Zach. Siya 'yong bida ng nilulutong bagong movie ni Direk Jed." may irap na sagot nu Valerie sa kaibigan.Tinawanan lamang ni Charlotte ang kaibigan."Hindi niya naman inagaw. Zach left the country two months ago and ne
Charlotte's POV:"Zethus?" I confusedly blurted out. Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang magkabilaang balikat ko saka ako tinignan. "What?" tanong niya na nakakunot ang noo. The cold breeze snapped me back to reality. Right... Why did I call him Zethus? I want to fix us, and the moment he returned ay sinisira ko na agad ang hindi ko pa naaayos. I need to remove Zethus from my memory. Pilit akong ngumiti. "I bet you're tired. Let's go inside." awkward kong hawak sa kamay niya. Napayuko siya ng tingin sa mga kamay namin at mas lalo akong na-awkward. Ano ba 'to? We're not teenagers anymore, at mas lalong hindi kami mag-jowang kaka-monthsary lang. We're married! What's with me acting all shy sa harap ng asawa ko? But then... I did him wrong, at least mahiya naman ako 'no? I wasn't expecting it, but he held my hand back. It's warm— his hand. Without noticing it, I smiled. When was the last time that he held my hand? This is just a small thing, but it makes me so happy. "Kumai
Zethus POV:"Let's think about what we should do about not getting the contract with Charlotte later. We can handle that after the matter with Zach. We've waited for this to happen for a long time; I want everything to be good. So, do your job properly." paalala ko kay Alfonso.It's finally the day that I'm waiting for. Everything will be mine. We are in front of my Dad's room at the hospital right now. Zach is inside talking to my father, naiwan kami ni Alfonso sa labas with some bodyguards because we want extra security. Ayokong may makaalam na ibang tao ang tungkol sa kakambal ko.Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Zach. Sumandal siya doon na naka dekwatro ang mga braso at tinignan ako."I talked to my father. Oh, I mean, OUR father. We almost killed him by the fact that I found you. He couldn't believe it." nakangisi nitong sabi. The fck he's grinning about? Talking that way about my father as if it were a joke."He can't wait to see you. Why don't you go in so he can
Charlotte's POV:"Ano ba Zach! Let me go! Zach ano ba!" pagpupumilit kong hila sa aking braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Zach habang hinihila niya ako papasok ng bahay."Zach, you're hurting me! Let me go!" Biglaan niya akong binitawan nang makarating kami sa sala, muntik pa akong matumba. Agad akong napahawak sa braso ko at napatingin dito. Namumula ito sa higpit nang hawak niya kanina pa."What was that?" I heard him ask. Napaangat ako ng tingin sa kanya."Did you lie to me? Akala ko ba trabaho pinunta mo? Why were you with my brother?" tapon niya sa akin ng maraming tanong. He looks mad and frustrated; I feel so guilty right now that I can't bring myself to answer."What? Hindi ka ba sasagot? Are you expecting me to figure it out myself? Charlotte, you're acting sneaky behind my back, and to make it worse, you're doing it with my brother!"I was about to open my mouth to answer him when he cut me off. "Ilang ulit ko ba sinabi sa'yo? Never get close to my brother, to stay
Third Person's POV:Awkward na nakasunod si Charlotte kay Zethus. She told him na she was fine killing time while waiting for his flight, kaya pumasok sila ng Mall to roam around. Hinahayaan lang ni Zethus kung saan komportable si Charlotte pero 'pag napapansin niyang masyado na itong nalalayo sa kanya ay binabalikan niya ito upang hilahin ang suot-suot na coat patabi sa kanya."Gusto mo ba kumain?" silip ni Zethus sa mukha ni Charlotte kasi nakababa masyado ang suot nitong sumbrero. Napaatras naman sa gulat si Charlotte dahil sa ginawa ni Zethus, hindi niya ito inaasahan. This man can make her blush effortlessly."I'm fine. 'Di ko pwede tanggalin sumbrero ko in public. Isa pa, I'm not wearing any make up." mahinang sagot nito. "You don't need it." maikling sagot ni Zethus at nagpatuloy sa paglalakad at hindi na binatawan ang braso ng coat na suot ni Charlotte upang hindi na ito malayo pa sa kanya lalo."I can find a way so that you can eat comfortably." tingin ni Zethus sa paligid.