DAHIL sa ayaw ni Yvette na tanggihan siya ng lalaki, dinakma niya ang pagkalalaki nito. Alam kasi niyang kapag nanigas iyon ay hindi na siya mahihirapan pang mapasunod ito sa bawat gustuhin niya.
Ngunit, ang tipo ba ng lalaki ang magiging sunud-sunuran?
Maaaring hindi niya personal na kilala ang lalaki pero ang hitsura nito ay nagsasaad ng kapangyarihan at karangyaan kaya't nakapagtatakang makita niya ito sa lugar na iyon. Mistulan nga itong prinsepe na naligaw sa bar na iyon.
Lasing na nga yata siyang talaga dahil ganoon ang tingin niya sa lalaki. Kahit naman naka coat and tie ito at parang katawa tawang makita sa lugar na iyon ay sadyang nangingibabaw pa rin ang hitsura nito. Kaya naman hindi na siya magtataka kung sa pagtingin niya sa paligid ay maraming mata ang nakatingin dito, partikular na ang mga kababaihan.
Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng panggigigil sa kaisipang iyon.
"Damn," wika nito. Halatang hindi nito inasahan ang kanyang ginawa kaya napadaing ito ng husto.
Mabuti na lamang at maingay ang lugar at madilim ang paligid kaya sigurado siyang nilamon lang ng ingay ang salita nito at walang nakapansin sa kanyang ginawa. Ang bartender naman kasi ay may iba ng pinagsisilbihan kaya nawala na ang atensyon nito sa kanila ng lalaki. "Bitaw!" Mariing sabi nito
"Shucks," wika naman niya kung ano ang kanyang nagawa. Nalamutak niya ang pagkalalaki nito dahil nag-flash sa kanyang isipan ang mga babaeng nakasunod ang tingin dito.
"Hindi 'yan espada na huhugutin mo lang…" wika nito. Nakangiwi man ay may nakita siyang kislap sa mga mata nito.
Napahagikgik naman siya sa sinabi at reaksyon nito. Hindi kasi galit ang nakikita niya sa ekspresyon nito kundi paghihirap. Obviously, hindi nito inasahan ang kanyang ginawa. Kaya kung kanina ay parang nagagalit ito sa kanya, ngayon naman ay mababa na ang tono nito. Alam niya naapektuhan na ito sa kanyang ginawa.
Sino ba naman kasing tunay na lalaki ang hindi maaapektuhan kapag may dumakma sa pagkalalaki nito tapos napakaganda at seksi pa?
Hindi naman sa nagyayabang siya pero hindi naman siya bulag kaya nakikita niya ang kanyang hitsura kapag humaharap siya sa salamin. mala-anghel ang kanyang mukha, mala-labanos ang kanyang kutis at mala-Miss Universe ang kanyang tangkad at kaseksihan. 5'9 din naman kasi ang kanyang height kaya hindi na niya kailangan pang gumamit ng high heels.
Maaaring sa paningin nito ngayon ay nagmukha na siyang manyakis pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaganti.
Sure ka? Tanong pa niya sa sarili.
Kahit mahal na mahal niya si Henry ay hindi niya nagawang ipagkaloob ang sarili niya rito. Ang gusto niya kasi maikasal muna sila bago niya ipagkaloob ang sarili rito. Ilang ulit man siyang inaya ni Henry na mag-sex sila ay hindi siya pumayag. Gusto niyang iregalo rito ang kanyang virginity sa araw ng kanilang kasal. Ngunit, sapat na bang dahilan iyon para magawa siyang pagtaksilan ni Henry?
Kahit na maraming katanungan pang naglalaro sa kanyang isipan, hindi dahilan iyon para gustuhin marinig ang paliwanag ni Henry. Hindi na siya interesado marinig ang mga dahilan nito. Basta ang alam niya, sa relasyon, hindi lang puro pagmamahal, kailangan ay mayroon din siyang tiwala at respeto.
"I want you," mariin niyang sabi, sa tonong nagrerebelde. Tiyak na tiyak niya kasing masasaktan ng husto si Henry kapag nalaman nitong ipinagkaloob niya sa isang estranghero kanyang ang virginity na pinapangarap nito.
Dahil sa kataksilang ginawa ni Henry, nakumbinse na niya ng husto ang kanyang sarili na kahit mahal na mahal pa niya ito, hindi na niya ito babalikan. At tiyak niyang dahil doon, mas madodoble ang pagnanais ng ama niya na magpakasal siya sa lalaking hindi pa nga niya nakikita.
Alright, maaari na niyang pagbigyan ang kanyang ama dahil wala na siyang interes na pagkatiwalaan pa si Henry na hindi nakuhang irespeto ang kaniyang relasyon, ngunit mas gusto pa rin niyang ibigay ang sarili sa taong gustung-gusto niya at iyon ang kanyang kaharap.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo," wika nito habang hawak ang kanyang pulsuhan.
Muli, napahagikgik siya, alam niya kasi kung bakit kailangan nitong gawin iyon, dahil nangangamba itong maramdaman na naman niya ang malaki at mahaba nitong pagkalalaki. Slacks kasi ang suot nito kaya nadama niya talaga ang kahabaan nito.
Hindi mo lang dinama, wika ng isip niya. Pinisil mo pa.
"Alam na alam ko, stranger. Be with me, tonight," malanding bulong niya rito. Marahang kinagat pa niya ang dulo ng tenga nito. Alam kasi niyang isa iyon sa sensitive part ng isang lalaki.
"Are you sure?" Tanong nito habang buong tiim na nakatitig sa kanya.
Ewan niya kung dahil lang ba sa espiritu ng alak kaya biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Basta ang alam niya, sobra siya naaapektuhan sa presensiya nito. Para biglang tumaas ang kanyang temperatura dahil lang sa pagtitig nito. Ngunit, kahit naman attracted siya rito ay hindi niya dapat ipahalata rito na gustung-gusto niya ito.
"Kung ayaw mo marami pa namang…" aniyang ibinitin ang sasabihin saka lumingon sa paligid. "Marami pa namang iba…"
"No way!" Putol nito sa kanyang sasabihin. Sa palagay niya ay masyadong mataas ang alcohol tolerance niya kaya naman kahit marami siyang nainom ay malinaw pa rin ang isip niya. Hindi lang niya kontrol ang kanyang bunganga. "Hindi ka mapupunta sa iba, sa kahit sinong lalaki. Akin ka lang," buong diin pa nitong sabi sa kanya.
Dapat ay makaramdam siya ng galit sa sinabi nito pero hindi niya nagawa. Para kasing may possessiveness siyang naaninag sa boses nito. Siguradong masyado itong naapektuhan sa kanyang ginawa kaya masyadong nagdiriwang ang kanyang kalooban.
"Let's get out of here."
Hindi niya napigilan ang mapangiti sa matigas na pagkakasabi nito sa mga katagang iyon. Tiyak na tiyak niya kasing susundin nito ang bawat maibigan niya at ang nais niya ay mawala na ang kanyang virginity.
Ang nais niya sana ay maibigay niya ang kanyang virginity sa lalaking mahal na mahal niya at pakakasalan pero hindi na niya iyon maibibigay pa kay Henry. Kahit mahal niya pa rin biya ito ay hindi na niya ito maaatim pang pakasalan. Sinira na nito ang kanyang tiwala. At noon niya naalala ang kanyang Papa.
Nang una pa lamang ay sinasabi na ng ama na wala itong tiwala kay Henry. Dahil sa palagay niya ay kinukontra lang siya ng kanyang ama dahil gusto nitong ipakasal siya lalaking sa pangalan lang niya kilala.
Matamis na matamis ang kanyang ngiti ng sumagot siya ng, "Sure."
PAKIRAMDAM ni Yvette ay para siyang nagkaroon ng amnesia. Agad niyang nakalimutan ang sakit na nararamdaman dahil sa 'ginawa' niya kasama ang estranghero na iyon. Shucks, wika niya. Oo nga nagawa niyang makalimutan agad si Henry pero hindi naman mabura-bura sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng estranghero na iyon. Mga nangyari, pagtatama pa niya sa kanyang sarili.Hindi lang kasi isang beses may nangyari sa kanila. Kung dati'y takot na takot siyang mabuntis kung may mamamagitan sa kanila ni Henry, ngayon naman ay para pang tagprice na nakatambay sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari sa kanila estranghero na ito. Basta ang alam niya nagàwa siya nitong paakyatin sa langit. Hindi nga niya tiyak kung normal nga ang kanyang mga mata dahil parang walang ginawa iyon kundi tumirik habang hinahalikan nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nananakit din ang kanyang lalamunan dahil panay ang sigaw at ungol niya habang pinaliligaya siya nito. Ang lakas tuloy ng pagsinghap niya pag
ANG goal ni Liam ay huwag magpakasal ang ama sa sinumang babae, tulad ng ipinangako niya sa kanyang ina. Kaya naman ang ibig niya ay makilala niya ng husto ang babaeng kinalolokohan ng ama. Si Yvette Villafuerte. Ayaw niyang maniwala na kaya nito pakakasalan ang kanyang ama ay dahil mahal nito ang kanyang Papa. Tiyak niyang pera ang dahilan kaya pumayag itong magpakasal sa lalaking halos lolo na nito. Kaya't sabi niya sa sarili, kailangan niya itong kilalanin ng husto. Dahil nga sa limpak-limpak na pera na mayroon siya ay mabilis niyang nakuha ang resulta na gusto niya. Kumunot lang ang noo niya nang malaman niyang galing din ito sa mayamang pamilya at nag-iisang tagapagmana. Ngunit hindi lang iyon ang di niya napaghandaan. Hindi niya kasi talaga inasahan na ang babae palang gusto ng kanyang ama ay napakaganda. Mala-Diyosa. Hindi tuloy niya magawang alisin ang tingin dito. Sabi niya sa sarili, walang sinumang babae ang kukuha ng kanyang atensyon pero nagawa ni Yvette Villafuer
"ANONG kalokohan ang sinasabi mo?" Manghang tanong ni Yvette sa lalaki. Hindi niya alam kung sino ito pero kilalang-kilala ito ng kanyang katawan. Hindi nga niya napigilan ang mapalunok ng kung ilang ulit dahil may alaalang nagpupumilit sumiksik sa kanyang utak. "Hindi ka pa ba napapagod?" Humahagikgik na tanong ni Yvette. Gumagala kasi ulit ang kamay nito sa kanyang katawan. Napa-shucks naman siya dahil nagsimula na namang mag-init ang kanyang katawan. "Nope," wika nitong pinapungay pa ang mga mata. Sa tingin niya ay sinadya nitong gawin iyon para mapasunod siya sa gusto nito. Ang mga mata kasi nito ay parang nangungusap na sundin niya ang gusto nito. "Pagod na ko," kunwa'y sabi niya. Hindi naman kasi maaaring mag-yes na lang siya palagi. Kailangan din namang magpakipot siya. Ngumisi ito. "I will let you rest for a while." Ngunit kahit sinasabi ng katawan niyang gusto niyang magpahinga, parang hindi pa rin niya kaya. Ang nais lang niya maramdaman ang presensiya ng lalaki sa
"A-AKALA ko ba siya si William Arguelles?" Naguguluhang tanong ni Yvette. Itinuro pa niya ang matandang lalaki na sinasabing si William Arguelles. “Jr,” wika nito. “Ho?”lito pa rin niyyang tanong. Sa pagkakatitig niya sa matandang lalaki na sa tingin niya ay nasaa 60 anyos na rin ang edad ay masasabi niyang malakas din ang appeal nito nu’ng kabataan nito. Marahil nga, naranasan din nitong habulin ng mgha chikababes.“Äko si William Arguelles Jr. Ang pinakasalan mo ay si William Arguelles III. Hindi mo alam ang pangalan ng lalaking pinakasalan mo, iha?” naapapantastikuhang taanong nito pero ngiting-ngiti nnaaman. Siya naman ay hindi malaman ang sasabihin o gagawin. Hindi rin niya alam kung ano ba ang kanyang ikakatwiran. “Kung marami ka naman palang hindi alam sa napangasawa mo,” mariing sabi ng matandang lalaki habang nakatingin sa anak nito, “Maigi pang huwag na iparehistro pa ang kasal ninyo.”“Too late,” wika naman ng lalaking nagngangalang William Arguelles III. “Kasal
"HINDI mo na kailangang dalhin ang mga luma mong damit. Kahit 1 milyong damit na signature clothes kaya kitang bilhan," wika ni William Arguelles III, pasuplado. "Yabang," wika niya. Ibig niya kasing mamayani ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung hindi'y baka humanga siya ng todo rito. Naalala niya tuloy na nu'ng una niya itong makita ay para siyang nabatubalani. Kahit nakainom siya ay guwapung-guwapo ang tingin niya rito eh di lalo ngayon na malinaw ang kanyang mata at isipan. Kahit nga rugged ang outfit nito ngayon ay malakas pa rin ang dating. Shucks, hindi niya napigilang ibulalas sa sarili. Mabuti na nga lang ay hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. Kung nagkataon kasi ay siguradong mabubuking nito ang kanyang nararamdaman. Sa pagsulyap kasi niya kay William Arguelles III ay parang bumabalik sa isipan niya ang mga namagitan sa kanila. Hindi tuloy niya napigilan ang mapalunok. Sa isipan niya kasi ay parang natatakam na naman siyang tikman ang mainit nitong katawan na t
"HUWAG mong isipin na nakalimutan ko na ang ex ko dahil lang tumugon ako sa halik mo," wika ni Yvette kay Liam. Buong diin pa niyang sinabi ang mga salitang iyon dahil ayaw niyang isipin ng kanyang 'asawa' na may damdamin siya rito. Wala nga ba? Tanong niya sa sarili. Gusto niyang magsabi ng 'wala talaga' pero hindi niya iyon nagawang ibulalas dahil hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang kanyang dibdib. Wala siyang tugon na narinig kay Liam na abala sa pagmamaneho kaya napilitan siyang lingunin ito. Kahit nga nakatutok ang atensyon nito sa daan ay hindi nito magawang itago ang pilyong ngiti sa labi. Hindi tuloy niya alam kung narinig nga ba nito ang kanyang sinabi. Dahil doon, nag-init na naman ang kanyang pakiramdam at wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili. "Masarap ka lang kasing humalik kaya…" Hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil agad rumehistro sa kanyang isipan ang kanyang sinabi. Malutong na halakhak kasi ang pinawalan ni Liam. "Shut
FLIRT, inis na inis na sabi ni Yvette habang nakatapat siya sa shower. Obyus na obyus naman kasing gusto lang ni Liam na may mangyari sa kanila. Kunsabagay, hindi naman masama kung may mangyayari sa kanila. Mag-asawa sila. Nang mga oras na iyon ay parang gusto niyang pagtawanan ang kanyang sarili na ang dali niyang maniwala na kasal nga sila. Paano kung peke iyon?Ipinilig niya ang kanyang ulo. Para kasing may nagsasabi sa kanya na hindi ang tulad ni William Arguelles III ang gagawa ng peke. Ang taong tulad nito ay sinisigurong legit ang lahat para may habol. Isa itong negosyante kaya malas dito ang pagsisinungaling. Sa kaisipang iyon ay bahagya siyang natawa. Naalala na naman kasi niya ang kanyang dating yaya. Marami kasi itong pinaniniwalaan na pamahiin kaya maging siya ay naniniwala na rin. Ang pag-iisip niya ay nabulabog dahil sa sunod-sunod na katok. "Hindi pa ako tapos," wika niya. Pasigaw ang pagkakasabi niya noon dahil gusto niyang makarating iyon agad sa pandinig ni Liam
MALAKI man ang kama, pakiramdam ni Yvette na masikip pa rin iyon kaya hindi siya makagalaw. Hindi pala iyon ang tamang salita. Mas akma kasi kung sasabihin niyang ayaw niyang gumalaw. Pakiwari niya kasi'y makukuryente siya kapag nagdikit ang mga balat nila ni Liam. Shucks, bulalas na naman niya ng parang tuksong pumasok sa isip niya ang maiinit na eksenang pinagsaluhan nila ng lalaki. Kung susundin lang talaga niya ang sinasabi ng kanyang katawan, yayakap na talaga siya rito pero mas nananaig ang kanyang pride. Hindi niya ito dapat magustuhan! Hindi dahil sa ito talaga ang pinili ng kanyang ama para pakasalan niya kundi dahil sa simula pa lang ay alam niyang niloloko lang siya nito. Nakakasiguro siyang pinakasalan lang siya nito dahil ibig nitong mailayo siya sa ama nito at mangyayari lang iyon kapag pinakasalan siya. Kaya, nakasisiguro siyang darating din ang araw na pagsasawaan din siya nito, iiwanan siyang luhaan. Kaya, hindi niya dapat na hayaang mapalapit ang loob dito. Sigur
"AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang
SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag
KUNOT noong napabalikwas nang bangon si Yvette nang hindi na niya mahagilap sa kanyang tabi. Pakiramdam niya ay binalewala lang nito ang mga nangyari sa kanilang pagitan. Kung talaga kasing may kuwenta rito nangyari sa kanila, hindi ba dapat ay mamumulatan niya ito? Ang ibig niya siyempre ay magigising siyang nakaunan sa dibdib ni Liam. Gusto rin niyang maramdaman pa ang init na ibinubuga ng katawan nito pero hindi nangyari iyon kaya napabuntunghininga siya. Sobra siyang nakakaramdam ng inis. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ibig niyang makalimutan nito ang 'trauma' ni Liam sa malaking gagamba kaya ibig niyang ibaling nito ang atensyon sa ibang bagay –sa kanya, to be exact. Sa paliligo nila at sa kanilang sexcapades. Sa bawat halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya ay naramdaman nga niyang sa kanya na ito naka-focus at hindi sa takot nito. Ngunit, ngayon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kaya hindi niya na
SA bawat araw na kasama niya si Liam, pakiramdam ni Yvette ay lagi siyang umaakyat sa langit. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung sa bawat sulok ng Isla na iyon ay ginagalugad talaga nila. Hindi lang dahil sa namamasyal sila kundi dahil sa mga pagtatalik nila. Gusto niyang isipin na mahal na siyang talaga ni Liam kaya inaangkin siya nito na para bang wala ng bukas. Ayaw naman niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Basta ang alam niya, ipinagkakaloob niya ang sarili dito ng paulit-ulit dahil mahal niya ito. "Kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak mo," pansin ni Liam sa kanya. "Paano ka naman nakasiguro?" Tanong niya sa halip na sabihin kay Liam na walang ibang laman ang kanyang isip kundi ito lang. Oh, para tuloy gusto niyang mapangiwi sa mga salitang kanyang naiisip. Kasama na niya si Liam pero sa isip niya, ito pa rin ang laman. "Panay kasi ang ngiti mo riyan. Sino ba ang naiisip mo, ang ex mo?" Sarkastiko n
PAKIRAMDAM ni Yvette ito ang pinakamasarap na tulog na kanyang naranasan. Nang imulat niya kasing muli ang kanyang mga mata ay kita niya si Liam na nakatunghay sa kanya. "Kanina ka pa gising?" Nahihiya niyang tanong dito. Sa halip na sagutin siya nito, bahagyang tawa ang pinawalan nito. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya rito. Sa tono niya ay gusto na niya itong sisihin sa kahihiyang naramdaman niya. "Alam ko naman kasing masyado kitang napagod," anitong nanunudyo pa rin. "Shucks," bulalas na naman niya. Paano ba naman kasi, pumasok na naman sa utak niya ang mga nangyari sa kanila. Hindi lang sa dagat kundi sa bawat sulok ng Isla na iyon. Huli na nga nilang bininyagan ang kama kaya nang mapagod na sila ay natulog na sila ng tuloy tuloy. Iyon nga lang, kahit na gising na siya ay hindi pa rin nawawaglit sa kanyang isipan ang bawat eksenang nangyari sa kanila. Para na iyong tag price na nakatatak sa kanyang isipan. "Anong gusto mong breakfast?" Malambing nitong tanong sa k
"LOVE…."Hindi man siya sigurado kung si Liam nga ba ang tumatawag sa kanya pero pinili niyang sundan ang boses nito. Alam kasi niyang kahit nasa gitna siya ng kapahamakan ay magagawa siya nitong mailigtas. Muli'y tinawag na naman siya nito kaya talagang ginusto na niyang makita ito. "Liam…" wika niya nang imulat niya ang kanyang mga mata. "Hindi naman tayo nagsi-sex pero panay ang ungol mo kaya nag-alala ako ng sobra sa'yo."Kahit na alam niyang gusto lang pagaanin ni Liam ang kanyang nararamdaman, hindi niya magawa nang maalala niya ang kanyang panaginip. Pagkatapos noon ay bumalik ang takot sa kanyang dibdib kaya bigla siyang napahagulgol. Pagkatapos ay yumakap siya kay Liam. "Hey…" wika nito. Kahit na nalilito ito sa kanyang ginawi, marahan nitong hinagod ang kanyang buhok at likod para payapain ang kanyang nararamdaman. "Napanaginipan mo bang nawala ako sa buhay mo?" Natatawang tanong nito. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil hindi na rin naman niya maalala ku
KUNG kanina'y panay ang bangayan nila ni Liam, ngayon ay hindi na mapaghiwalay pa ang kanilang mga labi. Nagulat pa nga siya nang mag-landing na ang likuran niya sa malambot na kama. Mula kasi ng lumabas sila ng elevator ay naghahalikan na sila. "Are you sure ?" Tanong ni Liam sa kanya nang maghiwalay na ang kanilang mga labi. Kapwa sila hinihingal ng mga oras na iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi malaman kung anong tinutukoy nito. "Bakit ba ganyan ka kung makapagtanong?" "Ayoko kasing ako ang kahalikan mo pero may iba ka palang iniisip." Marahang sabi ni Liam pero ang emosyon ay hindi magawang maitago. Mukha kasing selos na selos ito. Selos na selos si Liam? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Lahat naman ng lalaki ay may karapatang magselos lalo na't asawa niya si Liam at ex niya ang pinagseselosan ni Liam. Kaya't naisip niyang kailangan niyang maging tapat na sa sarili at sa kanyang damdamin. Kaya't buong diin ang mga salita niya pagkaraan. "Wala akong lala
"AKO ba ang laman ng isip mo?" "No," mariing sagot ni Yvette sa malambing na tanong na iyon ni Liam. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na magsasabi ng kasinungalingan para lang masiyahan ang nagtatanong. Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito kaya agad lumipad ang tingin niya rito. Huling-huli rin niya kung gaano katalim ang tingin nito sa kanya. Kung hindi niya kilala si Liam ay siguradong makakaramdam siya ng kilabot sa uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. Para kasing gusto na siya nitong sakalin.Mabuti na lang talaga at wala itong kakayahan na makapagbato ng patalim sa pamamagitan ng pagtitig. Kung nagkataon kasi, siguradong kanina pa siya bumulagta. Hindi lang dahil sa nagkasugat-sugat ang kanyang katawan kundi dahil naghihingalo na siya. "Ang lalaking iyon ba ang iniisip mo?" Buwisit nitong tanong. Sa ilang saglit ay bigla siyang natulala. Hindi niya kasi alam kung bakit ganoon ang tanong ni Liam at kung sino ang lalaking tinutukoy nito ngunit pagkaraan ng ilan
KANINA pa pinipigilan ni Janiz ang kanyang emosyon – ang matinding poot para kay Yvette, kailan lang niya ito nakilala pero parang gusto na niya itong patayin. Ito kasi ang nag-iisang hadlang para mapalapit siyang muli kay William Arguelles III. Matinding galit ang ipinakita sa kanya ng lalaki dahil sa pagsampal niya sa 'matandang mangkukulam na iyon. Napamura siya nang maisip niyang iba na nga pala ngayon ang hitsura ng babaeng iyon. Dahil doon mas nakaramdam siya ng panggigigil sa kasinungalingan nito. Umasam kasi siya na milya-milya ang lamang niya sa babaeng iyon kung pisikal na hitsura ang pag-uusapan pero mali siya, maling-mali siya dahil napakaganda pala ng babaeng tinatawag niyang matandang mangkukulam. Maganda at seksi naman siya pero nakakaramdam siya ng insecurity sa babaeng iyon. Hindi lang dahil sa asawa ito ng lalaking dati'y patay na patay sa kanya kundi dahil sa bukod na mala anghel itong kagandahan ay hindi ito tulad niyang bilasa na. Marahas na buntunghininga ang