ITO na lang ang paraan, mararahas na buntunghininga ang pinawalan ni Yvette bago siya bumaba sa taxi at umakyat sa condo unit beng kanyang pinakamamahal na boyfriend.
Yes, mahal na mahal niya ang kasintahang si Henry Falcon kaya lahat at gagawin niya para maipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Unang kita pa lamang niya rito ay parang tinadyakan na ng kabayo ang kanyang puso, pumintig iyon nang mabilis na mabilis. Napakaguwapo naman kasi nito. Mala–Piolo Pascual.
Sabi kasi ng Mama niya nu'ng nabubuhay pal ove at first sight daw ang naramdaman nito sa kanyang Papa kaya naman kita niya hanggang sa huling hibla ng hininga ng kanyang Mommy ay wala na itong ibang mahal kundi ang kanyang Papa. At alam niyang ganoon din ang nararamdaman ng ama niyang si Alfredo Villafuerte dahil kahit na sampung taon ng patay ang kanyang Mommy na si Amanda, hindi pa rin ito magawang palitan ng kanyang ama.
Kapag sinasabi niya ritong okay lang sa kanyang magkaroon ito ng pangalawang asawa, tinatawanan lang siya nito at sasabihing masaya na ito sa alaala ng kanyang ina. Kapag naririnig niya ang salitang iyon ng kanyang Papa, hindi niya mapigilan ang mangarap na ganoon din sila ni Henry. Maging happy kahit na puti na ang kanilang buhok. Ngunit, parang may sumasampal sa kanya kapag itinuloy na ng ama ang susunod na sasabihin. Makukuntento na lang daw itong mag-alaga ng magiging anak nila ni William.
Si William Arguelles ang lalaking nais ipakasal sa kanya ng ama na labis niyang tinututulan dahil sa mga sumusunod na dahilan. Una, dahil nakaprograma na sa utak niyang si Henry ang kanyang Prince Charming at ito ang kanyang pakakasalan. Pangalawa, kailanman ay hindi pa niya nakikita ang na iyon kaya paano niya masasabing may forever sila.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kung minsan tuloy ay gusto niyang isipin na kulang ang pagmamahal sa kanya ng sariling ama. Kunsabagay, wala naman itong inatupag kundi ang kanilang negosyo.
Pag-aari nila ang Villafuerte Corporation – lahat ng inumin ay kanilang sinu-supply – mineral water, flavored water, juice, softdrinks at mga alak.
Dahil sa nag-iisa siyang ni Alfredo Villafuerte, alam niyang hindi madali na makahanap siya ng lalaking mamahalin ngunit hindi niya mapigilan ang sariling mahalin si Henry. Saka, sabi naman nito ay wala itong pakialam sa kanyang yaman. Ang tanging mahalaga lang rito ay siya at pinaniwalaan niya iyon.
Hindi naman kasi matatawag na mahirap si Henry para isipin niyang tina-target nito ang kanyang mana. May kumpanya rin naman ito. Napangiwi lang siya nang maisip niyang hindi nga pala matatawag na kumpanya ang flower shop na pag-aari nito.
"Oh my…," gilalas na bulalas niya nang makapasok siya sa unit ni Henry. Nagkalat kasi ang damit nito sa salas kaya ilang sandali siyang natulala. Hindi naman kasi ugali ni Henry ang maging makalat. Ang ibig nga nito ay organisado lahat tulad ng mga bulaklak na inaayos nito.
Kumunot lang ang noo niya nang mapagtanto niyang hindi lang damit ng nobyo ang nagkalat sa sahig. Mayroon ding blouse at skirt.
Bigla tuloy siyang napahawak sa kanyang dibdib. Para kasing may ideya na siya kung bakit may nagkalat na damit doon. Iyon ba ang dahilan kaya hindi niya ma-contact si Henry.
Yes! Mariing sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan. Sabi niya sa kanyang sarili ay kailangan na niyang umalis dahil kapag nanatili siya roon ay masasaktan lang siya ngunit may bahagi ng isipan niya ang tumututol kaya humakbang siya papunta sa kuwarto ng pinakamamahal na nobyo at biglang binuksan iyon dahil bigla niyang naalala ang paborito niyang motto to see is to believe.
"LIFE is sooo unfairrrr," wika ni Yvette matapos ubusin ang laman ng kopita saka muling binalingan ang bartender na nagsasalin ng alak. "Isa… pa!"
Hindi na niya mabilang kung nakakailang tungga na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nasa kanyang dibdib. Hindi pa rin mabura sa kanyang isipan ang hitsura ni Henry habang nakapatong kay Ma-an, sa mortal pa niyang kaaway.
Alright, nataranta si Henry nang makita siya. Sinubukan nga nitong magpaliwanag sa kanya. Ngunit, hindi na siya interesadong pakinggan ito. Sapat nang makita niya ang kataksilan ni Henry.
"Magaling kasi ako sa kama," wika naman ng malditang si Ma-An. Obviously, wala man lang siyang nakitang pagsisi sa hitsura nito. Para pa ngang proud na proud itong ipinakikita sa kanya na ikinatutuwa nitong makita siyang nasasaktan.
Sa alaalang iyon ay mas nakaramdam siya nang panggigigil kaya naman muli siyang nagtungga ng alak at humirit pa siya ng isa pa. Pakiramdam naman kasi niya ay hindi pa siya nalalasing dahil malinaw pa ang kanyang isipan.
"Marami na po kayong naiinom," wika nito.
Namumungay ang kanyang mga mata nang harapin niya ito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong kinokontra. "And so…? Hik. Kahit ubusinnn kongg… lahat… ng alak… dito sa bar na ito, kaya kong bayaran. Ang hindi ko kayang bilhin, ang kaligayahan ko. Bullshit na life ito…isa pa."
Maingay man ang paligid niya, wala siyang pakialam kaya nga ang lakas lakas din ng kanyang pagsasalita. Ngunit, hindi dahilan iyon para mawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
Kahit naman kasi uminom siya nang uminom ay nananatili pa ring malinaw ang kanyang isipan na labis niyang ipinagtataka. Ah, siguro dahil malakas ang alcohol tolerance niya. Pero kahit hindi siya lasing, parang gusto niyang magpanggap na nalalasing siya.
"Tama na 'yan," wika ng isang boses bago inagaw sa kanya ng kopita na hawak niya. Muli sana siyang tutungga dahil sinunod ng bartender ang sinabi niyang lagyan pa niya iyon ng alak ngunit hindi nasunod ang gusto niyang gawin dahil sa may nakialam sa kanya. Kaya, nakaramdam siya ng sobrang panggigigil.
"At sino ka para…" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tumayo siya para harapin sana ang pakialamerong lalaki at pagsalitaan ng kung anu ano. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay iyong inaawat siya sa gusto niyang gawin. Ngunit, hindi na niya nagawang dugtungan ang sasabihin dahil natitigan niya ito ng husto.
Ewan lang niya kung dahil sa nakainom lang siya pero ang tingin niya sa lalaki ay pinakaguwapong lalaki sa buong mundo. Mistulan kasi itong foreigner. Hindi lang basta foreigner, pwede pang ihanay sa mga Hollywood actor ang kaguwapuhan nito. Light brown pa ang kulay ng mga mata nito. Hindi tuloy niya napigilan ang mapangiti pagkaraan ay walang pag-aalinlangan niya itong tinanong ng, "Can you… take me…tonight?"
At hindi na niya hinintay pang sumagot ang lalaki dahil walang pag-aalinlangan niyang inangkin ang labi nito.
DAHIL sa ayaw ni Yvette na tanggihan siya ng lalaki, dinakma niya ang pagkalalaki nito. Alam kasi niyang kapag nanigas iyon ay hindi na siya mahihirapan pang mapasunod ito sa bawat gustuhin niya. Ngunit, ang tipo ba ng lalaki ang magiging sunud-sunuran?Maaaring hindi niya personal na kilala ang lalaki pero ang hitsura nito ay nagsasaad ng kapangyarihan at karangyaan kaya't nakapagtatakang makita niya ito sa lugar na iyon. Mistulan nga itong prinsepe na naligaw sa bar na iyon. Lasing na nga yata siyang talaga dahil ganoon ang tingin niya sa lalaki. Kahit naman naka coat and tie ito at parang katawa tawang makita sa lugar na iyon ay sadyang nangingibabaw pa rin ang hitsura nito. Kaya naman hindi na siya magtataka kung sa pagtingin niya sa paligid ay maraming mata ang nakatingin dito, partikular na ang mga kababaihan. Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng panggigigil sa kaisipang iyon."Damn," wika nito. Halatang hindi nito inasahan ang kanyang ginawa kaya napadaing ito ng husto.
PAKIRAMDAM ni Yvette ay para siyang nagkaroon ng amnesia. Agad niyang nakalimutan ang sakit na nararamdaman dahil sa 'ginawa' niya kasama ang estranghero na iyon. Shucks, wika niya. Oo nga nagawa niyang makalimutan agad si Henry pero hindi naman mabura-bura sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng estranghero na iyon. Mga nangyari, pagtatama pa niya sa kanyang sarili.Hindi lang kasi isang beses may nangyari sa kanila. Kung dati'y takot na takot siyang mabuntis kung may mamamagitan sa kanila ni Henry, ngayon naman ay para pang tagprice na nakatambay sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari sa kanila estranghero na ito. Basta ang alam niya nagàwa siya nitong paakyatin sa langit. Hindi nga niya tiyak kung normal nga ang kanyang mga mata dahil parang walang ginawa iyon kundi tumirik habang hinahalikan nito ang bawat parte ng kanyang katawan. Nananakit din ang kanyang lalamunan dahil panay ang sigaw at ungol niya habang pinaliligaya siya nito. Ang lakas tuloy ng pagsinghap niya pag
ANG goal ni Liam ay huwag magpakasal ang ama sa sinumang babae, tulad ng ipinangako niya sa kanyang ina. Kaya naman ang ibig niya ay makilala niya ng husto ang babaeng kinalolokohan ng ama. Si Yvette Villafuerte. Ayaw niyang maniwala na kaya nito pakakasalan ang kanyang ama ay dahil mahal nito ang kanyang Papa. Tiyak niyang pera ang dahilan kaya pumayag itong magpakasal sa lalaking halos lolo na nito. Kaya't sabi niya sa sarili, kailangan niya itong kilalanin ng husto. Dahil nga sa limpak-limpak na pera na mayroon siya ay mabilis niyang nakuha ang resulta na gusto niya. Kumunot lang ang noo niya nang malaman niyang galing din ito sa mayamang pamilya at nag-iisang tagapagmana. Ngunit hindi lang iyon ang di niya napaghandaan. Hindi niya kasi talaga inasahan na ang babae palang gusto ng kanyang ama ay napakaganda. Mala-Diyosa. Hindi tuloy niya magawang alisin ang tingin dito. Sabi niya sa sarili, walang sinumang babae ang kukuha ng kanyang atensyon pero nagawa ni Yvette Villafuer
"ANONG kalokohan ang sinasabi mo?" Manghang tanong ni Yvette sa lalaki. Hindi niya alam kung sino ito pero kilalang-kilala ito ng kanyang katawan. Hindi nga niya napigilan ang mapalunok ng kung ilang ulit dahil may alaalang nagpupumilit sumiksik sa kanyang utak. "Hindi ka pa ba napapagod?" Humahagikgik na tanong ni Yvette. Gumagala kasi ulit ang kamay nito sa kanyang katawan. Napa-shucks naman siya dahil nagsimula na namang mag-init ang kanyang katawan. "Nope," wika nitong pinapungay pa ang mga mata. Sa tingin niya ay sinadya nitong gawin iyon para mapasunod siya sa gusto nito. Ang mga mata kasi nito ay parang nangungusap na sundin niya ang gusto nito. "Pagod na ko," kunwa'y sabi niya. Hindi naman kasi maaaring mag-yes na lang siya palagi. Kailangan din namang magpakipot siya. Ngumisi ito. "I will let you rest for a while." Ngunit kahit sinasabi ng katawan niyang gusto niyang magpahinga, parang hindi pa rin niya kaya. Ang nais lang niya maramdaman ang presensiya ng lalaki sa
"A-AKALA ko ba siya si William Arguelles?" Naguguluhang tanong ni Yvette. Itinuro pa niya ang matandang lalaki na sinasabing si William Arguelles. “Jr,” wika nito. “Ho?”lito pa rin niyyang tanong. Sa pagkakatitig niya sa matandang lalaki na sa tingin niya ay nasaa 60 anyos na rin ang edad ay masasabi niyang malakas din ang appeal nito nu’ng kabataan nito. Marahil nga, naranasan din nitong habulin ng mgha chikababes.“Äko si William Arguelles Jr. Ang pinakasalan mo ay si William Arguelles III. Hindi mo alam ang pangalan ng lalaking pinakasalan mo, iha?” naapapantastikuhang taanong nito pero ngiting-ngiti nnaaman. Siya naman ay hindi malaman ang sasabihin o gagawin. Hindi rin niya alam kung ano ba ang kanyang ikakatwiran. “Kung marami ka naman palang hindi alam sa napangasawa mo,” mariing sabi ng matandang lalaki habang nakatingin sa anak nito, “Maigi pang huwag na iparehistro pa ang kasal ninyo.”“Too late,” wika naman ng lalaking nagngangalang William Arguelles III. “Kasal
"HINDI mo na kailangang dalhin ang mga luma mong damit. Kahit 1 milyong damit na signature clothes kaya kitang bilhan," wika ni William Arguelles III, pasuplado. "Yabang," wika niya. Ibig niya kasing mamayani ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung hindi'y baka humanga siya ng todo rito. Naalala niya tuloy na nu'ng una niya itong makita ay para siyang nabatubalani. Kahit nakainom siya ay guwapung-guwapo ang tingin niya rito eh di lalo ngayon na malinaw ang kanyang mata at isipan. Kahit nga rugged ang outfit nito ngayon ay malakas pa rin ang dating. Shucks, hindi niya napigilang ibulalas sa sarili. Mabuti na nga lang ay hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. Kung nagkataon kasi ay siguradong mabubuking nito ang kanyang nararamdaman. Sa pagsulyap kasi niya kay William Arguelles III ay parang bumabalik sa isipan niya ang mga namagitan sa kanila. Hindi tuloy niya napigilan ang mapalunok. Sa isipan niya kasi ay parang natatakam na naman siyang tikman ang mainit nitong katawan na t
"HUWAG mong isipin na nakalimutan ko na ang ex ko dahil lang tumugon ako sa halik mo," wika ni Yvette kay Liam. Buong diin pa niyang sinabi ang mga salitang iyon dahil ayaw niyang isipin ng kanyang 'asawa' na may damdamin siya rito. Wala nga ba? Tanong niya sa sarili. Gusto niyang magsabi ng 'wala talaga' pero hindi niya iyon nagawang ibulalas dahil hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang kanyang dibdib. Wala siyang tugon na narinig kay Liam na abala sa pagmamaneho kaya napilitan siyang lingunin ito. Kahit nga nakatutok ang atensyon nito sa daan ay hindi nito magawang itago ang pilyong ngiti sa labi. Hindi tuloy niya alam kung narinig nga ba nito ang kanyang sinabi. Dahil doon, nag-init na naman ang kanyang pakiramdam at wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili. "Masarap ka lang kasing humalik kaya…" Hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil agad rumehistro sa kanyang isipan ang kanyang sinabi. Malutong na halakhak kasi ang pinawalan ni Liam. "Shut
FLIRT, inis na inis na sabi ni Yvette habang nakatapat siya sa shower. Obyus na obyus naman kasing gusto lang ni Liam na may mangyari sa kanila. Kunsabagay, hindi naman masama kung may mangyayari sa kanila. Mag-asawa sila. Nang mga oras na iyon ay parang gusto niyang pagtawanan ang kanyang sarili na ang dali niyang maniwala na kasal nga sila. Paano kung peke iyon?Ipinilig niya ang kanyang ulo. Para kasing may nagsasabi sa kanya na hindi ang tulad ni William Arguelles III ang gagawa ng peke. Ang taong tulad nito ay sinisigurong legit ang lahat para may habol. Isa itong negosyante kaya malas dito ang pagsisinungaling. Sa kaisipang iyon ay bahagya siyang natawa. Naalala na naman kasi niya ang kanyang dating yaya. Marami kasi itong pinaniniwalaan na pamahiin kaya maging siya ay naniniwala na rin. Ang pag-iisip niya ay nabulabog dahil sa sunod-sunod na katok. "Hindi pa ako tapos," wika niya. Pasigaw ang pagkakasabi niya noon dahil gusto niyang makarating iyon agad sa pandinig ni Liam
"AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang
SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag
KUNOT noong napabalikwas nang bangon si Yvette nang hindi na niya mahagilap sa kanyang tabi. Pakiramdam niya ay binalewala lang nito ang mga nangyari sa kanilang pagitan. Kung talaga kasing may kuwenta rito nangyari sa kanila, hindi ba dapat ay mamumulatan niya ito? Ang ibig niya siyempre ay magigising siyang nakaunan sa dibdib ni Liam. Gusto rin niyang maramdaman pa ang init na ibinubuga ng katawan nito pero hindi nangyari iyon kaya napabuntunghininga siya. Sobra siyang nakakaramdam ng inis. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ibig niyang makalimutan nito ang 'trauma' ni Liam sa malaking gagamba kaya ibig niyang ibaling nito ang atensyon sa ibang bagay –sa kanya, to be exact. Sa paliligo nila at sa kanilang sexcapades. Sa bawat halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya ay naramdaman nga niyang sa kanya na ito naka-focus at hindi sa takot nito. Ngunit, ngayon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kaya hindi niya na
SA bawat araw na kasama niya si Liam, pakiramdam ni Yvette ay lagi siyang umaakyat sa langit. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung sa bawat sulok ng Isla na iyon ay ginagalugad talaga nila. Hindi lang dahil sa namamasyal sila kundi dahil sa mga pagtatalik nila. Gusto niyang isipin na mahal na siyang talaga ni Liam kaya inaangkin siya nito na para bang wala ng bukas. Ayaw naman niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Basta ang alam niya, ipinagkakaloob niya ang sarili dito ng paulit-ulit dahil mahal niya ito. "Kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak mo," pansin ni Liam sa kanya. "Paano ka naman nakasiguro?" Tanong niya sa halip na sabihin kay Liam na walang ibang laman ang kanyang isip kundi ito lang. Oh, para tuloy gusto niyang mapangiwi sa mga salitang kanyang naiisip. Kasama na niya si Liam pero sa isip niya, ito pa rin ang laman. "Panay kasi ang ngiti mo riyan. Sino ba ang naiisip mo, ang ex mo?" Sarkastiko n
PAKIRAMDAM ni Yvette ito ang pinakamasarap na tulog na kanyang naranasan. Nang imulat niya kasing muli ang kanyang mga mata ay kita niya si Liam na nakatunghay sa kanya. "Kanina ka pa gising?" Nahihiya niyang tanong dito. Sa halip na sagutin siya nito, bahagyang tawa ang pinawalan nito. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya rito. Sa tono niya ay gusto na niya itong sisihin sa kahihiyang naramdaman niya. "Alam ko naman kasing masyado kitang napagod," anitong nanunudyo pa rin. "Shucks," bulalas na naman niya. Paano ba naman kasi, pumasok na naman sa utak niya ang mga nangyari sa kanila. Hindi lang sa dagat kundi sa bawat sulok ng Isla na iyon. Huli na nga nilang bininyagan ang kama kaya nang mapagod na sila ay natulog na sila ng tuloy tuloy. Iyon nga lang, kahit na gising na siya ay hindi pa rin nawawaglit sa kanyang isipan ang bawat eksenang nangyari sa kanila. Para na iyong tag price na nakatatak sa kanyang isipan. "Anong gusto mong breakfast?" Malambing nitong tanong sa k
"LOVE…."Hindi man siya sigurado kung si Liam nga ba ang tumatawag sa kanya pero pinili niyang sundan ang boses nito. Alam kasi niyang kahit nasa gitna siya ng kapahamakan ay magagawa siya nitong mailigtas. Muli'y tinawag na naman siya nito kaya talagang ginusto na niyang makita ito. "Liam…" wika niya nang imulat niya ang kanyang mga mata. "Hindi naman tayo nagsi-sex pero panay ang ungol mo kaya nag-alala ako ng sobra sa'yo."Kahit na alam niyang gusto lang pagaanin ni Liam ang kanyang nararamdaman, hindi niya magawa nang maalala niya ang kanyang panaginip. Pagkatapos noon ay bumalik ang takot sa kanyang dibdib kaya bigla siyang napahagulgol. Pagkatapos ay yumakap siya kay Liam. "Hey…" wika nito. Kahit na nalilito ito sa kanyang ginawi, marahan nitong hinagod ang kanyang buhok at likod para payapain ang kanyang nararamdaman. "Napanaginipan mo bang nawala ako sa buhay mo?" Natatawang tanong nito. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil hindi na rin naman niya maalala ku
KUNG kanina'y panay ang bangayan nila ni Liam, ngayon ay hindi na mapaghiwalay pa ang kanilang mga labi. Nagulat pa nga siya nang mag-landing na ang likuran niya sa malambot na kama. Mula kasi ng lumabas sila ng elevator ay naghahalikan na sila. "Are you sure ?" Tanong ni Liam sa kanya nang maghiwalay na ang kanilang mga labi. Kapwa sila hinihingal ng mga oras na iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi malaman kung anong tinutukoy nito. "Bakit ba ganyan ka kung makapagtanong?" "Ayoko kasing ako ang kahalikan mo pero may iba ka palang iniisip." Marahang sabi ni Liam pero ang emosyon ay hindi magawang maitago. Mukha kasing selos na selos ito. Selos na selos si Liam? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Lahat naman ng lalaki ay may karapatang magselos lalo na't asawa niya si Liam at ex niya ang pinagseselosan ni Liam. Kaya't naisip niyang kailangan niyang maging tapat na sa sarili at sa kanyang damdamin. Kaya't buong diin ang mga salita niya pagkaraan. "Wala akong lala
"AKO ba ang laman ng isip mo?" "No," mariing sagot ni Yvette sa malambing na tanong na iyon ni Liam. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na magsasabi ng kasinungalingan para lang masiyahan ang nagtatanong. Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito kaya agad lumipad ang tingin niya rito. Huling-huli rin niya kung gaano katalim ang tingin nito sa kanya. Kung hindi niya kilala si Liam ay siguradong makakaramdam siya ng kilabot sa uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. Para kasing gusto na siya nitong sakalin.Mabuti na lang talaga at wala itong kakayahan na makapagbato ng patalim sa pamamagitan ng pagtitig. Kung nagkataon kasi, siguradong kanina pa siya bumulagta. Hindi lang dahil sa nagkasugat-sugat ang kanyang katawan kundi dahil naghihingalo na siya. "Ang lalaking iyon ba ang iniisip mo?" Buwisit nitong tanong. Sa ilang saglit ay bigla siyang natulala. Hindi niya kasi alam kung bakit ganoon ang tanong ni Liam at kung sino ang lalaking tinutukoy nito ngunit pagkaraan ng ilan
KANINA pa pinipigilan ni Janiz ang kanyang emosyon – ang matinding poot para kay Yvette, kailan lang niya ito nakilala pero parang gusto na niya itong patayin. Ito kasi ang nag-iisang hadlang para mapalapit siyang muli kay William Arguelles III. Matinding galit ang ipinakita sa kanya ng lalaki dahil sa pagsampal niya sa 'matandang mangkukulam na iyon. Napamura siya nang maisip niyang iba na nga pala ngayon ang hitsura ng babaeng iyon. Dahil doon mas nakaramdam siya ng panggigigil sa kasinungalingan nito. Umasam kasi siya na milya-milya ang lamang niya sa babaeng iyon kung pisikal na hitsura ang pag-uusapan pero mali siya, maling-mali siya dahil napakaganda pala ng babaeng tinatawag niyang matandang mangkukulam. Maganda at seksi naman siya pero nakakaramdam siya ng insecurity sa babaeng iyon. Hindi lang dahil sa asawa ito ng lalaking dati'y patay na patay sa kanya kundi dahil sa bukod na mala anghel itong kagandahan ay hindi ito tulad niyang bilasa na. Marahas na buntunghininga ang