ANONG kagagahan ang sinabi mo? Naiinis na tanong niya sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Talaga kasing hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nasabi niya ang mga salitang iyon. Sinabi na niya kay Liam na anim na buwan lamang ang kanilang pagsasama tapos sinabi pa niyang maaari siya nitong angkinin palagi. Pakiwari niya tuloy ay inaalok niya ang kanyang sarili sa lalaki. Well, wala namang masama kung gawin niya iyon dahil asawa naman niya si Liam. Hindi nga lang sila nagpakasal dahil sa nagmamahalan sila. Ngunit, alam niyang kailangan nila ang isa't isa. Sa kaso niya ay gusto niyang makalimutan si Henry pero, anong dahilan ni Liam?Ang kanyang katawan, wika siya sa sarili. “Really?" Hindi makapaniwalang tanong nito. “Ha?”” wika niya nang bumuka ang bibig niya para bawiin ang kanyang sinabi pero agad inangkin ni Liam ang kanyang mga labi. Sa tingin niya ay iyon na ang oportunidad nito para mapatotohanan ang kanyang sinabi. Dapat ay itulak niya si Liam pero hindi n
KAHIT na abala sa paghahanda ng breakfast si Yvette ay naging matalas pa rin ang kanyang pakiramdam kaya alam na alam niyang gising na ang kanyang asawa. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa pagtukoy niyang iyon kay Liam. Talagang feel na feel na niyang asawa niya ito. Kunsabagay, bukod sa may papeles sila na ikinasal, ginagawa rin nila ang ginagawa ng tunay na mag-asawa. "Yvette!" sigaw nito sabay bukas ng pinto. Malayo man ito sa kanya ay dama niya ang katarantahan nito. Para tuloy gusto niyang matawa sa kaisipang may takot itong naramdaman nang magising itong wala siya. Marahil bumalik din sa isipan nito ang pag-iwan niya rito matapos ng may nangyari sa kanila. Sabi kasi ng isip niya nung panahon na iyon ay wala namang patutunguhan ang namagitan sa kanila kaya't makabubunting wakasan na lang niya kahit tumututol ang kanyang kalooban. Ngunit hindi nangyari ang plano niyang wakasan na ang ugnayan nila dahil kilala siya nito at kayang-kaya siya nitong sundan. "Nandito ako," sa
SHUCKS, wika ni Yvette. Ngunit, kahit bumubuhos na sa katawan niya ngayon ang malamig na malamig na tubig, wala pa ring epekto. Ang init-init pa rin ng kanyang katawan. Para nga siyang sinisilaban. Ito ba ang tinatawag na pagnanasa? Kailanman ay hindi niya ito naramdaman kay Henry kaya tiyak niyang hindi pag-ibig ang kanyang nararamdaman. "Ohhh," hindi niya napigilang ibulalas dahil may yumakap buhat sa kanyang likuran. At kahit na hindi niya iyon lingunin, walang ibang gagawa noon kundi si Liam. Bukod pa roon, si Liam lang ang nakakapagparamdam sa kanya ng parang may milyun-milyong boltahe ng kuryente na nanunulay sa kanyang katawan. "Miss you so much, Asawa ko," wika nito. Ibinulong lang iyon ni Liam pero pakiramdam niya'y ipinagsigawan nito sa buong mundo ang mga salitang iyon. Asawa ko. Oh, parang gusto niyang isipin na hindi lang ang katawan niya ang inangkin ni Liam, pati na ang buo niyang pagkatao. Huwag kang ambisyosa! Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan. Pagkatapos
"ANAK ng tokwa…" Hindi napigilan ni Yvette ang mapabungisngis sa tinurang iyon ni Liam. Kitang-kita niya kung paanong napalis ang ngiti nito nang makita siya. Ang rason, dahil sa kanyang MIss Minchin looks. Dark blue ang straight dress na kanyang suot, tapos naglagay pa siya ng malaking salamin sa mata na wala namang grado ay ipinusod pa niya ang kanyang buhok. Sa hitsura niya ngayon ay alam niyang walang sinumang magkakainteres na siya'y tapunan man lang ng sulyap. Twenty three years old pa lang siya pero para na siyang nasa edad singkuwenta. Alam niya kasing magiging masyado siyang pansinin kung magmi-make up siya at magsusuot ng sexy. At saka, ayaw naman niyang ibalandra sa buong mundo ang kanyang pagkatao. Sapat na sa kanya na magkaroon ng trabaho. Kung sa ibang kumpanya pa siya maga-apply, siguradong makakalkal pa ang kanyang identity. Hindi rin naman niya gustong masaktan ang kanyang ama kung malalaman nitong magtatrabaho siya sa ibang kumpanya. At least kung kay Liam siya m
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Yvette habang nakatingin sa monitor ng PC. Ngunit, wala sa mga nakasulat doon ang kanyang atensyon kundi nasa repleksyon na nakikita niya sa screen ng computer. Ang babae kasing bisita ni Liam ay nakakairitang tumawa. Sobrang arte. Hindi iyon humahagalpak na nagsasaad ng labis na kasiyahan kundi pigil na pigil ang pagtawa na para bang sinapian ng dwende. Kahit tuloy hindi niya ito lingunin ay tinatapunan niya ito ng matalim na tingin. "Pasalamat ka at nakakain na ako," inis niyang sabi dahil kung hindi pa siguradong nagpapabalik-balik na ito sa cr ngayon. Malakas kasi siyang maka-usog palibhasa minsan na siyang nausog kaya may kakayahan na rin siyang makausog. Dahil nga sa lumaki siya sa Yaya, marami siyang nakuhang kuwento rito tungkol sa kung anu-anong mga kababalaghan at pinaniwalaan niya iyon. Mahal siya nito kaya alam niyang hindi siya nito lolokohin. Saka, sabi rin ng Mama niya, sa ating mundo ay mayroon talagang nilalang na mapagl
MASAKIT na masakit na ang tiyan ni Liam sa kakatawa pero hindi pa rin siya makuhang huminto. Hindi niya akalain na napakagaling na artista ng kanyang napangasawa. Kunsabagay, AB Masscommunication ang kurso ni Yvette kaya talagang madali lang rito na papaniwalain ka sa mga sinasabi nito. Katotohanan man iyon o isang kalokohan. Napailing siyang muli nang magawa nitong papaniwalain si Roselyn na may lahi nga itong mangkukulam at sa lugar na Achucheche. Si Roselyn naman kasi ang tipo ng tao na naniniwala sa kung anu-anong kababalaghan kaya madali lang itong napasakay ni Yvette. Kaya, tiyak niyang hindi na siya pupuntahan pa ni Roselyn dito sa WilMar Mall. Hindi naman alam ni Roselyn kung saan siya nakatira kaya malaki ang paniniwala niya na hindi siya pupuntahan nito. Saka, nangako ito kay Yvette na hindi na makikipagkita sa kanya. Dahil doon, para siyang siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Si Roselyn Sayson ay ang pinakamakulit niyang manliligaw. Napabuntunghininga tuloy siya
"LET'S go…"Natigil si Yvette sa pagliligpit ng kanyang mga gamit nang magsalita si Liam. Buonv pagtataka niya itong tiningnan. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya nahagilap ang kanyang boses. "Saan tayo pupunta?"Kung ibang tao ang magsasabi sa kanya ng mga salitang iyon, iisipin niga agad na iniinsulto siya. Na ang tanga-tanga niya para magtanong pa siya kung saan sila pupunta pero dahil si Liam ang nagtanong, hindi negatibo ang naisip niya. Para lang naman kasi siyang tinutudyo nito. Ang lambing-lambing naman kasi nitong magsalita. Pakiramdam niya tuloy, idinuduyan siya sa alapaap. "Hindi ba dapat mauna na akong umuwi?" Nagtatakang tanong niya rito. Kumunot ang noo ni Liam. "Why?"Kahit na sumimangot si Liam sa kanyang tanong, hindi pa rin niya magawang alisin ang tingin dito. Pakiwari nga niya'y mas lumutang ang kaguwapuhan nito dahil ang pagkatao nito'y nababalutan ng kumpiyansa sa sarili. "Nasa iisang bahay lang tayo, bakit kailangan mo pang mauna?" Buong pagtatakang tanon
"HINDI pa ako ready magmahal," mahinang sabi ni Yvette kaya naman hindi niya malaman kung kay Liam ba niya sinasabi iyon o sa kanyang sarili. Limang taon ang naging relasyon nila ni Henry kaya sa palagay niya ay hindi basta-basta nakakalimutan iyon. Kahit pa wala namang nangyari sa kanila ni Henry at sa kanila ni Liam ay marami na? Idagdag pang mag-asawa na rin sila ni Liam. "Anong order mo?" Hindi agad siya nakasagot dahil hanggang ngayon ay parang lutang pa rin siya. Ewan ba naman kasi niya kung bakit naisipang sabihin ni Liam sa kanya angmga salitang iyon. Ang puso mo ang gusto kong makuha.Nahuhulog na ba ang loob nito sa kanya? Tanong pa niya sa sarili. Hindi man niya alam kung anong sagot sa sarili niyang tanong, naramdaman niya ang pagbilis ng ti ok ng kanyang puso. Ewan niya kung bakit nakaramdam siya ng excitement sa maaaring isagot ni Liam. Naisip niya kasi na tuluyan nang nahulog ang loob nito sa kanya. "Anong gusto mong kainin, asawa ko?" Malambing na tanong sa kanya
"AALIS na naman tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvette kay Liam. Maang na maang siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakakilos. Kakarating lang kasi nila nu'ng isang araw galing sa bakasyon tapos ngayon ay aalis na naman sila. Wala namang problema sa kanya iyon dahil ang nais naman talaga niya ay makasama palagi si Liam. Ang inaalala lang naman niya ay ang mga responsibilidad nito. Bahagya lang kumakalmante ang kanyang kalooban kapag sinasabi nitong may ama ito na maaaring mag-take over sa WilMar Mall habang wala ito. "Honeymoon natin," wika ni Liam. "Palagi naman tayong nagha-honeymoon," bulalas niya. Hindi pa niya ito napigilang ngusuan.Napahagalpak nang tawa si Liam. Bigla tuloy siyang napatitig sa asawa. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tumawa nang ganoon kalutong ni Liam. Napangiti lang siya nang mapagtanto niyang malaki angbkinalaman niya sa kasiyahang nararamdaman nito. At ganoon din naman siya. Mahal niya si Liam at gusto niyang isipin na ganoon din ang
SHUCKS, wika ni Yvette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa simbahan na siya at naglalakad papunta sa may altar. Siyempre, kasabay niyang naglalakad ang kanyang ama tulad ng pangarap nito. Ang maihatid siya kay Liam, sa lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Nang tanungin siya ni Liam ng, Will you marry me again? Agad siyang sumagot ng 'yes'. Siyempre, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa dahil talagang gusto rin niyang pakasalan ulit si Liam. "Why?" Naalala din niyang tanong ni Liam. "Kasi mahal kita," walang pag-aalinlangan niyang sabi. Iyon naman kasi talaga ang nararamdaman niya kay Liam. So, wala ng dahilan para magkunwari pa siya. "Mahal mo ako?" Naniniguradong tanong nito. "Oo nga," mariin niyang sabi dito. "Mahal din kita.""Mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Yayayain ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. Ayaw na niyang manghingi pa ng paliwanag kay Liam kung bakit siya nito mahal. Ang mahalag
KUNOT noong napabalikwas nang bangon si Yvette nang hindi na niya mahagilap sa kanyang tabi. Pakiramdam niya ay binalewala lang nito ang mga nangyari sa kanilang pagitan. Kung talaga kasing may kuwenta rito nangyari sa kanila, hindi ba dapat ay mamumulatan niya ito? Ang ibig niya siyempre ay magigising siyang nakaunan sa dibdib ni Liam. Gusto rin niyang maramdaman pa ang init na ibinubuga ng katawan nito pero hindi nangyari iyon kaya napabuntunghininga siya. Sobra siyang nakakaramdam ng inis. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Ibig niyang makalimutan nito ang 'trauma' ni Liam sa malaking gagamba kaya ibig niyang ibaling nito ang atensyon sa ibang bagay –sa kanya, to be exact. Sa paliligo nila at sa kanilang sexcapades. Sa bawat halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya ay naramdaman nga niyang sa kanya na ito naka-focus at hindi sa takot nito. Ngunit, ngayon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kaya hindi niya na
SA bawat araw na kasama niya si Liam, pakiramdam ni Yvette ay lagi siyang umaakyat sa langit. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung sa bawat sulok ng Isla na iyon ay ginagalugad talaga nila. Hindi lang dahil sa namamasyal sila kundi dahil sa mga pagtatalik nila. Gusto niyang isipin na mahal na siyang talaga ni Liam kaya inaangkin siya nito na para bang wala ng bukas. Ayaw naman niyang magtanong dahil ayaw niyang mapahiya kapag hindi niya nagustuhan ang sagot nito. Basta ang alam niya, ipinagkakaloob niya ang sarili dito ng paulit-ulit dahil mahal niya ito. "Kung saan-saan na naman naglalakbay ang utak mo," pansin ni Liam sa kanya. "Paano ka naman nakasiguro?" Tanong niya sa halip na sabihin kay Liam na walang ibang laman ang kanyang isip kundi ito lang. Oh, para tuloy gusto niyang mapangiwi sa mga salitang kanyang naiisip. Kasama na niya si Liam pero sa isip niya, ito pa rin ang laman. "Panay kasi ang ngiti mo riyan. Sino ba ang naiisip mo, ang ex mo?" Sarkastiko n
PAKIRAMDAM ni Yvette ito ang pinakamasarap na tulog na kanyang naranasan. Nang imulat niya kasing muli ang kanyang mga mata ay kita niya si Liam na nakatunghay sa kanya. "Kanina ka pa gising?" Nahihiya niyang tanong dito. Sa halip na sagutin siya nito, bahagyang tawa ang pinawalan nito. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya rito. Sa tono niya ay gusto na niya itong sisihin sa kahihiyang naramdaman niya. "Alam ko naman kasing masyado kitang napagod," anitong nanunudyo pa rin. "Shucks," bulalas na naman niya. Paano ba naman kasi, pumasok na naman sa utak niya ang mga nangyari sa kanila. Hindi lang sa dagat kundi sa bawat sulok ng Isla na iyon. Huli na nga nilang bininyagan ang kama kaya nang mapagod na sila ay natulog na sila ng tuloy tuloy. Iyon nga lang, kahit na gising na siya ay hindi pa rin nawawaglit sa kanyang isipan ang bawat eksenang nangyari sa kanila. Para na iyong tag price na nakatatak sa kanyang isipan. "Anong gusto mong breakfast?" Malambing nitong tanong sa k
"LOVE…."Hindi man siya sigurado kung si Liam nga ba ang tumatawag sa kanya pero pinili niyang sundan ang boses nito. Alam kasi niyang kahit nasa gitna siya ng kapahamakan ay magagawa siya nitong mailigtas. Muli'y tinawag na naman siya nito kaya talagang ginusto na niyang makita ito. "Liam…" wika niya nang imulat niya ang kanyang mga mata. "Hindi naman tayo nagsi-sex pero panay ang ungol mo kaya nag-alala ako ng sobra sa'yo."Kahit na alam niyang gusto lang pagaanin ni Liam ang kanyang nararamdaman, hindi niya magawa nang maalala niya ang kanyang panaginip. Pagkatapos noon ay bumalik ang takot sa kanyang dibdib kaya bigla siyang napahagulgol. Pagkatapos ay yumakap siya kay Liam. "Hey…" wika nito. Kahit na nalilito ito sa kanyang ginawi, marahan nitong hinagod ang kanyang buhok at likod para payapain ang kanyang nararamdaman. "Napanaginipan mo bang nawala ako sa buhay mo?" Natatawang tanong nito. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil hindi na rin naman niya maalala ku
KUNG kanina'y panay ang bangayan nila ni Liam, ngayon ay hindi na mapaghiwalay pa ang kanilang mga labi. Nagulat pa nga siya nang mag-landing na ang likuran niya sa malambot na kama. Mula kasi ng lumabas sila ng elevator ay naghahalikan na sila. "Are you sure ?" Tanong ni Liam sa kanya nang maghiwalay na ang kanilang mga labi. Kapwa sila hinihingal ng mga oras na iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi malaman kung anong tinutukoy nito. "Bakit ba ganyan ka kung makapagtanong?" "Ayoko kasing ako ang kahalikan mo pero may iba ka palang iniisip." Marahang sabi ni Liam pero ang emosyon ay hindi magawang maitago. Mukha kasing selos na selos ito. Selos na selos si Liam? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Lahat naman ng lalaki ay may karapatang magselos lalo na't asawa niya si Liam at ex niya ang pinagseselosan ni Liam. Kaya't naisip niyang kailangan niyang maging tapat na sa sarili at sa kanyang damdamin. Kaya't buong diin ang mga salita niya pagkaraan. "Wala akong lala
"AKO ba ang laman ng isip mo?" "No," mariing sagot ni Yvette sa malambing na tanong na iyon ni Liam. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na magsasabi ng kasinungalingan para lang masiyahan ang nagtatanong. Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito kaya agad lumipad ang tingin niya rito. Huling-huli rin niya kung gaano katalim ang tingin nito sa kanya. Kung hindi niya kilala si Liam ay siguradong makakaramdam siya ng kilabot sa uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. Para kasing gusto na siya nitong sakalin.Mabuti na lang talaga at wala itong kakayahan na makapagbato ng patalim sa pamamagitan ng pagtitig. Kung nagkataon kasi, siguradong kanina pa siya bumulagta. Hindi lang dahil sa nagkasugat-sugat ang kanyang katawan kundi dahil naghihingalo na siya. "Ang lalaking iyon ba ang iniisip mo?" Buwisit nitong tanong. Sa ilang saglit ay bigla siyang natulala. Hindi niya kasi alam kung bakit ganoon ang tanong ni Liam at kung sino ang lalaking tinutukoy nito ngunit pagkaraan ng ilan
KANINA pa pinipigilan ni Janiz ang kanyang emosyon – ang matinding poot para kay Yvette, kailan lang niya ito nakilala pero parang gusto na niya itong patayin. Ito kasi ang nag-iisang hadlang para mapalapit siyang muli kay William Arguelles III. Matinding galit ang ipinakita sa kanya ng lalaki dahil sa pagsampal niya sa 'matandang mangkukulam na iyon. Napamura siya nang maisip niyang iba na nga pala ngayon ang hitsura ng babaeng iyon. Dahil doon mas nakaramdam siya ng panggigigil sa kasinungalingan nito. Umasam kasi siya na milya-milya ang lamang niya sa babaeng iyon kung pisikal na hitsura ang pag-uusapan pero mali siya, maling-mali siya dahil napakaganda pala ng babaeng tinatawag niyang matandang mangkukulam. Maganda at seksi naman siya pero nakakaramdam siya ng insecurity sa babaeng iyon. Hindi lang dahil sa asawa ito ng lalaking dati'y patay na patay sa kanya kundi dahil sa bukod na mala anghel itong kagandahan ay hindi ito tulad niyang bilasa na. Marahas na buntunghininga ang