Rhian's Point of View"You look stunning! Muntik na kitang hindi makilala." Masayang salubong sa akin ni Mikaela. "I'm sure pag-aagawan ka nila ngayon. Hindi mo ba napansin? Halos sayo nakatingin ang mga big bos!"Halos mamula naman ako dahil sa sinabi nito. Mabuti na lamang at hindi nahirapan sa akin ang photographer sa pagkuha ng mga larawan. "Tapos na ang pictorial, hindi mo na kailangan pang ipakita ang iyong katawan para lang makuha ang atensyon ng mga lalaki." Isang malamig na boses iyon buhat sa aking likuran.Madilim ang awrang lumapit ito sa amin. Kasama nito si Vera na halos hindi na bitawan ang lalaki.Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito na tila nang i-insulto. Katatapos lamang nang aming pictorial kaya hindi pa ako nakapagpalit ng damit. "Excuse me? Ako ba ang tinutukoy mo?" Taas-kilay kong tanong sa lalaki. Akala mo kung sinong magaling samantalang halos lumuwa na ang mga mata niya kanina sa kakatingin sa mga katawan ng mga modelo."Mayroon pa bang iba? At kung sa tingi
Rhian's Point of ViewWarning SPG!Nasabik ako sa halik ng lalaki at halos hindi na maghiwalay ang aming mga labi. Narinig ko na may naghihiyawan at nagpapalakpakan sa aming paligid. Agad ko naman itinulak si Logan papalayo sa akin. Halos mamula ang buo kong mukha nang mapagtanto kong pinapanuod na pala kami ng mga taong naroroon.Mabilis naman akong hinila ni Logan. Nakarating kami sa dulo ng beach resort kung saan may isang yate. Hindi ko mapigilan ang humanga sa ganda at laki nito. Tatlong palapag ang yate, may naka sulat ditong LMontereal."Sayo ba itong yate?" Hindi ko mapigilan tanong kay Logan.Tumango lang ito sa akin habang marahan akong inalalayan umakyat. "Nagustuhan mo ba?" Tanong nito habang pinagmamasdan niya ako kung paano ako mamangha sa ganda nito.Wala sa sariling napatango ako sa kanya.May tatlong palapag ang yate. Sa unang palapag ay may built-in na swimming pool at may magagarang underwater na ilaw. May gymnasium rin dito.Umakyat kami sa pangalawang palapag
Rhian's Point of ViewPagkarating sa Mansyon ay napansin kong maraming reporters na nag-aabang sa labas. Nandoon din si Vera na halos humaba na ang leeg sa kakahintay kay Logan."Ikaw na ang maunang pumasok." boses iyon ni Logan.Bumigat ang aking pakiramdam at halos hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Kailangan namin maghiwalay upang hindi kami makita ni Vera na magkasama. Siguradong magwawala sa galit ang babae. Ayaw kong masira ang mahalagang party ng aking kaibigan nang dahil lang kay Vera at sa akin. Bago ko pa man maihakbang ang aking mga paa ay bigla akong kinabig ng lalaki papalapit sa kanya. Mahigpit niya akong niyakap, pagkatapos ay binigyan ako ng matamis na halik."Nagseselos ka pa rin ba kay Vera?" Pinili kong hindi sagutin ang tanong ng lalaki sa halip ay mabilis ko siyang tinalikuran. Ayaw kong isipin niyang naapektuhan ako sa kung ano mang relasyon mayroon ito at ang babae.Agad naman ako nitong sinundan. Kalmado lamang itong naglalakad sa may gawing likuran ko."B
Rhian's Point of View"Ako ba ang pinag-uusapan nyo?" Isang mabigat na boses ang aming narinig na ikinalingon naming lahat.Halos kumabog ang aking dibdib nang makita ko ang lalaki. Ngayon ko lang napagmasdan na mas lalo itong gumawapo sa simpleng suot nitong kulay puting longsleeve na polo at itim na pantalon. Halos malukot naman ang aking mukha nang mapansin kong kasama nito si Vera. Para itong aagawan kung makalingkis sa lalaki. Halos lumuwa na rin ang malalaking dibdib nito na sinasadyang idikit sa katawan ng lalaki."Bro, Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin inuwi mo na sa'yong mansyon itong si Vera." Nakangiting saad ni Drew. "Ano ka ba Drew, masyado pang maaga para umuwi sila." Masayang nilapitan ng asawa ni Alisha si Logan. "Mahaba pa naman ang gabi kaya may oras pa sila para makapagsolo."Nakita kong napailing na lang si Logan sa sinabi ng mga pinsan. Samantala, si Vera naman ay halos magkulay kamatis ang mukha. Tila nahihiyang ngumiti ito sa mga pinsan ni Logan."So,
Rhian's Point of ViewNiyakap ako ni Logan ngunit malakas ko siyang itinulak. Mabilis kong ipinadapo ang aking palad sa mukha ng binata. Nakita kong nagulat ang ilang mga taong naroroon. May grupo ng mga babae na binigyan ako ng masamang tingin. Animo'y parang tigre ang mga ito na gusto akong sunggaban at kulang na lang ay kainin nila ako ng buhay."Gosh! Paano niya nagawa iyon sa isang Montereal." Ani ng isang babaeng nakasaksi sa pangyayari."Sino ba siya? Ang lakas naman ng loob niya." Inis na saad naman ng isa pang babae. "Huwag lang magpapakita ang babaeng iyan sa akin kung 'di kakalbuhin ko siya." Banta pa ng isang babae.Hindi nakalagpas sa aking pandinig ang mga sinabi ng mga babae ngunit mas pinili kong hindi na lang pansinin iyon.Napatingin ako sa lalaki. Hawak-hawak nito ang pisngi kung saan dumapo ang aking palad. Napansin ko ang pamumula ng mukha nito dahil halos bumakat ang palad ko dito. Nakaramdam naman ako nang awa para sa lalaki. Ngunit hindi ko mapapalagpas ang g
Rhian's Point of View"Ibaba mo na ako, Logan." Nakalabas na kami ngayon sa Mansyon. Habang sapo ako ni Logan ay mahigpit akong nakahawak sa kanyang batok dahil natatakot akong mahulog. Kung titingnan, para kaming bagong kasal sa paraan nang pagbuhat niya sa akin.Ngunit hindi ako ibinaba ng lalaki. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Hindi ba niya ako naririnig?"I said, put me down. I can walk. Binuhusan lang ako ng alak hindi naman ako naging balbado." Nakasimangot kong saad.Hindi pa rin ako nito pinapansin. Seryoso lang ito habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan. Hindi na ako nagsalita pa dahil kahit anong sabihin ko dito ay hindi naman niya ako pinapansin. Isiniksik ko ang aking ulo sa malapad nitong dibdib. In fairness, ang bango niya. Ano kayang pabango ang ginagamit ng lalaking 'toh?Pagkaraan ng ilang sandali ay naramdaman kong ibinaba na ako ni Logan. Marahan niya akong pinagbuksan ng pinto. "Get in the car." Maawtoridad na utos ni Logan.Hindi naman ako nagdalawa
Rhian's Point of ViewNagising ako dahil sa may narinig akong kumakaluskos na kung anong bagay. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Pinagmasdan kong mabuti ang loob ng silid ngunit hindi ito pamilyar sa akin. Paano ako napunta dito?Nasaan ako?Oo nga pala! Kagabi ay magkasama kami ni Logan. Marahil ay nasa resthouse na kami. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakarating dito dahil nakatulog ako sa sobrang antok at pagod ko kahapon. Hinanap ng aking mga mata si Logan ngunit wala doon ang lalaki. Marahil ay maaga itong nagising o sa ibang kwarto siya natulog. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit ba dito ngunit wala naman akong naramdaman na kahit ano. Napansin ko lang na nagbago ang suot kong damit. Napalitan iyon ng manipis na t-shirt at pajama.Sino kaya ang nagpalit sa akin ng damit? Hindi kaya? OMG! Hindi naman siguro si Logan. Maya-maya pa ay may kumaluskos na naman, bumukas ang isang pinto doon at iniluwa ang lalaki. Pumikit ulit ako at nagkunwaring natutulog
Rhian's Point of View"I love you too." Mga salitang kusang lumabas sa aking bibig matapos ang aming pagniniig.Masaya akong niyakap ni Logan nang marinig niya iyon. Pagkaraa'y muli na naman naglapat ang aming mga labi. Alam kong hindi magiging madali na mahalin ang lalaki ngunit handa akong sumugal para sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na relasyon niya kay Vera. At kung ano man iyon ay saka ko na lamang aalamin, ang mahalaga ay masaya ako ngayon.Bago pa man humantong sa kung saan ang halik na iyon ay may narinig kaming kumakatok. Agad naman akong kumawala sa lalaki dahil baka makita kami na naghahalikan ng kung sino man ang papasok doon."Istorbo!" Mahinang bulong ni Logan.Hindi ko naman maiwasan mapangiti sa naging reaksyon ni Logan. Parang bata kasi itong naubusan ng pagkain habang naglakad papuntang pintuan upang pagbuksan ang kumakatok."Sir Logan, nakahanda na ang pagkain. Halina at nang makakain na kayo. Aba'y tanghali na." Saad ng isan