Sa isang linggo na pananatili namin dito sa Pilipinas, wala na kaming ginawa kundi ipasyal si, Kiel sa iba't ibang lugar lalo na sa beach. Medyo nahihirapan din ito mag adjust sa klima dito sa pinas. Madalas itong mag reklamo na umuwi na ng Paris dahil namimiss na niya ang mommy at daddy ni kuya Lander. Ngayong araw pinatawag ako ng manager kong si Isabelle, hindi kasi ito sumabay sa akin ng umuwi kami dito at kahapon lang ito dumating."Manang aalis muna ako, paki bantayan na lang po si, Michael babalik din naman po agad ako." Bilin ko sa yaya ng anak ko. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin. "Bakit po manang may problema po ba?" Tanong ko sa kanya. parang hindi kasi ito mapakali ng sabihin kong aalis ako saglit."Wala naman po ma'am, kaya lang po ano.." napakamot muna ito ng ulo."Kaya lang ano po? " Kinabahan na ako dahil sa itsura nito."Si Michael po kasi ma'am-""Ano ang tungkol sa anak ko?" Putol ko sa kanyang sasabihin. Lalo kasi akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan
It's been a week mula ng mag usap kami ng manager ko tungkol sa pagpunta niya sa mismong kumpanya ng BPC. At ngayong gabi na nga ang hinihintay niyang gagawin kong contract signing sa BPC. Hindi lang ito basta basta na contract signing dahil ipapakilala din kaagad ako ng BPC sa lahat na ako ang bagong ambassador ng kumpanya. Alam ko na maraming medya at malalaking tao ang dadalo sa event ngayon dahil kilala ang BPC dito sa Pilipinas at maraming nag aabang na ipakilala ako."Are you ready?" Tanong sa akin ni kuya Lander na kakapasok lang ng aking kwarto."Yes, I think?" Hindi siguradong sagot ko."You are so beautiful tonight Xhy, and no man will not fall in love with you tonight because of your beauty." Mangha na sabi niya sa akin habang pinagmamasdan niya ang itsura ko. Kitang kita kasi ang ganda at hubog ng katawan ng aking sa suot kong Olive Embellished Tulle Overskirt Prom Dress, halos lumuwa ang malusog kong dibdib dahil sa aking suot. "Ikaw din kuya ang gwapo mo sa suot mo ngay
Austin povLihim akong napangiti ng lumabas si Mich sa backstage. Hindi ko inakala na mas lalo siyang gumanda sa nakalipas na limang taon. Nang makausap ko si Mrs Johnson, sinabi kong si Mich ang gusto kong kunin na bagong ambassador ng BPC, at wag sabihin sa dalaga na ako ang may ari ng kumpanya. Dahil gusto kong masurprisa siya kapag nalaman niyang ako ang may ari ng BPC. Pero sa tingin ko alam na niya na ako ang may ari dahil hindi man lang siya nagulat ng makita ako.Nung nakita ko siyang rumampa sa catwalk, ay gustong gusto ko sana siya maka usap pero biglang sumulpot si Lander noon, kaya hindi ako nagkaroon ng timing para makausap siya. Kaya naman minabuti ko na makausap ang may ari ng modeling agency na pinasukan niya."Excuse me Mr Breslow, yung kamay ko po." Aniya sa akin na kahit naka ngiti ay may bakas ng pag kainis dahil sa aking ginawang pag pisil sa kamay niya.Agad ko namang binitawan ang kamay niya saka muling ngumiti sa kanya."Oh, I'm so sorry Miss Fernandez, na star
Austin pov"Daddy!" Tumatakbo na salubong ni Brenda sa akin."Hi, Princess, How are you?" Yumuko ako at agad siyang binuhat."Nasaan na po ang pinabili ko sayo, daddy ko sayo daddy?" Tanong niya habang buhat buhat ko siya. "Nasa kotse ipapakuha ko na lang sa yaya mo." Sagot ko at muli siyang ibinaba ng makita kong palapit sa amin ang mommy niya."Thank you, Austin ha, kahit na hindi mo na obligasyon si Brenda, sinusunod mo pa rin ang gusto niya. Kung tutuusin wala ka naman talagang obligasyon sa amin." Naka ngiti nitong sabi sa akin."Kasal pa rin tayo at obligasyon ko pa rin kita, ganun din kay Brenda." Saad ko at umupo sa sofa." Kahit na, alam naman natin na-" " Wag na natin yan pag usapan yan sa harapan ng bata. Ang importante napapasaya ko si Brenda, para na rin ako bumawi sa aking anak. " putol ko sa sinabi niya."Kamusta ang pagkikita niyo kanina? Nakita ko ang live coverage ng contract signing niyo kanina, ang laki ng kina ganda" naka ngiti niyang sabi."Nakita mo rin ba s
So paano yan? Walang maiiwan dito sa bata? I'm sorry Mich, gusto ko man siya isama bukas, pero hindi pwede. Dahil maaga ako aalis bukas papuntang Batangas para tingnan ang bibilhin kong farm, para sa winery business ko." Saad sa akin ni kuya Lander, nang magpaalam siya sa akin na aalis siya papunta batangas. " Okay lang po kuya, dadalhin ko na lang siguro siya bukas sa BPC, at iwan ko na lang siguro siya sa dressing room ko. Siguro naman hindi sila magkikita ni Austin doon dahil nasa dressing room lang siya. Pakiki usapan ko nalang na lang si Jean na bantayan muna si Kiel." Sagot ko sa kanya. Naiintindihan ko naman siya na hindi niya maisasama si Kiel dahil 5am ng umaga ang alis niya bukas. Hindi ko pa kasi alam kung saan ang opisina ko sa PBC, kung meron man o wala. "Wag kang alala babalik din agad ako bukas at daanan ko si Kiel sayo para maisama ko siya pauwi bukas. At hindi ka niya maistorbo sa trabaho." Aniya sa akin."Naku kuya, kami nga itong nakaka abala sa sayo. Pasensya ka
Austin povSinundan ko ng tingin si Mich, habang palabas ng conference room. Alam kong galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya at sa nangyari sa anak naming dalawa. Nag ipon ako ng hangin sa aking dibdib saka iyong ibinuga. Baka nga hindi pa ito ang time para kausapin ko siya ng tungkol doon pero hindi pa rin ako titigil sa paghingi ng sorry sa kanya hanggang sa mapatawad niya ako. Pinagsisihan ko na ang mga ginawa ko sa kanya dahil alam kong mali ako, mula ng sabihin sa akin ni Daddy na wala naman talaga silang relasyon ni Mich, at kahit kailan hindi daw siya inakit ng dalaga. Kasal na kami nun ni Belinda at naka panganak na rin siya nun kay Brenda. Sinabi ko na rin kay daddy na hindi ko totoong anak si Brenda dahil kahit kailan ay wala naman nangyari sa amin ni Belinda. Noong una nagulat pa si daddy sa aking sinabi hanggang sa na open ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Mich. Nagalit pa siya nung una ng malaman niyang pinalayas ko si Mich sa condo na binigay niya. Ang s
"Hello Jean? Ha? Sandali at pupunta na ako diyan. I'm sorry Mr. Breslow pero saka na lang tayo mag usap." Bigla akong kinabahan ng sabihin ni jean na nawawala si Michael. Kaya naman agad na akong lumabas ng conference room kahit na hindi pa sumagot sa akin si Austin. "Ano nangyari? Paano siya nawala Jean?" Agad na tanong mo kay Jean ng nakasalubong ko siya sa may elevator."Hindi ko rin alam, Mich. Sinabi ko wag siyang aalis sa dressing room at mag babanyo lang ako, pero pag balik ko galing banyo wala na siya." Paliwanag niya sa akin. Hindi naman ako pwede magalit sa kanya dahil alam ko na wala siyang kasalanan. Isa pa pinakiusapan lang siya na bantay niya si Michael."Naghanap ka na ba sa ibang floor? O kaya nag try ka na ba mag tanong sa mga staff dito? Baka may nakakita sa kanya." Saad ko sa kanya. Kinalma ko ang aking sarili dahil hindi ako pwede mag panic, dahil baka may maka alam na anak ko si Kiel."Oo nag tanong na ako sa kanila, pero wala daw may nakakita sa kanya. Balak ko
Mula ng mawala si Kiel sa BPC ay hindi na pumayag si Lander na dalhin ko ulit si Kiel sa kumpanya ni Austin. Okay lang naman daw na nakikita ni Austin si Kiel, pero natatakot daw kasi siya na baka may mangyari na masama sa bata. Naiintindihan ko rin naman ang pinupunto niya. Paano kung hindi si Austin ang naka kita sa kay Kiel at lumabas pala siya ng kumpanya. Masyado pang bata si Michael at hindi niya alam kung sino ang dapat niyang samahan at pagkatiwalaan."Kuya aalis na ako." Paalam ko kay kuya Lander. Tulog pa si Kiel kaya hindi ko na ito ginising pa. Ngayon kasi ang photoshoot namin sa Subic, kaya maaga ang alis namin."Okay, mag ingat ka. Mag ingat ka sa kanya." Nakangising turan niya sa akin, kaya inikotan ko siya ng mata."Kuya, wala na siyang dating sa akin. At kung meron man akong nararamdaman pa sa kanya galit na lang yun. " sagot ko sa kanya." Talaga ba Xhy? Eh bakit iba ang nakikita ko diyan sa mata mo? " ani pa niya sa akin." Anong nakikita. Pwede ba kuya alam ko nama
Michael Breslow Scott povNakatitig lang ako sa babaeng naglalakad papunta sa altar. Ang babaeng nag papa bilis ng tibok ng aking puso mula pa noong bata pa ako hanggang sa ngayon. Tinignan ko ang maganda niyang mukha, na ngayon ay may bakas ng luha. Ako ang pinakamasayang tao ngayon dahil hindi ko akalain na ang babaeng mahal ko ay matagal na rin pala akong mahal. Ang buong akala ko ay titingin na lang ako sa kanya mula sa malayo habang nasa piling siya ng kaibigan kong si John, pero ito siya ngayon at at papunta sa akin habang hinihintay ko siya sa harap ng altar. Pinunasan ko ang luha ko na tumulo din sa aking pisngi. Hindi na ako makapaghintay na parehas kaming mag I do sa isa’t isa. Gumati ako ng ngiti sa kanya ng ngitian niya ako at ngayon ay nasa harap ko na siya. Inabot ko ang kamay niya myla sa mama niya at nagpapasalamat dito, nangako din ako na hinding hindi ko sasaktan si Cj at mamahal ko siya hanggang sa huli kong hininga. Habang nag seseronya ang parinay inip na inip n
Michael Breslow Scott PovHindi ko alam kung maawa ba ako kay grandma o magagalit sa kanya. Pero maling mali lasi ang ginawa niya sa amin ni Cj, bakit kailangan niya pakialaman ang buhay ko? Wala naman akong nakikita na masama kung magkatuluyan man kami ni Cj dahil mahal namin ang isa’t isa. Buntong hininga na tumingin ako sa kanya.“Grandma pwede ko po ba kayo makausap mag isa?" Magalang na tanong ko sa kanya. Ayaw ko na magkasamaan kami ng loob lalo na at ikakasal kami ni Cj. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan kung bakit kailangan niyang kausapin noon si Cj para lang layuan ako.“S-sige apo." Nauutal na sagot sa akin ni grandma. Kumakain na lang kami ngayon ng merienda ngayon na gawa ni Cj at masaya silang nag uusap ni mommy kasama ang mama niya para sa gaganapin na kasal namin na dalawa. Tiningnan ko si Cj at nakita ko nakatingin din siya sa akin. Ngumiti siya at pinisil ang kamay ko. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Isang linggo na rin ang lumipas mula ng dinner ka
“At talaga n amas kakampihan niyo ang babaeng yan?" Galit na saad ni ma'am Joan ng pumasok siya sa dining room. Sumunod pala siya sa amin at ngayon ay galit na galit ang humarap sa akin.“Ikaw na babae at talagang nilason mo ang utak ng apao ko pati ang utak ng anak ko at ni Mich para langagustohan ka nila." Duro niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba ayaw na ayaw niya sa akin gayong wala naman akong ginawang masama sa kanya o sa pamilya niya.“Grandma hindi pa rin po ba kayo titigil? Hindi ako nag salita ng masama sa inyo kanina dahil lola ko pa rin kayo at malaki ang respito ko sa inyo, kaya sana wag niyo hintayin na makalimutan kong lola ko kayo at mawala ang respito na sinasabi ko sa inyo.” Tagis ang bagang sabi ni Kiel sa lola niya.“Nakita mo na? Dati hindi sumasagot sa akin ang apo ngayon sinagot sagot na niya ako dahil sayo.” Patuloy na pagduduro niya sa akin kaya hindi na ako nakatiis at tumayo para harapin siya. “Wala po akong sinabi kay Kiel para lasonin ang utak niya pa
Kinakabahan na humawak ako ng mahigpit sa braso ni Kiel, habang papasok kami sa loob ng mansion ng mga Breslow. Kaba at takot ang nararamdaman ko. Kaba dahil baka hindi din ako magugustuhan ni ma'am Mich at sir Austin para kay Michael, at takot dahil muli ko makakaharap ngayon si ma'am Joan, mula ng umalis kami dito sa mansion at alam kong may ayaw sa akin mula noon.“Babe, paano kung hindi ako magustuhan ng mommy at daddy mo para sayo? Alam ko na mabait sila pero kasi babe—”" Babe, wala kang dapat ikatakot na hindi ka magugustuhan ni mommy at daddy dahil alam naman natin na gusto ka nila.” Putol niya sa sinabi ko at hinalikan ako sa labi." Babe, noon yun, iba naman ngayon. Noon katulong niyo lang ako at gusto nila ako bilang kasambahay niyo, at iba ngayon dahil nobua mo na ako.” Kinakabahan na saad ko. Totoo naman kasi na magkaiba ang noon at ngayon noon kasi ay naninilbihan lang ako sa kanila at hindi pantau ang status namin na dalawa sa buhay.“Babe, hindi ganun si mommy dahil tul
“Hindi totoo na ako ang sponsor nitong school dahil binili ko na ito para sayo.” Seryoso na saad niya habang napa awang naman nag bibig ko. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Natatawa na humarap ako sa kanya at sinubo sa bibig ang kutsara.“Kumain ka na nga lang at baka gutom ka na, at para makabalik ka na rin sa opisina mo. Kung ano ano nasasabi mo.” Saad ko habang tinatawanan ang sinabi niya. “I'm just telling the truth babe, talagang binili ko ang school na to para sayo." Aniya sa akin at sumubo ng kanin. Tinignan ko siya ng seryoso.“Hindi ako nakikipag biruan sayo no.” Irap ko sa kanya. Pero sa totoo lang kinakabahan ako na baka totoo ang sinasabi niya." Hindi rin naman ako nakikipag biruan sayo babe, binili ko ang school na to para sayo.” Literal na natulala sa kanya. Ibig sabihin hindi soya nag bibiro na binili niya ang school na to.“Babe, hindi mo naman kailangan gawin yun eh. Saka sobra na ang binigay mo sa amin ni mama. Hindi ko matatanggap ang school na yo k
Michael pov“Hi, mom." Tumayo ako at lumapit kay mommy para yumakap at humalik sa pisngi niya. Nandito ako ngayon sa opisina ko. Siguro dinalaw niya si daddy kaya napadaan din siya dito sa akin. “Kailan kayo dadalaw ni Cj sa mansion ni papa? Anak gusto ko na pag usapan na ninyo ang kasal niyong dalawa, Hindi na kami bumabata ng daddy mo at gusto na rin namin ng daddy mo na mag ka apo sayo.” agad na bungad niya sa akin at umupo sa sofa.“Mom, ayaw ko po biglain si Cj, Isa pa bata pa naman kaming dalawa kaya hayaan muna natin na makapag isip siya." Sagot ko at umupo sa tabi niya. Sobrang na miss ko siya at gusto ko ulit maging bata para bantayan niya at sulitin ang araw na kasama siya, ngayon kasing matanda na ako hindi ko na sila masyado nakakasama. Thirteen lang ako nung umalis ako sa puder nila at tumira sa bahay nina grandpa para lang makasama si Cj. Bata pa lang kasi ako alam ko na mahal ko na si Cj noon, at hindi na iyon nag bago hanggang ngayon. “I miss you, mom. Sorry po kung n
Mula ng lumipat kami dito sa bahay namin ay hindi na rin umuuwi si kiel sa kanila. Ihahatid niya ako sa umaga at papasok naman siya sa kanyang opisina, pagdating naman ng hapon ay susunduin niya ako at sa bahay na rin kami de derecho hindi ko nga din akalain na may damit pala siyang nakalagay na sa aking kwarto. Para na tuloy kaming mag asawa dahil nag sasama na kaming dalawa sa isang bubong at kasal na lang talaga ang kulang sa amin na dalawa.“Babe, niyaya tayo ni mommy sa sabado na sa bahay mag dinner." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya sa akin iyon. Ibig bang sabihin alam na ni ma'am Mich ang tungkol sa amin na dalawa?“Wag ka mag alala dahil gustong gusto ka ni mommy at daddy lalo na ni Aaliyah. Ang totoo niyan tuwang tuwa sila ng malaman nila na tayo ng dalawa at hindi sila maka hintay na makita ka.” Aniya na hinawakan ang kamay ko. Mukhang nabasa niya kasi ang laman ng isip ko kaya sinabi niya iyon." Nahihiya kasi ako sa kanila ni sir Austin babe, lalo na sa lola mo, hin
“Surprised!" Sigaw namin ni Kiel, John at pati na ang girlfriend ni John na si Hannah, nang maka dating na kami sa bahay na binili ni John sa amin. Naging okay na rin si Kiel at John mula ng malaman ni Kiel ang totoong relasyon namin ni John at ikakasal na ito ay humingi siya ng sorry sa kaibigan niya at nagpapasalamat dahil inalagaan ako nito ng wala siya. Ngayon ang araw na umalis kami sa mansion ng mga Breslow at ang laki ng pasasalamat ko dahil wala si maam joan ng umalis kami ni mommy sa mansion dahil. Nag bakasyon ito sa probinsya nila kasama ang asawa nitong si sir Marcus, naging maayos na kasi ang pakiramdam ni sir Marcus mula ng dumating si Kiel. Ang sabi ni ma'am Mich ay ganun daw talaga si ma'am Joan kahit noon pa. Mahilig daw itong mag out of town o kaya naman ay lumabas ng bansa. “Atin na ba ito anak?" Maluha luha na tanong sa akin ni mama.“Opo ma, ito po ang surprisa ko sa inyo." Nakangiti kong sabi sa kanya."Diyos ko anak, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, sa
Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ni Kiel at tinignan kung may tao ba sa labas. Nag yatalonpa kasi kaming dalawa dahil ayaw niya akong payagan na lumabas ng kwarto niya at gusto niya na sa kwarto na lang niya ako matulog.“Kiel ano ba." Bulong ko ng ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Gusto ko nang mainis sa kanya dahil kulit pa rin kasi niya. Para siyang bata na hindi payag na iwan ng mommy niya o isasama sa pag alis.“Mamaya ka na bumaba babe, 4 am promise ihahatid kita sa kwarto niyo." Ungot niya sa akin at niyakap ako sa bewang.“Pero Kiel baka mahuli tayo, saka baka hinahanap na ako ni mama." Ingos ko at pilit na inalis ang kamay niya sa bewang ko.“Sige na babe, last na to, promise di tayo mahuhuli ako ang bahala sayo.” Aniya na binuhat ako ng pangkasal at pinasok sa kwarto niya, at saka hiniga sa kama. Natatawa na tinampal ko siya braso niya dahil sa sobrang pagkakulit niya. Para tuloy ako ang alaga ng isa sa mga estudyante ko na makulit at ayaw sumunod sa akin minsan kapag sin