Share

Chapter 5

"Look, Austin. Wala na akong paki alam kung ano man ang tingin mo sa akin dahil hindi ko naman na mababago yun. Now! kung tapos ka na aalis na ako para magpagamot tong mga sugat ko." wika ko at tumayo ng padamog.

"We're not done talking yet, Miss Fernandez, so sit down and don't be rude. What I hate the most is people turning their backs on me while I'm talking." galit na saad niya sa akin. Pinikit ko ang aking mata at pinakalma ang aking sarili.

Humarap ako sa kanya.

"Sabihin muna ang kailangan mong sabihin SIR." pagdidiin ko sa salitang sir.

"Sino ang nag umpisa ng gulo?" tanong ulit niya sa amin.

"Siya sir" Sabay na turo sa akin ni Airen at Josephine. Hindi na rin ako nag salita ayaw kong ipagtanggol ang sarili ko dahil alam ko naman na sa akin talaga nag umpisa ang gulo.

"Bigla niya na lang po binunggo ang balikat ni Airen kahit na wala naman kaming ginagawang masama sa kanya." si Josephine na pinag tatagol si Airen.

"Pinagsasabihan din po niya kami ng hindi maganda sir, kaya na puno na po ako sa kanya." sagot naman ni Airen. Tinignan naman ako ni Austin at hinihintay sa sagot ko, pero umiwas lang ako ng tingin dito.

"How about you miss?"

"Tuazon po sir," nakayukong sambit ni Jean.

"How about you Miss Tuazon? Paano ka nasali sa away nila.?"

"nakita ko po kasing pinagtutulungan nilang dalawa si Mich, sir kaya umawat po ako sa kanila pero sinabunutan din po ako ni Josephine sir, gumanti lang po ako." nakayukong sagot ni Jean.

"Ayaw ko nang mabitaan na naulit pa ang pangyayaring to. Kababae niyo pa namang tayo, pero ganyan ang ina asal niyo." mautoridad na saad ni Austin.

"Yes sir." sagot naman ng tatlo habang ako naman ay nanatiling nakatingin lang kay Austin.

"Naiintindihan niyo ba ako" mariin niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Yes, sir maasahan po ninyo." sabay na saad naman ng tatlo.

"Kayong tatlo pwede ng lumabas ng opisina ko, and you." turo niya sa akin. "Maiwan ka dito, dahil hindi pa tayo tapos mag usap." aniya sa akin.

Pagkalabas ng tatlo, agad itong tumayo at nag salin ng alak sa baso

"I didn't know that apart from being a drunkard and being an intruder on other people's unit you are also a badass among your work mates." seryosong saad niya sa akin.

"Ano po bang sasabihin niyo sa akin sir? Kung ite terminate niyo ang contract ko, go a head kausapin niyo na lang ang manager ko." malamig na tugon ko dito.

"Ganyan ka ba talaga humarap sa boss mo MISS VIRGIN." nakangisi nang saad nito.

Tinignan niya ito ng masama. Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking to. Ano ang karapatan nito na ipaalala sa kanya ang nangyari 2 years ago.

"Pwede ba, wag mo nang ipaalala ang pangit na nangyari noon sa ating dalawa. Dahil binaon ko na yun sa limot at hindi na dapat pang maalala dahil wala naman sa akin ang nangyari noon at hindi ito mahalaga sa akin." asik ko sa kanya. Nagtagis naman ang bagang niya sa sinabi ko.

"Really? Wala lang sayo ang nangyari sa atin kahit ako ang naka una sayo?" aniya at lumapit sa akin. Pigil hininga akong tumingin sa kanya. Ang kulay abo nitong mata na wala kang mababanaag na emosyon ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi. Hindi pa rin nagbabago ang mukha nito. Ang gwapo pa rin talaga nito.

"Wala lang ba talaga ang nangyari noon sa atin hmmm?" sa sobrang lapit nito amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito.

"Tell me Mich, talaga bang wala lang sayo ang gabi na paulit ulit mong sinambit ang pangalan ko at halos sambahin mo ako?" napalunok ako dahil sa sinabi niya.

Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib.

"O- oo wala lang sa akin ang gabi yun. Ano naman ngayon kung ikaw ang naka una sa akin. I only lost my hymen and not my entire personality. My boyfriend still accepts me and it's not a big deal for him." sinalubong ko ang mariin niyang tingin.

"Boyfriend?" tumango tango pa ito. " You have a boyfriend but you enter someone else's unit." saad niya.

"Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sayo nang mga oras na yun habang isa isa mong hinubad ang mga damit mo." nanayo ang aking balahibo dahil sa pag haplos niya sa aking balikat. May kung anong daloy ng kuryente akong nararamdaman na gumapang sa aking kaibuturan.

"Gustong gusto kitang angkinin ng paulit ulit kagabi hanggang sa hindi ka makalakad pauwi at hindi ka na maka alis sa unit ko." bulong niya sa aking tenga. Namula ang mukha ko dahil sa ginawa niya kaya agad akong lumayo sa kanya.

"Bastos ka talaga kahit kailan." sasampalin ko na sana ito ng hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Don't even try to hit me, Miss Fernandez. At baka hindi mo nagustuhan ang ganti ko sayo." seryosong saad niya at binitawan ang aking kamay.

"Makakaalis ka na." malamig na sabi niya sa akin.

Tinignan ko muna siya ng masama bago lumabas sa kanyang opisina. Nakahiga lang ako ng maluwag ng nakalabas na ako at napasandal sa pinto ng opisina nito.

"Mich, ano sabi ng anak ni sir Marcus? Bakit ka niya pinaiwan sa loob?" sunod sunod na tanong ni Jean nang bumalik ako sa aking dressing room.

"Okay ka lang ba?" nag aalala na tanong naman sa akin ni Lhen.

"Okay, lang ako salamat, pasensya ka na rin sa akin Jean ha, nadamay ka pa tuloy sa gulo ko." Hinging paumanhin ko sa kanya.

"Ano kaba, wala yun noh. Saka kilala naman kita eh, alam ko na hindi ka papatol sa kanila basta basta kung hindi ka nila unang kinanti." Aniya sa akin.

"Thank you, girls, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo." ani ko at yumakap sa kanilang dalawa.

Kung may nakakakilala man sa akin sila yun, sila din ang nakakakita ng mga kahinaan ko. Sa kanila lang din ako umiiyak may may problema ako. Kung may pagkakatiwalaan man ako sila lang dalawa yun.

"Asus nag drama kana naman." ani ni Lhen at pinisil ang aking ilong.

"Ang mabuti pa samahan ka na. Namain sa pagpapagamot mo kay nurse Rose," sabat naman ni Jean na siyang sinang ayunan namin ni Lhen.

Gusto ko na rin naman na magamot äng aking sugat. Sobrang sakit din ng aking anit at may nakakapa pa akong bukol doon.

Pagdating namin sa clinic agad naman akong inasikaso ni nurse Rose,

"Ano po ang nangyari ma'am? Bakit po ang dami nyong galos? Ganun din kanina sina ma'am Airen at Ma'am Josephine." tanong sa akin ni nurse Rose.

"Ang mga pangit kasi na yun inaway tong si Mich, akala naman nila hindi sila papatulan nitong kaibigan ko." pasaring na sabi ni Jean.

"Naku, sayang ang kutis niyo ma'am. ang ganda ganda pa naman po ng kutis niyo tapos nagalosan kayo." ani naman nito pero hindi ko na ito pinansin pa.

Pagkatapos kong ipagamot ang mga galos ko ay bumalik na ako ng studio para mag paalam sa manager ko, na magpahinga muna ako at hindi muna matutuloy ang pictorial namin.

Sangkatutak din na sermon ang natanggap ko sa kanya. Pero pinag sawalang bahala ko na rin lang iyon. Ayaw ko na madagdagan pa ang stress ko ngayon araw at ang gusto ko na lang ay ang mag pahinga.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dinah Apao
naku xhymich indenial k pa namis m rin ang haplos at halik ni austin. .........️...️thank u sa update miss a...️............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status