Isang buntong hininga pa at walang ingay akong tumayo bitbit ang bag ko. Naghintay lang ako sa wala. Umalis ako ng cafeteria at naglakad sa hallway na napakaraming tao dahil break time na. Nasayang lang ang oras ko, nasa bahay sana ako ngayon at nakahilata sa kama habang nanunuod ng Netflix.
Sumakay ako ng kotse at nagmamadaling umalis ng school. I still tried sending and calling Cassandra pero wala talaga. I just hope na okay lang sya kung saan o ano man ang ginagawa nya ngayon. At dahil rush hour na ay inabutan na ako ng traffic sa bandang R. Papa.
Napakurap ang mata ko ng mga ilang beses dahil baka gawa lang ng imagination ko pero nakikita ko talaga si Cassandra na naglalakad papunta sa Manila Chinese Cemetery.
At dahil sa curiosity ay nagmaniobra ako at nagpark malapit sa sasakyan ni Cassandra. Sinundan ko sya but i made sure na hindi nya ako mahahalata. Hindi ko mapigilang mapanganga ng makita ko ang mga nagtatayugang museleyo. I took this an opportunity para kumuha narin ng mga picture habang naglalakad.
I saw Cassandra na pumasok sa isang musuleyo. Nagtago ako sa gilid ng pintuan at tahimik syang pinanuod. Kumuha sya ng insenso at sinindihan. Sino kaya ang dinadalaw nya dito? Ginamit ko ang camera para makita kung ano ang pangalan ng nakasulat sa lapida na dinadasalan ni Cassandra.
Zoom pa ng zoom hanggang malinaw kong nakita ang pangalan. "Vic-toria.."
"Hanggang kailan mo ko susundan?" Biglang tanong ni Cassandra. Tumingin pa ako sa paligid baka kasi hindi naman ako yung kinakausap nya. Pagbalik ng mata ko sa loob ng museleyo ay parang nalaglag ang aking puso ng makita si Cassandra na nakaharap na sakin with her arm crossed. "Why are you following me?"
Wala na akong nagawa kundi tuluyang lumabas mula sa pinagtataguan ko. "Mmm. I'm not following you." Pero sa mukha ni Cassandra ay hindi sya naniniwala. Kahit naman sino diba? "Well, i was waiting for you for like an hour pero hindi ka dumating, i even texted you pero—"
"Is that all?" Taas kilay na usisa nito.
"Who's Victoria?" Bigla ko na tanong. Minsan talaga yung bibig ko hindi makontrol. Instead of answering me, tumalikod si Cassandra at tumahimik saglit na parang kinakausap nya yung Victoria. Mamaya pa ay naglakad na sya palabas at bumuntot naman ako. "May project pa tayo Cassandra. May alam na akong pwedeng gawing subject natin!"
Huminto sa paglalakad si Cassandra at nakasalubong ang kilay na tumingin sakin. "Can you please shut up!?" Halos pasigaw nyang sabi. "I want to be alone!" Napakahirap intindihin ni Cassandra, sala sya sa init at sala sa lamig. Sino ba kasi yung Victoria na yon at nagkakagandyan sya. "Go away!"
Naglakad si Cassandra palayo pero gaya nga ng sabi ni Ate Alex. Hindi ko sya dapat sukuan. Kaya eto, sumunod parin ako sa kanya. Bahala na. Lumabas kami ng sementeryo pero hindi agad umalis. Dumaretso kami sa isang game world. Nagkandabangga banga ako sa dami ng tao but my eyes still focus to Cassandra.
Nagpapalit sya ng pera for tokens para makapaglaro. Samantalang bumili ako ng pagkain bigla kasi akong nagutom sa pagsunod kay Cassandra. Busy parin sya sa paglalaro ng computer games at ng matalo ay lumipat naman sya sa claw machine.
"Bakit ba nandito ka?" Walang tingin na tanong sakin ni Cassandra sabay hulog ng token. "Umalis ka na."
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa loob ng aking bibig bago sumagot. "Hobby mo yan ano?"
Tumingin sakin saglit si Cassandra. "Hobby? What are you saying?"
"Pushing people away." Sagot ko.
"Allergic ako sa mga taong katulad mo." Wika nya na may kasamang pagikot ng mata. "Makulit."
Bigla akong natawa, hindi dahil sa sinabi nya kundi sa spongebob stuff toy na kanina nya pa kinukuha pero laging nabibitawanan ng claw.
"Ako na nga." Usal ko at inabot ang aking hawak na coke float at hotdog kay Cassandra. "Hawakan mo."
"Aba." Hindk sya makapaniwala na ginawa ko syang taga hawak pero wala ng nagawa ang Ice Queen kundi ang sumunod at tumabi para bigyan ako ng space. "Kaya mo bang makuha yan?"
"Ako pa." Medyo natawa kong sabi habang todo concentrate sa claw machine. Sanay na ako sa laro na to dahil noong high school ay madalas kaming tumambay nina Ava at Maya sa mga gaming center para pampalipas oras. "Stay put ka lang dyan." Ramdam ko ang pawis na dahan dahang gumuguhit mula sa aking noo pababa sa pisngi. Napangiti ako ng makuha ng claw ang spongebob at maingat na dinala sa butas. There is a victorious smile on my face when i handed Cassandra the stuff toy pero hindi sya gumagalaw. "Kuhain mo na."
"Pinaghirapan mo yan Aubree." Katwiran ni Cassandra. It feels good kapag tinatawag nya ako sa pangalan ko. Para kaming bff pero enemy.
Umiling ako. "But i get this for you."
Para sa mga katulad ni Cassandra alam ko na hindi sya sanay na may nagbibigay o offer sa kanya but i want to prove her na okay lang tumanggap ng isang na pinaghiralan ng isang tao lalo na kung bukal ito aa kalooban.
"Mm. Thanks." May pagdadalawang isip man ay kinuha narin ni Cassandra ang laruan at pinakatitigan ito ng mabuti. I could see na she is happy pero pinipigilan nya lang ang kanyang sarili.
Ngumiti ako ng pagkalaki laki. "Welcome—" Napansin kong nawala yung pagkain na pinahawak ko sa kanya. "Nasaan na yung hotdog?"
"Kinain ko na." Very casual na sagot ni Cassandra.
"Ha? Nakain ko na yon e! Like, may laway ko na." Kaya nakakahiya na kinain ni Cassandra yung pagkain ko. "Bakit mo kinain!"
"Nagutom ako e."
Napabuntong hininga nalang ako. Kakaiba talaga tong si Cassandra. Hindi narin ako nakipagtalo pa at lumabas na kami ng gaming center. Pumayag narin sya na gawin yung special project namin kay Sr. Soltones. We decided na iwanan ang mga kotse namin sa manila chinese cemetery since kailangan naming magcommute at sumakay ng LRT.
"Bakit nakatayo ka lang dyan?" Aya ko sa Ice Queen habang nakahawak ako railing ng naghihintay na jeep. "Tara na."
"Sigurado ka na sasakay tayo dyan?" She asked a little worried.
Obvious na hindi pa nakakasakay ng public transportation tong si Cassandra. Akala mo naman papuntang Mars ang byahe. "Teka lang manong," Sigaw ko sa driver. Nilapitan ko si Cassandra at hinawakan ang kamay nya. "Dali na, we are causing traffic."
"Teka teka." Awat ni Cassandra pero hindi ko na sya pinansin. Pinauna ko syang sumakay ng jeep at naupo kami sa likuran tutal wala naman masyadong nakasakay. "Oh gosh. I can't believe this." Natatawa nalang ako. Kumuha ako ng pera sa bulsa. "Wait ako na."
"Ano yan?" Taas kilay na tanong ko ng makita ang hawak nya.
"Credit card duh." Sarcastic na sagot nya. "I don't like people paying for me— Mr. Driver do you accept cre—" Ibinaba ko ang kamay ni Cassandra dahil inaabot nya ang credit card sa katabi namin na matandang lalaki na tawa ng tawa din. "What are you doing!?"
"I should have ask you the same question." Kagat labi ko na salita pero pinagpasensyahan ko nalang dahil alam kong wala syang alam sa ganitong bagay. Ako narin ang nagbayad ng pamasahe papuntang LRT station. We stayed quiet the whole ride, ang bilis ng takbo ng jeep kaya yung buhok ni Cassandra tumatama sa mukha ko. Kaya medyo umatras ako ng konti.
"Grabe ang bilis ng takbo, parang byaheng langit tayo." Kunot ang noo na salita ni Cassandra.
"Sanayan lang." Sagot ko.
Cassandra looked at me over her shoulder at nakahinga ako ng maluwag ng ayusin nya ang kanyang buhok. "Lagi ka bang sumasakay sa jeep?"
"Hindi naman." Ngumiti ako. It feels nice to have a simple and normal conversation with Cassandra. She looks so innocent. "Kapag gusto kong mamasyal para kumuha ng mga picture, nagcocommute ako para makapunta sa maraming lugar."
"Oohh." Tumango lang si Cassandra. "No wonder why y—" Nabigla kaming lahat na pasahero ng biglang nagpreno ang driver. Dumaosdos ako papunta kay Cassandra at muntik ng magtama ang mga labi namin mabuti nalang talaga at nakakapit ako ng mahigpit sa railing ng bintana. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko as we stared deeply in each other's eyes. Yes, i know Cassandra is freaking beautiful pero bakit parang lalo syang gumanda sa paningin ko. "A-are you okay?"
Kumurap kurap ang aking mata at para akong natauhan. "Y-yeah." Nanginig ang boses ko at nagmamadaling lumayo mula sa kanya.
"Grabe naman kayo manong dahan dahan sa preno." Reklamo ng lalaking pasahero. "Muntik na tuloy magkapalit ng mukha yung dalawang magandang dalaga dito."
Nagtawanan ang mga pasahero including the driver. Samantalang namumula ang mukha namin ni Cassandra. Bumaba kami ng jeepney at pumila sa ticketing booth para bumili ng dalawang card. Medyo maraming tao sa LRT ngayon. Lagi naman diba? Kelan kaya uunlad ang mga train dito sa Pilipinas.
Hawak hawak ko si Cassandra sa kamay ng pumasok kami sa pang babaeng train dahil baka mawala sya sa dami ng tao. Daig ko pa ang may bitbit na bata. Tumayo nalang kaming dalawa malapit sa pintuan para madali rin kaming makalabas since hindi naman kalayuan ang station nabababaan namin.
"Oh God." Takot na bulog nya habang nakatingin sa lalaking nagkakamot ng ano. Alam nyo na yon. "Akala ko ba pang babae lang to?"
"Well ganon talaga, may mga taong matitigas ang ulo. Hindi marunong sumunod sa rules."
Napakapit si Cassandra sa damit ko. "Mm. Can we please--"
"Sandali lang to Cassy." Putol ko sa sasabihin nya. For the first time tinawag ko sya sa nick name nya. Wala namang violent reaction from her. So okay lang yun. "10 to 15 minutes."
Habang humihinto kami sa bawat station lalong dumadami ang taong pumapasok kaya hindi maiwasang magkatulukan. Muntik na akong mabuwal mabuti nalang ay hawak hawak ni Cassandra ang braso ko. Isang station pa at para na kaming mga sardinas pero kahit isang salita ng pagrereklamo ay wala na akong marinig mula kay Cassandra. May mga taong nagpupumulit na sumakay ng train kahit na punuan na, tulukan dito, tulukan doon kaya napausod akong lalo kay Cassandra. We are face to face now. No space between our body and our face are just inch away.
For my lack, lalo pa akong siniksik ng taong nasa aking likuran. Labanan ko man ito pero wala na akong magawa ng magdikit ang mukha namin ni Cassandra.
"Mm. Aubree." Bulong nya sakin. "Please w-wag kang huminga sa tenga ko."
Napakagat labi ako. I don't know but it makes my heart swelled. "I-im sorry Cassy." Sinubukan ko namang humiwalay sa kanya pero ang sikip talaga. "I can't move." Malapit narin akong mawalan ng balanse kaya kahit nakakahiya ay yumakap na ako kay Cassandra.
Oh gosh.
I don't know what's going through her mind right now. Sana lang hindi nya ako kainin mamaya dahil sa ginawa ko. After we few minutes ay nakarating na kami sa central station at pumunta sa luneta. I can't hide the smile on my face dahil sa very amaze na mukha ni Cassandra habang tumitingin sya sa paligid. Well i guess this is her first time din na makapunta dito.
We walked around. Hinayaan ko syang mauna maglakad sakin habang ako ay click dito, click doon sa camera. Maraming tao sa luneta, mga pamilya, magbabarkada, kahit magkasintahan at syempre hindi papatalo ang bantayog ni Jose Rizal.
Nilagay ko sa video mode ang camera at sa hindi sinasadyan pangyayari ay kinuhaan ko si Cassandra. The sunlight shone behind her na nagrereflect sa maganda nyang mukha with smile tagged at the corner of her mouth.
"Aubree.." Tawag ni Cassandra sa pangalan ko at bigla syang humarap sakin.
Why can't she even more beautiful...
"Yes?" Sagot ko pero hindi parin inaalis ang camera sa kanya.
"Why are you recording me?"
Bigla kong binaba ang camera. "Hindi ah." Pagdedeny ko. Bakit naman ako aamin. "Gutom ka na ba?"
"Kinda." Napahawak sya sa kanyang tiyan na kumakalam.
Napatingin ako sa orasan sa cellphone. "Oh. It's not 1 pm." Gumala ang mata ko sa paligid. Medyo malayo ang mall dito. Meron lang mga vendor ng street food. "Let's try that." Turo ko sa food stalls. Wala ng nagawa si Cassandra ng magtungo kami sa mga nagtitinda ng pagkain. "Do you want that?"
"Ano yan?" Sing lalim ng balon ang pagkakakunot ng noo ni Cassandra habang pinagmamasdan ang isaw. "Nakakain ba yan?"
Kamot baba nalang ako. "Isaw yan. Chicken intestine."
"Ah what?"
Pero imbis na sumagot ay tumingin ako sa tindera. "Pabili po ng isaw, siomai, barbeque at pineapple juice."
"Wait Aubree." Awat sakin ni Cassandra. "Is that even clean?" Tumingin sya sa paninda. "I mean, the chicken intestine, the blood, chicken feet and oh my gosh there is a chicken head." Pakiramdam ko na broken hearted si Cassandra.
"Don't worry, they are all clean." I assured her. "But if you don't like—"
"No." Biglang awat sakin ni Cassandra. "It's okay.." She looked at me a little an assured. "Gusto kong itry."
Naupo kami ni Cassandra sa bench na dala ang binili naming pagkain. Pinakatitigan nyang mabuti at matagal ang isaw bago nya itong kagatin at dahan dahang nguyain. "Mmm." Ungol ni Cassandra habang ninanamnam ang pagkain sa kanyang bibig. "Not bad."
Ngumiti ako. "I told you."
"Para sa taong katulad mo hindi ko maisip na kumakain ka ng ganito." I heard her whispered.
"Bakit ano ba ang tingin mo sakin? Maarte?"
Umiling si Cassandra. "No." Uminom sya ng pineapple juice. "Not like that." Daretso lang ang tingin nya at nanuod ng mga batang nagtatakbuhan sa park malapit sa dancing fountain. "It's just that..." This time she turned to look at me. "You are different."
Nacurious ako sa different na sinasabi nya. "What do you mean? Mukha ba akong taga Mars? May nakikita ba kayo na hindi ko napapansin?"
Cassandra smile a little pero alam kong gusto nyang tumawa. "Yeah, maybe you are an alien because." Umiwas sya ng tingin. "You are really intriguing."
Hindi man nya naexplain masyado kung ano yung ibig nyang sabihin sa im different and intriguing pero siguro darating ang tamang panahon para doon. For now, i will try to slowly break her walls and get to know her more.
Walking in the school hallway is normal for me. Sa four years ko ba naman dito sa La Salle. Kahit ata nakapikit ako ay magagawa kong makarating sa aking pupuntahan. Kabisado ko ang bawat pasilyo, pagliko, ilang hakbang meron sa hagdanan at ilang ilang segundo, minuto ang takbo ng escalator at elevator.But then i felt something is off today, hindi ko lang mapinpoint kung ano pero ang weird. Kanina ko parin napapansin na pinagtitinginan at pinagbubulungan ko ng mga kapwa ko estudyante.Teka may nagawa ba ako? Nakapatay ba ako ng tao? Gosh. Ang weird ng mga to. Walang ginawa kundi ang magchismisan, hindi nalang asikasuhin ang grade nila.I checked my phone while walking baka kasi nagtext si Cassandra. After kasi namin gumala at kumain sa luneta ay hindi na kami nagusap ulit. Nahihiya naman akong itext or tawagan sya dahil mainis ang Ice Queen sa pangungulit ko.Magkikita naman kami e. Kaya wag nalang. Hindi pa man ako nakakarating sa class
Napakaraming tanong sa mundo ang mahirap sagutin, yung iba kinakailangan pa ng quantum science or Math 55a. Pero may mga bagay na kahit anong formula pa ang gamitin mo, kahit paikot ikutin mo pa ang solution ay wala kang makukuhang paliwanag. Ganyan ang nararamdaman ko ngayon regarding Cassandra and Victoria. Pilit ko paring pinagkakabit kabit yung mga nadiskobre kung impormasyon. Let's break this down, i saw Cassandra paid a visit sa sementery at ang pangalan ng pinuntahan nya ay Victoria. Then now she was calling me Victoria at sinabi nya na mahal na mahal nya ito? So.. it's means Cassandra is a lesbian? Wow. That's a big words.Tumayo ako at kinuha ang aking gamit. Tutal maayos na ang lagay ni Cassandra at wala ng lagnat siguro pwede na akong umuwi. Late narin kasi, sigurado akong katakot takot na sermon ang aabutin ko nito hindi sa parents ko kundi kay Ate Averi. Isang sulyap pa sa tulog na tulog na si Cassandra bago ko tuluyang lisanin ang kwarto.&nbs
Bumaba kami ni Cassandra ng sasakyan and i swear i almost laugh ng makita ko syang nakanganga habang nakatingin sa malaki at magulong palengke. I can't blame her though dahil sa reaksyon nya ay napaghahalatang first time nya palang makapunta sa ganitong lugar. Mabuti pa ako madalas makapasyal sa palengke kapag sinasamahan ko si Manang mamili o di kaya si Mama kapag wala syang trabaho at nasa mood syang magluto. Gusto nya kasi na matuto ako sa mga simpleng gawain para hindi naman ako magmukhang walang alam."Let's go inside.." Aya ko kay Cassandra. Walang kibo syang sumunod sakin, halos mabunggo pa sya ng lalaki na walang pang itaas na damit at may buhat na isang sako ng gulay. "Be careful.""I am.." Sagot ni Cassandra. "Sila ang hindi nagiingat."Hindi na ako nagsalita pa dahil baka humaba lang at mapunta sa pagtatalo. Medyo basa ang kalsada kaya super ingat kami sa paglalakad ni Cassandra. Umikot ikot
Sobrang saya ng panaginip ko kasi nagkaroon daw ako ng pakpak gaya ng sa mga anghel. Wala akong ginawa kundi lumipad ng lumipad hanggang sa mapagod. The feeling was so relaxing habang nakahiga ako sa napakalambot na ulap at pinagmamaadan ang mga bituin sa kalangitan. If i can only stay like this forever, enjoying to peaceful and silence of the surrounding pero hindi pwede dahil parang may pilit humihila sakin pabalik sa totoong mundo.Kaya dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko but closed them immediately because of the sunlight streaming through the curtains. I tried to move but there was something heavy on my waist. Kaya dumilat ulit ako sa pangalawang pagkakataon. This time kumurap kurap ako para mawala ang panlalabo ng aking paningin.After few minutes, napatingin ako sa bandang baba and my body felt cold when i saw an arm wrap around my waist at ang mukha ng taong kasama ko sa kama ay nakasubsob sa pagitan ng aking dibdib
Today is the day. Excitement written all over our faces habang naghihintay ng bus na kinontrata ng school para maging service namin sa field trip. Take note, hindi lang section namin ang kasama kundi pati sina Bren at Claud na matagal ng nanliligaw kay Cassandra. Bren and I are still not talking. It's better this way though para wala maging issue between us lalo na at laging maraming fans ang umaaligid aligid sa kanya."Okay Ate Averi. I will call you when we get there." I said before ending the call. Napahinga ako ng malalim bago tumingin kina Ava at Maya na nakatunganga sa harapan ko. "Sorry girls. Ano nga yong sinasabi nyo?"Napaikot ang mata ni Maya. "30 minutes palang tayo dito sa school Aubree pero yung Ate mo nakaka limang tawag na."Bago ako umalis ng bahay ay katakot takot na paalala ang pinabaon sakin ni Ate Averi. Na wag gagawa ng kahit anong bagay na hindi ako sigurado at wag magpapada
Kanina pa kami nandito sa kwarto ni Cassandra pero kahit isang salita wala pa syang sinasabi after ng nangyari sa beach. I can't even read her face dahil wala syang pinakikita na kahit anong emosyon. Hindi ko tuloy alam kung galit ba sya or hindi.Hindi ko rin naman akalain na ganon ang magiging reaksyon ni Bren. That guy. Kailangan ko na talaga syang iwasan dahil hindi na maganda ang pinakikita nya sakin. Bren is completely a different person don sa Bren na nakilala ko before. Hindi ko na sya kilala and I started to feel scared of him.Naligo muna ako, I stayed in the bathroom for almost 30 minutes. Sobrang sarap sa pakiramdam yung hot water, nakakarelax ng tensed muscles at ng utak."Aubree.." Tawag ni Cassandra mula sa labas ng shower room. I even saw her shadow. "Ano buhay ka pa ba? Gaano mo ba katagal balak magkulong dyan?"Gusto ko sanang matawa dahil kahit na ramdam ko na inis sya sakin ay hindi nya parin maiwasang mag
"Aubree!" Tawag sakin ni Ava pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo sa obstacle course, palayo kay Cassandra. "Ano ba Aubree! Huminto ka nga!"Sa sobrang kahihiyan kasi na naramdaman ko ngayon parang gusto ko nalang lamunin ng lupa o di kaya ay maglahong parang bula. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at muntik muntikanan ko ng halikan si Cassandra. Like what the hell just happened? Namaligno ba ako o Nakulam?"Para kang talunang manok!" Biglang sigaw ni Maya. "Pagkatapos mong suwagin yung palay tatakbo takbo ka!"This time napahinto ako pa at unti unting tumingin sa mga kaibigan ko na habol ang paghinga dahil sa kakasunod sakin. "What did you say?"Naginhale exhale muna si Maya bago sumagot. "Duwag ka.""Maya.." Awat ni Ava. "Wag mo syang pansinin Aubree." Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko. "Don't worry wala naman nakakita kundi kami lang ni Maya." I don't know wha
Kahit tanghali na at oras na para bumangon ay pakiramdam ko ayaw ko paring umalis ng kama. Hindi naman ako pagod, actually wala naman akong ginawa na kung ano. Siguro wala lang talaga ako sa mood. Lahat naman tayo nagkakaroon ng lazy day pero yun nga lang, wala akong choice dahil kailangan naming ienjoy ang huling araw ng field trip bago kami bumalik sa normal naming mga buhay.Padilat na sana ako ng maaninagan ko si Cassandra na kalalabas lang ng bathroom at nakatapis lang ng twalya. Tila may kinukuha sya sa dala nyang bag. I saw the water slowly drifting from her shoulder blade down her spine since nakatalikod sya sakin.Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung pagtugtog at kanta nya kagabi. Until now naglalaro parin sa utak ko yung napakaganda nyang boses. I still wondered though bakit kaya Why can't it be ang kinanta nya. Para kaya kay Victoria yung kanta?Nang iikot na si Cassandra ay biglang
"A-aubree.." Kinakapos ang hininga na sambit ko kay Aubree na tulala habang titig na titig sakin but I noticed those tears is about to swell from her eyes in so many emotions. Kaya lalo akong natakot na baka.. "Huli na ba ako?"Sa totoo lang, muntik ko nang isuko si Aubree dahil akala ko wala ng pag-asa. But I was wrong, completely wrong. Dahil pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi ay napatunayan ko, na sobrang naramdaman ko na mahal nya parin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.Biglang tumulo ang luha ni Aubree sabay pikit ng kanyang mga mata. "Cassandra.."I felt my heartache in anticipation. Her voice makes me feel more uneasy and scared. "Huli na ba?"Pero hindi nagsasalita si Aubree, iyak lang sya ng iyak na tila ba ngayon nya lang pinakawalan yung damdamin na sobrang tagal nya nang kinikimkim."Yes.." Parang gumuho ang mundo ko sa sag
"Saan ka galing?" Pagbungad na tanong sakin ni Mom pagkauwi ko ng bahay. Umaga na ako nakauwi from the park. Hinihagis ko ang dala ko na jacket sa sofa na walang kareak reaksyon. "Tawag ako ng tawag sayo..." Dumaretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom dahil sobrang nakakapagod ang magdrive. "Aubree kinakausap kita."Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso habang titig na titig si Mom sa mukha ko. She is clearly waiting for my response. "I just needed time to breath Mom."Napahawak sa ulo si Mom. "Sana man lang nag-abiso ka, nagtext o tumawag para hindi kami nag-alala sayo."This time i looked at Mom softly. "I'm sorry kung nag-alala kayo sakin. I couldn't sleep last night kaya nag-ikot ikot lang ako." Well atleast i didn't lie to her face.Mom shrugged her shoulders. "It's fine..." Medyo mabigat parin ang boses nya dahil narin siguro sa puyat. "As long as you are safe." Tahimik akong uminom ng malamig
"Oh my go..." Hindi na natapos ni Ate Alex ang sasabihin nya dahil sa pagkagulat pagkapasok nya sa loob ng kwarto ko. I couldn't even describe the look of her, i can't tell if she is upset or beyond that. "What happened to your room Cassandra Monteralba?" Now i know that my sister is serious by saying my full name. "Bakit.." Luminga linga sya sa paligid. "Nagkalat ang mga beer in can?"Ngunit hindi ako gumagalaw mula sa pagkakaupo at nanatiling nakatingin sa kawalan. Wala ako sa sarili, wala din akong maramdaman at tila namanhid ang buong pagkatao ko. I feel so drained dahil sa magdamag na paghihintay kay Aubree sa labas ng school namin noong College sa kalagitnaan ng napakalakas na ulan kahit na walang kasiguraduhan kung darating ba sya...But still, umaasa parin ako na magliliwanag ang isip ni Aubree for the last damn time at siputin ako. Ngunit lumipas ang isa, dalawa at hindi mabilang na oras na kahit anino nya ay hin
"Aubree.." Malumanay na pagtawag ni Arum sa pangalan ng dalaga. "Do you want to try this dish?" Ngunit hindi kumikibo si Aubree habang nakatingin sa malayo. "Aubree.." They are currently on a dinner date but Arum noticed that his fiance seems really quiet and hasn't said anything since they arrived at the restaurant. "Are you listening?"Slowly, Aubree shifted her undivided attention to Arum and stared hard at him deeply. She feels really guilty dahil naglilihim sya sa nobyo. In their one year relationship, Aubree still doesn't have a heart to tell him everything-as in everything. It's not that she is scared for people to know about her supposedly promising romance with Cassandra ngunit hanggat maari, hanggat kaya ay ayaw nyang masaktan si Arum after all what he did for her.Umayos si Aubree ng upo at pilit na ngumiti. "Mm, what is it again?""If you want to try this certain dish." Dahan dahan ibinaba ni Arum ang menu with
Ang gaang sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang malawak na kalangitan na punong puno ng mga nagkikislapang bituin. Malamig din ang hangin na sobrang nakakapagparekax sakin, it gives me a sense of security and peace of mind na nakakatulong para makapag-isip ako ng diretso at makapagdesisyon ng maayos.Kaya i felt that this is the perfect place for me and Aubree to talk to. Well yeah, she is here with me right now. Next to me actually. Pero parang kahit ilang hakbang lang ang layo namin sa isa't isa ay nahihirapan parin akong abutin sya.But i can't never blame her or anyone but myself dahil aminin ko man o hindi ay may kasalanan din ako sa nangyari lalo na nang iwanan ko si Aubree sa ere dahil sa bugso ng damdamin. Ngunit magsisi man ako ngayon ay huli narin. It's too late para damayan sya, it's too late to win her back because... She is getting married with a guy and that perfectly breaks me apart.I couldn't hel
Since tapos na ang trabaho ko for today at wala naman akong ibang gagawin o pupuntahan. I decided na magrelax at unwind sa hindi kalayuang bar from my studio. Gusto ko lang uminom, maglasing para makalimrot sa mga nangyari ngayon araw. Actually hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ako ng alak at kung ilang upos ng sigarilyo ang naidikdik ko sa ashtray because I was enjoying the night, feel the music from a live band and drown myself in alcohol.Iniiwasan ko ding sumagot ng mga tawag from my clients, endorser, Arum especially my mother dahil siguradong pipilitin nya akong umuwi ng maaga. She becomes more protective of me dahil sa mga pinagdaan ko these past few years at kung hindi dahil kay Mama ay baka matagal na ako sumuko sa laban ng buhay.Ngunit minsan ay gusto ko din mapag-isa para makapag-isip ng maayos, para tahimik kong maiiyak ang sakit at tahimik ko din buuin ang sarili ko..."Ingat po." Nakangiting paalal
It still hurts...Actually i was suprised to feel this way dahil ang buong akala ko ay okay na ako, na wala na yung sugat na pilit kong itinatago sa mapanuring mata ng pamilya ko at ibang tao. Ngunit nang makita ko ulit si Cassandra after four agonizing years ay pakiramdam ko nanariwa ulit ang sakit at alaala ng kahapon.Hindi naging madali para sakin ang lahat, sobrang sakit ng pinagdaanan ko and there was no perfect words to describe them. I have faced all kinds of fear in my life that makes my heart turned into cold.But with the love and support of my family especially my real mother ay unti-unti akong nakarecover. I decided to continue living, to smile again and move on kahit na deep inside i was deeply wounded."Aubree..."I was pulled out of my reverie ng marinig ko ang boses ni Arum This man came into my life unexpectedly. Aside from the good looks ay mas nagustuhan ko ang
Lagi kong iniisip at sinasabi sa sarili ko na im a tough and liberated woman. I fight against expectations, i can decided for myself and works to achieve whatever i want. Everything is easy and my life is perfect like a stars impeccably aligned in the sky but it does not mean that im exemption in heartbreak.Yes, my heartache and still breaking into tiny pieces while looking at Aubree together with her fiance. Marami sana akong gusto itanong kay Aubree pero hindi ko na ginawa. Para saan pa diba? Aanhin ko pa yung mga sagot from her kung ikakasal na sya. Ang sakit pero wala naman akong magawa dahil wala akong karapatan. Besides, ako naman ang unang lumayo at sumuko."Bago tayo maging pormal at pag-usapan ang negosyo." Ngumiti si Arum habang nakatingin sakin. While im avoiding Aubree's judmental stares. "Would you mind introducing yourself to me Ms. Monteralba? Kasi i only know Alex and i honestly no idea about you. A
My encounter with Ava and Maya today left a lot of questions in my head. Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila sakin and i don't really get why they are blaming me sa lahat ng nangyari. Sa pagkakatanda ko wala akong ginawa na makakasakit kay Aubree o kahit kanino pa man. I only did was leave to heal my broken heart and i honestly think na it was fair decision for me.Pero ang mas gumulo sa isipan ko ngayon ay yung sinabi ni Maya na I'm too late. Saan ako huli na? Hindi ko tuloy maiwasang macurious kung ano na bang nangyari kay Aubree."Cassy!" Napaangat ang paningin ko para sana tignan si Blue but it was the biggest mistaken na ginawa ko. Hindi na ako nakailag ng tumama sa noo ko ang shuttlecock. "Ay, sorry. Are you okay?"Masakit man ang noo ko ay pinilit ko paring ngumiti. "I'm okay, malayo sa bituka to."Huminga ng malalim si Blue habang pinagmamasdan yung noo ko.