Share

Chapter 26

Hindi maipinta ang mukha ni Herea habang nakatingin siya sa kaibigan niyang si Freeshia.

Hindi niya gusto ang naging pasya nito na makipag-ayos sa asawa niyang si Lance.

“Herea, gusto kong ayusin ang pamilya ko. Isa pa, nakikita ko naman na nagbabago na si Lance!” katwiran ni Freeshia sa kaibigan niya

“Ewan ko, Freeshia! Hindi talaga ako kumportable sa ginagawa mo! Baka sa lumaon niyan, luhaan ka na naman!”

Alam naman ni Freeshia na nag-aalala lang si Herea sa kanya lalo pa at naging saksi ito sa apat na taon na paghihirap niya.

Pero mahal ni Freeshia si Lance at handa siyang bigyan ito ng pagkakataon para itama ang lahat ng mali niya.

“Herea, alam mo naman ang gusto ko, diba? At ito na yun! Nararamdaman ko na mahal na din ako ni Lance at hindi ko na palalagpasin iyon!”

Nangungusap ang mata ni Freeshia kaya naman napahinga pa ng malalim si Herea. Iisa lang naman ang gusto niya at yun ay sumaya ang kaibigan niya. At kung kay Lance niya iyon makukuha, sino ba siya para pigilan iyon?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status