Dalawang araw pang nanatili si Troy sa ospital at dahil okay naman na lahat ng test niya ay pinayagan na siya ng doktor na makalabas.Freeshia suggested na sa mansion muna siya tumuloy hanggang sa lumakas siya at pumayag naman ito.Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Troy after the incident at hindi naman ito masisi ni Freeshia dahil hindi madali ang pinagdaanan niya.Ang babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya ang siyang nanakit sa kanya. At hindi yun madaling tanggapin!Troy needs to heal at tanging siya lamg ang makakatulong sa sarili niya para tuluyang makaalpas sa sakit na pinagdaanan niya.Ngayong araw nga, pupunta si Lance at Freeshia sa presinto para makaharap si Herea. Ito ang unang pagkakataon na makikita niyang muli ang traydor na kaibiggan niya matapos nilang pagtangkaan ni Celestine ang buhag ng pamilya niya.“Alam na ba niya na hindi sila nagtagumpay?” tanong ni Freeshia kay Lance habang bumibyahe sila papunta sa kulungan“I guess so!” maikling sagot ni Lance habang
Mabilis na naibaba ang hatol kay Herea dahil na din sa mga matibay na ebidensya na iniharap ng prosecution idagdag pa ang mga testimonya ni Randy at Dindo.Lance also used his connections para mas mapabilis ang pagdinig ng kaso dahil ayawcna niyang patagalin pa ito at bigyan ang kampo ni Herea ng pagkakataon na makahanap ng bagay na magagamit laban sa kanila.But after two hearings, nakarating sa kaalaman nila na nag self-confess na si Herea kaya agad nang nagbigay ng hatol ang judge.She was convicted with the murder of Angel, attempted murder, kidnapping and fraud kaya naman hinatulan siya ng thirty to fifty years maximum na pagkakakulong.Maging ang mga nahuling kasabwat nila ay hinatulan din at masaya naman si Lance at si Freeshia sa naging hatol ng korte sa kanila.Nang matapos ang pagbibigay ng hatol ay inilabas na si Herea sa courtroom and Freeshia was looking at her. Pero hindi man lang siya sinulyapan ng dating kaibigan niya. Nakayuko lang ito at tahimik na lumabas ng courtr
Ngayon ang birthday celebration ni Gabriel at lahat ng malapit sa pamilya ni Lance at Freeshia ay imbitado. Everyone was happy to celebrate dahil buhay pala ang panganay na anak ni Lance at Freeshia.At gaya nga ng sabi ni Lance, hindi nila naicelebrate ang unang kaarawan ni Gabriel kaya naman ngayon nila ito gagawin.Marami silang na-miss sa mga unang yugto ng buhay ni Gabriel pero nangako naman silang mag-asawa na bubuo sila ng mas maraming alaala in the future.It’s just sad that Troy is not here to celebrate with them dahil umalis na siya. Nakausap naman nila ito at sinabing ayos lang siya sa lugar na pinuntahan niya.“Grabe Freeshia! Alam mo, up to this point, hindi ako makapaniwala na nagawa lahat ni Herea yun!” sabi ni Mint na ngayon ay tatlong buwan ng buntis sa baby nila ni Damon“Ako din naman, Mint! You know I was wishing na sana panaginip lang ang lahat!” sagot ni Freeshia “Sana nga, Freeshia! Pero wala na tayong magagawa sa bagay na yan! She chose to be like that at ngay
Sa isang maliit na nayon ng Cebu, napadpad si Troy nung umalis siya sa mansion ng kaibigan niyang si Lander.Alam niya na hindi sang-ayon si Freeshia sa kagustuhan niyang lumayo pero para sa kanya, kailangan niya ito.He needs to find his peace at kung sa ibang lugar niya ito makikita, gugustuhin niya munang lumayo.Sa Mandaue City siya nakarating at nakahanap naman siya ng isang maliit na apartment sa Cabancalan.It’s a good thing na may ilang gamit na dito sa apartment na nakuha niya. kailangan na lang niyang mamili ng ilang mga bagay na kakailanganin niya.“Turista ka ba dito?” tanong sa kanya ng may-ari ng apartmentHe is checking the place para tignan kung ano pa ang kailangan niyang bilhin dito.“Pwede po!” nakangiting sagot ni Troy kaya medyo nalito pa ang matanaang kausap niya“Anong pwede?” tanong pa nito kay Troy“Taga-Maynila po ako, tay! Eh gusto ko lang po magbakasyon muna. Bagong lugar ba?” paliwanag niya dito“Ah! Siguro, may problema ka ano? Pag-ibig ba?” tanong muli ng
“Grabe ka naman pare, mga ganito lang naman pala ang bibilhin mo, dito pa talaga tayo sa mall dumayo!” sabi ni Kute habang tinitignan ang mga pinamili ni Troy na nasa isang pushcartNamili kasi siya ng mga gamit sa kusina and some tablewares. Nasa isang section na sila kung saan tumitingin naman siya ng kalan and of course, microwave and a cofeemaker.Ito siguro ang dalawang appliance na hindi pwedeng mawala sa kanya.May aircon naman ang kwarto niya sa apartment at mukhang bago pa ito naman ito.“Eh saan mo ba gusto, Kute?” tanong ni Troy sa babae na nasa likod nila ni Jorge at siyang nagtutulak ng cart“Meron namang mga ganyan sa palengke sa malapit sa atin. Mas mura pa!” anito kaya siniko naman ito ni Jorge“Ikaw talaga, sabit ka na nga lang pakialamera ka pa!” saway ni Jorge dito“Do they accept cards there?” tanong ni Troy kay Kute kaya napakamot ito ng ulo“Ikaw naman pare, ke liit na bagay, pinapalaki! Wag ka ng mag-english! Diko kayang intindihin yan!” ani Kute sabay kamot sa
Pagdating ni Troy sa bahay ay tinulungan pa siya ni Jorge na ipasok ang mga pinamili niya. Pagkatapos nilang kumain ay dumaan pa sila sa grocery at natatawa na lang si Troy sa isip niya nung maalala niya ang eksena kanina sa grocery.“Pare, pwede bang magpabili?” nakangising sabi ni Kute kaya agad nan iton nilingon ni Jorge“Ang tigas din naman ng mukha mo Kute! Pinakain ka na ni Troy, magpapabili ka pa?” kastigo ni Jorge kay Kute pero hindi naman siya pinansin ng babae at kumapit pa ito sa braso ni Troy“Sige na pare! Pwede ba?” pumikit-pikit pa si Kute kay Troy at natawa naman ang huli dahil sa nakita niya“Sige lang! Kuha ka nalang ako na magbabayad! Ikaw din Jorge, baka may gusto ka.” baling ni Troy kay Jorge pero agad itong umiling“Hindi na pare! Goods na ako! Di ako katulad ng iba dyan, makapal ang mukha!” hindi makapaniwalang sabi ni Jorge dahil sa totoo lang, nahihiya siya sa ginagawa ni Kute“Inggit ka lang!” bumelat pa si Kute at mabilis pa sa alas-kwatro na nawala ito sa
“Iho, pasensya ka na kay Kute ha! Narinig ko mula kay Jorge ang ginawa ng batang yan!” sabi ni Tatay Mario kay TroyNasa terasa sila ng bahay matapos nilang magsalo-salo sa hapunan. At tama nga si Troy dahil masarap talaga ang luto ng nanay ni Jorge na si Aling Ely.“Okay lang po yun, tay! Wala hong problema sa akin yun!” sagot naman ni Troy“Ewan ko ba diyan sa bata na yan. Baka naman natuwa lang at may bago silang kaibigan ni Jorge.” sabi naman ni Nay ElyNautusan si Jorge at si Kute na bumili sa labas ng maiinom nila. Hindi naman tumanggi si Troy sa paanyaya sa kanya ng matanda.“Huwag po ninyong intindihin yun, nay at tay! Hindi naman po araw-araw! Isa pa po, mabuti na din yun at may kaibigan po ako dito.” dagdag pa ni Troy kaya tumango na lang ang mga matanda“Eh ano ba ang sadya mo at napunta ka dito mula Maynila? May tinatakasan ka ba?” makahulugang tanong ni Tay Mario sa kanyaHindi naman sumagot si Trog at ibinaling niya ang paningin niya sa malayo. “Alam ko na, problema sa
Napangiwi si Jorge nang makita niya ang nangingitim na parte ng mukha ni Troy kinabukasan.Sa sobrang kalasingan, nakatulog na siya sa pwesto niya at kinabukasan na siya nagising at nag-iisa na siya sa terasa ng bahay nila.Pagkatapos niyang maligo ay pinuntahan niya si Troy na gising naman na at doon niya nakita ang pasa nito sa ilalim ng mata.“Napano ba yan?” nag-aalalang tanong niya nang makapasok siya sa loob ng apartment ni TroyNaisip pa nga niya na baka sa sobrang kalasingan ay nadapa ito. Kung bakit ba naman kasi nakatulog siya at di niya naalalayan ang kaibigan.“Nasapak ako kagabi!” balewalang sabi ni Troy habang nagsasalin ito ng kape sa tasaInabot niya kay Jorge ang tasa ng kape saka sila nagpunta sa maliit na sala.“Sinapak?” tanong pa ni Jorge “Yeah! T*****a pare, ang lupit manapak ni Kute! Nakakita ako ng bituin!” seryosong sabi ni Troy kaya naman naisip ni Jorge na hindi ito nagbibiro“Talaga ba?! Sinapak ka niya?” ulit pa nito and he just nodded“Abo bang nangyari
BOOK 3HEREA’S REDEMPTIONNapahinga ng malalim si Herea nung tuluyan ng tumuntong ang paa niya sa labas ng correctional kung saan siya nakulong.Sa loob ng limang taon, nanatiling tahimik ang buhay niya habang pinagdurusahan ang sintensya niya. At dahil sa ipinakita niyang pagbabago sa loob ay nabigyan siya ng parole ng Pangulo ng bansa kaya naman bumaba ang sintensya niya at ngayon nga ay tuluyan siyang nakalaya.Naputol ang pagmumuni-muni niya nung may kotseng huminto sa harap niya. Nahawakan pa niya ng mahigpit ang bag niya habang pilit sinisilip ang taong nasa loobb ng sasakyan.Mula sa kotse ay bumaba ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo. His hair neatly brushed up at nakasuot din ito ng shades. “Herea Sevilla?” tanong nito kay Herea kaya naman nagtaka pa siya kung sino ito“Ako nga! Sino ka?” balik tanong niya din dito“Adam Policarpio! Anak ako ng abogado mo and he instructed me to pick you up dahil may meeting pa siya.” sagot naman nito pero nagdalawang-isip pa siya“Oo
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Troy dahil matapos ang ilang buwang paghihintay, ikakasal na sila ni Isa, ang babaeng nagpabago sa buhay niya.Sa resort siya natulog noong gabing nagdaan at dito na din siya manggagaling papunta sa simbahan for their wedding.Nakahanda na din ang resort dahil pinili ni Isa na dito na lang gawin ang reception lalo at malalapit na kaibigan lang nila ang imbitado sa kasal.Nagpadala si Isa ng invitation sa kanyang mga pamilya last month pero nabalitaan na lang niya na umalis daw ang mga ito, one week before the wedding.At masakit iyon para sa kanya dahil ibig sabihin, hindi pa rin siya napapatawa ng mga ito.Nakalipat na din sila sa bahay na pinagawa ni Troy at maganda naman ang naging ayos nito lalo at katuwang ni Isa si Freeshia.Naging close ni Isa si Freeshia at si Mint dahil talaga namang mababait sila pati na din ang mga asawa nito.And of course, kasama sa wedding entourage ang mga ito.“Tara na bro! Nakakahiya namang mauna pa si Isa sa s
Kinabukasan after their lunch ay dumating naman ang yaya na nirequest ni Troy sa isang kilalang agency dito sa Cebu. Mukha naman itong mabait at magiliw din sa bata kaya naman nakasundo agad ito ni Basty. Taga-Cebu din siya at bente-tres anyos na din ito.“Dati ka na bang nag-alaga ng bata?” tanong ni Isa kay Lily habang hinihintay nito si Troy“Opo Ma’am! Dalawang taon din po akong naging Yaya kaso po umalis na sila dito.” kwento naman ni Lily“Hindi naman mahirap alagaan si Basty, Lily! Yun nga lang, medyo malikot na siya ngayon! Gusto niya lakad ng lakad!” masayang sabi ni Isa habang nakatingin kay Basty na naglalaro sa carpeted na sahig“Talagang ganun po basta ganyang edad, Ma’am! Pero mukha naman nga pong mabait si Basty at mukhang magkakasundo po kami!” pahayag naman ni LilyNakita niya na palabas na si Troy sa kwarto kaya naman tumayo na asiya at nagpaalam sa kanyang anak.“Basty, mommy and Daddy is going out okay! You behave while you are with Yaya!” sabi niya sa kanyang ana
“So paano ba yan, Cassie? Maiiwan ka na ba talaga dito?” tanong ni Marge dito nung makarating sila sa resort para ihatid si BastyAlam na nila na nakakaalala na ang kanilang kaibigan at dahil nadakip na si Mayor Arthur ay tila alam na nila ang susunod na mangyayari.“Nag-usap na kami ni Troy, Marge! Gusto ko namang mabuo ang pamilya ko at maranasan ni Basty na magkaroon ng ama!” pahayag ni Isa“Well, kung yan ang gusto mo, igagalang namin yan. Just always take care of yourself okay! At kung may kailangan kayo, huwag kang magalinlangang tumawag sa amin!” sagot naman ni Greg na noon ay kausap naman si Troy“Thank you for everything! Sa pagliligtas ninyo sa amin and of course sa pagbabantay kay Isa!” ani Troy sa mga kasamahan ni Isa“Oo naman! Parte ng grupo si Cassie kaya kailangan naming gawin yun! Nakakalungkot nga lang kasi mawawalan na kami ng magaling at matinik na tauhan.” ani Greg sa kanya“Noon ko pa naman gusto na magbagong buhay na, Greg! At si Carlitos nga ang huling misyon k
Kinalagan agad ng mga pulis na dumating si Troy at yung iba naman ay hinuli at pinosasan si Mayor Arthur pati na ang ibang tauhan na nadis-armahan ni Amethyst mula sa taas.Hindi na sila nakita ni Isa kaya alam niya na nakalayo na ang mga ito bago pa man dumating ang mga pulis.“Pakawalan niyo ako! AKo ang Mayor ng bayan na ito! Bakit ninyo ako hinuhuli?” pagmamatigas pa ni Mayor Arthur pero hindi naman nagpatinag ang mga pulis na dumadakip sa kanyaBinasahan siya ng kanyang mga karapatan bago siya tuluyang ilabas sa kwartong iyon pero panay pa rin ang pagsigaw niya.“Hindi ninyo ako maikukulong! Ako ang Mayor ng bayan na ito!” “Mayor, malakas ang ebidensiya namin sa iyo for kidnapping and attempted murder! Kung inosente ka talaga, patunayan mo yan sa korte!” sabi ng isang pulis kaya naman lalong nagwala si MayorSunod namang pumasok ang mga rescue team at agad nilang inalalayan si Troy para i-check ang mga natamong sugat nito at ganun din kay Isa. Isinakay sila sa ambulansya at a
Hinalikan ni Isa si Basty ng matagal at mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Hindi niya tiyak ang mangyayari pero nandoon ang pag-asa na maliligtas niya si Troy.Nangyari na nga ang kinatatakutan nila at hindi nila akalain ang mabilis na pagkilos ni Mayor Arthur para makuha siya.At iyon ay gamitin nga si Troy para lumitaw si Isa.“Anong plano?” tanong ni Amethyst kay Greg na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga sandata“Maiiwan kayo dito ni Marge. Kami na ni Jazz ang kikilos!” sabi ni Greg pero hindi pumayag si Amethyst“Sasama ako! Hindi pwedeng kayong dalawa lang ang kikilos! Tandaan ninyo, may amnesia si Cassie at baka pati ang pakikipaglaban ay nakalimutan na niya!” ani Amethyst Nagkatinginan naman ang dalawang lalake at mukhang naisip nila na may punto si Amethyst.Kakailanganin nila ng pwersa lalo at marami tiyak tauhan si Mayor.“Sinend na ni Mayor ang location!” sabi ni Isa kaya agad namang tinignan ni Greg ang locationMamayang gabi, alas diyes, kailangang magpunta ni
Hindi na mapakali si Troy sa hindi pagsagot ni Isa ng telepon niya kaya naman agad siyang umalis sa resort para puntahan ito sa mansion ng mga Arguelles. Pagdating niya doon ay pinapasok naman siya agad ng kasambahay at itinuro siya nito sa garden kung saan nandoon si Aliyah.‘“Ali!” tawag niya dito at mula kanyang cellphone ay napaangat ang tingin nito sa kanya“Troy! This is a surprise! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ali pero wala siya sa mood makipag bolahan dito“Nasaan si Isa?” tanong niya pero nagkibit balikat lang ito“Hindi ko alam!” maikling sagot niya kaya naman agad niyang nilapitan ang kaibigan“Aliyah, please! Nakikiusap ako sayo! Ang sabi ng kasambahay ninyo pinaalis mo daw sila ni Basty! Hindi ka ba naaawa sa pamangkin mo? Wala silang pupuntahan!” galit na sabi ni Troy pero ni hindi nagbago ang matigas na ekspresyon ng mukha nito“Bakit ako maaawa sa kanya! Yan ang napapala ng traydor!” sagot sa kanya ni Aliyah“Hindi siya traydor, Aliyah, alam mo yan! Bago pa
Nakatingin lang si Isa sa apat na taong nasa harap niya ngayon. In the back of her mind, pamilyar sila pero hindi niya mahanap kung sino ang mga ito sa buhay niya.Dinala siya ng mga ito sa isang bahay na nasa dulo ng na yata ng Cebu pero nakakapagtaka na hindi na siya nakakaramdam ng takot habang kasama niya ang mga taong ito.“Wala pa rin siyang maalala kaya siguro, mas mabuti kung magpapakilala kayo!” sabi ni Berta sa mga kasama nila sa sala“First of all, hindi Berta ang pangalan ko! Ako si Amethyst at ako ang naatasan ng pinuno para bantayan ka!” pahayag nito sabay ngiti kay Isa“Ako si Greg! Ako ang kasama mo sa huling misyon mo at sa palagay ko, nabanggit na sayo ni Troy Celestino ang tungkol sa grupo.” pakilala naman ng lalaki na yumakap sa kanya kanina bago siya sumakay sa sasakyan“Welcome back, Cassie! Natakasan mo ang kamatayan! Sana lang magbalik na ang alaala mo para naman magtrabaho na tayo ulit! Ako si Jazz, remember?” anito kaya binatukan naman ito ng nagpakilalang
Walang tigil ang pagpatak ng luha ni Isa habng iniimpake niya ang kanyang mga gamit. Masama ang kanyang loob dahil sa pagpapalayas sa kanya ni Isa na hindi naman tinutulan ng kanyang ina.May pride siyang tao at hindi na niya kayang magtagal dito lalo pa at alam naman niya na ayaw na sa kanya ng kanyang pamilya.Hindi niya alam kung saan siya pupunta. At dahil wala naman siyang maalala, hindi niya alam kung may kamag-anak ba sila dito.Napatingin siya kay Basty at natutulog pa naman ito kaya minabuti na niyang bilisan ang pag-iimpake. She wants to get out of here as soon as possible!Nang maiayos na niya ang lahat ay siya namang pasok ng yaya ni Basty. Nakabihis ito at dala din nito ang gamit niya.“Berta?” nagtatakang tanong niya dito“Ma’am, sasama po ako sa inyo kung aalis kayo dito!” saad niya kaya napailing naman si Isa dahil agad niyang naisip na baka pinaalis din ito ng Mommy niya“Berta, pinaalis ka din ba nila?” galit na tanong niya pero umiling naman ito“Hindi po Ma’am! Nag