Alexes POV
Matapos ang mga pangyayaring iyon sa Condo ko ay halos araw-araw nang magkasama kami ni Kenny.
Masayang masaya ako at nakakasama ko pa siya habang hindi pa ako ikinakasal sa taong gusto nang mga magulang ko para sa akin.
Nalulungkot akong isipin na Kailangan ko na namang sundin ang mga magulang ko.
Isang araw habang kami ay kumakain ni Kenny sa isang restaurant ay...
"Kenny, may itatanong lang sana ako sayo. Sana sagutin mo ito nang totoo" sabi ko.
"Yes ano 'yon, Honey?" tanong nito.
Bumuntong hininga muna ako at nagsalitang muli.
"Paano kung... isang araw kailangan kong mamili sa pagitan mo at ng mga magulang ko at sila ang pipiliin ko ano ang gagawin mo?" tanong ko.
Tumigil ito sa pagkain at tiningnan ako nang diretso sa mga mata.
"Ipaglalaban kita, Honey. Hindi na ako papayag na maghiwalay pa tayong muli. Kung noon hindi kita pinaglaban. Hindi ko inalam kung ano ang dahilan kung bakit mo ak
Kenny POV "Ohhh! Bro, easy lang sa pag-iinom naparami ka na oh." "Ano ba ang problema, Bro?" tanong ni Geam sa akin. "Alam mo Bro, 'di ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang mga plano kong paghihiganti o hindi na," malungkot kong sabi. "Naawa ako kay Alexes, ang dami-dami na niya palang pinagdaanan sa buhay mula noong sanggol pa siya na 'di ko alam. Wala ako sa mga panahong kailangan niya ako na dapat ako 'yong taong yayakap at aaliw sa kaniya sa tuwing siya ay nalulungkot ngunit ako pa 'yong taong nagbigay sa kaniya nang sobrang sakit. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako kung sakali man malalaman niyang plinano kong paghigantihan siya," patuloy kong saad habang umiinom ng champaign. "Bro, kung talagang mahal mo siya sabihin at aminin mo sa kaniya ang lahat na tinatago mo. Humingi ka nang tawad sa kaniya," saad nito. "Takot ako aminin sa kaniya ang katotohanan, baka iwan na niya naman ako. 'Di ko kayang mawala siya sa akin
Alexes POV "Iha! na saan ka na ba, kanina pa kami naghihintay sa'yo rito," sabi ni Mommy on the phone. "Wait lang po Mommy, parating na po. On the way na po ako," sabi ko pero ang totoo nandito pa rin ako nakahiga sa loob ng kwarto sa condo unit ko. Parang wala akong lakas na bumangon. Pakiramdam ko wala na akong pag-asang sumaya sa mundong ito. Araw ngayon ng pagsimula ng aking pagkatali sa obligasyon na sana ay pwede ko namang takasan at iwasan. Pwedeng hindi ako pupunta pero kailangan kong panindigan ang obligasyon ko sa aking mga magulang. Ngayon na ang araw ng Anniversary ng kompanya at ngayong araw din sasabihin ni Daddy ang tungkol sa engagement ko sa lalaking papakasalan ko raw. Pinilit ko ang sarili kong bumangon and I'll make my morning routine. Pagkatapos ay bumaba na ako ng unit ko. Papasok na ako sa aking kotse ng tumunog ang cellphone ko. "Hello! Baby honey, nasaan ka?" tanong ni, Kenny. "Amm.., Ke
Alexes POV"Alam mo ba ito Kenny, ang lahat nang tungkol dito?" Galit na galit kong tanong."Yes! Honey, at ako ang humiling na itago ang lahat sa'yo dahil gusto kong e-surprised ka!" Nakangiting sabi nito."Pak!" Tunog nang malakas na sampal ko sa mukha ni, kenny at patakbo akong umalis sa stage.Naiinis ako, nagagalit, naguguluhan, pero masaya ako.Hindi ko alam kung ano ang dapatdapa at tama na gagawin ko dahil sa samo't saring emosyon na nararamdaman ko.Masaya ako dahil ikakasal ako kay Kenny. Pero naiinis ako dahil itinago niya sa akin ang tungkol dito. At nagagalit ako dahil halos mabaliw ako sa kakaisip at sama ng loob na mawawala siya sa akin.Iniisip ko na magpapakasal ako sa ibang lalaki iyon pala siya lang pala ang mukhang bulok na sardinas na taong iyon."Buti nga sa'yo. Bagay kang tawaging bulok na sardinas," sabi ng aking isipan.Matapos kong sampalin si Kenny ay patakbo akong bumaba ng stage na iyon at in
Alexes POV "Walang hiya ka, Kenny. Ano ito! Bakit dito mo ako dinala!" Galit na galit kong sabi. Nandito kami ngayon sa isang daungan ng mga bangkang de-motor. Anong gagawin mo sa akin?" taka kong tanong. "Hindi ba kanina mo pa gustong bumaba. Oh! hayan, bumaba ka na!" sabi nito. "No! Ayaw ko, hindi ako bababa!" Pagmamatigas ko. Hindi sa ayaw kong lumabas ng kotse kundi natatakot akong tingnan ang mapakalawak na tubig sa dagat. "Ah! Ayaw mong bumaba ha!" nakangisi nitong sabi. At bigla n'ya na lamang akong binuhat palabas ng kotse papuntang... "Wait! Kenny, ano ba ang plano mo sa akin at bakit..." 'di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang kaming nagpagiwang-giwang sa tablang kahoy na nakadugtong sa bangkang de-motor mula sa dalampasigan nang dagat. "Huwag ka ngang malikot Honey, baka mahulog tayo," sabi nito nang makabawi siya nang balanse. Natatakot ako kasi hindi ako marunon
Alexes POV "Tok! Tok! Tok!" Katok sa pinto. "Senyorita, bumaba na raw po kayo nakahanda na po ang hapunan," sabi nang na sa likod ng pinto. Tumayo ako upang buksan ang pintuan. "Magandang gabi! Senyorita, kakain na po kayo pinasasabi ni, Senyorito Kenny," sabi nito. "Sige po Aling..." pag-aalinlangan kong sabi dahil nakalimutan ko ang pangalan nito. "Nana Loling ho, Senyorita. Ako ang mayordoma sa mansion na ito," pagpakilala nito sa akin. "Alexes po," pagpapakilala ko naman sa kan'ya. "Ikinagagalak ko na sa wakas nakilala kita nang personal," masayang sabi nito. "Sige ho Senyorita, magpapaalam na po ako," sabi nito na papaalis na. "Sandali, lang ho Nana Loling. Gusto ko po sana magpalit ng suot kong ito. Nangangawit na kasi ang mga paa ko sa high hills," sabi ko. "Ay oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin na pinasasabi po ni Senyorito, na magpalit ka nang damit. Nasa closet na po ang lahat
Kenny POV It is 5 o'clock in the morning, pero hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil mga ilang beses akong pabalik-balik sa silid ni Alexes. Gusto ko siyang makasama sa pagtulog ngunit iniisip ko na baka magalit siya sa akin kapag ginawa ko iyon. May mga pagkakataon pa na tatabi na sana ako sa kan'ya pero hindi ko itinutuloy dahil nag-aalinlangan ako na baka magising siya. Ang sarap-sarap pa naman nang tulog nito na mababanaag ang saya sa kan'yang mukha. Para kasing nakangiti ito habang natutulog. "Sana ako ang iniisip mo, Honey," sambit ko habang tinititigan ang napakaamo at napakagandang mukha nito. Napapangiti ako habang iniisip ang kagagawan ko kagabi. Hindi ko kasi mawari sa sarili kung ano talaga ang gusto ko. Hindi ako mapakali kapag hindi ko nakikita si Alexes. Pero kapag nand'yan na siya sa aking harapan ay wala naman akong maisipang gawin. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at naiiling na napapangiti. Ini
Alexes POV Araw-araw ako na naging masaya kasama si Kenny sa islang 'to. Lumilipas ang mga araw na pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao sa lugar na ito. Isang araw habang kami ay na sa dalampasigan. "Amm... Kenny, pwede ba magtanong," sabi ko habang ako ay nakaupo sa buhanginan na nasa dalampasigan ng dagat at s'ya naman ay nakahiga at nakaunan sa mga hita ko. "Hmm! Ano 'yon, Honey?" tanong nito habang nakapikit ang mga mata. "Hanggang kailan mo ba balak na hindi ako iuwi sa amin? Kasi nag-aalala na ako kina mommy, at daddy. Gano'n din sa mga trabahong naiwan ko sa opisina. At saka iyong mga projects ko, sino ang gagawa nang mga 'yon?" tanong ko. "Anong uuwi, Honey? Hindi na kita iuuwi sa inyo dahil nandito ka na sa tahanan mo, sa tahanan natin," sabi nito. "Tahanan ko, natin?" sabi ko na nagtatanong. "Yes! Honey, gusto ko kapag ikinasal na tayo at magkakaanak, dito natin sila palalakihin. Dito tayo mamum
Kenny POV "Toot! Toot! Toot! someone people outside, someone people outside," tunog mula sa remote control na na sa ibabaw ng maliit na mesa rito sa silid ko. Wala naman akong inaasahang bisita na darating. Bumangon ako sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. "Ahh! Mag-aalas singko na pala nang umaga," sambit ko. Pumunta ako sa screen monitor ng CCTV upang tingnan kung sino ang na sa main gate. Nang tingnan ko ito ay may nakita akong isang babaing na sa labas at pinupokpok nito ng bato ang main gate. Nagtataka ako dahil may doorbell naman bakit kailangan pa nito gumamit ng bato. "Teka lang parang kilala ko ang babaing 'yan ah! Si Trixie," nasambit ko sa pangalan nito. "Bakit nandito siya sa ganitong oras at papaano siya nakarating dito. Bakit niya nalaman ang lugar na ito," taka kong tanong sa sarili. Kinuha ko ang remote control at binuksan 'yong main gate. Bumaba ak
Alexes POV Lumipas ang oras na puno nang kasayahan ang buong paligid ng masion. Masayang-masaya ako dahil hindi ko akalain na darating pa ang mga oras at pagkakataon na ito sa amin ni Kenny. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumasok sa loob ng mansion at puntahan ang mga anak ko. Hinanap ko ng aking paningin si Kenny. Nagpaalam kasi ito na may pupuntahan lang at kakausapin na kan'yang kamag-anak. Nakita ko itong masayang nakikipag-usap kina Zion, Xander at sa isa pang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa tingin ko ay magkasing-edad lang sila ni Kenny. Tumingin sa akin si Kenny. Suminyas ako na papasok muna sa loob ng mansion. "Excuse me mga Bro, sasamahan ko muna ang Babyhoney ko baka inaantok na 'to!" malakas nitong sabi sa kasamahan at lumapit sa akin. "Oh bakit mo naman sila iniwan. Okay lang naman sa akin kung sasamahan mo sila. Magpapahinga lang ako sandali kaya papasok ako sa loob," sabi ko na nakak
Alexes POV Abala ang lahat sa paghahanda para sa binyag ng dalawa kong anak na kambal. They are almost One month old na at naging masaya ang buong mansion dahil sa kanilang pagdating sa buhay namin. At ngayon ay ang araw ng kanilang paghahandog/binyag. Kakarating lang namin mula sa simbahan at napagpas'yahan ko na ipaakyat muna ang kambal sa kanilang nursary room. "Yaya Marie, at Yaya Lyn, iakyat n'yo muna sina Kenjie at Kurt sa taas para makapagpahinga sila ng maayos," sabi ko sa mga tagapag-alaga ng kambal. Tulog na tulog kasi ang mga ito dahil siguro sa pagod kaya nakatulog ang dalawa mula pa kanina sa simbahan. Tiningnan ko muna ang dalawang kambal at hindi ko mapigilan ang aking sarili na halikan ang mga ito sa noo. Bigla namang umiyak si Kenjie nagising ko yata sa paghalik ko ngunit si Kurt naman ay mahimbing pa rin sa pagtulog na para bang nananaginip pa ito dahil sa parang masaya itong napapangiti sa kan'yang pagtulog.
Alexes POV "Mommy Isabel, salamat at nahanap at nagkatagpo na tayo. Alam mo ba na nang malaman ko na ampon ako nila Mommy Ellen at Daddy Albert ay naisip ko na ayaw mo sa akin. Na ayaw sa akin ng totoo kong mga magulang dahil akala ko si Yaya Mercy ang Ina ko. Nagalit ako dahil nais akong patayin ng totoong magulang ko sa pagkaka-akala ko na siya ang totoo kong Ina," nalulungkot kong sabi. "Alisa anak, hindi ka gustong patayin ng Yaya Mercy mo. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam ko na hindi niya iyon gagawin sa iyo. Kitang-kita ko kung gaano ka niya alagaan at mahalin bilang isang totoong kapatid o anak man. Napakabait niyang tao siguro may dahilan siya pero maniwala ka mahal na mahal ka ng Yaya Mercy mo," pagpapaliwanag ni Mommy Isabel. I nooded my head at nagpatuloy sa pagsasalita. "Opo! Siguro po! Mommy, tama po kayo. Pero ngayong alam ko na ang lahat, nagpapasalamat ako at ikaw ang naging Ina ko. Naging kayo ang totoong
Doc. Isabel POV Hindi ko akalain na sa silid kami ni Sandy hahantong. Ang Alexes na anak na hinahanap nila Mr. Albert ay si Sandy pala. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Si Sandy at Alisa ay iisa. Matagal ko na palang natagpuan ang anak kong matagal ko nang hinahanap. Kasa-kasama ko na pala siya. Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kan'ya ay siya pala ang hinahanap kong anak na nawawala sa akin noon. Salamat at ligtas siya. Salamat at napunta siya sa mga mabubuting tao. Umiiyak ako habang nakatingin kay Alisa na niyayakap nito ang kinikilalang mga magulang. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang anak ko. At mas lalo akong nagdamdam nang marinig ko ang sinabi nito na hindi niya kailangan pang hanapin o makita ang kanyang totoong mga magulang dahil sapat na sa kan'ya ang mga magulang na kanyang kinamulatan. Masakit iyon sa aking pandinig, ngunit tama siya. Sapat na ang kan'yang mga kinikilal
Alexes POV Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang nagpapaliwanag si Kenny hanggang sa matapos nitong sabihin ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko inakala na gano'n pala ang nangyari. Kung sana hindi ako nagpadala sa aking emosyon at hindi ako umalis ng mansion. Hindi na sana ako nahiwalay sa mga magulang ko. "I'm so sorry Kenny, nagkamali ako ng inisip at inakala. Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat kung noong una palang ay nakinig na ako sa'yo. Noong gusto mong magpaliwanag sa akin sa loob ng kotse bago mo ako dalhin sa mansion n'yo sa Isla. Wala na sanang nasaktan at nadamay na mga tao," sabi ko habang nakayakap ako dito. "Honey, makinig ka. Wala kang kasalanan. Maraming magagandang dahilan kung bakit itinulot ito ng Dios na mangyari ang lahat ng ito at isa sa magandang dahilan na iyon ay ang tungkol sa iyong totoong mga magulang," sabi ni Kenny sa akin. "Huh! Totoo kong magulang?" nagtatakang tanong ko. "Yes! Gusto mong m
Alexes POV "Ano? Ano 'yong sinabi mo? Totoo ba 'yang sinasabi mo? Tama ba yong naririnig ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Honey, tama ang narinig mo," sabi nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon n'ya. Isang maliit na box ang nakikita ko na hawak niya at hinila ako nito sa harapan ng crib ng kambal. Nagulat ako nang lumuhod ito sa aking harapan at binuksan ang box na kulay pula at nagsalita. "Architect Alexes Sandria Viera, Will you marry me," naiiyak na sabi nito. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing. Napahagulgol ako nang makita ko ito dahil hindi ako makapaniwala na nasa kan'ya ito. Ang singsing na iningatan ko sa loob nang mahigit 11 years na itinapon ko na, ay heto na ngayon ibinibigay muli sa akin ng lalaki na s'ya ring nagbigay sa akin noon. "Kenny, sambit ko sa pangalan nito kasi wala akong masabing salita sa kasiyahan na nadarama ko.
Alexes POV "Oo nga pala Iha, bakit naging instant mommy ka? Sino ba ang ama ng mga apo kong ito?" tanong naman ni Daddy na ngayon ay nakahawak sa magkabilang kamay nito ang mga maliliit na daliri ng kambal. "Alam ko na hindi kayo makapaniwala na anak ko talaga sila. At ang kanilang ama ay si—" Tiningnan ko muna si Zion. Nakita ko ang kalungkutan nito sa mga mata n'ya ngunit nakangiti ito sa akin. "Zion," sabi ko at lumipat ang tingin ko kay Kenny. Nakita kong nalukot ang mukha ni Kenny nang sambitin ko ang pangalan ni Zion. Akala siguro nito si Zion na ang ama ng mga kambal dahil Zion ang sinambit kong pangalan. "Teka lang hindi pa ako tapos magsalita." sabi ko saka lumapit nang bahagya kay Zion. "Zion, I'm sorry. Alam ko na gusto mong maging ama sa kanila pero hindi natin mababago ang katotohanan na si Kenny ang kanilang ama," sabi ko. "Ako! Talaga, yes! Totoo ba ang narinig ko, ako ang kanilang ama
Alexes POV "Zion, sino ang—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang kumakatok sa pinto ng silid ko sa hospital. "Kenny!" sambit ko kasabay ng kan'yang pag sambit ng "Babyhoney." Hindi ako makapaniwala nang baksan ni Zion ang pinto ay bumungad ang kani-kanina lang na pinag-uusapan naming si Kenny. Nagtataka ako kung papaano siya nakapunta rito at papaano niya nalaman na nandito ako. Tulala ako na nakatitig lang kay Kenny. Gusto kong tumakbo papunta sa kan'ya pero hindi ko magawa dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat. Nakita ko itong dahan-dahang lumalakad papunta sa akin. Habang papunta ito sa akin ay ang lakas-lakas nang kaba ng dibdib ko. Ang bilis nang tibok ng puso ko. "Oh em ji! Hindi na ito panaginip! Totoong nangyayari na ba ito?" tanong ko sa sarili. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ako sa kan'ya. Nakatingin ito nang diretso sa mga ma
Kenny POV Nandito na ako ngayon sa labas ng isang silid na sinabi ng Nurse kung saan ang silid ni Alexes. Halos hindi ko maiangat ang aking mga kamay upang kumatok sa pinto ng room 101. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Ano ang gagawin ko? 'Di ko alam kung ano ang magiging reactions ko kapag nakaharap ko na si Alexes. Siguro... A. iiyak B. magmamakaawa na ako nalang ulit kahit sila na ni Zion. C. luluhod at hihingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. D. magagalit pero 'di ko alam ang dahilan kung bakit ako magagalit. Kung alin man dito sa mga naisip ko ay bahala na. "Tok! Tok! Tok!" katok ko sa pintuan at bumukas naman ito. Nagulantang ako nang may nag-iiyakan at may nakita akong isang babae na nakahiga sa isang strecher bed na parang wala ng buhay at may nakapalibot na kapwa umiiyak. "Yes po, sino po kayo?" tanong sa akin ng isang binatilyo. "Oppss! I'm sorry, wrong d