Chapter 13 - Stay away from me!Malapit nang matapos ang semester. Malapit na akong grumadweyt. Tapos ko na rin lahat ang mga undergraduate subjects ko at ang natitira nalang ay ang internship. Sa Pilipinas, kahalintulad ito ng on-the-job training o OJT sa actual na kumpanya o opisina. Umpisa pa lang ng second semester ng 4th year ko ay nag-apply na agad ako ng internship sa tatlong kumpanya. Ang tatalong ito ay mga malalaki at kilalang kumpanya sa larangan ng marketing at advertising. Kung makakapasa ako sa isa sa tatlong ito ay isang malaking karangalan at opportunity. Sa mga kumpanyang dito kasi ako matututo ng actual ng ginagawa sa marketing at advertising. Nag-apply ako sa Publis Worldwide, Ogilvy at McCann World group. Pumasa naman ako sa exm at interview sa tatlong naturang kumpanya. Pipili na lang ako kung saan ko gustong mag-intern. Pinili kong mag-internship sa McCann World group dahil maganda ang approach nila sa Marketing. “Truth Well Told as its founding -- and end
Chapter 14- Ako? Magiging Commercial Model?Umabot ng kalahating oras ang diskusyonan sa loob ng conference room tungkol sa kung sino ang kukuning commercial model para sa bagong advertisement ng L'Oreal. May mga nag-suggest ng mga bagong artistang babae sa Hollywood, may nagsabing mga models ng Victoria's Secret at may mga nagsuggest na mga sikat na commercial model.Finally, nagsalita si Christian Wilson na siya palang creative consultant ng L'Oreal, isang Amerikanong bading habang nakatitig sa akin. “Darlings, I told you that we want somebody who is unknown and can be re-invented or transformed into the face of L'Oreal! Why don't we get her!” sabay turo sa akin.“Who me?!?!” I don't know anything about modelling! I am simply an intern here! No! No! No!” shock na pagtanggi ko. “I am deeply honored, but NO!”Biglang na-shocked ang mga nasa loob ng conference room at sabay-sabay silang lahat na naglingonan sa direksyon ko at sabay-sabay rin na nagsalita. “That is unacceptable!” s
Chapter 15 – Baka makilala ako ng rapist ko!Hindi ako masyadong nakatulog ng gabing iyon sa kaka-isip kung tatangapin ko ba ang offer ng L'Oreal. Madaling araw na, kaya tinawagan ko si Emma na bestie ko sa Pilipinas. “Hello! Emma. May problema ako!” sabi ka sa kanya sa video messenger.“George! Anong oras na dyan? Ikaw talaga! Tatawagan mo lang mo ako pag may problema ka?” malungkot na sabi ni Emma.“Sorry, Emma. Busy lang ako sa pag-aaral ko. Alam mo namang gagraduate na ako pagtapos ko ng internship ko. Sorry na!” paghingi ko na paumanhin kay Emma.“Buti ka pa, gagraduate na! Ako isang semester pa.” himutok na sabi ni Emma. “Anyway, ano ba problema mo?”“Gusto akong kunin ng L'Oreal bilang commercial model nila sa isang global campaign nila.” sabi ko. “Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.”“Anooooo?!? L'Oreal??? Global campaign???” gulat at excited na sabi ni Emma. “Tanggapin mo na agad yan ! Para ka ng nanalo sa lotto nyan!”“Gusto ko ngang tanggapin kaya lang nag-
Chapter 16 - Natameme ko!Last day of internship ko na sa McCann kaya nagsadya ako sa HR upang ipaalala sa kanila na kailangan ko ang Internship Certificate on Monday para ma-isubmit ko na ito sa UCLA para sa aking graduation.“George, your certificate will be ready anytime on Monday.” sabi ng HR Manager. “Thank you for your service. I heard you did well with one of our client, L'Oreal? You were the one who conceptualize their new campaign tagline?”“Well, that I did! It's part of my training.” sagot ko.“I also heard that L'Oreal will get you as the image model for their global campaign! Congratulations!” excited na sabi ng HR Manager.“I have not decided on their offer yet.” pagsisinugaling ko. “Thank you! You were the first one to congratulate me on that.”Pagbalik ko sa aking mesa sa opisina ng McCann, sinabihan ako ng aming creative supervisor na pinapatawag daw ako ng aming creative director sa kanyang opisina na nasa 15th floor.Sa 15th floor kasi nag-oopisina lahat ng
Chapter 17 - I look so ordinary!Lunes ng umaga nasa L'Oreal Headquarters-Los Angeles na kami ni Jessie. Kagaya ng dati, yun pa rin ang suot kong damit... maluwag, mahaba, rubber shoes at owl-shape na eyeglasses. Nag-register kami ni Jessie sa reception ng kumpanya sa lobby at ang pakay namin ay si Christian Wilson. “You are Ms. George?” nagtatakang tanong ng receptionist.“Yes, I am George.” sagot ko. “He is with me.” sabay turo kay Jessie. “Mr. Wilson is already waiting for you at the 10th floor conference room.” sabi ng receptionist sabay abot sa amin ni Jessie ng visitor's pass.Sa 10th floor ay may receptionist ulit kaya nagtanong kami . “Good morning! Mr. Wilson is expecting us. My name is George.” sabi ko.“Oh, Ms. George. Please go with me.” sabi ng receptionist sa 10th floor at naglakad patungo sa corner office room ni Christian Wilson.Sa loob ng kuwarto, tumayo si Christian Wilson o Chrissy. “George! Thanks for coming!” bati ni Chrissy at akmang makikipag-beso-beso
Chapter 18- The transformationBago ako ginawan ng makeover sa L'Oreal Salon, kinunan mna ako ng litrato ng official photographer ng L'Oreal. Pagdating ko doon, unang kinunan sa akin ay ang natural kong hitsura ang naka-pusod ang buhok, walang make-up kahit lipstick man lang at nakasuot ng malaking eyeglasses. Sumunod naman ay yung nakalugay na ang mahaba kong buhok, may konting lipgloss at inalis na ang suot kong salamin. Bukod sa aking mukha ay kinunan rin ako ng litrato ng half at full body na ang suot ko ay oversize sweater, long flowing skirt at naka rubber shoes. May frontal at side view shots.Sumunod ay pinapasok na ako sa facial treatment section nila. Hindi raw muna ako gagawan ng full facial treatment, kundi lilinisin ang ang aking mukha ng mga whiteheads at blackheads. Saka na lang daw nila gagawing ang full facial treatment sa akin 10 days before the commercial shooting day. Inayos at kinortehan ang makapal kong kilay. Habang pini-facial ay sinabay na rin ang manicure
Chapter 19 – Nagulat ang lahat!Bago kami pumunta sa McCann Headquarters ni Jessie para kunin ang aming Certificate of Internship ay inaya ko siya sa Burger King para kumain. Inabot na kami ng alas-dos ng hapon sa L'Oreal Headquarters para sa aking makeover.“I am so sorry! You missed your lunch.” paumanhin ko kay Jessie.“It's okay! I didn't know that I was hungry until now! “sagot ni Jessie habang kumakain kami. “I was enthralled by your transformation! Look at all the customers here! They are all looking at you wondering if you are an actress or something!” “Hush! This is still me! The ordinary girl from the Philippines.” sagot ko.Pagkatapos naming kumain ay nagtuloy na kami sa opisina ng McCann Worldwide upang kunin ang aming Certificate of Internship ni Jessie.“Wait, before we proceed to HR, I will have to collect some of my things at the copywrite section. Common on!” aya ni Jessie. Ang hindi ko alam, talagang gusto ni Jessie na pumunta kami sa copywrite section para
Chapter 20 - She's a Natural!Kinabukasan, sinundo nga ako ni Jessie ng maaga para ihatid sa L'Oreal Headquarters para sa aking isang linggong crash training sa modelling. “I will pick you up this afternoon after your training!” paalam ni Jessie. Pagbungad ko pa lang sa opisina ni Chrissy ay na-shock siya sa kanyang nakita. “What are you wearing????” sigaw niya. “Love, you are now an image model of L'Oreal! You should be mindful of what you wear! Look at yourself! You look drab! You could at least wear a tight fitting shirt and jeans! And you hair! You should let you hair down.. Not in a tight bun like that! Tomorrow, I want to see some changes in what you wear, okay?”“Understood, Chrissy.” mahina kong sagot.Sinamahan ako ni Chrissy sa training room ng mga models. Sa reception hall ng training room ay may mga life-size pictures ng mga naging image models ng L'Oreal tulad nina Kendall Jenner, Cara Delevigne, Eva Longoria at iba pa.Mag-isa lang naman akong model na tuturuan. A
Chapter 51 – Asawa ko, boyfriend ko rin!Tama nga ang hinala ko! Si James nga ang inireto sa akin ni Mama sa arranged marriage. Nagtutugma lahat ng mga pangalang binabangit niya at ang sirkumstansiya sa naganap na kasalan. Pero si James clueless pa rin na ako at si George ay iisa. Hahayaan ko siyang ligawan ako at kapag hiniling ko sa kanya na diborsyohin na niya ang kanyang asawa ay magugulat siya.Sa opisina, panay ang padala ni James ng kung anu-ano sa akin. May bulaklak, may chocolates, may stuff toys na pagkalaki-laki at higit sa lahat may mga sweet notes ding kalakip ang mga ito. Tinatawagan din niya ako sa cellphone, umaga pagkagising ko at sa gabi bago ako matulog. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin, pati mga tsismis sa opisina. Hay... nakakataba pala ng puso kapag nililigawan ka!Sumapit na ang photo shoot ng Belo project. Para ito sa promotion ng Belo Medical Group para sa kanilang bagong service, ang body contouring. Ginanap ito sa indoor lap pool ng Makati Diamon
Chapter 50 – May Koryente!Habang kumakain ay kung anu-ano ang pinag-uusapan namin ni James. “Manliligaw ka ba talaga sa akin?” usisa ko kay James.“Kung papayag ka, magnobyo na agad tayo para wala ng hassle, magde-date na lang tayo lagi.” sagot ni James.“Ay! Ayoko nun. Hindi ko pa kasi nararanasan ang ligawan kahit na noong high school at college days ko. Pangit kasi ako at tomboy!” pag-amin ko kay James.“Talaga? Hindi mo pa naranasan ang ligawan? Nagka-asawa ka na at lahat? Hindi ka ba niligawan ng asawa mo? Leave it to me! I will make my courtship to you as memorable as ever. Kahit mag-asawa na tayo? Patuloy pa rin kitang liligawan.” sabi ni James habang kumakain.“Hayyyy, James! Bolero ka talaga! Hindi ko tuloy alam kung seryoso ka o nambobola!” biro ko. “Ngayon pa lang parang kinikilig na ako! Speaking of asawa, hindi ako niligawan ng asawa ko!”“Seryoso ako pagdating sa iyo.” sabi ni James nang hawakan niya ang aking mga kamay. Naramdaman ko na naman ang tila nakakaki
Chapter 49 - Ano ka prosti?Nakauwi na rin ako sa aking condo. Si Boss James lahat ang nag-asikaso sa hospital bills ko hanggang sa makauwi ako. “Nakakahiya naman po sa inyo! Hayaan nyo kapag malakas na ako ay irerefund ko lahat ng nagastos ninyo sa ospital.” sabi ko. “Bakit nyo ba ginagawa ito sa akin, Sir?”“Bakit? Mahal kita! Hindi mo pa ba nahahalata? Nagsimula ito noong maglaro tayo ng basketball? ” pahiwatig ni Boss. “Una, naiintriga ako sa iyo dahil napakarami mong contradictions at inconsistencies. Pangalawa, na-attract ako talino mo. Kaya nga madalas kitang paakyatin sa penthouse office ko para lang makita kita kahit wala namang dahilan.. Pasakalye ko lang ang pagpapadala ng mga bulaklak na iyo. Nakakahiya kasing ako ang pupunta sa opisina mo baka pagtsismisan ka ng mga kasamahan mo doon.”“Mahal mo ako? Pero, pareho tayong may-asawa! Hindi puwede!” pagtutol ko.“Mahal mo rin ba ako?” direkta at walang paligoy-ligoy na tanong ni Boss.“May nararamdaman po ako para sa
Chapter 48 – Ano ang Tinatago mo, Gina?“E ang asawa mo? Paano kayo nagkikita o nagkakasama kung ganyan saan saang bansa ka nakakarating? ” urirat uli ni Boss. “Paano kayo magkakaanak niyan?”“Asawa???? Anak????” nalilito kong sagot. “A, e... halos isang taon na kaming hiwalay ng asawa ko. Di ba sinabi ko na sa iyo?”“Ako rin hiwalay sa asawa. Ikaw? May balak ka pa bang mag-asawa muli?” pangungulit ni Boss habang kumakain ng fried chicken.“Actually, meron naman. Yan ay kung talagang mahal niya ako at tatangapin ako ng mapapangasawa ko bilang ako at hindi dahil sa aking nakaraan.” seryosong sabi ko. “Maiba naman tayo. ikaw, Boss, ano naman ang nangyari sa inyo ng asawa mo? Bakit kayo naghiwalay?”“Ako? Kasal kasalan lang naman ang nangyari sa amin ng asawa ko. Nagpakasal kami dahil gusto ng mga nanay namin. Pagkatapos ng kasal ay nagkanya-kanya na kami. Ni hindi nga kami nagsama kahit na isang gabi. Isa pa, mukhang gold-digger ang napangasawa ko. Biro mo, hiningian pa niya ako
Chapter 47 – Nagkakagustuhan na KamiPag-uwi ko sa condo nung hapon na iyon ay matama kong pinagtagni-tagni ang mga pangyayari kung paano ang mga nangyari noong ikasal ako kay James. Una, pareho naming hindi kilala ang isa't isa.. Pangalawa, ni hindi kami nagkita ng personal kaya hindi namin alam ang hitsira ng bawat isa. Ikatlo, nag-uusap lang kami via cellphone para lang matuloy ang arranged marriage namin na kagustuhan ng aming mga ina. Pang-apat, pumayag si James na magpakasal sa aking dahil sa kondisyon ng kanyang ina na gagawin siyang CEO ng kanilang kumpanya. Ika-lima, pumayag din akong magpakasal kay James kapalit ng 10 million pesos. Ang akala ko kasi hindi siya papayag ng magbayad ng 10 million pesos para hindi matuloy ang aming kasal. Ngayon, all the puzzles of my arranged marriage are in place. Bago ako mag-file ng divorce ay paglalaruan ko muna itong si James. Sayang, sa mga ipinapakita niya sa akin sa madalang na magkasama kami ay parang magaan ang aking loob sa kan
Chapter 46 - Peke at void ang arranged marriage ko!Naging matagumpay ang pakikipag-usap namin ni Chrissy kay Vicki Belo. Kinuha niya akong model sa isa sa mga services na ini-offer na kanyang clinic ang body contouring and sculpture. Bilib ako kay Vicki Belo dahil nag-usap kaming tatlo over lunch at ng pumayag na kami ni Chrissy sa commercial ay may nakahanda agad siyang kontrata na pinapirma sa amin ni Chrissy. “You don't waste time, do you?” sabi ni Chrissy habang ako naman ay nagulat.“Actually, matagal na kitang gustong kunin as a model. Remember when we first met here in my main clinic? I wanted to get you right then. But when I saw you at the Bench fashion show, my God, your body is so perfect! Right then my decision was solidified.” prangkang sabi ni Vicki Belo.“Why, thank you!” sagot ko.“Your talent fee will be paid to you in full a day before the shooting starts. That is of course minus the agent fee of Chrissy here. My secretary will contact you with the details as
Chapter 45 - Sobrang mahalay!Mamayang gabi na ang Bench fashion show sa SM MOA Arena. As promised, pinadalhan ko sina Kuya Phillip at Hunter ng complementary VIP ring side tickets para mapanood nila ang show. Pinadalhan ko rin si Boss ng dalawang tickets na kapareho ng kina Kuya. Bench underwear ang ipapakita sa fashion show. Dalawang grupo ang show. Ang isang grupo ay kaming mga lehitimong fashion models at ang ikalawang grupo ay mga celebrities gaya ng mga sikat na artista, beauty queens, athletes at singers sa Pilipinas at South Korea.Bago ang fashion show ay tinawagan ko pa sina kuya kung manood ba sila. “Hello, George! Manonood kami ni Hunter!” sabi ni Kuya Phillip. “Kami pa! Pagkakataon naming mag-unwind sa trabaho at makakita ng mga sexy models! Pupunta rin kami sa backstage para maipakilala mo kami ni Hunter sa mga kasamahan mong models. Salamat sa tickets at backstage passes!”“Kaya lang kuya, huwag kayong masho-shock sa suot ko ha? Consider it as a form of art!” paalala
Chapter 44 – Pinili ako ni Boss!Lumipas ang sumunod na linggo na napaka-hectic ng aking schedule. Nasundan pa ng isang session ang facial at body contouring ko kay Vicki Belo. Nightly rehearsals naman ang pinupuntahan ko para sa Bench fashion show. Ang mga rehearsals namin ay ginawa sa Bench Tower sa BGC kaya naman hiniram ko ang BMW na kotse ni Kuya Phillip dahil gabing-gabi na kung umuwi ako. Tuwang-tuwa naman si Chrissy dahil napanatili ko raw ang aking magandang katawan. Sa araw ay pumapasok naman ako sa aking trabaho bilang marketing assistant. Muling nagpadala ng pumpon ng bulaklak si Sir sa akin sa opisina kaya naman naging usap-usapan ako na may admirer na raw ako kahit pangit ako. Sa kabilang banda, nakatangap naman ako ng tawag mula kay Ms. Ava na nabibilang na raw ang araw ko sa trabaho at masisisante na raw ako. “Okay lang! I don't desperately need this job!” sagot ko sa kanya na lalo namang ikinagalit ni Ms. Ava.Pagkapananghali ay pinatawag ako ni Ms. Jenny
Chapter 43 – You are Full of Contradictions!Biyernes ng gabi, sinundo nga ako ni Boss sa lobby ng aking condo para sa aming dinner-date. Mercedes Benz na itim ang kanyang kotse. Hindi talaga ako nag-ayos ng gabing iyon. Kung ano ang suot ko sa opisina, ganun din ang isinuot ko sa date namin. Pero siyempre naligo muna ako at nagpalit ng fresh na damit. Ang dala ko lang ay L'Oreal loose powder and lip gloss, debit card, wallet at cellphone na nakalagay sa aking Hermes Kelly messenger bag. Sa isang restaurant sa BGC kami pumunta para kumain ng hapunan. Dahil alam niya ang susuotin ko ay nag-polong long sleeve lang siya at nililis niya ang manggas para hindi ako ma-out of place. Marunong din palang makibagay itong Boss ko. Kumain muna kami at hindi kami nag-uusap habang kumakain. Parang inoobserbahan niya ang bawat kilos ko mula sa aking paglalakad, pag-upo sa mesa, paano gamitin ang mga kubyertos at kumain mula appetizer hanggang dessert.“Did I pass your scrutiny? Kanina mo pa ako