Nakasuot lang kasi siya ng fitted blouse, long skirt at two-heeled sandals at walang suot na kahit anong accessories. Matangkad na siya kung tutuusin sa height niyang 5’6 pero nanliit siya sa lalaking kaharap na 6 feet ata ang height. Naka messy bun din siya at suot ang kanyang malaking salamin, mukha nanaman siyang manang. Bumalik lamang siya sa reyalidad galing sa pagkatulala ng biglang nagsalita ang lalaki.
“Hey you miss, Do you know how to park properly?” Inis na tanong ng lalaki sa mataas na tono na mayroong American accent habang tingin sa halos na magkatabi nilang sasakyan.
Nagulat naman si Lia, at galit na sinabing,”I’m sorry Mister? I didn’t mean to park improperly, but I think I should be the first one to place where you parked so that happened!” Turo rin sa magkatabi nilang sasakyan.
Inirapan lamang siya ng lalaki. Sabay sabing,”Hmm, so many excuses!” singhal pa nito.
Inis naman si Lia sa inasta ng lalaki, padabog na nasabi niya tuloy na,
“Arghh! gwapo ka nga, antipatiko naman, hindi pa nagpakilala tsk.”
Nagulat siya ng biglang humarap ang lalaki at tinitigan siya, napalakas ata ang kanyang pagkakasabi.
“Call me Salvino, and you will know me more soon, my lady.” Nakangiting sabi pa nito sabay smirk sa kanya at umalis.
“Halla! Anong nangyari? May bipolar ata ang lalaki?” Nagtatakang tanong ni Lia sa kanyang isipan.
“In fairness, ang gwapo niya kapag nakangiti.” Kinikilig na sambit niya.
“Pero teka, ano ang ibig sabihin niya sa,” You will know me more soon?” Usal niya.
Naisip niya tuloy na baka ito ang kanyang stalker, kinilabutan nanaman siya, bigla siyang nanghina. Gusto niyang komprontahin ang lalaki ngunit wala na ito sa kanyang paningin. Pinakalma muna niya ang kanyang sarili bago nagtungo sa loob ng simbahan. Ipapasa-Diyos na lamang niya ang mga mangyayri sa kanyang buhay.
Sa kabilang banda, sa likod ng mayabong na puno ng acacia malapit sa simbahan ay nagtago si Maron habang sinisilip si Lia na parang ilang sa paglalakad na nagmamasid sa paligid. Nagtaka naman siya sa inaasta ng dalaga ngunit napapangiti rin. Tama nga ang kanyang Chief (ang Aunt Amalia ni Lia) na may tinatagong ganda ang kanyang paboritong pamangkin ngunit mukhang manang lang at kahit mukhang professional ay mapaghahalataang ilang sa maraming tao. Nang nakita niyang nakapasok na si Lia sa simbahan ay umupo muna siya sa isang bench sa may lilim.
Napaisip siya sa kanilang unang pagtatagpo. Madalas na ikwento ng kanyang Chief si Lia sa kanya. Kung gaano ito kabait, katalino, at kaganda. Maganda nga ito kung tutuusin, especially her eyes na animo’y nakikiusap, kaso hindi marunong mag-ayos ng sarili kahit na ba sabihing isa itong professional teacher. Nagmumukha tuloy siyang mas matanda sa kanyang edad. Madalas siyang tuksuhin ng kanyang Chief kay Lia, inirereto niya siya sa kanyang pamangkin ngunit hindi ito ang tipo niyang babae. He’s a womanizer simula ng may masaklap siyang karanasan sa pag-ibig at ewan niya kung magagawa pa niyang magmahal muli.
Pinapasubaybayan nila si Lia simula ng maipatayo nila ang kanilang private detective agency. Lihim lamang ito at hindi kasama sa assets ni Amalia Guinto. Mananatili itong lihim sa iba ngunit kailangan niya itong sabihin kay Lia ayon na rin sa request ng kanyang Chief sa dahilang gusto niyang baguhin ang kanyang pamangkin. Sa kilos nito at pananaw sa buhay, na ang pagsali sa detective agency ang nakikita niyang tanging paraan para magawa iyon. Alam rin nilang may gumagambala sa dalaga, ang stalker nito na kailan lamang nila nalaman.
Hirap silang huliin ito dahil napakagaling magtago at napaka malihim. Ang nakalap lamang nilang impormasyon ay isa itong AWOL na police na mayroong mga kaso na ngayon ay nagtatago na lamang. Hindi pa nila alam kung ano ang talagang dahilan o kung ano ang koneksyon nito kay Lia. Dahil sa pangyayaring iyon, naiintindihan niya kung bakit ilag si Lia sa ibang tao. Hirap itong magtiwala dahil siya rin mismo ay ganoon dahil sa hindi rin magandang karanasan sa kanyang buhay. Medyo naiinis din siya kay Lia dahil hindi manlang niya napagbigyan ang hiling ng kanyang Tiya na makita siya bago ito sumakabilang-buhay. Kaya ganoon na lang ang naging asta niya ng kausapin niya ito kanina lamang.
Pilit na lang niya itong inintindi dahil alam niyang she’s a busy career woman. Nagtataka lamang siya na kung bakit nasabi niya ang kanyang pen name na “Salvino” kay Lia bilang pagpapakilala. Nais kasi niyang matawa sa sinabi ng dalaga sa kanya. Kailangan na niyang makausap si Lia sa lalong madaling panahon, gusto niyang malaman ang mga dahilan nito sa hindi pagpapakita sa kanyang Tiya at hindi pagsagot sa kanyang email. Balak niyang pormal na makipagkilala sa dalaga kapag nagpunta na ito sa Cebu at makausap nito si Atty. Fruego.
Kilala rin siya ng abogado ni Amalia Guinto hindi bilang co-partner sa kanilang private detective agency kung hindi bilang gwapong bodyguard nito. Wala rin kasing ideya ang Attorney sa kanilang nasabing agency. Halos 20 minutes na siyang nag-aantay sa paglabas ni Lia. Nagtataka na siya kung bakit ang tagal nitong lumabas. Lihim siyang pumasok ng simbahan at hinanap si Lia. Napansin niyang pumasok ito sa confession room. Mukhang magtatagal nanaman ito doon.
Pinili na lamang niyang bumalik sa kanyang sasakyan at patuloy na susubaybayan ang kilos ng dalaga. Naisip niyang iyon na ang pagkakataon para mailagay ang GPS tracker sa ilalim ng sasakyan ng dalaga. Naisip niyang maglagay ng tracker para in-case na mapahamak si Lia ay malalaman niya kung asan ito. Ginagawa niya ito dahil sa bilin na rin ng kanyang Chief. Nag-antay pa siya ng 10 minutes bago niya nakita ang dalaga na lumabas ng simbahan. Pinatakbo na rin ni Maron ang kanyang sasakyan at umalis.
Nagmasid-masid muli si Lia sa kanyang paglabas sa simbahan. Gumaan naman ang kanyang pakiramdam dahil naidasal na niya ang mga pangyayari sa kanyang buhay na either good or bad news. Kahit na ganoon na may nangyayaring kababalaghan sa kanyang buhay ay pinagpapasalamat pa rin niya sa Diyos na nananatili siyang buhay at malakas. Binilisan na lamang niya ang paglakad upang makarating agad siya sa kanyang sasakyan. Mabilis siyang pumasok doon. Pagkapasok ay huminga siya ng malalim at uminom ng tubig sa dala niyang tumbler.
Umalis na rin siya at nagtungo sa Intramuros. Pasado alas-diyes na at marami na ring tao na namamasyal doon. Nalaman naman ni Maron kung saan patungo si Lia, nagpunta rin siya doon para na rin panatilihing ligtas ang dalaga. Nagtungo si Lia sa isang park sa loob ng Intramuros, kung saan may nakikita siyang napakagandang fountain, nag-gagandahang mga bulaklak, mga bata at matanda na pawang may ngiti sa kanilang mga labi, wishing well at benches na maaaring pagpahingaan. Naaalala niya na madalas na doon sila magtungong pamilya noong bata pa lamang siya. Madalas rin nilang nakakasama ang kanyang Aunt Amalia roon.
Iyon na ang huling masayang alaala na iniwan sa kanila ng kaniyang Tiya. Bigla tuloy niyang naalala ito. Nakatatandang kapatid siya ng kanyang ina. Wala pa itong sariling pamilya, madalas lamang na ginugugol nito ang kanyang panahon sa ibang bansa dahil isa siyang batikang social worker. Napakabait pa nito at ubod rin ng ganda. Sa katunayan ay kahawig niya si Gloria Diaz noog ito’y dalaga pa lamang sa tindig at tangkad kaya nagtataka sila kung bakit wala pa itong napapangasawa na kung tutuusin ay nasa kanya na ang lahat. Naalala niyang kwento ng kanyang ina na sadyang malihim talaga ang kaniyang nakatatandang kapatid na pilit na lamang rin nilang iniintindi bilang pag-respeto.
Binalak siyang ampunin ng kaniyang tiyahin noon dahil aliw na aliw ang huli sa kanya. Lahat ng gusto niya noon ay binibigay ng kaniyang tiyahin. Mga masasayang alaala kapiling ang kanyang kinikilalang pangalawang Ina. Ngunit dumating ang araw na nakatanggap sila ng hindi magandang balita tungkol sa kaniyang tiya, walong taong gulang pa lamang siya noon, habang kinse anyos na ang kanyang Kuya. Napag-alaman na sumabog ang sinasakyan nilang helicopter upang magdala ng tulong para sa mga nasaktang mga mamamayan sa Afghanistan dahil sa giyera. Sinabi pa sa report na kasama ang kaniyang Aunt Amalia sa mga nasunog na bangkay.
Labis-labis ang kanilang paghihinagpis na mag-anak sa balitang iyon. Napaka-ikli pa ng panahon ng kanilang pagsasama. At ngayon na nakatanggap muli siya ng balita tungkol sa kanyang tiyahin ay hindi niya lubos maisip ang tamang damdamin na mararamdaman. Hindi niya alam kung siya ba’y matutuwa na nalamang buhay ito o maiinis at magagalit dahil naglihim ito sa kanila. Pagsisisi sapagkat hindi manlang niya ito nakita kahit sa huling sandali. Iniisip rin niya kung paano niya ito sasabihin sa kaniyang pamilya, tiyak na uuwi ang mga iyon dito sa Pilipinas.
Ayaw nanaman niya silang mag-alala dahil doon at saka hiling ng kanyang Tiya na sa kanya lamang magpapakita, igagalang niya iyon. Kailangan muna niyang malaman ang totoong nangyari sa kanyang Aunt Amalia na tanging ang pagpunta niya sa Cebu, City ang magiging kasagutan. Napabuntong-hininga siya, alam na niya ang kanyang susunod na gagawin. Mag le-leave of absence muna siya ng 2 weeks. Tutal ay mayroon namang hahalili sa kanyang mga maiiwang trabaho saka nandoon naman si Sienna, tiwala siyang magiging maayos pa rin ang pamamalakad sa Science Department kahit sa pansamantalang pagkawala niya.
Nagmumuni-muni rin siya at napapangiti sa mga batang naglalaro sa may playground. Habang nakatingin doon ay nahagip niya ng tingin ang lalaking matalim na nakatitig sa kanya sa may bandang CR. Napawi tuloy ang ngiti sa kanyang labi bagkus napasimangot na siya. Nakasuot ito ng pulang hoodie, naka-face mask at mahaba ang buhok. Nagri-rigodon ang kanyang puso. Naalala niya ang lalaking nakuha sa kanyang hidden cctv camera sa harap ng kaniyang pintuan. Hindi siya makakilos ng maayos, gusto niyang umiyak sa takot, nakatitig lang sa kanya ang lalaki. Nagmamadali siyang tumayo sa kinauupuan, iniwas na niya ang tingin dito.
Nakikita niya sa kanyang peripheral vision na sinusundan siya nito. Lakad-takbo na ang kaniyang ginagawa, kailangan na niyang magtungo sa kanyang sasakyan. Binabalewala na niya ang mga taong nababangga niya dahil na rin sa pagmamadali at takot. Tingin pa siya ng tingin sa kaniyang likuran. Malapit na siya sa kaniyang sasakyan ng biglang may bato siyang naapakan at muntikan na siyang matapilok. Napahiyaw pa siya dahil akala niya’y malalaglag na siya sa lupa ngunit may matigas ngunit mabangong bagay siyang nasandalan. Pag-angat niya ng kanyang tingin ay isang familiar na mukha ang kanyang nasilayan, napanganga siya sa gulat.
She tried not to look at the gorgeous man infront of her because the strange feelings is embracing her once again. Habang ang lalaki naman ay nakangisi na parang nang-aasar, kinindatan pa niya ang dalaga. Bigla siyang umayos ng pwesto, at sinabi sa naiinis na tono,
”It’s you again? Mister grumpy!” Trying to hide what she really felt.
“Tsk, is that the right way to thank me my lady?” Nakangising sagot ni Maron.
In a dark, rainy midnight, Lia woke up. She’s having nightmares again. Naro’n at nanginginig at nababalisa siya sa tuwina. Nangyayari lang ito kapag nakatatanggap siya ng sulat o gamit galing sa isang anonymous sender. Halos isang taon na siyang nahihiwagaan kung sino ang taong ito na nagpapakilala lamang sa pangalang Bonnie C. Bumangon siya at tumungo sa kanyang kitchen para uminom ng tubig. Dinala niya ang kanyang laptop at itutuloy na lang ang pag-aayos ng mga School Forms at tiyak na hindi na rin naman siya makakatulog pang muli.Nakaupo siya sa tabi ng counter table, tulala, napapaisip na sa kabila ng tagumpay na nararanasan ay may taong mang-gugulo sa kanyang tahimik na buhay. She’s an independent woman. She have almost everything with a great job as a Master Teacher at the age of 28. Sa katunayan, siya ang Head ng Science Department sa Public High School na kanyang tinuturuan. She already bought herself a town house and a car. She also have a loving a
Mabilis na lumipas ang araw, na finalize na rin ang program and activities, 1 day to go ay Science Fair na nila. Hindi na halos naisip ni Lia ang tungkol sa nakakagulat na balita para sa kanya. Pinagtuunan muna niya ng pansin ang aktibidad na gaganapin sa kanilang paaralan. Araw ng kanilang Science Fair. Abalang-abala ang lahat, mapa-guro o estudyante man. May inimbitahan rin silang VIP na taga-DOST. Mayroong iba’t-ibang booths that showcases student’s creativeness. Ang iba ay nagbebenta ng mga gamit like lamps, baskets, table and vases out of recycled materials. Mayroon ding live program showing the ability & intelligence of each grade level doing different experiments. Day 1 pa lang ng event at marami pang kaabang-abang na programs sa mga susunod na araw like cheerdance competition,quiz bee, search for the next Eistein, at ang pinaka-aabangang fireworks display at star gazing na gaganapin sa huling araw ng event. Matagumpay ang unang araw ng fair, 2 more days to go ay
Nakasuot lang kasi siya ng fitted blouse, long skirt at two-heeled sandals at walang suot na kahit anong accessories. Matangkad na siya kung tutuusin sa height niyang 5’6 pero nanliit siya sa lalaking kaharap na 6 feet ata ang height. Naka messy bun din siya at suot ang kanyang malaking salamin, mukha nanaman siyang manang. Bumalik lamang siya sa reyalidad galing sa pagkatulala ng biglang nagsalita ang lalaki. “Hey you miss, Do you know how to park properly?” Inis na tanong ng lalaki sa mataas na tono na mayroong American accent habang tingin sa halos na magkatabi nilang sasakyan. Nagulat naman si Lia, at galit na sinabing,”I’m sorry Mister? I didn’t mean to park improperly, but I think I should be the first one to place where you parked so that happened!” Turo rin sa magkatabi nilang sasakyan. Inirapan lamang siya ng lalaki. Sabay sabing,”Hmm, so many excuses!” singhal pa nito. Inis naman si Lia sa inasta ng lalaki, padabog na nasabi niya tuloy na,
Mabilis na lumipas ang araw, na finalize na rin ang program and activities, 1 day to go ay Science Fair na nila. Hindi na halos naisip ni Lia ang tungkol sa nakakagulat na balita para sa kanya. Pinagtuunan muna niya ng pansin ang aktibidad na gaganapin sa kanilang paaralan. Araw ng kanilang Science Fair. Abalang-abala ang lahat, mapa-guro o estudyante man. May inimbitahan rin silang VIP na taga-DOST. Mayroong iba’t-ibang booths that showcases student’s creativeness. Ang iba ay nagbebenta ng mga gamit like lamps, baskets, table and vases out of recycled materials. Mayroon ding live program showing the ability & intelligence of each grade level doing different experiments. Day 1 pa lang ng event at marami pang kaabang-abang na programs sa mga susunod na araw like cheerdance competition,quiz bee, search for the next Eistein, at ang pinaka-aabangang fireworks display at star gazing na gaganapin sa huling araw ng event. Matagumpay ang unang araw ng fair, 2 more days to go ay
In a dark, rainy midnight, Lia woke up. She’s having nightmares again. Naro’n at nanginginig at nababalisa siya sa tuwina. Nangyayari lang ito kapag nakatatanggap siya ng sulat o gamit galing sa isang anonymous sender. Halos isang taon na siyang nahihiwagaan kung sino ang taong ito na nagpapakilala lamang sa pangalang Bonnie C. Bumangon siya at tumungo sa kanyang kitchen para uminom ng tubig. Dinala niya ang kanyang laptop at itutuloy na lang ang pag-aayos ng mga School Forms at tiyak na hindi na rin naman siya makakatulog pang muli.Nakaupo siya sa tabi ng counter table, tulala, napapaisip na sa kabila ng tagumpay na nararanasan ay may taong mang-gugulo sa kanyang tahimik na buhay. She’s an independent woman. She have almost everything with a great job as a Master Teacher at the age of 28. Sa katunayan, siya ang Head ng Science Department sa Public High School na kanyang tinuturuan. She already bought herself a town house and a car. She also have a loving a