Home / All / My Darling, My Salvino / Chapter 1:The struggles & shocking letter

Share

My Darling, My Salvino
My Darling, My Salvino
Author: Sharmaine Blas

Chapter 1:The struggles & shocking letter

last update Last Updated: 2021-09-06 22:09:21

In a dark, rainy midnight, Lia woke up. She’s having nightmares again. Naro’n at nanginginig at nababalisa siya sa tuwina. Nangyayari lang ito kapag nakatatanggap siya ng sulat o gamit galing sa isang anonymous sender. Halos isang taon na siyang nahihiwagaan kung sino ang taong ito na nagpapakilala lamang sa pangalang Bonnie C. Bumangon siya at tumungo sa kanyang kitchen para uminom ng tubig. Dinala niya ang kanyang laptop at itutuloy na lang ang pag-aayos ng mga School Forms at tiyak na hindi na rin naman siya makakatulog pang muli.

Nakaupo siya sa tabi ng counter table, tulala, napapaisip na sa kabila ng tagumpay na nararanasan ay may taong mang-gugulo sa kanyang tahimik na buhay. She’s an independent woman. She have almost everything with a great job as a Master Teacher at the age of 28. Sa katunayan, siya ang Head ng Science Department sa Public High School na kanyang tinuturuan. She already bought herself a town house and a car. She also have a loving and supportive family.

Matagumpay siya sa kanyang gustong larangan. Walong taon na rin siyang nagtuturo at sa mga taong iyon ay marami na rin siyang nakukuhang awards gaya ng Most Outstanding Teacher na apat na taong sunod-sunod siyang nakatatanggap. Siya na lamang ang nasa Pilipinas. Nag-migrate na ang kaniyang mga magulang sa Singapore na nag-desisyon na tulungan ang kanyang nakatatandang kapatid sa kanyang Electronic Business doon. Hindi na siya sumama dahil ayaw niyang iwan ang bansang sinilangan, isa kasi siyang maka-bansa. Kahit gusto ng kanyang mga magulang na ro’n na lamang din siya manirahan ay hindi siya pumayag. Wala ng nagawa ang kanyang mga magulang at Kuya, sinuportahan na lamang ang kanyang desisyon.

Pero ngayon ay nagdadalawang isip siya kung susunod na lamang sa kanyang pamilya sa malayo para maiwasan ang kanyang stalker. Hindi alam ng kanyang pamilya ang kanyang problema. Tanging ang kaniyang assistant na si Sienna ang nakaaalam. Balak na niyang ireport ito sa mga awtoridad ngunit natatakot siyang baka malaman ito ng kaniyang mga magulang dahil isang General ang kanyang Uncle Gimo na kapatid ng kanyang Ama. Tiyak na malalaman nila iyon at pipilitin nanaman siyang manirahan na lang sa Singapore. Ang mga natatanggap kasi niyang mga sulat ay patungkol sa naudlot daw nilang pag-iibigan ni Bonnie C. na hindi naman niya lubos maisip kung sino ang taong ito.

Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasang umibig. Nagkaroon lamang siya nang paghanga sa lalaki noong siya’y nasa college pa lang, but it is pure infatuation. Sino rin bang magkakagusto sa kanya dahil sa ayos niyang parang senior citizen kung manamit, at ala Ms. Minchin ang dating sa panood na Princess Sarah. She didn’t care much on how she looks. Kahit na maraming nagsasabi na lalabas ang tunay niyang ganda kung mag-aayos lamang siya. Madalas tuloy siyang tuksuhin ng kanyang mga kasamahan sa paaralan na tatanda na siyang dalaga.

Tinatawanan na lang niya kapag siya ay tinutukso, pero kahit gano’n ay mataas ang respeto nila sa kanya dahil isa siyang magaling na guro. Ang mahalaga sa kanya ay alam niyang isa siyang mabuting tao at mamamayan. Hindi lang sulat ang ipinadadala ng kanyang stalker, madalas ay bulaklak at ang ginagamit niyang pabango at undergarments. Nagtataka na siya kung paano nalaman ni Bonnie C. ang kanyang mga paborito. Mas kinilabutan siya ng maalala ang huling sulat na natanggap niya a month ago mula pa sa kanyang afternoon mail na nagsasabing,

 “Malapit mo na akong makilala Lia, konting tiis na lang. I miss you already. I can’t wait to see you. Mi Amore”

Lovingly Yours,

Bonnie C.

Ito na ang huli niyang natanggap na sulat, kaya mas lalo siyang kinabahan. Dati ay 2-3 letters ang natatanggap niya every week. Ngayon ay isang buwan na siyang hindi nakatatanggap. Dapat ba niya kaya itong ipagpasalamat? O baka magulat na lang siya na biglang magpakita ang taong ito.

Ngunit nitong mga nakaraang araw, nararamdaman niyang may nagmamasid sa bawat kilos niya kahit nasa loob siya ng paaralan, sa pagpunta ng mall at grocery, at maging sa kanyang pagsisimba. Pruweba na nga lang ito noong nakaraang Linggo, pagkatapos nilang mag-simba ni Sienna, may nakita siyang lalaki sa labas ng kanilang kinainan na fast food resto na naka suot ng baseball cap at naka face mask na titig na titig sa kanya. Nagulat at nataranta siya.  Naibagsak pa niya sa sahig ang kanyang kubyertos. Pagbaling niya ulit nang tingin sa lalaki ay nawala na ito. Nawalan na tuloy siya nang ganang kumain at inaya na ang kaibigan na umuwi na lamang. Nanginginig at naiiyak siya ng oras na iyon. Awang-awa naman si Sienna sa kanya at niyakap na lamang siya.

It freaked her out kaya nagkakaroon na siya ng anxiety. But despite that, most of the time she stay calm and quiet. She stay focus, para magawa pa rin niya nang mabuti ang kanyang trabaho. Ipinapasa-diyos na lamang niya ang nangyayari sa kanya. Mabuti na lang at andiyan ang tanging kaibigan na handang makinig sa kanya kahit na kinukulit na rin siyang humingi na nang tulong sa kanyang Uncle na heneral. It’s 5 am already, inabot na siya ng ilang oras sa kanyang kitchen na hindi niya namamalayan dahil sa sobrang pag-iisip. Magluluto na lamang siya at maagang papasok. Naalala niya na mayroon pa silang aayusing mga files sa kanyang opisina.

Nakahanda na siyang umalis, nakatali pataas ang kanyang buhok at sinuot ang kanyang salamin. Nagsuot siya ng kanyang uniform, at pinatungan pa niya ng coat. It’s her signature look. Paglabas niya ay chineck muna niyang mabuti ang kanyang tinitirhan at nagmasid-masid muna siya sa paligid. May hidden camera naman sa tapat ng kanyang pintuan na maari niyang i-check na siya lamang ang nakaaalam. Sumakay na siya sa kanyang Kia Sorento. Pagdating niya sa paaralan, ay marami ng nagsisipasukang mga estudyante.

Madami ng bumabati sa kanya ng “Good Morning” mga estudyante at kapwa guro. Ginagantihan naman niya ito ng ngiti at tango. Madalas din siyang pagtinginan ng mga ito dahil sa kanyang ayos. Nalaman nga niyang “Ms. Minchin” ang tawag sa kanya ng ibang mga estudyante lalo na ang mga freshmen. Nagtungo siya sa kanyang opisina, nadatnan niya si Sienna sa harap ng cabinet at may inaayos.

“Hello Sienna!” Masiglang bati ni Lia. Agad namang itong lumingon at ngumiti sa kanya.

“Good Morning, Ma’am Lia.” Ganting bati niya.

Almost 1 year na rin niyang assistant si Sienna. Maganda ito, ala Jane De Leon ang itsura at tangkad, mas payat nga lang. Graduate siya ng BS Education ngunit dahil sa health problems ay hindi na siya nakapagturo. Nakilala niya ito sa isang seminar. Nakakitaan niya ito ng potential kaya inalok niya itong maging assistant niya.

Pumunta na si Lia sa kanyang lamesa para mag-ayos ng kanyang gagawin sa maghapon. Pinaayos naman niya kay Sienna ang mga magiging schedules niya for this week. Naghahanda na rin siyang magtungo sa kanyang klase sa Senior High School. Wala siyang advisory class dahil marami na siyang gampanin as the Head of the Science Department. Lunch break na, hindi na rin niya namalayan ang oras, kanina pa siya inaaya ni Sienna na kumain na sa canteen. May inaayos pa kasi siyang program na ipinagawa ng kanilang Principal tungkol sa National Science and Technology Week na gaganapin two week from now.

Naatasan siyang gumawa ng propose program bilang siya ang Head ng Science Department sa kanilang paaralan. Tinawagan niya si Sienna at nagpabili na lamang ng pagkain. Ginagawa na niya ito para may oras pa siyang gawin ang iba pang bagay. Habang tutok sa kanyang computer, bigla niyang naalalang icheck ang kanyang emails. Karamihan mula sa mga heads ng iba’t-ibang departments ang natanggap niya ngunit may isang email sender na hindi familiar sa kanya, nagngangalan itong Atty. Miguel Fruego.

Nakatitig lamang siya roon, hindi pa niya kayang buksan. Inaatake nanaman siya ng kanyang anxiety at pagka-praning. May phobia na siya sa mga sender na hindi familiar sa kanya. Iniisip niya na baka nagpapanggap lang ito, at ang kanyang stalker pala ang nag-send ng email. Huminga siya ng malalim, napag-isipan niyang buksan na lamang ito. Kumakabog ang kanyang dibdib. Agad na lang niya itong clinick habang nakapikit, para siyang timang. Dahan-dahan pa niyang minulat ang kanyang mga mata. Ngunit ng mabasa ang email, siya ay nagulat, napatayo at naibagsak ang hawak na unwired mouse.

The letter came from her Aunt Amalia’s Attorney. Her Aunt? Who is missing two decades ago is still alive? Stunned, she read the letter again and again.

Dear Ms. Amalia Yngrid G. Torres

Good Day! I am writing to inform you that your Aunt Amalia Guinto is still alive. Maybe you are in a shock state right now, but I am telling the truth. I am the Head of the Legal Counsel of your Aunt Amalia. I am writing this letter as instructed by her that she wanted to meet you, only you her ever favourite niece even for the very last time. She is now suffering from stage 4 Breast Cancer. She’s in the hospital for almost a month now. She want to explain to you all the reasons why she chose not to show up to her family after the incident and was probably dead. I hope you will grant this request of her. Thank you and God Bless!

Sincerely,

Atty. Miguel Fruego, CPA

Her mind suddenly went blank. She did not know what to think, she was full of wonder and had many questions in her mind. Nakatulala pa rin siya sa kanyang computer nang dumating si Sienna dala ang pinabili niyang pagkain. Napansin naman ng kanyang assistant ang pagkabalisa niya.

Sienna snap her fingers then say,“Earth to Ma’am Lia” at ginulat pa niya ito.

“Boo!” Sabay hawak sa balikat ni Lia. Napasigaw naman siya sa gulat.

“Ahh!!!” Sigaw niya sa kanyang assistant na parang natuliro.

“Ma’am, ito na po iyong pinabili mong lunch, bakit po parang balisa ka?” Tanong niya na may halong pagtataka.

“Ah-eh w-wala ito, may iniisip lang” Nauutal na sagot niya at nginitian na lamang ang kausap.

Napakibit-balikat naman si Sienna at ginantihan ng pilit na ngiti ang kanyang Ma’am. Kinain na ni Lia ang pagkaing pinabili niya, merong sweet and sour pork, chopsuey, rice at lemonade sa food pack. Ikinain na lang niya ang kabang nadama, at balitang gumulantang sa kanya. Saka na niya pag-iisipan ang susunod na gagawin, mas uunahin muna niya ang papalapit ng Science Fair next week. 

Related chapters

  • My Darling, My Salvino   Chapter 2: Here comes the stalker... again & the repentance

    Mabilis na lumipas ang araw, na finalize na rin ang program and activities, 1 day to go ay Science Fair na nila. Hindi na halos naisip ni Lia ang tungkol sa nakakagulat na balita para sa kanya. Pinagtuunan muna niya ng pansin ang aktibidad na gaganapin sa kanilang paaralan. Araw ng kanilang Science Fair. Abalang-abala ang lahat, mapa-guro o estudyante man. May inimbitahan rin silang VIP na taga-DOST. Mayroong iba’t-ibang booths that showcases student’s creativeness. Ang iba ay nagbebenta ng mga gamit like lamps, baskets, table and vases out of recycled materials. Mayroon ding live program showing the ability & intelligence of each grade level doing different experiments. Day 1 pa lang ng event at marami pang kaabang-abang na programs sa mga susunod na araw like cheerdance competition,quiz bee, search for the next Eistein, at ang pinaka-aabangang fireworks display at star gazing na gaganapin sa huling araw ng event. Matagumpay ang unang araw ng fair, 2 more days to go ay

    Last Updated : 2021-09-06
  • My Darling, My Salvino   Chapter 3: The First not-so-good meeting

    Nakasuot lang kasi siya ng fitted blouse, long skirt at two-heeled sandals at walang suot na kahit anong accessories. Matangkad na siya kung tutuusin sa height niyang 5’6 pero nanliit siya sa lalaking kaharap na 6 feet ata ang height. Naka messy bun din siya at suot ang kanyang malaking salamin, mukha nanaman siyang manang. Bumalik lamang siya sa reyalidad galing sa pagkatulala ng biglang nagsalita ang lalaki. “Hey you miss, Do you know how to park properly?” Inis na tanong ng lalaki sa mataas na tono na mayroong American accent habang tingin sa halos na magkatabi nilang sasakyan. Nagulat naman si Lia, at galit na sinabing,”I’m sorry Mister? I didn’t mean to park improperly, but I think I should be the first one to place where you parked so that happened!” Turo rin sa magkatabi nilang sasakyan. Inirapan lamang siya ng lalaki. Sabay sabing,”Hmm, so many excuses!” singhal pa nito. Inis naman si Lia sa inasta ng lalaki, padabog na nasabi niya tuloy na,

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • My Darling, My Salvino   Chapter 3: The First not-so-good meeting

    Nakasuot lang kasi siya ng fitted blouse, long skirt at two-heeled sandals at walang suot na kahit anong accessories. Matangkad na siya kung tutuusin sa height niyang 5’6 pero nanliit siya sa lalaking kaharap na 6 feet ata ang height. Naka messy bun din siya at suot ang kanyang malaking salamin, mukha nanaman siyang manang. Bumalik lamang siya sa reyalidad galing sa pagkatulala ng biglang nagsalita ang lalaki. “Hey you miss, Do you know how to park properly?” Inis na tanong ng lalaki sa mataas na tono na mayroong American accent habang tingin sa halos na magkatabi nilang sasakyan. Nagulat naman si Lia, at galit na sinabing,”I’m sorry Mister? I didn’t mean to park improperly, but I think I should be the first one to place where you parked so that happened!” Turo rin sa magkatabi nilang sasakyan. Inirapan lamang siya ng lalaki. Sabay sabing,”Hmm, so many excuses!” singhal pa nito. Inis naman si Lia sa inasta ng lalaki, padabog na nasabi niya tuloy na,

  • My Darling, My Salvino   Chapter 2: Here comes the stalker... again & the repentance

    Mabilis na lumipas ang araw, na finalize na rin ang program and activities, 1 day to go ay Science Fair na nila. Hindi na halos naisip ni Lia ang tungkol sa nakakagulat na balita para sa kanya. Pinagtuunan muna niya ng pansin ang aktibidad na gaganapin sa kanilang paaralan. Araw ng kanilang Science Fair. Abalang-abala ang lahat, mapa-guro o estudyante man. May inimbitahan rin silang VIP na taga-DOST. Mayroong iba’t-ibang booths that showcases student’s creativeness. Ang iba ay nagbebenta ng mga gamit like lamps, baskets, table and vases out of recycled materials. Mayroon ding live program showing the ability & intelligence of each grade level doing different experiments. Day 1 pa lang ng event at marami pang kaabang-abang na programs sa mga susunod na araw like cheerdance competition,quiz bee, search for the next Eistein, at ang pinaka-aabangang fireworks display at star gazing na gaganapin sa huling araw ng event. Matagumpay ang unang araw ng fair, 2 more days to go ay

  • My Darling, My Salvino   Chapter 1:The struggles & shocking letter

    In a dark, rainy midnight, Lia woke up. She’s having nightmares again. Naro’n at nanginginig at nababalisa siya sa tuwina. Nangyayari lang ito kapag nakatatanggap siya ng sulat o gamit galing sa isang anonymous sender. Halos isang taon na siyang nahihiwagaan kung sino ang taong ito na nagpapakilala lamang sa pangalang Bonnie C. Bumangon siya at tumungo sa kanyang kitchen para uminom ng tubig. Dinala niya ang kanyang laptop at itutuloy na lang ang pag-aayos ng mga School Forms at tiyak na hindi na rin naman siya makakatulog pang muli.Nakaupo siya sa tabi ng counter table, tulala, napapaisip na sa kabila ng tagumpay na nararanasan ay may taong mang-gugulo sa kanyang tahimik na buhay. She’s an independent woman. She have almost everything with a great job as a Master Teacher at the age of 28. Sa katunayan, siya ang Head ng Science Department sa Public High School na kanyang tinuturuan. She already bought herself a town house and a car. She also have a loving a

DMCA.com Protection Status