Um-order na lang ng dalawang Tequila Rose sina Lenie at Zyra. Noong mga oras na iyon ay hindi pa napapansin ni Zyra na nasa katabing table nila si Lance.Kaso, dahil tingin nang tingin si Lenie sa kabilang table ay nilingon na iyon ni Zyra. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita si Lance na may kasamang iba.“Ay, hindi na yata ikaw ang gusto ni Lance,” bulong ni Zyra sa kaibigan.“Hmm, okay lang naman ‘yon. Okay nga ‘yon eh. Hindi na kami magkakaproblema kasi may iba na siya,” sagot naman ni Lenie pero sa loob-loob niya ay masakit ang kanyang nakita.“Eh bakit ganyan ang tono mo? Parang malungkot ka. Nagseselos ka ba?” tanong ni Zyra, concerned sa feelings ng kanyang kaibigan.Bago pa makasagot ang kanyang kaibigan ay dumating naman ang kanilang order na pagkain. Saka lang sila natuloy sa kanilang pag-uusa nang umalis na ‘yong waiter. “Ha? Ako, nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Ikaw talaga, kung anu-ano nasa isip mo,” sagot ni Lenie, ngumiti siya para hindi na mapansin
Pagkatapos ng dalawang araw ay agad na pinatawag ni Lance si Lenie sa kanyang secretary na si Feliz. Noong una ay akala ni Lenie na si Mr. Alfredo Martinez ang nagpapatawag sa kanya.“Bakit daw ako tinatawag ni Mr. Martinez? May sinabi ba siya sa iyo, Feliz?” tanong ni Lenie. “Ah, ewan ko lang. Nakasalubong ko lang siya kanina tapos ang sabi niya sa akin ay tawagin daw kita. Hindi ka niya mahanap eh,” sagot naman ni Feliz kay Lenie. “Sige, puntahan ko na lang siya sa office niya. Salamat,” iyon na lang ang sinabi ni Lenie.Paalis na sana siya noon para puntahan si Mr. Martinez nang biglang tinawag ulit siya ni Feliz.“Lenie, ‘yong batang Martinez ang may tawag sa iyo, ha? Hindi ‘yong matanda. Nasa meeting ngayon si Mr. Alfredo, baka bigla ka na lang pumasok doon.”Natigilan si Lenie noon at nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ni Feliz. Para tuloy ayaw na niyang kumilos. Hanggang sa tinawag ulit siya ni Feliz para kunin ang atensyon niya.“Uy, Lenie. Ano? Hindi ka ba kikilos dyan? K
Sa kabilang banda ay inalam naman ni Alice ang number ni Lenie sa isang kaibigan. Gusto niya itong makausap ulit dahil pakiramdam niya ay ito ang magiging hadlang sa kanila ni Alexis. “Feliz, katrabaho mo si Lenie Santos, ‘di ba? May number ka ba niya?” Tanong ni Alice habang sila ay nasa isang coffee shop. “Oo, bakit? Bakit mo siya kilala? Ay teka, hahanapin ko lang sa contacts ko ang number niya at ibibigay ko sa iyo,” sagot ni Feliz pagkatapos ay tiningnan ang kanyang contacts. “Ah, katrabaho kasi siya dati ng boyfriend ko. May gusto lang kasi akong itanong sa kanya kaya gusto kong kunin ang number niya,” pagsisinungaling naman ni Alice. “Ah, sige. Ito ang number niya,” sagot ni Feliz pagkatapos ay binigay niya ang kanyang cellphone para kopyahin ni Alice ang number ni Lenie. “Sige, na-save ko na. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Salamat,” sagot ni Alice pagkatapos ay sinauli na niya ang cellphone kay Feliz. Nang makauwi na sa mansion ay agad na tinawagan ni Alice si Le
Pagdating ni Lenie sa restaurant kung saan siya pinapapunta ni Alice ay nagulat siya dahil masama agad ang tingin ng babae sa kanya.“Alice, akala ko ba ay mag-uusap tayo tungkol kay Javi? Bakit ganyan ka makatingin ngayon sa akin? May problema ka na naman ba?” tanong ni Lenie pagkatapos ay umupo sa upuang nasa harapan ni Alice.“Hay, naku Lenie! Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin magaling! Uto-uto ka pa rin! Kaya ka naloloko eh!” sagot naman ni Alice.Nagtaka man ay na-gets na ni Lenie agad kung ano man ang gustong sabihin sa kanya ni Alice.“Niloko mo na naman ako? At ginamit mo pa si Javi para papuntahin ako rito? Teka, matanong nga kita. Ano bang nakukuha mo sa paggaganto mo, ha?” inis na sagot ni Lenie.“Para lang alam mo na may tinik pa rin sa buhay mo. Kahit anong gawin mo ay hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa buhay namin!” sigaw ni Alice kahit na rinig pa siya sa buong restaurant.“Tinik? Ano bang pinagsasabi mo? Sa pagkaka-alala ko kasi, nasa iyo na si Javi at Al
Nang umuwi na si Alice sa mansion ay agad siyang nag-ayos. Hindi pa naman bumabalik sina Beverly at Javi kaya may oras pa siya para magpaganda. ‘Kailangan ay maganda ako kapag umuwi si Alexis. Kailangan kong bumawi sa kanya kasi ang dami kong kasalanan sa kanya.’Habang nagme-make up ay may isang unknown number na tumatawag sa kanya. Hindi niya agad nasagot iyon dahil busy pa siya.Nang tumawag ito ulit ay nasagot na niya. Excited pa siya dahil akala niya’y si Feliz iyon at nakikigamit lang ng ibang number.“Feliz, nakausap ko na si Lenie. Okay na-” tumigil lang siya sa kanyang pagsasalita nang marinig ang boses sa kabilang linya.“Feliz? Hindi ako si Feliz.”Nanlaki bigla ang mga mata ni Alice. Sa palagay niya ay kilala niya ang boses na iyon pero umaasa siyang nagkakamali lang siya.“S-Sino ‘to?” nauutal na tanong niya.“Imposibleng hindi mo ako kilala. Ilang taon tayong magkasama. Hindi mo pa rin ako kilala?” sabi noong lalaki sa kabilang linya.“Impossible,” bulong ni Alice pero
Pagkatapos ng kalahating oras ay dumating na si Alexis. Naamoy niya agad ang kalderetang baka na niluto nina Manang Edith at Alice. Excited siyang pumunta sa may kitchen para tikman iyon kahit na pagod pa siya galing sa trabaho.“Manang Edith, buti na lang po at ito ang niluto ninyo para sa akin. Sakto, pagod ako sa trabaho kaya gutom din ako,” sabi ni Alexis pagkatapos ay tinikman na ang kalderetang baka.“Ah, oo. Iyan talaga ang niluto ko para sa iyo. Ano? Masarap ba?” tanong ni Manang Edith.“Oo naman, ikaw ang nagluto eh. Masarap talaga ‘to sigurado,” sagot ni Alexis at nag-thumbs up pa.Mahigpit kasi na bilin ni Alice na huwag munang sasabihin kay Alexis na tumulong siya sa pgluluto dahil panigurado ay hindi niya iyon kakainin.Masasayang lang ang effort nila kapag nangyari iyon.Kakain na sana ng dinner si Alexis nang mapansin si Alice habang makatayo ito at pinagmamasdan siya. Nagtaka siya kung bakit ayos na ayos ang dalaga pero inisip na lang niya na baka may pupuntahan itong
“Ano? Kay Lenie ang singsing na iyon?! Hindi pa rin pala ako ang pinipilit mo?” hindi makapaniwalang sagot ni Alice.She is mad. Wala pa rin pala talagang pagmamahal para sa kanya si Alexis. Gusto niyang magwala noon pero nahihiya siya kay Beverly.Napaupo na lang siya sa may kama at napahilamos ng mukha. Si Alexis naman ay makatayo lang doon at nakayuko. Nahihiya siya kay Alice dahil sa pag-aakala na para sa kanya ang singsing na iyon.Sinubukan niyang lumapit sa babae para humingi ng sorry pero galit na galit ito sa kanya. Tahimik lang itong umiiyak habang nakaupo.“Alice, I’m sorry. Matagal ko nang binili iyon, hanggang ngayon ay nasa akin pa rin dahil mahal ko pa rin siya. Umaasa ako na ba lang araw ay maisusuot niya ang singsing na iyon,” sabi ni Alexis na lalong kinagalit ni Alice.Para kasing sinampal pa ni Alexis sa kanya ang katotohanan na kahit kailan ay hindi siya kayang mahalin nito.“At talagang sinabi mo pa iyan sa akin? Oo! Alam kong hindi mo ‘ko mamahalin pero huwag m
Kinaumagahan, habang nakain ng breakfast si Beverly ay nakita niyang paalis si Alice kasama si Javi at laking pagtataka niya rin na may dala itong maleta. Agad niyang tinawag si Alice para itanong kung saan sila pupunta. Kinakabahan na siya dahil may pakiramdam siya na aalis na ang dalawa sa poder niya.“Hija, bakit may dala kang maleta? Saan kayo pupunta ng apo ko?”“Mommy, I’m sorry po ha? Pero mukhang hindi ko na po kayang tumira rito kasama ang anak niyo,” sagot ni Alice.Nagtataka naman si Beverly dahil ang alam niya ay itutuloy na ng kanyang anak ang pagpapakasal kay Alice.“Ha? Ano bang sinasabi mo, anak? ‘Di ba’t nag-usap na tayo? Itutuloy na ninyo ni Alexis ang pagpapakasal. Ano na naman ba ang nangyari at magka-away na naman kayo?” may pag-aalala sa boses ni Beverly dahil ayaw niyang malayo sa kanyang apo.“Itanong niyo na lang po sa anak niyo kung ano ang nangyari kagabi. Siya naman po kasi ang may kasalanan ng lahat eh,” sagot naman ni Alice.Pagkatapos noon ay biglang lu
AFTER 9 MONTHS. . Sumasakit na ang tyan ni Lenie dahil siya ay manganganak na. Hiyaw na siya nang hiyaw kay Alexis dahil ang bagal nitong kumilos. "Alexis! Ano ba? Please naman! Bilisan mo ang kilos! Ang sakit-sakit na ng tiyan ko!" "A-Ah, sige. Kay Dante ka na muna magpa-drive. Susunod na lang ako sa inyo!" sagot ni Alexis, nagmamadali at hindi na rin alam kung ano ang kanyang gagawin. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi pwede! Hindi naman siya ng anak ko kung hindi ikaw!" inis na sagot ni Lenie. "Sige na, gawin mo na asawa! Please! Hindi nsman pwedeng dito ka manganak!" sagot ni Alexis pagkatapos ay sinamahan ang kanyang asawa kay Dante. Nanlaki ang mga mata ni Dante ng lumapit na sa kanya ang mag-asawa, dala-dala ang mga gamit nila. "Dante, ikaw muna ang bahala sa kanya, ha? Susunod ako sa ospital," bilin ni Alexis. "Po? Hala, manganganak na nga talaga si Ma'am Lenie! Sige po, Sir!" madaing pumunta si Mang Dante sa kotse kaya naisakay agad nila si Lenie roon. "Ahhh
AFTER A YEAR. . .Mula sa labas pa lamang ng kanilang bahay ay mainit na halik ang agad na sumalubong kay Lenie, hanggang sa makapasok sila ng kanilang bahay ay wala na itong pakialam kung mabangga bangga man ang kanilang mga likod sa pader at sa pinto sa intensidad ng kanilang halikan. Parehas man na nag-init ay naglakas ng loob si Lenie na putulin ang kanilang halikan nang nagsisimula nang tanggalin ni Alexis ang suot na blusa ng asawa. Malamlam ang mga matang nakatingin si Alexis na may pagtataka sa asawa. "O, bakit napatigil ka? May problema ba?" tanong ni Alexis, halatang dismayado sa ginawa ni Lenie. "A-Ah, hindi. Gusto ko muna kasing maligo bago tayo- hmmm-alam mo na," sabi ni Lenie na halos magkulay kamatis na ang pisngi sa hiya.Napansin naman iyon ni Alexis na ikinangiti ng lalaki at mas lalo pa siyang tinukso. "Ah, yun lang ba? Naku naman. Kahit na hindi ka pa naliligo ay gusto ko ang amoy mo.” saad nito sa mababa at nakakaakit na boses. “Kaya, tara na. Please?" na
Sa reception pa lang ng kanilang kasal ay kung anu-ano na ang naririnig ni Lenie sa mga bisita. Ang iba ay gusto na magkaroon sila ng anak at 'yong iba naman ay ayaw. Hindi tuloy niya alam ang gagawin. Pressured na siya agad kahit na kasisimula pa lang niya bilang isang Ramirez."Naku, huwag niyo naman po sanang i-oressure ang asawa ko. Isa pa, may anak naman po kami. Si Javi, 'di ba po? Mas okay na maging tutok muna kami sa kanya . Tutal, bata pa rin naman po siya eh," sabi ni Alexis."Ha? E di ba, anak mo iyon kay Alice? 'Yong nakulong? Alam mo, mas maganda pa rin na sa inyong dalawa manggaling ang bata. Iba ang pakiramdam," sagot ng isa sa mga bisita nila sa kasal.Minabuti nila na paalisin na sa tabi nila si Javi dahil ayaw nillang marinig ng bata ang kahit na anong sasabihin pa noong bisita nila. Napapikit na lang sa inis 'yong dalawa at kitang-kita naman iyon ni Beverly."Yaya Sol, ipasok mo muna si Javi sa loob. I-check mo baka kailangan na niyang matulog. Sigurado akong pagod
Pagkatapos ng ilang linggo ay napagpasyahan ng dalawa na magpaalam kay Alice. Hindi man nila alam kung anong magiging reaksyon niya ay gusto pa rin nilang i-try iyon lalo na at aalis sila ng bansa kasama si Javi pagkatapos ng kasal. "Sigurado ka ba rito? Alam mo naman kung anong ugali ang meron ang babaeng iyon. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya mapatawad," sabi ni Alexis. "Alexis, hanggang hindi niya pa ako napapatawad ay hindi ako titigil. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit umaasa pa rin akong magkakaayos kami kahit parang malabo nang mangyari iyon," sagot naman ni Lenie. "Hay, naku. Bilib talaga ako sa iyo. Kaya, ikaw ang pakakasalan ko eh. Ang tapang mo. Sobra. Sana lang talaga ay mapatawad ka na niya at syempre, mapatawad na rin niya ang sarili niya. Siya naman kasi ang may kasalanan ng lahat eh," sagot ni Alexis pagkatapos ay hinalikan sa noo ang kanyang fiancee. "Naku, kung anu-ano na naman ang kalokohang lumalabas dyan
Nagulat na lang si Lenie nang makita na sa isang magandang outdoor restaurant siya dinala ni Mang Dante. Mas nagulat siya nang makitang naroon ang lahat ng malalapit na tao sa buhay niya. May nabubuo na siya sa isip niya kung bakit sila naroon pero ayaw niyang mag-assume ng mga bagay. "Pasensya na po, Ma'am ha? Napag-utusan lang po ako," sabi ni Mang Dante pagkatapos ay nag-park ng kotse. "Ah, wala po iyon. Pasensya na rin po at napag-isipan ko kayo nang masama kanina, wala naman po sa isip ko na isu-surprise nila ako," sagot ni Lenie. Nang makapag-park ng kotse ay inayos na ni Lenie ang kanyang gamit at bumaba na siya mula roon. Unti-unti siyang naglakad papunta sa loob. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar na iyon. Lumingon siya sa bawat sulok noon at nakita sina Zyra at Lance. Naroon din si Beverly na buhat si Javi. Surprisingly, naroon din ang ibang empleyado ng RCG. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap ay um-attend pa rin sila.Nag
AFTER 1 YEAR. . . Nakakulong na noon si Alice at masayang naninirahan na si Lenie sa mansion ng mga Ramirez. Bumalik na siya sa RCG bilang employee ni Alexis at mahigpit niyang bilin na huwag siyang bibigyan ng posisyon sa kumpanya kahit na alam na niya ang mga pasikut-sikot dito. Naging mabuti na rin ang relasyon noong dalawa at nangako sila sa isa't isa na kahit anong laban sa buhay ay haharapin nila iyon nang magkasama. Habang sila ay kumakain ng lunch ay biglang nagsalita si Beverly. "Lenie, when will you be having your baby? Aba, kahit paano naman ay gusto kong magkaroon ng kapatid ang apo kong si Javi." Dahil sa sinabi ng matanda ay halos mabuga ni Lenie ang juice na kanyang iniinom. Si Alexis naman ay natatawa sa tabi niya. Nahihiya man pero sumagot na si Lenie dahil may takot pa rin siyang nararamdaman kapag si Beverly ang kausap niya. "Ah, Tita. Wala pa naman po sa plano namin iyan. Saka, hindi pa naman po ako inaalok ng kasal ng anak niyo," sa loob-loob ni Leni
Kinabukasan, pumunta sina Lenie, Alexis at Javi sa ospital kung nasaan si Alice. Noong una ay nag-aalangan pa sila kung papasok ba si Lenie sa loob. "Sigurado ka bang kaya mong harapin si Alice? Baka kasi mamaya kung ano naman ang sabihin sa iyo noon," pag-aalala ni Alexis bago sila pumasok sa kwarto ni Alice. Ngumiti lang si Lenie noon bago nagsalita. "Oo naman. Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Kasama ko na kayo, ano pang magiging problema ko?" sagot ni Lenie pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Alexis nang marinig iyon. "Ikaw talaga, sige na nga. Tara na!" sabi ni Alexis. Sabay-sabay silang pumasok sa loob. Nakita nila na ngumiti si Alice nang makita si Javi pero nawala ang mga iyon nang dahil nakita niya si Lenie. "Okay na sana eh, kaso bigla kong nakita 'yang babae na 'yan. Bakit naman pati siya, kasama? Alexis naman, okay na sa akin na kayo na lang ng anak ko ang bumisita sa akin!" reklamo ni Alice. "Alice, relax. Wala naman tayong magagawa na dyan, s
Nakauwi na si Lenie sa mansion noon. Sinalubong agad siya ni Manang Edith at ng iba pang kasambahay nina Alexis. Noong una pa nga ay nahihiya si Lenie dahil ngayon lang ulit siya napapunta sa mansion. Nginitian lang siya ni Manang Edith. "Si Mommy Beverly at Javi po, nasaan Manang Edith?" tanong ni Alexis sa matanda. "Ah, nasa playroom sila, Alexis. Hindi nga nila alam ng bata na darating kayo eh," sagot ni Manang Edith. "Ah, okay po. Pupuntahan na lang po namin sila. Salamat," sagot naman ni Alexis. Nagpunta na nga sila sa playroom noon. Kumatok sila sa pinto. "Pasok," sabi ni Beverly Nang buksan nila ang pinto ay gulat na gulat si Beverly dahil nakita niya si Lenie. Pansin ang hiya sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa dalawa habang hawak-hawak ang kamay ni Javi. Excited din na lumapit si Javi roon sa dalawa. "Alexis, anak. Bakit naman hindi mo sinabi na pauwi na pala kayo ni Lenie mula sa ospital? Aba, sana man lang ay nakapagpaluto ako ng pagkain para sa atin,
Pagdating pa lang sa labas ng kwarto ni Alice ay nalulungkot na si Lenie sa dami ng pulis na naroon. Hindi niya tuloy maiwasang maawa sa dating kaibigan. Nakaupo siya sa wheelchair noon. "Kailangan ba talaga ay ganito karaming pulis ang nakabantay sa kanya? Hindi mo ba pwedeng bawasan man lang? Hindi naman na siguro siya makakatakas?" sabi ni Lenie, para bang humihiling kay Alexis. "Pasensya ka na, Lenie. Ang mga pulis na ang may desisyon niyan, hindi ko na sila kayang paki-usapan. Baka raw kasi may iba pang kasabwat 'yang si Alice. Nag-iingat lang sila. Ang dami na kasi niyang kasalanan," sagot ni Alexis, nalulungkot siya na hindi niya magagawan ng paraan ang hiling ni Lenie. Tumango-tango na lang si Lenie noon, sa isip-isip niya ay may point din naman ang sinabi ni Alexis, pero sa pagkakatanda niya ay wala naman ng pamilya si Alice kaya mahihirapan na ito kung nagpaplano nga itong tumakas. Pagpasok sa kwarto ni Alice ay unang nagpakita si Alexis kaya nakangiti pa ang babae sa