Agad na pinasunod ni Beverly si Manang Edith para alagaan si Alexis sa ospital. Ang sabi ng mga doktor kay Alice ay may dengue raw si Alexis kaya ito nilalagnat ng malala.“Mommy, bata pa lang ba si Alexis ay may ganitong sakit na siya?” tanong ni Alice kay Beverly, alalang-alala siya.“Oo, bata pa lang si Alexis ay talagang sakitin na siya. Kung anu-anong gamot na nga ang ininom ng batang iyan noon,” sagot ni Beverly.Binantayan ni Alice si Alexis hanggang sa makarating si Manang Edith sa ospital. Niyaya muna ni Beverly na umuwi si Alice dahil kailangan nilang magpahinga.Pagbaba ng kotse ay agad na tinanong ni Beverly si Alice kung alam ba nitong nasa ospital din na iyon si Lenie.“Nakita ko nga pala si Lenie kanina sa ospital. Gusto yata niyang dalawin si Alexis. Ikaw, alam mo bang nandoon siya?” dahil sa tanong na iyon ay nanlaki ang mata ni Alice, baka mahuli kasi siya ng nanay ni Alexis na nagsinungaling.“A-Ah, baka nga po. Hindi ko po siya napansin kanina kasi busy po ako sa p
Ilang linggo na ang nakalipas at gumaling na si Alexis. Habang wala siya ay ang mag-asawang Ramirez muna ang nagpatakbo ng RCG.“Welcome back, Sir Alexis,” bati ni Vanessa.“Hello po, Sir Alexis, buti naman po at okay na kayo. Hindi po kasi kami sanay na wala kayo eh,” sabi rin ni Celeste.“I'm glad that you're back, Mr. Ramirez,” bati rin ni Zyra.At sunud-sunod na ang bumati kay Alexis. Hindi pa siya okay pero sinikap na niyang makapasok dahil feeling niya ay lalo siyang magkakasakit kapag hindi siya kumilos.“Thank you sa inyo, I miss everyone, lalo na ang trabaho. I'm very sorry if biglaan din ang sakit ko. Akala ko kasi ay simpleng ubo lang, hindi pala,” sabi naman ni Alexis.Ilang oras pa lang noon si Alexis sa opisina ay biglang pumasok si Celeste, nagtataka si Alexis kung bakit nagmamadali ito.“Celeste, anong meron? Bakit ka nagmamadali?” “Sir, ‘yong babae pong nakaaway ni Lenie noon. Gusto pong pumasok dito sa opisina ninyo. E, papayagan ko po ba siyang pumasok?” kita ang p
Nang dumating na nga si Lance sa mansion ay nakita niyang nag-uusap sina Beverly at Alice. Habang si Javi ay pinapakain naman ni Yaya Sol. Hindi muna siya lumapit sa mga ito, pinakinggan muna niya kung ano ang pinag-uusapan nila.“Oo nga po, Tita. I think, maganda po ang motif na sinuggest ninyo. Sa tingin ko naman po, hindi siya ganoon kasakit sa mata,” sabi ni Alice.“Buti naman at nagustuhan mo. Sana, magustuhan din ni Alexis, ano? Ay, teka. Alam niya ba kung ano ang pag-uusapan natin ngayon?” tanong ni Beverly.“Ah, hindi pa po eh. Hindi ko siya maderetso kanina noong pumunta po ako sa opisina niya. Ang sabi ko lang po sa kanya ay may kailangan kayong sabihin sa kanya. Kaya, kayo na lang po ang bahala mamaya pagdating niya,” sagot naman ni Alice.Doon na pumasok si Alexis sa mansion at biglang nagsalita. “Anong sinasabi niyo? Ano ba talaga ang pag-uusapan natin ngayon?” deretsahang tanong na ni Alexis sa kanila.“Anak, calm down. Umupo ka muna. Let’s have dinner first. Tama ka na
Biglang naalala ni Alexis na nakuha niya pala ang number ni Lenie bago umuwi. Nakita kasi niya ang kapirasong papel sa wallet niya.He dialed her number twice pero hindi ito sumagot. ‘Naka-save pa rin kaya ang number ko sa kanya kaya hindi niya ‘ko sinasagot?’Dahil hindi na nga sumagot si Lenie ay nilapag na lang niya sa lamesa ang kanyang cellphone at nag-shower na muna.Nang matapos ay narinig niyang nag-ring ang kanyang cellphone kaya sinagot niya agad ito pero hindi agad siya nagsalita.“Hello. Sino ‘to? Bakit ka tumatawag sa akin?” rinig niya sa kabilang linya. Napangiti na lang siya dahil narinig niya muli ang boses ng dating nobya. Lahat ng init ng ulo niya dahil kay Alice ay nawala.“Hi. Ako ‘to. Si Alexis. Hmm, can we talk, Lenie?” halatang nabigla si Lenie dahil hindi agad siya nakasagot.“P-Paano mo nalaman number ko? Nagpalit na ‘ko ng number ah, binigay ba sa iyo ni Zyra? Naku, ‘yong babaeng iyon-” natigilan lang si Lenie sa kanyang sinasabi dahil sumagot agad si Alexi
Um-order na lang ng dalawang Tequila Rose sina Lenie at Zyra. Noong mga oras na iyon ay hindi pa napapansin ni Zyra na nasa katabing table nila si Lance.Kaso, dahil tingin nang tingin si Lenie sa kabilang table ay nilingon na iyon ni Zyra. Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita si Lance na may kasamang iba.“Ay, hindi na yata ikaw ang gusto ni Lance,” bulong ni Zyra sa kaibigan.“Hmm, okay lang naman ‘yon. Okay nga ‘yon eh. Hindi na kami magkakaproblema kasi may iba na siya,” sagot naman ni Lenie pero sa loob-loob niya ay masakit ang kanyang nakita.“Eh bakit ganyan ang tono mo? Parang malungkot ka. Nagseselos ka ba?” tanong ni Zyra, concerned sa feelings ng kanyang kaibigan.Bago pa makasagot ang kanyang kaibigan ay dumating naman ang kanilang order na pagkain. Saka lang sila natuloy sa kanilang pag-uusa nang umalis na ‘yong waiter. “Ha? Ako, nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Ikaw talaga, kung anu-ano nasa isip mo,” sagot ni Lenie, ngumiti siya para hindi na mapansin
Pagkatapos ng dalawang araw ay agad na pinatawag ni Lance si Lenie sa kanyang secretary na si Feliz. Noong una ay akala ni Lenie na si Mr. Alfredo Martinez ang nagpapatawag sa kanya.“Bakit daw ako tinatawag ni Mr. Martinez? May sinabi ba siya sa iyo, Feliz?” tanong ni Lenie. “Ah, ewan ko lang. Nakasalubong ko lang siya kanina tapos ang sabi niya sa akin ay tawagin daw kita. Hindi ka niya mahanap eh,” sagot naman ni Feliz kay Lenie. “Sige, puntahan ko na lang siya sa office niya. Salamat,” iyon na lang ang sinabi ni Lenie.Paalis na sana siya noon para puntahan si Mr. Martinez nang biglang tinawag ulit siya ni Feliz.“Lenie, ‘yong batang Martinez ang may tawag sa iyo, ha? Hindi ‘yong matanda. Nasa meeting ngayon si Mr. Alfredo, baka bigla ka na lang pumasok doon.”Natigilan si Lenie noon at nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ni Feliz. Para tuloy ayaw na niyang kumilos. Hanggang sa tinawag ulit siya ni Feliz para kunin ang atensyon niya.“Uy, Lenie. Ano? Hindi ka ba kikilos dyan? K
Sa kabilang banda ay inalam naman ni Alice ang number ni Lenie sa isang kaibigan. Gusto niya itong makausap ulit dahil pakiramdam niya ay ito ang magiging hadlang sa kanila ni Alexis. “Feliz, katrabaho mo si Lenie Santos, ‘di ba? May number ka ba niya?” Tanong ni Alice habang sila ay nasa isang coffee shop. “Oo, bakit? Bakit mo siya kilala? Ay teka, hahanapin ko lang sa contacts ko ang number niya at ibibigay ko sa iyo,” sagot ni Feliz pagkatapos ay tiningnan ang kanyang contacts. “Ah, katrabaho kasi siya dati ng boyfriend ko. May gusto lang kasi akong itanong sa kanya kaya gusto kong kunin ang number niya,” pagsisinungaling naman ni Alice. “Ah, sige. Ito ang number niya,” sagot ni Feliz pagkatapos ay binigay niya ang kanyang cellphone para kopyahin ni Alice ang number ni Lenie. “Sige, na-save ko na. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Salamat,” sagot ni Alice pagkatapos ay sinauli na niya ang cellphone kay Feliz. Nang makauwi na sa mansion ay agad na tinawagan ni Alice si Le
Pagdating ni Lenie sa restaurant kung saan siya pinapapunta ni Alice ay nagulat siya dahil masama agad ang tingin ng babae sa kanya.“Alice, akala ko ba ay mag-uusap tayo tungkol kay Javi? Bakit ganyan ka makatingin ngayon sa akin? May problema ka na naman ba?” tanong ni Lenie pagkatapos ay umupo sa upuang nasa harapan ni Alice.“Hay, naku Lenie! Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin magaling! Uto-uto ka pa rin! Kaya ka naloloko eh!” sagot naman ni Alice.Nagtaka man ay na-gets na ni Lenie agad kung ano man ang gustong sabihin sa kanya ni Alice.“Niloko mo na naman ako? At ginamit mo pa si Javi para papuntahin ako rito? Teka, matanong nga kita. Ano bang nakukuha mo sa paggaganto mo, ha?” inis na sagot ni Lenie.“Para lang alam mo na may tinik pa rin sa buhay mo. Kahit anong gawin mo ay hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa buhay namin!” sigaw ni Alice kahit na rinig pa siya sa buong restaurant.“Tinik? Ano bang pinagsasabi mo? Sa pagkaka-alala ko kasi, nasa iyo na si Javi at Al
Nang magkaharap na si Alexis at Lester ay matapang na hinarap ng binata ang taong sumira sa babaeng pinakamamahal niya. "Walanghiya ka! Anong ginawa mo kay Lenie, ha? Bakit pati siya ay dinamay niyo rito?! Sa akin lang naman kayo galit, 'di ba? Bakit pati siya ay kinidnap niyo?!" sabi ni Alexis. "Paanong hindi siya makakasama sa kidnapping e pakialamera siya? Isa pa, tanungin mo ang fiance mo tungkol doon! Siya naman ang nagsabi sa akin na gawin 'yon eh!" matapang na sagot ni Lester. "Dapat sa inyo mabulok sa kulungan! Kayo ni Alice! Kayo talaga ang bagay, hindi kami!" sagot ni Alexis. "Huwag kang mag-alala, magsasama talaga kami ni Alice dahil sa akin lang siya! Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw pa rin ang pinipili niya kahit ilang beses mo na siyang sinaktan eh!" sabi ni Lester. "Dapat sa iyo ay mamatay na!" Babarilin na sana ni Lester si Alexis pero naunang magpaputok nang barilin si Lester ng isang pulis, natamaan siya sa puso at iyon na ang dahilan ng kanyang pagk
Kinabukasan ay agad na umalis si Alice para puntahan si Lester sa bahay niya. Handa na rin siyang sabihin rito na alam na ni Alexis ang totoo.Hindi man niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ex-boyfriend ay sigurado na kailangan niyang malaman iyon.Katok siya nang katok sa pinto, halos isang minuto rin iyon bago tuluyang buksan ni Lester. Halata na bagong ligo ang binata dahil basa pa ang kanyang buhok."Ano ba?! Bakit ang tagal naman yata bago mo buksan ang pinto?! Kanina pa ako dyan sa labas eh!" galit na sabi ni Alice, ni hindi man lang pinansin na nakahubad pa si Lester noon."Sorry ha? Naliligo ako noong kumakatok ka. Tingnan mo nga, nakahubad pa ako ngayon sa kamamadali," sagot ni Lester.Doon lang napatingin si Alice sa hubad na katawan ni Lester. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya pero naalala niya na hindi iyon ang pakay niya.Lumapit pa sa kanya si Lester, nilaland-landi siya. Pilit na nilalapit ang kanyang katawan kay Alice, para bang inaaya siyang guma
Naiyak naman agad si Beverly nang makita si Javi. Agad niya itong kinalong at niyakap nang bumaba sila sa kotse. Si Yaya Sol ay inutusan ni Alexis na ayusin ang mga gamit ni Javi kaya umalis agad ito at pumunta sa kwarto ng bata. Nagulat naman si Alexis dahil hatinggabi na noon. Ang alam niya ay tulog na ang kanyang ina. "O, Mommy. Bakit gising pa po kayo? 'Di ba tulog na po kayo kanina? Sige na po, matulog na ulit kayo, anong oras na rin po eh," sabi ni Alexis, para bang inuutusan niya ang kanyang ina. "Naku, hindi na ako makatulog kanina. Kukuha lang sana ako ng tubig na maiinom pero ang sabi kasi ng mga maid ay umalis daw kayo ni Alice kaya hinihintay ko na kayo," sabi ni Beverly. "Mommy, ngayon na okay na po at nakauwi na po kami, pwede na po kayong matulog ulit," pilit ni Alexis sa kanyang ina. Hindi naman iyon pinansin ni Beverly, kay Javi lang siya nag-focus habang nilambing-lambing siya nito. "Diyos ko, salamat naman sa Diyos dahil nakita na kita agad, apo. Naku,
Nagulat na lang si Alice nang makita kung saan patungo ang kotse ni Alexis. Inis na inis siya dahil hindi niya akalain na lolokohin siya ni Yaya Sol.'Yaya Sol! Akala ko ay loyal ka sa akin, hindi pala! Nalintikan na!'Sinundan niya si Alexis at Lance at nagtungo nga ito sa kwarto kung saan nandoon sina Yaya Sol at Javi. Napapikit na lang siya sa inis dahil hindi niya alam kung paano niya pa malulusutan 'tong gusot na ito.Sa kabilang banda naman ay masaya si Alexis na makita ang kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit, naluluha-luha pa siya."Salamat sa Diyos at nakita na kita, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nitong mga nakaraang araw. Para na 'kong baliw dahil pabalik-balik ako sa pulis para humingi ng update," sabi ni Alexis habang naglalaro si Javi."Hi, Daddy! Are we going to play?" tanong ni Javi, parang walang alam sa nangyayari.Ngumiti lang si Alexis pagkatapos ay tumayo para tingnan kung may galos ang kanyang anak sa kahit saang parte ng katawan nito. Nakahinga si
Inayos muna ni Alice ang kanyang sarili bago siya umarte na para bang walang alam sa nangyayari. Umabot pa iyon ng isang minuto bago siya tuluyang humarap kay Alexis. "Ha? Anong pati si Lenie ay nakidnap? Saan mo naman nasagap 'yan?" tanong niya, nagpapaka inosente sa mga nangyayari. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. Kaya kung ako sa iyo ay mag-focus ka rito sa paghahanap sa anak natin. Hindi 'yang kung anu-ano ang inuuna mo." Pagkasabi noon ay pumanhik na ulit sa taas si Alexis. Inis na inis naman si Alice dahil hindi nakalusot ang kanyang alibi. Nang makapasok na si Alexis sa kanyang kwarto ay nagtataka siya dahil nagri-ring ang kanyang cellphone. Unknown number iyon pero sinagot niya agad dahil ang nasa isip niya ay baka isa iyon sa mga kidnapper. "Hello, sino ito? Anong kailangan mo?" tanong ni Alexis sa kabilang linya. "S-Sir, si Yaya Sol po ito. Gusto ko na po sanang aminin ang lahat ng nalalaman ko. Pasensya na po at ngayon ko lang 'to sasabihin," bulong
Nakarinig ng pagbukas ng pinto si Lenie noon kaya agad siyang gumalaw. Tatlong araw na siyang naka-blindfold at hirap na hirap sa kanyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kanya. Sa totoo lang ay gusto na niyang sumuko pero umaasa pa rin siya na may magliligtas sa kanya.Pagkatapos noon ay naramdaman niya na may papalapit na tao sa kanya. Hindi niya alam kung isa o dalawa iyon. "Ano na naman ba ang gusto niyo? Ano pa ang kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo na ako rito!" sigaw ni Lenie."O, akala ko ba ay okay ka na rito? 'Di ba, sabi mo ay ikaw na lang ang itira dito basta maligtas na ang anak ko? Bakit ngayon ay hinihiling mo na makaalis dito?"Agad na uminit ang ulo ni Lenie nang marinig ang boses ni Alice. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o magagalit sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya talaga lubos akalain na magagawa ito ng taong dati niyang pinagkakatiwalaan."Ganyan ka na ba talaga katigas, Alice? Anong nangyari at nagkaganyan ka? Wala naman akong pina
Ilang araw nang nawawala si Lenie noon pero hindi pa rin siya nahahanap ni Lance. Naiinis na nga rin si Daphne dahil hindi niya masolo si Lance dahil sobrang busy niya sa paghahanap kay Lenie. "Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang ang kasong iyan sa mga pulis? I mean, hindi ba dapat ay sila ang mag-asikaso niyan?" sabi ni Daphne. "I know that they are doing their job but Lenie's case is different. I really want to help her," sagot naman ni Lance na busy sa kanyang phone. "Different? Why is it different? I mean, yes. You are friends with her pero sobrang seryoso ka sa paghahanap sa kanya. Hindi na kita nakakasama," pagmamaktol ni Daphne, halatang miss na niya si Lance. "I know, and I'm sorry. Promise, kapag nahanap na siya, all my time will be yours. Okay? Pagbigyan mo muna ako dahil nawawala ang kaibigan ko," sagot ni Lance pagkatapos ay naging busy na ulit sa kanyang phone. Hindi naman na siya pinansin pa ni Daphne dahil baka mag-away lang sila kapag pinatulan niya iyon. Um
Nang dumating na si Lenie roon ay narinig agad niya ang iyak ni Javi. Naka-blindfold man ay alam niya agad na ang iyak na iyon ay galing sa batang pinakamamahal niya. "Javi, anak? Nandito na si Mama!" sigaw niya, wala siyang pakialam doon sa mga lalaking dumukot sa kanya."Mama! I'm hurt!" sigaw ni Javi kaya lalong nag-alala si Lenie para sa kanya. “Sorry, anak. Kailangan mo pang pagdaanan ito dahil sa amin. Mama will make things , okay? Aalis ka rito. I promise you that!” sagot ni Lenie, hindi man kita pero tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.Dahil naiinis na ang mga lalaking kumuha sa kanila ay pinagalitan nila si Lenie. Lalo pa silang nainis dahil umiiyak at humihingi na ng tulong si Javi kaya sobrang ingay nito.“Ikaw, dumating ka lang ay biglang umiyak na ‘yong bata! Tumahimik ka na nga, baka mamaya dahil sa ingay mo ay biglang barilin na lang kita dyan!” sigaw noong isang lalaki.“Sige! Basta, huwag mo lang idadamay ‘yong bata. Kahit ako na lang ang igapos niyo o di kaya
Agad na tumawag si Lenie kay Zyra para ibalita sa kaibigan ang pagkawala ni Javi. Noong una ay hindi pa agad iyon nasagot ni Zyra kaya nakailang tawag pa si Lenie sa kanya. "O, bakit napatawag ka? May inasikaso lang ako kanina kaya hindi ko nasagot agad," sabi ni Zyra sa kabilang linya. "Ah, si Javi kasi," sagot ni Lenie, hindi alam kung paano ikekwento sa kaibigan ang nangyari. "Anong nangyari? Nasa ospital ba? May sakit?" sunud-sunod na tanong ni Zyra. "Nawawala, Zyra. Nawawala siya. K-Kinidnap ni Lester," nauutal na sagot ni Lenie. Halata namang nabigla si Zyra dahil hindi agad siya nakapagsalita. Makaraan ang isang minuto ay may lumabas na sa kanyang bibig. "Si Lester? Paanong si Lester? I mean, oo galit siya kay Alice pero para idamay niya ang bata? Parang nakakabigla naman." "Kaya nga eh, pero Zyra, tinawagan niya kasi ako. Sinabihan na niya ako na gagawin niya iyon. Sinabi ko kay Alice pero hindi naman siya naniwala sa akin. Ang sabi pa nga niya, baka kasabwat ako ni Les