Share

Chapter 2

Author: Gixxserss
last update Last Updated: 2021-03-08 08:57:17

"Gooodddmmooorrninnngggg,  classmates!" malakas kong bati sa kanila sabay ngiti habang papasok sa classroom. 

Ang totoo niyan classmate ko si Darrel kaya palagi akong ngumiti at masigla. Kinikilig ako basta't nakikita siya.

Huminto ako sa harapan niya at matamis na ngumiti, "Goodmorning, Darrel." Pa-cute kong sabi pero syempre dineadma niya lang ko. Hindi pa talaga ako nasanay. Kapag nagpe-perform sila napaka-friendly niya sa totoong buhay napakasuplado niya. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko siya. Minsan naiinis din ako sa sarili ko.

"Goodmorning din, Pen." Sabi ng Gitarist nila, imbis na siya ang bumati iba na tuloy. Si Yohan lang siguro ang pinakamabait sa kanila. Mabuti pa siya sumasagot. Oo nga pala lagi naman. 

Sila lang yata ang mag best friend na hindi nagpapansinan masyado at ang drummer nilang si Paul? Gano’n din kung practice lang yata sila nag-uusap. Ewan ko ba. Pagkatapos ng performance parang may iba't-ibang mundo silang lahat.

"Hi, Yohan." Ngiti kong sambit. Umupo ako sa katabi niyang upuan dahil seatmate kaming dalawa at siya lang yata ang close ko dito. Wala kasi akong friend. Ang sad ng life ko 'di ba?

"May assignment ka ba d'yan?" tanong ko habang pilit na tinitingnan ang notebook niya. Tinatamad kasi akong mag research ng sagot. 

"Syempre meron. Bakit? Kokopya kana naman? Eh research lang naman 'to. Parang ako nadin sumagot ng assignment mo."  Daldal niya sa'kin. Umikot ang mata ko ng marinig ko na naman ang lagi niyang sinasabi sa'kin. 

Ang totoo nangongopya lang talaga ako sa kaniya. Bakit? Eh tinatamad ako eh. Nature ko na yata ang mangopya ng assignment. Assignment lang naman 'pag quiz or exam hindi ako nangongopya! Nag-aaral talaga ako kahit konti. Nakakapasa naman.

"Oh eto na! Kawawa ka naman." Sabi niya habang lumalabi. Ang cute niya tuloy tingnan. 

"Salamat, Yohan. Ang gwapo-gwapo mo talaga. Sa susunod ako na ang magiging Presidente ng fans club mo," sabi ko. Marahan ko siyang kinurot sa pisngi at ngumiti sa kaniya. 

"Gano'n ba talaga ako ka cute?" tanong niya na halos kumislap ang mga mata niya na habang bumubuka-buka.

Tumawa ako at tumango. 

"Promise gagandahan ko ang banner." Itinaas ko ang kanang kamay ko habang pagmamalaki kong sabi sa kaniya. 

"Pa’no si Darrel?" Nagtataka niyang tanong habang nakataas ang kilay niyang tumingin sa'kin.

"Madami namang iba d'yan eh. Sa'yo nalang ako." Pagdadahilan ko. Itinaas-taas ko ang dalawa kong kilay habang matamis na sinasabi 'yon.

"Talaga sa'kin kana?" Buong lakas niyang tanong habang hindi mawala ang ang pagkamangha sa buong itsura niya. 

Gulat kaming napatingin kay Darrel ng marinig namin ang malakas niyang pag-ubo. May sakit ba siya ngayon? Nasobrahan yata siya kakapracticeHayyss...si Darrel talaga hindi inaalagaan ang sarili niya.

Alagaan na lang kaya kita?

Bumalik ang tingin namin sa isa't-isa. "Oo naman. Puwedi mo na akong kunin kahit anong oras." Tumawa kaming dalawa ng makarinig kami ng kantyaw ng mga kaklase namin. Nakita kong namula si Yohan dahil sa ginawa nila. Nahiya ba siya?

"Dalian mo na nga diyan. Nandyan na si Ma'am maya- maya." Pag-iiba niya ng topic. Ngumiti ako ng patago.

Tinaasan ko siya ng kamay malapit sa mukha at tumango "Kalma kalang okay? Ako bahala." 

Dali-dali akong sumulat kahit ang pangit na ng penmanship ko. Sorry na lang kayo. Ang importante ay may assignment ako.

"Anong sulat kamay 'yan? para kang lalaki!" singhal niya.

What?! 'pag babae dapat maganda ang penmanship? 'Pag lalaki okay lang na pangit? 

Kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya, "Penmanship lang naman eh. Pinoproblema pa. Ang iba nga hindi marunong mag sulat."  

Mabuti na 'yong pangit ang penmanship. Ang mahalaga ay marunong kang magsulat.

"Hayyy," bumuntong hininga siya  at masamang tumingin sa'kin. 

"Ikaw talaga napaka-resonable mong babae!" tumaas ang boses niya habang pinipingot ang tenga ko.

"Aray! Bakit sumisigaw ka?!" tumaas din ang boses kong tumingin sa kaniya.

"Hindi ah. Parang hindi mabiro." Tumawa ako na lang ako ng palihim sa sinabi niya. Ano bang problema niya?

"Ano ba 'yan? Ang ingay naman. Puwedi ba kapag nag uusap kayo. Hinaan n'yo, 'yong kayo lang ang makakarinig."  Sabi ni supladong Darrel habang iniikot-ikot ang daliri niya sa loob ng tenga niya.

May dumi yata siya sa tenga. Teka ng may cotton buds ako sa bag.

Inabot ko sa kaniya ang isang box ng cotton buds. "Oh?" 

Kumunot ang noo niyang tumingin sa'kin. "Aanhin ko 'yan?" asik niya.

"Hindi mo maabot ng daliri lang ang dumi sa tenga mo, kaya gamitin mo 'to." Mahinahon kong sabi habang inaabot sa kaniya.

"Wtf! Are you insane?"

"Ofcourse not! Tinutulungan ka lang eh. Edi 'wag!" binawi ko ang kamay ko at isinauli ang cotton buds sa bag ko. Nagmamalasakit lang naman ako ah?

Tumawa ako sa isip ko. Binibiro ko lang naman siya. Nakakatuwa siya habang nagagalit. Parang istriktang teacher ang itsura niya 'pag hindi niya gusto kung gaano ka pasaway ang estudyante niya.

"Para kang tanga." Bulong ni Yohan sa'kin habang umiiling. 

Tumawa ako ng mahina. "Napaka high-blood niya kasi."

"Hayaan mo na. Napakamainitin lang talaga ng ulo niya."

************


Naghiyawan kaming lahat ng marinig ang pag ring ng bell. Hudyat na lunch na. Nagugutom na ako.


Tumayo na si Sir Agasi at nagligpit ng mga libro niya. "Goodbye, class." He said at tumalikod na agad.


"Goodbye, Sir Agasi." Sigaw naming lahat. Dali-dali akong nagligpit ng gamit para habulin si Darrel papuntang cafeteria. 


My ghad baka maunahan ako ng iba sa tabi ng lamesa niya. 


Napasabunot ako ng sarili ng may nakita akong babae na tumabi sa mesa ni Darrel. Napasalampak ako sa ‘di kalayuang upuan na nakasimangot habang masamang tumingin sa mga babaeng kumakausap at nagpapa-cute sa kaniya.


Darrel, naman. Hindi mu'ko hinintay.


Nakapatong ang baba ko sa lamesa habang nanonood sa kanila ng ma-realize kong kailangan ko na pa lang mag order ng pagkain.


"Shit kailangan ko ng mag order." Bulong ko sa sarili. Dali-dali akong tumayo papuntang counter.


"What's your order, Miss?" tanong ni Kuya. Baguhan yata siya, hindi niya ako kilala.


"Isang beef steak, 2 cup of rice at 3 yakult please." Sabi ko habang naglalaway sa steak. Ang sarap kasi ng luto nila dito. Ewan ko ba.


Pagkakuha ng order ay bumalik na agad ako ng mesa. Napangiti ako ng makita kong naka upo si Yohan sa mesa ko.


''Ba't nandito ka sa mesa ko?, Andoon kaya si Darrel." Tinuro ko ang mesa niya mula sa malayo.


"Madaming babae, dito nalang ako. Isa lang ang babae pero ang bibig parang hindi babae.'' Tumingin siya sa'kin habang nagpapa-cute. Sumama ang mukha ko dahil sa huli niyang sinabi. Hindi pa ako nakakasagot ng mag salita ulit siya.


"Ayaw mo ba?" namungay ang mga mata niya habang nagpapaawa. Lumabi siya at tumingin sa deretso sa mga mata ko.


''Sige, diyan kana nga lang, wala naman akong kasama eh.'' Sumaya at lumiwanag mukha niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti agad siya ng matamis ng dahan-dahan niyang kinuha patago ang isa kong yakult.


"Akin 'yan." Bawi ko ng yakult habang masamang tumingin sa kaniya. Tumawa siya ng malakas at tumingin sa'kin.


Tawa siya ng tawa hanggang sa mahimasmasan siya. "Napakadamot mo naman! Yakult lang naman 'yan eh." Sabi niya habang tumatawa. 


Nagpuot ako. "Paborito ko 'to eh." 


"Sige bibilhan kita sa susunod." Bulong niya sa'kin. Tumango ako at ngumiti.


Nagsimula na kaming kumain. Pasulyap-sulyap ako kay Darrel habang ngumunguya. Nakakainis, may kasama na naman siyang ibang babae. 


Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang nagsalita si Yohan. "Magkasama nalang kaya tayong kumain lagi, Pen? Please." Nagpu-puppy eyes siya habang kumikislap ang mga mata. Bakit laging nagpapacute 'to? Explain n'yo nga.


''Bakit sa'kin? Baka ma-issue tayo, sige ka!" sumilay ang ngiti sa labi ko habang pinagbantaan ko siya. Pero wala naman talaga akong pakialam. IDGAF!


"Mabuti nga 'yon! Kahit sa issue lang ako magka-girlfriend." Sabi niya at tumawa. Parang tangeks 'to! Mula Junior High magkaklase na kami pero noon hindi talaga kami masyadong close. 


''Ako din, Kahit sa Issue lang magka-boyfriend." Tawa kami ng tawa ni Yohan habang nasa mesa kaya napapatingin ang ibang estudyante sa'min. Siguro naiingit lang dahil maraming nagkakagusto sa kasama ko.


''Hindi naman ako lugi sa'yo. Gwapo, mabait, matalino at higit sa lahat masipag mag aral." Pagmamalaki ko at kumindat pa sakanya.


"Ayyyss.. luging-lugi yata ako sayo, Peny." Napailing-iling siya habang nag-iisip.


"Hindi ka naman sobrang ganda, hindi din matalino at HINDI MASIPAG MAG ARAL!" asik niya sa'kin. Ngumunguya ako habang binibigyan siya ng masamang tingin. Diniinan talaga ang 'hindi masipag mag-aral' eh.


''Anong sabi mo?!" nilakasan ko ang boses ko habang matalim na tumingin sakanya.


"Joke lang. Ang ganda-ganda mo, Pen." Pinisil-pisil niya ang pisngi ko habang ngumingisi ng pilit. "Ang sipag 'pang mangopya."


''Putcha ka, Yohann!" dali-dali kaming dalawa na kumain na parang nagpapasiklaban. 


Nang makatapos ay uminom agad siya ng tubig at nagpaalam kaya hindi ko na natapos ang kinain ko at hinabol siya.

''Hintayin mu'ko, Yohan.  Makakatikim ka sa'kin!" nangagalaiti kong sigaw.  Tuwang-tuwa siya habang tumatakbo. Nang makapasok kami sa room ay para kaming mga batang naghahabulan.

Paikot-ikot kaming dalawa hanggang sa maramdaman kong sumakit 'yung tagiliran ko kaya napaupo ako sa upuan dahil sa sakit.

''Aray!" ngumiwi ako habang nakahawak ang isang kamay sa tagiliran. Hinihingal akong umupo para makaipon ng lakas.

Nakita ko ang nag-aalala niyang mukha.


''Penn, Sa'n ang masakit?" nag aalala niyang tanong.


''Wala lang 'to. Dahil lang siguro sa pag habol ko sa'yo." Binatokan ko siya agad.


''Aray! Parang lalabas naman ang utak ko sa pagbatok mo." Hinimas-himas ang batok niya.


"Satisfied?" tanong niya pa.


"Syempre hindi." Sumimangot ako. "Dahil sayo sumakit ang tagiliran ko."


"Bakit kasi hinabol mu'ko?"


"Ikaw kasi eh. Maganda naman ako ah? matalino din ako. Minsan lang talaga tinatamad ako." Pagdadahilan kong sabi habang nakanguso.

''Oo na, maganda nga." Sabay titig sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin.

''Do’n na tayo sa upuan natin." Inalalayan niya akong tumayo hanggang umupo kami sa upuan namin.

"Yohan, may itatanong ako," Napatingin siya bigla sa'kin.

''Ano ang mga tipo ni Darrel?"


"Syempre alam na alam mo naman na MAGANDA," May diin niyang sabi. "SEXY, MALAKI ANG BOOBS." Tingin sa dibdib ko. 


"Ano ba?!" asik ko.


"Totoo naman ah? Flat ka kasi." Todo-todo ang tawa niya habang nakahawak sa tiyan niya.

"Nakakarami kana sa'kin Yohan ah?” turo ko sa kaniya.

Sumeryoso akong tumingin sa kanya. ''May pag-asa pa kaya akong magustuhan niya?''


Napaubo siya bigla sa sinabi ko. ''Nahawaan ka din ba ni Darrel ng ubo niya?''


''Bakit ba kasi ako ang tinatanong mo? Gano’n mo ba siya kagusto?"


''Kasi kaibigan mo siya?" patanong kong sagot.


''Kasi ang totoo hindi ka naman mahirap magustuhan." Natulala ako sa sinabi niya. Ipinagsawalang bahala ko nalang


Biglang nagring hudyat na magpapatuloy na ang klase. Napaupo ako ng maayos ng pumasok si Darrel habang nakatingin sa'min.

Anong problema nito?

.

.

.

.

A/N: Team Yohan at Penny? Or Team Darrel at Penny? Comment, vote and share, Gixxies❤️



Comments (4)
goodnovel comment avatar
Helen Mateo
penny dareel
goodnovel comment avatar
mattzamudio22
darrel & penny...
goodnovel comment avatar
Elizabeth Orcullo
bahala na hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 3

    Naglalakad ako palabas ng Classroom ng marinig kong may tumawag sa phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at sinagot agad."Yes, Mom? napatawag ka?" tanong ko. Hindi naman kasi talaga siya tumatawag kaya nagulat ako."Where are you? Go home early, okay? may pupuntahan tayo." Sabi niya agad gamit ang masigla niyang boses. Saan naman kaya kami pupunta?"Saan po, Mom? Pauwi na po ako," sagot ko sa kaniya. Naglalakad ako sa hallway habang nililibot ang paningin. Nagmamadali kasi kanina si Darrel na lumabas eh. Tinamad na akong maghabol kaya pinabayaan ko na lang."Basta! pagdating mo ng bahay maligo ka at magpaganda, okay? Suotin mo 'yung bagong dress na bili ko ang kulay peach bagay 'yun sayo." Bilin niya saka namatay ang tawag.Hindi pa nga ako nakasagot binabaan na agad ako. Ano ba ang meron?Huminto ako malapit sa gate, "Hindi ko naman birthday ngayon, wala naman sigurong surprise ‘di ba?" tanong ko sa

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 4

    "Lopez condominium." Pagbasa ko sa mga letrang nakalagay sa isang matirik na building sa harapan ko."Dito na ako titira mag mula ngayon at bonus kasama pa si Darrel." Kinilig naman ako habang iniisip 'yon. Ready na ba ako sa kasungitan niya?"Ready'ng ready!"Pumasok na ako dala ang kulay abo kong maleta. Hindi ko pa dala ang ibang damit at mga gamit ko. Isusunod nalang daw sabi ni Mom. Siya naman ang maghahanda no'n kaya okay lang.Sumakay na ako sa kulay gintong elevator at pinindot ang 27th floor. Hanggang 50th floor itong condo pero pinili nila ang sa gitnang floor.Tumunog na elevator, hudyat na nakarating na ako sa floor na bababaan ko. Lumabas na ako. Habang naglalakad parang hindi ko maramdaman ang mga paa kong tumatapak sa sa sahig dahil sa kaba. Parang ang lamig ng hangin na umiihip sa'kin dahil sa namumuo kong malamig na pawis sa noo. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng cond

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 5

    Napagdesisyonan ko na sakyan lahat ng trip ni Darrel. 'Pag hindi ko na kaya, ayoko ko na. Totoo gusto ko siya pero sa pinapakita niyang ugali mas gugustuhin ko na lang maging matandang dalaga."Magandang buhay." Sigaw ko habang humihikab. Nag unat-unat ako bago tumayo.Naligo ako gamit ang maligamgam na tubig sa shower, ang lamig kasi alas 5 palang ng umaga. Nasa 6:30 ang klase namin, so kailangan maghanda ng maaga. Nag ayos muna ko ng kama at mga kalat sa kwarto. Ayoko ko kasi ng makalat.Matapos kong mag toothbrush at naglagay agad ako ng toner. Hindi ako mahilig sa make up, maputi at makinis naman ako kaya okay lang. Kinuha ko ang maganda kong uniform sa kabinet na above the knee skirt na kulay maroon. Medjas na hanggang tuhod, kulay white na long sleeve at coat na kulay maroon at may tatag na Thorn University. Nagbihis ako habang nakangiti."Wala akong pakialam kong ayaw mo sa'kin, Dar."Tinali ko na ang buhok kong kulot na mahaba

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 6

    Isang linggo na kaming magkakasama sa iisang bahay ng suplado at mainitin ang ulo na nilalang na 'yon.Hindi man lang nagbago ang trato niya sa'kin. Minsan hindi na siya nagluluto ng pagkain, kaya tinapay nalang ang kinakain ko, hindi kasi ako marunong mag luto. ‘Di ba? Ano 'to? Sumpa? Nakakainis siya pero wala akong magawa. Mas mabuti pa na nandoon ako sa bahay, tahimik pa ang buhay ko. May katulong na puwedi akong lutuan anytime. Mababait pa sila hindi kagaya ng kasama ko sa bahay napakabwesit. Nai-stress ako myghad!Lunes ng umaga at ang nakakainis ay hindi niya ako hinintay. Napakasama talaga ng ugali. Sino ang magtatagal sa gano'ng ugali aber? Dahan-dahan ng nawawala ang pagkakagusto ko sa kaniya. Nakakaturn off siya.Nagpapapadyak-padyak ako ng walang taxi na dumadaan. Male-late na ako sa school.Nandito ako nakatayo sa labas ng Lopez Condominium. Kung sana may driver ako, hindi ako maghihintay ng matagal dito.Nabigla ak

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 7

    Nang makarating kami ni Darrel ng Condo ay nauna na naman siyang naglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakayuko. Hanggang sa makarating sa unit ay hindi padin kami nag kikibuan.Nalimutan ko hindi pala talaga kami nag uusap. Hayyss. Bahala siya sa buhay niya.Pagkapasok na pagkasok namin ay dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Naisipan kong kausapin siya kaya pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto."Hindi pa yata siya lumalabas," bulong ko.Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya para tawagin siya."Darrel." Tawag ko."Pwedi ba tayong mag usap?" tanong ko mula sa labas ng pinto. Kumatok padin ako. "Darre--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto."What do you want?" malamig niyang tanong habang nakakunot noo."Pwedi ba tayong mag usap?kahit saglit lang?" napayuko ako habang nagsasalita. Hindi ko naman gusto

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 8

    Pagdating namin sa pinakamalaking mall dito sa Manila ay pumasok agad ako sa Expression. Bumili ako ng dalawang yellow at isang black na cartolina. Isang glue at gunting, pero pagtingin ko sa nakabuntot sa likod na si Darrel ay nakasimangot lamang ito."Ba't naka simangot kana naman?" malakas kong tanong."Hindi na kita fan? kay Yohan kana? Dapat sinusuportahan mu'ko!" sabi niya sabay irap kasabay ng pagkunot ng noo niyang mapuputi at lalong paniningkit ng mga mata niyang singkit.Bahagya ako tumawa. Ang cute niya tingnan."Ang suplado at lagi ka nalang galit. Na-realize ko na hindi na kita gustong supportahan." Sagot ko sa kaniya.Nagbayad muna ako sa counter at tsaka lumabas. Naka sunod lang siya sa'kin pero ng may makita kaming paparating na estudyante ng Thorn University ay nagtago ito sa isang boutique at nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya."’Di ba ikaw ‘yung girlfriend

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 9

    "May favoritism ka nuh? No'ng hinila ka ni Darrel tinapon mo agad ang pangalan ko, parang tinapon mo na din ako, ang sakit naman no'n." Sabi niya. Umarte pa siya na parang nasasaktan. Humawak siya sa puso niya at dumaing ng sakit."Nabigla lang talaga ako sa kaniya, hindi ko kaya iniexpect 'yun," sagot ko. Nagpa ikot-ikot ako sa kilig habang ngumingiti."Dream come true 'yun." Pagtingin ko sa kanya ay sa kawalan lang siya naka tingin kaya nagtaka ako."Uyy nakikinig ka ba?" I asked him."Ha?Ano yung sinabi mo?" tanong niya pabalik habang natataranta."Hindi ka naman nakikinig eh, 'wag na nga lang." Nauna na akong naglakad papuntang parking lot kaysa sa kaniya. Hihintayin ko si Darrel."Hintayin mu'ko, Pen." Sigaw niya habang humabol sa'kin, nang maabotan ay inakbayan niya ako."Sorry na, may inisip lang ako." Pagdadahilan niya. Ginulo ang buh

    Last Updated : 2021-03-08
  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 10

    Nakatayo kaming dalawa ni Darrel sa harap ng pinto na magkalayo habang hinihintay ang pagdating ng mga parents namin. Nami-miss ko na sina Mom at Dad kaya excited akong makita sila."Tsk!" napatingin ako ng masama kay Darrel habang umiiwas siya ng tingin."Edi wow." Sabi ko.Nakarinig kami ng doorbell hudyat na nandito na sila. Dali-dali akong nagpunta ng pinto para buksan ito pero hindi lang ako ang nakahawak kundi pati nadin kamay niya. Gulat na gulat akong napatingin sakanya habang nakatulala siya sa'kin. Nasa ilalim ang kamay ko at nasa ibabaw ang kamay niya. Parang tumigil ng ilang segundo ang oras at nagpatuloy ng makarinig ulit kami ng doorbell kaya sabay kaming dalawa bumitaw at nag iwas tingin. Nakakainis namumula ako. Ang init ng pisngi ko. Ang gwapo niya kasi, ang aga-aga.Narinig kong nagbukas ang pinto habang nakatalikod ako. Binuksan siguro ni Darrel."Bakit antagal niyong

    Last Updated : 2021-03-08

Latest chapter

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Special Chapter-Revelation 2

    Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Special Chapter -Revelation

    Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Last Chapter

    Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 41

    7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 40

    Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 39

    Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 38

    Umiiyak ako habang nakatago sa likod ni Darrel. Matapos ng nangyari kanina parang ayoko ng makita ang pagmumukha nila. Nasa loob kami ngayon ng office ni Dean Chavez, tanging hikbi ko lang ang naririnig dahil sobrang tahimik nila. Sobrang dumi na ng damit ko at sobrang hapdi ng mukha ko. Humarap sa'kin si Darrel at niyakap ako. Nakalong sleeve lang siya ngayon na kulay puti dahil pinasuot niya sa'kin ang coat niya. May sugat siya sa gilid ng labi dahil sa suntukan kanina."Wife, shhhhh..." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi pa nagsisimula kasi pinatawag pa sina Aria. Ewan ko kung nasaan na silang lahat. Mga pesteng 'yon. "I'm sorry. Dapat talaga hindi na kita hinayaang lumabas." Hinaplos niya ang marumi kong buhok. Parang wala lang sa kaniya 'yon."Ang hapdi ng mukha ko." Sabi ko sa gitna ng paghikbi ko. Kinuha niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at pinagmasdan ito. Lumungkot ang mukha niya. Pinunasan niya ang luha ko

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 37

    Balik na ulit sa normal ang lahat. Araw ng lunes ngayon at bukas kami papasok. Ano kaya ang balita sa school? Baka 'pag nalaman nilang kasal na kami lalong lalala ang sitwasyon.Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Darrel. Mukhang magluluto siya ngayon ng dinner. Tumungo agad ako sa kusina. Ayon nga nakita ko siyang nakatalikod at may suot na apron. Tahimik ako naglakad papunta sa likod niya at niyakap agad siya."Hubby," malambing kong sambit."Wife, gising kana pala." Tumango ako. Napagod kasi ako sa byahe, ewan ko lang sa kaniys kung bakit hindi manlang siya napagod sa pagdadrive."Ano lulutuin mo?""Roasted Beef." Maikli niyang sagot. Humarap siya sa'kin at ngumiti."I love you my Wife.""I love you too, Hubby." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap pabalik. Ayoko na talagang pakawalan siya.Pinaupo niya ako sa mesa. Nahihiwa pa kasi siya ng mga ingredients. Bigla kong naisipan magtanon

  • My Crush, My Groom (Tagalog)   Chapter 36

    Naging masaya ang naging celebrasyion namin pagkatapos ng kasal. Hindi maiwasang pagtawanan kanina ni Kuya Esma si Darrel pati tuloy ako natatawa sa kanila. Bakit ba kasi siya pumunta sa psychiatrist? 'Pag nakita ko siya aakalain ko talagang may sakit siya sa utak."Pati ba sa school Lim na din ang apelyido ko?" tanong habang nakahiga kaming dalawa sa malambot na kama. Sa iisang kwarto kami matutulog. Magkahawak kamay kaming nakatitig sa kisame."Gusto mo ba?""Ewan, 'wag na muna siguro.""Why?" maikli niyang tanong."Baka kasi lalo akong pagkaguluhan 'pag pareho na tayo ng apelyido. Alam mo 'yon, ang fans mo kasi mapanakit." Fans club president ng ako pero konti lang naman kami at 'yung ibang hindi ko kilala hindi ko alam kung saan sila nangaling.Bigla siyang tumagilid at niyakap ako. Nasanay na din ako sa mga galaw niya. Nasisiy

DMCA.com Protection Status