Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
View MoreThis story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
No part of the book should be reproduced or transmitted into any form without the consent of the author, except where permitted by law.
Copyright©
All Rights Reserved®
"Bilisan niyo, guys. Okay na ba ang banners niyo?" masinsinan kong tanong sa mga kagrupo ko.
"Ate, wala pa 'yong sa'kin eh. Kanina ko pa china-chat ang best friend ko, iniwan ko kasi sa kaniya kanina," sagot niya at napakamot siya ng ulo habang tingin ng tingin kung saan. Napabuntong- hininga na lang ako.
"Sige-sige, hintayin mo siya baka nag-cr lang. Okay na ba 'yung sa'kin?" pinakita ko sa kanila ang gawa kong banner kagabi, actually napuyat nga ako kakagawa nito. Kulay yellow na kartolina at black naman ang nakadikit na mga letra at nakalagay na, 'Gooooooo, Darrel'. Yes, literal talagang madami ang letter O. Bakit ba? Ako naman ang gumastos.
"Syempre, Ate. Ikaw yata laging may iba at magandang banner sa'tin." Sabi naman ng isa pang kagrupo kong si Bea. Actually hindi talaga kami close, nagsasama lang kami 'pag may performance sina Darrel. Hindi kami nag-uusap 'pag nadadaanan namin ang isa't-isa, iisipin mo talagang ampa-plastic namin.
"May kasamang pagmamahal kasi ang gawa ko." Pagmamalaki ko habang nagpapacute. Kapag masaya ka kasi sa ginagawa mo lalo itong gaganda at gaganda talaga ang kalalabasan nito.
Tumawa silang lahat. "May nakakatawa ba do'n?" tanong ko.
"Wala naman, Ate. Nakakatuwa ka lang." Sagot niya. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi niya. Kailangan kong maghanda mamaya dahil panigurado mauubos ang boses ko sa kakasigaw.
"Alam niyo na ang isisigaw niyo mamaya ah?" tanong at paninigurado ko.
"Kanina mo pa kaya pinapaalala," tumawa siya sandali saka nagsalita ulit, "Ika-sampung paalala mo na 'to, Ate." Napakagat-labi ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayan eh, gusto ko lang na maging maganda ang cheer namin sa kaniya at syempre nagpapapansin lang slight.
"Sorry naman. Nae-excite talaga ako eh." Napa-cross arms ako sabay lingon sa stadium. Sobrang laki talaga nito. Kungsabagay madami naman kasi talagang estudyante dito
.
"Ate! Ayon na sila bilis." Waahhhh si Darrel. Nakasuot siya ng itim na leather Jacket. Nakataas ang buhok. Ang gwapo niya.
Magkakasama kaming tumakbo papunta sa loob. Gusto kong nasa unahan ako. Matatabunan ako ng matatangkad 'pag nasa likod ako eh.
"Bilis, Ate!" sigaw niya.
Hinihingal akong bumaba sa hagdan. Ayokong umupo dito sa bench. Gusto ko 'yung malapit ako sa kaniya. May nabunggo akong babae kaya napalingon ako dito at humingi ng tawad.
"Sorry." Paumanhin ko pero hindi niya ako pinansin at deretso lang siya na naglakad. Wala lang siguro sa kaniya 'yon. Bahala na. Dali-dali akong pumwesto sa harapan ng stage. Hindi mawala ang ngiti ko.
*****
Nakakalungkot naman. Matatapos na ang kanta nila. Matagal na ulit silang magpe-perform.
"DAAAARRRREEELLLLL WOOOOO. ANG GWAPO MO."
Namamaos na ako sa kakasigaw sa pangalan niya. Sobrang addict ko ba? Na sa tuwing kumakanta siya ay kinikilig ako at napapasigaw?
[Make it with you by Ben and Ben]
Heeyyy.
Have you ever tried.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang kumindat sa'kin." KYAAAHHHHHHH." Nagtitilian lahat ng taong nandito sa stadium. Sa sobrang kilig ko hinawakan ko sa balikat ang kasamahan ko at niyugyog ito.
"Nakita n'yo 'yon?" Tanong ko sa mga member ko. Halos namula ako sa ginawa niya.
"Nakita n'yo? Kinindatan ako ni Darrel." Dagdag ko pa.
Tumango siya at nag thumbs up sa'kin. Sobrang lapad ng ngiti ko habang nagtatalon kami.
"Waaahhhh.. Darrel ang gwapo mo." Sigaw ko habang iwinagayway ang banner na hawak ko. Sariling gawa ko 'to nuh! Hindi ko 'to pinaprint o ano.
Really reaching out for the other side.
I maybe climbing on rainbow.
"Lakasan niyo pa! Sabay-sabay tayo.. 1, 2, 3. I love you Darel!" sigaw naming lahat. Ang gwapo niya talaga. Nagmukha kaming tanga pero okay lang hindi kami magpapatalo sa ibang fans club nuh!
But Baby here goes..
Dreams are for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to,
I want to make it with you.
Tinuro niya sa babae sa kanang bahagi. Magandang babae. Napairap ako dahil sobra talaga siyang tumili. Nakakainis.
"KYAAAHHHHHHH." Tili niya habang nagtatalon paikot. OA nito.
I really think that we could make it, Girl.
Patapos niyang kanta at kumaway-kaway sila sa mga fans habang ngumingiti.
"Salamat Thorn University. See you next activity. My Fans, The Gang Fans Thank you for supporting us. We love you all."
"I love you, Darrel!" sigaw ulit namin kahit namamaos na ako ay todo cheer padin ako. Gano'n ako ka solid, walang makakatibag.
Nagpalakpakan lahat ng tao sa Stadium ng umalis na sila sa stage. Unti-unti nading nagsialisan ang mga tao. Kami nalang ng Fans Club niya ang natira at naghihintay sa paglabas niya nakasanayan na kasi naming magpicture bago umalis.
"Ayan na siya." Bulong ko saka habang nakaguhit ang ngiti sa mga labi ko.
"Hi, guys." Bati niya.
Kumindat pa siya kaya halos nahimatay ang kasamahan ko.
"Hi, Darrel." Bati ko pabalik sabay kaway sa kaniya. Hindi niya man lang ako pinansin. Tsk.
"Picture na tayo." Sabi niya habang ngumingiti kaya nagtipon-tipon agad kaming lahat para makakuha ng picture.
Siya ang may hawak kaya siya ang nasa unahan. Limang shots ang meron kami bago siya umalis.
"Send ko nalang sa Gc natin mamaya ah?" sabi ko sa mga ka grupo ko habang excited at masayang ngumingiti.
"Sige, Ate! Ipopost ko 'yan mamaya para ma inggit sila." Matamis siyang ngumiti sa'kin habang parang nag-iimagine.
"Iwawallpaper ko 'yung pinakamaganda kong kuha. Panahon na para palitan ng bago. 1 week ko ng wallpaper yun eh. ”Sabi pa ng junior high naming ka member. Grabi papalitan agad? Grabi naman siya. Gusto niya siguro 'yong fresh.
"Ako din ide-develop ko 'to at ipapa-frame, ilalagay ko sa kwarto." Ngiting tagumpay. Yes po, Opo. Madami akong picture namin sa kwarto ko actually nakatago talaga siya sa walk in closet ko. Baka kasi makita ni Mom at Dad. Madami din kong poster niya. Ang gwapo eh.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko ng maalala kong kinindatan niya ako habang kumakanta siya kanina. Iihhhhhhh. Minsan lang 'yon sana may mag-post ng gano'n, kukunin ko talaga.
Ako si Penelope Sarmiento. Masasabi mong maingay at palaging nakangiti. Isang lalaki lang ang kinahuhumalingan ko at 'yon ay si Darrel Lim. Isang suplado pero ang ganda ng boses niya kaya sobrang idol ko siya.
A/N: Please leave feedbacks and reviews:)
Darrel's POVWhile listening to the two old man in front of me and drinking some liquor, I suddenly look at Peny's father."'Yung---anak kong 'yun, si Peny. Mahal na mahal ko 'yun." He pointed his finger to me. I was shock. "Kaya ikaw---- 'wag mo siyang sasaktan!" Hindi ako lasing kaya natulala ako habang sinasabi ni Tito sa'kin 'yun. Lalo na't sapol na sapol ako sa sinabi niya, dahil minsan ng umiyak si Peny nang dahil sa'kin at dahil sa nga kagagawan ko. Good thing my Dad defend me. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil sa guilt na nararamdaman ko. Lasing na lasing na silang dalawa kaya siguro ganyan ang lumalabas sa mga bibig nila. Napatingin ako babaeng pumasok na nakasuot ng kulay itim na pajama, yeah! She's Peny. Ang ganda niya but i can't say that to her. Inalalayan niya si Tito para tumayo.
Darrel POVI was in a 7th grade when I met a very loud girl named Penelope. She always cheer me when i perform in stage. Nagsimula pa lang akong kumanta no'n at siya ang unang fan ko hanggang sa dumami sila. She's the reason why i want to sing. I want to see her beautiful smile while shouting at me."Good morning, classmate." I don't like it when she greeted other people. Gusto ko sa'kin lang. Kaya ng batiin niya ako hindi ako kumibo. I hate her being friendly sa ibang tao at mas lalo akong nagalit dahil napapalapit siya sa bestfriend ko, si Yohan."I told you already, Bro. Kung hindi ka gagalaw ngayon, uunahan na kita." Magkasama kaming tumambay sa parking lot. It was in 8th grade ng aminin niyang gusto niya si Peny. Nauna akong magkagusto saka
Pabalik-balik akong naglakad sa labas ng simbahan, bitbit ang laylayan ng aking wedding gown. Hindi ako mapakali, wala pang Darrel na dumadating. "Peny, Calm down okay? Sisipot siya." Pagpapakalma ni Mom sa'kin."Mom, magkakalahating oras na." Sabi ko na parang maluluha na."'Wag kang umiyak, masisira ang make up mo." Tumango ako."NANDITO NA SIYA! NANDITO NA ANG ANAK KO." Sigaw ni Mommy Jessel.Napaangat ako ng tingin sa paparating na sasakyan lulan si Darrel. Akala ko talaga hindi na siya dadating. Tipid akong ngumiti sa kanya. Nauna pa talaga ang bride sa groom eh.Pag
7 Months LaterPitong buwan na pala ang nakalipas. Sana gagraduate na ako ngayong buwan pero hindi na mangyayari 'yon dahil hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala na akong gana sa lahat. Hindi na din ako lumalabas ng kwarto. Kahit tawagin pa ako nina Mom at Dad. Matagal na 'yon pero nandito pa din ang sama ng loob ko. Nandito pa din ang galit at sakit. Mahal na mahal ko siya. Sobrang miss na miss ko na siya. Noong unang buwan naririnig ko pa ang sigaw niya pero hinayaan ko 'yon upang hindi siya masaktan.Napalingon ako sa pinto ng kwarto dahil sa isang marahan na pagkatok. "Peny,""Go away, Mom! I don't need you!" matigas at galit kong sigaw. Napakasama nila, anong gusto nila? Mamatay si Darrel sa kakabugbog."Peny, kumain kana. Hindi kana masyadong kumakain. Tingnan mo ang sarili mo, pumapayat kana." Nag-aalala niyang usal mula sa labas ng pinto."Eh, ano ngayon?! Wala naman akong pakialam." Hindi ko binubuksan ang p
Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako.Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko.Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata.Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya
Lumipas ang mga araw."Hubby, kung umuwi kaya tayo mamaya sa bahay? Dalawin natin sila Mom at Dad." Suhestyon ko. Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Kagaya lang din ng nakaraang mga araw hindi pa din mawala ang masamang tingin ng ibang estudyante."Hindi ka pa nakakapunta sa bahay 'di ba? Do'n muna tayo umuwi." Oo nga pala, hindi pa ako nakakapunta do'n. Ang alam ko nakatira sila sa Villa Rama. Ang gaganda ng mga bahay do'n pero hindi pa ako nakapasok. Alam na alam ko kasi stalker ako noon."Okay, puwedi din. I-text mo muna ang Mommy't Daddy mo." Sabi ko sa kaniya."Wife, Mommy't Daddy natin." Napangisi ako at napakamot ng ulo."Oo nga, naiilang pa kasi ako eh.""Ang unfair naman tinatawag ko nga ang parents mo na Mom at Dad eh." Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa."Mommy at Daddy nga." Nagdial siya ng phone. Hindi ko naman naririnig."Hi, Mom. Sabihan mo si Dad na uuwi kami di
Umiiyak ako habang nakatago sa likod ni Darrel. Matapos ng nangyari kanina parang ayoko ng makita ang pagmumukha nila. Nasa loob kami ngayon ng office ni Dean Chavez, tanging hikbi ko lang ang naririnig dahil sobrang tahimik nila. Sobrang dumi na ng damit ko at sobrang hapdi ng mukha ko. Humarap sa'kin si Darrel at niyakap ako. Nakalong sleeve lang siya ngayon na kulay puti dahil pinasuot niya sa'kin ang coat niya. May sugat siya sa gilid ng labi dahil sa suntukan kanina."Wife, shhhhh..." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi pa nagsisimula kasi pinatawag pa sina Aria. Ewan ko kung nasaan na silang lahat. Mga pesteng 'yon. "I'm sorry. Dapat talaga hindi na kita hinayaang lumabas." Hinaplos niya ang marumi kong buhok. Parang wala lang sa kaniya 'yon."Ang hapdi ng mukha ko." Sabi ko sa gitna ng paghikbi ko. Kinuha niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at pinagmasdan ito. Lumungkot ang mukha niya. Pinunasan niya ang luha ko
Balik na ulit sa normal ang lahat. Araw ng lunes ngayon at bukas kami papasok. Ano kaya ang balita sa school? Baka 'pag nalaman nilang kasal na kami lalong lalala ang sitwasyon.Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Darrel. Mukhang magluluto siya ngayon ng dinner. Tumungo agad ako sa kusina. Ayon nga nakita ko siyang nakatalikod at may suot na apron. Tahimik ako naglakad papunta sa likod niya at niyakap agad siya."Hubby," malambing kong sambit."Wife, gising kana pala." Tumango ako. Napagod kasi ako sa byahe, ewan ko lang sa kaniys kung bakit hindi manlang siya napagod sa pagdadrive."Ano lulutuin mo?""Roasted Beef." Maikli niyang sagot. Humarap siya sa'kin at ngumiti."I love you my Wife.""I love you too, Hubby." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap pabalik. Ayoko na talagang pakawalan siya.Pinaupo niya ako sa mesa. Nahihiwa pa kasi siya ng mga ingredients. Bigla kong naisipan magtanon
Naging masaya ang naging celebrasyion namin pagkatapos ng kasal. Hindi maiwasang pagtawanan kanina ni Kuya Esma si Darrel pati tuloy ako natatawa sa kanila. Bakit ba kasi siya pumunta sa psychiatrist? 'Pag nakita ko siya aakalain ko talagang may sakit siya sa utak."Pati ba sa school Lim na din ang apelyido ko?" tanong habang nakahiga kaming dalawa sa malambot na kama. Sa iisang kwarto kami matutulog. Magkahawak kamay kaming nakatitig sa kisame."Gusto mo ba?""Ewan, 'wag na muna siguro.""Why?" maikli niyang tanong."Baka kasi lalo akong pagkaguluhan 'pag pareho na tayo ng apelyido. Alam mo 'yon, ang fans mo kasi mapanakit." Fans club president ng ako pero konti lang naman kami at 'yung ibang hindi ko kilala hindi ko alam kung saan sila nangaling.Bigla siyang tumagilid at niyakap ako. Nasanay na din ako sa mga galaw niya. Nasisiy
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments