Liliana's Point of View* Nakatingin ako ngayon sa CCTV ngayon. Nakikita ko pa din na hindi siya tinitigilan ng mga bully sa school. "Wife." Napatingin ako sa Asawa ko na kakagaling lang sa opisina at tumabi sa akin sa upuan. "What happened?" "Tingnan mo ang nangyayari sa anak natin. Hindi niya sinasabi na ganito na ang nangyayari sa kanya." "She can protect herself, wife." Napatingin naman ako sa kanya. "Ha? Pinagsasabi mo? Paano niya mapu-protektahan ang sarili niya? Hindi mo ba nakikita na kawawa ang baby Shana natin oh!" Napangiti naman si Asher at hinalikan niya ang noo ko. Ang weird din nitong lalaking ito. Hindi man lang nagsalita tungkol sa bagay na yun. Mahilig mambitin eh. "Wag mo na siyang aalahanin, wife. Ang importante ay masaya sila sa ginagawa nila ngayon at alam nila ang ginagawa nila." Hindi ko na talaga siya naintindihan. "Ang sa ngayon ay ang isipin na lang natin ay ang paggawa sa susunod baby natin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "H-H
3rd Person's Point of View* Nagising ang lahat dahil sa sunod-sunod na balitang bumungad sa umaga nila. Isang hacker ang nagpalabas ng ilang CCTV at documents tungkol sa mababahong gawain nila at kitang kita iyon sa boung mundo. "What the hell! Sino ba ang nagpakita ng video na yan!" sigaw ng isang businessman at nagulat naman ang anak niyang babae dahil sa pagsigaw nito. "Dad, what happened ba? Bakit ka sumisigaw?" "Go to your room muna, Mia." "No, dad!" "Go to your room!" Nagulat naman ito sa sigaw ng ama nito sa kanya at agad namang niyakap ng Ina nito si Mia. "Sumisigaw ka ba sa akin, dad!" "Tara na sa loob, anak. Mainit lang ang ulo ng Dad mo dahil sa nangyayari." Hanggang sa mapapasok na nito ang anak sa loob. Tumunog naman ang phone nung dad niya at tumawag ang ibang kasamahan nito sa kompanya dahil sa pangyayari. "Let's do a meeting." Forward... Nakatingin ngayon si Shana sa cellphone niya habang nasa sala siya ngayon sa mansion nila. "Grabe ang nangyari sa kani
3rd Person's Point of View* Kinidnap ngayon si Shana sa isang abandonadong warehouse. Isa na naman ito sa mga plano ng mga bumully sa kanya na mga mayayamang nilalang at maimpluwensyang pamilya. Nakatali ang kamay at binti niya ngayon at nakaupo siya sa upuan at naririnig niya pa din ang mga tawanan ng mga estudyante na kumuha sa kanya. "Anong karapatan ng babaeng ito na landiin ang Ash natin." Napakunot ang noo ni Shana sa sinabi nung isa at napakamao siya dahil naramdaman pa din niya ang sakit sa boung katawan niya. Binugbog kasi siya. "Tama na nga yang tulog tulog na yan!" Isang iglap isang malamig na tubig ang binuhos sa kanya na kinalaki ng mga mata niya. Agad tinanggal ang blind fold at nanghihina siyang napatingin sa kanilang lahat na kinukuhaan siya ng video. Anim sila ang nandidito ngayon. "Oh, cry cry na yan!" At nagtawanan pa silang lahat. "Nasaan ako." "Hmm... Nasa lugar kung saan walang makakakita sayo." Lumapit naman ang isang babae sa akin at si
3rd Person's Point of View* "Promise me na babalik ka, okay?" Umiiyak na ani ni Shana kay Cloud nung papaalis na siya papunta sa ibang bansa. Hinawakan niya ang kamay ni Shana at niyakap niyakap niya ito ng maigi. "I will. Papakasalan pa kita, Shan-shan." Hinalikan niya sa noo si Shana at agad namang nag-react ang mag-ama na sina Asher at Ash dahil sa ginawa sa prinsesa nila. "Hayaan mo na kasi mag-fiancee naman silang dalawa," agad na pigil ni Liliana sa mag-ama niya. Natawa naman ang mga magulang ni Cloud dahil sa nangyayari. "Magkikita pa naman kayo ni Cloud. Nag-aaral lang siya sa ibang bansa, Shana." Napapout naman si Shana habang nakatingin sa mom ni Cloud at ayaw pa din niya itong bitawan sa pagkakayakap. "Hindi maganda ang pakiramdam ko once maghihiwalay tayo. Maghahanap ka siguro ng ibang babae ano?" Mahina namang natawa si Cloud at pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. "Hindi yun mangyayari. Mahal na mahal kita at sayo lang tumitibok ang puso ko." Napangiti
Shana's Point of View* 5 years later... Dahan-dahan akong nagmulat at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang isang estrangherong lalaki na nasa tabi ko ngayon at ang pinakamalala ay wala kaming damit dalawa! Nakatulala ako ngayon habang nakatingin sa kanya. Oh my god! Ano itong ginawa ko! Hindi naman agad ako nalalasing pero bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Napa-igik ako nang maramdaman ko ang something sa may pagitan ng binti ko at doon ko na-realize na wala na ang virginity ko na pina-iingatan ko ng 23 years. Damn! Bakit naalala ko ang nangyari sa amin kahapon! Flashback... Nagpa-party ako ngayon at kasama ang ibang kaibigan ko dahil ngayong lunes na magsisimula ang internship namin bilang nursing. Yes, yun ang kinuha ko at supportive naman ang mga magulang ko sa bagay na yun. Si Ash naman ay kagaya ng kasanayan ay nasa business siya para sa kompanya namin. Nakikita ko na lasing na ang lahat ng mga kasama ko at ako ay hindi pa kasi kagaya ko si mom na malakas
Shana's Point of View* Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Wala sa plano ko na maging ganito ang mangyayari at ang sa akin lang ay matulungan ko lang siya. Agad akong napatayo at napayakap ako sa sarili ko ngayon. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin at sinuot niya ang boxer niya at kita ko ang dragon na natutulog. Naintindihan ko na kung bakit masakit ang hiyas ko! Waaa my virginity! "Don't leave, magbabanyo lang ako." Lumakad siya at pumunta sa banyo at ako naman ay nanlulumong napaupo sa higaan. Napakagat ako sa labi ko at napatingin ako sa phone ko at nanlalaki ang mga mata ko nang makita na family day namin ngayon! Agad akong napatingin sa paligid at napatingin ako sa bintana kaya doon na ako dumaan habang dala-dala ko ang heels at bag ko. Iniinda ko ang sakit sa hiyas ko basta ang sa akin lang makarating lang ako sa sasakyan ko. Lumapag ako sa lupa na parang walang nangyari at lumakad ako habang nakapaa papunta sa kotse ko at tinapon ko na ang bag ko sa upu
Shana's Point of View* "At bakit naumagahan ka, Ash." Naumagahan nga siya! Pero minsan naumagahan din naman siya lalo na't busy sa kompanya. "Dad, baka na-busy lang siya sa kompanya." "Busy? Hindi nga siya pumasok ng boung araw." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni dad. "I'm sorry, dad. Nasa mansion ako nila Tiffany." Napakunot naman ang noo ni dad sa sinabi nito. "Anong ginagawa mo doon?" Napa-isip naman ako kung ano ang ginagawa niya doon. Ah by the way si Tiffany ay fiancee ng kambal ko at anak mayaman din ito. Mahinhing at mabait ito kasalungat sa kapatid ko. Pero madali namang nag-aadjust ni Tiffany ang ugali ni Ash kaya nagkakaunawaan pa din silang dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang may naalala ako. "Wow, anniversary ninyo, twin?" Dahan-dahan namang napatango si Ash sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lang sila dad at mom. "Pero natutulog kayo sa iisang kwarto?" Natigilan naman ako sa sinabi ni dad. "Ano namang mali doon, dad? Fiancee naman niya s
Shana's Point of View* Nandidito kami ngayon sa garden at kasama ko sila dad, mom, at twin. Sa isang buwan kasi ay ginagawa namin ito ng 2-3 beses. Sobrang busy din kasi namin at para na din na may family bonding kami ng pamilya ko. Nakasanayan na din namin ang bagay na ito kaya di na yun bago sa amin. Napatingin ako sa kalangitan at mabuti naman at maayos na ang pakiramdam ko at hindi kagaya nung kanina na sobrang hapdi. Paano kaya napasok sa akin ang foot long na yun? What the... foot long? Ano yun hotdog? "Shana." "Ay hotdog!" Gulat na sabi ko at agad akong napatakip sa bibig ko at napatingin kay Ash na gulat ding nakatingin sa akin. "Twin naman ehhh nanggugulat ka!" Pinalo ko ang balikat niya na kinatawa naman niya. "Hotdog?" Sabay kaming napatingin kay mom na parang nagtatanong na nakatingin sa akin. "Uhmm..." "You want to eat hotdog, darling?" tanong ni dad sa akin. "Ha? Uhmm..." "Magluto kayo ng hotdog baka gusto niya iyong ilagay sa bread." Utos ni Dad sa katul
Shana's Point of View* "You love me, sweetie?" Nanlaki ang mga mata ko habang tinititigan si Theoris. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Lito ang puso ko, naguguluhan ang isip ko, at tila ba tumigil ang paligid sa isang iglap. Pero bago pa man ako makasagot, siya na mismo ang lumapit sa akin at mas malapit pa sa inaasahan ko. Ngumiti siya, ‘yung ngiting matagal ko nang gustong makita. Hindi ngiting pinilit, hindi ngiting walang damdamin. Kundi ‘yung ngiting pamilyar. ‘Yung totoo. ‘Yung siya. Lumapit si Theoris kay Bea na ngayo’y pilit pa ring kumakawala sa hawak ng mga sundalo. "Tapos na ang palabas mo, Bea," malamig niyang sambit. Matatag. Walang alinlangan. "Wala ka nang mauutakan pa." “Ano'ng pinagsasabi mo?! Ikaw ang nagsabing mahal mo ako! Na ako ang papakasalan mo!” galit na sigaw ni Bea habang pinupunit ng luha at pagkalito ang kanyang tinig. Tiningnan siya ni Theoris ng diretso, punong-puno ng hinanakit ngunit may halong awa. "I never loved you, Bea
Shana's Point of View* "Ituloy ang kasal!" sigaw ni Bea sa altar na mas lalong kinainit ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Damn! Tung babaeng ito! Uubusin ko talaga ang buhok ng bruhang iyon! Susugod sana ako pero agad naman akong prinutektahan ni Brian dahil may mga pumagitna sa aking mga gwardya sa harapan ko na may dalang mga baril. At hahawakan sana nila ako pero mabilis naman iyong sinipa ni Brian na kinatumba ng mga ito. "Milady, tumakbo na po kayo at ako na ang bahala sa mga gwardyang ito." "Y-You sure?" Tumango naman siya kasabay ngiti. "Yes, milady." Tumango naman ako at agad akong tumakbo papunta sa pwesto ni Theoris. Mabilis akong tumakbo hanggang sa hinawakan ko ang buhok ng babaeng yun at hinila na kinahulog niya sa stage. At isang iglap ay tumalon ako kasabay ng pagyakap ko kay Theoris. Naramdaman ko rin ang kamay niyang nakayakap sa katawan ko ngayon. Hindi ko yun pinansin at mahigpit ko siyang niyakap. "Theoris, gumising ka sa katotohanan. Hindi siya ang ba
3rd Person's Point of View* Hindi tumalab kay Theoris ang gayuma na pinainom sa kanya ni Bea nung wala siyang malay. Dahil na rin sa antidote na ininom niya na may halong dugo ng mga Windermere. Parang nawala agad ang bisa nun sa katawan niya. Tamang-tama naman na mag-a-acting si Theoris na parang na-in love siya kay Bea. Nakipagkita si Theoris kay Bea nung gabing iyon sa isang bar at excited naman si Bea nun at may dala rin siyang gayuma para painumin na naman si Theoris. "Baby," tawag sa kanya ni Bea. Napatingin naman sa kanya si Theoris at napangiti naman ito sa kanya at niyakap siya nito bigla na kinagulat naman ni Bea. At doon niya nakita na tumalab nga ang pininom nitong gayuma. Napangiti naman siya at doon na nagpa-sweet sila na parang sila na talaga. Nilagyan niya ng gayuma ang inumin ni Theoris at hindi naman iyon nawala sa paningin ni Theoris kaya mabilis niyang pinagpalit ang baso na nasa harapan niya. "Cheers?" Ngumiti naman si Bea. "Cheers." Napangiti naman siy
3rd Person's Point of View* Flashback... Nakarating ngayon si Theoris sa laboratory na pamamay-ari ng pamilya ng mga Windermere. Kagaya ng sinabi ni Ash sa kanya ay pagkagising niya ay agad siyang dumiretso doon sa laboratory. "Mabuti naman at nakarating ka na." Napatingin naman siya kay Azrael na nasa harapan niya at dahan-dahan na tumango. "Kanina ka pa hinihintay ni Ash sa loob at nandodoon din ang mga magulang nila." "I know." Alam ni Theoris na makakaharap niya ang mga magulang nila dahil gusto nilang malaman ang tungkol sa lason na iniinom niya na iyon din ang panlaban sa dugo nila Liliana. "Follow me." Lumakad naman sila at nakasunod lang sa Theoris kay Azrael. "Bakit ka nga pala nandidito sa Pinas?" Napatingin naman si Azrael. "Alam mo naman na nanganak si Ate Claudia noh?" "So tapos na siyang manganak eh bakit hindi ka pa bumalik sa america?" "Ang heartless mo naman, Theoris. Alam mo naman na may isa pang dahilan kung bakit ako nandidito noh?" "Ano?" "Gusto kon
3rd Person's Point of View* Malaki ang ngiti ni Bea habang naglalakad sa aisle sa isang magandang hotel garden sa lugar nila at nandidito na rin ang mga bisita sa paligid nila na nagpapalakpakan at ang pamilya lang ni Theoris ay ang grandpa nito at si Clea. Hindi rin sila makapaniwala sa pag-iba ng puso ni Theoris. "Grandpa, paano natin mapapahinto si Theoris? Alam naman natin na hindi ang babaeng yan ang mahal ni Theoris, 'di ba? Si Shana naman ang mahal niya. Parang ginayuma si Theoris." "I know that. Hindi rin natin mapipigilan ang bagay na yan dahil alam mo na na napapalibutan tayo ngayon ng mga tauhan ng pamilya ng bride." Wala silang magawa kundi ang tumingin na lang sa mga mangyayari ngayon. Kinuha ni Clea ang phone niya at agad niyang minessage ang mga tauhan nila at hindi rin ito ma-send dahil walang signal dito. "Mukhang planado nila ang lahat na nandidito. Sana tinali ko na lang si Theoris nung nakita ko siya. Alam ko naman na hindi talaga ito ang babaeng mahal niya a
Shana's Point of View* Nagising ako kinabukasan at nandidito pa rin ako sa kwarto ni Theoris. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako kakahintay sa kanya. Napansin ko ang kumot na nakatakip sa akin na kinakunot ng noo ko at naka-on na din ang aircon. Automatic pala nag-o-on ang aircon? Hindi ko kasi naalala na nag-on ako kahapon ng aircon. Natigilan ako baka dumating na si Theoris kaya agad akong tumayo at agad lumabas sa kwarto. Agad kong nilibot ang boung kwarto at wala akong makita kahit isang anino niya. "Theoris? Nandidito ka ba? Theoris!" Para na akong baliw nagpaikot-ikot dito sa buong kwarto pero wala akong makita ni-anino niya. Napaiyak na lang ako nang napansin ko na may nakahain sa lamesa. At may pagkain sa lamesa. Sinong nagluto nito? Bakit may pagkain sa lamesa? Umuwi ba siya? Eh bakit hindi niya ako ginising? Hinawakan ko ang pagkain at mainit iyon. Nandidito nga siya. Kinalimutan na ba niya talaga ako? Napatingin ako sa sticky note na nasa gilid at nanlala
3rd Person's Point of View* Hinatid ni Theoris si Bea sa mansion nito at umunang lumabas si Theoris sa sasakyan nito. "Kagaya ng sinabi mo ay sa judge muna tayo ikakasal bukas. Nakahanda na ba ang lahat?" Ngumiti naman si Bea at dahan-dahan na tumango. "Yes. Tayo na lang dalawa ang kulang doon at isa pa kompleto ang pamilya ko bukas. Excited na ako sa bagay na yun." Napangiti naman si Theoris at hinalikan niya ang noo nito. "Matulog ka ng maaga, okay? Para fresh na fresh ka bukas sa kasal natin." "Yes, ikaw rin. Wag mo akong masyadong ma-miss. Can I kiss your lips now?" Ngumiti naman si Theoris at lalapit sana ang labi ni Bea sa kanya pero pinigilan naman iyon ni Theoris. "Not now, baby. Bukas ko na titikman ang halik mo sa kasal natin." Mas lalong napangiti si Bea sa sinabi nito. "Pwede naman na dito ka na matulog. Magkatabi tayo sa kama." "Baby, alam mo naman na bawal ang bagay na yun diba? Gusto mo ba na hindi matuloy ang kasal natin kinabukasan?" "Okay fine." Napapou
Shana's Point of View* Nakatulala ako habang nakatingin sa malayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Cloud noon. Namumugto na rin ang mga mata ko habang nakatingin sa langit habang nasa gilid ko si Azrael. "He loves you so much simula pa noon kaya nga nagmamakaawa siya kay Theoris na siya na lang ang magiging fiancee mo." "Anong sabi ni Theoris?" "Hindi pumayag si Theoris. Dahil mahal ka rin niya pero hindi lang siya nagbo-voice out sa nararamdaman niya sayo." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Azrael habang nakatingin sa kalangitan. "Hanggang sa nagdesisyon ang mga magulang ni Cloud na sabihin sa Grandpa ni Theoris na si Cloud na lang ang magiging partner mo. " Napatingin ako sa kanya. "Ganun na lang yun? Ano naman ang reaksyon ni Theoris?" "At wala namang nagawa si Theoris sa bagay na yun at doon na siya nagsimulang maging cold sa lahat ng bagay lalo na't dinala rin siya ng Grandpa niya sa ibang bansa." Doon pala nagsimula ang pagka-cold niya. Dahil lang din pala
3rd Person's Point of View* Nandidito sila Shana at Azrael ngayon sa isang over viewing at may firing range sa unahan. Hindi aakalain ni Shana sa mahinhin na mukha ni Azrael ay ito pa ang napailing lugar na akala niya sa kung saan siya nito dadalhin. Tiningnan ni Shana si Azrael na may pagtataka. "Uhmm... Dito ko naisipan dahil para malabas mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon." Hindi pa kasi umiiyak si Shana at nag-aalala si Azrael kung ano ang mangyayari kung hindi nito malalabas ang sakit na nararamdaman nito. "Mukhang kailangan ko ang bagay na yan." Napangiti naman si Azrael at dahan-dahan na napatango. "Mabuti naman kung ganun." Lumabas na siya sa sasakyan at lumakad na papunta sa gilid ni Shana ay pinagbuksan niya ng pintuan si Shana. Inanalayan naman niya itong bumaba. "Thank you." "Shall we?" Tumango naman si Shana at lumakad na sila paalis sa sasakyan at pumasok sa loob. "Mabuti gising ka na matapos ang kalahating buwan na pagkaka-coma." Napatingin naman si Sh