I woke up the next day feeling swollen all over. I also can't remember anything. The only thing I knew was that I was so drunk last night. With Lucas.
Nag-inat ako at napadaing na lang nang makaramdam ng labis na sakit ng ulo. Damn you, hangover.
Sinubukan ko pa ulit na bumangon pero pinangunahan pa rin ako ng matinding sakit ng ulo at buong katawan kaya napabagsak na lang ulit ako ng higa.
"Dammit. I swear, hindi na talaga ako iinom," inis na turan ko sa sarili ko habang mariing nakapikit.
"You should."
Napapitlag ako nang marinig kong biglang may magsalita sa tabi ko. Napabalikwas din ako ng bangon at napaupo, nakasandal sa headboard ng kama ko. Nang tingnan ko kung sino ang nagsalita, ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Mama na nakaupo sa kanang bahagi ng kama ko. Beside her was a basin and a dumped towel.
"M-Mama, I... How long have you been there?" tanong ko sa kanya.
Hinawi ko pa ang buhok ko para kahit papaano ay ayusin iyon.
"Ever since you got home, maybe? Let's just say... dito ako natulog para bantayan ka. I have to make sure that you won't puke on that new mattress of yours dahil alam kong magwawala ka panigurado kinabukasan," nakangiting saad niya. "Hangover?"
Tumango ako at dali-daling lumapit sa kanya para sa isang mahigpit na yakap.
"Thank you, 'Ma," usal ko.
She hugged me back and we stayed like that for almost a few minutes. Hanggang sa ako na rin ang bumitaw nang may maisipan akong itanong sa kanya.
"A-Anyway, 'Ma, I know it might sound funny and lame but... how did I got home? I mean—"
"It's Lucas," putol niya sa akin.
"What?"
"Si Lucas ang naghatid sa iyo kanina lang alas tres ng madaling araw. He already seemed fine then kahit na tulad mo ay amoy alak din siya."
Napatangu-tango ako.
"S-Si... Papa? A-Alam niya ba na lasing ako nang umuwi at..."
Umiling si Mama. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Sigurado kasi ako na kung alam ni Papa ang ginawa ko kagabi ay paniguradong abut-abot na sermon na naman ang maririnig ko mula sa kanya. And that irritates me so much. Nakakasawa na rin.
"Luckily, wala siya rito kagabi. But he just arrived home earlier this morning. He just said that he wants to have a word with you. Sinabi ko na tulog ka pa dahil pagod ka sa shoot niyo kahapon. Thank goodness, he believed me and instead, he wanted to talk to you later tonight," sabi pa ni Mama mayamaya.
"So, wala na naman pala si Papa kagabi? Buti naman, umuwi pa siya kanina. I really wonder what he's up to," mapaklang sabi ko.
My dad was a famous business tycoon. He's rich from an old money. Ibig sabihin, mula pa sa mga angkan nilang mga Choi ay mayayaman na talaga. And I understand, too, how much he wanted to preserve his clan's wealth. Naiintindihan ko rin na nakakaubos talaga ng oras ang pagma-manage ng sangkatutak na negosyo. Pero ang halos hindi niya na pag-uwi ng ilang araw, linggo, o minsan ay inaabot pa ng buwan, I really feel like there's something fishy going on with that old man's business.
"Busy lang talaga ang papa mo, anak. Don't worry, I'll ask him to lend us more time and—"
"As if naman makikinig siya sa iyo. I know, you know him very well. Tsaka kung gusto niya talaga maglaan ng oras para sa atin, hindi na natin kailangan pang sabihan siya tungkol doon."
Pagkatapos ng sinabi kong iyon ay hindi na siya nakasagot pa. Napayuko pa siya at tila biglang nalungkot. And yeah, that's what my beloved father always makes my momma right here feel. Always.
Hindi na rin ako umimik pa at pinilit ko na lang ang sarili ko na tumayo na.
"Masyado pang maaga para sa tanghalian. Ipaghahanda na lang kita ng snacks—"
"Huwag na po, 'Ma. Maliligo lang ako para mahimasmasan and I'll go back to sleep. I have to rest. Hectic ang schedule ko bukas."
Dire-diretso na akong nagtungo sa comfort room na nasa loob lang din ng kwarto ko. Pero nang makapasok ako roon ay hindi ko rin naman nagawang maligo agad. My mind was overflowing with deep thoughts— karamihan ay mga tampo sa ama ko.
I, Serena Choi, ang inaakala ng lahat na may perpektong buhay at masaya ay hindi naman talaga. I was raised in wealth, yes. I started indulging fame when I was only fifteen until now. Ako ang nag-iisang anak kaya nasa akin ang lahat ng atensiyon. But no. All of those assumptions are wrong. Hindi masayang mabuhay sa pamilya kasama ang isang ama na parang walang pakialam sa pamilya at isang ina na sunud-sunuran lang sa kung anong naisin ng ama. Growing up 'spoiled' but not really that spoiled is never easy. I was spoiled with comfy living and with all the materialistic wants any child or woman could ask for. Pero ang tanging bagay na gusto kong ipang-spoil sa akin ay hindi ko man lang naranasan maski isang beses sa buhay ko. And yeah, I was talking about the genuine love a father could give to his daughter. Only daughter. But if my father's love language was showering gifts and drowning me in piles of cash, fuck his money then.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. At first, I thought that I already turned the shower on and drenched myself under it. But then, I realized that I was only behind my bathroom's door.
Inis na pinahid ko ang luhang naglandas sa mga pisngi ko. Pumasok na rin ako sa shower room para maligo.
I turned the shower on to its full water releasing volume. Pumikit ako at pigil ang hininga na tumayo sa ilalim ng shower habang dinadama ang malakas na pagragasa ng tubig sa katawan ko.
I have no idea how long I've been there. Basta ang alam ko lang, nang makaramdam na ako ng pagod ay doon lang ako nagpasiya na umahon at magbihis na.
I wore a comfy sleepwear of silk sando and shorts coordinates. Hindi na rin ako nag abala pa na gawin ang series of skin care routine ko. I just blew my hair to dry it up and I already went back to bed. Hindi na rin ako nag-abala pa na i-check ang cell phone ko dahil wala naman akong tawag na hinihintay. Isa pa, rest day ko ngayon. I deserve all the sleep today because tomorrow is surely hecting and a definitely tiring day for me.
Dahil na rin sa antok, pagod, at emotional distress ay agad akong nakaramdam ng antok pagkalapat pa lang ng katawan ko sa malambot na kama.
Rest now, Princess. There's still so many obstacles waiting for you to face.
For the second time, I was awaken by the loud and crashing sound coming from beside me.
I opened my eyes a bit as my hands wander to reach for my phone. Ang maingay kasing sound na iyon ay ang ring tone ko sa tuwing may tumatawag sa akin. I really don't have any idea who was that calling me and how long he or she has been calling me. Ngayon lang kasi talaga ako nagising.
Nang makapa ko ang cell phone ko ay sinagot ko na agad ang tawag kahit na hindi ko pa nakikita kung sino ang caller.
"Hello—"
"Oh, thank goodness, you answered, hija! Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo!"
Tarantang boses iyon ni Mama na bumungad sa akin. Napakunot-noo ako.
"What— Why? What's on the rush?" kalmado pa ring tanong ko lang bagama't binabalot na ako ng pagtataka.
"Didn't I tell you earlier that your dad wants to have a word with you? It-in-ext ko na sa iyo ang address kanina pa and I've been calling you for three hours straight now also. Bakit ngayon ka lang sumagot?" dire-diretsong litanya niya.
Napahilot ako sa sentido ko.
"Am I late already?" tanong ko pa kahit obvious naman na 'oo' ang malinaw na sagot. Bakit ba magpa-panic ang mama ko kung hindi pa ako late, 'di ba?
"The dinner was about to start at seven!" ani Mama.
Seven? Nilingon ko ang digital alarm clock sa bedside table ko. It's already six-thirty.
"Six-thirty pa lang naman, 'Ma, eh. Masyado naman kayong nagpa-panic," sabi ko at bumangon na. "Magbibihis lang po ako 'tapos bababa na ako—"
"We're not there sa bahay!"
Muli ay napakunot-noo na naman ako.
"What do you mean—"
"The dinner is set to happen in a fine dining a few minutes away from there. S-in-end ko na nga sa iyo ang address."
"What?! Mama, I—"
"Nandito na ang papa mo. Mag-ready ka na, ise-send ko na lang ulit nag address. Hurry up, please!" putol niya sa sasabihin ko.
Kasunod noon ay narinig ko ang malalim na boses ni Papa. He seemed asking for me.
"Mama—" Hindi ko na iyon naituloy pa dahil naputol na ang tawag.
Napilitan na lang akong magmadali gaya ng sabi ni Mama.
Ano na naman kayang pakulo ang meron si Papa at kailangan pang sa ibang lugar kami mag-dinner dahil lang kakausapin niya ako?
I chose to wear a simple red dress. It has thin straps on both sides, the fabric was soft and stretchy— hugging my figure nicely and fit. Its length reached the mid of my thighs— making me look both sexy and classy. Tinernuhan ko na lang iyon ng itim na stilettoes at itim din na clutch bag. I just let my wavy hair fall down on my shoulders. I just applied a bit of make up— red lipstick is a bit for me, yes. Then I went off.
I hopped in my sports car and drove off to the address my mother had just texted me.
Nang makarating ako sa lugar na iyon ay ip-in-ark ko lang ang sasakyan ko sa designated parking lot at pumasok na ako sa loob.
"Good evening, Ma'am Serena. This way po tayo," nakangiting salubong agad sa akin ng isang staff sabay giya sa direksyon na dapat kong puntahan. Hindi ko na ipinagtaka iyon dahil sanay na rin naman ako sa ganoong treatment mula pa noong bata ako. Lalo na nang lumaki ako at nakilala pa bilang isang modelo.
Nginitian ko na lang ang staff at sumunod ako sa itinuro niyang direksyon. Every step I took, I can feel all eyes are on me. Ang iba ay naglabas pa ng cell phone para marahil picture-an o video-han ako. I don't care though. I just raised my head and walked great, making sure that I'll be perfect in every shot.
Nang makarating kami sa dulong bahagi ng resto— sa isang parang exclusive room doon ay tumgigil na ang staff sa paglalakad.
"Dito na po tayo, Ma'am. Nasa loob na po ang parents niyo," nakangiti pa ring saad nito.
"Thank you," usal ko at walang anuman na pumasok na sa loob.
Inside the room was my mother and my father. Together with them are two men in black. Mga bodyguards ni Papa.
Pagpasok ko pa lang ay hindi na agad maganda ang pakiramdam ko. My father's face was indeed serious. Si Mama ay kalmado lang bagama't nakayuko na naman. Hindi nakawala sa pansin ko ang pagsenyas ni Papa sa dalawang bodyguards niya. Hudyat iyon ng paglabas ng mga ito. Doon lang din ako tumuloy sa paglapit sa mga magulang ko.
"What's the rush for this meeting?" turan ko agad nang makalapit.
I put my bag on the table as I took my seat. I know, it wasn't polite. But I'm loving to act this way. Hindi ko rin naman gusto na maging askad agad sa pagbungad sa mga magulang ko— well, kay Papa lang. Pero alam ko kasi at nararamdaman ko na may hindi na naman siya magandang sasabihin. So, might as well, unahan ko na siya.
"It's just the initials but you're already late?" tiim ang bagang na sabi nito. He then looked at my mom. "Shirley, sigurado ka bang sinabihan mo itong anak mo na sa isang disenteng lugar siya pupunta at hindi sa isang bar? Mabuti na lang at wala pa rito ang Pamilya Alejo."
"H-Henry, I—"
"Ano ba kasing pakulo ang meron ka at kailangang dito mo pa ako kausapin? And Alejo you said? Anong kinalaman nina Lucas dito—"
"It's not about Lucas. It's all about Magnus," saad ni Papa.
Nang marinig ko ang pangalan ng huli ay may kung anong kilabot ang nanuot sa buong katawan ko. Napalunok pa ako. Magnus Alejo. That guy he was talking about was... Lucas' older brother. Ito ang lalaki na nasa video na pinapanood sa akin ng best friend ko kagabi lang.
"And what about him?" usisa ko. I tried my best to keep my voice normal.
"You'll be marrying him. The engagement is set for next week and the wedding will happen three weeks from now."
That announcement shocked my entire persona.
"A-Anong sabi niyo?" hindi makapaniwalang tanong ko. My heart kept on skipping its beat. Parang sasabog ang ulo ko.
"I said, you'll be marrying Magnus Alejo—"
"NO!" pasigaw na protesta ko.
Napasinghap si Mama at natigilan naman si Papa. He then looked at me with the coldest yet burning wih rage eyes.
"I am not asking for your opinion dahil wala ka amang magagawa kahit na tumanggi ka pa. I just tell you so that you'd be informed," matigas na saad niya lang.
He doesn't seem to care on what I feel!
"P-Papa, no! I won't marry him! Hindi siya mabuting tao at—"
"Say whatever you want but like I said, it's final. Wala ka nang magagawa pa—"
"He does drugs! Marami siyang bisyo, babae, at—"
"I'll be leaving. Ikaw nang bahala sa anak mo."
Tumayo na si Papa at walang sabi-sabing naglakad palayo.
Agad ko namang naramdaman ang pagkulo ng dugo ko at ang pagnanais ng naipong sama ng loob ko na ngayon ay kumawala na.
"Is that it?! Iyon na ba iyon? Future ko ang nakasalalay dito, Papa! How could you do this to me? Ipagkakatiwala mo ako sa lalaking masahol pa sa hayup?!" bulyaw ko sa kanya. "Ngayon, mas pinatunayan mo lang na wala ka talagang kwentang ama!"
"Serena!" tinig iyon ni Mama na halatang nabigla sa mga sinabi at ginawa ko.
She hold my hand but I pull it back. Si Papa naman ay natigilan din sa paglalakad pero hindi siya humarap sa amin. Ginamit ko na ang oportunidad na iyon para ilabas ang saloobin ko.
"All this time na nagkukulang ka sa amin ni Mama, I tried my best to understand you. Kahit na ang totoo, ni minsan sa buhay ko hindi ko naman talaga maalala na naging mabuting ama ka sa akin. I can't recall any scene on my mind that you made me feel your genuine love and care. Not even once. I guess, you just never really treated me as your child. Pero naiintindihan ko iyon, 'Pa. Pinilit kong intindihin iyon lahat. Pero ito? Pati ba naman sa pag-aasawa ko, sa future ko? What the hell, 'Pa? What the fuck?!"
My tears immediately ran down mto my cheeks as I said those tears. Masakit, pero kasabay naman noon ay ang paggaan ng kalooban ko kahit papaano.
Hindi pa rin umiimik si Papa. Hindi rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Naisip ko na baka napaisip siya sa mga sinabi ko at baka natauhan na rin. But when he turned to face us, I can see no remorse in his eyes. His face was blank. Kung may nababasa man ako sa mga mata niya ay galit iyon. Marahil ay matinding galit. Na hindi ko alam kung saan pwedeng magmula.
"I already told you before, Shirley. Malaking pagkakamali ang pagkuha mo sa babaeng iyan. Kung sinunod mo lang sana ako at lalaking sanggol ang kinuha mo, eh 'di sana wala tayong ganitong problema at baka may katulong pa ako sa kumpanya. Hindi kagaya ng walang utang na loob na babaeng iyan." malamig na saad nito.
Para akong nabingi ng panandalian. Ang bigat ng loob ko na kanina ay nawala, bumalik na naman ngayon at tila nadoble pa. I also felt a familiar pain somewhere in my chest. Para akong sinampal.
Lumingon ako kay Mama, umaasang sasagutin niya si Papa para bawiin lahat ng sinabi nito. But she just stood there, silent. Crying while her mouth were covered by her both hands. Trembling.
"Kausapin mo iyang ampon mo, Shirley. I am giving her one more chance to agree. Kung magmamatigas pa siya, then she'll say goodbye to everything that she has now. Kung magmamalaki pa siya, tell her to leave. I don't want any ungrateful bitch resting and leeching in any of my properties."
"Hey! Are you awake?! Miss, please huwag kang pipikit! Just stay with me, okay? Parating na ang ambulance!" Bahagya na lang na narinig ni Serena ang tila nagpapanic na boses na iyon ng isang lalaki. Pagkatapos noon ay naramdaman na lang niya ang unti-unting pag-angat ng katawan niya mula sa malamig na sahig. Parang may bumubuhat sa kanya pero hindi niya alam kung sino. Gaya ng hindi niya pagkaalam sa kung sino man ang lalaking narinig niyang sumigaw kanina. Gustuhin man din kasi niya na kilalanin iyon ay hindi niya rin magawa. Wala siyang ibang maramdaman sa katawan kundi ang matinding pagod at sakit. She was so tired that she couldn't open her eyes even a bit. "Gosh, paano ba ako umabot sa puntong ito? Where's the life I used to live? Once, I had everything. I did nothing against anyone. All that I wanted was to be free and this is what I got. Is this the price of the effin' freedom I've been wishing for all my life?" anang dalaga sa sarili, kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha
"SERE! Come on, wake up! Ano ba?!" Napaingit si Serena nang maramdaman ang malakas na pagyugyog ng kung sino sa balikat niya. Hindi pa man din siya nakakadilat ay inis na siya. At hindi pa man din niya nakikita kung sino ang istorbong iyon na gumising sa kanya ay halos isumpa niya nang papatayin iyon sa oras na makabangon siya. She was in the middle of her freaking, most wonderful dream and she was about to kiss the love of her life. But now, it was all ruined. Wala na. Sira na nang dahil lang sa kung sinong naglakas-loob na istorbohin siya. "Sere, ano ba?! Bumangon ka naman na riyan, o! Nakakahiya na!" muling saad ng bwisit na nanggigising sa kanya. Dahil doon ay kunot ang noong nagmulat siya ng mga mata. Bahagyang dilat lang iyon pero sapat na para makita niya kahit papaano ang nasa paligid niya. Though it was blurry as heck. "Ano ba iyon? Ang aga-aga mo naman manggising. Can't you see, I'm still asleep? Sino'ng nagpapasok sa iyo rito, ha? I'll make sure to fire that freaking mai
"Am I really not worth it, Sere? Bakit lahat na lang ng babaeng minamahal ko, pera lang ang habol sa akin 'tapos iniiwan din ako sa huli? Am I that bad? Am I not deserving of any genuine love in this world? Like... gusto ko lang naman maging masaya. Damn it..."Napabuntung-hininga na lang ako habang nakikinig sa paulit-ulit na rant ni Lucas. We've been here in this bar for hours now. Lasing na lasing na rin ito, maging ako ay medyo hilo at tipsy na rin pero hanggang ngayon ay sige pa rin kami sa pag-order ng alak na maiinom sa tuwing mauubos ang nasa table ang namin. Para na rin akong masusukaka naman. But the worse part is, Lucas has been crying for hours now. At kahit maraming beses ko na siyang nakita sa ganitong kalagayan ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya. At inis na rin sa mga babaeng gold diggers at makakapal ang mukha na wala nang ginawa kundi ang saktan siya."You still remember the first day we met each other?" biglang tanong niya.Hindi ko naman maiwa
I woke up the next day feeling swollen all over. I also can't remember anything. The only thing I knew was that I was so drunk last night. With Lucas.Nag-inat ako at napadaing na lang nang makaramdam ng labis na sakit ng ulo. Damn you, hangover.Sinubukan ko pa ulit na bumangon pero pinangunahan pa rin ako ng matinding sakit ng ulo at buong katawan kaya napabagsak na lang ulit ako ng higa."Dammit. I swear, hindi na talaga ako iinom," inis na turan ko sa sarili ko habang mariing nakapikit."You should."Napapitlag ako nang marinig kong biglang may magsalita sa tabi ko. Napabalikwas din ako ng bangon at napaupo, nakasandal sa headboard ng kama ko. Nang tingnan ko kung sino ang nagsalita, ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Mama na nakaupo sa kanang bahagi ng kama ko. Beside her was a basin and a dumped towel."M-Mama, I... How long have you been there?" tanong ko sa kanya.Hinawi ko pa ang buhok ko para kahit papaano ay ayusin iyon. "Ever since you got home, maybe? Let's just
"Am I really not worth it, Sere? Bakit lahat na lang ng babaeng minamahal ko, pera lang ang habol sa akin 'tapos iniiwan din ako sa huli? Am I that bad? Am I not deserving of any genuine love in this world? Like... gusto ko lang naman maging masaya. Damn it..."Napabuntung-hininga na lang ako habang nakikinig sa paulit-ulit na rant ni Lucas. We've been here in this bar for hours now. Lasing na lasing na rin ito, maging ako ay medyo hilo at tipsy na rin pero hanggang ngayon ay sige pa rin kami sa pag-order ng alak na maiinom sa tuwing mauubos ang nasa table ang namin. Para na rin akong masusukaka naman. But the worse part is, Lucas has been crying for hours now. At kahit maraming beses ko na siyang nakita sa ganitong kalagayan ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya. At inis na rin sa mga babaeng gold diggers at makakapal ang mukha na wala nang ginawa kundi ang saktan siya."You still remember the first day we met each other?" biglang tanong niya.Hindi ko naman maiwa
"SERE! Come on, wake up! Ano ba?!" Napaingit si Serena nang maramdaman ang malakas na pagyugyog ng kung sino sa balikat niya. Hindi pa man din siya nakakadilat ay inis na siya. At hindi pa man din niya nakikita kung sino ang istorbong iyon na gumising sa kanya ay halos isumpa niya nang papatayin iyon sa oras na makabangon siya. She was in the middle of her freaking, most wonderful dream and she was about to kiss the love of her life. But now, it was all ruined. Wala na. Sira na nang dahil lang sa kung sinong naglakas-loob na istorbohin siya. "Sere, ano ba?! Bumangon ka naman na riyan, o! Nakakahiya na!" muling saad ng bwisit na nanggigising sa kanya. Dahil doon ay kunot ang noong nagmulat siya ng mga mata. Bahagyang dilat lang iyon pero sapat na para makita niya kahit papaano ang nasa paligid niya. Though it was blurry as heck. "Ano ba iyon? Ang aga-aga mo naman manggising. Can't you see, I'm still asleep? Sino'ng nagpapasok sa iyo rito, ha? I'll make sure to fire that freaking mai
"Hey! Are you awake?! Miss, please huwag kang pipikit! Just stay with me, okay? Parating na ang ambulance!" Bahagya na lang na narinig ni Serena ang tila nagpapanic na boses na iyon ng isang lalaki. Pagkatapos noon ay naramdaman na lang niya ang unti-unting pag-angat ng katawan niya mula sa malamig na sahig. Parang may bumubuhat sa kanya pero hindi niya alam kung sino. Gaya ng hindi niya pagkaalam sa kung sino man ang lalaking narinig niyang sumigaw kanina. Gustuhin man din kasi niya na kilalanin iyon ay hindi niya rin magawa. Wala siyang ibang maramdaman sa katawan kundi ang matinding pagod at sakit. She was so tired that she couldn't open her eyes even a bit. "Gosh, paano ba ako umabot sa puntong ito? Where's the life I used to live? Once, I had everything. I did nothing against anyone. All that I wanted was to be free and this is what I got. Is this the price of the effin' freedom I've been wishing for all my life?" anang dalaga sa sarili, kasabay ng pagtulo ng isang patak ng luha