Alex's POV
Katatapos lang namin kumain. Magkatabi kami sa sofa habang nanunuod.SILENCE."Alex. I'm sorry. Sorry sa nagawa ko. Hindi ko kasi pinakinggan yung sinabi mo na hindi mo sinasadya yung nangyari." Biglang basag nya sa katahimikan."It's ok Stan. Alam ko naman kasi na yun talaga yung tingin mo sa akin eh. After all I'm a b*tch, right?" Sarkastikong sabi ko."Hindi naman ganun talaga yung tingin ko sayo eh. Nadala lang ako ng emosyon ko.""Stop lying Stan." Bakit ba ako pumayag na maging ok ulit ang lahat? Tsk!"Please Alex, give me a chance." Hala! Ano daw? Nabingi na ata ako. Sh*t nahahawa na ako kay Manang! Haha."I promise to you. Rerespetuhin na kita bilang asawa ko." Napatanga lang ako sa sinabi nya."Siguraduhin mo lang Stan! Dahil kapag nakita pa kitang may kalampungan sa tabi-tabi, ipapakita ko sayo ang pagiging m*****a ko." Dinuro ko pa sya."Thanks Alexandra." Then he hugged me.Wa-wait... He called me ALEXANDRA right? Pero bakit parang ok lang sa akin? Or nabingi na naman ako? Makapag linis na nga ng tenga mamaya.Lumipas ang mga araw, naging maayos na ang relasyon namin ni Stan. Hindi naman as in relasyon, kasi hindi naman namin mahal ang isa't-isa, right? Hindi ko na kasi sya nakikitang may kaflirt. Minsan din kasabay namin sya nila Georgia mag Lunch. Tingin ko nag improve ang pakikitungo namin sa isa't-isa.Papunta na ako sa parking lot para umuwi at kung minamalas ka nga naman.May isang nilalang na nakasandal sa kotse ko. Teka! Sinandalan ang kotse ko? Ang kapal ng mukha nito ah! Feeling cool pa sya!Lumapit agad ako."Ahmm ... A-Alex." Dumiretso sya ng tayo."Who the hell are you?" Iritadong sabi ko.Ayoko sa lahat yung sinasandalan kotse ko eh, pwede pa sana kung close kami, kaso hindi ko sya kilala eh."I-Im Adam." Alanganing sabi nito."So what?""Can you go out with me?" Dire-diretsong sabi nya."Sa tingin mo bakit ako papayag sa alok mo? Eh hindi nga kita kilala! At kung pwede, wag kang humarang dyan sa kotse ko!" Sigaw ko."What's happening here?" Biglang dumating si Stan."Please Alex. Give me a chance." Pagmamaakawa ni Allan? Aso? Ewan!"No.""Please Alex. Kahit isang beses lang." Lumapit pa sya."Alin ba sa NO ang hindi mo maintindihan?" Lumuhod sya sa harap ko."Alex. Please~"( PAKK ) Sinampal ko ng matauhan."Siguro naman naiintindihan mo na?" Mataray na sabi ko."Hey Alexandra." Suway ni Stan.Kumaripas na ng takbo yung Allan? Ellen? Ah basta!"Uuwi ka na ba?" Tanong nya."Obvious ba?" Mataray kong sagot."Ah sige. Mamaya pa ako uuwi, may pag-uusapan pa daw kami ni Tito Antonio." Biglang naagaw nya ang atensyon ko."Si Daddy? Bakit?""Ewan ko." Nagkibit balikat lang sya."Sasama ako.""Usapang lalaki yun Alex, kasama rin daw si Alfred.""Sasama pa rin ako." Napapadyak na ako."Please naman Alex! Wag matigas ang ulo.""Aba Stanley! Kapag sinabi kong sasama ako, sasama ako!"Biglang lumapit sa amin ang hinihingal na Amanda. "Alex! Buti naabutan kita.""Bakit Amanda?""Tumawag sa akin si Mr. Santos, he want you to perform." Nahihirapang sabi nya."Amanda. Alam naman na ni Mr. Santos na tumigil na ako diba?" Ugh!"Ikaw daw kasi yung hinahanap nung mga business partner nya."Napatingin ako kay Stan."No Alex. Napag-usapan nyo na 'to ng Daddy mo diba? Hindi ka na pwedeng kumanta ulit dun." Ano ba yan! Hindi pa nga ako nakakapag salita.Malaki ang utang na loob ko kay Mr. Santos, dahil sa kanya naging mahusay na singer ako, sya mismo ang nagturo sa akin, friend sya ni Kuya John."Shit naman Stanley! Ngayon lang!" Frustrated na sabi ko."Oo nga Stan." Singit ni Amanda.Bakit ayaw na ako pakantahin dun ni Daddy? Ewan ko dun! Daming arte!"I said no." Determinadong sabi nya."Arrghh! Stan. Payagan mo na ako.""Hindi nga sabi!""F*ck! Ok, I'll do everything payagan mo lang ako." No choice."Are you sure?" Parang nagliwanag naman ng mukha nya sa sinabi ko. Basta! Gagawin ko lahat! "Yes!"Kailangang matulungan ko si Mr. Santos."Una, hindi ka sasama sa usapan namin nila Tito. Pangalawa, wala ng usapan tungkol sa Divorce, at--""What?" Napasigaw si Amanda, kaya napatingin kami sa kanya. "I-Im sorry. Tuloy nyo lang.""Pangatlo, we'll try to fix our relationship.""Deal!" Agad na sagot ko."Teka Alex, hindi ka manlang ba mag-iisip?" Parang nag aalalang tanong ni Amanda."Nakapag-isip na ako Amanda! So ano Stan? Pinapayagan mo na ba ako?" Excited na ako!"Amanda testigo ka na pumayag si Alex ah?" Baling ni Stan kay Amanda."Ahm .. O-Oo." Napipilitang sagot ni Amanda."Ok, secret lang natin 'tong tatlo na pinayagan kita ah." Kumindat pa si Stan."Thanks Stan."Hinila ko na si Amanda pasakay sa kotse ko."Umuwi ka before 9pm Alex." Narinig ko pang sigaw ni Stan."Oo."-----Stan's POVKakaiba talaga si Alex. Sa totoo lang, hindi pa ako nafafall sa kanya, pero malay natin diba?I'll be a good husband to her."Upo ka na Hijo." Sabi ni tito. "Kamusta naman kayo ni Alex ngayon?""We're fine tito. Napag-usapan din namin kanina na aayusin namin ang relasyon namin." Napangiti ako."Good to hear that. Please Stan, intindihin mo lang ang anak ko, moody kasi sya masyado. Minsan kung ano ang maisipan nya, ginagawa nya na lang agad." Natawa pa sya."Yes tito, nasanay na rin po ako sa ganung ugali ni Alexandra." Alam ko na ang ugali nyang 'yun."Mauna na ako sa inyo, may meeting pa ako eh." Pagpapaalam na ni Tito."Sige Tito.""Let's go bayaw." Niyaya na lang ako ni Alfred uminom.Bar."Tungkol nga pala sa pag sapak ko sayo nung nakaraan, sorry. Ayoko kasi makitang nasasaktan ang princess namin." Napapakamot ulong sabi ni Stan."It's Ok. Naiintindihan ko naman yun. Ako rin naman ang may kasalanan eh.""Sana hindi na maulit yun. Nakikiusap ako sayo bayaw, pagpasensyahan mo na lang ang kapatid ko, medyo may sapak kasi yun sa utak. Pero may kabaitan naman yun sa katawan.""Ang pinagtataka ko lang, bakit may punching bag sya sa kwarto?" Isang malaking pala-isipan talaga sa akin 'yun."Ah 'yun ba? Kapag kasi stress sya, dun nya nilalabas. Kesa naman makasakit sya ng tao diba?""Naalala ko lang nung sinundo ko sya sa bahay nyo, nakita ko sya nun sa kwarto nya na nakahiga sa sahig, tapos yung kwarto nya grabe sa gulo. May basag na kung ano-ano." Napakunot na naman noo ko."Hmmn.. Last time na ginawa nya yun, I think it's 4 or 5 months ago. May pinagdaanan syang matindi nun. Teka, nag-away ba kayo nun?" Tinitigan nya ako ng mariin."Medyo nagkaasaran lang naman kami nun. Oops, by that time, I keep on calling her Alexandra. Then she walked out.""It's a long story bayaw. Just a reminder, don't ever call her Alexandra." Natawa sya ulit."But wait, bago ako pumunta dito, tinawag ko syang Alexandra. Pero hindi naman sya nagalit. And this past few days, Alexandra naman tawag ko sa kanya minsan, pero hindi naman sya nagalit.""Well that's new." Napahawak pa si Alfred sa baba nya na wari'y nag-iisip.Ano bang meron sa ALEXANDRA na 'yun?Alex's POVYehey! Namiss ko 'to!Nandito na ako sa restaurant/bar na dati kong pinapasukan.Every weekend kasi ginagawa nila 'tong bar. Change set-up. Astig nga eh. Meron din ditong mini stage para sa mga performer, pang paganda ng ambiance sa paligid. Para rin ma-entertain ang mga customer.I already changed my clothes, buti may mga naiwan akong damit dito.I'm wearing black dress na above knee high, pa tube style. And a pair of pumps. Perfect!"Alex you're next!" Sigaw ng Floor Manager."Opo."Sinabi rin sa akin ni Mr. Santos na medyo Senti raw ang gusto ng mga Business Partner nya.So this is it.(One Last Cry By: Nina)♬♩My shattered dreams and broken heart are mending on the shelf.I saw you holding hands, standing close to someone else.Still I sit all along wishing all my feelings we're gone.I give my best to you, nothing for me to do ..But have one last cry, one last cry.Before I leave it all behind.I got to put you out of my life, this time, but believe a lie.I guess I'm
Alex's POVNakarating na kami sa bahay ng matiwasay. Papasok na sana ako sa kwarto ng mapansin kong nakatingin sa akin si Stan."Bakit Lalaki?" Tanong ko.Lumapit sya sa akin at bigla akong niyakap."Alex salamat at pumayag ka na ayusin natin to."I hugged him back. "Wala na rin naman akong magagawa eh.""Salamat talaga."Mga ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon, nakakangalay."Stan. Nananaching ka na.""Babe naman. Asawa naman kita eh."Loko to ah.( BAGGS )Inapakan ko yung paa nya."Ouch! Alex!" Sigaw ni Stan habang hawak yung kaliwa nyang paa."Tama lang yan sayo!" Pumasok na ako sa kwarto ko at SURPRISE!! Walang laman kahit isa ang kwarto ko, tapos lumiit pa.Lumabas ako, nagkasalubong kami ni Stan."Stan, walang laman ang kwarto ko. "" a kwarto ko ang daming laman, tapos lumawak pa. "Sinilip ko yung kwarto nya. Totoo nga.Ang daming laman nung kwarto nya. Wow! Ang ganda nung sound system nya. And Ow~ may punching bag sa gilig. Wa-wait. Punching bag? Malaki na rin yung
Alex's POVIlang araw na ang nakalipas naging ok naman kami. Tabi na kami matulog sa kama. Naaawa na rin kasi ako sa kanya eh.Napatingin ako sa katabi ko. Kawawa naman 'to, napuyat siguro kagabi sa kakagawa sa project nya. Nakapatong ang ulo ko sa kanang braso nya at 'yung kaliwang kamay nya naman ay nakapatong sa tummy ko.Pinitik ko yung noo nya para magising sya."Hmmn.." Mahinang ungol nya habang nakapikit."Gising na!" Pinitik ko ulit yung noo nya. Napamulat na sya."Alex naman! Inaantok pa ako!" Asik nya sa akin."6am na! Matutulog ka pa rin?""Napuyat ako kagabi Alex! May mga tinapos ako na project! Masakit pa ulo ko." Usap nya habang nakapikit pa rin."Wag ka na ngang mag inarte dyan! Tatayo na ako.""5 mins. muna tayong ganito." Ano pang magagawa ko? Tsk!"Time starts now." Pinagbigyan ko na lang.Ang gwapo talaga ng asawa ko. Parang anghel kung matulog.Sana mag work out 'tong pinasukan naming relasyon. Kahit na hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko s
White room.Sh*t hospital!Tatayo na sana ako kaso biglang kumirot yung ulo ko. Kaya napahawak ako. Pati right feet ko masakit. Gaano ba kagrabi yung aksidente? OMG! Yung kotse ko!"A-Alex? Gising ka na? Anong nararamdaman mo? May masakit ba?"Naupo na ako."Anong ginagawa mo dito babaero? Dun ka sa linta mo!""Alex naman. Ano bang nangyari? Ba't ka nabanggga?""Simple lang. Nung nakita kita kasama yung linta Manang un, uuwi na sana ako, kaso nakipag race muna ako. Kaso nabangga ako eh. Ang simple diba?""Alex naman. Sorry. Ganito kasi yun, sya yung lumapit sa akin.""SO GINUSTO MO NAMAN KAYA HINDI KA PUMALAG-Ouch!"Kumirot bigla yung ulo ko.Biglang bumukas yung pinto at pumasok sila Mommy, Kuya Alfred, at ..."Kuya John?!"Anong ginagawa nyan dito?"Narinig ko yung pinag-usapan nyo. Totoo ba yun Stan?"Tumingin sya ng masama kay Stan. Lagot talaga sya kay Kuya.Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. Si kuya Alfred naman ay nakatayo lang sa likod ni Kuya john.Nagsukatan sila ng ti
Silence.Silence.“A-Alex .. Sorry.” Umupo sya sa tabi ko sa kama.“Why did you do that Stan? Akala ko ba aayusin natin to?”“Oo nga. Masakit lang talaga yung ulo ko nun Alex kaya wala akong nagaw sa kakulitan ni Jasmin.”“Palusot mo. Sayang lang effort ko para pumunta sa school kanina. Naging cold ka kasi bigla.” Napasimangot na ako. Kasi naman!“Masama kasi yung gising ko kanina. Masakit na nga ulo ko tapos sinampal mo pa ako.”“Eh hindi ka kasi magising kanina eh.”“But is that the right way para mang gising?”Napayuko ako.“No. Pero wala akong maisip eh. Balak pa nga kitang buhusan ng tubig eh.”“WHAT?!”Bakit? Nagiging honest lang naman ako ah.Napahawak si Stan sa noo nya.“You should kiss me para magising ako.”“Is that the right way?”“Yes.”“Bat nga ba hindi ko naisip yun? Tsk!”“Puro kasi kabrutalan yang nasa isip mo.”“Sorry. Ok?”“Hindi ako tumatanggap ng sorry.”“What? Ikaw nga may kasalanan ka pa dyan eh!”“Ako pala dapat mag sorry. So, sorry.”“Hindi ako tumatanggap n
Papalapit pa lang ako sa table kita ko na ang nakangiting mukha ni Felix.Naupo na ako sa harap nya.“Salamat Alexandra at dumating ka.”Tumahimik lang kaming kumain.“Alexandra please give me a second chance.”“You know I can’t give that to you.”“I know. Beacause you have him.”“Alam mo naman pala eh, bat mo pa to ginagawa?”“Why are you so cold to me? Galit ka pa rin ba?”Natawa ako sa sinabi nya.“Galit? Ha.Ha.Ha. Ba’t naman ako magagalit? Dapat pa rin ba akong magalit dahil umalis ka? Dahil iniwan mo ako? Dahil nawala ka ng wala manlang pasabi? Tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari? Come on Felix! Tell me! Dapat pa rin ba akong magalit?”“A-Alexandra. I-I’m sorry.”“Sorry? For what? For causing me too much pain? Alam mo dapat nga magpasalamat pa ako sayo eh. Because of you I became more stronger. Hindi na ako ang Alexandra na kilala mo.”“Alexandra. I have my reason.”He take a deep breath.“Kaya ako umalis dahil kay mama, nagkasakit sya sa states. At ngayon nasa hosp
Stan’s POVSh*t! Hindi ko akalain na ganito pala ako masasaktan sa nakita ko kanina.Alex? Damn! Yung lalaki na yung ang nilapitan nya instead of me? Ano nga ulit pangalan nun? Felix? Bantot!Nagpasundo pa sya sa akin. Para ano? Para ipamukha na hindi nya ako gusto? Na mas gusto nya yung pangit na ‘yun?Napadpad na lang ako sa bar ni Alfred.“Hey Bay-— What happen?”“Wala ‘to. Pwede ba samahan mo akong uminom?”“Sure.”Lumapit kami sa bar counter.“Whiskey please.” Utos ko sa barista.“Mukhang may pinagdadaanan ka bayaw ah. Si Alex ba?”“Oo.” Sino pa bang babae ang nagpapa baliw sa akin ng ganito? Tsk!“Tell me.”“May kasama syang pangit. Felix daw.”“What?! Did you just say Felix?” Reaksyon nya?“Yeah. You know him?”“Oo. Sya ba may gawa nyan?”“Nagkainitan kami kanina eh.”“Nasaan si Alex?”“Nandun sa pangit na yun. Mas pinili nya yun kesa akin.”“Alex did that?”“Yeah. Sino ba yung lalaki na ‘yun?”“Ex boyfriend ni Alex.”Ouch~“Kaya pala eh. Tinanong pa nya si Alex kung mahal ny
Naaawa ako sa itsura ni Felix kanina kaya sya yung nilapitan ko.Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Hindi ko mapigilan eh.Nandito na ako sa bahay namin.Pagpasok ko sa kwarto, wala akong stan na nakita.“Do you really love that man?”“Answer me Alexandra! Do you really love him? Or you just used him to forget me?”Rinig na rinig ko pa rin yung tanong ni Felix sa akin. Hindi ko naman ginamit si Stan para makalimutan si Felix, kasi in the fist place, ayoko talagang magpakasal sa kanya. Pero ngayon, mahalaga na rin sa akin si Stan, hindi ko masasabing love na to, masaya lang ako kapag kasama ko sya.Natatakot ako sa mukha ni Stan kanina, kanina ko lang sya nakitang ganun. Puno ng galit.Lumipas na ang oras pero wala pa rin sya.....( Ding Dong )Si stan na siguro yun, pero bakit pa sya ng doorbell kung meron naman syang susi ng bahay?Pagbukas ko ng pinto.“Kuya?”Akay-akay nya ang tulog na si Stan.“Ano? Haharang ka na lang dyan? Tulungan mo ako.”Inakyat namin si Stan s
Salamat po sa lahat ng umabot dito at sa walang sawang pagsuporta. Sana ay suportahan nyo din ang isa ko pang story, Title: All About Her"Sorry na Jared! Hindi ko naman sinasadyang mahawakan ang cellphone mo eh!" Pagmamakaawa ko pero mukhang hindi nya ako naririnig dahil kinaladkad nya ako papasok sa kwarto namin. Napaupo na lang ako sa sahig."Sorry? Ilang beses ko ng naririnig sayo 'yan! Putangina mo kang babae ka!" Hinaklit nito ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. Nasalubong ko ang namumulang mukha nya, marahil sa galit."I-Inilipat ko lang kasi nilinis ko 'yung lamesa." Pagpapaliwanag ko. Isa kasi sa pinaka ayaw nya ay ang pakialaman ang gamit nya."Tanga ka ba o ano? Malinaw na sinabi ko sayo, umpisa pa lang na wag na wag mong papakialaman ang gamit ko! Lalo na ang cellphone ko!" Sigaw nya sa mukha ko kasunod ng isang malutong na sampal.Para akong nabingi sa impact ng sampal nya. Kusang tumigil ang luha ko, napatitig ako sa kanya. Bumubuka ang bibig nya pero wala akong
"Jb! Oh my--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla syang tumakbo sa tatay nya. Napaka sutil talaga."O Alex, ba't ka sumisigaw?" Salubong sa akin ni Stan habang hawak sa kamay si Jb."Yang bata na 'yan talaga! Iniwan na naman ang t.v na bukas, ilang beses ko na 'yan pinagsabihan na patayin ang t.v after manuod." Sumasakit ang ulo ko sa anak ko. He's only five years old."I forgot. Sorry nanay." Malambing na sabi nito."Jb, you're a big boy now. Listen to your nanay." Sabi naman ni Stan habang inaayos ang magulong buhok ni Jb.Tumango naman ang bata. "Pumunta ka muna sa kwarto mo, susunod ako doon." Utos ni Stan kay Jb."Opo." Kiniss pa ako nito bago umalis."Babe, I think we need a nanny for Jb." Tinignan ko ng masama si Stan."What do you mean? Na hindi ko kayang alagaan ang anak ko?!" "N-No! Syempre sobrang likot na ni Jb, hindi na sya pwedeng magstay mag isa sa bakeshop kapag busy
Alex's POVIt's been 8 months. Eight months ng paghihirap sa pagpapalaki kay Jb, pero sulit dahil sa konting ngiti lang ng anak namin ay napapawi lahat ng pagod namin.Abala ako sa pagluluto habang sya naman ay pinapatulog si Jb.Everything seems so perfect when our baby was born. Lalo kaming naganahan gumising sa umaga dahil alam namin na may magpapasaya sa amin.Ngayon ang iisipin namin ay palakihin ng mabuti si Jb. Minsan nga ay nagtatalo kami ni Stan kung anong kurso ang ipapakuha namin, hanggang sa marealize namin na malayo pa pala 'yun."Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stan."Wala. Nakatulog na ba si Jb?" Hinarap ko sya at niyakap na rin."Oo, pinaakyat ko na kay Manang. Babe? Gawa na tayo ng kalaro ni Jb." Ngali-ngali kong batukan si Stan sa sinabi nya."Ano ka? Sinuswerte? Kung gusto mo, ikaw manganak!" Sabi ko."Biro lang naman. Ayoko nang makita na nahihirapan ka
Alex's POVHindi naging madali ang mga sunod na buwan para sa akin. Naging sensitive ako, at moody.Laking pasasalamat ko at naiintindihan ako ng mga tao sa paligid ko. Grabeng pagpapasensya ang ginagawa nila, lalo na ang asawa ko.Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Napakalaki na ng tyan ko, di ko alam kung nakakahinga nga ba talaga ang baby ko sa loob."A-Aray." Napahawak ako sa tyan ko. Omg! Manganganak na ata ako!"Stan!!" Sigaw ko.Tarantang lumabas naman si Stanley sa C.R na nahihirapang itapis sa katawan ang towel."What happen?" Hindi magkandaugagang tanong nito."Aray! Manganganak na ata ako!" Halos mapaupo na ako sa kama sa sobrang sakit."Really?" Excited na tanong nito at kinuha ang cellphone."Hey! Anong ginagawa mo?!" "Itetext ko sila John." Nakangiting sabi nito.Kung hindi lang masakit ang balakang ko, baka naupakan ko na sya!"Uunahin mo pa ba yan kesa sa panganganak ko?!" Sigaw ko.Natigilan naman sya. "Ay oo!" Agad nitong kinuha ang mga
Merry Christmas!---Stan's POV"Ok na naman ako eh. Bakit nyo pa kasi ako dinala dito?" Sabi ko habang nakahiga sa hospital bed."Aba! Eh alangan naman na pabayaan ka namin na mamatay sa labas ng bahay nila Alex!" Sabi ni James."Mas mabuti pa nga siguro 'yun. Hindi na nga ako matanggap ng asawa ko eh." Naalala ko na naman si Alex. Hindi nya na siguro ako mapapatawad pa."Ikaw naman kasi eh. Gagawa ka lang ng kasalanan, magpapahuli ka pa!" Pang aasar nito.Tinignan ko lang sya ng masama."I was shocked pare. Hindi ko alam na magagawa 'yun ng secretary ko. Bata pa 'yun at alam kong family nya ang priority nya." Paliwanag ko. "Hindi ko inaasahan na ganun' ang gagawin nya.""Sabi nga nila, expect the unexpected.""Stan!" Halos lumundag ang puso ko ng biglang pumasok si Alex at yakapin ako kahit pa na nakahiga ako."S-Stan. Sorry." Sabi nito at halatang umiiyak na.Bumangon ako pero nakayakap pa rin sya."Hey, stop crying." Sabi ko.Humiwalay sya sa yakap at pinunasan ang luha nya."I'
Wag tayong magalit kay Stanley. Lahat po ng pogi, nagkakamali :)---Stan's POVThree days. Three days ang lumipas simula ng umalis sa bahay si Alex.Three days na parang three years na. I know it's my fault. I didn't expect that Karen, my secretary would do that. Nagresign na sya after that incident.Galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mag ina ko. I always bring fruits at Alex's house, hindi nga lang ako nagpapakita sa kanya. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya.(KRING. KRING)Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. It's John.[Stan.]"Yeah?"[Are you free? Let's meet at my resto.]"After my work. Marami pa akong hindi natatapos." Sagot ko.[Okay, just text me kung on the way ka na.] Then he hung up.Napahawak ako sa sentido ko, wala akong gana magtrabaho. Ang dami nang nakatambak na papeles. Hindi na rin ako minsan umuuwi sa bahay, dito na ako natutulog sa office.(Tok. Tok)"Come in." Sab
"Mga walang hiya." Mahinang sabi ko.Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nahirapan akong huminga. Napahawak ako sa tyan ko.Tinignan ko ng masama ang babae na kanina lang ay nakakandong sa asawa ko. Mukhang gulat na gulat sya."Lumabas ka na Miss at mamaya tayo magtutuos." Gigil na sabi ko.Dali-dali naman 'tong umalis.Lumakad si Stan papalapit sa akin at akmang hahawakan ako. Umiwas ako at umupo sa sofa. Kailangan kong kumalma dahil talagang nanggigil ako."Babe." Pagmamakaawa nito."Sa bahay lang ako nila mommy hanggang sa manganak ako. Ipapakuha ko ang mga gamit ko mamaya kay Kuya John. Wag na wag kang magtatangka na pumunta doon. Mag-usap na lang tayo after kong manganak." I came up to that decision.Alam ko na hindi dapat nagpapadalos-dalos lalo na kapag galit. Kaso di ko maiwasan."Babe wag ka namang ganyan. Let me expla--""Magpapaliwanag ka? Una Stanley, bakit hindi mo sinabi na babae pala ang secretay mo? Pangalawa, 'yung babae na 'yun pa talaga? Alam mo bang napakalaki
"Ingat ka lang sa pagbaba!" Narinig kong sigaw ni Stan habang pababa ako sa hagdanan.Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko pero mahahalata na buntis na ako."Over acting lang?" Natatawa kong sabi. Lalo pa akong natawa ng makita ko syang naka apron at nagluluto. "Anong niluluto mo?""Pancit." Nagningning ang mata ko sa sinabi nya.It's been a month simula ng ibalita namin sa lahat ang pagdadalang tao ko. And they we're all happy for us."Matatapos na ba? Natakam ako." Sabi ko sabay upo."Malapit na." Sagot nya.Paghain nya sa akin ng pancit ay kaagad akong sumandok at nilagyan ng 'yun ng suka. Ang sarap talaga!"Gusto sana kitang samahan dito maghapon kaso kailangan kong bumalik sa office." Sabi nya habang nagtatanggal ng apron."I can handle myself. Tatawagan ko na lang sila kuya kapag may kailangan ko." Simula kasi ng sinabi ko sa kanilang buntis ako ay kaagad nilang sinabi na kapag may kailangan ako ay tawagan ko lang sila."It's good to hear. Maliligo lang ako saglit." Isan
It's been 3 days simula ng nalaman kong buntis ako, syempre nakapag pa check up na rin ako and it's positive!Kakagaling ko lang sa OB gyne ko at dumiretso na ako sa grocery store para mamili ng ipanghahanda mamaya sa surprise dinner ko kay Stan.I'm busy picking some item ng may bumangga sa akin."Oh shoot." Bulong ko. Napaatras ako sa pagbangga nya."Paharang harang kasi." Sabi nung nakabangga sa akin."Excuse me?" "Paharang harang ka sa kukunin ko!" Sigaw nito."Aba miss, customer din ako dito. Pati ang dami-daming coffee oh! Kaya hindi mo na kailangang manulak!" Ganting sigaw ko."Eh sa gusto ko dito eh, pakialam mo ba?" Muling pagtataray nya sa akin.Inirapan ko na lang ito at umalis na. Pasalamat sya at medyo good mood ako at ayoko ng gulo.Agad na akong pumila sa counter, at kung minamalas nga naman ako, nasa likod ko kasi yung babae na nakaaway ko kanina."Miss baka naman pwedeng paunahin mo na lang ako. Isa lang naman ang sa akin, sayo ay napaka rami." Sabi nito sa akin. Hin