Share

CHAPTER 30—Going to the party (1)

“Manong! Diyan na lang po!” Pagpara ko. Itinigil naman ng driver ang jeepney kaya’t mabilis akong bumaba.

Ang oras ngayon ay wala pa sa tanghali kaya’t wala pa ang kapatid ko. Pumasok ako sa bahay kung saan bumungad ang nanay kong nakaupo sa nag-iisang couch na sira-sira sa sala.

Dahan-dahan siyang bumaling sa akin at hirap na hirap sa paggalaw ng kanyang katawan maging ang kanyang mga kamay. Lumapit ako kay mama at lumuhod. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

“Mama, kumusta ka na po?” ngumiti ako sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi niya at inayos ang buhok niya. Gusto niyang magsalita pero hindi niya talaga kaya.

“Mama, ayos lang po kahit hindi mo na sabihin ang mga gusto mong sabihin. Alam ko naman po na masaya ka na para sa akin, para sa trabaho ko, kasi mabibigyan ko na po kayo ng magandang buhay!”

Kinuha ko ang wallet ko at ipinakita ang wallet ko na may lamang pera habang nakasuot ang maligayang ngiti.

“See, mama, mayroon na kayong pambiling masarap na ulam! Pasensya na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status