Natahimik kaming dalawa sa loob ng ilang minuto at tanging mga hayop lang ang naririnig namin. Bigla siyang tumayo kaya’t umangat ang tingin ko sa kanya. “Pumasok ka na at ayokong magtanong-tanong pa ang mga magulang ko dahil diyan sa kaartehan mo. Huwag kang pa-importante,” huling sambit niya at naglakad palayo sa akin. Hindi pa siya nakakalayo nang tumayo ako. “Rome!” Mukhang narinig niya ako kaya’t tumigil siya. “Hangga’t kaya ko, mamahalin kita. Mahal na mahal na mahal kita, mahal ko.” Itinuloy niya ang paglalakad niya palayo sa akin at hindi man lang binigyang pansin ang sinabi ko. “Hindi ako susuko sa ‘yo! Babawi ako sa ‘to! Ikaw lang ang love ko!” pahabol ko pa sa kanya. Tumigil ako sa paghakbang nang may maamoy akong kakaiba na hindi kaaya-aya sa ilong ko. Lumapit ako sa isang gilid at sinusundan ang direksyon ng amoy. Hindi pa ako nakakalapit nang lumabas lahat ng kinain ko dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko. Napatakbo ako sa isang faucet na malapit sa mga hut ng gardener
Hindi ko pa itinanong sa kanya ang tungkol sa pagkawala ko. Nilapitan niya ako at kumapit sa braso ko. “Nasa stroller ka anak. Ugali ko kasi dati ay sobrang tiwala ako. Sorry talaga. N’ong nakapunta tayo sa park, nauhaw ako eh ang lapit-lapit lang ng tindahan. Hindi kita pwedeng dalhin anak kasi ayoko namang masagasaan tayo. Kaya ayun pagbalik ko ‘yung stroller mo wala na sa dating pwesto at nandoon na sa may dulo ng park, may mga puno at masukal doon tapos nakatumba ang stroller mo pero wala ka. Doon sa tapat ng stroller mo, anak, merong parang bangin…” Bumaling siya kay dad. “Akala namin ng daddy mo nahulog ka roon kaya kahit na nakababa kami sa bangin na ‘yon wala ka kahit ‘yung damit mo lang kaya nagkaroon kami ng chance na mag-isip na baka buhay ka pa anak.” “Matagal ka rin naming hinahanap,” sabat ni Dad. “We always cry, anak. Mababaliw na kami ng dad mo. Halos halughugin na namin ang buong mundo, nagpa-TV pa kami para itanong ka lang pero walang nag-approach sa amin. Nagbayad
Dumating ang araw na presentation na dahil doon, kinakabahan ako ngayon. Tig-pipito ang bawat upuan ng long table sa magkabilaan tapos nasa gitna si Rome at nasa magkabilaan naman ang parents niya. Nginig na nginig akong nasa tabi ni Rome at gusto ko siyang kapitan. “It’s okay,” pagbibigay lakas ng loob niya sa akin at hinawakan ako sa baywang para ipalakad papuntang harap. “Inhale and exhale. Ilabas mo ang confidence mo. Taglish will do, and I am just here to back you up. Just explain our product, okay? Lilipas din ‘yan,” dagdag niya pa bago niya akong tuluyan na maihatid sa harap. “My secretary, Faye Reagon, will explain to you our product proposal, and after the presentation, the suggested options and opinions are open for you to make changes for the upcoming business. Let's listen to her.” Nakaramdam ako ng matinding kaba nang iniwan ako ni Rome sa harap. Nanginig bigla ang labi ko at napatingin sa mga businessmen and women na medyo may katandaan at napakaseryoso ng mukha. Ngum
Mabilis akong lumapit sa table niya at kaagad na umupo sa kandungan niya. Magrereklamo sana siya sa ginawa ko pero agad ko siyang hinalikan sa labi at idinikit ang noo ko sa noo niya kasabay ang pagyakap ko sa leeg niya. “Amoy kang kape! Layo!” “Wait lang!” Atungal ko. “Gusto ko lang mag-thank you kasi tinuruan mo ako sa ganung bagay at magkaroon ako ng experience,” matamis akong ngumiti. “Gusto mo ba…” Hinagod ko ang daliri ko sa balikat niya at kinagat ang pang-ibabang labi ko. “Gusto mo ba pasalamatan kita sa ibang paraan?” Nakangiting tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay pagkatapos ay ngumisi. “Sure.” Inilapit ko ang labi sa labi niya habang hinahawakan ang baba niya. Niyakap niya ako papalapit sa kanya at tinugunan ang halik na ibinigay ko. Naramdaman ko ang matinding komportable ko habang ninanamnam ang labi ng asawa ko. Miss na miss ko ‘to. Miss na miss ko siya. Sana bumalik na ang lahat sa dati. Bumitaw ako sa halik. “H’wag mong hahayaan na halikan ka ng ibang bab
ROME It was a nice day since I was with my parents in Wilson. We will come together in the conference room later. Bumaling ako sa pinto nang bumukas ang pinto at iniluwa si Faye. Suddenly her face turned red and seemed so embarrassed about what happened last night when she looked at me. I am upset about that! What a shame! Ang hirap mabitin! Kung wala lang ang parents ko rereklamuhin ko siya ngayon. “Wow! You are so gorgeous talaga in Wilson’s uniform, Faye. Parang palaging first time kitang nakikita na ganyan!” puri ni Mom at hinawakan si Faye sa mga braso niya. Napakapit ako sa coat ko. Ayaw kong maging close sila ng Mommy ko. Baka kung ano-ano pang i-kuwento ni Faye. “Salamat po.” “I can’t think now that you are working on Rome’s mansion. Just take care of yourself, alright? Ang galing mo pa naman about doon sa presentation. That is so wow wow! Ang daming nag-invest ng company! Maswerte talaga si Rome sa ‘yo. Dahil sa maraming nag-invest, maraming promotion, at maraming asse
FAYE Padabog kong pinupunasan ang mga alikabok sa kasulok-sulukan ng kanyang office. Bawat bagay na hindi nagagamit ay pabato kong tinatapon sa likuran ko. Kinuha ko ang mga papel na nasa ilalim at tiningnan ‘yon isa-isa. Puro mga scratch papers lang kaya mabilis kong hinagis ulit ‘yon sa likuran ko. “Nagdadabog ka ba?” “Ay, anak ng tipaklong na mukhang chonggo!” Napatayo ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. “Ano ka ba naman?” “Anong sabi mo?” Ipinalupot niya ang mga braso niya sa chest niya at dahan-dahang lumapit. “Sumasagot ka ba?” “No—este hindi po, sir.” “How will you clean my office properly if the dirt is scattered on the floor? If you don’t want that job, you can completely say it to me. Hindi ‘yong nagdadabog ka. Alam mo ba na ‘yan ang pinakaayaw ko sa mga empleyado ko?” Napakagat ako ng pang-ibabang labi. “Sorry. Sorry, sir. Nag…” Bumaling ako sa ibang direksyon para iwasan siya at makapag-isip ng dahilan. “Nag-mimens! Tama, may period ako ngayon, sir, kaya m
ROME For a whole day, my parents were busy talking to their friends, while I was focused on my job. Saka na ako magbigay ng time sa parents ko kapag hindi na sila busy. It was night. All the working hours were so tiring! Buong maghapon akong babad sa laptop ko. There are some partners that I needed to attend meetings online and give my insights. The projects are still on-going. Well, ganun talaga, wala kang karapatang magpahinga kapag may on-going project. Faye was fixing her things. Kanina pa rin siya hinihikab at kanina ay nabantay ko siyang natutulog sa table niya. Sarap sana niyang buhusan ng malamig na tubig ulit sa mukha eh, kaya lang malalaman ng parents ko, baka yariin ako at saka kawawa naman, pagod na pagod siya sa trabaho. I already gave her consideration last time. Kahit hindi na siya magtrabaho sa bahay kapag marami siyang trabaho sa office. My parents just arrived home. Gusto pa nila akong hintayin pero sinabihan ko sila na mauna na sila para hindi sila mapagod. Nat
Later on, mayroon na namang nagbukas sa pinto ng office ko. She was carrying a bunch of food in a tray with 2 cups of coffee. “Kain muna tayo!” Pag-nguso niya. Sinarado niya ang laptop ko at sinusubukan akong itayo. Nagpatangay ako sa kanya papunta sa coffee table. Kape lang ng iniinom ko habang pinagmamasdan siyang inuubos ang mga pagkain na dala-dala niya. Parang hindi siya kumain ng sampong taon. At nakakahiya naman kung makikihati pa ako sa pagkain na para sa akin kung inuubos na niya. “Ginugutom mo ba ang sarili mo?” Nagkibit-balikat siya habang kumakain. I just shook my head. Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa nang tumayo siya para kunin ang unan na nasa kabilang sofa. “Tumataba ka ah. Ingat ka at baka maghanap ako ng mas sexy sa ‘yo,” pansin ko sa katawan niya. Binalingan naman niya ang tiyan niya at ang mga braso niya. “Sakto lang ako eh,” depensa niya. “At saka mas better ako kaysa sa mga sexy na gusto mo. Bakit, alam ba nila ang kiliti mo? Ako alam ko! Sa singi