Nag-lalakad na kami papunta sa building kung saan ang susunod naming klase ng mapansin ko sa hindi kalayuan ang grupo ni Kuya. Agad kong napansin si Jace na naka-upo sa Bench habang nag-babasa. Habang sila kuya naman at tropa niya ay masayang nag-kwekwentuhan. Naningkit ang mga mata ko sa magaling kong kapatid, Wala bang klase ang mga ito at nakatambay lang? Saka bakit si Jace hindi pa na-uwi? Wala pa naman siyang klase ngayon ah? What he still doing here?
“Look, sis, tignan mo ang paligid lahat sila nakatingin sa soon to be brother mo. Shems, ang lakas naman kase ng dating o, Nagbabasa lang ng libro akala mo model na.” Mahinang sambit ni Chantal, Tss, pati siya ay kinikilig.
Nilibot ko nga ang tingin sa paligid, halos lahat ng napapadaan na babae ay napapatigil sa paglalakad tapos ay nililingon si Jace habang mga kinikilig. Ang iba naman ay tumatambay malapit sa kanila para makita ng malapitan ang lalaki. First day niya sa University pero ganito na ang impact niya sa mga babae dito.
“And for sure your soon to be brother have a fan page, already.”
Komento naman ni Trishana, well, I think so.
Dahil sa sinabi ni Trishana mabilis na kinuha ni Chantal ang cellphone at may kung anong pinag-kaabalahan doon.
“You're right sissy! That handsome guy already have a fan page, the women here are really different! They immediately made a page and had more photos of him. Not just a page, but a group! Kaloka!”
Eksaheradang sabi ni Chantal, lumapit naman kami sa kanya at sinilip ang sinasabi nito. And there may page na nga ang lalaki,
“Seriously? nine thousand na agad ang likes?!”
Hindi makapaniwalang turan ko habang nakatingin sa phone ni Chantal. Ganoon ba karami ang babae dito sa University? Saka ilang oras palang ang nakakalipas!
“Tsk, ang tinik nga naman talaga, mukhang kaya ganyan karami ang Likes dahil pati ibang University nakarating na rin ang ka-gwapuhan ng soon-to-be-brother mo.”
Hindi rin makapaniwalang sabi ni Chantal.
Muli ko namang tinignan si Jace na walang pakealam sa paligid, Ganito pa lang ka-simple ang ginagawa niya pero para ng mababaliw ang mga babae sa paligid. Sabagay, hindi ko nga naman masisisi ang mga ito, Gwapo ang binata, malakas ang dating.
Napakurap-kurap ako at napa-ayos ng tayo ng bigla itong mag-angat ng tingin, Saktong tumingin siya sa gawi namin. Napa-Iwas tuloy ako ng tingin ng wala sa oras sa kanya, binaling ko kay Kuya na tumatawa pa rin hanggang ngayon ang tingin ko.
Sh*t, na patagal ang paninitig ko sa kanya. Mukhang naramdaman niya ang paninitig ko, pero wait, Bakit sa dami ng tumititig sa kanya hindi siya nag-angat ng tingin? Bakit nung ako nag-angat siya ng tingin tapos sakto pang sa gawi ko tumigil ang tingin niya.
Nang pasimpleng silipin ko ito ay hindi na siya nakatingin sa amin, Napakunok ako ng bigla itong tumayo. Napatingin tuloy sila kuya sa kanya at ang mga barkada nito.
Kinausap niya si Kuya tapos sabay silang tumingin sa aking dalawa, Ngumisi naman ang magaling kong kapatid at kumaway pa. Tss, parang walang kasalanan 'a?
Tinapik-tapik ni Kuya ang balikat ni Jace bago siya tinalikuran ng lalaki at nakapamulsang naglakad patungo sa dereksyon namin. Bigla namang kumabog ng mabilis ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Why do I feel like this? Bakit kinakabahan ako ngayon na papalapit siya sa amin?
“Oh my gosh, papunta dito ang adonis mong soon to be brother sis.” Bulong ni Chantal, may halong kilig sa boses nito.
“Baka may sasabihin sa'yo, girl.” Mahina din bulong ni Trishana.
Habang papalapit ito ng papalapit ay mas bumibilis ang tibok ng aking puso. Bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya? Kahit sa paglalakad ay ang lakas ng dating niya. Napaka-seryoso tapos ang mga mata nito ay sa aking nakatutok. Napakalamig kung tumingin..
Nang makalapit ito sa amin ay tumikhim muna ako.
`Kalma, self 'wag kang papahalata na kinakabahan ka sa presensya niya.`
“Hey, nandito ka pa pala? Hindi ka pa ba tapos I-tour ni Kuya?”
Naka-ngiti kong tanong, Thanks G, hindi ako nautal.
“Anong oras ang tapos ng klase mo?”
Ang ngiting naka-paskil sa aking labi ay unti-unting nawala at napalitan ng awkwardness. Jeez, Pahiya ako ng konti doon ah!
Hindi man lang sinagot ang tanong ko at nag-tanong din. Pero bakit niya tinatanong? Para saan?
“Three o'clock, why?” Sagot ko, Tumango-tango naman ito.
“Ok, I pick you up, later. Uuwi muna ako.”
“Huh?”
Wala sa sariling sambit ko.
“Susunduin kita mamaya, kukunin ko lang din ang kotseng ipapahiram sa akin ni daddy.”
Seryosong saad nito.
Sandali, Alam kong binilin ako ni Daddy sa kanya, pero hindi pa naman siya pumapasok ngayon 'e. so, ok lang na hindi muna niya ako sunduin, pwede naman ako sumabay muna kay kuya mamaya or pwede akong mag-pasundo sa driver namin.
“No need. pwede naman ako sumabay kay Kuya mamaya, hindi ka pa naman pumapasok, so ayos lang, mag-pahinga kana lang sa mansion. Thanks anyway.”
Napalunok naman ako ng mas lumalim ang pag-kakatitig niya sa akin, nakakalunod na tipong ang hirap umahon. Mas lalo pang sumeryoso ang mukha nito. Why? May mali ba sa sinabi ko? Nakakahiya din naman kung babalik pa siya dito para sunduin lang ako? Saka nakakapagod kaya mag-pabalik-balik. Mas mabuting ipahinga na lang niya ang sarili at makapag-relax.
“Susunduin kita, responsibilidad na kita simula ngayon.”
Natigalgal ako ng bigla itong tumalikod at nag-lakad na pabalik kela kuya. Naiwan akong hindi makapaniwala. Bakit ang suplado ng lalaking 'yon? Hindi na nga niya sinagot ang tanong ko kanina, tapos bigla na lang akong Tinalikuran matapos sabihin ang pakay niya?
“Grabe..ang seryoso niya masyado, pero kahit ganoon, ang gwapo pa rin niya.”
Wala sa sariling sambit ni Chantal. Siniko ko nga para matauhan. Napalabi naman siya dahil sa ginawa ko.
“Kaloka 'yang soon to be brother mo, Girl. Bantay sarado ka 'e.”
Naiiling naman na sabi ni Trishana.
“True! parang siya pa talaga 'yung kapatid mo kesa kay kuya Klyde.”
Bumuga ako ng hangin bago umiling-iling.
“Hindi ko alam na ngayon pala ang simula ng hatid sundo niya sa akin.”
Imbes na maging masaya ako, kaba ang lumukob sa akin. Ewan, parang hindi kona siya kaya makasama ng matagal. Hindi katulad noong mga bata pa kami. Ina-asar ko pa talaga siya.
“But it's good na rin, girl. Sinusunod niya talaga ang sinabi nila tita at tito, may isang salita.”
Sabagay may punto si Trishana. Sinusunod lang niya ang bilin ng mga magulang ko–namin pala.
“Gosh, hindi pa rin ako maka-move on ang gwapo ng boses sis! Nakaka-inlove. So, manly. Tipong kapag-kausap mo sa phone ang sarap lang pakinggan at nakakakilig.” Hinarap ko naman si Chantal at pabirong kinurot sa tagiliran.
“Ang harot-harot mo talaga, 'yung sinabi ko sa'yo kanina. off limits siya sa'yo.” Ngumuso naman ito.
“Damot, hindi ba pwedeng share the blessing?” Pinanlakihan ko siya ng mata, humabol pa talaga. Natatawa lang naman sa amin si Trishana bago ito nag-salita.
“Tara na, tama na 'yan baka mag-start na ang second subject natin 'e.” Shems, oo nga pala. ngayon ko lang naalala.
“Hala! oo nga pala, Let's go na. Bilisan na natin.”
Parehas kong hinawakan sa kamay ang dalawa at hinila patungo sa building kung saan ang susunod naming klase.
UWIAN
“Let's go guys, nandoon na daw si kuya Edwin sa parking lot.” yaya ni Chantal. Ang tinutukoy nito ay ang driver niya. Mabilis ko namang dinampot ang tatlong libro na nasa table. Nang hiram kasi ako sa library, Balak ko mag-advance reading.
Tumayo na rin si Trishana at sinuot ang LV shoulder bag niya.
"Nag-text na rin si kuya Ricky nandoon na din siya sa parkinglot." Sabi nito.
Wala sa sariling kinuha ko naman ang aking cellphone para I-check kung may nag-text din sa akin, kaso wala. Sabagay paano malalaman ni Jace ang number ko 'di ba? Basta nagsabi naman ito na susunduin ako. Siguro nasa parking lot na `yon.
Naglakad na kami palabas ng classroom.
Habang naglalakad, Halos lahat ng madaraanan namin ay napapatigil at tumatabi para tignan kami. ang ilan ay makikita ang pag-hanga sa aming tatlo, ang iba naman ay tila naiinis. Hindi naman mawawala ang ganoon.
Isang ngiti at tango lang ang sinasagot namin sa kanila kapag-binabati kami. Kung ang kuya ko ay sikat sa university, kami ring tatlo. Pinag-kaibahan lang sikat kami sa labas at loob ng university. Kilala kami bilang modelo ng DCC at minsan ay lumalabas din sa TV commercial, may billboard din kami sa edsa na nandoon at mukha naming tatlo ang nakalagay. Dahil iyon kay Tita Aaliyah. Kami talaga ang ginagawa niyang main model. Kaya sa labas man ng university kilala pa rin kami.
Kaya kahit third year college na kami may mga driver pa rin kaming hatid sundo kami. Kaya si Daddy at Mommy din gustong pabantay ako kay Jace dahil sa pagiging public figure ko. Si kuya kase hindi iyon nagagawa dahil puro barkada ang ina-atupag. Daddy always tells me to be careful, Masyadong delikado na daw ang panahon ngayon.
*****
Continuation sa next chapter..
Papalabas na kami ng building ng may mapansin ako na isang bulto ng tao malapit sa bench sa mismong harap ng building. Napatigil ako sa paglalakad ng wala sa oras ng makilala kung sino iyon, Why is he waiting for me here? He could have just waited me in the parking lot. feeling ko tuloy ay sobrang abala na nitong ginagawa ko. Nagtataka namang bumaling sa aking 'yung dalawa ng mapansin hindi ako nakasunod sa kanila. “Sis, bakit tumigil ka? May naiwan ka ba?” Nagtatakang tanong sa akin ni Chantal. Saglit ko lang silang tinignan bago binalik ang tingin sa lalaking nakatayo sa labas habang nakatungo at nakapamulsa, sinisipa-sipa din nito ang batong nasa harap. Dahil walang nakuhang matinong sagot sa akin ang dalawa ay sinundan na lang nila ng tingin ang tinitignan ko. Narinig ko ang eksaheradang singhap ni Chantal.“OMG! Bakit ang gwapo naman ng sundo mo, sis? Lakas ng dating shems!” Kinikilig na sambit niya. “Sinusundo kana pala bes ng soon to be brother mo.” Saad naman ni Tris
Pag-akyat ko sa taas ay sinarado ko agad ang pinto at nilock. Bahala silang dalawa kung gagala sila. Si Mommy at Daddy na ang bahala kay kuya. Dumeretso ako sa aking kama at pabaksak na naupo. Mag-papahinga muna ako saglit tapos ay mag-aadvance reading ako. Isang oras na ang nakalipas nang mapag-pasyahan ko munang itigil saglit ang pag-babasa. Nakaramdam na ako ng gutom, bababa muna ako para kumuha makakain. Naiinis nga ako dahil nakalimutan ko sa kotse ni Jace ang tatlong librong nilagay nito kanina sa back seat ng kotse. Kukunin ko sana kanina kaso naalala kong may lakad nga pala sila ni Kuya. Baka naka-alis na agad ang mga iyon kaya hindi na ako nag-abalang lumabas pa. Ibang libro tuloy ang binabasa ko. Nag-unat muna ako bago naglakad patungo sa pinto. Hinilot-hilot ko rin ang batok dahil nakaka-ngalay ang matagal na naka-yuko. Pag-bukas ko ng pinto ay halos mapalundag ako sa gulat ng makita sa harap ng aking kwarto si Jace! Gosh, What is he doing in front of my
KINABUKASAN Maaga akong gumising para makapag-asikaso pagpasok. Ayokong mag-hintay ng matagal sa akin si Jace, Nakakahiya naman doon sa tao. Eleven pm na kami natapos manood kagabi, Naabutan kami nila mommy at daddy na nanonood na dalawa, Natuwa sila dahil kahit papaano daw nag-bobonding na kaming dalawa. Tapos hinanap nila si Kuya ayoko naman magsinungaling kela mommy kaya sinabi kong umalis ito. Nagalit si Daddy dahil nasa galaan na naman daw. Hindi ko alam kung anong oras ng nakauwi si Kuya, Sigurado madaling araw na 'yun nakauwi. Hindi ko alam kailan titino ang kapatid ko. Lagi na lang ginagalit ang parents namin. Pasalamat na lang talaga na matataas ang grades niya kung hindi, baka pinalayas na `yun dito. Lumabas na ako ng kwarto dala ang aking bag, Maaga pa naman kaya makakapag-almusal pa ako. Nang makarating ako sa dinning are ay nandoon pa sila mommy, pati si Jace ay nandoon na rin at kumakain. Wow, ang aga niya ah? Hindi talaga ako nag-kamali na maaga gumising. “
Kylie Pagka-park na pagka-park ng kotse ni Jace ay inayos ko muna ang aking sarili, kinuha ko ang maliit na salamin sa aking bag para silipin ang itsura ko at maglagay na rin ng konting liptint. Ayoko naman mag-mukhang haggard. Habang ang kasabay ko naman ay nauna ng lumabas, Akala ko ay iiwan na niya ako at pupunta na siya sa klase niya pero laking gulat ko ng umikot lang pala siya para pag-buksan ako ng pinto. Hindi ko inaasahan `yon! Napakurap-kurap pa ako ng tumikhim siya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay sumalubong sa akin ang malamig nitong mga tingin, Napakaseryoso na naman niya. Mabilis ko namang binalik sa bag ko ang salamin at liptint tapos ay bumaba na. Hindi ko alam na may pagka gentleman siya. “Thanks.” Pasasalamat ko. Tumango lang naman siya bilang sagot tapos ay namulsa sa kanyang suot na pants. Nag-simula na rin kaming maglakad palabas ng parkinglot. Buti na lang maaga aga pa, medyo malayo ang building ng unang klase ko. “K-kylie..” Na
Kaming dalawa mahilig kaming mag advance study, na kabaliktaran naman ni Chantal na tamad. Kapag ganito si Trishana hindi talaga ako umiimik at hinahayaan siyang pangaralan ang kaibigan namin, May point naman kase ang sinasabi niya. “Waaaah, oo na mag-aaral na. Kapag ikaw talaga ang nag-salita, tagus-tagusan ’e.” Naka-labing sagot naman ni Chantal. Umiling ako bago tumayo at sinukbit ang bag ko. “That's enough, let's go and eat. I'm hungry.” Awat ko sa dalawa. Baka maubos ang oras namin sa bangayan nilang dalawa. Bago pa sila mag-salitang dalawa ay nauna na akong naglakad palabas ng room. Naramdaman ko naman ang pag-sunod nilang dalawa sa akin. Habang naglalakad ay binabati kami ng mga nakalasalubong namin, lalo na ang boys, ’yung iba ay gusto pa mag-papicture na pinag-bibigyan naman namin. Ang iba naman ay nag-bibigay ng kung ano-anong regalo o sulat. Sanay na kami sa ganito, gustuhin man namin na tumigil sila kaso hindi naman nakikinig kaya hinahayaan na lang namin. Pag
Kylie SATURDAY KINABUKASAN maaga ulit akong gumising para makapag-asikaso. Nasasanay na ako na ganitong oras nagigising. Ayaw ko naman na mainis sa akin si Jace, At saka ayaw ko talagang nahuhuli sa klase. Katulad kahapon sabay sabay kaming kumain ng almusal nila mommy at daddy. Kasabay na rin namin kumain si Kuya na halatang antok na antok pa. Mukhang napipilitan lang gumising dahil kinausap siya ni mommy kagabi. Naunang umalis si Kuya kesa sa amin ni Jace doon daw siya matutulog sa tambayan nila. Napailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang kanyang kotse. Kahit kailan talaga, gagawa at gagawa siya ng paraan, Hindi talaga maganda ang nakapalibot sa kanyang kaibigan. Mga bad influence `e. Pasalamat na lang talaga na matalino siya kaya kahit bulakbol nasa top pa rin. Nabalik lang ako sa ulirat ng pag-buksan ako ng pinto ni Jace. Ngumiti naman ako sa kanya bago pumasok sa loob. Buti pa itong lalaking `to, hindi nademonyo ng kapatid ko. Seryoso siya sa pag-aaral a
Sa itsura kase ni Jackie mukhang walang balak umalis at magpatalo. Gusto niya talagang umattend kami. Syempre buong university ang ininvite niya. Nag-papakitang gilas at syempre bida-bida. Pag-bigyan na birthday naman. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa narinig. “Yes! Thank you. Masaya ako at pumayag na rin kayo. So, see you there! Aasahan ko kayo doon ah. Bye! Let's go, girls! Pupunta pa tayong mall.” Maarteng sabi niya at tinalikuran na kami. Nang mawala sila sa paningin namin ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. “That b*tch! Halatang pinaplastic lang naman tayo.” Gigil na anas ni Chantal. ”Kung hindi din tayo pumayag paniguradong hindi tayo, pakakawalan ’e. Tsk, Ayoko talaga umattend sa birthday ng bruhang ’yon, kaso ayoko naman kayo pabayaan kaya sasama na rin ako. Basta sandali lang tayo. Mag-paalam na rin tayo sa parents natin, para aware silang sa bar tayo pupunta.” Sabay kaming tumango ni Trishana bilang pag-sang-ayon. ”Wala rin namang tayong ch
“Don't worry mom, even if we're at the bar later, we'll make sure we have fun. Thank you mommy, I love you.” “I love you too, honey. Sige na, mag-prepare kana. Don't drink to much, ha? Iyong tama lang. Ok?” “Yes, mommy. Thank you po.” “Alright, ibababa kona ang tawag, may meeting pa kami ulit ng Daddy mo. bye honey.” “Bye po!” Pagkatapos kong makausap si mommy ay tumayo na ako, pinasadahan ko ng tingin ang sarili hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Ang idlip ko lang sana ay naging isang oras na rin pala. Kung hindi tumawag si mommy, baka hanggang ngayon tulog pa ako. Dumeretso ako sa walk in closet ko at naghanap ng pwedeng suotin, Pinili ko ang isang long sleeved waist slimming mini dress with square collar, Hindi ko naman kailangan bonggahan saka wala namang sinabing dress code si Jackie so, okay na ’to. Matapos makapili ng dress dumeretso ako sa mga heels, Isang black 3inches heels ang napili ko tapos sa bag naman isang small sling or shoulder handbag. N
Tumigil ako at tinignan ang oras kinse minutos na lang bago mag-alas dose. “Don‘t say that, Wife. Tanggap ko ang lahat sa ‘yo, Mahal kita dahil ikaw si Kylie Madelyn Montemayor—Buenaventura. Ang babaeng minahal ko simula noon at hanggang ngayon. Ang asawa ko. Pakinggan mo akong mabuti, ako naman. “No matter what happened to us, pag-layuin man tayo ng tadhana ulit. Ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin kong maging asawa. Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad pero handa akong mag-hintay kahit taon pa yan! But, please. Don‘t leave me and stay by my side. Okay na ako doon. Kuntento na ako. Please, don't do this. Kung gusto mong lumipat ng kwarto sa bahay, sige. Ipapaayos ko ang katapat ng kwarto natin. Kung ayaw mo ng bahay na iyon, sige mag-hanap tayo ng iba. Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Basta...wag mo lang akong iiwan..Hindi ko kayang malayo ka sa akin..please Kylie...” Napasinghap ako ng marinig ko siyang humikbi sa kabilang linya, tapos ay biglang l
KYLIE Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, Bumungad sa aking ang puting ceiling. Where am I? Tinignan ko ang aking gilid at nakitang may dextrose na nakabit sa akin. Nasa hospital ako. And then Unti-unti kong naalala ang nangyari sa amin sa hotel! Na pabalikwas ako ng bangon at tinignan ang paligid walang tao sa kwartong kinaroroonan ko, Where is Jace? Napangiwi ako ng sumakit ng matindi ang ulo ko. Saktong bumukas naman ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko. "Sh*t, Wife!" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Jace. "J-Jace.."Mahinang tawag ko sa pangalan niya habang nangingilid ang luha. Akala ko ay mapapahamak na siya. Wala sa sariling pinalo ko naman siya sa kanyang dibdib. "I hate you! I hate you! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa ginawa mo?! Paano kung napahamak ka? Edi magiging byuda ako ng maaga ha!" Naiiyak kong sabi, naramdaman ko naman ang mahigpit niyang yakap sa akin. "Shh, Don't cry. I'm sorry kung pinag-alala kita. Ginawa
“A-ah, Excuse me ladies, but my wife is here.” Nauutal niyang sabi bago hinawi ang mga babae sa kanyang harap. Masama ang tingin ko sa kanya. Napalunok siya ng i-abot sa akin ang white whine na hawak. Akma niya sana akong hahawakan sa bewang ng umusod ako, tapos ngumisi habang tinitignan ang hawak na wine. nilalaro-laro ko iyon sa aking kamay, Pinapaikot-ikot ng dahan-dahan. Ayoko sa lahat nilalandi ang pag-mamay ari ko. Alam ng mahahaderang babae na ito na may asawa na ang kanilang kaharap pero lumalandi pa rin! Mukhang gustong maging kabit ng mga ito ah? Pasalamat na lang ako hindi katulad ng iba si Jace na bibigay agad. At papatusin ang kalandian ng mga ito. Hindi lang ako natuwa dahil pinag-hintay niya ako sa table namin tapos makikita ko siyang may kausap na mga babae! “Ladies, you know her, right? She‘s Kylie Buenaventura my wife and one of the famous model in the country.” Pakilala sa akin ni Jace. Famous model huh? Binalingan ko ang mga babaeng nasa ha
KYLIE point of view (8 months later..) Hindi ko akalain na ganito kabilis dumaan ang araw. It‘s been 8 months already ng makasal kami ni Jace. Parang noong isang araw lang galit na galit ako sa kanya at ayaw ko siya makita. Halos, gusto ko na nga siyang isumpa. Pero ngayon na nakakasama ko siya unti-unting bumabalik ang Jace na kilala at minahal ko. So far our marriage is working well. Our routine is still the same, busy with work, but this time I'm helping him because I'm his wife. I have also finished my pending shoot with Tita Aaliyah's company, Now they have re-released the photo of me and Trishana, Chantal on the billboard in edsa, taytay and C5 with a caption at the bottom "The Trio Queens of Dela Cerna Corp." The magazine has also been released. Last week they just finished launching their new jewelry and bags. That's what my friends and I modeled. Somehow my sched has loosened up in the last eight months. Panaka-nakang photoshoot na lang, kaya pwede k
Kylie point of view DALAWANG araw n ang lumipas simula ng mag-kasakit si Jace. Back to work na ulit kaming dalawa. Ilang beses ko siyang sinabihan na ‘wag aabusuhin ang sarili sa trabaho. Puro tango lang naman ang sinagot sa akin. Ngayon nandito ako sa kompanya nila Tita Aaliyah para sa isang photoshoot. Jeans and denim jacket ang bagong labas nila Tita Aaliyah na pang outfit of the day. Iyon ang imomodel namin ngayon. Tapos na kaming ayusan nila Trishana kaya pina-pwesto na kami ng photographer sa gitna. Pose lang kami ng pose na tatlo hanggang sa mag-palit na ulit ng jeans at demim. Ito lang ang nakakapagod kapag modelo ka. Iyong papalit palit ng damit. Last shoot na ng biglang lumapit sa akin si Mira, hawak niya ang aking cellphone. Sinama ko siya ngayon para may assistant ako incase na may tumawag sa akin sa head department ng accounting. If may mga katanungan sila sa naging utos ko. “What is it, Mira?” Agad kong tanong ng makalapit siya. “Someone i
Gulat ko siyang nilingon tapos nag-aalalang lumapit sa kanya. “Oh my gosh, Jace! Ang taas taas ng lagnat mo! Ano bang ginawa mo?” Tanong ko sa kanya. “S-shh, D-don‘t worry wife, ipapahinga ko lang ito t-tapos gagaling na ako.” Mahina at namamaos niyang sabi. Akma itong tatayo sana kaso bumaksak siya. He‘s very weak! Mabilis ko naman siyang inalalayan para maka-sandal sa headboard ng kama namin. Tinanggal ko na rin ang suot niyang kurbata, Sinunod ko ang sapatos niya. Hindi ko inalis ang medyas. Kailangan niyang mapag-pawisan. “No, hindi ako naniniwala sa sinasabi mong itutulog mo lang tapos gagaling ka na. Wait me here. Papatayin ko lang ang aircon para mapag-pawisan ka. Sakto mag-dadala sila manang ng pagkain. Humigop ka ng sabaw tapos kumain ng konti para maka-inom ng gamot. Okay? No but, Jace Mateo. Over fatigue ka, masyado mong inabuso ang katawan mo sa trabaho.” Mahaba kong sabi. Medyo galit ang boses dahil nag-aalala ako sa kanya. Mabilis akong bumaba sa kama a
Two weeks past.. After the issue died down. Jace and I started to work again. Siya na palipat-lipat dahil sa dami ng business niya, pupunta ng hotel para icheck ang kalagayan doon, pupunta sa Cafe, sa resorts. Hindi ko akalain na grabe pala talaga kayaman si Don Sebestien. Tapos sa kompanya Isa o dalawang araw lang ata siyang pumupunta para icheck ang mga dapat niyang gawin. Habang ako naman ay nag-simula na sa shoot sa kompanya nila tita Aaliyah. Noong nakaraang linggo ay pumirma na kami ng kontrata nila Chantal. Balik photoshoot ako this week and next week. Pareho na kaming busy ni Jace, bibihira na rin tumugma ang oras naming dalawa pero ayos lang. Atleast in the end of the day mag-kikita at magkakasama pa rin kami kahit na minsan late akong nakakauwi o kahit siya sa bahay namin. So, dahil nag-kita-kita kaming apa't nila Trishana na-kwento ko na sa kanila ang nang-yari sa mga nakalipas na linggo. Hindi naman sila makapaniwala na kasal na kami ng dating Ex ko. Actuall
Matapos kumain nila manang ng almusal ay pilit nila akong pinapa-upo at sila na ang mag-luluto ng almusal namin. Pero hindi ako nag-patalo. I don‘t but I want to cook breakfast for Jace. Siguro, pasasalamat ko na rin sa tulong na ginawa niya para sa amin. Sa huli sumuko rin sila manang, Iniwan nila ako sa kusina at ginawa na ang iba nilang gagawin. Napangiti naman ako dahil wala ng nangungulit sa akin. I cooked bacon, scramble eggs and hotdogs. I noticed that there was still rice in the fridge, It looked like we had leftover rice from last night. Okay pa naman ‘yung kanin kaya isasangag ko nalang siya para hindi sayang. I finished the dish first so I followed the friend rice. I was enjoying what I was doing. Nang may tumikhim sa aking likod. Gulat naman akong napalingon doon. And there Jace was leaning against the side of the door with his arms crossed and looking at me with a smile. “You look enjoying.” Umalis siya sa pagkakahilig sa pader tapos naka-pamu
Pilit kong pinakalma ang boses, ayokong ipahalata sa kanya na hindi ako mapakali. “How did you buy my books if you are in Canada? Then how did you know that I have published a book?” Oh, gosh. buti na lang hindi ako nautal. Mas humigpit ang yakap niya sa akin. What is happening to me? Hindi ba dapat talaga lumalayo na ako sa yakap niya? Bakit gustong gusto ko pa ang nang-yayari? Sh*t, Kylie. Alalahanin mo isang taon lang ang kasal niyo. If ever na matapos agad ang problema ay pwede mo naman ipa-aga ang divorce niyo. I have my ways, Love. I have someone who reported to me, what is happening to you here. And during your first book signing at MOA. I even came home here using Don Sebastien's plane, I was able to go to the philippines and immediately returned to canada that day. Umuwi ako to support you. And about sa mga libro mo kung paano ako nakakabili, Thanks to the help of Kylde's friend. Sila ang nag-titiyaga pumila kapag may book signing ka.” What?! ang mga kaibigan