"Gaga ka ba o sadyang tanga ka lang?! Anak mo 'yan, Mayu! Hindi 'yan aso na basta mo na lang pwedeng ipaampon! Mag-isip ka nga!"
Pagkatapos niyon ay basta na lang niya binagsak ang tawag. Bagsak ang balikat na hinitsa ko ang cellphone sa kama. Pumikit nang mariin at hinilot ang sentido. Nang magmulat ay sinulyapan ko si Arkan na inosenteng nakatingin sa akin.
Malinaw na malinaw sa paningin ko ang kulay ng mga mata niya at tingin ko ay mas titingkad pa ang mga iyon habang tumatanda siya.
"Hindi kita kayang alagaan, Arkan," mas mahinang bigkas ko.
Kahit na paunti-unting pinupunit ang puso ko ay buo pa rin ang desisyon kong ipaampon siya.
Mas maaalagaan siya ng iba.
Mas mamahalin siya ng iba.
Mas bibigyan siya ng pansin at...
Mabibigyan siya ng buong pamilya.
Paulit-ulit na umiikot ang mga iyon sa isipan ko. Kaya kinabukasan kahit pa ramdam ko ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko, nagpasya akong maghanap ng
Walang tigil ang tibok ng puso ko sa kaba. Kagat ko ang labi habang nakatanaw sa pagbukas ng pinto ng sasakyan.Kalahati pa lang ng katawan ang nakikita ko ay alam kong si Aldo iyon. Tindig at awra pa lang ay siguradong siya iyon.Mula sa malayo ay tanaw ko ang pagtanaw nito sa resthouse. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagdasal na sana ay huwag siyang pumasok sa loob bahay dahil alam kong oras na ginawa niya iyon, talo ako."Tatakas na naman ba tayo, Anak?" bulong na tanong ko kay Arkan kahit pa alam kong hindi siya makasasagot.Bagsak ang balikat na tinanaw ko na lang si Aldo. Nagtagal pa ang titig ko sa malapad niyang likod, at siguro taksil ang isipan ko para maisip pa ang nakaraangl na kasama siya.Mabilis kong pinilig ang ulo upang mawala ang mga alaala ngunit noong paglingon ko muli sa harapan ay wala na roon si Aldo pero ang sasakyan naroon pa.
"Uhm, nagpahangin lang sa labas–""Na may bag, Miss Selvestre?" Tumaas ang kilay nito bago ako nginisihan."Next time, weave a very effective lie," bigkas nito.Umismid ako at hindi na lang siya pinansin. Mas maganda na iyon kaysa mapilitan akong sabihin na binalak kong ipaampon si Arkan.Halos manghina ako matapos maalala ang ginawa. Napakasama ko yatang ina at naisip na gawin iyon sa anak ko. Nanlambot ako at halos hindi makahakbang.Paano pala kung hindi nagbago ang isip ko?Paano kung hindi ko makakasama si Arkan? Hindi masusubaybayan ang paglaki niya? Tapos mapupunta siya sa masamang pamilya? Paano?Nanakit ang lalamunan ko kaiisip ng mga iyon. Nangilid ang luha sa mga mata ko at unti-unting binibiyak ang puso ko."Are you okay?"Napakurap ako sa tanong ni Apollo. Doon lang
"Did he say Pa?"Ilang ulit na tanong ni Apollo. Sa palagay ko nga ay malaki pa ang pagkakangiti niya habang tinatanong iyon. Akala mo naman siya itong tatay."Hindi. Mali ka lang ng dinig-""Oh come on. I know what I have heard—"Mabilis kong pinatay ang tawag at pikit matang dinama ang kaba. Napahawak sa dibdib ko at ilang beses na napailing. Pagmulat ko ay napanguso akong tumayo habang buhat si Arkan."Baby naman. Mama muna bigkasin mo bago ang sa tatay mong damuho," mahinang maktol ko.Humagikhik ito na mas lalo kong kinanguso. Hindi yata ako nito papanigan at mas pipiliin pa rin ang tatay niyang damuho!Hindi lang iyon isang beses na nangyari. Maraming beses. Ni minsan nga yata ay hindi ko narinig na binigkas nito ang Mama. Kahit noong mag-isang taong gulang ito. Bibihira kung magsalita. Nagsusuplado pa at minsan kung tumitig ay seryoso."Alice, magtatampo na talaga ako! Lagpas isang taon na si Arkan pero hindi pa ri
"Alice, narinig mo?! Tinawag niya akong Mama!"Sa tuwa ko ay mahigpit kong niyakap si Arkan. Halos maluha ako. Maging si Alice rin ay hindi mapigilan na yakapin kaming dalawa ni Arkan. Marahan pa nitong ginulo ang buhok ni Arkan."Good job, Kiddo! Dapat ganyan para hindi nagtatampo itong si Mama mo!"Suminghot ako at pilit pinigilan ang luha. Pinuno ko rin ng halik ang pisngi ni Arkan na kinahagikhik niya nang mahina."Love you, Arkan," masuyo kong bigkas na kinatigil niya.Tumitig sa akin ang magkaibang kulay ng mga mata niya. Matagal iyon na kinawala ng ngiti ko. Seryosong-seryoso ang asul at mala-pilak nitong mga mata. Hindi ko rin maintindihan na sa puntong iyon, hindi ko na masabi pa ulit ang salitang "I love you." Sa paningin ko ay si Aldo ang nakikita ko.Mabilis akong nag-iwas ng tingin at hinalikan na lamang nang matagal sa noo si Arkan. Mahigpit ko ulit na niyakap kahit pa binubugso ako ng kaba. Nang masulyapan si Alice ay nag-aala
Kahit gusto ko pang pakinggan ang irarason ni Apollo ay hindi ko na ginawa. Tahimik na lang akong pumasok sa Villa. Hiling ko lang ay huwag mag-ingay si Arkan kun'di ay makikita kami rito.Tahimik kong pinihit ang pintuhan ng Villa at walang ingay na pumasok sa loob. Nilapat ko ang pinto at doon sumandal para marinig ang usapan nila ngunit hindi naman abot sa tainga ko."Iba rin pandama ng tatay mo, Arkan. Hindi pa natin na-e-enjoy ang dagat, heto at nandito na siya agad!" mahinang hinanakit ko.Maliit itong nanguso na akala ko ay naiintindihan ako. Pinupog ko siya ng halik bago nilibot ang tingin sa loob ng Villa. Ngunit para din akong tinuklaw ng ahas matapos makita ang iilang mamahaling gamit, coat na nakasabit, at iilang longsleeve.Napaawang ang mga labi ko. Ayoko sanang mag-isip na kay Aldo ang Villa ngunit hindi ko mapigilan. Siguro naman may mayamang turista pa na pwedeng pumunta sa resort di ba?Muli kong nilibot ang tingin. Walang gusot a
"Here you are again, running," makahulugang bigkas nito.Pinanliitan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Sa ilang beses na niya akong nakita at hindi sinusuplong ay nawala na ang takot ko sa kanya. Iba nga lang ngayon na seryoso ang titig niya kay Arkan."Ano na naman, Gueco? Do I need to be scared?" matapang kong tanong.Ngumisi siya bago pasimpleng tiningnan muli si Arkan."He does look like Aldo. He's carbon copied. He would be happy if he met him—""Don't tell him!" may kalakasang bigkas ko.Mahigpit kong niyakap si Arkan at akmang tataliwas ng daan ngunit nagawa pa rin kaming harangan ni Gueco."I don't really know why I am doing this, but come on, ihahatid na kita sa tirahan mo," anito bago tinuro kung nasaan ang magara niyang sasakyan."Kaya kong umuwing mag-isa. Atsaka, bakit mo ba 'to ginagawa?""I told you, I don't know. Sakay na, hindi ako nangangagat ng babae ng kaibigan ko." Pilyo siyang ngumisi at
"Tinanggap mo?!" histerya ni Alice matapos kong maikwento ang lahat sa kanya.Tila mabait na tuta akong tumango. Kagat ang labing inosenteng tumingin sa kanya."Maganda kasi ang offer niya. Ayaw ko na rin gumastos pa mula sa card ni Aldo. Gusto ko ring kumita ng pansarili at siyempre makaipon para kay Arkan."Umirap ito sa akin at problemadong umiling."Ang tanga, Mayu! Paano kung patibong iyon? Patibong para mas madali kang makuha?"Bagsak ang balikat ko. Malungkot ko ring tiningnan si Arkan na mahimbing na ang tulog sa kama."Hindi naman siguro? Kasi di ba, ilang beses na niya akong nakita pero hindi naman niya sinusuplong? Baka talagang nagmamagandang loob lang iyong tao—""Walang matino sa mundo, Mayu. Iyang si Apollo nga kunwaring mabait lang, pero ang totoo, may ibang pinaplano iyan!" Namewang siya at tumuro pa kung saan.Nangunot ang noo ko, nag-angat ng tingin sa kanya at malalim siyabg tinitigan."Bakit na
"This is too much, Apollo."Hindi ko mapigilang sambit. Binigyan niya na naman ng laruang sasakyang de remote si Arkan. Pangsampo na ata iyon ngayong buwan pa lang."I'm just spoiling my nephew, Miss Selvestre." Ngumisi siya at marahan pang ginulo ang buhok ni Arkan."Kahit na! Huwag mo namang isanay sa luho ang anak ko. Hayaan mong matuto siyang makuntento sa kung ano ang kaya kong ibigay," makahulugan kong pakiusap.Alam ko naman na hindi masama ang intensyon niya sa pagbibigay ng regalo kay Arkan, sadyang ayaw ko lang na lumaki sa luho ang anak ko. Baka balang araw, hanapin niya at hindi ko naman agad maibibigay.Bumuntong hininga si Apollo at pinakawalan na si Arkan. Pinagmasdan pa nito ang pagbalik ni Arkan sa sofa bago niya ako hinarap. Kung kanina ay may pagkapilyo siya, ngayon naman ay seryoso na ang mga titig niya na kinakaba ko."Aldo is back here, and I wasn't able to stop him. He's been stressed lately," pagbukas nito sa usapan.
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam