Home / Romance / My Billionaire True Love / Married to her disabled husband

Share

Married to her disabled husband

Author: leejhen
last update Huling Na-update: 2023-12-07 17:08:13

Chapter 4

Walang nagawa si Lily kundi ang sumang-ayon sa gusto ng kanyang Daddy.

Hindi ito nagbibiro at napakaseryoso. Ayaw din naman niya na may mangyaring masama sa kanyang Mama dahil ito nalang ang natitira sa kanya.

Pero nagmakaawa siya sa kanyang Daddy na magtratrabaho at OJT parin sa hotel. Pumayag naman ito.

At dahil bukas pa naman siya magpapakasal sa estrangherong baldado ay papasok na muna siya sa hotel kahit namumugto pa ang kanyang mga mata sa kakaiyak kanina.

"Sigurado ka ba anak?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Mama.

"Opo Mama, Sayang ang araw na ito at gusto ko ay maka perfect attendance. Maaga pa naman." Sagot ni Lily na pilit ngumiti kahit napakalungkot naman ng kanyang mga mata.

Walang nagawa ang kanyang Mama kundi pagmasdan si Lily na malungkot na naglalakad papunta sa labas ng mansion.

Napakaduwag mo Lucy! Sigaw niya sa kanyang isipan at hindi napigilan mapaiyak.

Alam niyang hindi okay ang kanyang anak!

************************

Her Wedding Day...

Sumapit ang araw ng kasal ni Lily at ng hindi niya nakikilalang lalaki.

Simple lang ang kasalan na naganap sa garden mismo ng mansion ng mga Magdilang.

Sumang-ayon si Andres na ganapin sa kanyang pamamahay ito dahil narin gusto niyang papirmahin ng kontrata si Christopher na bayad na siya sa kanyang pagkakaotang.

Talagang swerte lang si Christopher sa sugal ng mga oras na 'yon! Pero hindi magpapalamang si Andres pagdating sa mga legal actions.

Kung wala lang itong kapit na pinakamayaman sa bansa ay kayang-kaya niya itong ipatumba. Kaya lang ay malakas ang kapit ni Christopher at hindi pa alam ni Andres kung sino ang mayaman na ito.

At wala na siyang balak pa na malaman kung sino basta't ayaw na niyang makita ang pagmumukha nito pagkatapos ng kasal nila ni Lily!

Pinagmamasdan ni Andres ang anak na naglalakad papunta kay Christopher na hindi nila alam ang tunay na hitsura dahil sa kapal ng bigote nito at bangs na lagpas sa kanyang mata.

Medyo na guilty siya sa ginawa sa anak na si Lily but he has no choice! Seryoso si Christopher at baka mapahamak pa ang buo nilang pamilya.

Habang si Lily ay naiinis na sa kapatid niyang si Colleen na siyang bridesmaid niya.

Wala itong iba na ginawa kundi paringgan siya habang naglalakad sila sa aisle patungo sa kanyang mapapangasawa.

Simple lang ang kanyang gown na suot at hindi siya naka trahe de boda. Simple lang din ang kanyang make-up na bumagay sa nakalugay niyang buhok. Wala rin naman reklamo ang kanyang mapapangasawa kung ano ang isusuot niya dahil hindi naman sila nag-uusap at ngayong araw lang niya ito makikilala. Ang alam lang niya ay Christopher ang pangalan nito.

"Sissy, Ang gwapo naman ng mapapangasawa mo hahaha!" Hagikgik ni Colleen na nang-iinsulto pa talaga.

Papalapit na sila sa altar at wala na itong ginawa kundi ang pintasan ang kanyang mapapangasawa!

Ayaw niyang patulan si Colleen kaya napatingin nalang siya sa kanyang mapapangasawa na naghihintay sa kanya sa altar.

Hindi pumayag sina Carina at Colleen na ihatid siya ni Andres sa altar dahil dapat daw na mauna ihatid si Colleen dahil siya ang legal na anak.

Kaya, naglakad siyang mag-isa papunta sa altar na kasama ang kanyang mga abay.

Hindi niya makita ang tunay na mukha ni Christopher at wala rin naman siyang pakialam. Basta mailigtas lang niya ang pamilya sa kapahamakan.

Aaminin niya na gusto niyang itigil ang kasal at tumakbo papalayo.

Yong malayong-malayo!

Pero hindi pwede!

Nakarating siya sa harapan ng kanyang mapapangasawa na lutang at wala sa sarili.

At nagsimula ang seremonya ng kasal na tanging "I do" lang ang narinig ni Lily mula kay Christopher.

Creepy tingnan ang hitsura nito na may makapal na bigote at hindi pa niya makita ang mukha dahil natatakpan ng makapal na bangs!

Nangibabaw din ang malakas na tawa ni Colleen sa lahat.

Tawang-tawa ito sa sinapit ng kapatid at ngiting tagumpay pa!

"You may kiss the bride," sabi ng pari na pumukaw sa lumilipad na diwa ni Lily.

Napakurap-kurap siya ng kanyang mga mata dahil nagulat sa sinabi ng pari.

Mas lalo pa siyang nagulat ng sumigaw si Colleen.

"Kiss! Whoah!!!" Pumalakpak pa talaga! Tuwang-tuwa siya na nag-asawa na si Lily at mawawala na rin ito sa wakas sa kanilang pamamahay.

"Kiss!" Sumegunda naman si Carina na nakatawa pa talaga.

At hindi natutuwa si Lucy habang pinagmamasdan sila na nilalait ang anak!

Pero wala na naman siyang magawa. Nagsigawan ang mga tao sa kanilang paligid at pakiramdam ni Lily ay pinagkakaisahan siya ng kanyang pamilya!

Hindi niya alam kung bakit pinagpapawisan siya. Natatakot siya na baka halikan talaga siya ni Christopher!

Nabigla si Lily ng hawakan ni Christopher ang kanyang kamay at halikan ito. Dahil naka wheelchair si Christopher ay hindi siya mahahalikan nito kahit sa pisngi lang.

Pwera nalang na siya ang yumuko at halikan ito. But she will never do that!

Ngayon palang ay natatakot na siya sa lalaking ito! Hindi niya alam kung bakit nakuha nitong pagbantaan ang kanyang Daddy.

Baka isa siyang gangster o killer?! Nahintakutang sigaw ni Lily sa kanyang isipan at bigla niya nahila ang kanyang kamay na hawak parin ni Christopher.

At narinig niya na tumawa ito ng mahina!

He's playing with me. With us! Ano itong napasukan ko?! Wala sa sariling tanong ni Lily.

Wala na siyang magagawa dahil kasal na siya kay Christopher! Kailangan niyang magtiis na pakisamahan ito alang-alang sa kanyang pamilya.

Pero...

Hanggang kailan ang kaya niyang tiisin? Ngayon palang ay nanginginig na siya sa takot at nagdidilim na ang kanyang paningin!

Tuluyan na nga siyang hinimatay at buti nalang nasalo siya ni Christopher.

"What a wedding scene! I love it!" Pumalakpak pa talaga si Colleen habang tumatawa.

Para sa kanya ay nakakatawa ang kasal ni Lily.

At hindi natutuwa si Lucy!

"Baka mapasukan ng langaw ang bunganga mo Colleen," sabi ni Lucy bago saklolohan ang kawawang anak na nahimatay.

Natigil naman sa pagtawa si Colleen at napatingin ng masama kay Lucy.

Walang pakialam si Lucy sa kanya at tumakbo na papalapit kay Lily na hawak parin ni Christopher sa kanyang kandungan.

"I hate her Mom!" Galit na sigaw ni Colleen kahit madaming tao.

"Calm down my daughter. We will make her life a living hell in here." Bulong ni Carina sa anak habang inaakbayan ito.

Napabuntunghininga nalang si Colleen sa labis na galit.

Habang si Lily ay wala paring malay na binabantayan ni Lucy sa kwarto nito.

Sinamantala naman ni Andres ang pagkakataon at pinapirma na si Christopher na bayad na ang kanyang utang sa Casino!

"You can bring my daughter to your home Mr. Villezo as she is your wife now." Masayang sabi ni Andres na para bang isang bagay lang si Lily na ibinibigay nito.

"Are you sure Mr. Magdilang?" Nakangising tanong ni Christopher.

"Andres!" Nagimbal na sigaw ni Lucy ng marinig ang sinabi ni Andres.

"What are you doing in here?" Seryosong tanong ni Andres.

"Bakit ibibigay mo si Lily sa kanya? Hindi ba pwedeng dito muna si Lily ng mga ilang araw muna?" Nasasaktan na tanong ni Lucy.

"You better talk about it. I'm willing to wait anytime," singit ni Christopher at pinaandar na ang kanyang wheelchair.

Ngunit bago pa siya makalayo ay tinawag siya ni Andres.

"No! You should bring your wife Christopher. Mag-asawa na kayo ni Lily." Giit ni Andres.

"Andres!" Hindi makapaniwala si Lucy na magagawa ito ni Andres sa sarili niyang anak!

"Umalis kana Lucy kung wala kang iba na sasabihin. Tingnan mo si Lily kung nagising na ba." Matigas na utos ni Andres.

Kapag siya na ang nagpasya ay walang magagawa ang lahat.

Mas lalo na siya na isang lang katulong! Kahit si Carina ay hindi mababago ang desisyon ni Andres kapag ito na ang nagsabi.

Wala na naman siyang magawa para sa anak!

Nagpupuyos ang kalooban ni Lucy na bumalik sa kwarto ni Lily.

Mapapalayo na sa kanya ang anak! Hindi na niya ito mababantayan. Nag-aalala siya para rito pero wala parin siyang magawa!

Pagpasok niya ng kwarto ni Lily ay nagising na ito.

"Mama?" Naalimpungatan na tanong ni Lily.

"Anak, kailangan mo na mag-impake." Malungkot na sagot ni Lucy.

Bigla naman napabangon si Lily at pakiramdam niya ay nakatulog siya ng mahimbing.

"Mag-impake? Bakit?" Sunod-sunod niyang tanong na nagtataka.

Malungkot na napabuntunghininga si Lucy.

"Doon kana titira sa iyong asawa," malungkot na sagot ni Lucy.

"Asawa?" Tanong ni Lily sa kanyang isipan.

Saglit siyang nakalimot na ikinasal pala siya ngayong araw!

Mabilis na gumana ang natutulog niyang utak at nahiya siya sa sarili ng maalala na hinimatay talaga siya, Sa araw pa mismo ng kanyang kasal!

Nakakahiya! Di-napigilan ni Lily ang mapasigaw.

"Wala na tayong magagawa Mama. Nakapag-impake kana ba?" Tanong niya.

Kung aalis man siya at doon na titira sa kanyang asawa ay gusto niyang isama ang kanyang Mama.

"H-hindi ako makakasama sayo anak," mahinang sagot ni Lucy.

Alam niya na hindi siya makakasama dahil walang sinabi si Andres na samahan niya ang anak sa pagtira nito sa kanyang asawa!

"Ano? Hindi pwede yan. Kakausapin ko si Christopher at si Daddy. Nasaan ba yong asawa ko Mama, Nakita mo ba?" Tanong ni Lily.

"Nasa study room pa sila ng Daddy mo, " sagot ni Lucy.

Walang sinayang na sandali si Lily at mabilis na nagtungo sa study room ng kanyang Daddy kahit nahihilo pa siya.

Hindi siya makakapayag na hindi makasama ang kanyang Mama!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
ginging
walang magawa ang ina sana mkuha ni lily ang nanay nya balng araw.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tama lily isama mo ang iyong ina dahil kawawain lang yan ng mag inang bruha kapag naiwan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Billionaire True Love    Leaving the Mansion...

    Chapter 5At naabutan nga ni Lily ang kanyang asawa at Daddy sa study room.Agad niyang nilapitan si Christopher upang magmakaawa na isama nila ang kanyang Mama."Christopher, Pwede ba na isama natin sa iyong bahay ang aking Mama?" Unang nilapitan ni Lily si Christopher.Nabigla naman si Christopher dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Akala niya ay hindi siya kilala ni Lily."There's no problem with me," maikling sagot ni Christopher."Salama-" Hindi naituloy ni Lily ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok si Carina ng walang pasabi."And who told you na madadala mo ang nanay mo?" Galit na tanong ni Carina.Gusto niyang mawala na si Lucy pero ayaw din naman niya bigyan ito ng kalayaan at maging masaya ng gano'n nalang!Labis ang kanyang pagdurusa dahil sa mag-inang ito. Hindi niya ito bibigyan ng happy ending!"Ano ang ginagawa mo rito, Carina?" Tanong ni Andres."Ano pa, Para sabihin sayo na hindi pwedeng sumama si Lucy sa kanila. She needs to pay their debt!" Malditang sago

    Huling Na-update : 2023-12-11
  • My Billionaire True Love    Scared!!!

    Chapter 6Habang papalayo ang sinasakyan nila Lily ay hindi niya maiwasan kabahan.Sila nalang dalawa ng kanyang asawa na si Christopher ang magkasama. Ngayon lang niya ito nakilala at hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito.Sariwa pa sa isipan niya ang sinabi ng kanyang Daddy na kahit presidente ka pa ng Pilipinas ay kaya kang ipapatay ni Christopher!Hindi na siya mapakali sa sobrang kaba pero wala na siyang magagawa dahil asawa niya na si Christopher. At papunta na siya sa bahay nito upang doon na tumira.Makakaya niya ba? Naitanong ni Lily sa kanyang isipan."Relax," sabi ni Christopher.Nagulat naman si Lily ng magsalita ito. Biglang nanginig ang kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit natatakot siya!"Ah, nag-aalala lang ako kay Mama." Ang tanging nasagot ni Lily.Hindi niya pwedeng sabihin na natatakot siya!Ayaw niyang dagdagan pa ang mga pang-iinsulto nina Carina at Colleen dito.Baka paranoid lang siya at naging matatakutin o di kaya ay sa sobrang heartbroken niya d

    Huling Na-update : 2023-12-16
  • My Billionaire True Love    Contract Agreement

    Chapter 7Pagkarinig sa boses ni Christopher ay nanindig kaagad ang balahibo ni Lily. Gusto niyang tumakbo! Pero paano? Nakaharang si Christopher sa kanyang daraanan! "Let's go back inside," utos ni Christopher at isinarado ang gate. Nanlumo si Lily ng makitang lock na ang gate. Makukulong siya sa nakakatakot at madilim na lugar kung saan nakakatakot din ang kanyang asawa!Nanginginig ang kalamnan ni Lily sa sobrang takot at kita ito ni Christopher.Natakot niya talaga ng sobra si Lily! "I'm sorry if I make you scared so much." Sabi ni Christopher.Hindi siya komportable sa paghingi ng sorry dahil first time niya itong ginawa sa buong buhay niya!At si Lily ay nagulat naman ng biglang humingi ng tawad si Christopher. Hindi siya kaagad nakasagot at tila napako naman sa kanyang kinatatayuan."Look, I'm just- Mainit lang ang ulo ko kanina. At ayaw ko talaga na nasisinagan ng araw lalo na kung sa pamamahay ko. Nakasarado talaga lahat ng bintana." Paliwanag ni Christopher." But don't

    Huling Na-update : 2023-12-17
  • My Billionaire True Love    Knight in a wheelchair

    Chapter 8Kinabukasan ay nagpaalam si Lily kay Christopher na magtratrabaho siya. Wala naman problema kay Christopher at ipinag book pa siya ng taxi.Habang sakay siya ng taxi ay naisipan niyang tawagan ang kanyang Mama. Ngunit ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi sinasagot.Bakit kaya? Nasaan si Mama? Busy siguro! Kausap ni Lily sa kanyang sarili. Pero hindi parin siya mapakali at nag-aalala para sa ina.Hindi siya sanay na hindi ito kausap o ka text. Isang araw pa nga lang na hindi niya ito nakakausap ay na miss niya na kaagad ang ina.Muli niya itong tinawagan at sa wakas ay sinagot na rin ang kanyang tawag."Mama!" Masayang bati ni Lily."Your mother is busy working!" Walang ganang sagot ni Carina.Naudlot ang kanyang beauty rest dahil sa tawag ni Lily. Ayaw niya sana e turn on ang cellphone ni Lucy pero nakiusap ito kay Andres. Wala siyang nagawa kahit magwala pa siya dahil cellphone lang daw ito at huwag maging isip bata! Kahit kailan talaga ay pumapabor si Andres k

    Huling Na-update : 2023-12-18
  • My Billionaire True Love    Her manager husband!

    Chapter 9"Tama na Colleen. Nasa trabaho ako. Pwede naman kayong magsaya ng kayo lang." Pakiusap ni Lily. "I told you to dance and take it off! Napakadali lang gawin Lily. Bakit ba napaka killjoy mo ha?" Galit na tanong ni Colleen. Bago pa makasagot si Lily ay nauna ng magsalita si Christopher."My wife is not a strip dancer and a low class woman LIKE YOU! You should take your clothes off if you want it badly." Malamig na sabi ni Christopher na talagang kikilabutan ka.Dama ni Lily na galit na ang asawa!Baka magkagulo pa ng husto at mawalan siya ng trabaho."What? So brave of you DISABLE MAN!" Si Colleen ay hindi talaga magpapatalo.Kahit kailan ay palagi nitong ipinapakita ang kanyang pagka spoiled brat!"Tama na Colleen, please. Let us pass at ituloy niyo na ang inyong kasiyahan." Muling pakiusap ni Lily. "But we are not happy without you Lily!" Talagang ipipilit ni Colleen ang kanyang gusto!"Take this trouble woman away from the bar." May tinawagan si Christopher sa kanyang ce

    Huling Na-update : 2023-12-20
  • My Billionaire True Love    Begging for her Mother

    Chapter 10Kinabukasan ay maagang nagising si Lily at nagmamadali na siya, baka ma late na sa trabaho. Nakaamoy siya ng mabangong fried rice at tuyo na may itlog!Papunta na sana siya sa kusina ng magpang-abot sila ni Christopher sa pintuan."Good morning!" Nakangiting bati ni Christopher sa kanya.Natigilan naman si Lily. Bakit ang gwapo ni Christopher sa kanyang paningin kahit mata lang nito ang nakikita?Napakurap-kurap siya at iwinaksi ang mga pinag-iisip."Good morning din. Ikaw ba ang nagluluto?" Tanong ni Lily."Yes, surprise sana kaso nagising kana. Bakit pala ang aga mo nagising?" Ganting tanong ni Christopher.Nagtaka naman si Lily sa tanong nito."Bakit? I'm going to work at late na ako Christopher. Sayang naman at hindi ko matitikman ang niluto mo." Sagot niya at mabilis na tumalikod.Pero mabilis din siyang nahila ni Christopher at hindi sinasadyang napaupo siya sa kandungan nito!Napaka awkward para sa kanya!"Careful," mahinang sabi ni Christopher na halos kumiliti sa

    Huling Na-update : 2023-12-21
  • My Billionaire True Love    An X encounter

    Chapter 11Ng makaalis sila ng Magdilang Mansion ay tsaka palang nakahinga ng maluwag si Lily. Napatingin siya kay Christopher. Nasa likuran sila nakaupo habang ang kanyang Mama naman ay nasa tabi ng driver.Para bang isang panaginip lang ang lahat na naging asawa niya ito! "Gusto niyo ba pumunta ng mall?" Tanong ni Christopher ng makitang nakatingin si Lily sa kanya.Nahiya naman si Lily at nagbawi ng tingin. Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa kanyang Mama."Mama, gusto mo ba mamasyal?" Masayang tanong ni Lily. "Huwag na anak, Wala pa tayong budget sa ngayon." Sagot ni Lucy.Napawi naman ang ngiti ni Lily. Nakalimutan niya na wala pala siyang pera!Yong mga allowance na naibigay ng Daddy niya noon ay tinipid niya at nakapag ipon pero hindi rin kalakihan dahil malaki ang nagastos niya ng mag celebrate sila ni David ng kanilang 3rd year anniversary na nauwi sa isang bangungot. Sayang lang ang pera niya! Pero hindi niya na maibabalik pa ang nakaraan. May pamasahe pa naman siya n

    Huling Na-update : 2023-12-23
  • My Billionaire True Love    A shocking Truth!

    Chapter 12Kahit may pangamba sa puso ni Lily ay patuloy parin siya sa kanyang pagtratrabaho. Nais niyang magsumikap upang makapiling ang kanyang ina.Si Christopher ay suportado naman ang bawat desisyon ni Lily at naghihintay lang din ito kung kailan siya magiging handa na pag-usapan ang kontrata. Habang si Lucy ay patuloy na naghihirap sa mga kamay ni Carina. Wala paring mga katulong at siya lang mag-isa ang tagaluto at tagalinis ng buong mansion.Nakakahinga lang ng maluwag si Lucy kapag siya lang mag-isa at wala ang mga tao roon. Lalo na kung wala si Carina.Tulad ngayong araw na siya lang mag-isa ay walang stress sa kanyang gawaing bahay dahil walang nagdidikta at nagpapahirap sa kanya.Habang siya ay naglilinis ay sunod-sunod na doorbell sa gate ang kanyang narinig.Nagtataka siya kung sino ito dahil wala naman atang inaasahang bisita. Dali-dali siyang pumunta sa gate at ng kanyang buksan ay isang estrangherong lalaki ang bumungad sa kanyang harapan.Mas mukha pa itong goons k

    Huling Na-update : 2023-12-24

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire True Love    The Final Chase

    Chapter 84 The Final Chase is over... This time ay si Christopher na ang nagplano ng kanilang second wedding. Nasorpresa si Lily ng mag propose si Christopher sa kanya sa hotel kung saan bumalik sila sa pagtratrabaho. Dahil nag-umpisa ang kanilang love story sa forced arrange marriage ay ginawa ni Christopher ang lahat upang maipadama kay Lily, How sincere his love for her. Nanligaw siyang muli until nag propose and now they are getting married! Syempre, sa San Martino church parin. Dahil dito ang gusto ni Lily. This time ay wala ng prank at pinagplanuhan talaga ang kanilang kasal. Gusto ni Christopher na maging magical and memorable moment ang kanilang kasal para kay Lily. Kuntudo effort talaga siya. And today... Is their wedding day! He is waiting for the church's door to open at hindi naman siya nabigo. Ang kanyang napakagandang bride na si Lily na kanyang pinakahihintay ang huling nag martsa papunta sa kanya. Kasama ni Lily si Lucy patungo sa altar. Napakaganda ni Lily

  • My Billionaire True Love    Extravagant Rescue

    Chapter 83"Huh! Naghiwalay na kayo tapos magpapakasal na naman?" Nakasimangot na tanong ni Donna habang nag dra-drive."Ano ba ang ginagawa mo Donna?" Ganting tanong ni Lily.Nagulat siya ng may biglang nagtakip ng panyo sa kanyang ilong. Hanggang nawalan siya ng malay.Nang magising siya ay umaandar na ang sasakyan at ang nakangisi na si Donna ang kanyang nabungaran.Nakadamit panglalaki ito at may sombrero na aakalain mong driver ng bridal car. Naglagay pa ng pekeng bigote! Magpapakasal na sana silang muli ni Christopher. May asungot pa na dumating.Pakiramdam ni Lily ay nakarma siya ng sarili niyang prank! Alam niyang hindi natuwa si Christopher sa munting prank na kanyang hinanda at nag-aalala na ito sa kanya.Gusto lang naman niya na madama rin ni Christopher ang iwanan sa ere at parusahan ng saglit lang naman. Pagkatapos ay sorpresang kasal the second time around. Pero pumalpak ang plano niya ng dahil kay Donna. "Nagtatanong ka pa Lily. Kita mo naman na kinidnap kita!" Na

  • My Billionaire True Love    Revenge Marriage Prank

    Chapter 82Kung saan-saan nalang hinanap ni Christopher si Lily pero hindi niya ito nakita. Pinasarap at pagkatapos ay iniwan lang siya!Where are you Lil? Desperadong tanong ni Christopher sa kanyang sarili.Tinanong niya na sina Antonia at ang iba. Pero wala parin.Ngayon ay tinatahak niya na ang daan papunta sa Banana Plantation nila Colleen. Magbabakasakali siyang andun lang nagtatago si Lily. "Christopher?" Nagulat na tanong ni Colleen."Andiyan ba si Lily?" Umaasang tanong ni Christopher."Hmmp!" Napaismid si Colleen. "Ngayon ay hahanapin mo na si Lily pagkatapos mong saktan?" Ganting tanong ni Colleen."Colleen, Respect your visitor." Singit ni Andres.Magaling na ito at nag-uumpisang muli sa kanyang maliit na negosyo.Kahit ibinalik na ni Lucy sa kanila ang lahat ay ayaw ng tumira pa nina Andres at Colleen sa Magdilang Mansion. Maaalala lang nila si Carina at ang mga hindi magagandang gawain nila noon. Ayaw narin ni Andres e handle muli ang kanyang kompanya. Ipinaubaya n

  • My Billionaire True Love    Chasing Lily

    Chapter 81Walang nagawa si Christopher ng itapon siya ng mga guards sa labas ng Laxamana Mansion. Ngunit nagulat siya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa labas ng mansion.Si Lucy!"M-mama?" Alanganin na tanong ni Christopher.Nag-aalangan siya dahil hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinabi ng kanyang Mommy na si Madam Glamorosa.Kung nagbalik na nga ba ang mabait na Lucy o si Lucienne parin ang kaharap niya ngayon."Yes, It's me Christopher." Nakangiting sagot ni Lucy.Mabilis naman na napayakap si Christopher kay Lucy."You're back!" Naiiyak na sabi ni Christopher."Yes, And I'm sorry for what I've done." Paumanhin ni Lucy.Bumitaw sa pagkakayakap si Christopher."What happened to Lily, Mama?" Malungkot na tanong niya.Napabuntunghininga si Lucy. "It's all my fault. Sana mapatawad mo ako. Labis na nasaktan si Lily that you gave up on her habang siya ay patuloy na lumalaban. I tried my best to persuade her. Pero ito lang ang masasabi ko Christopher. Lily loves you v

  • My Billionaire True Love    Engagement Riot!

    Chapter 80Hindi na mapakali si Christopher. Tatlong araw na siyang pabalik-balik sa mansion ng mga Laxamana ngunit si Paulo lang ang nakikita niya. Hindi pa bumabalik sina Lily at Lucy. Nagpupunta rin siya sa opisina ni Lucy ngunit si Paulo parin ang nakikita niya!Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangungulila sa asawa! Miss na miss niya na si Lily. Hinahanap-hanap niya ang paghabol-habol nito sa kanya. Ang luto ni Lily, Ang mga cookies na gawa nito. Ang matamis na ngiti ni Lily na para sa kanya lamang.Where are you Lil? Malungkot na tanong ni Christopher sa kawalan.Pinunit niya na ang annulment paper nila ni Lily dahil sa sobrang galit. Hindi niya matatanggap na magkahiwalay silang dalawa!Alam niya na labis niya itong nasaktan. Pero may plano siya!But Lily didn't know! Sumbat naman niya sa kanyang konsensiya.Nagulat si Christopher ng biglang sumigaw si Antonia.Nakapasok ito sa mansion ng hindi man lang niya namamalayan.Lutang ang kanyang isipan sa kakaisip kay Lily.

  • My Billionaire True Love    Annulled

    Chapter 79"Mom?" Gulat na tanong ni Christopher.Talagang nagulat siya dahil huling kita niya sa Mommy niya ay nakaratay sa hospital at may taning na ang buhay! "Ako nga!" Sagot ni Madam Glamorosa."How? Ang bilis mo naman gumaling?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Mabilis talaga dahil wala naman akong sakit!" Nalolokang sagot ni Madam Glamorosa. "Where's your Dad?" Tanong niya."Diba magkasama kayo? Nasa Brunei," nagugulahang sagot ni Christopher.Naguguluhan at nagulat talaga siya ng makita ang kanyang Mommy na mukha naman hindi nanggaling sa sakit! "Magtutuos pa kami ng Daddy mo. But before that, Nag investigate ka sana Christopher." Napailing na sabi ni Madam Glamorosa."What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Christopher."Look at me! Mukha ba akong may sakit?" Naiinis na tanong ni Madam Glamorosa."But I saw you Mom. May taning na ang buhay mo and you need money for your medication." Hindi makapaniwalang sagot ni Christopher."Really? Did you see my face na naghihingalo n

  • My Billionaire True Love    Fierce Glamorosa

    Chapter 78Mabilis na umuwi si Glamorosa papuntang Pilipinas. Sumusobra na si Lucy!Ibinigay na nila lahat pero nagawa parin nitong paghiwalayin sina Lily at Christopher.At itong si Christopher ay hindi niya maintindihan kung bakit makikipaghiwalay kay Lily!She needs to go home para ayusin ang relasyon ng mga bata. Hindi niya mapapayagan si Lucy na sirain ito.Ang buong akala niya ay titigil na si Lucy ng makuha nito ang ibang ari-arian nila. Pero hindi!I'm coming home, Lucienne. Bulong ni Madam Glamorosa.Hindi niya alam kung nasaan ang asawa na si Ricardo. Hindi pa niya napapatawad ito.Bakit hinayaan lang nito ang mga bata? Tanong ni Madam Glamorosa sa kanyang isipan. Nadagdagan na naman ang kasalanan mo Ricardo! Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya.Basta galit na galit parin siya sa asawa!Nang lumapag ang kanyang eroplano. Ang una niyang pinuntahan ay si Lucy talaga.Pero wala ito sa mansion ng mga Laxamana. Nasa ospital daw.Nakarma kana ba Lucy? Bulong ni Madam Glam

  • My Billionaire True Love    Mama is back!

    Chapter 77"Lily! Sasama ka ba sa ospital?" Baling na tanong sa kanya ni Paulo. Pero tila napako na si Lily sa kinatatayuan at nakatulala nalang!"Lily!" Malakas na sigaw ni Paulo.Doon lang nahimasmasan si Lily at mas nauna pang tumakbo kay Paulo sa palabas ng bahay.Tuliro at wala sa sarili si Lily. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya ang mga bagay na yon!Sobrang pagod at desperada na siya. Nawawalan pa ng pag-asa. Pero hindi niya ginusto na may mangyaring masama sa Mama niya!Handa na siyang mamatay para wala ng gulo. Kahit anong gawin niya ay ayaw talaga tanggapin ng kanyang Mama si Christopher.Pero hindi niya naisip na ito ang kahihinatnan ng ginawa niya!"Mama," sambit ni Lily sa ina.Nasa loob na sila ng ambulansiya at wala paring malay si Lucy habang ginagamot ng mga nurse ang duguan nitong ulo.Napaiyak si Lily. "Don't worry Lily. Your Mom is strong, She can survive this." Pampalubag loob na sabi ni Paulo.Patuloy lang sa pag-iyak si Lily...*******************"Nang m

  • My Billionaire True Love    Suicidal Threat

    Chapter 76Nagising si Lily na walang katabi. Wala na si Christopher! Napabalikwas siya ng bangon at hinanap si Christopher sa buong mansion pero hindi niya ito nakita! "Topher?" Tawag ni Lily.Nagpunta siya sa may garden at swimming pool pero wala parin si Christopher."Topher!" Nagpa-panic na sigaw ni Lily.Iniwanan na siya ni Christopher!Nanlulumo siyang naglakad pabalik at uminom ng tubig sa kusina.May napansin siyang papel na naka dikit sa ref. Sulat-kamay ito ni Christopher!Mabilis niyang kinuha at binasa.Mas lalo lang siyang nadismaya!I'm sorry Lil, I made up my mind. I still want an annulment.-TopherNapaiyak si Lily. Akala niya ay makukuha niyang muli si Christopher dahil isinuko niya na ang Bataan. Pero, Bigo parin siya!Napatingin siya sa kanyang sarili. Naglalakad at nagtatakbo siya sa buong mansion ng nakahubad!Ni hindi man lang niya namalayan dahil sa sobrang kaba niya na iniwanan na siya ni Christopher.Matapos niyang isuko ang lahat ay iniwanan parin siya!B

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status