Chapter 39Hindi na umuwi sina Lily at Christopher dahil nakatulog si Lily ng mahimbing at Umaga na nagising. Nagpasabi na rin si Andres na ora mismo ay ikakasal sina David at Colleen. Gusto niyang makasal sa lalong madaling panahon ang dalawa upang matabunan ang eskandalo na ginawa ni Colleen.Busy sa Mansion ng mga Magdilang dahil full force ang kinuha ni Andres na mag-aasikaso sa kasal ng anak. Kahit rush wedding ito ay gusto parin niyang bongga ang kasal para sa inaakala niyang tunay na anak! Si Lucy ay nakaupo lang sa isang tabi at nag-iisip na naman. Kailangan niya ng mapatunayan na si Lily ang tunay at nag-iisang anak ni Andres. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Andres kapag nalaman nito na hindi naman niya tunay na anak si Colleen.Ganito parin ba ka bongga ang kasal ni Colleen? Naitanong ni Lucy sa kanyang sarili.Nang ikasal si Lily ay simple lang ito at payak ang mga dekorasyon. Konti lang din ang bisita at walang masyadong handa. Ngayon ay napakabo
Chapter 40"Inutil ka Fredo!" Galit na sigaw ni Carina. Hanggang ngayon ay hindi parin niya ma kontak si Fredo. Kahit lasenggero yon ay maaasahan niya simula noon paman.Hindi niya alam kung saang lupalop nagpunta si Fredo!Mahirap talaga itong hagilapin dahil si Fredo ay nasa liblib na kagubatan sa probinsya and trying to survive para makakain at mabuhay!Walang katao-tao ang kinalalagyan niya ngayon at mahirap humingi ng tulong. Wala ni isa mang sasakyan ang nagawi sa lugar kung nasaan siya.Ito na ang karma ni Fredo!"Mommy, I don't like to marry David." Umiiyak na sabi ni Colleen."Don't worry, hinding-hindi yan mangyayari!" Panigurado ni Carina.Bumitaw si Colleen sa pagkakayakap sa ina. "But how? Napakadaming bodyguards ang nagkalat sa labas at loob ng mansion. Paano ako makakatakas?" Natatarantang tanong ni Colleen."There's no other way anak, You will marry David today." Seryosong sagot ni Carina. "No!!!" mariing tanggi ni Colleen."Don't worry. I will make sure na fake an
Chapter 41Matapos ang unos ng mga kontrabidas ay balik normal ang buhay nina Lily at Christopher.Kahit nakakapanibago ay masayang-masaya si Lily!Wala ng Donna na habol ng habol kay Christopher at wala na rin Colleen na palaging lasing sa hotel. Napanatag na ang kanyang kalooban. Gamay na gamay na rin niya kung paano ang maging Madam CEO. Pero hindi talaga siya makapaniwala na aalis ng gano'n nalang si Donna!Hindi niya nalang iniisip ito sa ngayon. Ang importante ay wala na si Donna.Samantalang sa mansion naman ng mga Magdilang ay masayang-masaya si Lucy na nag-iimpake ng kanyang mga damit dahil pinalaya na siya nina Carina at Andres.Malaya na siya!Magkakasama narin sila sa wakas ng kanyang anak na si Lily.Naputol ang kanyang masayang pag-gunita ng biglang pumasok si Carina sa kanyang kwarto."Hindi porke't malaya kana Lucy ay magagawa muna ang nais mong gawin." Sabi ni Carina na may halong pagbabanta."Siguro naman ay malaya akong makakatira kasama ang anak ko." Sagot ni Lu
Chapter 42Naging masaya sina Lily sa mansion ng mga Villezo habang sa mansion naman ng mga Magdilang ay tila impyerno ang araw-araw na pag-aaway nina Colleen at David. Walang katahimikan dahil walang ginawa si Colleen kundi ang maglasing. Wala rin naman pakialam si David at busy sa kanyang mga raket na kung anu-ano ang trabaho.Kahit sa labas na ng bansa nag-aaral Ang kanyang mga kapatid ay kailangan parin niyang mag-ipon kapag nakabalik na ang mga ito sa Pilipinas.Pinili niyang magdusa with Colleen kaya magdurusa siya. Pero paparusahan din naman niya araw-araw si Colleen sa ginawa nitong pagpapatumba sa kanya.Hinding-hindi niya ito malilimutan at hinding-hindi niya mapapatawad si Colleen!Samantalang hindi na nakatiis pa si Lucy at tinawagan si Andres!Nabuburyo na siya kakahintay ng timing at hindi naman niya ma tiyempuhan.Ngayon ay ang pang apat na tawag niya kay Andres. Walang sumasagot sa cellphone nito.Nang tumawag naman siya sa opisina ay ang secretary nito ang nakasagot.
Chapter 43Ang buong akala ni Carina ay gano'n lang kadali kidnapin si Lucy. Pero sumapit nalang ang araw ng birthday ni Andres ay hindi parin nakikidnap si Lucy!"Mga inutil! I'm giving you all an ultimatum. Kapag hindi niyo nakidnap si Lucy ay hindi ako magbabayad ng full!" Pagbabanta ni Carina. "You can't do that ma'am. You need to pay the full payment." Seryosong sagot ng leader. "How about this? We will kill all the bodyguards since they are the hindrance na hindi namin makuha-kuha si Lucy at pagkatapos ay ikaw na ang bahala kay Lucy?" Suhestiyon ng leader ng mga assassin."Bakit ako ang kikidnap kay Lucy? Kaya nga nagbayad ako para kayo ang gumawa! Mga inutil!" Galit na sagot ni Carina."You should calm your mouth ma'am before I cut your tongue," malumanay lang ang pagkakasabi ng leader ngunit nakakakilabot ito.Pero hindi man lang natakot si Carina!"Hah! At tinatakot mo pa ako ngayon. Gawan niyo ng paraan upang makuha si Lucy!" Nauubos na ang pasensya ni Carina."It's hard fo
Chapter 44Hindi alam ni Lucy kung bakit gusto ni Andres na sa rooftop sila magkita eh, malapit ng magsimula ang party nito!Nasagot naman ang kanyang katanungan ng makaakyat siya sa rooftop. Sulit ang kanyang paghangos na umakyat paitaas dahil ang ganda ng view!Tanaw mula sa itaas ang mga puno at mga ilaw ng mga kabahayan. Sinadya talagang gawin itong restaurant na ito upang makapag relax ang mga tao pagkatapos kumain.A castle in the middle of the forest ang theme!Napalingon si Lucy sa mga maliit na lamesa na sakto lang sa pandalawahang tao. At may maliit din na mga upuan.Napaka romantic nito kapag ikaw ay may ka date.Pero hindi naman siya makikipag date kay Andres. Never niya itong naranasan!Napatingin siya sa lamesa na may juice na nakalagay. At ng kanyang lapitan ay may sulat pala ito na nakalakip.Drink the juice Lucy and enjoy the view while waiting for me.-Andres.Napangiti si Lucy. Medyo kinilig siya dahil ang sweet ni Andres ngayong araw na ito.Siguro ay dahil birthda
Chapter 45Labis ang pagdadalamhati ni Lily sa sinapit ng kanyang ina.Hindi niya lubos-maisip na magpapakamatay ito. Parang imposible! At parang may kakaiba na hindi niya maipaliwanag kung ano.Mula ng mamatay ang kanyang Mama ay wala siyang tigil sa pag-iyak. Kahit magpang-abot na ang kanyang sipon at luha ay wala siyang pakialam!Para naring namatay ang kalahati ng kanyang pagkatao at buti nalang andiyan si Christopher na siyang kumumpleto at nanatili siyang matatag kahit gusto niya ng sumuko.Hindi niya alam ang gagawin kung mawawala pati si Christopher.Kahit walang gana sa pagkain ay pinipilit siya ni Christopher na kumain upang magkaroon ng lakas. Tahimik lang si Lily sa gilid. Katabi ang kanyang Mama. Gusto niyang andiyan lang siya palagi sa tabi nito hanggang mailibing.Wala siyang ganang tumayo at salubungin ang pagdating nina Andres at Carina kasama sina David at Colleen. Lumapit si Andres sa kabaong ni Lucy na malungkot ang mukha. Hindi nakabukas ang kabaong dahil bas
Chapter 46Matapos mailibing si Lucy ay pinilit ni Lily na magpakatatag at ipagpatuloy ang buhay.Pero mahirap! Ang hirap-hirap dahil ang Mama niya ang kalahati ng buhay niya. Buti nalang at nandiyan si Christopher na laging nakaalalay sa kanya. Araw-araw nitong ipinaparamdam sa kanya na mahal siya nito at laging nandiyan lang sa tabi niya kapag kailangan niya. Medyo nalugi naman ang negosyo nina Andres at Carina simula ng hindi na sila ang supplier ng Christophe Hotel.Gustong makausap ni Andres si Lily ngunit ayaw na ni Lily na makipag-ugnayan pa sa kanyang Daddy.Hindi niya mapapatawad si Colleen sa ginawa nito sa burol ng kanyang Mama. Wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa mga Magdilang. Hindi na siya aapak pang muli sa Magdilang Mansion!Ngayon ay nasa Hotel sila at kasalukuyan siyang pinapainom ni Christopher ng gatas. Hindi ito nagbago, maalalahanin parin at sweet si Christopher. Everyday parin siyang nanliligaw kay Lily."Lil, ubusin mo itong gatas ha. Kont