“You know that I owe you, big time, Michael, kaya kung ano man ang ipag-uutos mo, gagawin ko,” saad ni“Hmm. That’s we need right now,” sagot ni Michael kay Greta. Nasa cottage silang dalawa at kasalukuyan na nag-uusap nang sarilinan. Kung ano man ang pinag-usapan nilang dalawa ay sila lang ang nakakaalam. Ang mga kasama nila ay may pinag-uusapan naman tungkol sa business as usual. Natahimik ang dalawa nang dumating si Honey. Nagtataka pang napatingin si Michael dahil si Klarisse ang inaasahan niya. Tinanaw ni Michael ang hotel sa hindi kalayuan sa pagbabakasakali na makikita si Klarisse na naglalakad papalapit sa kanila pero nabigo lang siya. “She left,” saad ni Honey na para bang nababasa ang isipan ni Michael.“What?”“Klarisse left.” Umastang uupo si Honey sa tabi ni Michael pero agad siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila palabas ng cottage. “Ano na naman ba?!” nakaangil na tanong ni Klarisse nang nasa labas na sila. “What did you say?”“Umalis na si Klarisse. Ano iyan
“Ahhhhhh!” Pawisan si Klarisse nang magising mula sa bangungot. Heto na naman. Paulit-ulit na naman sa panaginip niya ang nangyari noon. Ang pangyayari na iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng pananakit sa kanya ni Nathan ay nakakulong pa rin siya rito. Tumayo si Klarisse—pero ang pagtayo niya ay nabinbin nang may mapagtanto siya. Bakit ako nasa kwarto? tanong niya pa sa sarili. Ang naaalala niya ay nasa sala siya at nanonood. At ang mas lalong ipinagtaka niya ay wala siyang saplot. Kinapa niya ang katawan niya, pinakiramdaman. So far, in her relief, wala siyang maramdaman na kakaiba sa katawan niya. Walang mali sa kanya. Idineritso niya ang binalak na pagtayo at ibinalabal na lang ang kumot sa katawan niya bago naglakad palabas ng kwarto. Pupunta siya sa kusina upang kumuha ng tubig. Pero ang ginagawa na paghakbang ay natigilan nang may marinig siyang nag-uusap sa baba ng bahay nila. “What if she finds out?” Ha? Sino iyon? Sinong she?Boses iyon ng lalaki. Gus
Nakatanaw si Michael sa labas ng bintana. May hinihintay siya. At iyon ang P.I na kinuha niya pa para lang malaman kung nasaan si Klarisse. It’s been two weeks since the last time they met. Maging si Greta at si Charlotte ay hindi alam kung nasaan si Nathan at si Klarisse. Ang bahay ng mga ito ay inabandona na lang nang bigla. Nang puntahan nga nilang dalawa ni Greta ang bahay ay ang naabutan na lang nila ay ang mga nakakalat lang na gamit sa loob.At dahil nga nakasanla sa kanya ang bahay, ay nag-iwan siya ng mga tauhan doon na magbabantay baka sakaling biglang bumalik ang dalawa. Hindi lumabas ang mag-asawa ng bansa, kaya malaking palaisipan kung nasaan na ang mga ito ngayon. Nag-aalala siya para kay Klarisse. May kaba parati sa dibdib niya simula nang mawala ito. Apektado sila. Lalo na si Honey na sinisisi ang sarili dahil sa ginawa na pagpapaalis kay Klarisse sa isla. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay may kumatok sa pintuan ng opisina niya. “Come in,” Michael said in a seriou
Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang tumira si Klarisse sa bahay ni Michael. Michael is giving her all the attention and care that she needed. At sa kabila ng pagiging busy ni Michael ay hindi ito nagkulang ng oras sa kanya. At kahit wala ito sa bahay, at may mga guard itong kinuha in case na bumalik si Nathan at guluhin siya. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring makuha impormasyon ang mga pulis na humawak sa kaso niya kung nasaan ito. Maging ang mga magulang ni Nathan ay wala ring alam kung nasaa. Klarisse trusts his family lalo pa at nalaman niya na hindi totoong anak si Nathan ng nga del Prado. Isa raw itong anak ng katulong. Isang kriminal ang ama, at napatay sa engkwentro. “Marahil ay nanalaytay talaga sa dugo ni Nathan ang dugong kriminal.” Naalala niya pang komento ni Greta nang makausap nila ang magulang ni Nathan. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ni Klarisse habang nakatingin sa harap ng salamin kung saan kita niya ang reflection niya. So far, hindi n
“Ask Klarisse about it. Baka may alam siya. Convince her to tell you the truth, in that way mo lang siya matutulungan. Sa tingin ko kasi talaga ay malaki ang kinalaman ng nangyari 5 years ago kung bakit naging ganito ang buhay ni Klarisse ngayon. Matalino si Klarisse kaya hindi siya mahihirapan na magtrabaho sa malalaking kompanya kung sakali mang gusto niyang hiwalayan si Nathan. Maybe, Nathan is blackmailing her kaya ganoon na lang ang kapit niya sa asawa niyang gago. Basta, iyan ang paniniwala ko. So for now, I got to go. Sa personal na lang tayo mag-usap.”Parang nagising sa mahabang pagkakahimbing si Michael dahil sa sinabi ni Honey sa kabilang linya. Natauhan siya kaya naman agad siyang nagsalita bago pa man nito putulin ang linya sa pagitan nila. “Wait, Honey.”“Oh? May problema ba?”“Just wait for us there, okay? Darating kami.”“Paano ang expenses ko, Sir?” natatawang tanong nito pero wala siyang panahon para tumawa. Kailangan niyang malaman ang totoong nangyari 5 years ago.
Nasa likurang bahagi ng taxi si Klarisse at si Michael. They’re on their way to the airport. Tahimik lang silang dalawang at pawang may malalim na iniisip. Si Klarisse ay hindi halos makatingin kay Michael. Sa isang tingin pa lang sa dalaga, masasabi mo nang problemado ito. Si Michael naman, gusto mang ungkatin ang naging usapan nila kanina ay hindi na lang ito nagsalita dahil mas pinili ni Klarisse na hindi na magsalita pa. Matapos nitong sabihin ang mga katagang, “T-that n-night. I—I w-want t-to remember t-that night. But i-it k-keeps on h-haunting m-me l-like a ghost in the past,” ay hindi na ito nagsalita pa. Ilang beses siyang nagtanong pero nanatiling tikom ang bibig ni Klarisse. Nang makarating sila sa airport ay agad na lumabas si Michael sa taxi. Liliko na sana siya papunta sa side kung saan naroon si Klarisse, ngunit lumabas na itong mag-isa. Dahil private plane na pag-aari pa ni Michael ang sasakyan nila ay may mga nakaabang na sa kanilang staff para alalayan sila. Si Kl
Gamit ang kamay ay sinuklay ni Michael ang buhok niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nagkaroon na ng kasagutan ang tanong sa isipan niya limang taon na ang nakararaan. Nakita niya na ang isang bahagi ng puzzle na matagal niya nang hinahanap mula pa noon. It is really true that the coin has two side. May dalawang bersiyon parati ang istorya. And luckily, for him, nalaman niya ang lahat. Halos isang oras pa ang inilagi nila sa himpapawid bago sila lumapag sa airport ng Tacloban. Nakaabang na ang helicopter na maghahatid sa kanilang dalawa ni Klarisse sa lugar nila. Napatingin siya sa katabing si Klarisse. Wala itong kibo. Ang mga mata nito ay namamaga indikasyon na katatapos lang nitong umiyak. Naaawa siya sa babae. Pero hindi pa ito ang oras para kausapin niya ito tungkol sa bagay na itinatago niya. Bago umandar ang chopper na sinasakyan nila ay nag-dial na muna siya sa cell phone. “Hello,” saad niya. Napatingin sa kanya si Klarisse, ngunit nang tumingin siya sa gawi n
“Kumusta ka na?” tanong ni Eros kay Klarisse kaya natauhan siya. Ngumiti siya sa mga ito kahit pa ang totoo ay hindi na mawari ang kaba sa dibdib niya. Pinagpapawisan siya, kahit ang mga kamay at paa. Upang hindi lalong mapahiya, ay naglakad si Klarisse papunta sa lamesa kung saan naghihintay sa kanya ang tatlo. Gusto mang sulyapan ni Klarisse si Michael subalit hindi niya iyon magawa. Alam niyang sa kasalukuyan, ay matinding pagkamunghi ang nararamdaman ng lalaki sa kanya. At ayaw niyang makita iyon sa mga mata mismo ng lalaki.Humakbang siya papunta kay Eros para doon sana sa lalaki tumabi, pero nagulat siya nang maghila ng upuan si Michael. “Dito ka na umupo, Klara,” saad nito sa pormal na tono. Napamaang ulit si Klarisse. “H-ha?” she asked as if she didn’t hear anything from him. Napakurap siya, at napatingin kay Honey na parang balewala lang ang ginawa ni Michael. “Umupo ka na para makakain na. Balak ni Michael na kausapin ang mga magulang mo ngayon. Okay lang naman iyon sa
Habang inihahatid ng tingin ni Michael si Audrey ay hindi niya maiwasan ang mapailing. He knows there is something she is hiding. At aalamin niya iyon kahit na ano ang mangyari. If he's being paranoid and being judgemental, ngayon pa lang ay magso-sorry na siya. Pero malakas talaga ang kutob niya. He trusts his human instincts. May nagsasabi sa likod ng isip niya na tama ang kutob niya. He feels it within his bones. Nang hindi niya na makita si Audrey ay saka niya tiningnan ang gawi ng taong nakita niya kanina. Wala na ang tao, pero ang kotse na kinatatayuan nito kanina ay naroon at naka-park pa rin. Napailing siya nang kumabog ang puso niya. Ang kabog na alam niyang hindi siya tatantanan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Naglakad si Michael papunta sa kotse na kinatatayuan ng estrangherong hindi niya man lang nakita ang mukha.Nang makarating sa tapat ng kotse ay saka niya kinatok ang bintana ng kotse. Nagbabakasali siyang may tao sa loob at pagbubuksan siya ng bintana. But w
Audrey was begging. Begging for his love. He wanted to ask why? But does it matter?Hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Pero gusto niya itong hawakan at kabigin papunta sa kaniya para lang yakapin, pero hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang umasa ang babae. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga ginagawa niya.Paano kung naguguluhan lang din siya? Paano kung naghahanap lang siya ng pagbabalingan ng atensiyon niya para lang makalimutan si Klarisse?At kung gawin niya na kabigin ito, paano kung mag-assume ito na gusto niya rin ito? Mas magkakaroon siya ng malaking problema lalo pa at kilala na niya ang ugali ng babae na para bang what Audrey wants, what Audrey gets.Tumingin ulit si Audrey sa kaniya. Mas malamlam ang mga mata nito, mas malungkot. Nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Heto, isang babae, isang matagumpay na babae ang kusang lumalapit sa kaniya para mahalin niya. Pero siya? Pilit niyang iniiwasan ang babae dahil sa maraming dahilan. Isa na roon si Klarisse.“W
“So, we meet again.”Napatingin si Michael sa babaeng nagsalita. Si Audrey. Simple lang ang suot nito. Nakapantalon at T-shirt na kulay black. Plain lang iyon kaya mas lumabas ang angking kaputian ng babae.Limang buwan niya rin itong hindi nakita nang personal, dahil parati naman itong lumalabas sa T.V dahil sa dami ng achievements nito sa pagiging doktor.“What is it this time, Audrey?” Malumanay lang na tanong niya kahit pa ang totoo ay napapagod na siya dahil lang sa pakikipag-usap dito. Nagpakawalawa pa siya nang mahabang buntonghininga.Natawa naman si Audrey na para bang may sinabi siyang nakakatawa.“Grabe ka sa akin, Mr. Ratcliffe, ah. Wala pa nga akong ginagawa, naiirita ka na. Wala bang nakapagsabi sa iyo na kapag naiirita ka sa isang tao, ay dahil gusto mo ito?”“What?” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga.“Do you really like me that much, huh?”Naglakad siya palapit sa kotse niya , at iniwan ang babae. But what's weird is, he's expecting her to follow him. Kay
Pagdating sa bahay nila Sebastian ay namangha siya sa marangyang pamumuhay ng lalaki. Yes, he's wealthy now, but it doesn't change the fact that he still came from the slumber. At kung hindi pa yata sa ama niyang may pera ay hindi siya makakaahon sa buhay kahit pa magtrabaho siya habang buhay.Naniniwala siya sa swerte, pero hindi nakakabit sa kaniya ang salitang iyon, hanggang sa dumating si Honey sa buhay niya. Ang kapatid niyang nagsisilbing anghel niya.The thing is, this question is always running on his mind.Paano kung nagkataon na hindi si Honey ang kapatid niya? Paano kung nagkataon na gahaman ang kapatid niya at hindi siya nito hinanap?Baka hanggang ngayon ay nagbubuhat pa rin siya sa pier at napag-iwanan na ng buhay.But God made a plan only for him and that plan made him a better person now.“Are you all right?” A sudden voice appeared kaya naman halos mapatalon pa siya sa gulat.“Did I startle you?” Nakangisi pa ang nagmamy-ari ng boses nang tingnan niya. “Mukhang malali
“K-Klarisse...” anas niya ulit. “W-why are you d-doing this to me, Gang?” tanong niya kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang kinakausap niya ay ang babaeng tinutukoy niya. Dinaig niya pa ang batang bago pa lang nagsisimula na maglakad. Nangangapa pa siya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin. “I-is that y-you, Gang?” tanong niya na nanginginig ang boses niya. Napangiti siya. Isang ngiti na dinaig pa ang namatayan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya. Para siyang tanga na umaasa sa wala. This moment, it’s like he's waiting for rain in a dry desert. Hahakbang pa sana siya palapit sa bulto ng tao ngunit binalot ng kadiliman ang buong parking lot. A sudden brownout enveloped the parking lot. “Damn it!” mura niya sabay takbo papunta sa bulto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang makalapit agad sa taong hindi niya naman sigurado kung iyon nga ang hinahanap niya. Nang mahawakan niya ang braso ng taong kausap niya
“K-Klarisse?” nanginginig ang boses na turan ni Michael.Maging si Honey at Eros ay biglang napatingin sa kaniya. May balak pa sanang agawin ni Honey ang cell phone sa kaniya subalit inilayo niya sa kapatid ang cell phone na hawak.Iminuwestra din ni Michael ang kamay para pigilan ang kapatid sa paglilikot kaya naman tumango ito bilang pagsunod sa sinabi niya rito.“K-Klar—” Umiling si Michael. Imposible na si Klarisse ang kausap niya. Bigla siyang natauhan sa kagaguhan. “Sino ito?” seryoso niyang tanong.“Psh! Oh, kumusta ka na?”Napakunot ang noo ni Michael nang mapagsino ang nasa kabilang linya. “Charlotte?”“Yes, that's my name. I’m glad na kilala mo pa ako.”Bumuntonghininga si Michael. Nakaramdam siya ng pagkairita pero hindi niya na lang iyon ipinakita sa kausap lalo pa at ang balita niya ay buntis ito.“Niloloko mo na lang ako parati.” Pumalatak siya bago tumingin sa mag-asawa at umiling. Dinukot niya na rin ang susi na nasa bulsa niya at ipinakita sa mag-asawa. “Alis na muna
It upsets him.At habang iniisip ang napag-usapan nila ni Eros ay bumabaliktad ang sikmura niya kahit pa nga kalalaki niyang tao. Hindi niya pa rin maisip na pinatay si Klarisse. Hindi niya matanggap.Ang isipin pa lang na papatay ka ng isang tao, ng isang pasyente mo dahil lang sa pansarili mong kapakanan ay isa ng matinding sakit sa pag-iisip.“Naturingan ka pa namang doktor na hayop ka!” Sumigaw ulit ng ubod lakas si Michael dahil sa bigat ng nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya na alam kung paano pa ang gagawin para lang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman.Mula sa pagkakahiga ay tumayo siya. Kailangan niyang magpahangin. Kailangan niyang makaalis sa bahay na ito. Kailangan niyang libangin ang sarili niya bago pa siya mabaliw dahil sa kaiisip.Naglakad siya papunta sa kwarto ng ina at binuksan ang pinto ng kwarto nito. Naabutan niyang natutulog na ang ina kaya hindi niya na lang ito ginising upang magpaalam.Nilapitan niya na lang ito upang ayusin ang kumot nit
”Who’s Primitivo?” Nasa bahay na sila ngayon. He didn't expect na titiklop si Audrey sa kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Ang honeymoon sana ng mga ito ay nauwi sa ganito. “He's the one who abducted me before.”Napalingon sila nila Eros at ng ina niya sa kapatid niya. “What?” halos sabay pa nilang tanong sa kapatid niya na nagkibit lang ng mga balikat. Lumapit ito sa asawa at pinatanggal ang hook ng gown na suot nito. “I’m sorry, Sweetheart...” ani niya sa kapatid. “For what?” tanong nito pagkatapos ay lumapit naman sa kaniya at tinapik siya sa pisngi. “If you think you ruin our wedding day, diyos ko naman, kuya. Loko ka ba? Iyan mismong si Eros ang sumugod sa taas nang malaman namin ang nangyari. Papabayaan ka ba namin? Pasalamat siya at wala rito sila Greta at Charlotte.”Tama ang kapatid. At iyon ang pinagtataka niya. Bakit wala ang dalawang babae sa araw ng kasal ng kapatid niya? Tinawagan pa nga nila ang dalawang babae subalit hindi nangako
“He tried to rape me!”Matinding pag-iling ang ginawa ni Michael, but he could not talk. Hanggang ngayon kasi ay lango pa rin siya sa droga na sigurado siyang si Audrey ang may gawa. Napatingin siya sa ina niya. Umiiyak ito at halatang tuliro at hindi alam ang gagawin. They were not prepared for this. Sabagay, sino nga ba ang mag-aakala na ang babaeng propesyonal at tinuring niyang kaibigan ay gagawin ang imoral na hakbang para makuha nito ang gusto?Napatingin si Michael sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi niya ang mga ito kilala pero alam niyang mga binayaran ito ni Audrey para sa larong ito. “H-hindi k-ko alam a-ang gagawin ko sa iyo, M-Michael. H-hindi kita pinalaking ganito. I t-thought you’re f-fine! A-akala ko a-ay o-okay ka na m-matapos mawala ni Klarisse. I did not even expect n-na maging si Dr. Aubrey a-ay gagawan m-mo nang h-hindi maganda. And l-look a-at you!” Itinuro siya ng ina at hinampas sa braso. “You’re too high to talk! Diyos ko! G-ganito ba ang i-itinuro