Gamit ang kamay ay sinuklay ni Michael ang buhok niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Nagkaroon na ng kasagutan ang tanong sa isipan niya limang taon na ang nakararaan. Nakita niya na ang isang bahagi ng puzzle na matagal niya nang hinahanap mula pa noon. It is really true that the coin has two side. May dalawang bersiyon parati ang istorya. And luckily, for him, nalaman niya ang lahat. Halos isang oras pa ang inilagi nila sa himpapawid bago sila lumapag sa airport ng Tacloban. Nakaabang na ang helicopter na maghahatid sa kanilang dalawa ni Klarisse sa lugar nila. Napatingin siya sa katabing si Klarisse. Wala itong kibo. Ang mga mata nito ay namamaga indikasyon na katatapos lang nitong umiyak. Naaawa siya sa babae. Pero hindi pa ito ang oras para kausapin niya ito tungkol sa bagay na itinatago niya. Bago umandar ang chopper na sinasakyan nila ay nag-dial na muna siya sa cell phone. “Hello,” saad niya. Napatingin sa kanya si Klarisse, ngunit nang tumingin siya sa gawi n
“Kumusta ka na?” tanong ni Eros kay Klarisse kaya natauhan siya. Ngumiti siya sa mga ito kahit pa ang totoo ay hindi na mawari ang kaba sa dibdib niya. Pinagpapawisan siya, kahit ang mga kamay at paa. Upang hindi lalong mapahiya, ay naglakad si Klarisse papunta sa lamesa kung saan naghihintay sa kanya ang tatlo. Gusto mang sulyapan ni Klarisse si Michael subalit hindi niya iyon magawa. Alam niyang sa kasalukuyan, ay matinding pagkamunghi ang nararamdaman ng lalaki sa kanya. At ayaw niyang makita iyon sa mga mata mismo ng lalaki.Humakbang siya papunta kay Eros para doon sana sa lalaki tumabi, pero nagulat siya nang maghila ng upuan si Michael. “Dito ka na umupo, Klara,” saad nito sa pormal na tono. Napamaang ulit si Klarisse. “H-ha?” she asked as if she didn’t hear anything from him. Napakurap siya, at napatingin kay Honey na parang balewala lang ang ginawa ni Michael. “Umupo ka na para makakain na. Balak ni Michael na kausapin ang mga magulang mo ngayon. Okay lang naman iyon sa
Habang papalapit sila Michael sa bahay nila Klarisse ay siya ring pagbilis ng kabog ng puso niya. Kinakabahan siya kung ano ang puwedeng mangyari kapag nagkita sila Michael at ang magulang siya. Ayaw niyang may mangyaring masama. Mula sa rearview mirror ay napatingin siya kay Eros na katabi si Honey. Nag-uusap ang dalawa sa likuran habang nagtatawanan. Pero sa kabila ng masayang mukha ng pulis ay may pakiramdaman si Klarisse na hindi magiging maganda ang unang pagkikita nila ng mga magulang makalipas ang limang taon. “It was so stupid of me not to think about it for the longest time.” Napalingon si Klarisse kay Michael na siyang nagsalita. Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Michael. “You don’t have to worry about anything, Klara. You know me, right?” Wala sa sariling tumango si Klarisse. “That’s why I am telling you to calm down. Kung ano man ang iniisip mo, hindi iyan mangyayari.”“W-wala naman a-akong iniisip na i-iba,” pagkakaila pa niya, ka
She just misheard it, right? Paanong—Hindi. Kasabay ng pag-iling ni Klarisse ay ang pagtawa niya nang mahina. Maybe, she’s hearing things. Nababaliw na ba siya?Paano magiging magkapatid si Honey at si Michael?Klarisse was about to talk to when she heard familiar voices. “Mabuti naman at nandito na kayo.” Boses iyon ng nanay niya.“Bakit hindi kayo pumasok?” tanong naman ng nanay niya . Kahit hindi niya iyon lingunin, alam niyang ang mga magulang niya ang nagsalita. Dahil nakaharap siya kay Honey ay unti-unti ang naging paglingon niya sa gawi ng mga ito. At ganoon na lang ang pagdaloy ng mga luha niya nang tuluyan nang makita ang mga magulang na tiniis niya ng limang taon. “N-nay ... T-tay...” nanginginig ang boses na saad niya. Wala na siyang sinayang pang segundo at agad patakbong nilapitan ang mga magulang niya. Niyakap niya ang mga ito. “S-sorry po, Nay, Tay... Ngayon l-lang ako nakauwi.“Ayos lang sa amin iyon, anak. Naiintindihan namin ang sitwasyon mo. At kung mayroon ma
Ayaw nang lokohin ni Klarisse si Michael. Ayaw niya nang magsinungaling pa rito. Ang kasinungalingan at paglilihim niya noon ang dahilan kung bakit nagkabuhol-buhol ang buhay niya. And the only thing that making her happy ay naging successful si Michael kahit pa hindi niya pa alam ang istorya nito sa buhay. Klarisse stood up firm. Handa na siyang sabihin dito ang lahat. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Michael and cleared her throat. “I have something to tell you,” paunang salitang saad niya sa lalaki. Si Michael na nasa harapan niya ay napakurap. Michael still remembers when they were in rice field. Ganito iyon ang reaksiyon noon ni Klarisse. Malungkot ang mga mata nito at para bang ano mang oras ay iiyak. Nababasa ni Michael ang determinasyon sa mukha ni Klarisse na para bang buo na ang desisyon nito sa kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Makakaranas na naman ba siya ng rejection sa ikalawang pagkakataon nh dahil sa iisang babae? Ano ang gagawin niya? Makikinig ba si
Minutes before the shootout... Nagpalinga-linga sa paligid si Michael. Kailangan niyang maging alerto lalo pa at traydor ang kalaban nila. He can’t afford to lose anyone lalo pa at iilan sa kababaryo nila noon ang puwedeng madamay dahil sa kalokohan ng lalaki. Naging malikot ang mga mata niya. Tinitingnan niya ang bawat sulok na puwedeng pagtaguan ni Nathan. “Ano sa tingin mo?” tanong sa kanya ni Eros. Dahil abala na sa pakikipag-usap ang ama ni Klarisse sa kapitbahay nito ay nagkaroon sila ng pagkakataon ni Eros para mag-usap. “Narito lang siya sa paligid. Sigurado ako sa bagay na iyan,” sagot niya sa kaibigan. At dahil maingay sa kinaroroonan nila ay naglakad silang dalawa sa gilid ng bahay nila Klarisse kung saan walang tao. “Sigurado ka ba sa bagay na iyan? Nakabantay na ang mga kasamahan ko sa possible entrance niya. May checkpoint na pinatupad para hindi makapasok ang unidentified vehicle.” “Iyon ang problema, Pare. Sa kabila ng kagaguhan ni Nathan, alam natin kun
Nang dumating ang mga pulis ay kaagad lumabas si Klarisse at pinuntahan si Michael. Sa bawat sandali na nasa loob siya kanina, habang sila Eros at Michael ay nasa labas at walang kasiguraduhan ang buhay ay hindi man lang siya tumahan sa pag-iyak. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari na masama kay Michael at kay Eros. Nang makita ni Klarisse si Michael ay kaagad siyang tumakbo palapit sa lalaki at yumakap dito. Pero hindi pa man nakakaganti ng yakap sa kanya ang lalaking minamahal ay kaagad na siyang kumalas dito. Agad niyang tiningnan ang sugat nito sa noo, at ang sa balikat. Tumingin siya sa mga mata nito habang nanginginig ang mga labi sa pagpipigil na maiyak. “Okay ka lang ba?” tanong niya but that was so stupid of her. Bakit niya pa kailangan na magtanong kung okay lang ito gayong may butas ito sa balikat? Out of sanity ay pinukpok niya ang ulo niya. “Ang tanga-tanga ko talaga kaya ako niloloko, eh. Kaya ako pinagsasamatalahan ng dahil sa katangahan k
Gabi. May kalakasan ang hangin lalo at malapit nang magpasko. Nasa tabing-dagat si Klarisse at hindi alintana ang hampas ng tubig dagat sa binti niya. High tide ng mga oras na iyon kaya malapit lang ang tubig-dagat sa kabahayan. Mag-isa lang siyang nakaupo sa kinaroroonan niya. Kampante naman siya dahil alam niyang may mga nakapalibot na mga bodyguards na kinuha pa ni Michael para bantayan sila. Wala si Michael. Umuwi ito sa bahay nila sa sunod na baranggay. Isinasama silang mag-anak para doon sana sila matulog sa bahay nito subalit tumanggi ang mga magulang niya. Ayaw niya ring matulog sa bahay nito kaya nagpaiwan siya. Mas gusto niya rito sa bahay niya kasama ang mga magulang niya. Natapos ang usapan nilang dalawa ni Greta na hindi niya nasabi ang tungkol sa sakit niya kaya ang inakala tuloy ng kaibigan ay natatakot siya kay Nathan. Natawa siya nang pagak—ang tawang iyon ay para sa nakakaawa niyang sarili. Siguro ay sobrang laki ng kasalanan niya noong past life niya para danasi
Habang inihahatid ng tingin ni Michael si Audrey ay hindi niya maiwasan ang mapailing. He knows there is something she is hiding. At aalamin niya iyon kahit na ano ang mangyari. If he's being paranoid and being judgemental, ngayon pa lang ay magso-sorry na siya. Pero malakas talaga ang kutob niya. He trusts his human instincts. May nagsasabi sa likod ng isip niya na tama ang kutob niya. He feels it within his bones. Nang hindi niya na makita si Audrey ay saka niya tiningnan ang gawi ng taong nakita niya kanina. Wala na ang tao, pero ang kotse na kinatatayuan nito kanina ay naroon at naka-park pa rin. Napailing siya nang kumabog ang puso niya. Ang kabog na alam niyang hindi siya tatantanan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Naglakad si Michael papunta sa kotse na kinatatayuan ng estrangherong hindi niya man lang nakita ang mukha.Nang makarating sa tapat ng kotse ay saka niya kinatok ang bintana ng kotse. Nagbabakasali siyang may tao sa loob at pagbubuksan siya ng bintana. But w
Audrey was begging. Begging for his love. He wanted to ask why? But does it matter?Hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Pero gusto niya itong hawakan at kabigin papunta sa kaniya para lang yakapin, pero hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang umasa ang babae. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga ginagawa niya.Paano kung naguguluhan lang din siya? Paano kung naghahanap lang siya ng pagbabalingan ng atensiyon niya para lang makalimutan si Klarisse?At kung gawin niya na kabigin ito, paano kung mag-assume ito na gusto niya rin ito? Mas magkakaroon siya ng malaking problema lalo pa at kilala na niya ang ugali ng babae na para bang what Audrey wants, what Audrey gets.Tumingin ulit si Audrey sa kaniya. Mas malamlam ang mga mata nito, mas malungkot. Nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Heto, isang babae, isang matagumpay na babae ang kusang lumalapit sa kaniya para mahalin niya. Pero siya? Pilit niyang iniiwasan ang babae dahil sa maraming dahilan. Isa na roon si Klarisse.“W
“So, we meet again.”Napatingin si Michael sa babaeng nagsalita. Si Audrey. Simple lang ang suot nito. Nakapantalon at T-shirt na kulay black. Plain lang iyon kaya mas lumabas ang angking kaputian ng babae.Limang buwan niya rin itong hindi nakita nang personal, dahil parati naman itong lumalabas sa T.V dahil sa dami ng achievements nito sa pagiging doktor.“What is it this time, Audrey?” Malumanay lang na tanong niya kahit pa ang totoo ay napapagod na siya dahil lang sa pakikipag-usap dito. Nagpakawalawa pa siya nang mahabang buntonghininga.Natawa naman si Audrey na para bang may sinabi siyang nakakatawa.“Grabe ka sa akin, Mr. Ratcliffe, ah. Wala pa nga akong ginagawa, naiirita ka na. Wala bang nakapagsabi sa iyo na kapag naiirita ka sa isang tao, ay dahil gusto mo ito?”“What?” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga.“Do you really like me that much, huh?”Naglakad siya palapit sa kotse niya , at iniwan ang babae. But what's weird is, he's expecting her to follow him. Kay
Pagdating sa bahay nila Sebastian ay namangha siya sa marangyang pamumuhay ng lalaki. Yes, he's wealthy now, but it doesn't change the fact that he still came from the slumber. At kung hindi pa yata sa ama niyang may pera ay hindi siya makakaahon sa buhay kahit pa magtrabaho siya habang buhay.Naniniwala siya sa swerte, pero hindi nakakabit sa kaniya ang salitang iyon, hanggang sa dumating si Honey sa buhay niya. Ang kapatid niyang nagsisilbing anghel niya.The thing is, this question is always running on his mind.Paano kung nagkataon na hindi si Honey ang kapatid niya? Paano kung nagkataon na gahaman ang kapatid niya at hindi siya nito hinanap?Baka hanggang ngayon ay nagbubuhat pa rin siya sa pier at napag-iwanan na ng buhay.But God made a plan only for him and that plan made him a better person now.“Are you all right?” A sudden voice appeared kaya naman halos mapatalon pa siya sa gulat.“Did I startle you?” Nakangisi pa ang nagmamy-ari ng boses nang tingnan niya. “Mukhang malali
“K-Klarisse...” anas niya ulit. “W-why are you d-doing this to me, Gang?” tanong niya kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang kinakausap niya ay ang babaeng tinutukoy niya. Dinaig niya pa ang batang bago pa lang nagsisimula na maglakad. Nangangapa pa siya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin. “I-is that y-you, Gang?” tanong niya na nanginginig ang boses niya. Napangiti siya. Isang ngiti na dinaig pa ang namatayan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya. Para siyang tanga na umaasa sa wala. This moment, it’s like he's waiting for rain in a dry desert. Hahakbang pa sana siya palapit sa bulto ng tao ngunit binalot ng kadiliman ang buong parking lot. A sudden brownout enveloped the parking lot. “Damn it!” mura niya sabay takbo papunta sa bulto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang makalapit agad sa taong hindi niya naman sigurado kung iyon nga ang hinahanap niya. Nang mahawakan niya ang braso ng taong kausap niya
“K-Klarisse?” nanginginig ang boses na turan ni Michael.Maging si Honey at Eros ay biglang napatingin sa kaniya. May balak pa sanang agawin ni Honey ang cell phone sa kaniya subalit inilayo niya sa kapatid ang cell phone na hawak.Iminuwestra din ni Michael ang kamay para pigilan ang kapatid sa paglilikot kaya naman tumango ito bilang pagsunod sa sinabi niya rito.“K-Klar—” Umiling si Michael. Imposible na si Klarisse ang kausap niya. Bigla siyang natauhan sa kagaguhan. “Sino ito?” seryoso niyang tanong.“Psh! Oh, kumusta ka na?”Napakunot ang noo ni Michael nang mapagsino ang nasa kabilang linya. “Charlotte?”“Yes, that's my name. I’m glad na kilala mo pa ako.”Bumuntonghininga si Michael. Nakaramdam siya ng pagkairita pero hindi niya na lang iyon ipinakita sa kausap lalo pa at ang balita niya ay buntis ito.“Niloloko mo na lang ako parati.” Pumalatak siya bago tumingin sa mag-asawa at umiling. Dinukot niya na rin ang susi na nasa bulsa niya at ipinakita sa mag-asawa. “Alis na muna
It upsets him.At habang iniisip ang napag-usapan nila ni Eros ay bumabaliktad ang sikmura niya kahit pa nga kalalaki niyang tao. Hindi niya pa rin maisip na pinatay si Klarisse. Hindi niya matanggap.Ang isipin pa lang na papatay ka ng isang tao, ng isang pasyente mo dahil lang sa pansarili mong kapakanan ay isa ng matinding sakit sa pag-iisip.“Naturingan ka pa namang doktor na hayop ka!” Sumigaw ulit ng ubod lakas si Michael dahil sa bigat ng nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya na alam kung paano pa ang gagawin para lang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman.Mula sa pagkakahiga ay tumayo siya. Kailangan niyang magpahangin. Kailangan niyang makaalis sa bahay na ito. Kailangan niyang libangin ang sarili niya bago pa siya mabaliw dahil sa kaiisip.Naglakad siya papunta sa kwarto ng ina at binuksan ang pinto ng kwarto nito. Naabutan niyang natutulog na ang ina kaya hindi niya na lang ito ginising upang magpaalam.Nilapitan niya na lang ito upang ayusin ang kumot nit
”Who’s Primitivo?” Nasa bahay na sila ngayon. He didn't expect na titiklop si Audrey sa kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Ang honeymoon sana ng mga ito ay nauwi sa ganito. “He's the one who abducted me before.”Napalingon sila nila Eros at ng ina niya sa kapatid niya. “What?” halos sabay pa nilang tanong sa kapatid niya na nagkibit lang ng mga balikat. Lumapit ito sa asawa at pinatanggal ang hook ng gown na suot nito. “I’m sorry, Sweetheart...” ani niya sa kapatid. “For what?” tanong nito pagkatapos ay lumapit naman sa kaniya at tinapik siya sa pisngi. “If you think you ruin our wedding day, diyos ko naman, kuya. Loko ka ba? Iyan mismong si Eros ang sumugod sa taas nang malaman namin ang nangyari. Papabayaan ka ba namin? Pasalamat siya at wala rito sila Greta at Charlotte.”Tama ang kapatid. At iyon ang pinagtataka niya. Bakit wala ang dalawang babae sa araw ng kasal ng kapatid niya? Tinawagan pa nga nila ang dalawang babae subalit hindi nangako
“He tried to rape me!”Matinding pag-iling ang ginawa ni Michael, but he could not talk. Hanggang ngayon kasi ay lango pa rin siya sa droga na sigurado siyang si Audrey ang may gawa. Napatingin siya sa ina niya. Umiiyak ito at halatang tuliro at hindi alam ang gagawin. They were not prepared for this. Sabagay, sino nga ba ang mag-aakala na ang babaeng propesyonal at tinuring niyang kaibigan ay gagawin ang imoral na hakbang para makuha nito ang gusto?Napatingin si Michael sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi niya ang mga ito kilala pero alam niyang mga binayaran ito ni Audrey para sa larong ito. “H-hindi k-ko alam a-ang gagawin ko sa iyo, M-Michael. H-hindi kita pinalaking ganito. I t-thought you’re f-fine! A-akala ko a-ay o-okay ka na m-matapos mawala ni Klarisse. I did not even expect n-na maging si Dr. Aubrey a-ay gagawan m-mo nang h-hindi maganda. And l-look a-at you!” Itinuro siya ng ina at hinampas sa braso. “You’re too high to talk! Diyos ko! G-ganito ba ang i-itinuro