CHAPTER 73BELLA POVSobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Sa isipin na ikakasal na nga ang taong mahal ko sa iba. Mas lalo akong nasasaktan dahil ni hindi pa man lang ako kinakausap ni Vin tungkol dito.Pagkalabas ng mga kaibigan ko dito sa kwarto ko ay hindi na natigil pa ang mga mata ko sa kaiiyak. Mugto na nga ata ang mata ko dahil kanina pa rin talaga ako umiiyak. Kanina rin sa mall kung saan nakita namin si Vin kasama ang babae na mapapangasawa neto ay pigil pigil ko na talaga ang tumulo ang aking mga luha. Ayoko na makita ako neto sa ganong kalagayan.Sobrang sakit dahil mahal na mahal ko si Vin. Ang sakit sakit na makita yung taong mahal mo ay may kasama ng iba at ikakasal pa ang mga eto.Gusto ko sanang kausapin si Vin. Gusto ko sana syang tanungin tungkol sa bagay na iyon pero ngayon pa lang ay parang nasasaktan na ako sa maaari nyang sabihin sa akin. Humiga na lamang ako at nagtalukbong ng aking kumot. Siguro ay itutulog ko na lamang muna eto para kahit papaano ay ma
CHAPTER 74VIN POVNapakasaya ng puso ko pagkatapos kong makapagpaliwanag kay Bella. Ang buong akala ko ay hindi na makikinig si Bella sa paliwanag ko. Alam ko naman na nasaktan eto kanina ng makita nya ako sa mall na kasama si Nicole.Nakakainis naman kasi ang Nicole na yon dahil panay ang kapit sa braso ko. Akala mo ay bata na iiwan ng magulang kung makakapit sa akin.Pagkatapos namin mag usap ni Bella ay hinayaan ko na muna etong makatulog sa kanyang kwarto upang makapag pahinga. Kita ko kasi sa mukha neto ang pagod at puyat. Marahil ay inisip neto ang tungkol sa napanood na video kaya hindi nakatulog ng maayos kagabe. Nagi guilty tuloy ako dahil hindi ko kaagad eto sinabi sa kanya hindi na sana sya nag isip pa ng kung ano ano.Lumabas naman na muna ako ng kwarto ni Bella. At pagkalabas ko ay nadatnan ko na ang iba ko pang mga kaibigan. Nandito na rin pati sila Ian at Mark.Kita ko naman sa mga mata ng mga kaibigan ko na gusto nilang magtanong tungkol sa nangyayare ngayon."Okay na
CHAPTER 75Samantala naman pagkatapos ng nangyare sa mall ay inis na umuwi ng kanilang bahay si Nicole. Naiinis sya dahil basta na lamang syang iniwanan ni Vin doon.Pagkapasok ni Nicole sa kanilang bahay ay nadatnan nya ang kanyang ate Sarah sa kanilang sala na abala sa laptop neto."Hi ate," bati ni Nicole sa kanyang ate at lumapit pa sya dito upang makipag beso. Napalingon naman agad si Sarah sa kanyang kapatid at binitawan na muna nya ang kanyang laptop at hinarap ang kapatid. "Oh hi, san ka galing at bakit parang bad mood ka ata," sabi ni Nicole sa kapatid. Pansin nya kasi na medyo nakasimangot eto ng liningon nya kahit pa na binati sya neto.Huminga muna ng malalim si Nicole bago sumagot sa kanyang ate. " Pano ba naman kasi ate nakakainis etong Si Vin iniwan na lang ako basta sa mall," inis na sagot ni Nicole sa kanyang ate."What? Iniwan ka? Bakit? Inaya ka nya mag mall tapos iniwan ka lang doon ng basta na lang?" Tanong ni Sarah sa kapatid."Actually ate ako talaga ang nag ay
CHAPTER 76Naupo naman na rin silang mag ama sa kaninang pinuwestuhan nila Nicole."Kumusta ka na pala anak? Pasensya ka na kung hindi kita maharap simula ng dumating ka. Marami lang akong inaasikaso na mga trabaho," wika ni Lyndon.Pinakatitigan naman ni Sarah ang kanyang ama. Namiss nya rin naman ang kanyang ama. Ang tagal din nyang hindi eto nakita. Madalang lang din sila neto magkausap kahit sa tawag man lang dahil palagi etong busy sa trabaho. "Ayos lang naman po ako dad. Naiintindihan ko naman po na busy kayo sa trabaho," nakangiting sagot ni Sarah sa kanyang ama."Kumusta nga pala ang negosyo mo?" Tanong pa ulet ni Lyndon."Okay naman din po dad ang negosyo ko," tipid na sagot ni Sarah.Tiningnan din naman ni Lyndon ang kanyang anak na si Sarah. Namiss nya eto. Gusto nya sana etong yakapin pero nahihiya sya. Alam nya kasi na malaki ang pagkukulang nya sa anak nyang eto dahil mas natuon ang atensyon nya sa kanyang bunsong anak na si Nicole."Dad bakit nyo naman po pinayagan si
CHAPTER 77Pagkatapos mag usap nila Sarah at Lyndon ay umalis na muna ng bahay nila si Sarah. Gusto nya na muna magpalamig dahil naiinis sya sa kanyang ama at sa kanyang kapatid dahil mga sarado na ang mga utak ng mga eto.Nasa park sya ngayon at naglalakad lakad ng mag isa. Tahimik lang sya na nakatingin sa paligid ng park. Natutuwa sya sa mga nakikita nya na masasayang pamilya na kasama ang mga anak. Mga magbabarkada at mga estudyante na nagtatawanan.Bigla nyang naalala ang mommy nya. Kumusta na kaya eto. Huli nyang nakita ang kanyang mommy ay noong high school pa lamang siya at patago pa sila nagkita neto. Ilang buwan na rin ng huli nya etong maka usap sa telepono. Ang huling balita nya rito ay nasa isang probinsya eto at may sarili na ring pamilya roon. Bigla nyang naalala yung panahon na nagpaalam eto sa kanila ni Nicole.FLASHBACK"Mga anak sorry," umiiyak na sabi ni Claire kila Sarah at Nicole. Sampung taon si Sarah ng mga panahon na eto habang pitong taon naman si Nicole."Wh
CHAPTER 78"What do you mean?" tanong ni Kendra kay Sarah."Tsk. Alam mo naman ang ugali ng kapatid ko kapag may gusto syang isang bagay gusto nya makukuha o masusunod ang gusto nya. Kagaya ngayon hiniling nya lang naman kay dad na maikasal sya sa isang lalaki na hindi pa naman sya kilala," pagkukwento ni Sarah."What!? Really?" gulat na sabi ni Kendra. "Grabe talaga sa pagkasutil ang kapatid mo na yan. Wala talaga akong masabi. Kahit ba naman sa mapapangasawa nya ay hihilingin pa nya sa daddy nyo," iiling iling pa na sabi ni Kendra."Kinausap ko na nga sya pero wala e ayaw talagang makinig sa akin. Nagmaldita pa nga, tsk," sagot ni Sarah."Ibang klase talaga yang kapatid mo na yan. Spoiled na spoiled kasi ng daddy nyo kaya ganyan na talaga naging ugali nya," sabi pa ni Kendra."Naku sinabi mo pa. Kahit si dad kinausap ko na rin tungkol sa bagay na yan pero wala ayaw din makinig. Isipin mo naman hindi basta basta ang pag aasawa pero parang ginagawa na lang laro ni Nicole," sabi pa ni
CHAPTER 79Pagkadating nila Nicole at Glaiza sa bar ay kaunti pa lamang ang mga tao roon dahil maaga pa naman. Inagahan talaga nila ang punta para naman makahanap sila ng maganda gandang pwesto."Ang aga pa natin dito," sabi ni Nicole."Okay lang yan. Mas maganda nga yun e makakahanap tayo ng mas magandang pwesto natin," sagot ni Glaiza kay Nicole at hinila na nya eto papasok ng bar at agad na naghanap ng mapupwestuhan nila.May hinihintay pa rin naman sila na iba pa nilang kaibigan kaya naupo na lamang muna sila roon."Kumusta pala yung tungkol sa kasal mo? Okay na ba kayo ng soon to be husband mo?" nang uuyam na tanong ni Glaiza."Tsk. Ayun iniiwasan pa rin ako. Ewan ko ba. Choosy pa ata yon. Sa ganda kong to ayaw pa nya," confident na sagot ni Nicole."Hahaha. Maganda ka nga e kung hindi naman ganyan ang tipo nya sa isang babae wala rin girl. Hahaha," tatawa tawang sagot ni Glaiza sa kaibigan."Tsk. Arte nya. Alam mo bang bwisit na bwiset ako kanina lang. Kaya tama lang siguro na
CHAPTER 80"Let's go," pag aaya na ni Kendra kay Sarah. Pupunta kasi sila ngayon sa party ng kanyang kapatid. Sinundo na lamang nya si Sarah para sabay na lamang sila pumunta roon."Hindi ba nakakahiya? Baka kasi puro pamilya nyo lang ang nandoon?" nag aalangan na tanong ni Sarah."Tsk. Ano ka ba? Okay lang yun. Hindi ka na iba sa amin no," sagot ni Kendra. At nagmaneho na eto ng kanyang sasakyan.Pagkadating nila sa isang private resort ay dumiretso na sila sa loob non at ipinakilala kaagad ni Kendra si Sarah sa kapatid nya na si Mark. Hindi pa kasi eto nakikilala ng kaibigan nya."Happy birthday Mark," bati ni Kendra sa nakababata nyang kapatid na si Mark."Thank you ate," sagot ni Mark sa kapatid nya at nakipag beso pa rito."O by the way Mark this is Sarah my bestfriend," pagpapakilala ni Kendra kay Sarah."Hi. Happy birthday Mark. Nice to meet you," bati ni Sarah kay Mark. At nakipag kamay pa sya rito."Thank you. Nice to meet you too ate Sarah," sagot ni Mark at tinanggap na rin
Gusto ko po na magpasalamat sa lahat ng mga nagbasa at sumuporta sa story ko na ito. Ito po ang unang story na naisulat ko kaya masayang masaya po ako dahil merong nagbasa at tumangkilik dito. Maraming maraming salamat po sa inyo. Dito ko na po tatapusin ang My Billionaire Boy Best Friend. Maraming salamat po sa mga sumubaybay sa story nila Vin at Bella hanggang sa love story nila Mark at Kate. Maraming salamat po sa mga naghintay ng update ko araw araw. Anim na buwan ko rin po na isinulat ang story na ito. Sana po ay suportahan nyo pa rin po ako sa isa ko pang story na My Sister's Lover is My Husband. At sana rin po ay suportahan nyo pa rin po ako sa mga susunod na story na isusulat ko. Muli po maraming maraming salamat po sa inyo... ^_^ My Billionaire Boy Best Friend is now signing off.....
CHAPTER 245Sunod naman na nagsalita su Kate. Napabuntong hininga pa muna ito bago sya nagsalita dahil kagaya ni Mark ay kinakabahan din sya na magsalita."Mark i love you," unang kataga na binigkas ni Kate kaya naman napangiti na kaagad si Mark sa kanya."Hon thank you dahil hindi ka sumuko sa pagsuyo sa akin. Salamat dahil kahit na iniiwasan kita at sinusungitan kita madalas ay hindi ka pa rin sumuko at patuloy mo pa rin akong sinuyo," sabi ni Kate."Ngayon ko lang ito sasabihin ha. Alam mo ba na crush na kita noon pa. Kaso masyado ka kasing gwapo at marami ang nagkakagusto sa'yo noon kaya naman pinigilan ko na yung sarili ko na magkagusto pa sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan at kaibigan lang ang turing mo sa akin," pagpapatuloy pa ni Kate."Nung time na umamin ka sa nararamdaman mo sa akin noon kakahiwalay ko lang sa boyfriend ko noon kaya natakot na ako na magmahal ulet. Natakot na akong masaktan kaya naman binasted na kaagad kita at simula non ay iniiwasan na
CHAPTER 244Natuloy nga ang nais nila Mark at Kate na beach wedding. Laking pasalamat nila dahil nakisama ang panahon ngayong araw dahil maganda ang panahon ngayon. Manghang mangha naman ang nga bisita nila dahil sa napakaganda ng set up ng kasal nila Mark at Kate sa tabing dagat.Marami rin silang inanyayahan na mga bisita lalo na at nasa linya ng business ang pamilya nila Mark kaya marami silang inanyayahan na mga kasosyo nila sa negosyo. Sa side naman ni Kate ay inimbitahan nya ang mga co teacher's nya.Nagsimula naman ng tumugtog ang violin sa saliw ng kantang Can't Help Falling in love with you.Una naman na naglakad sa gitna si Mark at sinundan na sya ng mga magulang nya at ng entourage ng kanilang kasal. At pinakang huli ay si Kate ang lumabas ng buksan na ang puting kurtina na naka set up sa likurang parte.Naluluha naman na tinitigan ni Mark si Kate habang dahan dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito.Si Kate naman ay naluluha rin habang titig na titig sya sa gwa
CHAPTER 243Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at ngayon ay dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila Mark at Kate. Ang araw ng kanilang kasal.Nasa loob pa ng hotel room nya si Kate dahil hindi pa sya tapos ayusan. Habang si Mark naman ay kinukuhaan na ng ilang litrato sa kanyang sariling silid. Kasama nya rin doon ang kanyang mga magulang at kapatid."Mark anak. Congratulations sa inyo ni Kate ngayon pa lang. Masayang masaya kami ng daddy mo para sa'yo. Ngayon na mag aasawa ka na pakamahalin mo ang asawa mo ha. Wag na wag mo syang sasaktan anak. Ingatan at pahalagahan mo si Kate," seryosong sabi ni Krizzia kay Mark matapos nilang kuhaan ng mga larawan."Yes mom. Mamahalin ko po ng buong puso si Kate. Thank you po pala sa inyo ni dad dahil sinuportahan nyo po ako sa mga desisyon ko sa buhay," sagot naman ni Mark."Of course son. Susuportahan namin kayo ng ate mo sa mga gusto nyo dahil mahal namin kayo," sabat na ni Louie sa pag uusap ng mag ina nya."Hep hep. Tama
CHAPTER 242"Kumusta ang pakiramdm mo?" tanong ni Vin kay Bella."Medyo okay na ako," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Agad naman kinintalan ng magaan na halik sa labi ni Vin si Bella."Alam mo ba na kambal ang pinagbubuntis mo?" tanong ni Vin sa kanyang asawa. Ngumiti naman si Bella sa kanya saka ito tumango."Oo. Gusto sana kasi kitang isurprise e. Buti nga hindi mo napapansin na marami akong binibili na gamit ng mga bata e," sagot ni Bella."Ikaw talaga. Kaya siguro nahihirapan ka kaninang manganak yun pala dalawa ang sanggol na iluluwal mo. Next time wag mo ng uulitin yan ha," sabi ni Vin sa kanyang asawa."Vin kaaanak ko pa lang. Next time kaagad naiisip mo," sagot ni Bella sa kanyang asawa. Bahagya naman na natawa si Vin dahil sa sinabi ni Bella.Samantala naman tahimik na pinagmamasdan nila Kate at Mark ang mga anak nila Vin at Bella na mahimbing na natutulog."Ang cute naman ni baby girl at ang pogi ni baby boy ha," sabi ni Kate habang titig na titig sa kambal."Oo nga. Kahawi
CHAPTER 241Kinabukasan din noon ay nag usap usap na ang mga pamilya nila Mark at Kate para sa kanilang kasal. At napagkasunduan nila na apat na buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Mark at Kate."Grabe Mark hindi ka naman nagmamadali nyan ha," pang aasar ni Kendra sa kapatid."Tsk. Syempre ate. Excited na nga ako e. Kung pwede nga lang na next month na kaagad yung kasal," sagot naman ni Mark sa kapatid. Siniko naman ni Kate si Mark."Para ka naman may hinahabol nyan. Ako nga hindi ko pa naiisip na mag asawa e," sagot ni Kendra."Tsk. Ate hanapin mo muna yung mapapangasawa mo bago mo isipin na mag asawa," pang aasar naman ni Mark sa kanyang ate."Hindi pa ako sawa sa pagiging buhay dalaga ko noh. Kaya wala pa akong balak na mag asawa," sagot ni Kendra sa kapatid."Bahala ka ate. Basta ako mag aasawa na akom ayoko mapaglipasan ng panahon," pang aasar pa ni Mark."Tsk. Magpakaligaya na lang kayo at bigyan nyo ako ng maraming pamangkin," sagot ni Kendra."Psst. Tumigil na kayong da
CHAPTER 240Isa isa naman na nagsilapit sa kanila ang mga kaibigan nila. At nauna ng lumapit sa kanila ang mag asawang Vin at Bella. "Congratulations sa inyo," bati ni Bella kila Mark at Kate."Salamat," nakangiti naman na sagot nila Mark at Kate sa kanya."Finally hindi na bato ang puso ni Kate," natatawa na sabi ni Bella habang himas himas ang malaki na nitong tyan. Natawa naman si Kate dahil sa sinabi ni Bella."Bro ibang klase ka talaga. Wala ng patumpik tumpik pa. Haha," tatawa tawang sabi ni Vin kay Mark. "Syempre baka makawala pa e," natatawa rin naman na sagot ni Mark kay Vin. Nagsilapitan na rin naman ang iba pa nilang kaibigan sa kanila."Hoy Mark. Ikaw ha ni hindi mo man lang kami sinabihan. Ang akala namin ay birthday party lang ito. Magpopropose ka na pala," himig nagtatampo na sabi ni Ian kay Mark dahil wala talaga syang kaalam alam tungkol dito kahit na magkasama lang naman sila sa bahay ni Mark."Hindi ko talaga sinabi kaagad sa'yo kasi ang daldal mo. Hahaha," tataw
CHAPTER 239"Hon ang tagal kong hinintay yung araw na sasagutin mo ako. Kaya naman ng dumating ang araw na yun ay sobrang saya ko dahil ilang taon din akong naghintay na mahalin mo rin ako," sabi pa ni Mark habang dahan dahan na humahakbang palapit kay Kate.Nagtataka naman na tinitingnan ni Kate si Mark. Nagpatuloy naman sa pagsasalita nya si Mark."Nung una akala ko wala na talagang pag asa na mahalin mo ako. Muntik na nga akong panghinaan ng loob non e kamuntik na akong sumuko dahil binasted mo kaagad ako noong unang beses na umamin ako sa'yo tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'yo. Pero matapos ang kasal nila Vin at Bella ay naglakas loob ulit ako na manligaw sa'yo kahit pa iniiwasan mo ako palagi pero hindi ako tumigil hanggat hindi kita napapasagot dahil ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito," madamdaming sabi pa ni Mark.Bigla naman nagbukas ang ilaw sa isang parte ng restaurant kaya naman napalingon si Kate roon at ang unang nakita ni Kate ay ang mga kaibigan nya na n
CHAPTER 238Pagdating ng hapon ay sinundo naman na muna ni Mark si Kate mula sa school saka ito hinatid sa bahay nito."Hindi na ako papasok sa loob ha. Mamaya susunduin ulit kita," sabi ni Mark kay Kate pagkatigil ng kotse ni Mark sa harapan ng bahay nila. Napapansin naman ni Kate na parang aligaga si Mark."S-sige," sagot ni Kate. "Mark may problema ba? Napapansin ko kasi na parang hindi ka maapakali e," hindi na napigilan na itanong ni Kate kay Mark. Bigla namang parang natauhan si Mark dahil sa tanong ni Kate."Ha? Wala ito. Wag mo akong pansinin," sagot ni Mark. " Sige na. Aalis na ako. Balikan kita mamaya ha," pagpapaalam na ni Mark kay Kate saka nya ito hinalikan sa noo."Sige. Mag iingat ka. Hintayin kita mamaya," sagot ni Kate."Sige. Bye," sagot ni Mark saka sya kumaway rito bago pinaandar ang kanyang kotse.Umuwi naman na muna si Mark upang magpalit ng damit at mag ayos ng kanyang sarili. Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay agad na rin syang umalis dahil kailangan pa ny