ITUTOK mo lang sa trabaho ang atensyon mo. HUwag mo siyang papansinin, mariing sabi ni Jillian sa kanyang sarili. Kahit hindi niya igala ang kanyang pansin, alam niyang may mga matang nakatingin sa kanya at tiyak na tiyak niya kung sino ang nagmamay-ari ng mapupungay na mga matang iyon. Buwisit!
Mula nang ipangalandakan ni Lance na mayroon silang relasyon dati, parang nag-iba ang tingin ng mga empleyado ni Lance sa kanya. Wala na nakikipagkuwentuhang lalaki sa kanya na para bang isang pagkakamali na makipag-bonding sa kanya.
Hate you Lance, naiinis niyang sabi sa sarili. Kahit tuloy gusto niyang ibuhos ang lahat ng kanyang concentrasyon sa pagtatrabaho, hindi niya magawa. Dama niyang nakatingin ito sa kanya kaya naman mas nakakaramdam siya ng guilt.
Kahit kasi sabihin niya na sa sarili ng paulit-ulit na si Mark Wayne ang kanyang mister at ito ang talagang may karapatan sa kanya, malaking bahagi ng sistema niya ang tumatanggi. Damang-dama niy
SINIKAP ni Lance na maging kalmante para hindi magbago ang isip ni Franco na harapin siya. Talaga naman kasing nakakainit ng ulo na malamang may kinalaman ito sa hiwalayan nila ni Jillian. Ang tanong lang, paanong nangyari iyon? Malinaw kasi sa isipan niya ang sinabi ni Jillian sa kanya na kaya siya nito iniwan ay dahil na-realize nitong si Mark Wayne lang ang kaya nitong mahalin. Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ng ex-girlfriend kaya hindi na niya nagawang makapag-isip pa. Dahil sa gusto na niyang marinig ang sasabihin ni Franco, umalis na siya sa opisina kahit marami pa siyang dapat na asikasuhin. Mabuti na lang at wala namang meeting o anumang event na dapat niyang puntahan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niya si Jillian na parang pikon na pikon sa kanya. Kung tapunan siya nito ng tingin ay para bang may kasalanan siyang nagawa rito. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilang pagtawanan ang sarili. Kung umasta kasi siya'y par
BAKLA ako! Kung hindi lang si Franco ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon, hindi siya maniniwala. Well, hindi pa rin naman siya makapaniwala kaya nga hindi siya makakilos ngayon gayung kanina ay gustung-gusto na niya itong pagsasasapakin. Matalik na kaibigan niya ito, dapat ay karamay niya pero ito pala ang naging dahilan ng kanyang pagdurusa. "Mahal na mahal kita pero hindi ko magawang masabi sa'yo dahil ayokong layuan mo ako. Ayokong pandirihan mo ako. Kaya lang, selos na selos ako kay Jillian kasi mahal na mahal ko siya. Gusto ko sana akong tingnan mo ng ganu'n. Gusto ko, ako ang yakapin mo. Gusto kong ako ang halikan pero pero hindi pwede." "Talagang hindi pwede!" sigaw niya. Ngayon niya naintindihan kung bakit ini-entertain lang ni Franco ang mga babaeng nagkakagusto rito kapag nasa paligid siya. Sadya lang nitong ipinagmamalaki sa kanya na playboy ito para hindi niya mapansin ang tunay nitong pagkatao na pilit nitong itina
SABI ni Jillian sa sarili ay gusto niyang mawala sa isip niya si Lance at ang anumang nararamdaman niya rito, pero, paano niya magagawa iyon kung pinili pa niyang magpunta sa lugar na tinatambayan nila dati? Dahil mahilig sa basketball si Lance ay lagi siya nitong dinadala sa open court na iyon na matatagpuan malapit sa kanilang university. Kung walang gumagamit ng court ay nagwa-one on one pa sila ni Lance sa paglalaro ng basketball. Lagi kasing may dalang bola si Lance na nakalagay sa kotse nito at kung minsan naman ay nasa loob ng bag. "Natatandaan mo ba ang ginawa mo ng matalo mo ako nu'n sa basketball?" tanong sa kanya ni Lance habang humaharang ito para hindi niya ma-shoot ang bola." Napangisi siya dahil natandaan niya agad kung anong tinutukoy nito. "Siyempre, binigyan kita ng upper-cut nu'n dahil natalo kita." "Alam mo bang mula nu'n ay nagkaroon na ng problema ang puso ko?" Sa winika nito ay
SA limang taong pagsasama nila ni Jillian ay ginawa niya talaga ang lahat para maging karapat-dapat siya sa pag-ibig nito kaya naman kahit asawa na niya ito, sinikap pa rin niyang magpaka-gentleman. Alam kasi niyang noong panahon na iyon ay masyado pang sariwa sa alaala nito si Lance kaya't kahit na igiit niya kay Jillian ang kanyang karapatan, hindi naman siya masisiyahan dahil alam niyang ibang lalaki pa rin ang maiisip nito at siyempre, ayaw niya ng ganoon. Ang nais niya kapag kinuha niya ang kanyang karapatan ay walang ibang makikita si Jillian kundi siya. Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang magtawa, talaga nga bang 'makukuha' niya si Jillian gayung alam naman niyang nawalan na ng silbi ang kanyang pagkalalaki mula nu'ng maaksidente siya? Nang sabihin ng unang doktor na tumingin sa kanya na nawalan na ng silbi ang kanyang pagkalalaki ay inisip na niya agad na wala na siyang karapatang magkapamilya. Hindi na rin niya kayang paniwalaan ang sinabi ng iban
NAPAGTANTO ni Lance na hindi lahat ng tama ay dapat sundin, lalo na kung hindi ito ang makapagbibigay ng kasiyahan sa kanya. Matagal na panahon na siyang nagdusa kaya gusto naman niyang sumaya at alam niyang sa kanya din naman liligaya si Jillian dahil tiyak niyang kinikimkim lang nito ang nararamdaman para sa kanya. Hindi siya manhid para hindi mabasa sa kilos ni Jillian ang tunay nitong nararamdaman na pinipilit nitong labanan. Iniiwasan nitong mapatingin sa kanya dahil natatakot itong mabasa niya ang pa-ibig at pangungulila nito sa kanya. Kung noon ay sinasabi niyang pinaasa lang niya ang sarili, ngayong nalaman niya ang dahilan kaya siya iniwan ni Jillian ay nakatitiyak na siya. Kailanman ay hindi siya nawala sa puso ni Jillian. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay ang dahilan ni Jillian kung bakit kinailangan nitong pakasalan si Mark Wayne gayung siya naman pala talaga ang mahal nito. Nais lang ba talagang ipamukha sa kanya ni Jillian mas matimbang siy
MASAKIT na masakit ang ulo ni Jillian nang magising siya kaya naman parang ayaw pa niyang bumangon. Saka masarap din sa pakiramdam na yakap-yakap siya ng kanyang asawa. Si Mark Wayne? nagtatakang tanong niya sa sarili dahil hindi naman ganoon ang nararamdaman niya kapag kayakap niya ang asawa. Ngayon kasi ay parang ang bilis-bilis ng pintid ng kanyang puso. Pakiwari niya'y may kung anong halimaw na humahabol sa kanya kaya gusto niyang tumakbo nang tumakbo. Saka, iba ang amoy nito. Sa limang taon na pagsasama nila ni Mark Wayne, hindi pa nangyaring parang nagkabuhol-buhol ang kanyang katinuan dahil sa amoy nito. Ngunit, ganoon ang nararamdaman niya kapag si Lance ang kanyang kapiling. Si Lance! gilalas niyang sabi sabay balikwas nang bangon. Bigla rin kasing nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Masama ang loob niya dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman. Kahit kasi si Mark Wayne ang kas
PAKIRAMDAM ni Jillian ay hindi na niya kaya pang pigilan ang kanyang sarili. Miss na miss na rin naman kasi niya ang halik ni Lance kaya nagawa pa niya itong yakapin habang tumutugon siya sa halik nito. Sabi kasi ng puso't katawan niya, si Lance lang ang karapat-dapat na umangkin sa kanyang katawan. Ngunit, bigla niyang naitulak si Lance, nang pumasok sa isip niya si Mark Wayne. Ang kanilang kasal. Ang init ng pag-ibig na kani-kanina lamang ay nararamdaman niya'y parang binuhusan ng malamig na tubig. Kung hindi man niya kayang ibigay kay Mark Wayne ang pag-ibig na ibinuhos niya kay Lance, hindi niya dapat kalimutang irespeto ang bestfriend niya bilang asawa. "I hate you, Lance!" sigaw niya. Kung nagagalit siya sa kanyang sarili, mas matinding galit ang nararamdaman niya ngayon sa kanyang ex-boyfriend. Kung hindi ito muling pumasok sa kanyang buhay, hindi magugulo ang emosyon niya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng matinding guilt ngayon
"HINDI mo na ako madadaan sa pag-iyak kaya tigilan mo na 'yan." Bahagya lang niyang tinapunan ng tingin si Lance dahil alam niyang nagsisinungaling ito. Wala naman kasi siyang tigas na naririnig sa boses nito kaya alam niyang naaapektuhan din ito sa pagluha niya. Gaya noon. Kapag may gusto siya't ayaw nitong pagbigyan, idinadaan niya sa pagluha. Sa huli tuloy ay sinusunod din siya nito. Ngunit, agad niyang nakalimutan ang mga ginawa nito sa kanya dahil lang sa simpleng mga salitang narinig niya. "Dito ka lang. Sa piling ko." "Kawawa naman ang anak...ko," wika niya. Muntik na niyang masabing natin. Ngunit, kung ibinulalas niya ang katagang natin ay sigurado siyang agad siya nitong hihilahing pabalik ng Manila. Para kunin si Apple. At iyon ang hindi niya mapapayagan dahil alam niyang mas masasaktan si Mark Wayne. "Gusto mong kunin ko siya?" "No," mariin niyang sabi. "Hayaan mo siya sa...Daddy niya." Marahas na b
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama