Michael'sPOVSinasabi ko na nga ba na magugulat si Athalia kapag inalok ko siyang maging isang Bise Presidente. Pero kailangan kong gawin ito dahil sa nalalapit na panahon siya ang magmamana lahat ng ari-arian na mayroon ako. Muling napaupo si Athalia."Pero bakit po ako? May mga ibang empleyado po na mas karapat-dapat po sa posisyon na iyon kaysa sa akin." aniya na naroon pa rin ang pagkalito sa mukha."Hindi naman dahil dun, Ath." dahil ikaw ang magmamana ng lahat ng ito. gusto kong idugtong pero pinigilan ko ang sarili. "Ikaw ang gusto ko dahil nakita ko ang kasipagan ko sa trabaho. You deserved it. Mr. Marquez will guide you by next week." ani ko. Huminga ng malalim si Athalia at tsaka tinitigan siya."Tinatanggap ko po, para kay inay at para sa sarili ko." aniya sa determinadong boses. Hindi ko maiwasang mapangiti. Namana niya sakin ang katangian na iyon, determinado sa mga bagay na gustong gawin. Anak ko nga talaga siya. Tumayo ako at inilahad ang kanang kamay sa kaniya pero
Athalia'sPOVPagkatapos kong mananghalian kasama si Ate Melissa at masabi kay Charles na guasto ko siyang makausap mamaya, pagkatapos ng office hours. Nagtungo ako sa Rest Room para magretouch, hindi ko kasi nagawa kanina dahil napahaba ang kwentuhan namin ni Ate Melissa. Nang nasa entrance na ako, nakarinig ako ng mga mga pamilyar na boses na nag-uusap sa loob. Mas lalo akong lumapit para mas marinig ko pa ang pinag-uusapan nila."Sipsip masyado! Gumagawa talaga ng paraan para itaas ang rangko. Nakita mo yun kanina? Hindi man lang tumanggi, at talagang nakisabay pa sa boss natin! Pabida!" Napasinghap ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, buti nalang mabilis kong natakpan ang aking bibig. Si Anallene! Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis, ano ba ang nagawa ko sa kaniya at ganun nalang siya kagalit sakin? Paano nalang kung nalaman cniya na soon magiging VP na ako ng kompanya? Napailing-iling nalang ako. May mga tao talagang hindi kayang maging masaya sa achievement ng iba. N
Michael'sPOVNapatayo ako ng makita ang panginginig ni Athalia. Agad akong lumapit ng makitang mawawalan na siya ng ulirat. Bago pa man siyang bumagsak sa sahig, nasalo ko na siya. Napatitig ako sa maamong mukha ng aking anak. Napabuntong-hininga ako. Dapat hindi ko siya binigla, dapat naging mahinahon ako. Dinala ko siya sa private room ng aking opisina, at ibinaba sa kama. Napatitig ako sa kaniyang maamong mukha. "Sana naging malumanay ako, sana paggising mo matanggap mo ako anak. Kaytagal kong inasam na sana makasama kita at ituring mo akong ama. Gustong-gusto ko na kayong makasama ng iyong ina at maging isang buong pamilya." ani ko kahit alam ko na hindi niya ako naririnig. Itinaas ko ang aking kamay at hinaplos ang makintab at malambot na buhok. Hihintayin ko nalang siya na magising. Kinumutan ko siya bago tumayo ako at nagtungo sa sofa na naroon tsaka naupo. Athalia'sPOVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at itinakip ang aking kanang braso para takpan ang aking muk
Pagkadating namin ni itay sa tapat ng gate ng bahay, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Nginitian ko siya at lumabas ng sasakyan."Salamat po." ani ko at bumuntong-hininga. Ngumiti si itay at pinakatitigan ako. Kababakasan ng pag-alala ang kaniyang mukha."Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang aking siko. Tumango ako at tipid na ngumiti."Opo, medyo kinakabahan lang po ako dahil hindi ko alam kong ano ang magiging reaksiyon ko kapag nalaman ko na ang lahat." ani ko at hindi napigilan ang pagsimangot. Nakikiusap na tinitigan ako ng itay."Please anak, huwag kang magagalit sa iyong ina." aniya sa mababang boses. Naroon ang pag-aalala sa boses niya. Tumango na lamang ako. Akmang pipindutin ko na ang doorbell ng marinig ko ang boses ni inay."Athalia, Michael!" sigaw niya. Napatingin ako sa loob ng bakuran at nakitang papalapit si inay na may malapad na ngiti sa mga labi. Nang makalapit siya agad niyang binuksan ang gate gamit ang susi na nasa kaniyang
Narito kami ngayon ni Charles sa isang Fastfood Restaurant sa bayan. Hindi na ako pinapasok ni itay sa trabaho kanina, siya nalang ang bumalik. Tinawagan ko agad si Charles para makipagkita sana sa kaniyang ng mga bandang alas-singko ng hapon pero agad siyang nakipagkita pagkatapos ng tawag dahil hindi naman daw siya abala."Mukhang ang lalim ng iniisip mo." ani Charles ng makalapit siya sakin at ilapag sa mesa ang inorder nitong pagkain. Umupo siya sa katapat kong upuan. Nasa sulok kaming bahagi ng restaurant. Lumambot ang ekspreksyon ng kaniyang mukha."Bakit pakiramdam ko bad news ang sasabihin mo sakin?" tanong niya. Napakagat-labi ako. Ayaw kong saktan siya, pero mas lalong masasaktan siya kapag ipinagpatuloy ko pa ang relasyon namin pero hindi ko naman siya magawang mahalin. Unfair iyon sakin, sa kaniya at kay Luke. Parang niloloko ko lang ang sarili ko kapag nagkataon."Ahem..—" naputol ang iba ko pang sasabihin ng magsalita siya."Athalia, kung anuman ang sasabihin mo sakin m
Athalia'sPOVNakaramdam ako ng kaginhawaan matapos ang pag-uusap namin ni Charles. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Iyon pala ang rason, parang kapatid lang din pala ang turing niya sakin gaya ng turing ko sa kaniya. Huminto si Mang Ignor sa harap mansiyon ng Pamilya Sebastian, kakausapin ko si Luke para yayahin siya na maghapunan sa bahay. Namiss ko na rin siya. Bumaba ako ng sasakyan pagkatapos magpasalamat kay Mang Ignor."Tawagan mo nalang ako iha kapag susunduin na kita." aniya."Sige po." ani ko at sinuklian ng matamis na ngiti ang matanda. Kahit may katandaan na ay malakas pa rin. Lumapit ako sa may kataasang gate at nag-doorbell. Binuksan iyon ng gwardiya. Binati nila ako na binati ko rin pabalik. Nagtuloy-tuloy na ako patungo sa pintuan. Bigla iyon bumukas at lumabas si Manang Daisy na may bitbit na basura. "Athalia!" masiglang bati niya. Ngumiti ako sa kaniya."Magandang tanghali po, nandiyan po ba si Luke?" tanong ko. "Wala, nasa farm siya iha. Gusto mo ba siyang hint
Luke'sPOVHindi ko maiwasang pangunahan ng kamay habang nagmamaneho. Ano kaya ang magiging reaksiyon nina Tita Carmen at Tito Michael kapag ipinagtapat namin ang relasyon na meron kami? Matatanggap kaya nila ako? Bumuntong-hininga ko at itinutok ang paningin sa daan. Napapitlag ako ng hawakan ni Athalia nag aking kamay na nakahawak sa manibela. Napatingin ako sa kaniya. Masuyo siyang ngumiti."Huwag kang kabahan, hindi ka nila kakainin." biro ni Athalia at nginitian ako. Bumuga ako ng marahas na hininga at masuyong siyang tinitigan at muli ibinalik ang tingin sa daan."Hindi ko lang mapigilan, Ath. Baka kasi magalit sila sakin dahil kinailangan mong makipaghiwalay kay Charles para lang sakin." ani ko na hindi maiwasang malungkot. Huminga ng malalim si Ath. "Mahal natin ang isa't-isa. At tsaka mahal ka ni inay kaya tiyak na boto siya sayo. Ikaw pa!" aniya. Inihinto ko sa gilid ng daan ang sasakyan at hinarap si Athalia."Salamat Ath sa pagpapalakas ng loob sakin." ani ko habang titig
Athalia'sPOVMatapos tanungin ni inay ang tungkol sa kalagayan ni Tito Adan kay Luke. Nakita ko ang bahagyang panginginig ng kamay ni Luke na nakapatong sa mesa. Hinawakan ko iyon at bahagyang pinisil, tumingin siya sa direksyon ko na may malamlam na mata. Nginitian ko siya. Huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang tingin kina inay at itay na nakatingin samin. "Patay na po si Dad, mga isang buwan na po." Ang sagot na iyon ni Luke ang naging dahilan para mapatayo sina inay at itay na may nanlalaking mga mata at nakaawang ang labi. Samantala, mas hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamay ni Luke. Napakagat-labi ako para pigilin ang luha na nais kumawala sa aking mga mata. Bumunting-hininga ako para pakalmahin ang sarili. Bakit hindi nila samin?"Oh my god! Bakit hindi namin alam?" tanong ni inay na napasapo pa sa dibdib. Agad namang umalalay si itay. Tiningnan ko si Luke. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata at ang isang butil ng luha na naglandas sa kaniyang mga mata na
After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."
Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at
Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.
Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak
Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e
Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m
Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ang mahinang hilik ni Luke. Tulog na siya, dala na rin siguro ng pagod at sa pag-iyak kanina kaya mabilis siyang nakatulog. Sinuklay-suklay ko pa rin ang kaniyang buhok. Hindi ko maiwasang isipin yung mga narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ganun pala kakomplikado ang pagkatao ni Luke. Proud ako sa kaniya dahil napakatapang niya. Kung sa iba lang nangyari ang nangyari sa kaniya ay baka pinanghinaan na sila ng loob. Kaya, masaya ako dahil napagtagumpayan niya iyon.Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahang inalis ang kaniyang ulo sa aking hita at inilagay iyon sa unan. Nang matiyak na maayos na ang pagkakahiga niya. Tumayo ako at lumabas ng kwareto. Medyo nararamdaman ko ang sakit sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan pero kaya ko naman indahin iyon. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Akmang aalis na ako nang may magsalita sa aking likuran."Gising ka pa pala?" Lumingon ako at nakita si itay na naka
Luke'sPOVBakit ba pagdating kay Athalia napakalambot ko? Ganun siguro talaga kapag mahal mo isang tao. Nang umalis sa pagkakaibabaw sakin si Athalia, bumangon ako at kinuha sa bedside table ang liham. Nang makuha iyon, inilabas ko mula sa envelop ang papel na naglalaman ng liham ni dad. Binuklat at binasa para marinig ni Athalia."Siguro nagtataka ka kung bakit dinaan ko pa sa sulat, kung pwede ko naman sabihin sayo ng personal. Natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian mo ako ng harapan. Ayaw kong makita ang galit sa mukha mo kapag sinasabi ko na sa iyo ang buong katotohanan. Kaya minarapat ko na sa liham ko nalang sabihin sa'yo ang lahat. Dito, masasabi ko sa iyo lahat. Sisimulan ko ito sa tunay mong ina. Hindi si Olivia ang iyong tunay na ina, ang pangalan niya ay Jackie Santiago. Kasintahan ko noon ang iyong ina ng may mangyari samin at hindi ko akalain na magbubunga iyon. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na naghiwalay kami ng iyong ina dahil sa iyong lolo na ayaw kay Jack
Athalia'sPOVNapangiti nalang ako ng pumasok si Luke sa banyo. Talagang gusto niyang May mangyari samin ngayon. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko akalain na takot pala siya sakin. Umupo ako sa kama, pero napatayo ako ng mapansin na hindi maayos ang pagkakalagay ng libre-kama. Kaya habang hindi pa lumalabas si Luke. Inayos ko ang kutson, pero laking gulat ko ng aksidenteng maiangat ko ang kutson ay may nakita akong puting envelope roon. Napakunot-noo ako. Para kanino ang envelope? Malamang kay Luke, sa kaniya naman itong kwarto eh. Kinuha ko iyon at tiningnan ang likod niyon, nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat. "Fr. : Adan Sebastian" basa ko sa nakasulat."Athalia?" tawag sakin ni Luke na hindi ko namalayan na lumabas na pala siya sa banyo. Lumingon ako sa kaniya, hindi ko maiwasang mapalunok ng makita ang katawan niya dahil nakatapi lamang siya ng tuwalya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Napakunot-noo siya."Ano yan?" tanong niya. Napatingin ako sa sobre at sa k