Luke'sPOVHindi ko maiwasang pangunahan ng kamay habang nagmamaneho. Ano kaya ang magiging reaksiyon nina Tita Carmen at Tito Michael kapag ipinagtapat namin ang relasyon na meron kami? Matatanggap kaya nila ako? Bumuntong-hininga ko at itinutok ang paningin sa daan. Napapitlag ako ng hawakan ni Athalia nag aking kamay na nakahawak sa manibela. Napatingin ako sa kaniya. Masuyo siyang ngumiti."Huwag kang kabahan, hindi ka nila kakainin." biro ni Athalia at nginitian ako. Bumuga ako ng marahas na hininga at masuyong siyang tinitigan at muli ibinalik ang tingin sa daan."Hindi ko lang mapigilan, Ath. Baka kasi magalit sila sakin dahil kinailangan mong makipaghiwalay kay Charles para lang sakin." ani ko na hindi maiwasang malungkot. Huminga ng malalim si Ath. "Mahal natin ang isa't-isa. At tsaka mahal ka ni inay kaya tiyak na boto siya sayo. Ikaw pa!" aniya. Inihinto ko sa gilid ng daan ang sasakyan at hinarap si Athalia."Salamat Ath sa pagpapalakas ng loob sakin." ani ko habang titig
Athalia'sPOVMatapos tanungin ni inay ang tungkol sa kalagayan ni Tito Adan kay Luke. Nakita ko ang bahagyang panginginig ng kamay ni Luke na nakapatong sa mesa. Hinawakan ko iyon at bahagyang pinisil, tumingin siya sa direksyon ko na may malamlam na mata. Nginitian ko siya. Huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang tingin kina inay at itay na nakatingin samin. "Patay na po si Dad, mga isang buwan na po." Ang sagot na iyon ni Luke ang naging dahilan para mapatayo sina inay at itay na may nanlalaking mga mata at nakaawang ang labi. Samantala, mas hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamay ni Luke. Napakagat-labi ako para pigilin ang luha na nais kumawala sa aking mga mata. Bumunting-hininga ako para pakalmahin ang sarili. Bakit hindi nila samin?"Oh my god! Bakit hindi namin alam?" tanong ni inay na napasapo pa sa dibdib. Agad namang umalalay si itay. Tiningnan ko si Luke. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata at ang isang butil ng luha na naglandas sa kaniyang mga mata na
Carmen'sPOV"Alam mo, masaya ako dahil may nararamdaman sa isa't-isa sina Athalia at Luke. Gustong-gusto ko sila para sa isa't-isa." sabi ko kay Michael habang magkayakap kami na nakahiga sa kama. Nakaunan ako sa kaniyang braso at yakap siya. Siya naman ay hinahaplos ang aking buhok. Dumantay ang kaniyang labi sa aking noo."Masaya din ako dahil kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng unica hija natin. Ramdam ko ang pagmamahal niya para kay Luke." ani Michael. Tiningala ko siya at tinitigan siya. kahit may edad nasa mukha pa rin niya ang kagwapuhang taglay. Mukhang napansin niya na nakatingin siya sakin kaya nagbaba siya ng tingin at sinalubong ang aking mga mata. Ngumiti siya sakin."Salamat at dumating ka sa buhay namin ni Athalia, Michael." ani ko habang titig na titig sa kaniya. Iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang aking pisngi."Ako dapat ang magpasalamat dahil nakasama ko kayo. Salamat sa Manlilikha dahil pinagtagpo niya tayo ulit ng tadhana." aniya sa sinser
Athalia'sPOV Katatapos lang namin mananghalian ni Luke at narito kami ngayon sa opisina ng mansiyon, rito sa sofa. Nakaupo ako samantalang nakaunan naman sa aking hita si Luke. Sinusuklay-suklay ko ang kaniyang buhok. "Paano yan? Kailangan ka na sa kompaniya ni Tito Michael bilang Presidente sa susunod na linggo?" biglang tanong ni Luke. Nabanaag ko ang lungkot sa kaniyang boses. "Bakit ka nalulungkot? Diba dapat masaya ka?" tanong ko sa kaniya. Bigla siyang bumangon at humarap sakin. "Dahil hindi na kita mababantayan, kailangan mo na magresign sakin para makapag-focus ka sa pagiging Presidente. Natatakot lang ako dahil sigurado na may mga lalaki kang makilala, ganiyan sa larangan ng negosyo." ani Luke na may paglamlam ang mga mata. Hinawakan ko ang kaniyang kamaty at pinisil iyon. Biglang may naisip akong paraan para makasama namin ang isa't-isa. "Sa tingin ko pwede mo pa rin akong makasama. Pwede natin irequest kay itay na maging assistant kita sa mga meeting." ani ko. Mabuti n
"Mabuti naman kung ganun." aniya habang tumatango. "Nga pala, gusto ka daw kausapin ni Ms. Onillo, papuntahin ko na ba siya rito o gusto mong sa opisina mo nalang kayo mag-usap?" Bumaling ako kay Luke at muling ibinalik ang tingin kay itay."Ahem, may sasabihin po kami ni Luke, itay." ani ko. Ngumiti si itay."Kayo na?" tudyo ni itay. Inirapan ko siya."Hindi po ah! Liligawan pa niya ako diba?" ani ko at tumingin kay Luke na tumatawa ng mahina. Tumikhim si itay."Ano bang sasabihin niyo?" tanong niya at tumingin kay Luke."Gusto ko po maging assistant ni Athalia, Tito Mike." ani Luke. Napakunot-noo si itay."Bakit?" nag-uusisa niyang tanong."Gusto ko pong bantayan si Athalia, Tito. Gusto ko nakikita ang mga lalaking nakakasalamuha niya sa negosyo. Pasensiya po kung nagiging possesive ako pero hindi po ako mapapakali kung nasa bukid lang ako samantalang si Athalia ay nakikipagmeeting kasama ang mga kalalalkihan." paliwanag ni itay."At ayaw kong mag-isip ng kung ano si Luke, at gusto
"Magandang tanghali po, Ma'am Athalia." ani Anallene at bahagyang yumuko. Bakit pakiramdam ko kaplastikan lang ang ipinapakita niya sakin? Dahil ba sa nasanay ako na hindi maganda ang trato niya sakin? Tumayo si itay at inilahad ang kamay sa visitor's chair."Maupo ka, aalis muna ako para makapag-usap kayo ng sarilinan. Binabalaan na kita Ms. Onillo, kapag may ginawa kang hindi maganda sa anak ko, ako ang makakalaban mo." ani itay sa nagbababalang boses at may pagtatagis ang bagang. Natigilan si Anallene at kita ko ang panginginig ng kaniyang tuhod. Napangisi nalang ako. Si itay talaga. Tiningnan ako ni itay."Okay lang ba na iwan kita?" tanong ni itay, kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Tumango ako."Opo, itay. Ayos lang po ako." ani ko. Tumalikod na si itay at naglakad na patungo sa pintuan at lumabas. Tumingin ako kay Anallene na nanatiling nakatayo. Inilahad ko ang kamay sa visitor's chair."Maupo ka, Anallene." ani ko. Kimi siyang lumapit sa visitor's chair at nang m
Luke'sPOVKanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Ath. Dahil ba ito sa hindi ko pagsasabi ng isang sekreto ko? urpresa ko sana iyon sa kaniya kapag naging kami at nagbabalak akong magtayo ng kompanya kung sakaling sapat na ang perang naipon ko. Gusto ko magtayo ng kompanya na gumagawa ng Juice. Si tito Mike kasi juice powder ang produkto ng kaniyang kompaniya. Balak ko din siyang kunin na Business Partner, dahil tiyak na makakatulong ko siya sa pagpapaunlad ng negosyo. Pagkatapos namin kumain ng hapunan, nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nina tita Carmen, mukhang nariyan na si Mang Amboy na siyang magsusundo sakin. Tinawagan ko kasi siya kanina na sunduin ako."Mauna na po ako. Mukhang nandiyan na po ang sundo ko." ani ko kay tito Mike. Tatango sana sila ni tita Carmen ngunit nagsalita si Athalia."Ako na po ang maghahatid sa kaniya itay, inay." ani Athalia. Tumango naman ang dalawa."Sige, mag-iingat ka iho. Asahan kita bukas sa opisina." ani tito M
Athalia'sPOVPagka-alis ni Luke ay agad akong nagtungo sa kwarto at nahiga sa kama. Tinitigan ko ang kisame. Ang daming gumugulo sa aking isipan. Una, tama ba na hindi ko tinanggap ang pakikipag-ayos ni Luke sakin? Masisisi ba niya ako? Natural lang sakin iyon dahil naglihim siya sakin hindi bilang kasintahan kundi bilang kaibigan. Natigilan ako. May mga bagay rin akong inilihim sa kaniya pero inintindi niya ako. Huminga ako ng malalim at bahagyang napapitlag ng tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at nakitang nagpadala ng mensahe sakin si Luke. Binuksan ko iyon at hindi maiwasang mapakagat-labi ng mabasa ang nilalaman ng mensahe. Ibinalik kong muli ang cellphone sa bedside table at akmang ipipikit na ang aking mga mata ng makarinig ako ng marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto."Anak, pwede ba kita makausap?" ang tanongb na iyon ni inay ang nagpabalikwas sakin sa pagbangon. "Opo inay!" ani ko at bumaba na ng kama. Tinungo ko ang pintuan at oinihit ang ser
After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."
Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at
Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.
Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak
Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e
Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m
Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ang mahinang hilik ni Luke. Tulog na siya, dala na rin siguro ng pagod at sa pag-iyak kanina kaya mabilis siyang nakatulog. Sinuklay-suklay ko pa rin ang kaniyang buhok. Hindi ko maiwasang isipin yung mga narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ganun pala kakomplikado ang pagkatao ni Luke. Proud ako sa kaniya dahil napakatapang niya. Kung sa iba lang nangyari ang nangyari sa kaniya ay baka pinanghinaan na sila ng loob. Kaya, masaya ako dahil napagtagumpayan niya iyon.Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahang inalis ang kaniyang ulo sa aking hita at inilagay iyon sa unan. Nang matiyak na maayos na ang pagkakahiga niya. Tumayo ako at lumabas ng kwareto. Medyo nararamdaman ko ang sakit sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan pero kaya ko naman indahin iyon. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Akmang aalis na ako nang may magsalita sa aking likuran."Gising ka pa pala?" Lumingon ako at nakita si itay na naka
Luke'sPOVBakit ba pagdating kay Athalia napakalambot ko? Ganun siguro talaga kapag mahal mo isang tao. Nang umalis sa pagkakaibabaw sakin si Athalia, bumangon ako at kinuha sa bedside table ang liham. Nang makuha iyon, inilabas ko mula sa envelop ang papel na naglalaman ng liham ni dad. Binuklat at binasa para marinig ni Athalia."Siguro nagtataka ka kung bakit dinaan ko pa sa sulat, kung pwede ko naman sabihin sayo ng personal. Natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian mo ako ng harapan. Ayaw kong makita ang galit sa mukha mo kapag sinasabi ko na sa iyo ang buong katotohanan. Kaya minarapat ko na sa liham ko nalang sabihin sa'yo ang lahat. Dito, masasabi ko sa iyo lahat. Sisimulan ko ito sa tunay mong ina. Hindi si Olivia ang iyong tunay na ina, ang pangalan niya ay Jackie Santiago. Kasintahan ko noon ang iyong ina ng may mangyari samin at hindi ko akalain na magbubunga iyon. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na naghiwalay kami ng iyong ina dahil sa iyong lolo na ayaw kay Jack
Athalia'sPOVNapangiti nalang ako ng pumasok si Luke sa banyo. Talagang gusto niyang May mangyari samin ngayon. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko akalain na takot pala siya sakin. Umupo ako sa kama, pero napatayo ako ng mapansin na hindi maayos ang pagkakalagay ng libre-kama. Kaya habang hindi pa lumalabas si Luke. Inayos ko ang kutson, pero laking gulat ko ng aksidenteng maiangat ko ang kutson ay may nakita akong puting envelope roon. Napakunot-noo ako. Para kanino ang envelope? Malamang kay Luke, sa kaniya naman itong kwarto eh. Kinuha ko iyon at tiningnan ang likod niyon, nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat. "Fr. : Adan Sebastian" basa ko sa nakasulat."Athalia?" tawag sakin ni Luke na hindi ko namalayan na lumabas na pala siya sa banyo. Lumingon ako sa kaniya, hindi ko maiwasang mapalunok ng makita ang katawan niya dahil nakatapi lamang siya ng tuwalya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Napakunot-noo siya."Ano yan?" tanong niya. Napatingin ako sa sobre at sa k