Luke'sPOVPagkapark ko ng aking sasakyan di kalayuan sa bahay nina Athalia. Nagulat ako dahil may naka-park na isang Black Kia Optima K5 sa tabi ng bahay nina Athalia. Kay Charles ba ang sasakyan? Wala namang ibang nanliligaw kay Athalia kundi si Charles lang. Kaya malamang kay Charles ang sasakyan. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa isiping magkasama sila ngayon ni Athalia.Biglang bumukas ang gate ng bahay nina Athalia. Lumabas roon si Athalia kasama si Charles at tinungo ng dalawa ang sasakyan ni Charles. Humarap si Charles kay Athalia at parang may sinabi siya kay Athalia. Unti-unting inilapit ni Charles ang mukha sa mukha ni Athalia at naglapat ang kanilang mga labi. F*ck! Gustong-gusto kong lumabas ng sasakyan at sugurin ng suntok si Charles at bugbugin hanggang sa malagutan ng hininga dahil sa ginawang paghalik niya kay Athalia. Pero nagpigil ako dahil wala naman akong karapatan na gawin iyon kay Charles. At kung gagawin ko man, tiyak na mapapahamak lamang ako.Sabagay, wala n
Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapatitig sa salamin habang inaayos ko ang aking sarili. Ngayon ang araw na magiging sekretarya na naman ako ni Luke. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan, lalo at alam niya na kasintahan ko si Charles.Kitang-kita ko kagabi sa kaniyang mga mta ang sakit na nadarama. Akala ko, magiging okay na ang lahat pero himdi pa pala. Akala ko kapag sinagot ko si Charles, magbabago ang deaisyon niya. Hindi pala. Huminga aki ng malalim.Naalala ko ang sinabi niya kagabi na 'Bakit naman ako mag-sstay sa isang relasyon na hindi ako masaya? Para saan? Niloloko ko na nga siya pati sarili ko niloloko ko pa' Pakiramdam ko natamaan ako sa sinabi niya. Sapul na salul ajo doon. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at pilit na ipinapaintindi sa sarili na tama nag naging desisyon ko.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa vanity mirror at kinuha ang bag tsaka isinukbit iyon sa aking balikat. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nadatnan ko si inay na nagpupunas ng bintan
Athalia's POVLumingon ako ng marinig ang boses ng isang babae sa aming likuran. Nagulat ako ng makitang si Mickaela iyon."Mickaela." ani Luke na may pagtataka at gulat sa mukha. Pero bigla din iyon nawala at sumeryuso ang mukha."Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka." ani Luke na hindi man lang humingi ng permiso sa nangyari. Tumawa si Mickaela ng may pang-uuyam."Kung magpapaalam ako, edi sana hindi ko matutuklasan ang relasyon na mayroon kayo ni Athalia!" sigaw ni Mickaela na halos lumabas anfg litid sa leeg. Lumapit siya sakin at akmang sasampalin ako kaya napapikit ako para tanggapin ang sampal niya. I deserved it. Pero wala akong natanggap na sampal. Nagmulat ako ng mga mata at nakita si Luke na hawak-hawak ang palapulsuhan ni Mickaela. Nagtatakang tiningnan ko si Luke na matalim ang mga matang nakatingin kay Mickaela samantalang si Mickaela ay parang maiiyak na dahil sa ipinapakita ni Luke rito."Ako na ang saktan mo, huwag lang si Athalia. Wala siyang kasalanan. Ako ang l
Asikasong-asikaso ni inay si Mr. Lereño, mataman lamang ako nakatingin sa kanila. Natigolan ako ng lagyan ni Charles ng pagkain ang aking pinggan. Sh*t! Bakit hindi ko naalala na kasama ko pala si Charles? Pilit kong kinukuha ang sandok na hawak niya."Ako na, dapat ako ang gumagawa niyan sayo." pabulong kong ani sa kaniya. Ngumiti lang siya."Kanina ka pa kasi tulala kina Mr. Lereño at ni Tita Carmen. Malay mo nagkakamabutihan sila, balo ang iyong ina at walang asawa si Mr. Lereño. Siguro naman, ayos lang sayo kung magkakaroon sila ng relasyon?" tanong niya na dahilan para matigilan ako. Ayos lang ba sakin na magkaroon ng relasyon ang inay at ni Sir Lereño? Mayaman si Sir Lereño at walang-wala kami kung ikukumpara kami sa kaniya. Tiyak na huhusgahan lang si inay ng mga tao. Lalo na at single si Sir Lereño, hindi kagaya ng kaniyang ina na balo.Pero wala namang masama doon, diba? As long as na mahal nila ang isa't-isa. Pero nakapagtataka lang dahil para silang matagal ng magkakilala
Luke'sPOVHindi ko akalain na sasang-ayon si Athalia sa sinabi ko. Mahal din ba niya ako? Hindi siya sasang-ayon sa sinabi ko kung hindi kami parehas ng nararamdaman. Kanina noong umalis ako dahil gusto ko siyang mapag-isa. Sinubukan ko na hindi siya makita at makasama pero niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil sa bawat oras na dumaraan mas lalo akong nahihirapan. Uminom ako eto hindi ako lasing. Kaya nagpapasalamat ako kanina nang makitang bukas pa ang bintana niya. Natutunan kong umakyat noong nag-aaral ko dahil madalas ginagabi kami ng uwi. Madami akong naging babae noon. Madami akong nai-kama at napagsawaan, pero ngayon magiging tapat ako sa nararamdaman ko para kay Athalia. Ikinulong ko ang kaniyang mukha sa aking mga palad at pinakatitigan ko siya."Mahal mo rin ba ako?" tanong ko. Napakagat-labi siya na parang nahihiya habang tumatango."Oo, mahal kita. Noon pa man, noong mga bata pa tayo may gusto na ako sa i'yo Luke. Pasensiya na kung naging mahina ako. Pero ngayon ko napag
Athalia'sPOV Nagising ako na wala na sa tabi ko si Luke. Napatingin ako sa bintana na bahagyang nakabukas. Bumangon ako at tiningnan ang orasan sa dingding. Alas singko y medya na ng umaga. Kinuha ko ang cellphone sa bedside table para tingnan kung may mensahe ba akong natanggap. Napangiti ako ng makitang may isang mensahe galing kay Luke. Binuksan ko iyon at binasa ang nasa mensahe. Ihahatid ka ni Manong Amboy. Gustuhin ko man sana na ihatid ka ngunit, kailangan ako sa abakahan. Don't hesitate to call me if you have a problem regarding to your work. I love you. Keep your cellphone open during lunchtime, i will call you. Napangiti ako sa sinabi ni Luke. Hindi ako akalain na ganito pala siya ka-sweet. Nagpadala nalang ako ng i love you too. Ibinalik ang cellphone sa bedside table at bumaba na ng hagdanan. Nadatnan ko si inay na nagpreprepara ng pagkain. Lumapit ako sa kaniya ng tahimik at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning, nay." bati ko sa kaniya. Lumingon siya sakin. "Mukh
Michael'sPOVSinasabi ko na nga ba na magugulat si Athalia kapag inalok ko siyang maging isang Bise Presidente. Pero kailangan kong gawin ito dahil sa nalalapit na panahon siya ang magmamana lahat ng ari-arian na mayroon ako. Muling napaupo si Athalia."Pero bakit po ako? May mga ibang empleyado po na mas karapat-dapat po sa posisyon na iyon kaysa sa akin." aniya na naroon pa rin ang pagkalito sa mukha."Hindi naman dahil dun, Ath." dahil ikaw ang magmamana ng lahat ng ito. gusto kong idugtong pero pinigilan ko ang sarili. "Ikaw ang gusto ko dahil nakita ko ang kasipagan ko sa trabaho. You deserved it. Mr. Marquez will guide you by next week." ani ko. Huminga ng malalim si Athalia at tsaka tinitigan siya."Tinatanggap ko po, para kay inay at para sa sarili ko." aniya sa determinadong boses. Hindi ko maiwasang mapangiti. Namana niya sakin ang katangian na iyon, determinado sa mga bagay na gustong gawin. Anak ko nga talaga siya. Tumayo ako at inilahad ang kanang kamay sa kaniya pero
Athalia'sPOVPagkatapos kong mananghalian kasama si Ate Melissa at masabi kay Charles na guasto ko siyang makausap mamaya, pagkatapos ng office hours. Nagtungo ako sa Rest Room para magretouch, hindi ko kasi nagawa kanina dahil napahaba ang kwentuhan namin ni Ate Melissa. Nang nasa entrance na ako, nakarinig ako ng mga mga pamilyar na boses na nag-uusap sa loob. Mas lalo akong lumapit para mas marinig ko pa ang pinag-uusapan nila."Sipsip masyado! Gumagawa talaga ng paraan para itaas ang rangko. Nakita mo yun kanina? Hindi man lang tumanggi, at talagang nakisabay pa sa boss natin! Pabida!" Napasinghap ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, buti nalang mabilis kong natakpan ang aking bibig. Si Anallene! Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis, ano ba ang nagawa ko sa kaniya at ganun nalang siya kagalit sakin? Paano nalang kung nalaman cniya na soon magiging VP na ako ng kompanya? Napailing-iling nalang ako. May mga tao talagang hindi kayang maging masaya sa achievement ng iba. N
After 5 yearsLuke'sPOVNang magising ako, nilingon ko ang aking katabi na walang iba kundi si Athalia. Ang aking pinakamamahal na maybahay. Tinitigan ko siya at hindi maiwasan mapangiti dahil sa angkin niyang kagandahan. Kahit lumipas ang mga taon, wala pa rin nagbabago sa kaniya. Siya pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-maalaga na babaeng nakilala ko. Sa loob ng limang buwan na pagsasama namin bilang mag-asawa, hindi naging madali iyon. May mga tampuhan at away pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos. Hindi namin pinapatagal ang tampuhan at away, at yun ang mas lalong nagpatatag sa aming dalawa. Limang taon na rin si Lath, at nasa kabilang kwarto siya ngayon. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahan lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Ngayon din ang araw ng aming ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Naghikab si Athalia at inunat ang braso tsaka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nagtama ang aming mata. Ngumiti ako sa kaniya."Good morning, baby."
Hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan si Athalia na nagluluto ng agahan namin ng umagang iyon. Linggo, kaya wala si Ate Tessa dahil pinag-leave ko muna siya ng dalawang araw para makasama niya ang kaniyang pamilya. Dahil isang buwan siyang walang day-off, pero syempre bayad ang araw niya. Ka-buwanan ngayon ni Athalia, at paniguradong malapit na siyang manganak dahil nangangalahati na ang buwan. Exciten na akong makita ang anak namin. Minsan tinatanong ko kung magiging kamukha ko ba siya o baka magiging kamukha ni Athalia? Lumapit ako kay Athalia at niyakap siya mula sa likuran tsaka hinalikan sa taenga."Ano niluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. "Bacon, sausage and ham." aniya. Bigla siyang humarap kaya agad akong dumistansya sa kaniya. Tinitigan ko siya, mata sa mata."Good morning baby." bati ko sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti siya pabalik."Good morning too, baby. Mas maganda na maupo ka na sa mesa at ipaghahain kita." aniya at
Athalia'sPOVIminulat ko ang aking mga mata ng magising ako. Iginala ang paningin sa kung saan naroon ako. Oo nga pala, nakatulog pala ako nang makasakay kami ni Luke sa van kanina. Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng katawan ko kanina. Huminga ako ng malalim at bumangon, pero pagbangon ko bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sh*t! Dali-dali akong nagtungo sa banyo at doon naduwal. "Anak, okay ka lang?" Lumingon ako para tingnan kong sino iyon. Si inay! Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang bimpo na nakasabit sa wall tsaka hinarap si inay."Bakit po kayo nandito? Di po ba dapat nasa reception kayo? Asan po si Luke?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Natawa ng mahina si inay."Pinakiusapan ako ni Luke na bantayan ka at siya muna ang umasikaso sa kasal." ani inay. Tumango-tango ako at tsaka lumabas ng banyo. Nakasunod naman si inay sakin. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Nakatayo naman si inay sa aking harapan."Kailangan ko na siguro magpa-checkup bukas inay.
Luke'sPOVNgayon ang araw ng kasal namin ni Athalia. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magiging Mrs. Luke Sebastian na si Athalia. Narito ako ngayon sa mansiyon at dito magbibihis, bawal daw kasi magkita ang ikakasal bago ang kasal nila. Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim, kinakabahan ako at the same time excited. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan tsaka lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan. Nang makapasok ako, nilingon ako ni Tito Michael na siyang nag-insist na magiging driver ko. Supportive father-in law. Napangiti ako sa isiping iyon. "Kinakabahan?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa byenan ko."Opo, kinakabahan na baka umatras si Athalia. At the same time, naeexcite po ako dahil ang matagalk ko ng pangarap ay mangyayari na, kelan lang noong pinangarap ko na sana maging kasintahan ko siya. Pero higit pa pala doon ang ibibgay, dahil magiging asawa ko siya." ani ko. Natawa si itay. Yun kasi ang gusto niya na itawag ko sa kaniya."Kinak
Athalia'sPOVNgayon ang araw ng kasal nina itay at inay at sobrang excited ako. Pagkatapos kong magbihis, nagtungo ako sa kwarto nila inay, kung saan inaayusan siya ng baklang inupahan namin na mag-aayos sa kaniya. Gusto sana ni itay na isang sikat na make-up artist na upaan, pero ayaw ni inay. Ang mahalaga lang daw sa kaniya ay maayusan siya at ayaw niyang gumastos ng malaki. Kaya walang nagawa si itay kundi ang pumayag. Kumatok ako sa kwarto ng dalawang beses."Inay, si Athalia po ito." ani ko sa medyo may kalakasang boses para marinig niya ako mula sa loob. Ilang sandali pa ay dahan-dahan bumukas ang pinto, si Marlon o Marizza pala ang nagbukas ng pintuan."Tuloy po kayo Ma'am." aniya na may kasamang ngiti sa mga labi. Pumasok ako sa loob at nilapitan si inay. Samantal, bumalik naman si Marizza sa pag-aayos kay inang. Tiningnan ko si inay mula sa salamin, nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya na ginantihan ko rin ng ngiti."Kamusta po?" tanong ko. Ngumiti si inay."Ito anak, e
Luke'sPOVPagkatapos kumain ng agahan, inutusan ko si Manang Carina na papuntahin lahat ng trabahador sa mansiyon at maging sina Tita Odessa at Ate Melissa kasama ang asawa nila. Sina Tita Carmen at Tito Mike ay mukhang alam na ang dahilan kung bakit ko sila pupulungin. Nang makompleto kami sa salas ng mansiyon. Nasa tabi ko lamang si Athalia para suportahan ako."Bakit mo kami pinagtipon-tipon, Luke?" tanong ni Tita Odessa na nakakunot-noo. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tumikhim ako."Nandito kayong lahat para malaman ninyo ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba si Luke Sebastian." ani ko at tiningnan ko sila isa-isa. Hanggang sa napunta ang aking paningin kay Athalia. Tumangop siya sakin na may kasamang pagngiti. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para doon kumuha ng lakas. Hanggang sa binaling ko ang tingin sa kanila. Nagsimula na ako magkwento sa aking totoong pagkatao pero hindi ko kwenento ang parte na hindi maganda ang trato sakin ni mom. Ayaw kong kamuhian nila si m
Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ang mahinang hilik ni Luke. Tulog na siya, dala na rin siguro ng pagod at sa pag-iyak kanina kaya mabilis siyang nakatulog. Sinuklay-suklay ko pa rin ang kaniyang buhok. Hindi ko maiwasang isipin yung mga narinig ko kanina. Hindi ko akalain na ganun pala kakomplikado ang pagkatao ni Luke. Proud ako sa kaniya dahil napakatapang niya. Kung sa iba lang nangyari ang nangyari sa kaniya ay baka pinanghinaan na sila ng loob. Kaya, masaya ako dahil napagtagumpayan niya iyon.Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at dahan-dahang inalis ang kaniyang ulo sa aking hita at inilagay iyon sa unan. Nang matiyak na maayos na ang pagkakahiga niya. Tumayo ako at lumabas ng kwareto. Medyo nararamdaman ko ang sakit sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan pero kaya ko naman indahin iyon. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Akmang aalis na ako nang may magsalita sa aking likuran."Gising ka pa pala?" Lumingon ako at nakita si itay na naka
Luke'sPOVBakit ba pagdating kay Athalia napakalambot ko? Ganun siguro talaga kapag mahal mo isang tao. Nang umalis sa pagkakaibabaw sakin si Athalia, bumangon ako at kinuha sa bedside table ang liham. Nang makuha iyon, inilabas ko mula sa envelop ang papel na naglalaman ng liham ni dad. Binuklat at binasa para marinig ni Athalia."Siguro nagtataka ka kung bakit dinaan ko pa sa sulat, kung pwede ko naman sabihin sayo ng personal. Natatakot ako, natatakot ako na baka kamuhian mo ako ng harapan. Ayaw kong makita ang galit sa mukha mo kapag sinasabi ko na sa iyo ang buong katotohanan. Kaya minarapat ko na sa liham ko nalang sabihin sa'yo ang lahat. Dito, masasabi ko sa iyo lahat. Sisimulan ko ito sa tunay mong ina. Hindi si Olivia ang iyong tunay na ina, ang pangalan niya ay Jackie Santiago. Kasintahan ko noon ang iyong ina ng may mangyari samin at hindi ko akalain na magbubunga iyon. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na naghiwalay kami ng iyong ina dahil sa iyong lolo na ayaw kay Jack
Athalia'sPOVNapangiti nalang ako ng pumasok si Luke sa banyo. Talagang gusto niyang May mangyari samin ngayon. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko akalain na takot pala siya sakin. Umupo ako sa kama, pero napatayo ako ng mapansin na hindi maayos ang pagkakalagay ng libre-kama. Kaya habang hindi pa lumalabas si Luke. Inayos ko ang kutson, pero laking gulat ko ng aksidenteng maiangat ko ang kutson ay may nakita akong puting envelope roon. Napakunot-noo ako. Para kanino ang envelope? Malamang kay Luke, sa kaniya naman itong kwarto eh. Kinuha ko iyon at tiningnan ang likod niyon, nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat. "Fr. : Adan Sebastian" basa ko sa nakasulat."Athalia?" tawag sakin ni Luke na hindi ko namalayan na lumabas na pala siya sa banyo. Lumingon ako sa kaniya, hindi ko maiwasang mapalunok ng makita ang katawan niya dahil nakatapi lamang siya ng tuwalya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. Napakunot-noo siya."Ano yan?" tanong niya. Napatingin ako sa sobre at sa k