"Ano ba, Alaric! Bitiwan mo nga ako! Ano bang pakialam mo kung gusto kong kausapin si Michael Montenegro ah?!" Pumiglas si Yvonne mula sa mahigpit na hawak ni Alaric sa kanya. Hindi niya naman alam na nandoon ito. Nagulat na lang siya sa tanong nito kanina. Ni hindi pa siya nakasasagot ay hinila na lang siya nito basta palabas. Hindi tuloy siya nakapag-schedule ng appointment para makausap ang ama niya."What the hell are you doing here?!" may diing tanong nito muli noong makarating sila sa parking lot."Mag-a-apply ng trabaho. Bakit ba? Gusto kong magtrabaho sa kumpanya niya," pagsisinungaling niya.Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoong pakay niya. Baka ikagalit pa nito kapag nalaman nitong anak siya ni Michael Montenegro."You don't need to work. May coffee shop ka. Iyon ang asikasuhin mo," mariing sagot nito bago siya pinapasok sa sasakyan nito at mabagsik pang sinara ang pinto.Napairap siya't nagsuot ng seatbelt."If you want, sa akin ka magtrabaho. Bawat halik, may bayad
Totoo ngang sineryoso nito ang aircon dahil pagpasok ni Bea sa kwarto ay niyakap siya ng lamig. Iniwang bukas iyon ni Alaric."Geez," bulong niya dahil sa lamig. Pinagkalakas-lakas yata ni Alaric iyon.Kinagat niya ang labi at umupo sa kama. Ang upo niya ay naging higa. Parang gusto na lang niyang matulog. Ang sarap sa pakiramdam at nakakaantok ang lamig. Hinila niya ang kumot at binalot ang sarili roon. Pero noong muling maalala na malakas ang aircon sa kuryente ay napabalikwas siya ng bangon."G*go talaga, pagbabayarin pa ako ng mahal sa kuryente," bulong-bulong niya bago pinatay iyon.Dapat pala ay binilang niya ang bawat hininga niya kanina para pinabayad niya kay Alaric. Tutal ay iyon naman ang sinabi nito kanina.Nakatayo pa siya sa harap ng aircon noong tumunog ang cellphone niya. Nangungunot ang noo niyang kinuha iyon at agad na sinagot matapos makitang si Alaric iyon."Gusto mo na ba ng yakap, My aber? Nilalamig ka na ba?" bungad na tanong nito.Napairap siya, "Pinatay ko na
"Estella? The hostess?" walang tuwang tanong ni Michael Montenegro sa kanya.Kumuyom ang kamao ni Yvonne. Confirm na kilala nito ang nanay niya pero bakit parang wala naman itong pakialam?"Nakilala niyo po siya sa club—""And you are her daughter?" putol muli nito sa sasabihin pa niya.Pilit siyang ngumiti. Huwag mong sabihing itatanggi siya nito? Humigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya dahil sa naisip."And I am your daughter, Mr. Montenegro," walang kurap na bigkas niya.Umawang ang mga labi nito. Kitang-kita niya ang wrinkles nito noong biglaang manliit ang mga mata nito sa kanya."Gaano ka kasigurado na anak nga kita? Iba-iba ang lalaki ni Estella, baka isa sa mga iyon ang ama mo, Hija," kalmadong tugon nito.Nagtagis ang mga ngipin niya. Sabi na nga ba't itatanggi siya nito! Nasayang lang ang oras niya."Isa ka rin po sa mga naging lalaki niya. Posibleng kayo ang ama ko—""Posibleng ako, posibleng hindi rin ako," may diing sabat na naman nito.Nanggigil na siya na hindi siya nit
Agad na napasinghap si Yvonne at mabilis na pinunasan ang mga luha niya. Bago pa man siya iharap ni Alaric ay mabilis na niyang kinalas ang yakap nito. Magtatanong lang ito kapag umiyak pa siya lalo."Hindi mo ko papansinin?" may tampong tanong nito.Napairap siya pero hindi nga ito sinagot. Baka kasi sisigok pa siya kapag nagsalita. Nagtungo na lang siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Humarap siya sa lababo at nilagok iyon."Why are you crying, Missy? You can tell me, hm," masuyong bulong nito mula sa kanyang likod.Nanginig ang kamay niyang may hawak ng baso. Muling nangilid ang luha niya sa narinig. Gusto talaga niyang magsabi upang mawala ang bigat sa puso niya pero hindi si Alaric ang tamang tao na pagsabihan.Nahigit niya ang hininga matapos siya nitong kulungin sa pagitan ng lababo at katawan nito. Kita niya pa ang mga kamay nitong humawak sa lababo, sa magkabilaang gilid niya. Namumuti ang mga kamao nito, gigil na nakahawak sa lababo."Who the h*ll made you cry?" mad
Hindi makasagot si Yvonne sa tanong ni Alaric sa kanya. Aaminin naman niyang na-miss niya ito lalo na't higit sa isang linggo niya itong hindi nakita at nakasama pero hindi niya sasabihin iyon."Missy," muling paos na tanong nito matapos makalakas ang suot niyang bra.Napapikit siya noong agad na dumapo ang palad nito sa isang d*bdib niya at madiing gumalaw roon. Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makapaniwalang humantong sila sa ganito samantalang umiiyak lamang siya kanina. Baka ito talaga ang salubong nito sa kanya, kaya lang ay umiyak siya kaya't hindi naituloy pero naitawid naman nito ngayon.Naningkit ang mga mata niya at mabilis na hinawakan ang braso nito, "Ito ba ang balak mo kaya mo ko inuwian?" may inis na tanong niya kahit pa pigil niya ang ungol.Tumigil ito at pinakawalan ang d*bdib niya. Pinantayan nito ang tingin niya. Kumunot pa ang noo nito."What? Of course not. I am just concern, My aber. I can feel that you want me to.... ravish you," bulgar nitong sagot na lal
Sineryoso ni Alaric ang ice cream kaya't kagat ni Yvonne ang labi sa bawat lamig na dumadapo sa katawan niya. Hindi rin nakatutulong ang aircon na naka-full volume na naman yata.Mahigpit siyang kumapit sa bedsheet. Kanina pa nga mabigat ang paghinga niya. Ni hindi niya alam kung ilang beses na ba niyang nasabi sa utak niya na ibang klase si Alaric pagdating sa kama."Hmm," mahina niyang d*ing matapos nitong lagyan ng ice cream ang pagitan ng d*bdib niya. Daliri nga lang nito ang ginamit na pangkuha ng ice cream.Napasinghap siya sa lamig at sa d*la nito pero mas napasinghap siya noong pati ang puson niya ay lagyan nito ng ice cream. Unti-unting bumaba ang mga labi nito roon. Literal na napaliyad siya noong gumalaw ang d*la nito para kainin ang ice cream sa puson niya."Sh*t, Alaric!" mabigat niyang usal.Mahina itong humalakhak. Nag-e-enjoy pa yata sa reaksyon niya."Where did you buy this ice cream? Vanilla tatses good," pang-aasar pa nito bago muling lagyan ang puson niya."Sh*t! I
"Bakit may singsing?" tarantang tanong ni Yvonne matapos pakawalan ni Alaric ang kamay niya."Of course we're married, we need rings," nalilitong sagot nito.Nagsalubong ang kilay niya. Parang hindi iyon ang gusto niyang marinig mula rito. Alam naman niyang kinasal silang walang singsing. Siguro noong una ay gusto niyang magkaroon ng singsing pero ngayon? Hindi na. Hindi naman kasi niya pwedeng isuot lalo na sa mata ng publiko."Para saan pa 'to? Hindi ko naman' to pwedeng isuot—" Akmang aalisin niya ang singsing ngunit pinigilan nito ang kamay niya."What are you doing?" malamig na tanong nito.Napairap siya, "Mag-aalis ng singsing? Hindi ko naman ibabalik sa'yo, itatago ko lang—""Don't, Missy. Isuot mo lang. Let them know we're married," malakas ang loob na utos nito."Ano? Ayoko nga! Hindi pa pwede. Hindi pa ngayon," kontra niya.Hindi pa dahil siguradong magwawala si Margarita.Pero mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Pagsulyap niya rito ay madilim ang tingin nito at na
Siguradong pulampula ang mga pisngi ni Yvonne dahil sa sinabi ni Alaric. Ang walang hiya ay talagang balak pa siyang hilahin pahiga sa puting kama. Pilit niya lang binawi ang kamay niya kaya't natigilan ito at nilingon siya."H-uwag na. Mukha namang matatag iyan," mahinang usal niya."At paano kung hindi? Paano kung hindi tayo kayanin?" balik na bulong nito.Mas lalong nag-init ang mga pisngi niya, "Pwede na iyan," pamimilit niya para lang bilhin na nito at umalis na sila doon."Tss. Paano nga kung bumagsak iyan sa gitna ng gabi at matulog na naman tayo sa sahig?" makulit na tanong nito at dumukwang pa ito sa bandang tainga niya, "You know me, Missy. I move with full force," senswal nitong bulong.Gusto na talaga niyang itago ang mukha. Hindi niya alam kung saan ba pinaglihi si Alaric at ganito ito, walang preno ang bibig at nilulumot ang utak.Tumikhim siya upang mawala ang hiya niya, "Pwede na iyan! Kapag nasira ulit, bumili ka na lang ulit," pinatatag niya ang boses para hindi siya
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab