Continuation
THIRD PERSON’S POV
“She’s coming here, Boss…”
Isang ngisi ang gumuhit sa labi ng lalaking nakaupo sa isang ginintuang silya, ang pwesto nito’y nakaharap sa imahe ng katirikan ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na kwartong iyon. Ipinatong nito ang mga daliri sa kaniyang labi habang unti-unting tumatalon ang mga balikat s amabilis na paghalakhak. Tila musika ang sariling boses nito sa kaniyang tenga na mas nakapagdagdag pa sa kaniyang kompiyansa sa sarili.
She’s coming. At alam niya na walang dala ang taong iyon kung hindi magandang balita.
“Alright. Let her come near me… Reech.”
Isang tango ang ginawa ng isang dalaga, ngunit kabaliktaran sa kasiyahang nadarama ng kaniyang amo dahil ang puso ng babae ay nagngangalit sa sakit at pait mula rito. Ngunit wala siyang magagawa, kailangan niya ang trabaho. Kailangan niya ang
CHAPTER 38SnakeHindi pa nagising si Dwane. Isang baling muli sa kama niya at sa nakapikit niyang mga mata, bumuntong hininga ako at saka sinarado na ang pinto sa kwarto niya.Hindi ko alam kung kailan siya magigising. Walang nakaaalam kahit ang mga nurse at doctor na tumitingin sa kaniya, walang maibigay sa aking sagot. I understand and I won’t be mad at them. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at ina-update kami sa bawat update sa kalagayan ni Dwane.Malala ang tama niya sa tiyan. Natamaan ng bala ang isang laman sa kaniyang kidney kung kaya’t natagalan ang proseso ng pagre-revive sa kaniya. Isama pa na marami ang dugong nawala sa kaniyang katawan at dahil mailap ang pamilya ni Dwane at pinili ng mga tauhan niya na itago ang operasyon kay Dwane, natagalan pa sa paghahanap ng blood donor. Buti na lamang ay may isang tauhan mula sa kaniyang kampo ang malapit sa uri ng kaniyang
CHAPTER 39Villamor ClanHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Mag-iisang oras na magmula nang umalis ako sa library para iwanan ang anak ko at si Amber upang pormal na silang makapagsimula sa pag-aaral. Nanatili naman ako sa katabing kwarto, sa opisina ni Dwane. At kahit pa ako naman ang kusang umalis doon upang bigyan sila ng privacy, hindi ko matanggal ang kabang hatid ng nakita kong tattoo sa likuran ni Amber na siyang naghahatak sa akin na bumalik muli sa kwarto kung nasasaan sila.I don’t know what to do with my feelings. Kung sasabutahin ko ba ang session nila para lamang mapanatag ang loob ko, ay hindi ko alam kung bakit nangingibabaw sa akin ngayon. Maybe, I’m just exhausted from all of the issues we went through lately. Na-consume ako ng pagod at mga alalahanin kaya kahit tamang tao naman ang kasama ko, nilulukuban ako ng kaba.Maybe, I’m just tired. Mula pa rin naman kaninang
Continuation… Habang tumatagal na minuto ang dumaraan sa’kin sa loob ng opisina ni Dwane, mas nadadagdagan ang kaalaman ko mula sa pagkakatatag ng Villamor Clan. He created the organization right after he took the place of being the CEO of VCI, the Villamor Companies Incorporation. Siya ang pumalit sa kan’yang ama sa katukngkulan at kahit na ilang buwan pa lang ang nakalilipas matapos niya ma-discharged sa hospital buhat nang nagyaring aksidente, Nakita ko rin ang envelope na pinakita niya sa akin noon, kung saan inilalaman ang mga impormasyong resulta ng kaniyang pagkaka-aksidente. Unti-unting nagflashback sa isipan ko ang lahat ng napag-usapan naming noon, dito rin, sa kaniyang opisina. "My mother told me everything. Nagising na lang ako, isang araw, nasa hospital na. She apologized, Arra, para sa lahat ng pananahimik niya dahil sa takot at pagmamahal sa aking ama. My father wants me to be hi
CHAPTER 40PhotoThe new envelope contains the information about the new rising organization.Walang duda. Ito nga iyon. Ito ang kasalukuyan kong binabasa.Naka-silyado ang envelope and the date published indicated here are only five days ago. Kung sino man ang may gawa nito ay walang nakalagay. Hindi kaya sa mismong Villamor Clan? Dahil sila-sila rin naman ang nagtutulungan para makakuha ng impormasyon sa mga prospect enemies nila?Ipinilig ko ang ulo at binasa na lamang ang mga nakasulat.May mga litrato rin na naroroon, ngunit nang inisa-isa ko ang mga ito ay wala akong nakita na makakapagturo kung ano ang ngalan ng organisasyon at ng kanilang pinuno. Ang mga litrato ay ilan sa mga namatay na tauhan noong inambush kami sa hotel na tinuluyan naming dal’wa ni Zid. Ang ilan din sa mga impormasyon patungkol sa mga tauhan ay naroroon, maging kung papaano nagkakakonekta ang mga ito sa iisang simbolo
CHAPTER 41FateHindi ko inasahan ito.Hindi ko nakita... na ganito ang mangyayari.Hindi ko nakita na magbabago ang lahat, at naisabutahe ko ang lahat — dahil lamang sa lubos lubos kong pagtitiwala."Amazed that you're the first one to saw the Vipress, huh?" Amber roared a delicious laughter, making my every nerve rose in so much fear.Ito na 'yon.Wala na akong matatakasanan pa.At ako pa mismo ang nagpapasok sa kalaban, sa sarili kong lungga.Sa sobrang pagkakamangha ko at pagkakatigil sa nasaksihan at nalaman, hindi ko maproseso ang lahat. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimulang mag-isip para iproseso ang lahat at subukan ang sarili na alalahanin... kung saan ba ako nagkamali.Saan ba ako nagkamali?Sa pagtitiwala?Sa hindi ko agad nakita na siya ang totoong kalaban?O sa talagang tanga ako at walang silbi dahil maging ang sarili kong anak
Continuation…“Mga walang hiya kayo! Ano ang ginawa niyo sa anak ko?!”Nangigigil na tumayo ako, punong puno ng galit at luha ang mga mata dahil sap ag-aalala kay Zid. Kung ano man ang ginawa nila sa anak ko ay hinding hindi ko mapapatawad! Kahit ikamatay ko pa ang pagprotekta sa kaniya, gagawin ko!Halos masubsob ang mukha ko nang madaling tumayo at sinugod si Amber na humahalakhak sa harapan ko.“Hayop ka! Ano ang ginawa mo sa anak ko?! Hayop ka, Amber!” sigaw ko habang nagngingitngit sag alit sa kaniya.Hindi ako tuluyang nakalapit sa kaniya dahil hinarangan agada ko ng mga kasama niyang tumatawa rin sa akin at sa sitwasyon ko na tila ba tunay na kasiya-siya iyon! Mga halimaw ba sila? Hindi ba sila tao? Paano nila nagagawa na pagtawanan ang takot at paghihirap ng isang tao?!Mga wala silang puso!Sa kabilang kamay ay hawak ako ng isang matangkad na lalaki – ang tin
Continuation…I was breathing silently. My eyes were tightly closed… yet I know what they’re trying to do to me.“Itali mo ng mabuti iyan at tayo ang malilintikan kapag nakawala!” isnag baritonong tinig ang narinig ko sa likod ko. Hindi iyon galing sa tauhan na si Rigor o kung sino pa mang nabosesan ko mula pa nang makasama ang mga tauhan ni Amber.It’s another bunches of men. Mga hindi ko kilala, sa isang lugar na hindi rin pamilyar sa akin.“O-Oo! Huwag mo akong sigawan at natataranta na nga ako kanina pa rito!” ani ng kaniyang kasamahan.Pinanatili ko ang pagiging kalmado. Mula pa nang magising ako mula sa pagkakasaksak nila sa akin ng kung ano mang kemikal na pampatulog ay naging maluwag ang dibdib ko at para bang nawala ang lahat ng dinaramang mbigat sa loob ko noong nananatili pa akong gising. At nang nakatulog, tila ba nagawa ring hawiin ng gamot na itinurok sa
Continuation…Dalawang oras.Dalawang oras na akong naririto pa rin sa loob ng isang kwarto.“Dapat na ba nating pakainin ‘yan?” tinig ng isang lalaki na nasa likod ko. Bulong iyon pero siguro dahil ay nakapwesto siya sa malapit, nadinig iyon. Nakatulong pa na um-echo ang kanilang mga boses sa t’wing sila’y nagsasalita.May pakiramdam ako na nasa isang vault kami. Or, was it just a feeling? Hindi ko alam. Ngunit kung susubukan kong magpatunog ng isang bagay, at mapansin ang tunog na malilikha noon, masisiguro ko ang hinala ko.At kung vault nga, e ‘di mas mahirap ang pagtakas. I gritted myn teeth in annoyance. Wala pa nga akong napapatunayan ay sumusuko na agad ako?“Hindi ko alam. Pero tatlong oras na mula nang nandito ‘yan.”Napalabi ako. Tatlong oras. Dalawang oras na akong gising. Isang oras na pagkakatulog.Pagabi na. ibig sabihin.