"Isang maimpluwensiya at miyembro ng Dynamic syndicate. Walang kinatatakutan at walang bumabangga." inilatag ng private detective ang mga larawan at ilang impormasyon na nakalap nito sa lamesa ni Xander. Nagsalubong ang kilay ni Xander. Ano ang motibo nito sa Gallore? "Multi-billionaire at may mga illegal na gawain." Pagpapatuloy ng detective. "Damn!" Hinampas ni Xander ang lamesa. Nakapasok sa kompanya niya ang isang gaya ni Walter na hinayaan niya lang. "Mr. Vergara, sa tingin ko may ibang pakay siya hindi ang kompanya." "Diretsahin mo ako." Matiim niyang tinitigan ang mukha ng Detective na tila nag-aalangan pang magsalita. "Ang asawa nyo." Kumuyom ang kamao ni Xander. Anong laro ang gusto ng isang Walter? Magkamatayan na pero hindi niya hahayaang kantiin nito dulo ng daliri ng asawa niya. PARANG isang tagong paraiso ang bagong proyekto nina Xander. Nagpaparoo't parito ang mga inupahang manggagawa para mapaganda at mapabilis ang pagtatayo ng ilang mga kubol sa Onok Island. Ka
"SASAMA ako." Kunot-noong wika ni Charline, ngunit ni hindi na lumingon man lang si Xander sa asawa."Ma'am, hindi ho kasi pwede." Ang driver-bodyguard na nakasunod rito ang sumagot. Nakadama ng kaba si Charline. Anong nangyayari? Nasagot ang tanong niya nang lumapit si Anna. "Nasa News ang ibang hotel ni Sir Xander-" Mabilis ng hinagilap ni Charline ang remote control ng telebisyon. Bumungad sa kaniya ang newsflash. Dalawa sa mga Hotel Resort ng Vergara, nasusunog. Napatingin siya kay Anna. "Paano na ang mga empleyado at staff?" Naluluhang pakikisimpatiya ni Anna. Marami-rami ang apektado. Gumuhit ang lungkot sa dibdib ni Charline naisip ang magiging epekto nito sa asawa. HINIHINTAY ni Charline ang pagbabalik ng asawa. Hindi ito nagtext o tumawag man lang. Mag aalas-nuebe na ng gabi. Nag-uwian na ang mga nasa dayshift, maliban sa mga security guard ng Hotel at night shift na empleyado. "Ako na ang maghahatid sa'yo, Charline." Baritonong boses na nagpalingon kay Charline. "J-jeb
Matapos tanggalin ang piring, inalalayan si Charline ng isa sa mga tauhan ni Walter. Maingat. Tulad ng bilin ng Boss nito. Inihatid siya sa harap ng bahay nila ni Xander. "Galaps, 'yung bilin ni Boss." Nakita ni Charline na nagkatinginan ang mga ito. Lumapit ang security guard at nilapitan sina Charline. "Ma'am okey lang ba kayo?" Natitigilang napatingin na lang sa kaharap si Charline. "A-ayos lang...Ang Sir mo, dumating na ba?" "Kanina pa ho." Inalalayan na siya nito papasok. Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok na sa loob ng bakuran. Tama nga si Xander, hindi na sana siya nag-inarte at tinanggihan na buntutan ng bodyguard na hinire nito para sa kaniya. "Ginabi ka?" Kunot-noong tanong ni Alyssa. Napansin agad nito ang pamumutla niya. Pero tulad ng pangako niya kay Jeb. Wala siyang pagsasabihan. "Masama kasi ang pakiramdam ko. Na-nahilo nga ako kanina." Pagsisinungaling niya. "Ha!" Sinalat nito ang noo niya. "Uminom ka na ba ng paracetamol parang may lagnat ka nga." "Paki
Nakapila ang mga naggagandahang babae, sexy at makinis. Titig na titig sa monitor ng screen si Walter. "May nagustuhan ba kayo, Boss?" Tanong ni Aries. "Yung naka-kulay pink na matangkad." Sa gitna ng pagbuga ng sigarilyo ay sagot naman ni Walter. Tumango lang ang isa sa mga tauhan niya saka tumalikod na ito. MEZTIZA. Sa unang tingin, hindi ito mapagkakamalang prostitute. Maganda at sexy ang napili ni Walter. Bukod-tangi ang ganda nito sa grupo ng mga high-class prostitute na hawak ni Madam Olga ng Halimuyak Club.Ini-lock ni Aries ang pinto ng silid at iniwan na ang Boss. Bihasa at sanay ang babaeng napili ni Walter. Base sa galaw nito, mahahalatang gamay na nito ang trabaho. Umindayog ang katawan nito at umimbay ang balakang sa saliw ng mahinang saliw ng tugtugin na maririnig sa silid. Maharot na musika. Nakasandal si Walter sa headboard ng kama, titig na titig sa bawat galaw ng babae. Kagat-labi itong nakatitig sa mga mata ni Walter. Nagsimula na itong mag-alis ng suot na damit
"Lahat ng nasa lists Sir?" Gulat na tanong ni Kimberly. Nagpalipat-lipat ang tingin sa mag-asawa. "Maliban sa financial assistance na ibibigay ko gusto kong ipatawag silang lahat ng hindi magkakasabay. Gusto kong makausap, privately." Ani Xander. Ngumiti naman si Charline sa sekretarya. Naguguluhan man, mabilis itong sumunod sa ipinag-uutos ng amo. MAGALANG na bumati ang sampung janitor na mahigit sampung taon na ring naninilbihan sa Hotel. May mga edad na ang ilan at naging pamilyar na rin kay Xander ang iba kahit hindi niya ito madalas na makaharap. Sa dami ng empleyado ng kompanya, iilan lang ang natatandaan niya sa mga ito. "Maupo ho kayo." Magalang na nginitian ito ni Charline. Kilala na siya ng mga ito bilang asawa ni Xander. Tila naiilang na alanganing umupo naman ang mga ito. Nasa loob sila ng conference room na tanging VIP lang ang maaaring pumasok. "M-may problema ho ba Ma'am Charline?" Halata na kinakabahan ang mga ito. Nagtataka ang mga ito kung bakit ipinatawag ng CEO
"Okey lang ako, Ricky. Sige iwan mo na ako." Baling ni Charline sa bodyguard na laging naka-sunod sa kaniya. Kabilin-bilinan ni Xander na huwag siyang hiwalayan ng tingin. "Sigurado kayo, Ma'am Charline? Pero-""Huwag ka na lang lumayo sa office. Tatawagan kita kapag may kailangan ako."Pumasok sa opisina ng asawa si Charline. Nasa Cebu si Xander dahil sa business meeting. Ayaw niyang makulong sa bahay ng asawa dahil sanay siyang may ginagawa. Gusto niyang imbestigahan ang pananamlay nito. Ilang gabi na itong hindi tumatabi sa kaniya sa pagtulog na ipinagtataka niya at dahil hindi niya ugaling mangulit para lang magtanong hinayaan niya itong mapag-isa. Nag-umpisa siyang maghalungkat ng ilang papeles sa table ni Xander pero puro mga dokumento lang at ilang paper works ng opisina. Kasama nito si Kimberly sa Cebu kaya wala din ang office secretary nito. Napapagod na ang utak niya sa pag-iisip kung saan magsisimula dahil clueless pa rin siya. Binuksan niya ang computer nito at sinilip
"Hindi mo man lang ba kakausapin ang asawa mo?" Untag ni Alyssa. Nakatingin din ang kaibigan niya sa tinatanaw niya mula sa terrace ng ikalawang palapag ng bahay. "Hindi ko alam kung paano?" Malungkot na sagot ni Charline, nanatiling nasa asawa ang paningin. Nakaharap sa laptop si Xander, tila ayaw magpa-istorbo. "Hindi kayo magkaka-ayos kung hindi mo siya kakausapin." Saad ni Alyssa. Humugot ng malalim na hangin si Charline. Aaminin niya sa sarile na naduduwag siyang magtanong sa asawa kung bakit nanlamig ito sa kaniya? Nasasaktan siya sa uri ng trato nito sa kaniya. Mula nang dumating ito mula sa Cebu, halos hindi na siya nito kinakausap man lang. Maliban na lang kung kaharap ang anak nila."Hindi tanga ang asawa mo. Sa palagay ko, alam niya ang nangyari sa Hotel." Napatingin si Charline sa mukha ng kaibigan. "A-anong gagawin ko? Mapapatay ako ng asawa ko." Kinakabahan niyang muling sinulyapan ang asawang tumayo na at tila papasok na ng bahay. "Cha, hindi mo kailangang umiwas.
Magkakaharap sa mahabang lamesa sina Walter, Jhem, Dan at Xander. Nasa gawing likuran nila ang mga bodyguards na nakatayo lang at matamang nakamasid. Seryoso ang pag-uusap para sa gaganaping opening ng itinatayo pang mga hotels sa bansa, maging ang renovations ng mga gusaling nasunog. "Kaya kong mag-invest pa ng mas malaking halaga sa kompanya mo, Mr. Vergara. Hindi mo kailangang magdagdag pa ng investor." Seryoso at ma-awtorisadong turan ni Walter. "Ako ang magsasabi kung dapat nga ba o hindi." Sagot ni Xander. "Kung gagawin mong Major stockholder si Mr. Walter, makakatulong ito para maibangon ang iba mo pang Hotel Mr. Vergara." Ani Dan na halata ang simpatiya kay Walter. Tumango-tango si Jhem. "Hindi ko ipinamimigay ang kompanya ko." may diing wika ni Xander. Tumawa si Walter. Mapakla."Hindi ako nagpapatawa." Pigil ang inis na saad ni Xander sa tonong mahinahon. Sumeryoso ito at matamang tinitigan si Xander. "Gusto ko lang namang magkaroon ng bahagi sa mga pag-aari mo." Nap
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin