Magkakaharap sa mahabang lamesa sina Walter, Jhem, Dan at Xander. Nasa gawing likuran nila ang mga bodyguards na nakatayo lang at matamang nakamasid. Seryoso ang pag-uusap para sa gaganaping opening ng itinatayo pang mga hotels sa bansa, maging ang renovations ng mga gusaling nasunog. "Kaya kong mag-invest pa ng mas malaking halaga sa kompanya mo, Mr. Vergara. Hindi mo kailangang magdagdag pa ng investor." Seryoso at ma-awtorisadong turan ni Walter. "Ako ang magsasabi kung dapat nga ba o hindi." Sagot ni Xander. "Kung gagawin mong Major stockholder si Mr. Walter, makakatulong ito para maibangon ang iba mo pang Hotel Mr. Vergara." Ani Dan na halata ang simpatiya kay Walter. Tumango-tango si Jhem. "Hindi ko ipinamimigay ang kompanya ko." may diing wika ni Xander. Tumawa si Walter. Mapakla."Hindi ako nagpapatawa." Pigil ang inis na saad ni Xander sa tonong mahinahon. Sumeryoso ito at matamang tinitigan si Xander. "Gusto ko lang namang magkaroon ng bahagi sa mga pag-aari mo." Nap
"Ano?!" Umikot ang eyeball ni Alyssa. "Kung gusto mong maiwan dito, magpaiwan ka!" Patuloy siya sa pag-iimpake. Ayaw niyang madatnan pa siya ni Xander sa pag-uwi nito. "Charline naman! Ang bilis mong magdesisyon." Tila hindi ito sang-ayon sa pag aalsa-balutan niya. "Alyang, hindi ko na kaya." Pinahid ng likod ng palad niya ang mga luha. "Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! Kung paano ako tratuhin ng asawa ko!" Napahalukipkip si Alyssa. "At paano mo naman ipapaliwanag kay Aj?" "Matalino ang anak ko. Sanay kami na wala ang ama niya." Hila-hila ang bag na tinungo niya ang silid ng anak. Mabilis na inimpake ang ilang gamit nito. "Saan tayo pupunta, Mommy?" inosenteng tanong nito. "Magbabakasyon tayo-" Pagsisinungaling ni Alyssa. Inis na sinulyapan ni Charline ang kaibigan. "Hindi, lalayas na tayo sa bahay na ito!" "L-lalayas Mom?" "Oo, iiwan na natin ang Daddy mo!" Wala siyang planong magsinungaling sa anak. Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. "Charline.
"Pasensya na Sir, bawal hong lapitan si Ma'am Charline." Malumanay ngunit may diin na wika ni Ricky. Mabilis na rumehistro ang inis ni Dan. Sino ba ang isang bodyguard na ito para pigilan siya? aniya ng isip niya. "Anong problema?!" galit niyang tanong. "Utos ho ni Sir Xander." Matalim na tinitigan ni Dan si Ricky saka tumingin sa isa pa nitong bodyguard na buddy nito. Naiinis na tinalikuran niya ang mga ito. Titiyempo sana siya habang abala si Xander sa pakikipag-usap sa ibang negosyante, pero maagap ang mga bodyguard na kinuha ni Xander. Nasa party sila ni Governor Ariel Agot. Ang mga ganitong event ay hindi nila pinalalampas para sa koneksyon ng kompanya. Lumapit si Ricky sa amo. Naging mas matalas ang pakiramdam. Kailangan nilang maging alerto ni Bags. Alam nilang parang leon ang mga kalaban ng mga Vergara, naghahanap ng pagkakataon saka lulusob. "Anong sinabi ni Dan?" Pasimpleng tanong ni Charline sa bodyguard na tumayo na sa tabi niya. "Gusto kayong lapitan." Naiinis na
GRAND OPENING ng Mi Amore Resort, ang dating Onuk Island na nabili na ni Alexander. Napapalibutan ng ilang mga yate ang paligid ng isla, lulan ang mga kilalang tao sa lipunan para saksihan ang Ribbon Cutting para sa pagbubukas nito sa publiko. Ang mala-paraisong ganda ng Isla ng Onok ay unti-unting nakikilala na sa mundo ng social media. Inaalalayan ni Xander ang asawa habang pababa ng yate, mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Charline. Lumutang ang ganda ni Charline sa suot nitong Red Maxi-dress na abot hanggang sakong na pinaresan ng island slipper. Inililipad ng mabining hampas ng hangin ang katamtamang haba ng kaniyang buhok. Ni walang bahid ng make-up na lalong nagpalutang sa ganda nito.Mula sa kabilang yate naman ay matamang nakamasid si Walter sa mag-asawa. Titig na titig ang pares ng mga mata nito sa kagandahan ng asawa ng kasosyo, may bahid ng matinding selos at pagkainggit. Hindi nito matanggap na ang dating kasintahan ay malayang nahahawakan ng ibang lalake. Nagtagis ang
Nanlaki ang mata ni Charline nang biglang may humila sa kaniya sa dilim. Sisigaw sana siya pero mabilis na tinakpan ng palad nito ang bibig niya. Pilit niyang inaaninag ang mukha ng lalake sa gitna ng kilabot na dumaloy sa buo niyang katawan. Nagpupumiglas siya kasabay ang impit na pagtili. Walang magawa ang lakas niya sa lakas nito. Isinandal siya wall ng cottage. "Tumahimik ka, kaya kitang patayin ngayon din." Pabulong na anas nito. "J-jeb?" Pilit pinagagana ni Charline ang utak sa gitna ng takot. Nas'an ba kasi ang asawa niya? Ang mga bodyguards niya? "Matalino ang asawa mo pero tuso ako, Charline." Ngumisi ito na lalong naghatid ng matinding kilabot sa bawat himaymay ng kalamnan ni Charline. Nandidiri siya sa mga palad nitong nag-umpisa nang maglakbay at dumama ng katawan niya. Nagsimula na itong humalik-halik sa leeg niya. Impit siyang napaiyak. "Alam mo bang habang nagbebenta ako ng kaluluwa kay Satanas, ikaw ang inspirasyon ko? Tapos mauuwi lang sa wala ang lahat ng dahilan
"Hindi pa ba tayo uuwi, Xander?" Kinabukasan ay tanong ni Charline sa asawang nagkakape na. Wala siyang planong i-kwento rito ang dinanas sa kamay ni Walter. Tiyak na makakapatay ang kaniyang asawa."Gusto mo na bang umuwi?" Balik-tanong nito. Tinanaw ni Charline ang grupo ni Walter na nasa dulong bahagi ng Wooden Bridge. Kinikilabutan siya sa tuwing makikita si Walter at ang mga tauhan nito. "S-sana-" naputol ang sasabihin niya nang kapwa sila mapatingin ni Xander sa paparating na speedboat. Guest? Nanatili lang silang nakamasid ng asawa at tinatanaw ang pagbaba ng maganda at seksing-babae mula sa speedboat na bumababa sa pantalan.Tila modelo ito o artista.Si Celeste? Napatingin si Charline sa asawa. Naka-kunot na ang noo nito, at tila hindi nagustuhan ang pagdating ng hindi inaasahang bisita. "Dapat na nga tayong umuwi." Nakita nilang sinalubong ito ni Dan, inalalayan. Tila komportable ang dalawa sa isa't isa na para bang matagal ng magkakilala. Inasikaso naman agad ito ng m
"B-boss Walter-" Nakaluhod at nagmamakaawa ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Walter. Bakas ang matinding takot. Nanginginig at pinagpapawisan. Nanlilisik na tinitigan ito ni Walter saka sumenyas kay Galaps. Lumapit ang kanang-kamay nito at walang pag-aatubiling dinukot ang baril sa beywang, itinutok at pinaputok sa sentido ng kasamahan. Walang emosyon na nakamasid lang ang mga nasa paligid. Pangkaraniwang tanawin kapag may pumapalpak na transaksyon. Ang kalupitan ni Walter ay inaasahan na ng grupo. Buhay ang katumbas sa bawat katangahan. Walang awa na iniligpit at nilinis ng iba pang mga tauhan nito ang katawang duguan at wala ng buhay. Hindi iisang beses lang silang nagbaon ng bangkay sa malawak na bakuran ng mansyon ni Walter. "Galaps!" Baling ni Walter sa kanang-kamay nito. Mabilis naman itong tumalima. "Alamin mo ang nasa likod ng pagraid ng Warehouse." Mariing utos nito. Tumango naman ito. "Pero tanggapin mo muna ang reward ko." Napangising demonyo si Galaps, baw
Ini-enjoy ni Charline ang huling araw nila sa "Mi Amore" kahit gusto niya na din namang umuwi dahil namimiss niya na ang magninang. Hindi nila isinama ang mga ito dahil ayaw niyang mapagod ang anak. Babawi na lang sila rito kapag nakauwi na, pangako niya. Hinubad niya ang tsenilas at nagyapak sa buhanginan habang hinahampas ng mumunting alon ang kaniyang mga paa. Pansamantala niyang kinalimutan ang presensya ng dalawang asungot na may atraso sa kaniya na nasa di-kalayuan. Habang si Xander naman ay abalang nakikipagkwentuhan sa ilang VIP guest ng Resort kabilang si Governor Ariel na dumating kahapon para bumisita at makita ang bagong bukas na Island Resort ng mga Vergara, kasama nito ang buong pamilya nito. Maliliit ang mga paghakbang habang naglalakad-lakad siya at tinatanaw ang malawak na karagatan saka napapasulyap sa pamilya ng Governor na masayang naglalaro ng volleyball sa malawak na aplaya. May apat na itong mga anak na malalaki na kasama ng mga ito para magrelax, dalawang lala
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin