MULING MAGING AKIN Chapter 95: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . KINABUKASAN “Good morning, Sven. Pumasok na ko.” Pasigaw kong sabi. Pumasok na ako ng kusa dito sa unit niya dahil alam ko naman ang PIN nito. Kaso parang naliligo pa siya kaya hindi ako narinig. Inihanda ko na muna ang almusal niya sa counter top niya at titimplahan ko na rin siya ng kape dahil maarte ang isang ito kapag hindi ako ang nag timpla. Nagluto ako ng almusal sa unit ko kaya isinabay ko na rin ang almusal ni Sven. “Oh, shoot! MaiMai!!! You startled the héll out of me! I almost had a heart attack!” Napahawak pa siya sa bandang puso niya. Buti na lang talaga na walang sakit sa puso si Sven kundi, tigok na siya dahil sa atake sa puso. How sad naman kung mategi siya na hindi man lang nakapag asawa. Paano na ang mga girls na umaasa na mapansin niya? Lalo na ang kapitbahay namin na matrona? “Napaka magugulatin mo naman! Ito, hinanda ko na ang almusal mo, kumain ka na. Teka, ang kape mo pa pala.” Mabilis
MULING MAGING AKINChapter 96:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Ahm Sven, napadaan lang si Sir Jasper dahil may pupuntahan siya. Nagkataon lang na nakita ko siya dito. Sige na, magbihis ka na muna sa loob. ” Kabado kong sabi. Pasimple kong sinisenyasan si Sven gamit ang mga mata ko na umalis na pero ang loko ngumisi lang! Alam ko na nasa isip ng lalaking ito, aasarin na naman niya si Jasper. Hayy talaga naman! “Tulungan mo ako mag bihis, babe. Ang sakit pa kasi ng pilay ko eh.” Hindi ako mapanakit na kaibigan pero ngayon parang gusto ko i-untog sa pader si Sven. Mapapahamak ako sa ginagawa niya! Ugh! Tiningnan ako ni Sven na may nakakalokong ngiti sa labi bago tumingin kay Jasper na may halong pang-aasar. Kinabahan ako ng tumuwid ng tayo si Jasper mula sa pagkakasandal sa pader, ang mga kamao niya ay nakakuyom ng mahigpit. Lalo din ng wala ng emosyon ang mata niya, naging kasing lamig na ito na isang yelo. “Ikaw naman, kaya mo na yan! Mag-almusal ka rin. Sige na pasok ka na dun
MULING MAGING AKINChapter 97:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Tinulak ko si Jasper ng malakas sa dibdib niya pero hindi pa naging sapat ang lakas ko. Hindi man lang siya na buwal sa kinatatayuan niya. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. “I'm sorry, hon. I'm an ásshóle, nadala lang ako sa sobrang selos ko. I’m so fúcking jealous! Please, don't do this to me. Naging impyerno na sa akin ang pitong taon na wala ka, ayaw ko na ulit bumalik dun. I'm sorry. I'm sorry, hon. Please forgive me.” Hindi ako nag salita, hinayaan ko lang siya na sabihin ang saloobin niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko hanggang sa naramdaman ko na namasa ang na iti-umiiyak si Jasper. Walang tunog pero alam ko na umiiyak siya.Hinaplos ko ang likod niya na tila pinapatahan. “Tsaka na lang tayo mag-usap kapag kalmado ka na para magkaintindihan tayo.” Malumanay kong sabi. Lalo niya siniksik ang mukha sa leeg ko at yumakap ng mahigpit sa ba
MULING MAGING AKINChapter 98:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Hindi ka ba papasok?” Tanong ko sa asawa ko habang sinusuklay ang buhok niya. “Talaga, pwede?” Umangat ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa ibabaw ng dibdib ko at nag niningning ang mga mata. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil iba ang intindi niya sa tanong ko. Narito pa rin kami sa sala, nakahiga ako sa sofa at siya naman ay nakadagan sa akin. Ang pisngi niya ay nasa dibdib ko. “Sa trabaho ang tinutukoy ko po, Mr. Smith. Wag kang mali–.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng patahimikin ako ng asawa ko gamit ang bibig niya. “Shhh… you and your mouth.” Inirapan ko siya. Akala niya siguro hindi ko napapansin na kanina pa parang bakal sa tigas yung ano niya.Wag kang malisyoso naman kasi ang dapat sasabihin ko eh. Akala niyo din ba malibóg yun? Kung oo, kailangan niyo na siguro mag muni-muni. “Pumasok ka na nga sa opisina mo. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?” Mataray kong tanong. Tumingin naman siya sa akin n
MULING MAGING AKINChapter 99:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Alis ka muna sa ibaba ko, hon. Kunin ko lang ang bag ko.” Hinalikan muna ako sa tiyan ng asawa ko bago umalis mula sa ibabaw ko.Bumangon na ako para kunin ang bag ko na nakapatong sa ibabaw ng dining table pero inunahan na kaagad ako ni Jasper. Mabilis siyang tumayo papuntang kusina.“Your mother is calling.” Hindi pa ako nakakalapit pero nakuha na agad ni Jasper ang cellphone ko sa loob ng bag. Curious talaga siya kung sino ang tumatawag sa maganda niyang asawa.“Ah, yes. Baka may importante na sasabihin. Saglit lang, hon. Sagutin ko na muna ang tawag.” Buti na lang pangalan ni mama ang lumabas kahit alam ko naman na si Zanyca ang makikipag-usap sa akin.Alam niyo ba na may dalawang uri ng mama?Mama Globe at Mama Smart.Okay. “Hello, ma?” Lumakad ako papunta sa balkonahe. Sinadya kong lumayo muna kay Jasper dahil baka si Zanyca ang nasa kabilang linya.“Hello, mommy! It’s me.” Hindi nga ako nagkamali. “Kumusta po? Nap
MULING MAGING AKINChapter 100:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Hindi na natuloy ang plano kong makipag-usap kay Sven about sa amin ni Jasper. Paano ba naman, bantay sarado ako maghapon! Hindi talaga ako pinakawalan ng olopong na ‘to. Kahit pagpunta ko sa kusina o banyo, nakasunod pa din talaga. Palihim na lang ako nag send ng message kay Sven na sa sunod araw ko na lang sasabihin ang kailangan ko sabihin. Sinabi ko na rin na hindi na ako makakapasok. Pumayag naman si Sven dahil wala naman siya magagawa, inasar ba naman niya yung isa. Tinawanan pa ko ni Sven dahil para daw akong bata na hindi pinayagan lumabas ng magulang. Hindi ko nga naranasan sa magulang ko, naranasan ko naman sa asawa ko. Asar!“Hon, hindi ka ba nilalamig? Mag bihis ka nga!” Nakabukas ang aircon pero ang asawa ko, tanging boxer short lang ang suot.“Hindi. Nag-iinit pa nga ako eh. I mean naiinitan ako.” Hinampas ko naman siya sa dibdib dahil alam ko naman ang ibig niya sabihin.“Oo nga pala, hon, matagal na ba nag
MULING MAGING AKIN Chapter 101: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Cosmo Valteri Fontana.” Wow naman! Lalaking lalaki ang datingan. “Ohh… May lahi ba siya? Lakas maka-AFAM eh.” Usisa ko pa. “Yeah. His dad is Italian.” Napa ‘oh’ naman ako sa sinabi ng asawa ko. Kaya naman pala may itsura si Cosmo. Sayang lang kasi lalaki din ang gusto. “I’ll just remind you, Mrs. Smith na bawal ka mamangha sa kanya.” Ito naman, si K. J. “Hindi nga po, mister. Never!” Baka itakwil pa ko ng kapatid ko. “Eh, ilan ta—” “Stop asking na, hon. I will not answer it anymore. Puro na lang tungkol sa kanya ang tinatanong mo.” Napanguso naman ako, hindi pa talaga ako pinatapos sa isang tanong ko. Ang sabihin niya nag seselos lang siya! “Tsk. Sige na nga. Si Cosmo na lang ang tatanungin ko.” Pag kausap ko sa sarili ko. “Hon!” Inis na sabi ni Jasper. Nag peace sign naman ako sa kanya. Pinag patuloy na lang namin ang pagkain. After namin kumain ng lasagna, si Jasper na rin ang nag ligpit. Hindi ko na ina
MULING MAGING AKIN Chapter 102: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Mahimbing pa rin ang tulog ni Jasper pag pasok ko dito sa kwarto namin, nakonsensya naman ako gisingin. Nag-iwan na lang ako ng sticky note sa ibabaw ng cellphone niya. Nagbihis lang ako ng pambahay na short at sando. Nagdala na rin ako ng bayong na meron dito. Kinuha ko na rin ang wallet, susi ng bahay at cellphone ko. Ilang minutong lakaran lang, nakarating na kami sa palengke. Nakakamangha ang napakarami na iba't ibang uri ng mga isda, parang ang sarap lutuin lahat. Naglaway ako ng bigla ako mag-crave sa kinilaw na tuna. Bumili lang ako ng lulutuin ko para ngayong araw, malapit lang naman ang palengke kaya babalik na lang ako ulit bukas para sariwa lagi ang mabili ko. Sinamahan pa rin ako ni Isay mamili habang nagkukwentuhan kami. Nalaman ko na mag-isa lang pala siya buhay at ilang taon pa lang din siya dito sa Siargao. Nang pauwi na kami ay may nakasalubong kami na isang matandang babae na may medyo kakai
MULING MAGING AKINChapter 131:...SVEN DIONE TAN’S POINT OF VIEW –Nahihiwagaan na tumango sa akin si Apple na ikinangiti ko naman. “Please say it. Please tell me na tayo na.” Gusto ko marinig mismo sa bibig niya na sinasagot na niya ako.“Y-yes. Pumapayag na ako, Sven. Subukan natin.” Hindi ko mapigilan ang mapangiti pa ng husto at makaramdam ng kakaibang saya sa puso ko. Ito ba ang tinatawag nilang kilig?Hindi ko na nga na pigilan ang sarili ko at sinunggaban ko na ang labi niya. Hindi pa siya gumagalaw noong una at tila nabigla din sa ginawa ko. “Kiss me back, baby.” Mapang-akit kong bulong. Hindi naman ako nabigo dahil agad din siyang tumugon. Masasabi ko na ngayon na may karapatan na ako sa kanya, at kung iniisip niyo na paano kung wala naman talagang nabuo? Kung wala, edi gagawa kami ulit! Ang importante sa akin ngayon, opisyal ng kami. Girlfriend ko na siya. May karapatan na ako manapak kapag may lalapit at magpapapansin sa kanya. Na badtrip talaga ako kanina sa kasama ni
MULING MAGING AKIN Chapter 130:...SVEN DIONE TAN’S POINT OF VIEW –“How are you?” I asked Apple in a baritone voice. She nervously looked at me and I don’t know why. Huminga ito ng malalim bago lakas loob na tumingin sa mga mata ko. Those same beautiful eyes na unang bumighani sa akin. Ayaw ko man aminin sa sarili ko pero dahil sa magandang mga mata niya, nakalimutan ko sandali na si MaiMai ang iniibig ko. May kung anong mahika sa mga mata niya na dinala ako sa kabilang mundo na nagpa baliw sa akin ng husto. Isang gabing kahit kailan ay hindi ko malilimutan.“Mabuti naman ako, Sven. Magkakilala pala kayo ni Sir Jasper. Ang liit talaga ng mundo.” Ramdam ko na nahihiya siya sa akin at nag-aalangan.“Hindi ko rin akalain na kay Jasper ka pala nagtatrabaho.” Hindi na siya sumagot at ngumiti lang sa akin parang iniiwasan niya ako. Lumapit ako sa kanya pero mabilis naman siyang umatras na para bang nakakatakot akong nilalang. Huminto ako at hindi na muna lumapit sa kanya. “About what
MULING MAGING AKINChapter 129:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Napapangiti ako sa mga sandaling ito sa nakikita kong reaksyon ng kaibigan ko. Halata naman kasi na nagseselos siya. Tumayo at lumapit ako sa pantry kung nasaan si ate Apple, na alala ko na nag pabili nga pala ako kay Jasper ng mangga at strawberry. Balak ko kasi ito isawsaw sa suka na maraming sibuyas at pipino.“Sven, puntahan ko lang si Jasper sa labas. Paki bantayan mo muna si Zanyca baka kasi dumating ang nurse. Please?” Tumango naman sa akin si Sven. Hahanapin ko talaga si Jasper dahil baka may lumalandi na pala sa asawa ko. Andito pa naman sa hospital na ‘to si Monica.“Sure. No worries, Mai.”Charot! Gusto ko lang talaga na masolo ni Sven ang future wife niya. HeheBago ko tuluyan isinara ang pinto ay nakita ko pa ang seryosong tingin ni Sven kay Ate Apple. Bahala na siya lapain si ate Apple este kausapin.Tinawagan ko si Jasper para alamin kung saan siya nag punta.“Hello, hon? Nasaan ka po?” Malambing kong tanong
MULING MAGING AKINChapter 128:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Natatawang kumakamot ng batok si Sven. Tila nagdadalawang isip kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi. Pinaningkitan ko siya ng mata at naka pamewang pa ako sa kanya. Alanganin siyang tumingin sa akin at luminga muna sa paligid na parang inaalam niya kung may iba pang makaririnig. “Ahm, y-yes. But not really kakilala talaga. We just met a few times.” Tipid niyang sagot. Sarap tuktukan sa ulo. “Oh tapos? Wag mo ko gawing manghuhula, Sven! Na stress kami ng baby sa tiyan ko!” Pagsusungit ko pa. “Ano.. Ahm… S-siya yung nasabi ko sayo dati na ano…” Naiinip ako sa tagal niya magsalita. “Na ano, Sven?” May nalagas na naman na isang buhok sa akin. “N-na naka one-night stand ko.” Yumuko ito na parang nahihiya. Ako naman ay gulat na gulat na nakatingin sa kanya. What the? Samantalang no boyfriend since birth si Ate Apple tapos sinawsawan na niya. “Lang hiya ka! Ni hindi pa nga nakakaranas yung tao na magka boyfriend
MULING MAGING AKINChapter 127:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman sa mga narinig ko mula kay Sven. Wala akong makapang galit sa puso ko kahit konti. Sa totoo lang mas lamang sa akin ang kagustuhan ko na bumalik sa dati ang pagiging magkaibigan namin.“S-Sven…” “I know, Mai. I’m sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan.” Putol niya sa nais ko sanang sabihin.“High school pa lang tayo gustong-gusto na talaga kita eh. Sinubukan ko naman pigilan ang nararamdaman ko sayo, kaso ang hirap talaga.” Natawa siya sa sinabi niya pero may luha pa din ang mga mata.“Sven…” Umusog ako palapit sa kanya at hinaplos ang likod niya.“Inaamin ko, Mai hindi ko matanggap noong una na napunta ka sa iba. Akala ko dati, gusto mo na rin ako hindi lang bilang isang kaibigan.” Ramdam ko sakit sa bawat salitang binitawan niya. “Remember? Lagi pa tayo partner sa lahat ng bagay mapa-school activities or outside pa yan. Akala pa ng lahat, even our teachers na magkakatul
MULING MAGING AKINChapter 126:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Wag ka mag alala, ate Apple kahit malaman ng asawa ko ‘yan, hindi yun magagalit sayo. At isa pa, Mai na lang ang itawag mo sa akin.” Nakangiti kong wika.“Baka pagalitan naman ako ni Sir Jasper niyan at tsaka nakakahiya dahil amo kita.” Napakamot leeg pa siya. Makati siguro sa balat ang damit na suot niya.“Ikaw ang bahala pero sa akin ay ayos lang kahit pangalan ko na lang ang itawag mo sa akin.” May mga ilang bagay pa kami na pinag kwentuhan. Maya’t maya din ang pag rounds ng nurses para i-monitor ang status ng anak ko.May mga ilang bagay pa akong nalaman tungkol kay ate Apple. Probinsyana din pala siya gaya ko, walang kasintahan ever since at sinubukan ang kapalaran dito sa Maynila. Nakasama niya pa daw ng ilang buwan si Manang Lila sa mansion bago namahinga ng tuluyan. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at kapwa kami nagulat ni ate Apple sa taong kasama ng asawa ko. Napansin ko din ang bahagyang pagkagulat sa mukha n
MULING MAGING AKINChapter 125:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Base sa resulta ng test, nag-match si Zanyca at Mr. Jasper Smith para sa Bone Marrow Transplant na gagawin. As early as possible, dapat simulan na ang operasyon.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. “Please schedule the operation, doc. I'm ready anytime.” Now, I appreciate him more. Kung siguro naging walang hiya at iresponsable na ama si Jasper at ganito ang nangyari sa anak namin, baka mas lalo lumiit ang chance madugtungan ang buhay ni Zanyca. I’m grateful that he is a responsible one.May mga sinabi pa ang doktor na bagay na dapat paghandaan bago ang araw ng operasyon. Kailangan din physically fit si Jasper. Sa bagay na ito ay wala kami magiging problema dahil healthy living ang asawa ko.Ipinaliwanag din ng doktor kung paano ang operasyon na gagawin at kung ilang porsyento ang chance na maging successful ito. Hindi man 100% but at least, malaki pa rin ang chance at susugal kami dun. Sobrang kinakabahan ak
MULING MAGING AKINChapter 124:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Kinuha ko ang cellphone ko kay Jasper, binigay naman niya ito pero nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ko. Nilagay ko muna ang hinubad ko sa bag na lagayan namin ng labahan. Dumiretso ako papunta sa sofa, busy si Zanyca manood ng cartoons sa T.V. Nakasunod lang din sa likod ko si Jasper.“Kakilala ko sa Singapore, hon.” Tinignan naman niya ako ng malalim at tila may inaarok. “Paano mo naman siya nakilala?” Naku naman! Inaalam pa talaga. Napapakamot batok na lang talaga ako.“Dati ko siyang kapitbahay.” Tipid kong sagot at uminom ng tubig. Iinom pa pala ako ng vitamins. “Niligawan ka niya?” Naubo ako bigla sa iniinom ko. Mabilis naman niya ako inabutan ng tissue at tinapik tapik ng mahina ang likod ko.“Ayos ka lang ba, hon?” Nag-aala niyang taong. Tumango naman ako sa kanya at pinunasan ang bibig ko. Nakakubo pala ang tubig.“So, nanligaw nga siya sayo? Naging kayo ba?” Masungit niyang tanong. Umiling naman ako sa
MULING MAGING AKINChapter 123:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Mommy, why papa Sven is not visiting me? I miss him already.” Inosenteng tanong ni Zanyca habang pinapakain ko siya. Lumingon ako sa asawa ko na kasalukuyang may kausap sa cellphone niya, nakatayo siya malapit sa bintana. Palagay ko ay narinig niya ang sinabi ng anak namin dahil biglang nag salubong ang mga kilay niya.Muli ko sinubuaan ng pagkain si Zanyca bago ako nagsalita. “Your papa Sven is kind a busy, baby. But he told me last time that he misses you too.” “Really? I want to see papa Sven, mommy. Darating naman siya sa birthday ko diba po?” Puno ng pag-asa na tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyon namin ang tungkol sa amin ng papa Sven niya. Alam ko na malulungkot ang anak ko kapag wala si Sven sa kaarawan niya. Naramdaman ko ang presensya ng asawa ko na papalapit.“Do you really want to see him?” Tumango naman si Zanyca. Nag-aalangan naman ako dahil baka makita ng bata na magalit