Sa dati ko ng readers, kaway sa mga nakakakilala kay nanay Isay 😅😂
MULING MAGING AKIN Chapter 102: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Mahimbing pa rin ang tulog ni Jasper pag pasok ko dito sa kwarto namin, nakonsensya naman ako gisingin. Nag-iwan na lang ako ng sticky note sa ibabaw ng cellphone niya. Nagbihis lang ako ng pambahay na short at sando. Nagdala na rin ako ng bayong na meron dito. Kinuha ko na rin ang wallet, susi ng bahay at cellphone ko. Ilang minutong lakaran lang, nakarating na kami sa palengke. Nakakamangha ang napakarami na iba't ibang uri ng mga isda, parang ang sarap lutuin lahat. Naglaway ako ng bigla ako mag-crave sa kinilaw na tuna. Bumili lang ako ng lulutuin ko para ngayong araw, malapit lang naman ang palengke kaya babalik na lang ako ulit bukas para sariwa lagi ang mabili ko. Sinamahan pa rin ako ni Isay mamili habang nagkukwentuhan kami. Nalaman ko na mag-isa lang pala siya buhay at ilang taon pa lang din siya dito sa Siargao. Nang pauwi na kami ay may nakasalubong kami na isang matandang babae na may medyo kakai
MULING MAGING AKINChapter 103:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Shit! Dalawang linya...” Wika ko sa aking sarili ng makita ko ang resulta ng pregnancy test na ginamit ko. Buntis nga talaga ako! Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Napatulala na lang ako habang nakatitig sa test kita na hawak ko. Matapos ko mag luto ng almusal kanina ay dumiretso agad ako dito sa loob ng banyo. “Hon, are you there?” Inaantok pa na tanong ni Jasper. Ilang beses din siya kumatok at pilit binubuksan ang pinto. “I'm here, hon. Wait lang po.” Tinago ko muna sa taas ng kabinet dito sa loob ng banyo ang pregnancy test ko. Nagmadali na ako mabuksan ang pinto dahil parang gusto na ako pasukin ng asawa ko. “Bakit, hon? Good morning pala.” Tumingkayad ako para halikan si Jasper sa labi niya. Humalik din siya sa akin pabalik. “Pumunta ka ng palengke na hindi ako kasama? Sana ginising mo na lang ako para natulungan kita sa mga dala mo.” Pinakita niya sa akin ang hawak niya na sticky note. “
MULING MAGING AKINChapter 104:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...MATAPOS ANG ISANG LINGGO namin na pananatili sa Siargao Island, pauwi na kami ngayon sa Romblon. Nakakapanghinayang lang dahil hindi na ako nakapag paalam kay Isay dahil wala siya. Ilang araw na rin sarado ang tindahan niya. Hindi man lang nakilala ni Jasper ang naging kaibigan ko dito. “You can sleep for now, hon. Gigisingin na lang kita.” Hinalikan ako sa noo ng asawa ko. Tumango lang ko sa kanya at pumikit na. Sakay kami ng private jet na pag-aári ng asawa ko. Mayroon ditong kwarto kung saan pwede kami magpahinga. “Wake up, hon. We're here.” Panay ang halik ni Jasper sa buong mukha ko. “Hmm… Anong oras na, hon?” Inaantok kong tanong. Gusto ko pa talaga matulog. “It's already lunch time. Come on.” Inalalayan ako ni Jasper sa pagbangon. Nakaramdam ako ng biglang pagkahilo, mabuti na lang ay hawak ako ng asawa ko kaya hindi ako tuluyan nabuwal. “Are you alright, hon? Mahiluhin ka pa rin talaga sa byahe.” Yabang… Pa
MULING MAGING AKINChapter 105:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Isang buwan na ang nakalipas magmula nang pumunta kami sa Siargao ni Jasper. Isang buwan na rin kami na nag sasama dito sa bahay na pinagawa niya. Walang araw na hindi kami naging masaya mag-asawa. Binawi talaga namin ang mga taon na nagkahiwalay kami. Nalulungkot lang ako sa amin ni Sven dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkausap ng maayos. Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Sa tuwing tatangkain ko kasi na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagpapanggap namin ay bigla na lang siya magiging abala sa kung saan at kung ano-ano pang dahilan. Nag-uusap naman kami pero madalas ay tungkol na lang talaga sa trabaho. Hinahanap na nga rin siya ni Zanyca, kung magkausap man sila, tanging video calls na lang. “Hon? Sabi ni Cosmo umalis ka daw? Saan ka nagpunta?” Bungad agad ni Jasper ng sagutin ko ang tawag niya. Hindi man lang nag hello. “Makukurot ko talaga yan. Sumbungera talaga ang baklita mong secretary. Umorder lan
MULING MAGING AKINChapter 106:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“A-ano daw s-sabi, hon?” Kabadong tanong ng magaling kong asawa. Inisahan lang talaga ako ng lalaking ‘to. Paín killér daw, iyon pala para yun mabilis akong mabuntis! Hanep! Mautak talaga ang únggoy na ‘to. “Pampabilis daw mag conceive yun eh. Saan ba mo nakuha ang gamot na yun?” Usisa ko. Siguro dapat Sisa naging pangalan ko talaga eh.“Ang kaibigan kong doktor ang nagsabi ng gamot na yun sa akin, hon.” Tunog defensive niyang sabi. “Kaso parang hindi naman effective. Dámn that ásshóle! Ang mahal pa ng singil sakin.” Pabulong niyang sabi, narinig ko naman. Sino naman kaya ang kaibigan na tinutukoy niya?“Okay, sabi mo eh.” Kibit-balikat na lang ako at sinimulan na ubusin ang cravings ko. Tamang kain lang ako sa tabi habang nag hahanap buhay ang tatay ng mga anak ko. Hindi naman nakihati sa pagkain ko ang asawa ko, busog pa daw siya. Sayang naman. Diba sabi ng matatanda noon kapag kinain mo daw ang pagkain ng buntis, aant
MULING MAGING AKIN Chapter 107: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Wala akong balak gumanti kay Jasper ‘no! Tanga ako noon pa. Kahit sobra akong nasaktan sa ginawa niya, mahal na mahal ko pa rin siya. At siya pa rin naman hanggang ngayon.” Natatakot na ako sa mga kinikilos ni Sven, bigla-bigla na lang siya natutulala sa kawalan. Para siyang robot na nag malfunction sa kalagitnaan ng trabaho. “Pero hindi pa ba pag higanti sa kanya ang itago mo kay Jasper ang tungkol sa anak niyo sa loob ng panahon? Kung ako ang nasa kalagayan niya, labis akong masasaktan dahil pinagkaitan mo ako ng karapatan.” Natulala ako sa sinabi ni Sven. He is right. Ngayon ko lang na realized na isang way ng paghiganti ang naging desisyon ko noon. “B-balak ko na rin sabihin sa kanya mamaya ang tungkol kay Zanyca at ang… ang tungkol sa pinag bubuntis ko ngayon.” Nakita ko ang gulat sa mukha ni Jasper. Nabanaag ko din ang pagkabalisa sa kanya at lungkot. “G-ganun ba? Magiging ate na pala si Zanyca. Congratulat
MULING MAGING AKIN Chapter 108: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “H-hon… H-hindi ganun yun. M-makinig ka muna sakin.” Sumunod ako sa kanya ng tumayo si Jasper at binuksan ang balkonahe dito sa kwarto namin. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa railing nito. Yumakap ako sa kanya mula sa likod. “For what? For another lies? Tell me, ilang kasinungalingan pa ba ang maririnig ko mula sayo?” Inalis ni Jasper ang braso ko na nakayakap sa baywang niya bago humarap sa akin na puno ng sakit ang mga maga. “Hon, hindi ko intensyon ang pasakitan ka o saktan ang kalooban mo. Natakot lang talaga ako noon magtiwala kaya pinili ko na protektahan ang puso ko. Maniwala ka, wala talaga sa plano ko ang gamitin si Sven para saktan ka. G-gusto ko lang naman malaman kung hanggang saan mo kaya magtiis para lang bumalik lang ulit ako sayo.” Tumitig si Jasper sa akin ng matagal, hindi ko kinaya ang bigat ng titig niya sa akin kaya ako na ang kusang yumuko para iwasan ito. “Nakaganti ka na sakin, are you s
MULING MAGING AKIN Chapter 109: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “That dear friend of yours is in love with you secretly at gagawin niya lahat makuha ka lang sakin. Sorry na lang siya, hinding-hindi ako pipirma sa annulment papers kahit magkamatayan pa kami.” Nakakatakot ang boses ni Jasper pero mas natatakot ako sa banta niya kay Sven. Kailangan ko kumpirmahin kay Sven ang mga sinabi ng asawa ko. Naguguluhan ako kung sino ang paniniwalaan ko. Kilala ko si Jasper, kapag nag babanta na siya, ibig sabihin ay totoo ang kaniyang sinasabi o malalim ang pinaghuhugutan nito. “Kakausapin ko muna siya, hon. Ako mismo ang magtatanong sa kanya kung ano ang katotohanan.” Baka kasi mali lang ang nakuhang impormasyon ni Jasper. “Sa palagay mo talaga papayag pa ako na makipag-usap ka sa gagóng yun lalo na ng kayong dalawa lang? Kagaya ng sinabi ko kanina, nasasaktan lang ako pero hindi ako nakikipaghiwalay sayo. Hindi ako papayag! Simula bukas, hindi ka na mag tatrabaho pa sa kanya. You will
MULING MAGING AKINChapter 127:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman sa mga narinig ko mula kay Sven. Wala akong makapang galit sa puso ko kahit konti. Sa totoo lang mas lamang sa akin ang kagustuhan ko na bumalik sa dati ang pagiging magkaibigan namin.“S-Sven…” “I know, Mai. I’m sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan.” Putol niya sa nais ko sanang sabihin.“High school pa lang tayo gustong-gusto na talaga kita eh. Sinubukan ko naman pigilan ang nararamdaman ko sayo, kaso ang hirap talaga.” Natawa siya sa sinabi niya pero may luha pa din ang mga mata.“Sven…” Umusog ako palapit sa kanya at hinaplos ang likod niya.“Inaamin ko, Mai hindi ko matanggap noong una na napunta ka sa iba. Akala ko dati, gusto mo na rin ako hindi lang bilang isang kaibigan.” Ramdam ko sakit sa bawat salitang binitawan niya. “Remember? Lagi pa tayo partner sa lahat ng bagay mapa-school activities or outside pa yan. Akala pa ng lahat, even our teachers na magkakatul
MULING MAGING AKINChapter 126:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Wag ka mag alala, ate Apple kahit malaman ng asawa ko ‘yan, hindi yun magagalit sayo. At isa pa, Mai na lang ang itawag mo sa akin.” Nakangiti kong wika.“Baka pagalitan naman ako ni Sir Jasper niyan at tsaka nakakahiya dahil amo kita.” Napakamot leeg pa siya. Makati siguro sa balat ang damit na suot niya.“Ikaw ang bahala pero sa akin ay ayos lang kahit pangalan ko na lang ang itawag mo sa akin.” May mga ilang bagay pa kami na pinag kwentuhan. Maya’t maya din ang pag rounds ng nurses para i-monitor ang status ng anak ko.May mga ilang bagay pa akong nalaman tungkol kay ate Apple. Probinsyana din pala siya gaya ko, walang kasintahan ever since at sinubukan ang kapalaran dito sa Maynila. Nakasama niya pa daw ng ilang buwan si Manang Lila sa mansion bago namahinga ng tuluyan. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at kapwa kami nagulat ni ate Apple sa taong kasama ng asawa ko. Napansin ko din ang bahagyang pagkagulat sa mukha n
MULING MAGING AKINChapter 125:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Base sa resulta ng test, nag-match si Zanyca at Mr. Jasper Smith para sa Bone Marrow Transplant na gagawin. As early as possible, dapat simulan na ang operasyon.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. “Please schedule the operation, doc. I'm ready anytime.” Now, I appreciate him more. Kung siguro naging walang hiya at iresponsable na ama si Jasper at ganito ang nangyari sa anak namin, baka mas lalo lumiit ang chance madugtungan ang buhay ni Zanyca. I’m grateful that he is a responsible one.May mga sinabi pa ang doktor na bagay na dapat paghandaan bago ang araw ng operasyon. Kailangan din physically fit si Jasper. Sa bagay na ito ay wala kami magiging problema dahil healthy living ang asawa ko.Ipinaliwanag din ng doktor kung paano ang operasyon na gagawin at kung ilang porsyento ang chance na maging successful ito. Hindi man 100% but at least, malaki pa rin ang chance at susugal kami dun. Sobrang kinakabahan ak
MULING MAGING AKINChapter 124:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Kinuha ko ang cellphone ko kay Jasper, binigay naman niya ito pero nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ko. Nilagay ko muna ang hinubad ko sa bag na lagayan namin ng labahan. Dumiretso ako papunta sa sofa, busy si Zanyca manood ng cartoons sa T.V. Nakasunod lang din sa likod ko si Jasper.“Kakilala ko sa Singapore, hon.” Tinignan naman niya ako ng malalim at tila may inaarok. “Paano mo naman siya nakilala?” Naku naman! Inaalam pa talaga. Napapakamot batok na lang talaga ako.“Dati ko siyang kapitbahay.” Tipid kong sagot at uminom ng tubig. Iinom pa pala ako ng vitamins. “Niligawan ka niya?” Naubo ako bigla sa iniinom ko. Mabilis naman niya ako inabutan ng tissue at tinapik tapik ng mahina ang likod ko.“Ayos ka lang ba, hon?” Nag-aala niyang taong. Tumango naman ako sa kanya at pinunasan ang bibig ko. Nakakubo pala ang tubig.“So, nanligaw nga siya sayo? Naging kayo ba?” Masungit niyang tanong. Umiling naman ako sa
MULING MAGING AKINChapter 123:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Mommy, why papa Sven is not visiting me? I miss him already.” Inosenteng tanong ni Zanyca habang pinapakain ko siya. Lumingon ako sa asawa ko na kasalukuyang may kausap sa cellphone niya, nakatayo siya malapit sa bintana. Palagay ko ay narinig niya ang sinabi ng anak namin dahil biglang nag salubong ang mga kilay niya.Muli ko sinubuaan ng pagkain si Zanyca bago ako nagsalita. “Your papa Sven is kind a busy, baby. But he told me last time that he misses you too.” “Really? I want to see papa Sven, mommy. Darating naman siya sa birthday ko diba po?” Puno ng pag-asa na tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyon namin ang tungkol sa amin ng papa Sven niya. Alam ko na malulungkot ang anak ko kapag wala si Sven sa kaarawan niya. Naramdaman ko ang presensya ng asawa ko na papalapit.“Do you really want to see him?” Tumango naman si Zanyca. Nag-aalangan naman ako dahil baka makita ng bata na magalit
MULING MAGING AKIN Chapter 122: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Puro ka talaga kalokohan!” Natawa ang loko pero mahina lang. “Mahal kita kahit walang bakbakan na maganap sa atin. Minahal kita dahil ikaw yan. Lahat ng flaws mo, tanggap ko yan basta wala lang iwanan. Yun lang ang hihilingin ko sayo, hon. Magsasama tayo sa hirap at ginhawa. Sabay tayo tataba este tatanda.” Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa. Nauna ng lumabas ang dalawang matanda na kasama namin. Sa sumunod na floor naman kami. Nakaalalay lang sa baywang ko palagi ang asawa ako at marahan lang kami maglakad dahil baka madulas o matalisod daw ako. He's very thoughtful and caring talaga. Kami na agad ang sunod na papasok sa clinic. Dra. Monica Lewis, O. B. Gyne ang nabasa ko na nakalagay sa pinto. “Oh, hi dear! Long time, no see, Rayn!” Maganda ang ngiti na bati ng doktora pagkita sa asawa ko pero ako, parang hindi niya nakikita. Tumayo pa ito at b****o sa asawa ko, may pagyakap pa ito at kitang
MULING MAGING AKIN Chapter 121: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Kinaumagahan, sinamahan ako ng asawa ko para magpa-check-up. Kumuha muna si Jasper ng isa sa mga kasambahay niya para maging yaya ni Zanyca. May mga tauhan din siya na inatasan sa pagbabantay sa anak namin. “Babae ba yung O. B. Gyne doctor ko, hon?” Curious na tanong ko habang papunta kami sa clinic nito. “Of course, hon! Palagay mo naman papayag ako na lalaki ang mag check-up sayo? Baka makapatay pa ko pag nagkataon.” Seryosong wika niya. Napairap naman ako sa asawa kong ubod ng seloso, parang nagtatanong lang eh. “Ewan ko sayo. Napaka seloso mo! Pero kayong mga lalaki, okay lang kapag babae ang doktor ang mag check-up sa inyo, samantalang kayong mga lalaki naman ang mabilis matukso. Ang unfair!” Kung gwapo ang doktor, syempre unfair talaga yun. Hindi yun makatarungan. Yun nga lang, hindi ko pwede isaboses yun dahil may magagalit na naman. Baka imbes na isang bata lang ang nasa loob ng tiyan ko, maghimala ang
MULING MAGING AKIN Chapter 120: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Gulat na gulat na nakatingin sakin si Jasper at ilang beses pa kumurap ang kanyang mga mata. Kinuha ko sa bag ko ang medical result ko at inabot sa kanya. Kasama na rito ang ultrasound ko. Hindi pa rin siya makapagsalita at nanginginig ang kamay ng kunin sakin ang papel. “Is… Is this really true, hon? Y-you're pregnant?” May mumunting luha sa kanyang mga mata. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Pinahid niya ang luha niya, biglang siyang tumayo at nagtatalon sa tuwa. “Yes!!! Thank you, hon! I'm so happy. I have two lovely angels.” Niyakap niya ako at hinalikan sa labi ng mariin. Yumuko din siya para halikan ang tiyan ko. “Mwah mwah mwah! I love you so much my little buddy. Thank you for coming! I will protect you and your ate Zanyca. Wag mo pahirapan ang mommy natin. Okay ba yun? ” Napangiti ako sa pag kausap ni Jasper sa anak namin sa tiyan ko. Ganito din siguro siya kay Zanyca kung sakali
MULING MAGING AKIN Chapter 119: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Tumango ako kay Jasper kahit natatakot ako sa mga maaari kong malaman. “H-handa na ko. Sabihin mo lahat, makikinig ako.” Nag buntong hininga pa ako, inabutan naman muna ako ni Jasper ng inuming tubig na kaagad ko naman inubos. Muli niyang pinagdaop ang mga palad namin. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata ko. “On the night of our first wedding anniversary, I was really planning to give you the annulment paper because I want to cut our one year agreement. I'm planning to propose to you the next day.” Naguguluhan akong nakatingin lang sa kanya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Gusto ko muna marinig lahat ng sasabihin niya. “Humingi ako ng tulong kay kuya Japeth para surpresahin ka, tumulong silang mag-asawa sakin. Kaya din anong oras na ako nakauwi ng gabing yun dahil sinigurado ko na kumpleto at maayos na ang lahat bago pumutok ang umaga. Hindi ko naman akalain na mabilis mo akong iiwan. Akala ko noo