MULING MAGING AKIN
Chapter 4:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
Nag-file ako ng leave para sa araw na ito para makapag-prepare ng mas maaga para sa surprise dinner ko kay Jasper. Ngayong araw ang first wedding anniversary namin. Excited na ako ibalita sa kanya ang pagdating ng aming anghel. Sigurado ako na matutuwa siya dahil mahilig siya sa mga bata.
Nagpatulong na lang ako sa mga kasambahay para sa pagluluto. Dahil espesyal ang araw na ito sa akin kaya mas gusto ko na ako ang magluto para sa asawa ko.
Habang naghihintay sa pagdating ng asawa ko, naligo muna ako, nagbihis ng sexy at nagpahinga sandali. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nataranta ako bigla nang magising ako dahil pasado alas-nueve na.
Wala pa ang asawa ko ng magising ako. Wala rin siya na kahit anong mensahe sa akin. Sinubukan ko siya tawagan. Tatlong beses ko siya tinawagan pero tatlong beses niya rin pinatay ang tawag ko. Hindi na lang ako tumawag dahil baka busy pa talaga siya. Maghihintay na lang siguro akom
“Sana man lang umuwi siya ng mas maaga-aga ngayon dahil wedding anniversary namin.” Malungkot kong bulong sa sarili. Nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Inaalala ko ang baby sa tiyan ko kaya kumain na muna ako kahit konti ng dessert na ginawa ko.
Naghintay pa ako ng ilang oras at dahil nga sa buntis ako ay mabilis lang ulit ako antukin. Pinipilit ko gisingin ang diwa ko.
“Ma'am MaiMai, magpahinga na po kayo sa kwarto niyo. Ako na lang po maghihintay kay sir.”
Nag-aalala na sabi ni manang Lila.
“Okay lang po ako manang. Magpahinga na po kayo, ako na ang bahala dito.”
“Sigurado ka ba ma'am? Tawagin mo na lang kami kapag may kailangan ka.” Nginitian ko naman si manang Lila at tumango.
“Hating gabi na pala.” Bagsak balikat akong tumayo para pumunta sa kusina. Pinilit ko na lang kumain kahit konti sa mga niluto ko alang-alang sa anak ko. Hindi ko na inistorbo ang mga kasambahay para magligpit, ako na lang ang nagkusa.
Matapos magligpit, umakyat na ako sa kwarto para magbihis ng pang tulog ko. Malungkot ako na tumingin sa sarili ko sa harap ng salamin.
“Napabayaan mo na pala ang sarili ko. Kaya hindi niya siguro ako makuhang mahalin dahil sa pisikal kong anyo. Kailan ba ako huling nag-ayos ng sarili ko?” Natawa na lang ako sa pagka-usap ko sa sarili ko. I just realized, simula pala ng ikasal kami ni Jasper, wala na akong ibang inasikaso kundi siya.
Matagal ko din na tinignan ang repleksyon ko, magulo ang buhok, maitim ang ilalim ng mata, maputla, at bahagyang lumubo ang katawan ko. In other words, losyang ako tignan. Wala na ang dating magandang hubog ng aking katawan, na madalas noon naka-exposed. Ngayon, nakatago na lang sa malaking damit. Maputi at makinis naman ako, mahaba at straight din ang buhok pero ngayon ay wala man lang suklay sa maghapon.
Hindi kagaya ng asawa ko na hanggang ngayon napaka gwapo parin. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, may mapang-akit na hugis na labi, kulay grey ang mga mata at laging mabango. Palibhasa ay amerikano ang ama. Sana makuha ng baby namin ang looks niya lalo na ang kulay ng mata.
Nakahiga na ako sa kama namin nang dumating si Jasper. Nagbasa na lang ako ng libro para ma-divert ang atensyon ko. Nalulungkot ako pero ayaw ko na intindihin pa yun, makakasama lang sa amin ng baby ko.
“Gising ka pa pala. Tamang-tama, may gusto ako sabihin sayo.”
Parang balewala lang sa kanya ang espesyal na araw na ito.
“Ako din may gusto din sana sabihin sayo pero ikaw na lang ang mauna.” Seryoso kong saad. Sasabihin ko pa rin sa kanya ang tungkol sa anak namin.
“Magbihis na muna ako.” Ilang minuto din ang tinagal ni Jasper sa banyo. Habang nasa loob ng banyo ang asawa ko ay panay ang tunog ng cellphone niya. Sinilip ko kung sino ang tumatawag, bagay na sana hindi ko na lang pala ginawa.
“Babe Yas.” Mahinang basa ko sa nakaregister na pangalan. Para akong na estatwa, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko na hindi magagandang bagay.
Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto ng banyo, saktong namatay ang tawag. Halatang naligo pa muna ang asawa ko.
Kumuha ng alak si Jasper at pumunta sa terrace. Malapit lang ito sa higaan namin. Nakamasid lang ako sa malapad na likod niya. Napapatanong ako sa sarili ko kung talaga ba na hindi naalala ni Jasper ang wedding anniversary namin, wala ba talaga yun halaga sa kanya? At sino yung tumawag kanina? Babe Yas? Hindi kaya ang ex-girlfriend niya? Yasmine ang pangalan nun kaya posibleng siya nga. Kumirot na naman ang puso ko.
Lumapit sa akin si Jasper at inabot ang isang folder na nakapatong sa lamesa. He is giving me cold stares.
Kinuha ko ito sa kamay niya, may kung ano akong kaba na nararamdaman.
“Annulment paper?” Tanong ko kay Jasper at tumingin sa mga mata niya. Pigil ang luha ko sa mga sandaling ito. Dahil ba sa babaeng mahal niya?
“Yes. I already signed it, pirma mo na lang ang kailangan but it can wait tomorrow.” Balewala nitong sabi. Samantalang ako, durog na durog na.
“After you sign it, I want us to…”
“I understand. I'll sign it tomorrow. Gusto na sana matulog kung ayos lang? It's already 2 am.”
May nais pa sana sabihin si Jasper pero hindi ko na pinatapos pa. Ayaw ko na makarinig ng kahit ano mula sa kanya. Kahit nasasaktan ng labis, hindi ako nagpakita ng kahit konting lungkot at pagluha sa harap niya. Kahit ito man lang, ma-save ko ang sarili ko. Ayaw ko na mag mukhang kawawa pa.
“Alright. Let's sleep then.” Kalmado niyang sabi.
Naramdaman ko pa ang pagyakap sa akin ni Jasper mula sa likod ko at paghalik sa ulo ko. Nakatalikod ako sa kanya dahil ayaw ko na makita niya ang pagluha ko.
Hinintay ko si Jasper na makatulog ng mahimbing. Hindi ko na hihintayin pa na pumutok ang umaga, ako na ang kusang aalis. May kahihiyan pa naman ako sa sarili ko.
Pumatak ang luha ko sa annulment paper matapos ko itong pirmahan. Napatakip ako ng mariin sa bibig ko para hindi ako makalikha ng ingay.
Nakahanda na ang iilang gamit ko sa pag-alis, wala rin naman ako masyadong dala nang pumunta ako dito. Mabigat sa loob na hinubad ko ang wedding ring namin at ipinatong sa ibabaw ng annulment paper.
Pinakatitigan ko muli ang asawa ko sa huling pagkakataon at hinalikan siya sa labi. Wala na akong plano magpakita pa sa kanya. At kung nagkataon na magkita man kami, desidido na ako na hindi ipakilala sa kaniya ang anak namin. Habang buhay ko iyon ililihim.
“Kung dumating man ang panahon na magkita tayo ng hindi sinasadya, sana wala na ang sakit sa puso ko at pareho na tayong masaya sa buhay. Salamat sa magandang regalo na iniwan mo sa akin. Aalagaan at mamahalin ko ang anak natin hangga't nabubuhay ako.”
MULING MAGING AKINChapter 5:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –MAKALIPAS ANG PITONG TAON ✤“May malaking project tayo sa Pilipinas and you are going with me.”Napanganga na lang ako sa sinabi ng boss ko. I have been working here in Singapore for six years as a secretary of Sven Dione Tan, CEO of WorldConstruct Enterprises. “K-kasama talaga a-ako?” Alanganin kong tanong. “Of course, ikaw lang naman ang secretary ko? Don't tell me may tinataguan ka sa Pilipinas?”Nakangising sabi ni Sven. Inaasar na naman ako ng isang ‘to! Alam niya kasi ang istorya ng buhay ko. Actually, siya nga ang tumulong sa akin makarating dito sa Singapore at binigyan ako ng trabaho bilang secretary niya. Si Sven ang naging katuwang ko sa lahat ng bagay dahil hindi pa ako sanay dito Singapore. Mula sa pagbubuntis ko hanggang sa pagpapalaki sa anak ko ay nariyan siya. Hindi ko akalain na ang patpatin na kaibigan ko simula elementary kami ay isang bigatin na CEO na pala sa nakalipas na taon. Malayong-malayo na si Sven
MULING MAGING AKINChapter 6:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –“Kailangan na magtrabaho ni mommy, anak. Behave ka dito kila lolo at lola ha? I will call you everyday and of course, you can call me too.”Niyakap ko ang anak ko at hinalikan sa noo. “Yes, mommy. Papa Sven, please take care of mommy.”Tumingala pa si Zanyca kay Sven. “Sure, baby girl. You can count on me.”Kinarga ni Sven ang anak ko at hinalikan din ito sa pisngi. Ngayon pa lang, nakakaramdam na ako ng lungkot. Hindi pa man din kami nakakaalis, na mi-miss ko na agad ang anak ko. Ganito talaga siguro kapag nanay na. Matapos magpaalam sa pamilya ko, bumiyahe na din kami kaagad patungo sa accommodation namin na malapit lang din sa site. Isang high-class condominium building ang pinasukan namin. Magkatabing unit sa 5th floor ang nakalaan para sa amin ni Sven. Masasabi ko na totoo ang sinabi ni Sven na hindi lang basta pipitsugin ang kliyente ng WCE ngayon. Nang mailagay na namin ang mga dala naming gamit sa kaniya-kaniya namin
MULING MAGING AKINChapter 7:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –“Wanna have some drinks?”Napalingon ako sa taong nag-aabot sa akin ng baso na may lamang hard liquor, it’s Architect Lopez. Nginitian ko naman siya at umiling. Gwapo din itong si Architect Lopez, kasing tangkad din ni Sven at bata pa. Siguro ay matanda lang sa akin ng ilang taon pero hindi ko gusto ang tingin niya sa akin.“Thanks but no, architect. Hindi po ako nainom ng alak.” Magalang kong pagtanggi.“Oh, I see. I'm sorry for that.” Maayos at nakangiti naman niyang sabi. Mukha naman na hindi siya na offend sa pagtanggi ko.Nagtungo kasi saglit si Sven sa restroom kaya ako lang mag-isa dito sa pwesto namin. “Do you need anything, architect Lopez?” Baritonong boses ni Sven. Nakakunot ang noo at mag kasalubong ang kilay nito.“Nothing, Mr. Tan, Inalok ko lang si ms. MaiMai ng maiinom.” “Thanks for your offer but she’s not drinking alcoholic drinks.”“Yeah, she already told me. Sorry for that again.”Nag-sukatan ng tingin si Sve
MULING MAGING AKINChapter 8:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –Halos isang oras na rin ang nakalipas nang magsimula ang wedding ceremony ni Jane at Virgilio, halos isang oras ko na rin hindi maintindihan ang pakiramdam ko. Pakiwari ko ay kanina pa may nakamasid sa bawat kilos ko mula sa kung saan. Pinipilit ko na lang balewalain ang nakakakaba at kakaibang pakiramdam ko. Nakakahiya naman sa kinakasal kung bigla na lang ako aalis. Labis pa naman ang tuwa ni Jane nang sabihin ko na pupunta ako sa araw ng kasal niya. Nangako din ako na mag overnight ako sa resort kung saan gaganapin ang kasal at reception nila. Pumayag ako basta ang kondisyon ay aalis din ako ng maaga kinabukasan dahil may pasok pa ako, pumayag naman ang mga kaibigan ko. Dahilan ko lang talaga yun.“Mare kong expired!!! I miss you so much. Napaka ganda mo! Lalo kang gumanda at sumeksi. Bagay na bagay sa'yo ang short hair.”Excited na lumapit sa akin si Jane. Yumakap kami sa isa't-isa. Yumakap din ako sa groom niya. Hindi ko aka
MULING MAGING AKIN Chapter 9: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Aba'y oo naman po sir! Ikaw pa ba ang hindi pwede eh isa ka sa mag-sponsor sa kasal namin. Hehe. Dito ka sir.” Hinila ni Virgilio ang upuan sa katapat ko. Hindi ko alam kung wala na ba talagang iba na pwedeng pwestuhan o sinasadya talaga niya na doon pa pwestuhin sa harap ko ang ex-husband ko. Naramdaman ko ang pag-upo ng isang nilalang sa harapan ko, hindi naman sa assuming ako pero parang nakatingin siya sa akin. Bahagya kasi akong nakayuko dahil kinakalikot ko ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ang message ni Zanyca. “Mommy, lolo teach me how to catch a fish. I'm so happy ‘cause I caught a big fish, they called it tilapia and lolo catched some crabs. It's so nakakatakot, my gosh!” Na imagined ko na ang itsura niya habang nag ku-kwento. Hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik ang paligid. Pakiwari ko ang lahat ay nakatingin sa aking gawi. Kaya naman kunot noo akong nag-angat ng ulo kay Virgilio at tinaasan
MULING MAGING AKINChapter 9:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –“Aba'y oo naman po sir! Ikaw pa ba ang hindi pwede eh isa ka sa mag-sponsor sa kasal namin. Hehe. Dito ka sir.”Hinila ni Virgilio ang upuan sa katapat ko. Hindi ko alam kung wala na ba talagang iba na pwedeng pwestuhan o sinasadya talaga niya na doon pa pwestuhin sa harap ko ang ex-husband ko.Naramdaman ko ang pag-upo ng isang nilalang sa harapan ko, hindi naman sa assuming ako pero parang nakatingin siya sa akin. Bahagya kasi akong nakayuko dahil kinakalikot ko ang cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ang message ni Zanyca. “Mommy, lolo teach me how to catch a fish. I'm so happy ‘cause I caught a big fish, they called it tilapia and lolo catched some crabs. It's so nakakatakot, my gosh!”Na imagined ko na ang itsura niya habang nag ku-kwento. Hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik ang paligid. Pakiwari ko ang lahat ay nakatingin sa aking gawi. Kaya naman kunot noo akong nag-angat ng ulo kay Virgilio at tinaasan siya ng k
MULING MAGING AKINChapter 10:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –Matapos ko kausapin si Sven ay agad din naman ako bumalik sa pwesto ko. Nag-insist kasi siya na sunduin ako bukas ng maaga. Ayaw ko sana dahil siguradong makikita siya ng mga kaibigan ko at ayaw ko magkaroon ng issue, pero ang lakas mangonsensya ng isa na ‘to. Porke't nagkita na daw kami ng ex-husband ko, itsapwera na daw siya. Kung anu-ano pa pinagsasabi kaya umoo na lang ako para wala ng drama. Wala naman talaga ako pasok kinabukasan dahil Biyernes ngayon. Kaya nagpupumilit din si Sven na sunduin ako dahil malayo at matagal ang byahe tapos di-diretso pa kami kila mama. Pinagpawisan ako sa nararamdaman kong kaba kanina kaya hinubad ko na muna ang suot kong blazer. Na exposed ang likod dahil sa backless kong mini dress na kulay beige. “Tagal niyo naman ni papa Sven ah!” Pang-aalaska ni Virgilio. Hindi naman ako sumagot at nginitian lang siya pero sa isip ko kanina ko pa siya sinasabunutan. “Hoy, bes sino yun ha? Wala kang
MULING MAGING AKINChapter 11:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –SPG ALERT! “Secret, walang clue.” Lasing na sabi ko kaya naman hinila ni Jane ang buhok ko. Natawa naman sila sa amin. Kahit lasing na ako, sinigurado ko wala akong mababanggit na hindi dapat. Hindi naman ako madaldal kapag lasing, sabi nga ng dati kong asawa, sa kama lang ako maingay. Teka nga. Bakit ba lagi ko na lang nababanggit ang isang yun? Napa-irap na lang ako sa isip ko. Nag-message pa akong muli kay Sven at sa anak ko. Si Zanyca for sure tulog na dahil ang last message pa niya ay matutulog na daw siya. Si Sven ay kanina pa naghihintay sa reply ko kaya nag message muna ako sa kanya na matutulog na rin ako. May mga naiwan pa na nag-iinuman pag-alis namin nila Jane. Hinatid pa nila akong mag-asawa sa room ko. Sa may dulong bahagi ito. Nahihilo na ako pero kailangan ko pa rin maglinis ng katawan bago matulog. Gusto ko pa nga sana mag-swimming sa dagat kaso baka mapano lang ako, mapagkamalan pa akong sirena. Doon na l
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 15 THIRD PERSON'S POINT OF VIEW – “Umayos nga kayong tatlo para kayong aso na hindi mapatae.” Pang-aasar na sabi ni Jasper sa tatlong kaibigan-Cosmo, Yago at Sven. Aligaga sila at hindi malaman ang gagawin. “Bakit kasi wala pa sila?” Kinakabahan na tanong ni Sven. “Oo nga, ilang minuto na pero wala pa ni isa sa kanila ang na labas.” Nag-aalala na wika ni Yago. “Hindi kaya nagbago na ang isip nila? Naging runaway brides, ganun?” Natatakot na tanong ni Cosmo. “Ayan! Mga ugok kasi kayo! Uso din kasi maligo! Wahahaha!” Nang-aasar na sabi ni Jasper. Sabay-sabay tumingin ng masama ang tatlo kay Jasper. “Narito na ang mga bride.” Anunsyo ng lalaki na naka-assign sa pagbukas ng gate ng simbahan. Hindi naging mahirap para kina Apple, Lovebel at Zabrynna ang maging magkakasundo na parang magkapatid dahil na rin kay MaiMai kaya ang tatlo ay nagkasundo na mag-triple wedding. Hindi pabor ang mga kasintahan nila pero wala naman magawa ang mga ito dah
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 14 ❥SVEN DIONE TAN❥ “Good morning, sweetheart.” Nakangiti kong bati sa matamis na mansanas na katabi ko ngayon. Hinalikan ko siya sa noo, hahalikan ko na sana siya sa labi pero agad niya ako tinulak at tinakpan ang bibig niya. “Oy sandali naman! Hindi pa ko nakakapag-toothbrush eh.” Now I know that she is always conscious ro her smell. Ang bango-bango naman niya, lalo na yung… nevermind. Basta mabango siya, mula ulo hanggang talampakan. Natawa ako kay Apple ng umupo siya, binalot niya ng makapal ang buong katawan na halos kamay at mukha na lang niya ang kita. Para siyang nahihiya na makita ko ang hubad niyang katawan, ang maalindog niyang katawan. Nag-init ako bigla ng naalala ko mga nangyari sa amin kagabi. It was indeed a night to remember. “You don't have to be shy, sweetheart. I love every part of your body kahit pa ang kasingit-singitan mo.” Pinisil ko ang namumula niyang pisngi na kinanguso naman niya at sinamaan pa ako ng tingin. I
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 13 ❥SVEN DIONE TAN❥ “Bátúta? Yung mahaba na matigas at mataba?” Napalunok ako ng laway sa tanong ng lasing na 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨. 𝐈ba ang dating sa akin ng tinanong niya sabayan pa na parang nakakaakit niyang boses. Malumanay na nakakahalina. Kagagawan siguro ito ng alak, kung ano-ano na ang na i-imagine ko. “Y-yeah! Kaya bumangon ka na please baka bumaon pa yan.” For goodness sake, she's a living temptation! “Uhm… mamaya na, ang sarap kaya dito. Wag ka ngang kíll joy, sir.” Nanginig ang kamay ko ng ikiskis niya ang pang-ibaba niyang katawan. Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya dahil hindi ito tama, na parang ayaw ko din. Ang sarap ng ginagawa niya! Shít! Nakakuyom ang kamao dahil pinipigilan ko ang sarili ko na itulak siya. Pwede ba ako maging makasarili kahit ngayon lang? Hindi ko naman siya sinamantala, siya ang ayaw umalis sa ibabaw ko. Gusto ko bigyang laya ang sarili ko makakilala ng ibang babae. Sa loob ng mahabang panahon,
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 12 ❥SVEN DIONE TAN❥ “Bakit ba kayong mga lalaki hindi makuntento sa iisang babae? Lagi ba talaga dapat may reserba? Porke ba dalawa itlog niyo dapat dalawa din babae nyo? Bakit?! Iisa lang naman títí nyo ah??! Bakit??? Sumagot ka sir!” Lasing na sabi ng isang babae na hindi ko naman kilala. Naiiling na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman naranasan magkaroon ng kabit kaya hindi ako maka-relate sa sinabi niya. Pulang-pula na ang mukha at leeg niya sa sobrang kalasingan. Hindi ko siya pinapansin noong una dahil tahimik lang siyang umiinom. Magkatabi lang ang lamesa namin dito sa Al fresco ng isang restobar na malapit dito sa dagat. Tahimik lang din akong umiinom ng alak, gusto ko magpakalasing dahil sa sobrang sakit ng puso ko. Tinamaan na rin ako ng alak dahil dama ko na ang pamamanhid ng pisngi ko. Hindi ko matanggap na sa sakripisyo ko, hindi pa rin ako ang pinili ng babaeng matagal ko ng minamahal. Hanggang ngayon, matalik na kaibigan at
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 11ʚDAX YAGO WALKERɞ“Kahit narito kayo sa iisang bahay, hindi ko kayo papayagan magkatabi na matulog hangga't hindi natatapos ni Yago ang usapan namin.” Biglang wika ni tatay habang naghahapunan kami. Bagsak ang balikat ko sa sinabi ni tatay. Kung alam ko lang na bawal kami magtabi, binembang ko na si my Love. Pero hindi! Pag gusto maraming paraan. “Tatay naman, saan naman matutulog ang asawa ko este si Yago niyan? Malamok kaya sa sala.” Nakangusong sabi ni my Love. Palihim akong napangiti sa pag protesta niya. Hinawakan ko ang hita niya na malapit sa kanyang singit at marahang pinisil. Hindi naman halata ang ginawa ko dahil nasa ilalim ito ng lamesa.“Wag ka mangatwiran diyan, mahigit dalawang linggo na siya natutulog sa diyan sa sala wala naman siyang reklamo.” Masungit na sabi ni tatay. Natawa si nanay sa sagutan ng mag-ama.“Ikaw naman, mahal. Marami naman talaga lamok sa sala. Hayaan mo na siya matulog sa kabilang kwarto.” Nakangiting sabi n
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 10 ʚDAX YAGO WALKERɞ Kagaya ng nakagawian, maaga kaming gumising ni tatay Loro para magtrabaho sa bukid. Madilim dilim pa ang paligid pero nagtatrabaho na kami. Pabor sa akin ang ganitong oras para hindi masakit sa balat ang init. Wala kaming baon na pagkain para sa tanghalian ngayon dito sa bukid dahil sabi ni nanay ay siya na daw ang maghahatid after niya magluto. Ang dala lang namin ngayon ay inuming tubig, isang balot ng pandesal at kape barako na nakalagay sa termos. May maliit naman na kubo sa taas ng bundok para pahingahan namin, may ilang gamit din sa kusina. Naghiwalay kami ni tatay ng pwesto sa pag-aani, siya ang kukuha sa mga ampalaya, talong at okra, ako naman sa mga pipino, kalabasa, sili at papaya. Marami-rami din ang aanihin namin kaya panigurado na aabutin kami ng hapon. Hindi ko na namalayan ang oras, naisapan ko na muna bumalik sa kubo para uminom ng tubig. Habang papalapit ako sa kubo ay nakarinig ako ng mga boses pero hin
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 09ʚDAX YAGO WALKERɞ“Grabe ang gwapo naman ng trabahador mo, manoy Loro.” Dinig sa sinabi ng isa sa mga kapitbahay nila tatay.“Oo nga, manoy. Matuod. Parang kano pa. Baka naman wala pa siya katrato o baka may manghod pa yan siya baka naman pwede mo reto sa dalaga ko. Makalahi man lang sa foreigner.” Tila kinikilig na wika ng isang may edad na babae.“Ikaw talaga, mare. Dili na siya pwede. Kape tayo.” Natawang sabi ni tatay. Tinaas pa niya ang kamay na may hawak ng tasa ng kape.4 in the morning pa lang ay gising na ako para simulan na ang utos ni tatay, ang magsibak ng kahoy at magpakain ng mga alaga niyang hayop.Sa sala lang nila ako natulog kagabi, pinag latag lang ako ni nanay ng banig na may makapal na kumot at dalawang unan. Wala naman itong problema sa akin. Kahit walang aircon o electricfan man lang, napaka lamig pa rin sa gabi. Gusto ko sana matulog sa kwarto ni Lovebel dahil parang kasama ko na rin siya pero hindi pwede.Hindi pa kami n
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 08ʚDAX YAGO WALKERɞ“Na engkanto ka ba, iho? Nalipasan ng gutom? Aba’y kumain ka muna, tamang-tama kakatapos lang ng misis ko magluto ng almusal. Sandali ah… Mahal, pwede mo ba ipaghain ang bisita natin? Kawawa naman, nalipasan ng gutom eh.” Napakamot ako ng ulo sa sinabi ng future father-in-law ko, I mean ng tatay ni Lovebel.“Sino ba ang bisita mo, mahal? Kay aga-aga naman niyan.” Sigaw ng ginang mula sa kusina nila. Maya-maya pa ay nakita ko na itong sumilip at namamanghang nakatingin sa akin habang nakanganga pa. Hindi kaya pasukan ng langaw ang bibig niya?“Yago daw ang pangalan niya. Palagay ko nga ay na engkanto ang gwapong binata na ito eh, biruin mo ba naman, nagpapaalam na hihingiin daw ang kamay ng panganay natin.” Hindi naman ako na engkanto, bakit ba ayaw nila maniwala na gusto ko pakasalan ko ang anak nila? Mukha ba talaga akong hindi seryoso? Tsk.“Ano??? Si Lovebel? Aba’y nalipasan nga ng gutom yan, mahal. Sandali, magdadala ako ng
Muling Maging Akin - SPECIAL CHAPTER 07 ʚDAX YAGO WALKERɞ “At kung kasama ka, parang naglakad ang aso, kaso date 'Pag galit si Son Goku, parang kamukha mo, babe Pero ika'y bituin kapag sa langit nakadungaw Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw.” Mapang-asar na kanta ko sa awitin ni Abra, ang GAYUMA with matching dance pa. Mabilis akong humalik sa pisngi ng babaeng kasama ko buong gabi dito sa hotel na pag-aari ng kaibigan ko. Feel ko lang kumanta, wala lang, masaya kasi ako eh. Ikaw ba naman naka-bembang all night from left to right, up and down. From North, East, West, to South Korea. Annyeong! Annyeong lupa! Kamsahamnida! Sarang eut oppa! “Tigilan mo ako sa kakaasar mo. Wag mo ipagpilitan na ginayuma kita, sa panget mong yan?” Pikon na sabi ng honey, my love, so sweet ko. Kahit ganun ang sinabi niya, hindi ako na pikon. Natutuwa pa nga ako eh, at least pinapansin na niya ako. Kahit para kaming doggy at pussy araw-araw kung magbangayan, love ko yan. Perfect match! Ta